You are on page 1of 7

PAGBASA

Ang ating mga mata ang ginagamit natin upang tayo ay


makapagbasa.
KATUTURAN AT KAHALAGAHAN:
Ang pagbasa ay ang pagkilala at pagkuha ng mga ideya at
kaisipan. Ito ay ang pagkilala, pagpapakahulugan at
pagtaya sa mga simbolong nakalimbag.
PROSESO AT KATANGIAN:
• A. PERSEPYON – hakbang sa pagkilala sa mga
nakalimbag na simbulo at maging pagbigkas
ng wasto sa mga simbolong nababasa.
• B. KOMPREHENSYON – Pagproseso ng
impormasyon o kaisipang ipinapahayag ng
simbolong binasa. Sa hakbang na ito natin
nauunawaan ang tekstong ating binabasa.
• C. REAKSYON – Dito hinahatulan o
pinapagpasyahanang kawastuhan at
pagpapahalaga ng tekstong binasa.
• D. ASIMILASYON – Dito isinasama at iniuugnay
ang kaalamang nabasa sa mga datin nag
kaalaman. 
MGA TEORYA SA PAGBASA
• A. BOTTOM UP – Tradisyunal na pananaw sa
pagbasa. Ayon dito, ang pagbasa ay ang pagkilala sa
mga serye ng mga nakasulat na simbulo upang
maibigay ang katumbas nitong tugon.
• B. TOP DOWN – Ang impormasyon ay nagsisimula sa
mambabasa patungo sa teksto. Gumagamit ang
mambabasa ng datin na nyang kaalaman at
konseptong nabuo sa kanyang kaisipan mula sa
karanasan nya sa paligid.
• C. INTERAKTIB – Ayon sa teoryang ito, ang TOP
DOWN ay maaring akma lamang sa mga bihasa nang
bumasa ay kahulugan lamang. Dito nagaganap ang
interaksyong awtor – mambabasa at mambabasa
awtor ang interaksyo ay bi-directional.
• D. ISKIMA – Hindi teksto ang iniikutan ng proseso ng
pagbasa, kundi ang tekstong nabubuo sa isipan ng
mambabasa.

You might also like