Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more ➡
Download
Standard view
Full view
of .
Add note
Save to My Library
Sync to mobile
Look up keyword
Like this
426Activity
×
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
2010 SONA President Benigno S. Aquino III

2010 SONA President Benigno S. Aquino III

Ratings:

4.67

(3)
|Views: 57,899|Likes:
First State of the Nation Address of President Benigno S. Aquino III. Includes official English translation.
First State of the Nation Address of President Benigno S. Aquino III. Includes official English translation.

More info:

categoriesTypes, Speeches
Published by: Manuel L. Quezon III on Jul 26, 2010
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as PDF, TXT or read online from Scribd
See More
See less

05/05/2013

pdf

text

original

 
 State of the Nation Addressof His ExcellencyBenigno S. Aquino IIIPresident of the Philippinesto the Congress of the PhilippinesSession Hall of the House of RepresentativesJuly 26, 2010[Batasan Pambansa Complex, Quezon City]
 
Speaker Feliciano Belmonte; Senate President Juan Ponce Enrile; VicePresident Jejomar Binay; Chief Justice Renato Corona; Former PresidentsFidel Valdez Ramos and Joseph Ejercito Estrada; members of the Houseof Representatives and the Senate; distinguished members of thediplomatic corps; my fellow workers in government;Mga minamahal kong kababayan:Sa bawat sandali po ng pamamahala ay nahaharap tayo sa isangsangandaan.Sa isang banda po ay ang pagpili para sa ikabubuti ng taumbayan. Angpagtanaw sa interes ng nakakarami; ang pagkapit sa prinsipyo; at angpagiging tapat sa sinumpaan nating tungkulin bilang lingkod-bayan. Ito poang tuwid na daan.Sa kabilang banda ay ang pag-una sa pansariling interes. Angpagpapaalipin sa pulitikal na konsiderasyon, at pagsasakripisyo ngkapakanan ng taumbayan. Ito po ang baluktot na daan.Matagal pong naligaw ang pamahalaan sa daang baluktot. Araw-araw po,lalong lumilinaw sa akin ang lawak ng problemang ating namana. Damang-dama ko ang bigat ng aking responsibilidad.Sa unang tatlong linggo ng aming panunungkulan, marami po kamingnatuklasan. Nais ko pong ipahayag sa inyo ang iilan lamang sa mganamana nating suliranin at ang ginagawa naming hakbang para lutasin angmga ito.Sulyap lamang po ito; hindi pa ito ang lahat ng problemang haharapinnatin. Inilihim at sadyang iniligaw ang sambayanan sa totoong kalagayanng ating bansa.Sa unang anim na buwan ng taon, mas malaki ang ginastos ng gobyernokaysa sa pumasok na kita. Lalong lumaki ang deficit natin, na umakyat nasa 196.7 billion pesos. Sa target na kuleksyon, kinapos tayo ng 23.8 billionpesos; ang tinataya namang gastos, nalagpasan natin ng 45.1 billionpesos.
 
Ang budget po sa 2010 ay 1.54 trillion pesos.Nasa isandaang bilyong piso o anim at kalahating porsyento na lang ngkabuuan ang malaya nating magagamit para sa nalalabing anim na buwanng taong ito.Halos isang porsyento na lang po ng kabuuang budget ang natitira para sabawat buwan.Saan naman po dinala ang pera?Naglaan ng dalawang bilyong piso na Calamity Fund bilang paghahandapara sa mga kalamidad na hindi pa nangyayari. Napakaliit na nga po ngpondong ito, ngunit kapapasok pa lang natin sa panahon ng baha at bagyo,1.4 billion pesos o sitenta porsyento na ang nagastos.Sa kabuuan ng 108 million pesos para sa lalawigan ng Pampanga, 105million pesos nito ay napunta sa iisang distrito lamang. Samantala, anglalawigan ng Pangasinan na sinalanta ng Pepeng ay nakatanggap nglimang milyong piso lamang para sa pinsalang idinulot ng bagyong Cosme,na nangyari noong 2008 pa.Ibinigay po ang pondo ng Pampanga sa buwan ng eleksyon, pitong buwanpagkatapos ng Ondoy at Pepeng. Paano kung bumagyo bukas? Inubos naang pondo nito para sa bagyong nangyari noong isang taon pa.Pagbabayaran ng kinabukasan ang kasakiman ng nakaraan.Ganyan din po ang nangyari sa pondo ng MWSS. Kamakailan lamang,pumipila ang mga tao para lang makakuha ng tubig. Sa kabila nito,minabuti pa ng liderato ng MWSS na magbigay ng gantimpala sa sarilikahit hindi pa nababayaran ang pensyon ng mga retiradong empleyado.Noong 2009, ang buong payroll ng MWSS ay 51.4 million pesos. Pero hindilang naman po ito ang sahod nila; may mga additional allowances atbenefits pa sila na aabot sa 160.1 million pesos. Sa madaling sabi,nakatanggap sila ng 211.5 million pesos noong nakaraang taon. Beinte-kuwatro porsyento lang nito ang normal na sahod, at sitenta’y saisporsyento ang dagdag.

You're Reading a Free Preview

Download
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->