Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more
Download
Standard view
Full view
of .
Save to My Library
Look up keyword
Like this
27Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
Mabuhay Ka, Anak Ko

Mabuhay Ka, Anak Ko

Ratings: (0)|Views: 4,598|Likes:

More info:

Published by: Princess Nicole Blando on Nov 10, 2010
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

01/15/2013

pdf

text

original

 
Mabuhay ka, Anak ko!ni Pin Yathay
Ginising ako ng ingay ng digmaan, ng sipol at ugong ng mga tingga. Habang nakahiga·y namalayanko ang ibang pang ingay; ngalngal ng mga kotseng nagliligid, ingi ng karetang hila ng baka, mgamanaka-nakang sigaw. Tiningnan ko ang aking relo, alas singko ng umaga. Bumangon ako,dumungaw sa bintana at minasdan ang paligid nang buong pagtataka, Ang kalye ay bumabaha satao at sasakyang mabagal na naglalakbay sa maputlang liwanag ng bukang-liwayway, waringlumuwas na sa bayan ang buong bansa. Abril 17, 1975 noon, napagtanto ko na patapos na angdigmaang-pandaigdig.´Thay, dear?µGising na si Any, tahimik na nakahiga sa dilim, siguro·y pinanonood niya ako,naghihintay ng reaksyon ko.´Dali ka, Anyµ.Hindi ako nakaramdam ng takot, bagkus ay tension na pinatitindi ng kaalamang orasna para kumilos. Kailangan kumilos kami agad para maiwasan ang labanan. ´Katapusan na ito.Ilang sandali na lang at darating na ang Khmer Rouge.Naintindihan agad ni Any ang sinabi ko. Mabilis siyang tumayo·t nagbihis; maliksi ngunit malamyosang kanyang kilos at sa isang wigwag ng kanyang ulo·y naiayos ang buhok niyang hanggang balikat.´Ano·ng mangyayari?µ tanong niya. ´Huwag kang mag-alala,µ sabi kong nagmamadaling pumuntasa sala para kunin ang mga gamit namin. ´Mahihirapan tayo sa umpisa, pero magiging normal dinang lahat.µ Nagising sa boses naming ang mga bata. Nagsimulang maghabulan ang dalawangnakakatanda ² ang siyan-na-taong si Sudath at si Nawath na limang taon ² sa loob ng dalawangkuwartong apartment na bumubuo ng lugar naming sa bahay ng aking biyenan. ´Kailangangmabihisan muna ang mga bata at pumunta na tayo agad sa bayan bago makarating dito angsundalo. ´Nawath!µ tawag ni Any. Narinig ni Nawath ang tawag dahil nakikipagbuno it kay Sudathsa kama. ´Nawath, lalapit ka pag tinatawag ka!µ muling tawag ni Any na lalong nilakasan angboses. Kung minsa·y iniisip kong medyo mabagsik sa mga bata, pro talagang malilikot ang dalawakaya kailangang higpitan ng kaunti. Nahagip niya ang papatakbong si Nawath at binihisan, hindiiniintindi ang pag-angal nito. Naghihikab na bumangon ang beybi pang si Staud, at saka inaantokna nagpalinga-linga. ´Sige na, Sudath,µ sabi ko sa panganay na lalaki. ´Magbihis ka na. Hindi moba nakikitang nagmamadali tayo?µ Hindi naman mahirap balutin ang kakaunting kailangan namin.Isang linggo na naming alam, mula nang mag-alisan ang mga Amerikano noong Abril 12, na halostapos na ang limang taong lumalaganap na labanan sa pagitan ng mga rebeldeng Khmer Rouge ngCambodia at ng gobyernong Republikano ni Marshal Lon Nol. Hinihintay na lang naming kung saanmagmumula at kailan darating ang Khmer Rouge. Dalawang araw bago ito, nagbanta na ang ingayng papalapit na giyera para maghanap na kami ng pansamantalang malilipatan sakaling tamaaanang bahay. Pinuntahan ko ang aking mga magulang at nakipagkasundong Magkita-kita ang buongpamilya sa bahay ng pinsan kong si Oan na nakatira sa malapit sa bayan, sakaling lumubha angsitwasyon. Pinuno na naming ng gasoline ang lahat ng kotse. Wala kaming dapat gawin ngayonkundi mag-empake ng dalawang maletang damit, kasama ang mga alahas ni Any, ang mga naipongnaming at ang aking mga dolyar ² tatlong libo lahat na puro tig-iisang daan. Dinala ko ang isangmaliit na radyo para makarinig ng mga balita ² at isang cassette recorder na may kasamangreserbang baterya. Nagtangay din ako ng ilang bagay na magagamit ko sa prosesyon ² mga librongteknikal ukol sa irigasyon at pagbabai-baitang ng lupa, isang diksyunaryong French-English, at mgabolpen at papel. Sipa ng sipa si Nawath habang pilit siyang sinasapatusan ni Any. Nang mgasandaling ring iyon, pumasok si Anyung na nakatatandang kapatid na babae ni Any. Sinabi nitong
 
handa na sa pag-alis ang kanilang mga magulang. Habang binibihisan ni Anyung si Staud ng t-shirtat shorts, nagbalot naman si Any ng mga biskwit at kendi para sa mga bata. Sinisiyasat ko angaking dadalhin ² mga libro, relo, pera, mga papeles na mapagkikilanlan, radyo ² at minsan ko pangtiningnan ang paligid, iniisip kong mas mabuti kaya kung pinaalis ko ng bansa ang aking pamilya.Hindi, katulad ng lahat, ayokong-ayoko sa bulok na rehimen ni Lon Nol. Wala akong dapat ikatakotsa Khmer Rouge.Inapura ko ang aking pamilya para sumama na sa mga magulang ni Any na noo·y sakay na ngkanilang Austin. Ikinaraga ko ang mga bagahe naming sa aking Fiat, habang isinisigaw ang mgahabilin sa kabila ng kaguluhan sa siyudad ² ratatat ng machine gun, pagsabog ng mga bomba samalao, at patuloy na andar ng mga sasakyan.Ang kalyeng iyon, na isa sa maluluwang na lansangan sa Phnom Penh ay isang agos ng mga tao,kotse, kareta, bisikleta, trak, motorsiklo, at ilang karetang puno ng tao at kagamitan, nag-uunahan sa maputlang liwanag ng madaling araw. Ang ilang pamilya·y naglalakad; inaakay ng mgaama ang mga bisikletang puno ng mga kagamitang pambahay, may kilik namang bata ang mga ina.Kitang-kitang balisa ang lahat, malungkot ang mga mukha, ngunit kakatwang tahimik. Waring hindinatural ang pagkapasensiyoso ng mga nagmamaneho ng kotse, sumasabay sa lakad ng mga taonang hindi man lang bumubusina, isang bagay na hindi mangyayarin noong nagsisikip ang trapik saPhnom Penh, ilang araw pa lang ang nakakaraan. Mayroon pang ilang grupo ng mga sundalo ngbumagsak na Republika na naglalakad nang tatlu-tatlo o apat-apat, nakasakbat sa balikat ang mgaripple, walang takot na nagbibiruan pa, natutuwang tapos na ang giyera.May isandaaang yarda na ang nalalakad naming, mga taong parang duming lumulutang sa ilog,nang makarinig ako ng isang pagsabog sa gawing kanan ko, sa may kantong malapit sa amingbahay, isang balumbon ng usok ang lumabas. Ilang minuto pa·y dumating ang mga ambulansya atbumbero, nagtutunugan ang mga kampana at nagkikindatan ang mga ilaw. Humarang sila sa amingdaraanan at wala kaming magawa kundi tumigil muna.Sa kabila ng pagmamadali ng mga taong nakapalibot sa amin, sa kabilang kalapitan ng labanan,nadama kong malayo na kami sa panganib. Kahit tapos na ang maraming taong digmaang-bayan atsa kabila ng mga babala ng aking ama ujik sa kalikasan ng Khmer Rouge, naniniwala akong babalikdin sa dati ang lahat, gaya ng nakilala kong Cambodia bago nagkaroon ng digmaang-bayan.Buhat ako sa Oudong, isang nayong may dalawampu·t limang milya ang layo sa hilaga ng PhnomPenh. Doon namuhay ang ama kong si Chhor bilang isang maliit na negosyante. Hindi siya mayaman² tatlo lamang ang kuwarto ng bahay naming may bubuong na pulang tisa at sahig na matigas nalupa ² ngunit mataas ang pangarap niya at ng aking inang si Loan para sa akin, ang panganay salimang magkakapatid. Ipinadala nila ako sa Phnom Penh para magkaroon ng magandang edukasyonsa haiskul. Magaling akong estudyante. At nang ako·y edad disisiete, ako ang pinakamahusay samatematika sa buong bansa.Hindi ko iniisip ang pulitika noon. Maituturing na karurukan ng katatagan ang mga taon ng akingkabataan kung ikukumpara sa mga sumunod na panahon. Walang kinikilingan ang Cambodia,popular ang aming pinunong si Prinsipe Sihanouk, tila walang kahirap-hirap na umuunlad angbansa, at waring napakalayo ng digmaan sa Vietnam. Wala ring usap-usapan tungkol sapakikisangkot ng Amerika sa Southeast Asia.Bilang isang matalinong estudyante, nagiging karapat-dapat akong iskolar ng gobyerno sa ibangbansa. Nakaugalian nang papag-aralin sa France ang estudyanteng Cambodian, ngunit naggingsentro ng oposisyon laban kay Sihanouk ang France, kaya sa Montreal ako ipinadala kasama ng iba.Doon ako nag-aral ng inhenyeriya.Bumalik ako sa Cambodia noon 1965, sa isang bagong buhay. Nagtrabaho ako sa Ministry of Public
 
Works, at nagpakasal sa una kong asawa, si Thary. Tulad ng karaniwang nangyayari sa mga bagongkasal, tumira kami sa bahay ng mga magulang ni Thary. Malaking bahay iyon dahil isang mayamangopisyal sa Ministry of Finance ang kanyang amang si Mr. Khem. Ipinanganak ang panganay namingsi Sudath noong 1967. Mukhang patungo na kami noon sa isang magandang kinabukasan.Gayunman, kung babalikan ko ang nakaraan, mangilan-ngilan nang palatandaan ng kawalang-kasiyahan sa paligid. Itinuring ni Sihanouk ang sarili bilang ama ng bansa. Hindi nagtagal atumugong ang usapan tungkol sa nepotismo at kabulukan. Sumabay dito ang lumulubhang digmaansa Vietnam. Dahil masigasig si Sihanouk na panatilihin ang magandang pakikipag-ugnayan sakanyang makapangyarihan kapitbahay, lihim siyang ankipagkasundo na magagamit ng mga NorthVietnamese ang malalayong lugar sa silangang bahagi ng Cambodia sa paghahatid ng mga sundaloat armas sa South Vietnam. Naging dahilan ito ng pagtuligsa ng Estados Unidos. Nalagay saalanganin ang tradisyunal na niyutralidad ng Cambodia.Bilang reaksyon sa pangyayaring ito, sinuportahan ng mga di-nasisiyahang Cambodian ang maliit nagrupo ng mga rebeldeng Khmer Rouge na ang karamiha·y pinangungunahan ng mga intelektuwal nanag-aaral sa France.Hindi ito gaanong nakaapekto sa aming buhay. Ako mismo·y maraming problemang pansarili.Dumating sa buhay ko ang isang trahedya noong 1969. Habang hinihintay naming ang pagsilang ngaming pangalawang anak, nagkasakit ng Hepatitis si Thary na noo·y beinte kuatro anyos lang. hindina siya gumaling. Namatay sila kapwa ng aming anak nang manganak siya. Isang nakababatangkapatid ni Thary:si Anyung, beinte uno, at lalo na kay Any, disinuebe sa pag-aalaga kay Sudathhabang ako·y nasa trabaho.Nany lumaon, at parang iyon na ang pinakanatural na mangyayari, umibig ako kay Any. Magandasiyang babae, maitim ang buhok na hanggang balikat at balingkinitan angkatawan. Sa edad nabeinte, naging kaligayahan na niyang balikatin ang trabahong-bahay at minahal niya si Sudath naparang sariling anak. Nagpakasal kami. Noong 1971, ipinanganak ang aming anak na lalaki, siNawath. At noong 1973, si Staud naman.Noong mga unang taon ng dekada sitenta, nataas ako ng puwesto at naging director ngDepartment of New Works and Equipment sa ministry. Ang posisyong ito ang nagbigaysa akin at saaking pamilya ng proteksiyon laban sa kahirapang pampullitika at pangkabuhayan na bunga nglumalaganap na digmaang-bayan. Walang nalalaman si Any kundi ang nangyayari sa bahay ngkanyang mga magulang, hindi rin niya inuusisa ang aking mga paniniwalang pampulitika. Sa akingpalagay, masyadokaming kampante tulad ng iba pang kakilala ko.Nagiging kapansin-pansin na ang pagkawala ng niyutralidad nang panahong ito dahil sa nagingpatakaran ni Sihanouk na bigyang kasiyahan ang lahat. Dumami ang mga North Vietnamese sabansa ² humgit-kumulang sa apatnapung libo ² kaya ipinag-utos ni Presindente Nixon na bombahinang mga ito, isang lihim na ekstensiyon ng digmaan sa huli·y makakasira sa kanya at sa aminl.Taliwas sa inaasahan ang anging apekto ng mga pagslakay lalo nitong inakit ang pagpasok ng mgakomunista sa Cambodia.Noong 1970, pinabagsak ni Lon Nol, na Punong Ministro at pinuno ng armi, si Sihanouk. Nangakoitong lilinisin ang kabulukan at palalayasin ang mga Vietnamese. Tumakas si Siahnouk patungongPeking, at ang nakapagtataka, nagpahayag siya ng suporta sa mga gerilyang Khmer Rouge na datiniyang kalaban. Tinawag niyang tagapagpalaya ang mga rebelde na karamiha·y binubuo ng mgamagsasaka, at hindi na niya binigyang-halaga ang ideolohiyang komunista ng mga ito.Sa simula·y malaki ang pag-asa naming kay Lon Nol. Ngunit sa pagdaraan ng panahon, nagingmalinaw na hindi niya kayang gampanan ang tungkuling ipinataw niya sa sarili. Inatake siya atnaparalisado ang kalahati ng kanyang katawan. Nagpatuloy sa kabulukan at pagwawalambahala

Activity (27)

You've already reviewed this. Edit your review.
1 hundred reads
1 thousand reads
Geniel Donga-il liked this
Eva Faye Hupeda liked this
Angelyn Mendoza liked this
Vi Diez liked this
pitchi_rina liked this

You're Reading a Free Preview

Download
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->