Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more
Download
Standard view
Full view
of .
Save to My Library
Look up keyword
Like this
3Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
Pulis Report

Pulis Report

Ratings: (0)|Views: 1,991|Likes:
Published by Apa Ongpin
This is an epic poem I started writing in 1989 and finished around 2000. It is sort of a summary of my experiences as a police reporter.
This is an epic poem I started writing in 1989 and finished around 2000. It is sort of a summary of my experiences as a police reporter.

More info:

Published by: Apa Ongpin on Sep 29, 2010
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

06/28/2011

pdf

text

original

 
Pulis Report/Apa Ongpin ika- 1 pahina ng 5
 
Pulis Report
ni Apa Ongpín
©2000 Rafael A. S. G. Ongpin
Republika ng Pilipinas, Lungsod ng Maynila, S.S. (kung ano man iyan)Nang malaman ng lahat sa mga sumusunod na pamamaraan:Ako po si Gomer Sulyap y Semplang, alyas Warlito,Tatlumpu’t dalawang taon nang hamak na gumagala sa mundong itoWalang asawa, walang trabaho, walang tanging pinagkaka-ingatan,nakatira sa may Lot 3, Block 17, Phase 4, Interior, Reclaimed Area, Dagat-DagatanIpinanganak akong ulila, isang muta sa mata ng panahon,Walang nakaraan, walang kinabukasan, kasalukuyan lamang ang mayroonDahil sa insidenteng ikukuwento, nagkagulo ang aking buhay.Para sa kaalaman ng hukuman at ninuman, ito po ang aking salaysay:Noong araw na iyon, mag-isa po akong namasyal sa Lunetasa aking bulsa, isang munting halaga na sa pagpe-pedicab kinita.Tanghali pa noong ako’y sumaglit sa isang dakong malilimUpang pahingain ang mga paang pagôd at amoy sukang maasimInaamin kong ako’y nakainom ng iilanSino naman ang hindi paminsan-minsa’y naglilibang?Sa mga mahirap tulad ko, padaplis lamang ang kasiyahanAng pagkalimot, ang panaginip, ito lamang ang inaasahanPabigla akong nagising, sa dilim ng hatinggabiAt may namasdan akong parak na jumijingle sa may tabi-tabiAkala ko’y ‘di ako napansin ng nasabing kinatawan ng batasdahil walang pakialam niyang ipinagpatuloy ang kanyang pagbabawásNguni’t noong siya’y nagtapós, sabay kapirasong nginig,sabi niya sa akin, “Boy, tumayo ka diyan at makinig.“Ikinalulungkot kong maging instrumento ng iyong disgrasyanguni’t napipilitan kitang arestuhin sa kasong bagransya.“Bawal matulog sa Luneta, gabi man o arawHalika’t sumakay sa aming FX Tamaraw.”Ang sabi ko’y “mamang sa dibdib ay may suot na tala,Nakatulog lang naman ako, tila kay bigat ng pinsala!”
 
Pulis Report/Apa Ongpin ika- 2 pahina ng 5
 
“Aba ‘sus,” sabi niya, “ibig mo bang mangatuwiran?Huwag na sa akin, kundi sa may hawak ng blotter sa himpilan.”Kaya kibit-balikat umakyat ang inyong lingkod sa serbis ni Tsipat aking natanaw ang iba pang mga hamak na nadakipIsa itong pangkat na walang katulad at sadyang sari-sariKinabibilangan ng mga kanto boy, taong grasa, at babaeng nagpapaarkila ng ariItinanong ko sa isang mamang hindi mataba ngunit masustansya,“Ano ba’ng ibig sabihin nitong salitang bagransiya?”“Aba’y ang ibig sabihin niyan ay wala tayong silbi, hamak lamang sa lipunanPara tayong mga basurang dinampot, walang kapangyarihan, walang laban.”Ang sasakyan ay gumawi sa kadiliman ng North Bay BolibardNoong biglang humiyaw ang isang kasama naming sward“Mamang Pulis,” ika niya, “hinto, hinto,Ang alam ko’y wala ditong malapit na presinto!“Ayokong pagkatuwaan ninyo, ayokong ma-tortureAt bukas nasa Tonight ang aking wa-poise na picture!”Ang sabi ng pulis, “Aba’y tumigil ka nga diyan, hamak na bakla,“Tutungo lamang tayo sandali sa ire-raid naming bahay ng sakla.”Hindi ko man noon sukat akalainnguni’t sa nasabing operasyon, ako pala ang magiging paín.Pumara ang sasakyan sa isang kanto kung saan makapal ang gabiMinasdan ng pulis kaming mga bihag, at ito ang kanyang sinabi:“Kailangan namin ng ahente para pumasok diyanupang matiyak na ito na nga’y saklaan.“Ikaw, ano’ng pangalan mo?” sabay tinuro ang inyong lingkod“Warlito po,” ‘ka ko, sabay pumalakpak ang aking mga tuhod.“Nakikita mo ba iyang bahay na iyan?” ang sabi ng parak,“Ayoko pong pumasok diyan,” ‘ka ko, “baka ako masaksak.”“Baka gusto mo na lang ma-salvage,” ang sabi ng pigoy,“Pumasok ka na diyan, at kung hindi, patay kang bata ka, boy.”“Iyong siyasatin ang mga nagaganap sa loob ng gusali,At kung saklaan na nga ito, sa laro ka makisali.”
 
Pulis Report/Apa Ongpin ika- 3 pahina ng 5
 
“Matapos maglaro, lumabas ka upang kami’y senyasanAt kami na ang bahala sa mga susunod na kinahinatnan.”Mahirap alalahanin ang mga pangyayaring sumunodNguni’t ako’y nakapaglakád kahit ga-tinikling ang aking mga tuhod.Tumuloy ako sa pasukan ng nasabing gusaliNa mukhang under construction pa, dahil nakabalot ng sawaliBukas ang pintuan, at wala akong namasdang pindutan o pisikaya pumasok na lang ako, at matapos nagsisiMadilim ang lugar, wala akong matanawNang biglang bumulusok ang isang boses na nakakatunaw:“Helllooo, big boy”, ang mala-halimaw na sinabi nito,“Ikaw ba’y ligaw lamang o sadyang pumarito?”“Huwag kang mahiya, natural lang naman sa lalaking tulad moAng tumikim pa-minsan-minsan, ganyan talaga ang maging macho.”At sa pagbibigkas nito, lumabas sa mga aninoAng aking kausap, na ngayo’y nakikita ko na kung sinoIsa siyang babaeng napakalaki ang hinaharapmahirap na ngang tignan nang hindi mapapakurapSumunod ako sa kanyang senyas, tumuloy sa isang silid sa tabiAt ito’y puno ng mga babaeng ang tanging saplot lamang ay pantulog at angdilim ng gabiNang masdan ko ang mga kabigha-bighaning hugis ng mga babaeng itoBigla naman nagising, (at papaano namang hindi) ang kasama kong si PedritoAng napasukan ko pala’y isang casa ng panandaliang ligayahindi naman cheap nguni’t masasabing halagang abot-kayaInisip kong bigla ang mga pulis sa labasNa sa akin naghihintay upang sugurin ng armasAng akala nilang pugad ng bisyo na saklaanIyon pala’y walang iba kundi simpleng bahay tirahan.Gayundin, naalala ko, wala silang binanggit na panahonKung tumagal ako nang kaunti, maghihintay lang naman ang mga iyon.May datung naman akong dala, hindi ako mapapahiya ritoAt matagal-tagal nga namang hindi nakakapag-yugyugan si Pedrito

Activity (3)

You've already reviewed this. Edit your review.
1 thousand reads
1 hundred reads
Mhean Bares added this note
ayos ang lupet !!! kakatawa :))

You're Reading a Free Preview

Download
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->