Document Uploaded by J.D. Lim
Panahon ng Katutubo
Bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, mayroon nang sining at panitikan ang mgasinaunang Pilipino. Karamihan sa mga panitikan nila’y yaong mga pasalin-dila gaya ng mga bulong, tugmang-bayan, bugtong, epiko, salawikain at awiting-bayan na anyong patula; mgakwentong-bayan, alamat at mito na anyong tuluyan at ang mga katutubong sayaw at ritwal ng babaylan bilang pinakaunang anyo ng dula sa bansa.Karamihan sa mga panitikang ito ay pasalin-dila. May mga panitikan ring nasulat sa mga pirasong kawayan, matitibay na kahoy at makikinis na bato. Ngunit iilan na lamang ang mganatagpuan ng mga arkeologo (archeologists) sapagkat batay sa kasaysayan, pinasunog at pinasiraito ng mga prayle nang dumating sila sa bansa sa paniniwalang ang mga ito ay gawa ngdemonyo.
Pananakop ng Kastila
Dumating ang mga Kastila sa bansa taglay ang tatlong Gs – GOD, GOLD at GLORY. Dumatingsila na ang pangunahing layunin ay ihasik ang Kristiyanismo, maghanap ng ginto at upang lalongmapabantog sa pamamagitan ng pagdaragdag ng kanilang nasasakop. Mahahati ang panitikan sadalawa sa panahong ito: una ay pamaksang pananampalataya at kabutihang-asal at ang ikalawaay ang panitikang panrebolusyon.(1) Panitikang Pamaksang Pananampalataya at Kabutihang-asalDahil sa pananampalataya ang pangunahing pakay ng mga Kastila, karamihan sa mga unangakdang nalikha sa panahong ito ay halos paksang pananampalataya. Halimbawa sa mga ito ayang mga uri ng dulang senakulo, santa cruzan at tibag; tulang gaya ng mga pasyong inaawit. Silarin ang nagpakilala ng konseptong maharlika o dugong bughaw sa mga Pilipino na mababatid samga akdang awit na ang mga pangunahing tauhan ay mga hari, reyna, prinsipe at prinsesa – isang patunay ang awit na Florante at Laura ni Balagtas at mga dulang duplo at karagatan.Sa panahong ito, piling-pili lamang ang nakasusulat sapagkat wikang Kastila lamang angkinikilala sa ganitong larangan. Kaunti lamang ang nakasusulat sa Kastila dahil sa pagpipigil, sanadaramang takot at pagiging madamot ng mga Kastila. Sa panahong ito nalimbag ang pinakaunang aklat sa bansa; ang Doctrina Christiana na nalimbag noong 1553 na isang panrelihiyong aklat.Ang pasyon ang isa sa patulang anyo na makarelihiyon. Samantalang ang mga dula sa nama’yang mga senakulo, Santa Cruzan, at tibag. Ang mga dulang Moro-Moro naman ay pumapaksa satagumpay ng mga Kastila, isinasadula rito ang mga himagsikan sa pagitan ng mga sundalongKastila at mga Muslim sa Mindanao at sa wakas ng dula, palaging nagwawagi ang Kastila attalunang niyayakap ng mga Muslim ang Kristiyanismo. Nauso rin ang carillo o mga dulang puppet na yari sa karton na gumalaw sa likod ng isang mailaw at puting tela.Ang mga panitikan namang ukol sa kabutihang-asal ay ang Urbana at Feliza ni Padre Modestode Castro.