Professional Documents
Culture Documents
Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araw
ay inipon niya ang kanyang mga gamit at inilulan sa kanyang alagang
kabayo at kalabaw. Maaga pa ay sinimulan na nila ang mahabang
paglalakbay.
"Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan
mo,"
anang kabayo na lalo pang binilisan ang paglalakad.
Makaraan pa ang isang oras at lalung tumindi ang init ng araw. Hindi
nagtagal at ang kalabaw ay iginupo ng bigat ng kanyang dala at siya
ay pumanaw.
Si Rita ay batang lubhang malikot. Ang kanyang ina ay laging naiinis sa mga ginagawa niyang hindi
dapat gawin ng batang katulad niya.
Isang araw, ang kanyang ina ay nagbayo ng palay. Si Rita ay nanood sa kanyang ina. Siya’y gutum na
gutom sapagkat galing siya sa laruan. Nang mayroon ng isang salop ang nabayong bigas, si Rita ay
nagsimula nang kumain ng bigas. Ang nalagyan ng bigas ay malaki at may takip na bilao. Binuksan niya
at pumasok siya sa loob. Ngayon natakpan siya ng bilao. Hindi nahalata ng ina. Nang matapos na ang
ina sa kanyang pagbabayo ay tinawag niya si Rita upang utusan sa pagtatago ng binayo. Hindi sumagot
si Rita. Hinanap ng ina sa lahat ng taguan, wala rin rin si Rita roon.
Nang kanyang buhatin ang lalagyan ng bigas may lumabas na maliit na ibon galin sa loob. Kumain ng
bigas ang ibong iyon. Ang ibong iyon ay si Rita, ang tinatawag ngayong maya.
Noong unang panahon ang mga ahas ay walang kamandag. Sa ganito sila ay hindi kinakatakutan at
pinakukundanganan tisurin o patayin. Sa gayon nilang katayuan ay minarapat nilang gumawa ng paraan
upang sila’y pangilagan ng tao at huwag patayin.
Kaya’t ang kanilang puno’y dumalangin humingi ng kamandag kay Bathala. Ang kanilang kahilingan ay
hindi naman pinagkaitan ng Panginoong Diyos.
Isang araw ang Panginoong Diyos ay nanaog at dala ang isang kamandag upang batiin ang mga ahas.
Ang unang nakakuha ay ang ulupong kung kaya ang kanya ang pinakamabagsik. Ang lahat ay nakakuha
ng kamandag maliban lamang sa dahongpalay na hindi kaagad nabatid ang pagbibigayan ng kamandag.
Nang madatnan niya ang pook na bigayan ng kamandag ay ang banga na lamang ang kanyang nakita. Sa
hangad niyang magkaroon ng kamandag ay nagpaikot-ikot siya sa loob ng banga na ang kamandag ay
napunta sa kanyang balat. Ngayon ang dahongpalay ay may kamandag sa balat at hindi sa loob ng
katawan.
Noong unang panahon, may magkasintahan na masasabing walang katulad. Walang kasing tamis ang
kanilang pagmamahalan. Isang araw ay nagkaroon ng isang mahigpit na pagsubok ang kasintahan ng
binata. Sapagkat dalisay ang pag-ibig ng binata, sinabi niya sa kasintahan na ipag-patuloy ang
gagawing pagsubok. Sa madali’t sabi, ipinag-tapat ng dalaga sa kasintahan na kailangan niya ang puso
ng kanyang ina. Ito ang magpapatunay ng kanyang katapatan at nangako ang dalaga na kung
magtagumpay siyang maisagawa ito, ay agad silang magpapa-kasal.
Walang kibong umalis ang binata patungo sa kanilang tahanan upang tuparin ang tagubilin ng kanyang
kasintahan. Dali-daling umakyat at kanyang naratnan ang ina na nakaluhod sa harap ng altar sapagkat
orasyon na noon. Nangangatal ang buong katawan na kinuha ang balaraw at sabay na itinarak sa dibdib
ng ina. Agad niyang kinuha ang puso ng ina at tumakbong patungo sa kanyang kasintahan. Ngunit sa
kasawiang palad, at marahil sa parusa ng nasa itaas, ay bigla na lamang siyang nadupilas at ang puso
na kanyang hawak ay nahulog sa isang bitak. Ang puso’y biglang nangusap, “Bakit mo ako ginanito
anak? Bakit mo sinunod ang maruming mithiin ng iyong kasintahan? Dapat mong malaman na ang isang
ina ang pinagkakautangan mo ng buhay ay di na makikita kailan pa man.
Lumuhod ang binata na nagsisisi. Nais niyang isauli ang puso, subalit wala nang magagawa. Ang binata
ay bigla na lamang naging butiki, na gumagapang na lamang buhat noon.
Nangyari ito noong unang panahon bago pa lamang sinakop ng mga Kastila and ating bayan. Dahil sa
bagong salta pa lamang ang mga dayuhan, at hindi nila kabisado ang sulok-sulok ng mga bayan,
inutusan ng gobernadorsilyo ang kanyang limang sundalo na mamasyal at magmasid sa baryo at pag-
aralan ang maraming bagay na matatagpuan sa ating bayan.
Sa kanilang paglalakad nakakita sila sa gitna ng maluwang at patag na bukirin ng mga magsasaka na
may binubunot na kung anong halaman. Nilapitan nila ang magsasaka at nakita ang halaman na
mapuputi at medyo bilog na mga laman.. Humingi ang mga sundalo sa magsasaka ng tubig ngunit hindi
sila maintindihan ng mga ito. Lumapit ang mga kawal at sinabing “Uhaw na uhaw na kami at nagugutom
puwede nyo ba kaming bigyan niyan.” Sabay turo sa halamang hawak ng magsasaka, ngunit hindi pa rin
nila maunawaan ang salita nito.
“Alam ko na!” ang sabi ng isang magsasaka. “Nanghihingi sila ng ating ani.” At saka inabot sa kawal ang
isang malaking laman. Tinalupan niya ito at ibinigay sa kawal na Kastila. Pagka-ubos ng isa ay
nasarapan ang kawal sabay sabi ng “Cinco mas!” na ang ibig sabihin ay “lima pa”. “Singkamas pala ang
tawag dito.”
Binigyang muli ng mga magsasaka ang kawal. “Si cinco mas” tugon muli ng nakangiting kawal at
nagpasalamat ang mga sundalo.
Pagkaalis ng limang sundalo ay tinikman ng mga magsasaka ang dati’y hindi nila kinakain na halaman.
“Malamig pala at makatas!” ang halo magkapanabay na wika nila. “Mainam na pamatid uhaw! And sabad
naman ng isa. Kumain sila ng marami hanggang sa mawala ang uhaw nila. Pag-uwi ay pinagbigay alam
nila sa kanilang kababaryo ang lahat ng pangyayari. Mula noon ang laman ng makatas, maputi at
manamis namis na halaman at tinawag na nilang SINGKAMAS, hango sa mga salitang “CINCO MAS”.
ALAMAT NG PARU-PARO
Legend of the Butterfly
Noong unang panahon may magkapatid na ulila na naninirahan sa isang ilang na baryo sa Laguna. Ito ay
sina Amparo na ang palayaw ay Paro samantalang ang nakababata naman ay si Perla na pawang
sumisibol na dalagita. Pagtitinda ng bulakalak ang kanilang ikinabubuhay. Magkaiba ang ugali nila, si
Amparo ay tamad at walang kinagigiliwang gawin kundi ang lumapit sa mga bulaklak at amuyin ito.
Samantalang si Perla naman ay masipag at masinop sa kabuhayan. Likas na mabait si Perla pasensiya
na lamang ang kaniyang binibigay sa kapatid na si Amparo na ubod na tamad.
Ngunit isang araw ay naubos na ang pasensiya ni Perla at nagalit kay Amparo na laging nagrereklamo
sa kanilang ulam. Galit din sumagot si Amparo “Anong gusto mo alilain ako at busabusin, ako ang
masusunod dahil ako ang nakakatanda.” Sabay nanaog at pumitas ng halaman sa hardin at nagtuloy sa
ilog upang pagmasdan ang bulaklak sa kanyang buhok. Pagdukwang niya ay tuloy-tuloy siyang nahulog
sa ilog. Sa pag-aalala pala sa kapatid ay sumunod si Perla at kitang-kita niya nang mahulog siya sa ilog.
Sumigaw ng malakas si Perla “Paro!Paro!, marami ang nakarinig at tinulungan siya ngunit walang
Amparo silang nakita.
Habang balisang nagmamasid ang mga tao sa ilog, ay may isang bulaklak ang lumutang sa knahulugan ni
Amparo at unti-unti itong gumalaw, dahan-dahang nawala ang hugis bulaklak nito at unti-unting
umusbong ang pakpak na may iba’t-ibang kulay. Walang ano-ano ay lumipad at nakita ni Perla ito na
pumunta sa halamanan at nagpalipat lipat sa mga bulaklak. Kinutuban si Perla at nasambit niya ang
katagang “Paro! Paro…!
Simula noon, ang maganda at makulay na munting nilikha ay tinawag ng mga tao na PARUPARO