Koto:Kapag nasa kapatagan ako, parang lumalawak ang aking puso at gumagaanangpakiramdam ko.Kikuichi:Gaya ng sabi mo kasiya-siya ang magbiyahe.Koto:Makinig ka! Noon ko pa gustong sabihin sa iyo na hindi sa habambuhay ka nalamangumaawit ng mga maiikling awit o bumibigkas ng mga kwento. Bakit di moensayuhinang
Labanan sa Heike,
ang pamosong epiko?Kikuichi:Gusto ko nga sanang hingin ang tulong mo tungkol diyan. Maswerte nalang at ikawmismo ang nagbukas tungkol diyan. Kung maituturo mo sa akin ‘yan,tatanawin kongmalaking utang-na-loob.Koto:Ituturo ko kung ganoon. Wala rin lang tao sa paligid, bibigkasin ko sa iyo angisang bersoKikuichi:Sadyang kay buti mo. Sige, makikinig ako.Koto:“Umabot sa krisis ang labanan sa Ichi no Tani, at nauwi sa isang malakinggiyera. Nataloang mga dakilang Heike, at nagsisugod ang mga mandirigma ng Genji―silang sabik sakabantugan. Parang mga trigong nagbagsakan sa harap ng mga armas-pandigma.Kalunus-lunos na pagdanak ng dugo! Walang katapusang kaguluhan! Putolang babang ilan, at ang iba nama’y talampakan. Sa gitna ng nakakukuliling mga daingatpananangis, pilit pinaglalapat ang kanilang mga sugatang talampakan saduguang baba,ang sugatang baba sa duguang talampakan. Ay, kahabag-habag na tanawin! Tatlo oapat na raang mga mandirigma ang nagkalat sa kapatagan!...”Kikuichi:Kagila-gilalas pala talaga ang epikong iyan. Nagagalak akong marinig.Koto:Halika’t pumunta tayo doon sa malayu-layo pa. Sumunod ka sa’kin!Kikuichi:Sige lang, sumusunod ako.Koto:Maraming bumibigkas ng Heike,pero wala akong alam na nakabibigkas itonang mainam.Kaya kailangang pagaralan mo itong mabuti.Kikuichi:Iinsayuhin kong mabuti, at inaasahan kong tuturuan mo akong muli.Koto:Sakali’t maitalaga ako sa posisyon ng
“Kengyo” gagawin kitang isang “Koto”.
Kikuichi:Napakabuti mo ngang talaga.Koto:Ano ‘yon? Nakakarinig ako ng alon ng tubig. Siguro’y malapit tayo sa dagat.