Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more
Download
Standard view
Full view
of .
Look up keyword
Like this
2Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
Sponsorship Speech HR 111 - Inquiry on PAL Outsourcing Rep. Rafael Mariano

Sponsorship Speech HR 111 - Inquiry on PAL Outsourcing Rep. Rafael Mariano

Ratings: (0)|Views: 48|Likes:
Published by anakpawispartylist
Delivered by Rep. Rafael Mariano during the Committee Hearing on PAL labor issue, November 10, 2010
Delivered by Rep. Rafael Mariano during the Committee Hearing on PAL labor issue, November 10, 2010

More info:

Published by: anakpawispartylist on Nov 11, 2010
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

11/11/2010

pdf

text

original

 
1
Sponsorship SpeechRep. Rafael MarianoDelivered during the Committee on Labor and EmploymentHearing on Philippine Airlines
November 10, 2010
Ang laban ng mga manggagawa ng Philippine Airlines (PAL) ay laban ng anakpawis at lahat ng manggagawang Pilipino! 
Committee Chairman Rep. Emil Ong, respective Committee Vice Chairmen, sa mga lider ngunyon at kasapi ng Philippine Airlines Employees Association (PALEA), sa Flight Attendantsand Stewards Association of the Philippines (FASAP), sa DOLE, sa PAL management, sa mgatagapagtaguyod ng karapatan ng mga manggagawa – Kilusang Mayo Uno, PartidoManggagawa, EILER, CTUHR, alyansang KONTRA kontraktwalisasyon at sa chapter ngAnakpawis sa Philippine Airlines, magandang hapon sa inyong lahat.Nagpapasalamat ang Kinatawang ito sa pag-iskedyul ng pagdinig na ito hinggil sa matagalnang usapin ng mga manggagawa sa Philippine Airlines.Sa paghahain ng
House Resolution 111
,
Directing the Committee on Labor and Employment to conduct and inquiry in aid of legislation on the national flag carrier Philippine Airlines looming retrenchment of more than 2,600 employees as a result of its planned spin-off of its call center reservations, in-flight catering and airport ground service units” 
nilalayon ngAnakpawis Partylist, sa pamamagitan ng kinatawang ito na:
 
manatiling may regular trabaho ang 2,600 manggagawa sa airport ground services ng Philippine Airlines (PAL); 
 
maprotektahan ang mga karapatan at kaseguruhan sa trabaho ng lahat ng empleyado, manggagawa, flight crew at piloto ng PAL na siyang nag-aakyat ng tubo at ganansya sa premier flag carrier ng bansa; 
 
at matigil na at magkaroon ng katarungan ang malaon nang pagsasamantala sa mga empleyado at manggagawa ng PAL.
Simula 1998, dahil sa
CBA moratorium,
inalisan ng karapatan ang mga manggagawa ng PALsa pagkakaroon ng
Collective Bargaining Agreement
na makakapagpabuti sana sa
 
2
kalagayan at kaseguruhan nila sa trabaho. Sa
strike suspension
, pinigilan ang anumangsama-samang pagkilos ng mga manggagawa para malayang maipatupad ang mgapatakarang kontra-manggagawa.Dahil sa mga patakarang ito na umiral sa PAL dahil na rin sa awtorisasyon ng
Department of Labor and Employment (DOLE)
at
Malacanang 
, mas naging malaya ang kapitalista sa PAL sapangunguna ni G. Lucio Tan, na pagsamantalahan, pagtubuan at gawing busabos angmanggagawa sa Philippine Airlines.Ang
Rehabilitation Plan
noong 1998 ay inuulit ng PAL sa
Survival Plan
nito naoutsourcing/spin-off ang pangunahing laman.
Makatitipid umano ng Php20.2 million
sa loob ng limang taon ang PAL kapag inalis nito angin-flight catering, call center reservations at airport ground services departments na ibibigay sa‘third party service providers’ na dapat ring alamin kung may kaugnayan sa mga may ari ngPAL.Kabalintunaan ang corporate slogan ng PAL na – 
With us, you’re always no. 1
. Sa halipdapat ay -
For us, profit is always no. 1
dahil sa ginagawa nitong panggigipit at pag-aalis ngdignidad sa sarili nitong mga manggagawa.Para sa DOLE, kay Secretary Rosalinda Baldoz, nais malaman ng Kinatawang ito ang moralat makatarungang batayan ng inilabas ninyong desisyon na posibleng maging batayan o
precedent 
ng iba pang mga kumpanyang nais magtanggal ng regular na manggagawa,magbuwag ng mga unyon at mag-empleyo ng mga kontraktwal sa ngalan ng pagpapaliit ngcost of production at pagpapalaki ng tubo.Nakakabahala na basta na lang papayagan ng DOLE, sa ngalan ng
‘managementprerogative’
ang mga di-makatarungang patakaran ng mga kumpanya.
Kahit saan tingnan, malinaw na ang outsourcing ay isang paraan upang matanggalanng regular na empleyo ang mga manggagawa.
Management prerogative 
din po ba ang
diskriminasyon sa mga kababaihang flight attendants 
 na halos hindi pinapayagang magdalantao at sapilitan pang pinagreretiro pagsapit ng edadkuwarenta?Sa management ng PAL, nais malaman ng Kinatawang ito, gayundin ng publiko ang totoongestadong pampinansya ng PAL.Magkaibang-magkaiba po ang
NALULUGI
sa
HINDI NAABOT ANG TARGET REVENUE
. Sapanahon ng krisis at kagipitan, bakit kailangang laging ang mga manggagawa angmagsakripisyo at pumasan ng bigat?

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->