You are on page 1of 5

DYNAMICS OF DEBATE

Government Opposition

1. PM
♣ Binibigyang kahulugan ang motion
♣ Nagtatalaga ng parameters
♣ Binabanggit ang case ng government at itinatalaga ang split
♣ Magbibigay ng signpost para sa DPM
2. LO
o Tataliwasin ang motion
o Magtatalaga ng sarili nitong parameters
o Ipakikila ang case at babanggitin ang split
o Magsasa-signpost sa DLO

3. DPM
o Patatatagin ang case na binanggit ng PM
o Babanggitin muli ang tema
o Itatalaga ang sariling split
o Magsa-signpost
o Lalagumin ang case ng government

4. DLO
o Patatagin ang case ng LO
o Babalikan ang tema
o Itatalaga ang sariling split
o Magsa-signpost
o Lalagumin ang case ng opposition

5. Rebuttal Speaker
o Tutuligsa punto per punto o tematikal
o Patatatagin ang case ng government

6. Rebuttal Speaker
o Tutuligsa punto per punto o tematikal
o Patatatagin ang case ng oposisyon
8.Reply Speaker
- tutukuyin ang mga isyung tinalakay sa debate
- iisa-isahin kung bakit nagging mas mahusay ang ginawa nilang pagtalakay at
pagbibigay puna sa isyu 7. Reply Speaker
- tutukuyin ang mga isyung tinalakay sa debate
- iisa-isahin kung bakit nagging mas mahusay ang ginawa nilang pagtalakay at
pagbibigay puna sa isyu

Dapat tandaan sa pakikipagtalo:

1. Paghahayag ng mga kaisipan o ng katotohanan ng mga ito na gusting ipatanggap


sa mga nakikinig
2. Pagtitipon ng mga kaalaman at hinuha o pala-palagay (materyales) na
makapagpapatibaysa katotohanan ng mga kaisipang ipinahahayag
3. Pagsasaayos ng mga materyales sa paraang malinaw, mabisa, at makahihikayat
na tanggapin o tutulan ang mga kaisipang ipinahahayag
4. Pagahaharap ng proposisyon at ang kaalaman sa pagbuo ng mabisang pakikinig
ay ipanghihikayat sa mga nakikipagtalo
Dapat na tandan ang sumusunod na patnubay sa paghahanda para sa pakikipagtalo:

1. sa pagpili ng paksa o ideyang pagtatalunan, kunin iyong nakawiwili, payak,


napapanahon, at talagang maaaring pagtalunan.
2. Lumikom ng mga katibayan tulad ng mga batas at kautusan, aklat at dokumento,
larawan at ilustrasyon na magagamit sa pangangatwiran.
3. Tiyaking sa pagsasaayos ng mga materyales, tatanggaping matapat at
makatotohanan ito.
4. Sa paghaharap ng nisaayos na materyales, bigyang-atensyon ang pagbigkas,
kumpas, at galaw ng katawan at ekspresyon ng mukha nang sa gayon ay
mapaniwala at mahikayat ang mga nakikinig na panigan ang iniharap na
proposisyon.

MATTER LOADING
• Tawag sa paraan ng pananaliksik sa paksa.

• MGA ASPEKTONG MAAARING PAGTUUNAN NG PANSIN:


a. Siyentipikong pag-unlad o pananaliksik
b. Pangkasalukuyang kalagayan ng paksa ayon sa ekonomiya
c. Isyung politikal
d. Relihiyon

DALAWANG PARAAN UPANG ILAHAD ANG MOTION/PROPOSITION:


a. Policy Motions

Motion na humihingi ng pagsang-ayon mula sa kapulungan. Hinihingi nito na


magkaroon ng adapatasyon sa kanilang iminumungkahing batas o alituntunin.
Maaaring nakabatay na sa dating batas, pinalalawig lamang.
Halimbawa:
“Ang Kapulungan ay naniniwalang dapat alisin ng UN ang Death Penalty”
b. Factual Motions

Mga isyung animo’y tanggap na ng lipunan. May pagkakataon na ang hinihingi sa


ganitong motion sa debate ay paghuhusga sa isyu ng hustisya, kalayaan etc.
Nakatuon ito sa pilosopiyang nakapaloob sa bawat isyu.
Halimbawa:
“Ang kapulungan ay naniniwalang higit na mainam ang maghirap nang marangal
kaysa yumaman dahil sa pandaraya.”
PAANO MAGBIBIGAY NG DEPINISYON?
♣ BIGYANG KAHULUGAN ANG BAWAT SALITA SA MOTION
Binibigyang-depinisyon lamang ang mahihirap unawaing salita.
♣ TEMATIKONG PAGBIBIGAY-DEPINISYON

Kinakailangang maging tuon ng pagbibigay-depinisyon ang tema ng motion at ito


ang gagawing sentrong isyu ng debate.
Di literal na kahulugan ng motion.
Maaaring gamitin sa mga motion na abstrak.
Halimbawa:
Ang kapulungan ay naniniwalang ang mana ay di nagmumula sa langit.
Suriin natin ang motion. Ang mana- ay biblikal na harina, ay nabuhos mula sa langit
nang magutom ang mga Israelita. Kung gayon, ang mana ay nagmula sa langit
ngunit hindi ito ang sinasabi ng motion.
Binibigyang-diin na ang pagkakaligtas ng tao ay hindi magmumula sa langit kundi sa
kilos at gawa ng tao.
2. TEMA
Kabuuan ng tatalakayin sa debate na magiging gabay sa paglalahad ng argument.
Sumasagot sa tanong na “Bakit?” kasunod ang case ng grupo.
Nagtataglay ng argument ang tema at ang tema ang pinagmumulan ng argument.
3. LINK
Pagtalakay sa ugnayan ng motion at ng paksa ng debate.
Halimbawa:
“Ang kapulungan ay naniniwala na ang manna ay di nagmumula sa langit”. Upang
malaman ng oposisyon na ang tinutukoy ng government ay ang kaligtasan ng tao,
kailangang ipaliwanag ito sa talumpati sa pamamagitan ng pag-uugnay (link).
Ang mga tanong kagaya ng “Ano ang kaugnayan ng manna sa kaligtasan ng tao?” o
“Ano ang kinalaman ng langit dito?” ay dapat sagutin sa pagpapahayag ng link
(karaniwang ginagawa ng Prime Minister)
4. ISPLIT

Ang split ay ang paghahati ng case sa debate. Ang split ng prime minister ay dapat
na may kinalaman sa split ng deputy prime minister ngunit hindi maaaring umasa
ang isa’t isa sa split ng isa’t isa.
Halimbawa:
“Ang kapulungan ay naniniwalang dapat patatagin ang kapangyarihan ng UN sa
mundo.” (government). Maaaring hatiin ito sa dalawang split. Sa unang split, ang
unang tagapagsalita ay tatalakayin ang politikal na batayan ng kanilang case
samantalang ang ikalawang tagapagsalita (ikalawang split) ay maaaring talakayin
ang Sosyo-ekonomikong bentahe ng UN.

ARGUMENT
o Dahilan, paliwanag kaugnay ng tema
o May tatlong bahagi: ang premise, assumption, at ang conclusion

a. Premise
♣ ano ang dapat patunayan ng tagapagsalita upang maging katanggap-tanggap ang
konklusyon.
♣ Maaaring suportahan sa pamamagitan ng paglalatag ng ebidensya

b. Assumption
♣ Hindi binabanggit, nasa isip lamang ng tagapagsalita

c. Conclusion
♣ Ang argument
♣ Madaling matutukoy ang konklusyon kung masasabi na ang premise ay kapani-
paniwala

REBUTTAL
o Pagtuligsa sa sinasabi ng oposisyon o kalabang pangkat. Maaaring punto per
puntong rebuttal o tematikong rebuttal. Kung sa palitan ng talumpati ay hindi
natuligsa ang mga argument ng kabilang pangkat ay maaaring isa-isahin ito sa
rebuttal speech. Ngunit kung bahagya itong natuligsa sa bawat pagtatalumpati ay
maaaring ipunin itong lahat gumawa ng malakas na counter-argument.

REPLY SPEECHES
o Tukuyin ang isyung natalakay sa debate
o Isa-isaihin kung paanong ang oposisyon ay nabigo sa pagsagot sa mga isyung
kanilang tinalakay
o Paano tinalakay at sinulusyunan ito ng sariling pangkat.
o Maaaring gampanan ng sinumang tagapagsalita maliban sa rebuttal speaker.

SIGNPOSTING
o Nangyayari pagkatapos mabanggit ang split. Binabanggit din matapos mabanggit
ang case ng pangkat.

Balangkas ng isang pagtatalo.

Panimula: I. Katuturan ng talakay


II. Paglalahad ng suliranin ayon sa katuturan
III. Pagsasaalang-alang sa mga isyu
a. Tinatanggap
b. Pinabubulaanan

Katibayan: I. Totoo ang unang isyu, dahil sa


a. katwiran ito (katibayan)
b. katwiran ito ( taong mapaniniwalaan)
c. katwiran ito (halimbawa)
II. Totoo ang ika-2 isyu dahil sa
a.
b.
c.
III. Totoo ang ika-3 isyu dahil sa
a.
b.
c.
Pangwakas: Samakatuwid, sapagkat napatunayan naming
1. na totoo ang unang isyu sa pamamagitan ng ______
2. na totoo ang ika-2 isyu sa pamamagitan ng _______
3. na totoo ang ika-3isyu sa pamamagitan ng _______

Pagtatalong Oregon-Oxford – maaaring may dalawa o tatlong tagapagsalita sa bawat


panig.

Paraan ng Pagtatalo:

Unang tagapagsalita (Sang-ayon) – ihahayag nang buo ang sang-ayong proposisyon


Unang tagapagsalita (salungat) – sasabatin ng tanong ang unang nagsalita nang
pasang-ayon
Ikalawang tagapagsalita (salungat) – sasabihin nang buo ang salungat na
proposisyon
Ikalawang tagapagsalita (sang-ayon) – sasabatin ng tanong ang ikalawang nagsalita
ng pasalungat
Unang tagapagsalita (salungat) – bibigkasin ang talumpating nagpapabulaan
Unang tagapagsalita (sang-ayon) – ipipinod ang pagtatalo sa pamamagitan ng
pagbigkas ng talumpating nagpapabulaan

Ang pagtatalo ay ang sining ng pagpapalitan ng katwiran o matwid ng dalawa o


mahigit pang magkasalungat na panig (tao o grupo ng mga tao) tungkol sa isang
isyu.
May dalawang uri ito:

2) ang pagtatalo impormal – ito ang pagtatalong di pinaghandaan na kung saan ang
bawat panig ay maaring magsalita kailan man niya gustuhin. Walang takdang oras sa
kanilang pagsasalita.

2) Ang pagtatalo pormal – Ito ay ang pagtatalong may dalawang lehitimong panig,
ang salungat at ang panig na sang-ayon. Ito’y pinaghahandaang mabuti at ipinaalam
ng mas maaga sa madla.

Ang balagtasan ay isang sining kung saan inilalahad sa isang uri ng panitikan ang
mga saloobin o mga gustong ipahayag ng isang tao sa pamamagitan ng
pananalitang may mga tugma sa huli (rhyme). Isa itong uri ng pagtatalo ng dalwang
magkaibang panig ukol sa isang paksa. Ito ay isang uri din ng pakikipag-talo.

Layunin ng mahusay na proposisyon:


• Magkuwento, mag ugnay-ugnay ng mga pangyayari.
• Magbigay ng aliw at magpalipas ng oras.

You might also like