/  10
 
Panahon ng Hapon
-hindi naging maunlad ang nobela -kakulangan sa materyales(papel) -niliitan ang mga letra (Liwayway) Halimbawa ng Nobela: 1. Luha ng Buwaya -Amado V. Hernandez 2. Tatlong Maria - Jose Esperanza Cruz 3. Sa Lundo ng Pangarap -Gervacio Santiago 4. Lumubog ang Bitwin - Isidro Castillo 5. Ibong Mandarangit -Amado V. Hernandez 6. Daluyong - Lazaro Francisco
Panahon Naman ng Pag-alalay sa mga Nagsulat Para saBayan
 Binasang panimulang pananalita sa “Valuing the Writer’s Creative Mind by Protecting  His Rights: A Seminar-Orientation on Intellectual Property Rights” ng Panitikan, Ekspresyon, Nasyonalismo sa Kaisipan at Obra (PenKO) noong November 21, 2007 sa Bulacan State University.
Ang pagiging malikhain ay taglay na ng mga Pilipino sa simula pa lang ng pagbubuoniya bilang mamamayan. Marami nang mga nahukay na historical artifacts nanagpapatunay na ang mga sinaunang Pilipino noon pa man ay may malaking pagpapahalaga na sa masining na paglikha ng mga bagay-bagay. Sa palagay ko’y isaitong katotohanan na sasang-ayunan naman nating lahat.Partikular nating bigyang pansin ang pagkamalikhain ng mga manunulat sa ating bansa.Unahin na nating banggitin si Francisco “Balagtas” Baltazar. Ang kanyang mga sinulat aylaging nakakonsentra sa mga problemang kasangkot ang Pilipinas at Espanya. Ginamitniya ang kanyang naiibang paraan ng pagsulat sa Florante at Laura upang malusutan angsobrang paghihigpit ng lupon ng sensura ng mga paring prayle sa mga akdangmakabayan. Inakala tuloy ng mga Kastila na ang Florante at Laura ay isang simplengkasaysayan ng pag-iibigan. Isunod nating tukuyin ang playwriter na si Juan K. Abad sadulang Tanikalang Ginto. Ang mga tauhan dito ay ginamitan ng mga simbolong pangalannang hindi mahalata ng mga Amerikano na ang dulang ito ay may temang patungkol sanasyonalismo. Sa panahon naman ng Hapon, ayon sa tala ng kasaysayan ito angtinaguriang “Gintong Panahon ng Maikling Kuwento at Dulang Tagalog.” Ang mgamanunulat na Pilipino sa wikang Tagalog sa panahong ito ay nabigyang pagkakataongmaipakita ang lalim at lawak ng kanilang mga panulat dahil ang paggamit ng Ingles sa panahong iyon ay mahigpit na ipinagbawal ng mga Hapon.Sa nakaraan, marami ng mga patunay sa pagiging malikhain ng ating lahi at sakasalukuyan ang pagkamalikhaing ito ay patuloy na nagiging instrumento hindi lamangsa pang-indibidwal na ekspresyon kundi lalo’t higit sa pagtatagni-tagni ng mganagkakaiba-ibang identidad, damdamin at kamalayan. Ang panulat ng mga manunulat sakontemporanyong panahon ay hindi na lamang nagmumulat ng mga kaisipan,idinudugtong din nito ang nawawalang ugnayan ng tao sa kanyang kapwa at bayan.
 
Sa hanay ng mga bagong dugong manunulat (partikular ang mga student-writer sa mga pamantasan) patuloy na nagbubunga ng tagumpay ang bawat patak ng emosyon atidealismo sa kanilang mga panulat at ang bawat retaso ng kaalaman ay napagtatagni-tagniupang maitawid ang kasalukuyan sa kinabukasan.Maaaring sa mga kabataang manunulat na ito nauna na ang pag-eeksperimento sa pagsusulat bago natutunan ang tradisyunal na pamamaraan, ngunit masasabi pa ring isa pa rin itong aktuwasyon tungo sa kaunlarang pangsining at pagpapalawak ng kaisipan.Kailangan nating makita nang malinaw ang naging silbi ng pagkamalikhaing ito ng mgamanunulat na Pilipino sa kalagayan natin ngayon bilang isang bansa. Ngunit kung iisipin,hindi isang garantiya na ang lahat ng kakayahan na may silbi (gaya ng pagkamalikhain)ay hindi na nga maaaring mawala. At hindi rin maaaring masigurado na ang isang taongmay malaking pagpapahalaga sa kanyang kapwa ay hindi na nga niya maiwawala ang pakiramdam na ito habang siya ay nabubuhay pa. Lalo pa nga’t nakikita at nararamdamanniyang ang mga mamamayan o ang bayang kanyang kinakalinga ay hindi naman palasiya tinitingnan.Marami na at patuloy pang dumarami ang nagsasabi na mahirap maging manunulat saPilipinas. Isang katotohanan ito sa sektor ng mga manunulat na Pilipino mula pa noonhanggang ngayon, kahit marami ng nangyaring pagbabago hindi pa rin nabago angkatotohanang ito.Matagal ng panahong inaalalayan ng mga manunulat ang ating bansa. Marahil, ito namanang tamang panahon para sila naman ang ating alalayan.
Leave Comment
Pananakop ng Hapon
 Sa pambobomba ng Amerika sa Hiroshima, gumanti ang Hapon sa paglusob nitosa Pearl Harbor noong Disyembre 7, 1941. Dahil nasa isalalim ng kolonya ng EstadosUnidos kaya’t sinakop ng Hapon ang Pilipinas. Ngunit para sa karamihang manunulat naPilipino, isang biyaya sa larangang panitikan ng bansa ang pangyayaring ito. Sumibolnang lubos ang panitikan ng bansa sa panahong ito dahil ipinagbawal ng namumunongHapon ang paggamit ng wikang Ingles at itinaguyod ang pagpapayaman sa panitikangamit ang mga katutubong wika sa bansa. Sinunog din ang mga aklat na nasusulat saIngles upang masigurong hindi mababahiran ng kanluraning ideya ang panitikangnililikha.
 
Ang panahong ito sa kasaysayan ng bansa at ng panitikan ang tinaguriang
Gintong Panahon ng Panitikang Filipino
dahil higit na malaya ang mga Pilipino(kaysa noong sa Amerikano) sa pagsulat ng panitikan at pagsanib ng kultura, kaugalianat paniniwalang Pilipino sa mga ito. Sa panahon ding ito kinilala ang mga manunulat na babaeng Pilipino sapangalan nina Liwayway A. Arceo at Genoveva Edroza-Matute dahil sa mga makintal namaka-feministang maikling-kwento. Dahil sa dinalang
haiku 
(maikling tulang may tatlong taludtod at may bilang napantig na 5-7-5 sa taludtod), nagkaroon ang mga Pilipino ng
tanaga
(maikling tulangmay apat na taludtod at ang bilang ng pantig ay 7-7-7-7) 
Panahon ng Pagkamit ng Kalayaan hanggang Kasalukuyan
 Naging makasaysayan sa mga Pilipino ang pagbabalik ng kanilang kalayaanmula sa kamay ng mga Hapon. At dahil sa kalayaang natamo, higit ring sumigla angkalayaang pampanitikan ng bansa. Bilang patunay ng kasiglahan ng panitikang Filipino sa iba’t ibang uri sapanahong ito ay ang pagkakalimbag ng mga sumusunod na katipunan ng mga aklat:
Mga Piling Katha
at
Mga Piling Sanaysay 
ni Alejandro Abadilla,
Maiikling Kwentong Tagalog 
ni Teodoro Agoncillo,
 Ako’y Isang Tinig 
ni Genoveva Edroza-Matute at maramipang iba. Kinilala rin buhat sa panahong ito ang mga panitikang panlalawigan dahil samga inilunsad na mga pambansang pananaliksik at pagsasaling-wika ng panitikan ngPilipinas. Lalo pang sumigla ang panitikang Filipino nang ilunsad ang gawad CarlosPalanca Memorial Awards for Litetature. Sumilang din sa panahong ito ang aktibismo ng mga batang mag-aaral noongnagsisimula ang dekada ’80 at ang kanilang panitikang aktibista gaya nina VirgilioAlmario (na may sulat-panulat na
Rio Alma
) at Quintin Perez. 

Share & Embed

Add a Comment

Characters: ...