Matatagpuan ang pangkat ng mga aeta sa halos lahat ng dako ngkapuluan. Mayiba't iba silang pangalan sa iba't ibang lugar. Higit silang marami sa Luzon. Aeta oAyta ang tawag sa kanila sa hilagang Luzon. Ibuked naman ang tawag sa mgaaetang nakatira nang malayo sa mga kapatagan. Sa Kofun, Diango, Paranan atAssao saCagayan, Ugsig at Aita ang tawag sa kanila. SaPalawan, Batak angtawag sa kanila. Sa Silangang Quezon,RizalatBulacan, Dumagat ang tawag samga Aeta.Nawala na ang orihinal na wika ng mga Aeta dahil inangkin na nila angwikang mgatagakapatagan na kanilang nakakasalamuha. Hindi pa rin naalis sa kanilaangkulturang pangangaso at paghanap ng mga pagkain mula sa mga halaman sakapaligiran. Bihasa rin ang mga babae at batang Aeta sa tradisyunal na paraan ngpangingisda gamit ang sima, bitag, lambat at sibat.Pulut-pukyutanang espesyal napagkainpara sa mgaPinatuboAeta at Ibuked Ayta.Kumakain din ang mga Pinatubo Aeta ng umok o maliliit na pukyutan at ng latak nanakukuha sa bahay ng pukyutan.Pamilya ang pangunahing yunit ng lipunang Aeta. Gayunpaman, tinutulungan din ngpamilya ang kapamilyang namatayan ng asawa. May pantay na karapatan angkanilang mga anak at mahigpit ang pagkakaugnay ng magulang at anak. Isa lamangang asawa ng bawat Aeta. Bawal sa kanila ang pag-aasawa sa malapit na kamag-anak. Ngunit pinapayagan ang ilan namagpakasalsa pinsang buo matapos ganapinang ritwal na “paghihiwalay ngdugo.”Nakabatay sa paggalang sa matanda ang sistemangpulitikang mga Aeta. Ang mgaiginagalang na pangkat ng matatanda ang nagpapanatili ng katahimikan atkapayapaan sa pamayanan. Ang kinikilalangbatasay yaong nabuo mula satradisyon.Naniniwala ang mga Aeta na may mga ispiritu ang lahat ng mga nasa kapaligirantulad ngilog,dagat,bundokat iba pa. Ito ang dahilan kung bakit kanilangiginagalang ang kalikasan. Hindi sila pumuputol ng puno kung hindi rin lamangkailangang-kailangan. Naniniwala silang iniinsulto ang ispiritu ng kalikasan kapaginaaksaya ito.
Matatagpuan ang mgaTinguiansaAbra.Nagtatanim sila ngpalaysa mgakapatagan at sa mga bai-baitang na palayan. Mahilig sila samusika, damit atpersonal na palmuti. Naglalagay sila ng tatu at iniitiman angngipinupang akitin angnapupusuan.Naniniwala ang mga Tinguian sa pagkakaroon ng isang asawa lamang. Itinuturingnilang krimen ang pagtataksil sa asawa at pinapatawan ng malaking multa angsinumang muling nagtataksil. Walang multa kung kusa ang paghihiwalay ng mag-asawa.
Naninirahan ang mgaTagbanwasa baybaying dagat sa gitnangPalawan.Nabubuhay sila sa pamamagitan ngpangingisda, paghahalaman at pangangaso.Mayroon na ring pampulikang balangkas ang mga Tagbanwa. Masakampu angkanilang tawag sa pinuno ng pangkat. Blusang mahahaba ang manggas atmakukulay na paldang patadyong ang kasuotan ng mga babae samantalangnagsusuot lamang ng bahag ang mga lalaki. May bahid ng Malayo-PolinesiyaatIndyanang mga Tagbanwa.
Naninirahan sa mga liblib na pook ng Mindoro ang mgaMangyan. Mahiyain silangtribo. Kayumanggi ang kanilang kulay, itim ang buhok, may maamongmataatkatamtaman ang tangkad.May iba’t ibang tribu ng Mangyan. Tinatawag na Hanunuo ang isang grupo ngMangyan na ang ibig sabihin, sila ang tunay na Mangyan. Kumukuha sila ngikinabubuhay sa mga kagubatan, pangisdaan at kalakalan sa Mindoro.Sa kasalukuyan, sinauna pangalpabetoang gamit sa pagsulat ng mga pagpapantig.Ang ambahan ang kanilang natatangingpanitikanna kanilang napanatili sapamamagitan ng pag-ukit nito sa mga kutsilyo, mga kagamitan at sa mga lukas olalagyan ng nganga.Ang mga Alangan o Mangyan sa hilaga ang purong Mangyan. Mayroon silang tipongNegrito. Sa mga kasukalan ng Mindoro sila nananahanan atkamoteang kanilangpangunahing pagkain.
Sa gitnang bahagi ng hilagang Luzon ang tirahan ngmga Ifugao.Galing sa salitangipugo na ang ibig sabihin ay "mula sa mgaburol" ang salitang Ifugao.Ang tipikal na pamayanan ng mga Ifugao ay ang tumpok ng mgakwadradongkubona natutukuran ng poste. Tulad ng ibang lipunan, mayroon dingmga ari-arian ang mga Ifugao. Ang mga mayaman at mga may titulo ang nag-aari ngmaraming hinagdang palayan. Tuwing may pagdiriwang ang mayayaman tulad ngkasal o libing, masagana ang handaan.May kanya-kanyang gawaing ginagampanan ang bawat Ifugao. Iniuukol nila angkanilang maghapon sa paggawa. Katulad ng ibang pangkat, mayroon ding diborsyosa mga Ifugao. Naniniwala sila sa pagkakaroon ng iisang asawa.
Matatagpuan ang mga Kalinga sa pinakahilagang bahagi ng Luzon. Mahilig silasamakukulayna pananamit at pampaganda. Napakahalaga sa kanila ng mgapampalamuting alahas sa buongkatawan.Ang ibinibigay na dote para sa ikakasalay tinatawag na ballong o kalon. Maaaring magkaroon ng higit sa isang asawa angisang Kalinga.Bilang mga mandirigma at mamumugot, ginagawa ng mga Kalinga ang budong,isang kasunduang pangkapayapaan, upang maiwasan nila ang pakikidigma sa isa'tisa.
Matatagpuan ang mgaItawissa timog-kanlurang bahagi ng Cagayan. Ang Itawes aynagmula sa mga salitang I at tawid na nangangahulugang "mga tao sa kabila ngilog". Kilala rin sila sa tawag na Itawit, Tawish, Itawi at Itaves. Karaniwangnaninirahan ang mga Itawis sa isang pamayanan kasama angmga Ibanagat maysarili din silang wika na ang tawag din ay Itawis.Pangunahing ikinabubuhay ng mga Itawes ang pag-aalaga ng hayop, pangangaso,pangingisda, paggawa ngalak,bulak paghahabi at pagsasaka.
Tinatawag ding Gadam, Gaddanes o Iraya ang mga pangkat-etnikong ito namatatagpuan saNuevaVizcaya atIsabela. Tahimik at matulungin angmgaGaddangbagaman handa silang makipaglaban kung kinakailangan.