2
MODYUL 3ANG MGA UNANG KABIHASNAN
Sa naunang modyul, natuklasan mo kung paanong ang heograpiyang pisikal aynaging bahagi ng paglinang ng tao ng sinaunang kabihasnan. Sa sinaunang panahondin natuklasan ng tao ang gamit ng apoy, paggamit ng bato at metal, pagtatanim,pangangaso, pagbasa, at pagsulat.Sa modyul na ito, pagtutuunan mo ng pag-aaral kung paano nabuo ang mgaunang pamilya, pamayanan, bayan, lungsod, kaharian o imperyo, at relihiyon. Ito angmga bumubuo ng mga unang kabihasnan.May apat na araling inihanda para sa iyo sa modyul na ito:Aralin 1: Mga Unang Kabihasnan sa MesopotamiaAralin 2: Kabihasnan sa Sinaunang EhiptoAralin 3: Kabihasnan sa Sinaunang IndiaAralin 4: Kabihasnan sa Sinaunang TsinaPagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahang malilinang saiyo ang mga sumusunod na kasanayan:1. Matatalakay ang heograpiyang pisikal sa pagyabong ng mga unang kabihasnan;2. Maipaliliwanag ang pagsulong ng mga unang kabihasnan sa Asya (Sumer,Mesopotamia, India, Tsina, at Aprica); at3. Mapahahalagahan ang kontribusyon sa daigdig ng mga unang kabihasnan.Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong.Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda parasa iyo.