sisidlan o pinamamahayan ng kaluluwa na namamatay o nabubulok kapag umalis na dito ang kaluluwa.Hindi rin nalalayo ang pagtanaw ng pilosopiya. Ayon kay Descartes, ang tao ay mayroong dalawang dimensyon: ang kanyang katawan (body) para sa materyal na dimensyon, at ang kaluluwa(soul) para sa spiritwal na dimensyon. Ang kaluluwa ay pumapaloob sa katawan (katawan); at sabawat bahagi ng katawan, naroroon ang kabuuan ng kaluluwa. Isa pang ideyang inilatag ni Descartesang presensya ng “kaluluwa” ay makikita mula sa katawan; sa kilos nito (Peursen, 1966). Ayon naman sa pag-aaral ni Gng. Paz (2008) ukol sa ginhawa, kapalaran at dalamhati, ang tao sa mundong ito ay binubuo ng katawan, kaluluwa at kapalaran ang tao. Para sa mga Kankani ng Hilagang Luzon, ang isang tao ay mayroong
awak
na tumutukoy sa kanilang pisikal na sarili at
ab- abiik
bilang kanilang espiritwal na sarili (
Soul and Spirit
).Sa susunod na bahagi, tatalakayin ang dalawang dimensyong bumubuo sa tao, ang panloob,ang kaluluwa at ang panlabas nito, ang pisikal na katawan.
2.1 Sa Loob: Ang Kaluluwa
Malaki ang pagpapahalagang umiiral sa lipunan at kulturang Pilipino sa kaluluwa at loob ng tao. Ito ang pinananiwalaang sentral na pinagmumulan ng aksyon ng tao na imateryal at di-nakikitang bahagi ng tao. Makikita sa iba’t ibang pangkat-etnolingwistiko ang magkakkatulad na konsepto ng kaluluwa bilang nanananahan sa katawan at nagbibigay-buhay dito.Para sa mga Ilokano, nananahan ang
karma
o
kakarma
sa pisikal na katawan at ito ay nagiging
aningaas
sa sandaling lumabas na ito sa pisikal na lalagyan nito. Ganito din ang konsepto ng
gimuok
ng mga Bagobo sa Mindanao at
kalla
ng Mandaya na kung saan ang sandaling pag-alis nito sa pisikal nakatawan ay nagiging sanhi ng pagkakasakit ng tao.Magkakasakit din ang isang tao kung umalis sa kanyang tabi ang
ikarurua
ng mga Ibanag nadulot ng pagkatakot nito sa isang bagay., o para sa mga Hanunuo-Mangyan ang kanilang
ikaradwa
ay takot sa mga msasamang espirito kung kaya't umaalis ito at maaring mag-anyong hayop. Subalit parasa Ibanag ang
ikaruruwa
ay kasama lamang, nakahiwalay sa kanyang katawan, samantala ang
ikararwa
ay nasa loob ng katawan at umaalis lamang (Paz, 2008).Maliban sa pagiging pinagmumulan ng buhay, may iba pang konsepto ang mga Pangasinense,na kung saan ang kanilang
kadua o karurua
ay ang kanilang kambal. Para sa kanila ang tao ay may dalawang entidad: ang kanyang kakambal at ang
life force
na nasa loob ng katawan na maaari nating ihambing sa
hininga.
Katulad din ng pagiging bantay ng
inikadowa
ng mga Maranaw sa Mindanaolaban sa iba pang mga espiritong maaring magbigay ng sakit sa kanyang kambal na tao. Mayroonding ganito ang mga Maranaw at mga taga-Panay, kung saan ang
tonong
ay kakambal na espirito ng