Read without ads and support Scribd by becoming a Scribd Premium Reader.
1
26. Paano Tumulong sa Ikatitibay ng Iba?
‘Ano ang nararapat, mga kapatid? Kapag nagpupulong kayo,
lahat kayo’y may dalang awit,BA R A L , “CK A T O T O H A N A N G
mula sa Diyos”, salita sa ibang wika, o paliwanag. Gawin ninyo
ang lahat para saAI K A T I T I B A Y ng iglesia.’(1Corinto 14:26 SB).
Para saan ang bawat gagawin sa mga pagpupulong na dadaluhan mo?
Para saA_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ ng iglesia. Anu-ano ang dapat mong dalhin
doon? Awit,B_ _ _ _ _ _ _ _,C_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ mula sa Diyos,
salita sa ibang wika, o paliwanag ng wikang iyon.”
I.PAGSASANAY:
A. Gumawa ng grupong may 3 o 4 ang miyembro. Umupo kayo at
ayusin ang upuan nang pabilog. Maaari kayong kausapin ng Diyos
habang kayo’y nakaupo (1Corinto 14:30). Hayaan ang isa ay maging
panandaliang mangunguna sa pag-uusap ng grupo.
B. Pagkatapos ng ilang minutong pag-iisip,ip a s a g o t sa bawat isa ito
—“Kung magpapakita sa iyo ang Panginoong Jesus at binigyan ka ng
pagkakataong magtanong, sabihin mo sa grupo sa mga limang salita
(1Corinto 14:19), ano ang itatanong mo?”
C.Manalangin kayo.
1. Idalangin ang isa’t-isa na ibigay ng Diyos ang kasagutan sa tanong
na nabanggit.Iklian ang panalangin!
2. Tumahimik. Makinig sa Diyos. Pwede ito dahil mga tupa tayo ni
Jesus (Juan 20:27). Pasalamatan ang Diyos sa anumang
kasagutan na ibinigay niya sa katanungan ninoman sa grupo.
D.Mag-usap kayo sa inyong karanasan sa pananalangin. Tinatawag na
propesiya ang paghahayag ng anumang pakiramdam ng sinuman na
galing sa Diyos. Hayaang magsalita ang 2 o 3 (1Corinto 14:29,31 LS)
ng mga salitang nauunawaan (t.19). Lahat ay pwedeng magpropesiya
(t.31).
1. Pag-usapan sa grupo kung ano mang sinabi ng Diyos nang
nanalangin kayo, tulad ng sagot sa tanong ninuman o nais gawin ng
Diyos sa buhay ninuman. Kung may ipinahayag ang Diyos sa
nakaupo habang nagsasalita ang isa, patahimikin ang nauna
(1Corinto 14:30). Maging ang propeta ay kayang pigilin ang sarili
niyang espiritu (t.32).
2.Hatulan (t.29; 1Tesalonica 5:21) kung alin sa mga nabanggit ang
sang-ayon sa patotoo ni Jesus (Pahayag 19:10). Malalaman na
2
kasama ng Diyos ang taong nagsalita ng tunay na propesiya
(1Corinto 14:25). Dapat tanungin ng bawat-isa:
a. “Handa ba akong sundin ang kalooban ng Diyos?” Di mo
malalaman ang kalooban ng Diyos kung ayaw mong sundin ito
(Juan 7:17; 14:21).
b. “Ang propesiya ba ay nakapagpapatibay? Nakakapagpalakas?
Nakakapagpaaliw? Pinapakita ba nito ang kagandahang-loob ng
Diyos (Roma 2:4)?” Dapat itong pigilin kaagad o tanggihan kung:
1) ito ay humahatol (Roma 8:1) o umaakusa sa mga Cristiano sa
kasalanang naipahayag na nila (Pahayag 12:10; 1Juan 1:9).
2) kinagagalitan nito ang matatandang lalaki (1Timoteo 5:1) o
mga pinuno (Gawa 23:5).
3) sinasabi ang kasalanan ng iba sa publiko sa halip na sarilinan
(Mateo 18:15).
c. “Ang turo ba nito’y tapat (Tito 1:9 LS) o di salungat sa Biblia
(Juan 16:13)?”
d. “Pinatotohanan ba ang binigyan ng propesiya na tama ang
ipinahayag tungkol sa kanyang puso (1Corinto 14:24-25,30-31).”
e. “Sumusuporta ba ang buhay ng nagpropropesiya sa kanyang
sinasabi (Lucas 6:43-45; Jeremiah 23:10,11,14 LS) o mayabang
siya (1Kings 22:24)?”
3.Huwag husgahan na bulaang propeta ang sinumang:
a. di 100% na perpekto sa kanyang propesiya. Sa simula, inakala
ni propetang Natan na si David ang gagawa ng templo (2Samuel
7:1-5).
b. di sigurado sa narinig niya sa Diyos (Jeremias 32:8).
II. Sa susunod na pagtitipon, DUMALO KA NANG MAY:
A.AWIT tulad ng sa Mga Awit hanggang sa Awit ni Solomon (McDowell).
1. Kung maaari, magdala ng isang instrumento upang kung may
patnubayang umawit, pwedeng sumunod na lang ang iba sa pag-
awit. Ang salitanga w i t ay isang awit na ginagamitan ng
instrumento (Zodhiates) - Umawit sa saliw nitong pandereta
['tambourine”], Kasabay ng tugtog ng lira at alpa.” (Awit 81:2).
2.Magdala ka ng pasasalamat sa Diyos para sa kabutihan Niya nang
nakaraang linggo o panahong di ka nakadalo. Pwede mo iyong
ikwento o awitin (Efeso 5:19; “At umawit ng awit na pasasalamat
ang mga saserdote.”—isang Griegong kasulatan). Sa gayong
paraan, matuturuan at mapapaalalahanan mo ang iba (Colosas
3:16).
B.ARAL, ang salitang natutunan. Dapat na mula ito sa Diyos at di mula
sa sarili mo (Juan 7: 16,17)—di mga kwentong naimbento mo.
Magagawa mo ito kung araw-araw mong pag-aaralan upang isagawa
ang Biblia.
3
C.KATOTOHANANG MULA SA DIYOS”, isang paghahayag ng hiwaga
(Roma 16:25) na dating nasa kadiliman (Lucas 2:32), natago (Mateo
10:26; 11:25; Lucas 12:2) at lihim (Efeso 3:3) na ipinaalam na ng Ama
(Mateo 16:17; Lucas 10:22) sa pamamagitan ng kanyang Espiritu
(1Corinto 2:10) o sa pamamagitan ni Jesus (2Corinto 12:1,7; Galacia
1:12; 2:2). Maaari itong:
1. nilalaman ng puso ng isa sa inyo (Lucas 2:35; 1Corinto 14:24)
2. paano ka naging Cristiano - paano nahayag ang pananampalataya
sa iyo (Galacia 3:23).
3. inihanda at ibinigay ng libre ng Diyos sa mga nagsisiibig sa kanya
(1Corinto 2:9-13).
4. paano inihayag si Jesus sa iyo (Galacia 1:16) - paano siya nakita sa
buhay mo, ang pagbabagong nakita mo.
5. isang katangian ng Diyos na naunawaan mo kamakailan lamang,
tulad ng kanyang katuwiran (Lucas 10:22).
6. isang bahagi ng buhay mo na kailangan maging katulad ng kay
Jesus (Filipos 3:8-13).
7. karanasan ng kapangyarihan sa buhay mo tulad ng yaon laban sa
mga demonyo (Lucas 10:19-21).
D.IBANG WIKA AT ANG PALIWANAG NITO:
1. Ang ibang wika ay salita (1Juan 3:18) ng mga anghel (1Corinto
13:1) o bansa [grupo ng mga tao (Pahayag 5:9) na
magkakasamang nakatira sa isang lugar (Gawa 2:5,9,11) at
pinamamahalaan ng ilan (Mateo 20:25; Marcos 10:42)].
2. Isa sa mga tanda na taglay ng mga sumasampalataya ang
pagsasalita ng mga bagong wika (Marcos 16:16-17) o di pa nila
nabanggit o narinig (Gawa 17:21).
3. Huwag iyon ipagbawal (1Corinto 14:39).
a. Bakit? Kung nasa pagtitipon man o nag-iisa, napapatibay ng
nagsasalita ng ibang wika ang kanyang sarili (t.4).
b.Paano? Sa bawa’t pagtitipon, “tiyakin lamang ninyo na ang lahat
ay ginagawa sa wasto at maayos na paraan”( t .4 0 ) .
1)“ang bawa’t isa sa inyo’y… may wika…” (t.26) para sa
kabutihan ng iba (t.5b) at/o ng sarili lamang (t.4)
2) Maaaring maunawaan ang ibang wika:
a) walang iba kundi ng Diyos lamang (t.2). Sa ganitong
kalagayan, pag ginamit sa panalangin ng isang Cristiano,
Search History:
Searching...
Result 00 of 00
00 results for result for
  • p.
  • Notes
    Load more