Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more ➡
Download
Standard view
Full view
of .
Add note
Save to My Library
Sync to mobile
Look up keyword
Like this
17Activity
×
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
Si Pingkaw

Si Pingkaw

Ratings: (0)|Views: 12,593|Likes:

More info:

Published by: christinejoyperadilla on Oct 16, 2010
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as PDF, DOC, TXT or read online from Scribd
See More
See less

08/12/2013

pdf

text

original

 
Si PingkawMaikling Kwentong Hiligaynon Ni Isabelo S. Sobrega Naalimpongatan ako sa pagtulog nang hapong iyon sa sigawan at nanunuyang tawananng mga bata sa kalsada. Dali-dali akong bumangon, nagpahid ng pawis at dumungaw sa bintana. Si Pingkaw pala na sinusundan ng mga bata. Gula-gulanit ang kanyang damit nailang ulit nang tinagpian at may medyas ang isang paa na ewan kung asul o berde.Malayo siya kaya't di ko Makita nang mabuti. Sa kabilang binti, may nakataling pulang papel de Hapon na may kabit na lata sa dulo. Sa kanyang ulo, may nakapatong na palarana kumikinang tuwing tinatamaan ng sinag ng araw.“Hoy, Pingkaw,” sigaw ng isang bata na nakasundong abot sa tuhod at may itinatawing-tawing sa daga. “Sige nga, kumanta ka ng blak is blak.”“Ay, hiya ako,” nag-aatubiling sagot ng babae, sabay subo sa daliri.“Kung ayaw mo, aagawin namin ang anak mo,” nakangising sabat ng pinakamalaki salahat, mahaba ang buhok at nakakorto lamang. At umambang aagawin ang karga niPingkaw.Umatras ang babae at hinigpitan pa ang yapos sa kanyang karga.“Sige agawin natin ang kanyang anak,” sabi nilang pahalakhak habang pasayaw-sayawna pinalilibutan si Pingkaw.Maya-maya'y nakita kong lumuhod si Pingkaw sa lupa at nag-iiyak na parang bata.“Huwag niyo naming kunin ang anak ko. Isusumbong ko kayo sa meyor.” Patuloy pa rinang panindyo ng mga bata kahit na lumakas ang hagulhol ni Pingkaw. Nakadama ako ng pagkaawa kay Pingkaw at pagkainis sa mga bata. Kaya't sumigaw ako para takutin sila. “Hoy mga bata, salbahe n'yo! Tigilan n'yo ang pagtukso sa kanya.”Ewan kung sa lakas ng pagsigaw ko'y natakot ang mga batang isa-isang nag-aalisan.Pagkaalis nila, tumingala si Pingkaw sa akin at nagsabi:“Meyor, kukunins nila ang aking anak.”
 
Hindi ko mapigilan ang aking pagngiti. May koronel, may sergeant, may senador siyangtawag sa akin. Ngayon meyor na naman. “O sige, hindi na nila kukunin yan. Huwag kanang umiyak.” Ngumiti siya sa akin. Inihele ang kayang karga. Nahulog ang basahang ibinalot sa lata ng biskwit. Dali-dali niya itong pinulot at muling ibinalot sa lata.“Hele, hele tulog muna, wala ditto ang iyong ina…” ang kayang kanta habang ang lata'yipinaghele at siya'y patiyad na nagsasayaw. Natigilan ako.At naalala ko ang Pingkaw na dati naming kapitbahay sa tambakan, nang hindi pa siyaganito.Ang paghahalukay ng basura ang kanyang hanapbuhay (sa amin ang tambakan ngsyudad) at ditto nagmumula ang kanyang makakain, magagamit o maipagbili. Madalassiyang umawit dati-rati. Hindi naman kagandahan ang kanyang tinig -basag at boses-lalaki. Subalit kung may ano itong gayuma na bumabalani sa pandinig. Ewan kung dahilsa tila malungkot na tinig ng kanyang paghehele o kung dahil sa pagtataka sa kanyangkasiyahan gayong isa lamang siyang naghahalukay ng basura.Kadalasan, pabalik na siya niyang galling sa tambakan. Ang kariton niya'y puno ngkartong papel, bote, mga sirang sapatos, at sa loob ng bag na burin a nakasabit sa gilid ngkanyang kariton, makikita mo ang kanyang pananghalian. Ito'y mga tira-tirang sadinas,karne norte o kaya'y
 pork and beans
, pandesal na kadalasa'y nakagatan na at kungminsan, kung sinuswerte, may buto ng
 fried chicken
na may lamang nakadikit. Sakanyang yayat na katawan masasabing tunay na mabigat ang kanyang tinutulak, ngunitmagugulat ka, tila nagagaanan siya at nakakakanta pa ng kundimang Bisaya.Pagdating niya sa harap ng kanilang barung-barong, agad niyang tatawagan ang kanyanganak: “Poray, Basing, Takoy, nandito na ako.” At ang mga ito, dali-daling nagtakbuhan pasalubong sa kanya habang hindi makaringgan sa pagtatanong kung may uwi ba rawsiyang dyens na estretsibol; ano ang kanilang pananghalian, nakabili ba raw siya ng bitsukoy?Dalawang taon kaming magkapitbahay ngunit hindi ko man lamang nalaman angkanyang tunay na pangalan. Pingkaw ang tawag ng lahat sa kanya, b'yuda na s'ya. Namatay ang kanyang asawa sa sakit ng
epilepsy
habang dinadala niya sa kanyang
 
sinapupunan ang bunsong anak. Samantala, si Pisyang Tahur ay sumusumpa sa kanyang paboritong santo na hindi raw kailanman nakasal si Pingkaw. Iba-iba raw ang ama ngkanyang tatlong anak. Ang kanyang panganay, si Poray, ay labis na mataas para sakanyang gulang na labintatlong taon at masyadong payat. Tuwing makikita mo itingnakasuot ng estretsibol na dala ng ina mula sa tambakan, maaalala mo agad ang panakot-uwak sa maisan. Si Basing, ang sumunod, sungi ngunit mahilig pang pumangos tubogayong umaagos lamang ang katas sa biyak ng kayang labi. Ang bunsong ewan kungtatlong taon pa lamang ay maputi at guwapung-gwapo. Ibang-iba sa kanyang mga kapatidkaya kung minsa'y naisip mong totoo nga ang sinasabi ni Pisyang Tahur.Pagkatapos mananghalian, aalisin na ni Pingkaw ang mga laman ng kariton, ihihiwalayang mga lata mga bote, mga kariton at iba pang nakalagay rito sa napulot sa tambakankatulong ang kayang mga anak. Kinasanayan na ni Pingkaw na umawit habanggumagawa. Kung minsan, sumasabay ang kayang mga anak at ang sungi ang siyang may pinakamataas na tinig,. Pagkatapos, itutulak na niya ang kariton patungo sa Tsino natagabili.Talagang mahal ni Pingkaw ang kanayang mga anak. Sa tambakan, karaniwang makikitamo na sinasaktan ng mga ina ang kanilang mga anak, ngunit hindi mo man lamangmakikita si Pingkaw na inaambaan ang kanyang mga anak. “Ang mga bata,” nasabiniyang minsang bumili siya ng tuyo sa talipapa at nakitang pinapalo ng isang ina angmaliit na anak na nahuli nitong tumitingin sa malalaswang larawan, “hindi kailangang paluin, sapat nang turuan sila nang malumanay. Iba ang batang nakikinig sa magulangdahil sa paggalang at pagmamahal. Ang mga bata, kung saktan, susunod sa iyo subalitmagrerebelde at magkimkim ng sama ng loob.”Sa tunggalian ng pamumuhay sa tambakan na roo, ang isang tao'y handing tumapak sailong ng kapwa tao mabuhay lamang. Nakapagtataka si Pingkaw. Lubha siyangmatulungin lalo na sa katulad niyang naghahalukay lamang ng basura. Madalas siyangtumutulong sa pagtutulak ng kariton ng iba lalo na ng mga bata at matatanda. Sinasabi rinna sa pagsisimba niya tuwing Linggo hindi kukulangin sa piseta anf kayangipinamamahagi sa mga nagpapalimos.Alam ng lahat sa tambakan ang pangyayaring ito. Minsan, nagkasakit ng
el to rang 
sunging anak ni Pingkaw. Nagtungo ang babae sa suking Tsino. Nakiusap na pautangin

Activity (17)

You've already reviewed this. Edit your review.
Frenelyn Oximana added this note|
apaka haba nman ng "'maikLinh kwento'' hahha ..
1 thousand reads
1 hundred reads
Marc Quimson liked this
Nikki Centeno added this note|
mejo mahaba ung maikling kwento ha :)
Dan Henry Ureta liked this
notAMY liked this
Emanuel John Vergara added this note|
ganda ng kwento

You're Reading a Free Preview

Download
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->