Read without ads and support Scribd by becoming a Scribd Premium Reader.
1
10. Tinanggap Mo na ba ang Espiritu ng Diyos?
Kung tinanggap mo na si Jesus, tinanggap mo na rin ang Espiritu
ng Diyos: “...Kung ang Espiritu ni Cristo'y wala sa isang tao, hindi
siya kay Cristo.” (Roma 8:9). Katulad ka ng mga alagad
pagkatapos nilang mahingahan ni Jesus na muling nabuhay at mautusan ng
ganito, "Tanggapin ninyo ang Espiritu [o Hiningang] Santo.” (Juan 20:22)
Alamin mo kung tinanggap mo rin ang Espiritu sa ganito namang
kaparaanan: Pagkatapos umakyat sa langit si Jesus, tinanggap nila uli ang
Espiritu sa ibang kaparaanan.4 4 Nagsasalita pa si Pedro nang bumaba ang
Espiritu Santo sa mga nakikinig....4 5. . . ang mga ito ay pinagkalooban din ng
Espiritu Santo.4 6 Narinig nila ang mga Hentil na nagsasalita sa iba't ibang
wikaa t nagpupuri sa Diyos. Kaya't sinabi ni Pedro,4 7 "Tulad ng pagtanggap
natin, sila'y pinagkalooban din ng Espiritu Santo.... (Gawa 10:44-47).
Tinukoy dito ni Pedro ang pagtanggap nila sa Espiritu sa Gawa 2:1-4:
1 ... nagkatipon silang lahat sa isang lugar. 2 At biglang narinig ang isang
ugong mula sa langit, animo'y hagunot ng malakas na hangin, at napuno nito
ang bahay na kinaroroonan nila.3 May nakita silang wari'y mga dilang apoy
na lumapag sa bawat isa sa kanila.4 At silang lahat ayn a p u s p o s ng Espiritu
Santo at nagsalita ng iba't ibang wika, ayon sa ipinagkaloob sa kanila ng
Espiritu.
Tinanggap mo na ba ang Espiritu sa kaparaanang napuspos ka Niya at
nakontrol Niya maging ang iyong pananalita?
Ipinaliwanag ni Apostol Pablo kung paano mapuspos ng Espiritu:
18 Huwag kayong maglalasing, sapagka’t nakasisira iyan ng maayos na
pamumuhay. Sa halip ay sikapin ninyongm a p u s p o s kayo ng Espiritu
Santo.1 9 Sama-samang ipahayag ang inyong damdamin sa
pamamagitan ng mga salmo, mga imno at mga awitingAE S P I R I T U WA L.
BuongBP U S O kayong umawit at magpuri saC PANGINOON.2 0DL A G I
kayong magpasalamat sa Diyos at Ama dahil saEL A H AT ng bagay, sa
pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.2 1FPA S A K O P kayo sa isa’t-
isa tanda ng inyong paggalang kay Cristo. (Efeso 5:18-21; Jeremias 23:9).
1. Ayon dito, kung ikaw ay puspos ng Espiritu Santo:
a.Anong awitin ang ipahahayag mo (t.19)?A_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _.
b.Saan magmumula ang iyong pag-awit? SaB_ _ _ _ _ _ _ _.
c.Para kanino ang pag-awit mo? Para saC_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _.
d.Kailan ka magpapasalamat (t.20)?D_ _ _ _ _ _ _.
e.Para sa aling bagay ka nagpapasalamat? Para saE_ _ _ _ _ _ _ _ _ _.
f.Ano ang dapat na tugon mo sa mga iuutos ng kapwa Cristiano na di
naman salungat sa paggalang kay Cristo (t.21)?FPA______________
ako sa kanila.
“Ama ko sa langit, inaamin ko po na ako ang naghari sa aking kilos,
pananalita at hangarin. Ako'y pag-aari mo na mula pa nang manalig
ako kay Jesus at nasa akin na ang Espiritu Santo.
“Hinihiling ko po na ibigay mo sa akin ngayon ang Espiritu Santo sa
kaparaanang mapuspos at makontrol Niya ako sa aking buhay.
Salamat po at ako'y puspos na ngayon ng Espiritu dahil ito ay mabuti
Search History:
Searching...
Result 00 of 00
00 results for result for
  • p.
  • Notes
    Load more