You are on page 1of 5

KALIGIRANG KASAYSAYAN

Nagising pagkatapos nang higit sa tatlong daang taong pagkakahimlay ang mga natutulog na
damdamin ng mga Pilipino nang isangkot sa digmaan sa Kabite ang tatlong paring sina Gomez,
Burgos at Zamora at patayin sa pamamagitan ng garote nang walang matibay na katibayan ng
pagkakasala. Ito’y naganap noong ika-17 ng Pebrero, 1872. Naragdagan pa ito nang makapasok dito
ang diwang liberalismo sa pamamagitan ng pagkakabukas ng Pilipinas sa pandaigdig na kalakalan,
at ang pagkakapadala sa kapuluan ng liberal na lider na tulad ni Gob. Carlos Maria dela Torre.

PAKSA NG PANITIKAN:
Humihingi ng pagbabago o reporma sa pamamalakad ng simbahan at pamahalaan.
Diwang makabayan.
Pag-asam o pagnanais ng kalayaan

ANG KILUSANG PROPAGANDA


Ang kilusang ito ay binubuo ng mga intelektwal sa gitnang uri na tulad nina Jose Rizal, Marcelo H.
del Pilar, Graciano Lopez-Jaena, Antonio Luna, Mariano Ponce, Jose Ma. Panganiban, Pedro Paterno at
iba pa. Paghingi ng reporma o pagbabago gaya ng mga sumusunod ang layunin ng kilusang ito

LAYUNIN NG KILUSANG PROPAGANDA


Magkaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa mga Pilipino at Kastila sa ilalim ng batas.
Gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas.
Panumbalikin ang pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa Kortes ng Espanya.
Gawing mga Pilipino ang mga kura-paroko.
Ibigay ang kalayaan ng mga Pilipino sa pamamahayag, pananalita, pagtitipon o pagpupulong, at
pagpapahayag ng kanilang mga karaingan.

ANG MGA PROPAGANDISTA


JOSE RIZAL –gumamit ng dalawang sagisag-panulat= Laong-laan (Amor Patrio); Dimasalang
( Masonry), itinatag-LA LIGA FILIPINA
= ipinanganak noong ika-19 ng Hunyo 1861, bayan ng Kalamba
= namatay noong ika-30 ng Disyembre 1896
= ang kanyang mga AKDA :
**NOLI ME TANGERE – akdang nagbigay daan sa himagsikan laban sa Espanya; inilantad ang
kasamaang naghahari sa pamamahala ng mga Kastila sa Pilipinas.
** EL FILIBUSTERISMO – akdang nagsisiwalat ng mga kabulukan ng pamahalaang umiiral
** MI ULTIMO ADIOS – (Ang Huli Kong Paalam); ito ay kanyang sinulat noong siya ay nakakulong sa
Fort Santiago. Ipinalalagay ng marami na ang tulang ito ay maihahanay sa lalong pinakadakilang
tula sa daigdig.
** SOBRE LA INDOLENCIA DE LOS FILIPINAS- (Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino ). Ito’y isang
sanaysay na tumatalakay at sumusuri ng mga palasak na sabing ang mga Pilipino ay tamad
** FILIPINAS DENTRO DE CIEN ANOS-(ANG Pilipinas sa Loob ng Sandaang Taon ). Ito ay isang
sanaysay na nagpapahiwatig na darating ang panahon na ang interes ng Europa sa Pilipinas ay
mababawasan, samantalang ang impluwensya ng Estados Unidos ay mararamdaman. Hula ni Rizal;
kung may sasakop uli sa Pilipinas, walang iba kundi ang Estados Unidos.
** A LA JUVENTUD FILIPINO- ( Sa Kabataang Pilipino ). Ito ay isang tulang inihandog niya sa mga
kabataang Pilipinong nag-aaral sa Pamantasan ng Sto. Tomas.
** EL CONSEJO DE LOS DIOSES- ( Ang Kapulungan ng mga Bathala). Ito ay isang dulang
patalinghagang nagpapahayag ng paghanga kay Cervantes.
** JUNTO PASIG – ( Sa Tabi ng Pasig ). Isinulat niya ito nang siya ay 14 na taong gulang pa lamang.
** ME PIDEN VERSOS- ( Hinilingan Nila Ako ng mga Tula ).-1882 at A LAS FLORES DE HEIDELBERG
( Sa mga Bulaklak ng Heidelberg 1882 ). Ang dalawang tulang ito ay nagpapahayag ng mga di-
pangkaraniwang kalaliman ng damdamin.

B. MARCELO H. DEL PILAR- gumamit ng iba’t ibang sagisag-panulat tulad ng PLARIDEL;


PUPDOH;PIPING DILAT; at DOLORES MANAPAT
= isinilang sa Cupang,San Nicolas Bulakan noong ika-30 ng Agosto,1850
=itinatag ang DIARIONG TAGALOG noong 1882
=hinalinhan niya si Graciano Lopez Jaena bilang patnugot ng pahayagang LA SOLIDARIDAD

MGA AKDA NI MARCELO H. DEL PILAR


PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA- salin sa tulang Kastilang “Amor Patrio” ni Rizal na napalathala noong
Agosto 20, 1882 sa Diariong Tagalog.
CAIIGAT KAYO – ito’y isang pabiro at patuyang tuligsa at tugon sa tuligsa ni Padre Jose Rodriguez sa
Noli ni Rizal; inilathala sa Barcelona noong 1888. Gumamit siya ng sagisag na “Dolores Manapat” sa
akda niyang ito.
DASALAN AT TOCSOHAN- akdang hawig sa katesismo subalit pagtuya laban sa mga prayle na
inilantad sa Barcelona noong 1888.
ANG CADAQUILAAN NG DIOS – ito’y isang hawig sa katesismo subalit pagtuya laban sa mga prayle
na inilahathala sa Barcelona. Isang sanaysay ng pagtuligsa laban sa mga prayle ngunit nagtataglay
ng pilosopiya tungkol sa kapangyarihan at katalinuhan ng Poong Lumikha, pagpapahalaga at pag-
ibig sa kalikasan.
SAGOT NG ESPANYA SA HIBIK NG PILIPINAS- isang tulang nagsasaad ng pagbabago ngunit ang
Espanya ay napakatanda at napakahina na upang magkaloob ng anumang tulong sa Pilipinas.
DUPLUHAN..DALIT..MGA BUGTONG- ito’y katipunan ng maiigsing tula at pang-aapi ng mga prayle sa
Pilipinas.
LA SOBERANA EN FILIPINAS- sanaysay na tungkol sa mga katiwalian at di-makatarungang ginawa ng
mga prayle sa mga Pilipino

GRACIANO LOPEZ-JAENA
isinilang noong Disyembre 18, 1856
= kinilalang manunulat at mananalumpati sa “Gintong Panahon ng Panitikan at Pananalumpati”
= itinatag niya ang kauna-unahang magasin, ang LA SOLIDARIDAD na naging opisyal na bibig ng
“Asociation Hispano Filipina”
= nagkasakit ng tuberkolosis at namatay sa ospital ng Barcelona noong ika-20 ng Enero 1896

MGA AKDA NI G.LOPEZ-JAENA


FRAY BOTOD (1876)- tinutuligsa ang mga prayle na masisiba, ambisyoso at imoral ang pagkatao
LA HIJA DEL PRAILE- ipinaliliwanag ang mga kapahamakan at kabiguan kung mapakasal sa isang
Kastila.
SA MGA PILIPINO (1891)- isang talumpati na ang layunin ay mapabuti ang kalagayan ng mga
Pilipino. Malaya, maunlad, at may karapatan
MGA KAHIRAPAN NG PILIPINAS- tinutukoy rito ni Lopez Jaena ang maling pamamalakad at edukasyon
sa Pilipinas-1887

IBA PANG MGA PROPAGANDISTA


ANTONIO LUNA
MARIANO PONCE
PEDRO PATERNO
JOSE MA. PANGANIBAN
PASCUAL POBLETE

ANTONIO LUNA
isang parmasyotikong dinakip at ipinatapon ng mga Kastila sa Espanya.
= sumanib sa kilusang PROPAGANDA
= ang paksa ng kanyang mga isinusulat ay nauukol sa mga kaugaliang Pilipino, at ang iba’y
tumutuligsa sa pamamalakad ng mga Kastila
= ginamit niyang sagisag-panulat – TAGA-ILOG
= namatay sa gulang na 33 noong ika-7 ng Hunyo, 1899

MGA AKDA NI A. LUNA


NOCHE BUENA – naglalarawan ng tunay na buhay Filipino
SE DIVIERTEN – (Naglilibang Sila)- isang pagpuna sa sayaw ng mga Kastila na halos di-maraanang
sinulid ang pagitan ng mga nagsisipagsayaw
LA TERTULIA FILIPINA- (Sa Piging ng mga Pilipino)-naglalahad ng isang kaugaliang Filipino na
ipinalalagay niyang lalong mabuti kaysa kaugaliang Kastila
POR MADRID – tumutuligsa sa mga Kastilang nagsasabing ang Pilipinas ay lalawigan ng Espanya
ngunit ipinalalagay na banyaga kapag sinisingilan ng selyo
LA CASA DE HUESPEDES – (Ang Pangaserahan)- naglalarawan ng isang pangaserahan na ang
kasera’y naghahanap ng mangangasera hindi upang kumita’ kundi upang maihanap ng
mapapangasawa ang kanyang anak
IMPRESIONES- ito’y isang paglalarawan sa ibayong kahirapang dinaranas ng isang mag-aaral na
naulila sa amang kawal

MARIANO PONCE
naging tagapamahalang patnugot, mananalambuhay at mananaliksik ng Kilusang Propaganda.
= mga sagisag-panulat na ginamit- TIKBALANG; KALIPULAKO at NANING
= tungkol sa kahalagahan ng edukasyon ang karaniwang paksa ng kanyang mga sanaysay
= inilahad din niya ang pang-aapi ng mga banyaga at ang karaingan ng bayan

MGA AKDA NI M.PONCE


MGA ALAMAT NG BULAKAN – naglalaman ng mga alamat at kwentong-bayan ng kanyang bayang
sinilangan
PAGPUGOT KAY LONGINO – isang dulang Tagalog na itinanghal sa liwasan ng Malolos, Bulakan
SOBRE FILIPINA
ANG MGA PILIPINO SA INDO-TSINA

PEDRO PATERNO
isang iskolar, dramaturgo, mananaliksik at nobelista sa Kilusang Propaganda
= sumapi sa Kapatiran ng mga Mason at sa Asociation Hispano-Filipino
= unang manunulat na nakalaya sa sensura sa panitikan sa mga huling araw ng pananakop ng
Kastila

MGA AKDA NI PEDRO PATERNO


NINAY – kauna-unahang nobelang panlipunan sa wikang Kastila na sinulat ng isang Pilipino
A MI MADRE (Sa Aking Ina)- nagsasaad ng kahalagahan ng isang ina, na nagiging malungkot ang
isang tahanan kung wala ito
SAMPAGUITAS Y POESIAS VARIAS – katipunan ng kanyang mga tula

JOSE MA. PANGANIBAN


itinago ang tunay na pangalan sa ilalim ng sagisag na JOMAPA
= kilala sa pagkakaroon ng “MEMORIA FOTOGRAFICA”
=kabilang sa mga kilusang makabayan

MGA AKDA NI JOMAPA


ANG LUPANG TINUBUAN
SA AKING BUHAY
SU PLAN DE ESTUDIO
EL PENSAMIENTO

PASCUAL POBLETE
isinilang sa Naic Kabite noong Mayo 17, 1858
= kabilang siya sa dalawang panahon ng Panitikang Pilipino:Kastila at Amerikano
= mamamahayag, makata, mandudula, nobelista at mananalaysay
= itinatag niya at pinamatnugutan ang pahayagang “EL RESUMEN”
= sa panahon ng Amerikano, itinatag niya ang pahayagang “EL GRITO DEL PUEBLO” at “ANG TINIG
NG BAYAN”
= kauna-unahang Pilipino na nagsalin sa Pilipino ng Noli Me Tangere ni Jose Rizal
= kinilalang “Ama ng Pahayagang Tagalog”

KALIGIRANG KASAYSAYAN
Hindi naipagkaloob sa mga Pilipino ang mga hinihinging pagbabago ng mga Propagandista. Naging
bingi ang pamahalaan, nagpatuloy ang pang-aapi at pagsasamantala, at naging mahigpit pa sa mga
Pilipino ang pamahalaan at simbahan. Ang mga mabuting balakin sana ng Inang Espanya sa
Pilipinas ay nasasalungat pa rin ng mga prayleng nangaghari rito.

NILALAMAN NG PANITIKAN SA PANAHON NG TAHASANG PAGHIHIMAGSIK


== pawang pagtuligsa sa pamahalaan at simbahan

== pagbibigay-payo sa mga Pilipino upang magkaisa at maghanda nang matamo ang inaasam na
kalayaan

ANDRES BONIFACIO
kilalang-kilala bilang “AMA NG DEMOKRASYANG PILIPINO” at “AMA NG KATIPUNAN”
hamak ang pinanggalingang kalagayan sa buhay, kaya’t sinasabing ang kanyang mga natutuhan ay
pawang galing sa “paaralan ng karanasan”
umanib o lumahok sa kilusang itinatag ni Jose Rizal-ang LA LIGA FILIPINA
lalong kilala sa pagiging dakilang mandirigma kaysa manunulat

MGA AKDA NI A. BONIFACIO


KATUNGKULANG GAGAWIN NG MGA ANAK NG BAYAN – nahahalintulad sa Sampung Utos ng Diyos
ang pagkakahanay ng kartilyang ito
HULING PAALAM – salin sa Tagalog ng “Mi Ultimo Adios”
PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA – isang tulang naging katulad din ng pamagat ng kay Marcelo H. del
Pilar
ANG DAPAT MABATID NG MGA TAGALOG –bumabanggit sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang kaunlarang
tinatamasa ng bansa bago dumating ang mga Kastila at ang mga kaapihan ng mga Pilipino sa
kamay ng mga Kastila
KATAPUSANG HIBIK NG PILIPINAS – tulang nagpapahiwatig ng hinanakit sa bayan. Kinatha ni
Bonifacio bilang pagpapatuloy sa tulang napasimulan ni Herminigildo Flores na may pamagat na
Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya. Ito ay tinugon naman ni Marcelo H. del Pilar sa kanyang tulang
SAGOT SA HIBIK NG PILIPINAS

EMILIO JACINTO
isinilang sa mahirap na angkan sa Trozo, Maynila noong Disyembre 15,1875
gumamit ng sagisag-panulat na “DIMASILAW”
Kinikilala bilang “UTAK NG KATIPUNAN”
Siya ang tumatayong punong-sanggunian ni Andres Bonifacio
Katulong ni A. Bonifacio sa pagtatatag ng kilusang KATIPUNAN
Naging patnugot ng pahayagan ng Katipunan-ang KALAYAAN

MGA AKDA NI E.JACINTO


= KARTILYA NG KATIPUNAN – mga kautusan para sa mga kasapi ng Katipunan
= LIWANAG AT DILIM – katipunan ng mga sanaysay na may iba’t ibang paksa tulad ng pag-ibig sa
bayan, kahalagahan ng paggawa, pagkakapantay-pantay, kalayaan at paniniwala
= A MI MADRE (Sa Aking Ina) – isang tulang handog sa kanyang ina
= A LA PATRIA (Sa Bayang Tinubuan)–ang ipinalalagay na kanyang obra-maestra

APOLINARIO MABINI
= nagmula sa maralitang angkan
= isinilang noong Hulyo 22, 1864 sa Tanauan, Batangas
= nagtapos ng pagka-manananggol
= tinaguriang “UTAK NG HIMAGSIKAN”
= ipinatapon sa Guam ng mga Amerikano sapagkat ayaw niyang manumpa sa bandilang Amerikano
= namatay sa sariling bayan sa sakit na kolera

MGA AKDA NI A. MABINI


= ANG HIMAGSIKANG PILIPINO –isang sanaysay na naglalarawan ng kabayanihan ng mga Pilipino sa
pakikipaglaban
= SA BAYANG PILIPINO –isang tulang handog sa bayan
= ANG PAHAYAG = hinango sa kanyang manipesto
= EL DESAROLLO Y CAIDA DELA REPUBLICA FILIPINA-Ang Pagtaas at Pagbagsak ng Republikang
Pilipino
= PAGPAPALIT NG ILANG TITIK SA ALPABETONG PILIPINO
= EL VERDADERO DECALOGO- Ang Tunay na Sampung Utos

JULIAN FELIPE
= ang may-akda ng Pambansang Awit
= kinikilala bilang “AMA NG MARCHA NACIONAL”
= isinilang noong Enero 28,1861, Kabite

JOSE PALMA
= isinilang noong ika-6 ng Hunyo1876 sa Tondo
= nag-aral sa Ateneo de Manila
= lumikha ng tulang liriko at ito ay tinipon sa isang aklat na pinamagatang “MELANCOLICAS” ( Mga
Panimdim)
= pinakadakilang ambag ay ang pagkakalapat ng titik sa tugtuging pambansa na pinamagatang
“FILIPINAS”

MGA PAHAYAGAN SA PANAHON NG HIMAGSIKAN


HERALDO DELA REVOLUCION – naglalahathala ng mga dekreto ng pamahalaang mapanghimagsik,
mga balita, at mga akda sa Tagalog na pawang gumigising sa damdaming makabayan
LA INDEPENDENCIA – pinamatnugutan ni Antonio Luna na naglalayon ng pagsasarili ng Pilipinas
LA REPUBLICA FILIPINA – itinatag ni Pedro Paterno noong 1898
LA LIBERTAD – pinamatnugutan ni Clemente Zulueta
UNANG GASETILYA – noong 1637, nilimbag ni Tomas Pinpin ang SUCESOS FELICES bagamat isang
polyeto ay ipinalalagay na kauna-unahang pahayagang nalimbag sa Pilipinas
DEL SUPERIOR GOBIERNO – kauna-unahang pahayagang regular na inilathala sa Pilipinas.Ang
naging unang editor ay si Manuel Fernandez del Folgueras
LA ESPERANZA – kinilalang unang pahayagang pang-araw-araw. Pinamatnugutan nina Felipe Lacorte
at Evaristo Calderon
DIARIO DE MANILA – unang lumabas noong 1848 sa pamamatnugot nina Felipe del Pan
EL RESUMEN – magkatulong na inilathala nina Isabelo delos Reyes at Baldomero Hazanas. Kauna-
unahang pahayagang lantad sa pagtataguyod ng nasyonalismong Pilipino
ANG KALAYAAN – ang opisyal na pahayagan ng kilusang KATIPUNAN na pinamatnugutan ni E. Jacinto

You might also like