Document Uploaded by J.D. Lim
ang malakas na ulan, umapaw ang mga ilog. Tumaas nang tumaas ang tubig. Nagsipagtakbo ang mga tao sadalawang bundok subalit inabot din sila ng baha. Nalunod na lahat ang mga tao maliban sa magkapatid na sinaBugan at Wigan.Nang bumaba na ang baha, nagpaningas ng apoy si Bugan sa bundok ng Kalawitan. Nakita ito ni Wigan sakanyang kinaroroonan sa bundok ng Amuyaw. Pumunta si Wigan kay Bugan. Nalaman nilang silang dalawalamang magkapatid ang natirang tao sa daigdig. Nagtayo ng bahay si Wigan na tinirahan nila ni Bugan.Pagkaraan ng ilang panahon, si Bugan ay nagdalantao. Dahil sa malaking kahihiyan tinangka ni Bugan namagpakamatay.Pinigil siya ng isang matanda. Ito'y bathala ng mga Ifugao, si Makanungan. Ikinasal ni Makanungan si Wigan at siBugan. Nagkaroon sila ng siyam na anak, limang lalaki at apat na babae. Nang dumating sila sa hustong gulang,ang apat na lalaki ay ikinasal sa apat na babae. Ang bunsong lalaki na si Igon ang natirang walang asawa.Namuhay silang masagana.Paglipas ng ilang panahon, nakaranas sila ng tagtuyot. Wala silang ani. Naalala ni Wigan at ni Bugan siMakanungan. Sila'y nanawagan dito at hinandugan nila ng alay na daga. Patuloy pa rin ang tagtuyot. Naisipannilang si Igon ang patayin at siyang ihandog sa Bathala. Natapos ang pagsasalat at tuyot.Subalit nagalit si Makanungan sa ginawa nilang pagpatay at paghahandog ng buhay ni Igon. Isinumpa niya angmga anak nina Wigan at Bugan. Sinabi niyang maghihiwa-hiwalay ang magkakapatid - sa timog, sa hilaga, sakanluran, sa silangan. Kapag sila'y nagkita-kita, sila'y mag-aaway at magpapatayan. Kaya't ang mga tribong itong mga tao sa kabundukan, magpahangga ngayon ay naglalaban at nagpapatayan.
Bakit May Pulang Palong Ang Mga Tandang
Nakapagtataka kung bakit may pulang palong ang mga tandang. Kapansin-pansin din na kapag pulang-pula angpalong ng tandang ay magilas na magilas ito. Para bang binata na nagpapaibig sa mga dalaga.Ayon sa kuwento, may mag-ama raw napadpad ng bagyo sa isang baryo sa pulo ng Masbate. Ang ama aynakilala ng mga tao sa nayon dahil sa kawili-wiling mga palabas nito na mga salamangka o mahika. Tinawagnilang Iskong Salamangkero ang kanilang bagong kanayon. Bukod sa pagiging magalang, masipag,mapagkumbaba ay mabuting makisama sa mga taga nayon si Iskong Salamangkero. Madali siyangnakapaghanap ng masasakang lupa na siyang pinagmulan ng kanilang ikinabubuhay na mag-ama.Kung anong buti ng ama ay siya namang kabaliktaran ng anak nitong si Pedrito. Siya ay tamad at palabihis. Ibigni Pedrito na matawag pansin ang atensyon ng mga dalagita. Lagi na lamang siyang nasa harap ng salamin atnag-aayos ng katawan. Ang paglilinis ng bahay at pagluluto ng pagkain na siya lamang takdang gawain ni Pedritoay hindi pa rin niya pinagkakaabalahan ang pag-aayos ng sarili. Kapag siya ay pinagsasabihan atpinangangaralan ng ama ay nagagalit siya at sinagot-sagot niya ito.Isang tanghali, dumating sa bahay si Iskong Salamangkero mula sa sinasakang bukid na pagod na pagod atgutom na gutom. Dinatnan niya na wala pang sinaing at lutong ulam si Pedrito. Tinawag niya ang anak ngunitwalang sumasagot kaya pinuntahan niya ito sa silid. Nakita niya sa harap ng salamin ang anak na hawak angpulang-pulang suklay at nagsusuklay ng buhok.Pedrito, magsaing ka na nga at magluto ng ulam. Gutom na gutom na ako, anak, wika ni
Iskong Salamangkero
.Padabog na hinarap ni Pedrito ang ama at kanyang sinagot ito.Kung kayo ay nagugutom, kayo na lamang ang magluto. ako ay hindi pa nagugutom. At nagpatuloy ngpagsusuklay si
Pedrito
ng kanyang buhok.Nagsiklab ang galit na si Iskong Salamangkero sa anak. Sinugod niya si Pedrito at kinuha ang pulang suklay.Inihampas niya ito sa ulo ng anak at malakas niyang sinabi Mabuti pang wala na akong anak kung tulad mongtamad at lapastangan. Sapagkat lagi la na lamang nagsusuklay ang pulang suklay na ito ay mananatili sana iyansa tuktok ng iyong ulo. At idiniin ni Isakong Salamangkero ang pulang suklay sa ulo ni Pedrito. Dahil sakapangyarihang taglay ni Isko bilang magaling na salamangkero, biglang naging tandang ang anak na tamad at