Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more ➡
Standard view
Full view
of .
Add note
Save to My Library
Sync to mobile
Look up keyword
Like this
5Activity
×
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
Ang Game Show Salamin Ng Laro Ng Buhay Ng Pinoy

Ang Game Show Salamin Ng Laro Ng Buhay Ng Pinoy

Ratings: (0)|Views: 4,003|Likes:
Published by Jezelle Lapid

More info:

Published by: Jezelle Lapid on Aug 18, 2010
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
See More
See less

09/28/2013

 
Unibersidad ng Pilipinas-DilimanKolehiyo ng Agham Panlipunan at PilosopiyaDepartamento ng Kasaysayan
Ang Game Show: Salamin ng Larong Buhay ng Pinoy
Ipinasa niLapid, Jezelle Irish C.2008-51494Ipinasa kayG. Gil Gotiangco, Jr. IIPropesorKasaysayan 114Pangkalinangang Kasaysayan sa Pilipinas6 Abril 2010
 
2
 
I.
 
PambungadA.
 
Overview ng Pag-aaral
Ang papel na ito ay isang preliminaryong pagsusuri na tatalakay sa game show bilangisang kalinangang Pilipino. Layunin nitong bigyan ng konkretong pakahulugan ang game show,gayundin ang pagtangkang mabigyan ng pagsasalarawan ang game show at kung ano angdahilan sa likod ng bawat laro at pagsali ng mga Pilipino.
B.
 
Metodolohiya
Ang mga datos sa pag-aaral na ito ay kinalap sa pamamagitan ng panonood ng mgadokumentaryo hinggil sa game shows, pagpunta at panonood sa mismong programa(immersion), pagsusurvey, at pagkakapanayam ng mga taong sumali na at ilang mga taongbumubuo ng mga piling programang palaro.C.
 
Sakop at Limitasyon
 Ang papel na ito ay may layuning mabigyan ng pagsasalarawan ang game show atgayundin ang pagpapakahulugan nito at gayundin ang mga kadahilanan sa kung bakit patuloyitong tinatangkilik—ano nga ba ang tunay na laro ng buhay ng bawat manlalaro sa tuwing sasalisila sa mga game show. Wala pang gaanong naisulat tungkol sa game show maliban sa mgabanyagang aklat tungkol dito. Gayundin, base sa pananaliksik ng may-akda ay wala pang nagingmalalimang pananaliksik mula dito maliban sa ilang dokumentaryo at blogs. Naging mahirap dinang pagkuha ng pagkakataong magkaroon ng isang panayam sa ilang miyembro ng mga gameshow sa ngayon kaya hindi din naging madali ang pagkalap ng impormasyon lalo na kasaysayannito sa bansa.
D.
 
Analisis ng Data
Tinatalakay ng papel na ito ang game show bilang isang kalinangang Pilipino nanagpapakita ng laro ng kanyang buhay. Sa umpisa, aakalain natin na pera lamang ang nagtutulak sa mga manlalaro upang sumali sa mga game show. Subalit sa pananaliksik na ito, naipakitanghindi lahat ng tao, hindi lahat ng Pilipino ay naglalaro para sa pera o anumang materyal nabagay. Bawat isa ay may kanya-kanyang dahilan. Bawat isa ay may kanya-kanyang laro ngbuhay. Sa bawat laro ay mayroong pangarap at pag-aasang natutupad kahit pa man, aminin mannatin o sa hindi, na pansamantala lamang ang kasiyahang handog ng mga game show.
 
3
 
E.
 
Operasyonal na Pagpapakahulugan
a.
 
Auditions:
Isang pagsubok nang pagpapakita ng talento, kakayahan o husay upangmaging kwalipikadong makapaglaro sa isang game show at/o patimpalak.b.
 
Breadwinner:
Ang tanging inaasahang sumuporta sa isang pamilya.c.
 
Briefing:
Paghahanda sa isang tao sa pamamagitan ng pagdedetalye ng mgamahahalagang bagay bago sumalang sa totoong laban o laro.d.
 
Komersalisasyon:
Isang proseso ng pagbebenta sa komersyo ng isang bagay o serbisye.
 
Manlalaro:
Ang kasali sa isang game show.f.
 
Patimpalak:
Isang programang naglalayong magpakitang-gilas, galing at husay angmga manlalaro upang manalo ng nakalaang premyo.g.
 
Premyo:
Pabuya sa pagkapanalo.h.
 
Portion:
Bahagi ng isang programa.i.
 
Raffle:
Bunutan. j.
 
Radyo:
Isang gamit-elektrikal na sumasagap ng balita, palabas at mga tugtugingsnaririnig lamang.k.
 
Staff:
Ang iba pang miyembro ng isang programang may sari-sarilingkatungkulan.l.
 
Stampede:
Biglaang takbuhan at tulakan sanhi ng pagkabigla o
 panic
.m.
 
Talent scout:
Isang taong ang trabaho’y maghanap ng mga taongmayroong talento at/okakayahan.n.
 
Telebisyon:
Isang gamit-elektrikal na kakikitaan ng mga palabas.
II.
 
Historico-Cultural SituationerA.
 
Laro ng Lahi Sa Paglipas ng Panahon
Maituturing na isang salamin ng katauhan ng Pilipino ang kanyang mga laro. Sa matagalna panahong matanda pa sa kasaysayan ay marami nang naging pagbabagong kultural angnaganap sa Pilipinas. Ang mga larong katutubo ay sinasabing dala ng pangkat ng dugong etnikona naunang nanirahan sa Pilipinas bago dumating ang mga Kastila. Magandang suriin ang mgalarong iniambag nila sa ating kasaysayan gayundin ng mga larong hinango mula sa mgadayuhan.
Bago ang Panahon-Hispanico
Ayon sa mga pananaliksik, ang mga negrito ang unang pangkat etnikong nanirahan saPilipinas. Mayroon silang larong kunwari ay digmaan ng mga bato. Tinatawag nila itong
 Bagbagto
. Maglalaban ang dalawang pangkat sa tuyong bahagi ng ilog na siyang pinipilingmaging larangan ng digmaan dahil doon maraming bato, na siyang nagsisilbing sandata. Nilalaro

Activity (5)

You've already reviewed this. Edit your review.
1 thousand reads
1 hundred reads
Maridel Amora liked this
Rose Anne Glipa liked this

You're Reading a Free Preview

Download
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->