Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more
Download
Standard view
Full view
of .
Save to My Library
Look up keyword
Like this
2Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
Lumuluha Ang Pulang Langit Sa Iyong Pagkawala

Lumuluha Ang Pulang Langit Sa Iyong Pagkawala

Ratings: (0)|Views: 22 |Likes:
Published by Julie
Isang Elehiya
Isang Elehiya

More info:

Published by: Julie on Nov 02, 2010
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

12/04/2010

pdf

text

original

 
LUMULUHA ANG PULANG LANGIT SAIYONG PAGKAWALA
Pilit kong inalala ang unang engkwentro namin ni Jero: 
First year college
ako noon. Nag-ambisyong maging bahagi ng The Torch Publications kaya naman lakas-loob akong pumuntasa opisina at nag-
inquire
tungkol sa mga dapat pagdaanangproseso. Kumuha ng eksamen, nakapasa. At pagkatapos,interbyu. Si Kuya Ian ang nag-interbyu sa akin. Mapalad naman ako dahilhindi gaanong "malupit" mang-interoga si Kuya Ian kungikukumpara sa ibang editors. May isa lang akong kinaiiritahan--iyon ang isang
high-school-looking lad 
na malapit sa akingkinauupuan: gumuguhit sa
sketch pad 
at patingin-tingin saakin. Ang nakakainis pa, panay komento sa mga sagot ko.Nagbanggit pa siya na mag-ingat daw ako sa pub, kasi"maganda" raw ako. Kung may halong sarkasmo yun, di ko nanapansin kasi mas pokus ako sa pagsagot nang maayos samga obhetibong tanong ni Kuya Ian.Si Jero ang makulit na
observer 
noong mga sandaling iyon. Nakasama ko siya sa publikasyon sa loob ng dalawang taon. Samga panahong iyon, tuluyang nawala ang nakaiiritangimpresyon ko sa kanya. Walang dudang isa siyangnapakahusay na dibuhista. Sa isang likhang-sining lamang,naipapaabot na niya ang kabuuan ng mga artikulong amingginagawa.Isa rin siyang mahusay na mang-aawit/gitarista. Madalas kongmarinig na paborito niyang kantahin ang Anak ng Bayan.(Speaking of, isa rin siyang aktibong miyembro ng Anakbayan
 
sa aming pamantasan.) Hindi rin miminsang umaawit kami ni Jero ng
 pop songs
, panay ang duet namin noon sa opisina ngmga kanta ng MYMP (Especially For You, Tell Me Where ItHurts, etc.)Naiwan siya sa publikasyon habang ako naman ay lumabasdito, sapagkat nakita ko ang higit na pangangailangan ng pag-oorganisa sa mass org. Nagkikita pa rin naman kami pero hindina ganoon kadalas. Ang banggit ng mga kasama sa pub,tumatamlay na rin ang pananatili ni Jero sa opisina. Kahitnoong nabalitaan kong nag-shift rin siya sa amingdepartamento (English Dept.) ay hindi kami nagkaroon ngpanahon na magkuwentuhan gaya ng dati. Abala siya at gayonrin naman ako (hindi biro ang pagiging English major sa PNU,isama pa ang mga responsibilidad sa mass org). Sa hindi ko namaalalang pagkakataon naikwento niya sa akin na nagtrabahosiya sa Farlin sa maikling panahon--gumawa siya ng mgadesigns para sa
baby bottles
. Problemado siya sa pinansya.Wala naman akong maibigay sa kaniya noong mga panahon naiyon (dahil salat rin ako sa pinansya) kundi pampataas-diwa parin bilang kasama. Nalaman ko rin na noong offcampus daysnamin, nagpapatak-patak ang kaniyang mga kaklase paralamang matiyak na makakabalik siya sa paaralan kinabukasan.At noong mga panahon na iyon, ayon sa kanyang ina,nagsimula na rin ang panaka-nakang pagkakasakit niya. Hanggang sa isang araw pinatawag na lang kaming lahat ni Jero. Akala ko, iyon na ang huli. Durog na durog ang puso kohabang hawak ang kamay ni Jero. Lubhang bumagsak angkatawan niya. At mababakas sa mukha ang ibayong hirap sakaramdaman.
But being activist as he was
, palaban ang diwaniya. Nakapagsabi pa siya sa amin na unti-untingnanunumbalik ang kanyang lakas. Natuwa naman kami.Pero gabi ng Oktubre 27, pumanaw na si Jero. 

You're Reading a Free Preview

Download
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->