Palagay. Paghihirap. Pagdurusa. KABANATA 57 SABI-SABI AT KURO- KURO
“Nais agawin ni Ibarra, kasama ng
kaniyang mga katulong si Maria Clara.” Gumising sa isang bagong umaga ang bayang sindak na sindak. Maraming sabi- sabi at kuro-kuro ang naglabasan ukol sa nangyaring paglusob sa kuwartel at sa kumbenyo kagabi. Ilan sa mga ito ay: “Ang daming putok! Ang sabi, pangkat daw iyon ni Tandang Pablo!” “Ang sabi, mga kuwadrilyero laban sa mga sibil. Kaya hinuli si Don Filipo.” “Hindi po, isang pag-aalsa sa kuwartel!” “Aba mali kayong lahat, mga Tsino ang nag- alsa.” “Nais agawin ni Ibarra, kasama ng kaniyang mga katulong si Maria Clara.” Nakita rin sa kabanatang ito ang impluwensiya ng mga fraile sa mga pangkaraniwang mamamayan ng San Diego. Pansinin ang mga bulag na paniniwala ni Hermana Pute batay sa kaniyang mga pahayag: “Awa sa mga eskomulgado? Kasalanan ang maawa sa mga kaaway ng Diyos, sabi ng mga kura.” – Hermana Pute, p. 353
“Tanga kang erehe! Hindi mo ba alam ang
sabi ni Padre Damaso? Isang pagtukso sa Diyos ang pagdarasal alang-alang sa isang kondenado. Walang katapusang sumpa ang iginagawad sa pagpapakamatay.” – Hermana Pute, p. 355 Labing-apat ang unang napabalitang namatay. Naging tatlumpu hanggang sa maging tatlumpu’t walo ito.
Natagpuang nagbigti (o binigti?) si Lucas.
“Siya ang nakatira sa kubong iyon.
Dumating siya may dalawang linggo na ang nakararaan. Tingnan ninyo ang pilat sa mukha” – ayon sa isang babae, p. 355 Isang tagabukid na may malapad na salakot at malaking balabal sa leeg ang sumisiyasat sa bangkay at sa lubid. Ang tagabukid na ito ay si Elias. Nagpunta si Elias sa sakristiya at ipinagtanong ang sakristan mayor. Nagpumilit si Elias na makausap ito. Pansinin ang naging palitan ng salita ng dalawa.
“Tapos na ang misa. Kung gusto mo, para
bukas. Ukol ba sa mga kaluluwa sa purgatoryo?” – Sakristan Mayor , p. 356 “Hindi po. Ukol sa isang taong malapit nang mamatay.” – Elias , p. 356 KABANATA 58 VAE VICTIS Magdusa ang mga Nalupig
“Verdad saliendo de un Pozo”
Lumalabas sa poso ang katotohanan Nagkita ang Alferez at si Padre Salvi. Inilabas sa kulungan sila Tarsilo, ang kapatid ni Bruno, at si Andong. Pilit nilang pinaaamin ang dalawang bilanggo at nais nilang idiin ng mga ito si Ibarra.
Wala silang nakuhang impormasyon mula kay
Tarsilo. Hindi rin nito idinawit ang pangalan ni Ibarra. “Hindi nakipag-usap sa amin kailanman si Don Crisostomo.” – Tarsilo , p. 359
“Nagkakamali kayo. Pinatay ninyo sa palo
ang aming ama, ipinaghiganti namin, at wala nang iba.” – Tarsilo , p. 359 Ipinakita kay Tarsilo ang bangkay ng kaniyang kapatid na si Bruno. Nakita rin niya ang walang buhay na katawan ni Lucas at ng asawa ng baliw, si Pedro, kasama ang dalawa pang hindi niya kakilala. Sa kabila ng pagpapahirap kay Tarsilo, nagawa pa rin nitong asarin ang Alferez at ang asawa nito, si Donya Consolcion. “Pinakapangit sa lahat ng babaeng nakita ko! Mamabutihin ko pang mahiga sa ibabaw ng bangko, tulad ngayon, kaysa sumiping sa kaniya, gaya ng Alferez ” – Tarsilo , p. 360 “Patayin na ninyo ako sa palo, Senyor Alferez. Mamayang gabi ay igaganti ako ng inyong asawa pagyakap sa inyo.” – Tarsilo , p. 360 Tinimba si Tarsilo. Ibinitin patiwarik, binusalan ang bibig at saka dahan-dahang inilubog sa balon.
Hindi natiis ni Padre Salvi ang kaniyang
nasaksihan. Umalis ito at nadaanan ang isang dalaga. Ang dalagang ito ay ang kapatid na babae ni Tarsilo.
“…Naliligo sa araw ang buo niyang
katawan. Waring hindi humihinga, binibilang niya ang mga tuyot na hampas, at, waring nawalan ng tinig, ang makawindang- pusong mga daing...” – p. 360 Nagpatuloy ang pagpapahihirap. Hindi pa rin natinag si Tarsilo. “Kung mga Kristiyano kayo, kung may puso kayo, biglain ninyo ang pagbaba o kaya patamain sa pader ang ulo ko’t nang mamatay ako. Pagpapalain kayo ng Diyos sa gayong mabuting gawain… Baka isang araw matulad kayo sa akin!” – Tarsilo, p. 361 Mas ninais ni Tarsilo ang mamatay kaysa magsabi ng kasinungalingan. Pinigil nito ang sariling hininga. Bago bawian ng buhay, ang kaligtasan pa rin ng kapatid ang kaniyang naalala. “Kalingain mo ang kapatid kong babae!” – Tarsilo, p. 361 Gaya ni Tarsilo, wala ring nakuhang impormasyon ang mga sibil kay Andong. Wala itong nalalaman tungkol sa kahit na anong paghihimagsik laban sa sibil at sa simbahan. Ang tangi nitong naaalala ay ang biyenan at ang kumukulong sikmura. KABANATA 59 ISINUMPA
“…Wala na siyang bayan ngayon, walang
tahanan, walang pag-ibig, walang mga kaibigan, at walang hinaharap …” Isa-isang naglabasan sa kulungan ang mga bilanggo. Nauna si Don Filipo, sinundan nina Antonio, Andong, Albino at ang kambal na anak ni Kapitana Maria. Sinalubong ang mga ito ng kani-kanilang mga kamag-anak.
Sumunod si Ibarra. Napansin ng mga tao na
hindi ito nakagapos tulad ng ibang bilanggo.
“Siya ang may sala! Siya ang may sala, at
walang gapos!” – tinig ng isang babae, p. 365
“Gapusin ako, gapusing mabuti, siko sa
siko!” – Ibarra, p. 365 Wala ni isa mang kamag-anak o kakilala si Ibarra sa mga taong sumalubong sa mga bilanggo. Maging si Nyor Juan at ang guro ng paaralan ay naglahong bigla. Labis-labis ang pagkamuhi ng tao kay Ibarra. “Sumpain ka sana! Sumpain ang gintong inimpok ng iyong angkan upang gambalain ang aming kapayapaan! Sumpain! Sumpain!” – tinig ng isang matandang babae, p. 366 “Mabitay ka sana erehe!” – iba pang mga tinig, p. 365 Inulan ng mga bato si Ibarra. Tiniis lahat ito ng binata. “…Bumukal sa kaniyang mga mata ang luhang matagal nang pinipigil. Yumuko siya at umiyak, at dahil nakagapos, wala man lang paraan upang maitago ang kaniyang hapis…”
“…Wala na siyang bayan ngayon, walang
tahanan, walang pag-ibig, walang mga kaibigan, at walang hinaharap …” - p.367 Mula sa isang mataas na pook, tinanaw ng isang lalaki ang mapanglaw na karabana. Siya ang pilosopong si Tasio, na bumangon nang mabalitaan ang nangyari upang sumaklolo. Dahil mahina na, hindi rin ito natuloy.
Kinaumagahan, natagpuan siyang patay ng
mga pastol sa pinakabungad ng kaniyang ulilang tahanan.