You are on page 1of 2

Mahal paba natin an gating inang kalikasan?

Ni: James Marcel A. Adriano

Bago ko simulan ang aking inihandang talumpati hayaan nyo po muna akong

bumati sa mga kapwa ko kamag-aral at sa inyo aming ginigiliw na guro Gng. Ramona

Ramos Evangelista ng isang magandang araw po. Ako ngayon ay tumatayo sa inyong

harapan upang ilahad ang aking saloobin ukol sa “Ating Inang Kalikasan” kaya akin

pong hinihingi ang inyong panandaliang katahimikan sa sandaling ito.

Kalikasan.. Anu nga ba ang kahulugan ng kalikasan? Ang kalikasan ay gawa ng

diyos. Ito ay isang yaman ng ating mundo na dapat ingatan at alagaan. Kahit saan ka

tumingin ay makakakita ka ng mga puno, bulaklak, halaman, ibon at mga hayop. Kung

walang mga puno, yamang tubig at lupa, mabuhay kaya tayo?

Mahalaga ang ating kalikasan dahil ito ang pangunahing dahilan kung bakit tayo

nakakalanghap ng sariwang hangin. Kung walng mga puno ay walang malinis na hangin

tayong malalanghap at puro maduduming hangin lamang. At sa kalikasan tayo kumukuha

ng ating mga ikakabuhay. Saan ba tayo kumukuha ng mga tubig na ating ginagamit

panginom, panluto, panligo at iba pa? hindi ba sa mga puno o mga yamang tubig? Kung

wala ang mga ito hindi tayo mabubuhay. Ang tubig ay napakaimportanteng sangkap sa

ating buhay.
May mga tao na patuloy na sumisira ng ating kalikasan. Papayag ba tayong sirain

nila ito? Hindi! Kaya dapat sa atin magsimula ang pagaalaga ng ating kalikasan. Pigilan

natin ang ang pamumutol ng mga punong kahoy at pagsira ng ating mga kagubatan. Ang

simpleng pagtatapon ng mga basura sa ating kapaligiran ay magdudulot ng malaking

epekto sa ating kalikasan. Magdadala ito ng mga pagbaha at polusyon.

Ang kalikasan ay parang ang ating mga ina. Binibigyan nya tayo ng ating

pangangailangan sa araw araw at inaalagaan tayo, katulad din natin bilang anak ay dapat

alagaan at mahalin natin ang ating inang kalikasan, mahalin natin ito. At huwag

pabayaang masira, dahil siya ang nagbibigay sa atin ng mga kailangan natin upang

mabuhay.

Maraming salamat po sa inyong pakikinig sa aking hinandang munting talumpati

tungkol sa kalikasan. Nawa’y may na tutunan kayo sa aking munting talumpati.

You might also like