Professional Documents
Culture Documents
-Naging biktima ang Pilipinas sa malupit at mapang-abusong pamamalakad at pananakop ng mga Kastila:
-Naging magulo ang pulitika ng mga Kastila mula pa sa maligalig na paghahari ni King Ferdinand VII (1808-
1833)
-Sumailalim sa madalas na pagbabago ang kanilang pamahalaan dahil sa patuloy na pakikipaglaban sa pagitan
ng "despotism" (isang taong namumuno, malakas ang kapangyarihan sa pamumuno)
at "liberalism" (binibigyang diin ang karapatan ng isang indibidwal) at sa Carlist Wars (pinag-aagawan ang
trono ng Espanya) Sa loob ng 28 na taon, nagkaroon ng apat na konstitusyon, 28 na parlamento at
529 na ministro, kasama na rin ang iba't ibang mga rebolusyon.
-Apektado ang Pilipinas dahil papalit-palit ng mga nanunungkulang mga gobernador heneral at pabago-bago ang
mga kailangang sundan na patakaran. Halimbawa: 1835-1897-pinamunuan ang Pilipinas
ng 50 na gobernador heneral
-Dahil dito hindi na tuluyang umunlad ang pulitika at ekonomiya ng Pilipinas. Kung mayroon mang gagawin na
pangako o bagong patakaran ang isang gobernador heneral, hindi ito matutuloy dahil siya ay
mapapalitan nanaman ng bagong gobernador heneral.
-Malulupit, hindi makatarungan, madadaya at korupt ang mga opisyales na ipinapadala ng Espanya sa Pilipinas
-Halimbawa: Hen. Rafael de Izquierdo-ginalit ang mga Pilipino noong ipinapatay niya kahit inosente sila Padre
Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora
-Halimbawa: Admiral Jose Malcampo-pumalit kay Hen. Izquierdo; magaling na Morong manlalaban, ngunit
mahina na administrador
-Halimbawa: Hen. Fernando Primo de Rivera-yumaman sa pagsusuhol sa mga kasino sa Manila na kanya ring
inaprobahang bumukas
-Halimbawa: Hen. Valeriano Weyler-dumating sa Manila na isang mahirap na tao, mayaman nang bumalik sa
Espanya; tinawag siyang "The Butcher" ng mga taga-Cuba dahil sa kanyang walang awang
"reconcentration policy" na nagdulat sa kamatayan ng ilang libong taga-Cuba; brutal na persekusyon ng
pamilya ni Jose Rizal
-Halimbawa: Hen. Camilo de Polavieja-nag-utos ng kamatayan ni Jose Rizal
d. Nawalan ng mga Karapatan ang mga Pilipino (Human Rights Denied to Filipinos)
-Ikinatutuwa at binibigyang halaga talaga ng mga tao sa Espanya ang kanilang kalayaan, maliban sa relihiyon
-Ngunit hindi nila ito pinayagan o binigay sa mga Pilipino sa Asya
-Sinibaldo de Mas (Kastilang diplomat at economist)
-"Why do we fall into an anomaly, such as combining our claim for liberty for ourselves, and our wish to
impose our law on remote peoples? Why do we deny to others the benefit which we desire
for our fatherland?"
-Noong ipinakilala ng mga Kastilang misyonero ang Kristiyanidad sa Pilipinas noong mga 1600s, tinuro nila na
pantay-pantay ang tingin ng Panginoon sa lahat ng tao kahit magkakaiba lahat. Dahil dito, maraming
Pilipino ang naging interesado sa pagiging Kristiyano
-Pagdating naman ng mga Kastilang awtoridad, hindi nila ipinalaganap ang itinuro ng mga Kastilang misyonero
sa Pilipinas. Iniisip nila na mas superyor sila sa mga Pilipino at hindi raw nila kapatid ang mga
Pilipino sa Panginoon. Itinuturo nila na pantay ang mga Pilipino at ang mga Kastila sa mata ng Panginoon,
ngunit hindi nila ito ginagawa kapag isasama na ang batas at hindi rin nila ito sinusundan.
-Leyes de Indias (Laws of the Indies)-prinoprotektahan ang mga karapatan ng mga tao sa mga kolonyal na
bansa ng Espanya; hindi ito naisasagawa sa mga bansang kolonyal ng Espanya, pati ang Pilipinas
-Ang batas daw ay para sa mga puting Espanyol lamang
-Spanish Penal Code-isinagawa sa Pilipinas; mas mabigat na penalty sa mga Pilipino keysa sa mga Kastila
-Ang mga korte ng hustisya noong panahon ni Rizal ay korupt; wala namang hustisya
-Mabagal, pili at mahal ang hustisya
-Walang hustisyang nakukuha ang mga mahihirap na Pilipino dahil hindi nila ito kayang bayaran
-Parating nanalo sa korte ang mga mapuputi, popular at mayayaman na Kastila
-Para sa mga Pilipino, kalamidad lang ang kanilang makukuha sa isang kahit maliit na kaso sa korte. Matagal na
proseso ang mga kaso para sa mga Pilipino
at madalas nangyayari ang pagtatakas o pagtatago ng mga suspek o pagkawala ng mga opisyal na dokumento
-Halimbawa: kaso ni Juan de la Cruz noong 1886-1898-may dalawang lalaki na pinatay noong gabi ng Hunyo 7,
1886; tinawag na suspek si Juan de la Cruz; walang trial at tamang imbestigasyon ang isinagawa ngunit naipadala
parin si Juan de la Cruz sa prisinto sa loob ng 12 taon. Nang dumating ang mga Amerikano sa Cavite pagkatapos
ng labanan sa Manila Bay (May 1, 1898), nakita nila si de la Cruz sa prisinto. Hinihintay niya parin na maisagawa
ang kanyang trial.
-Halimbawa: Donya Teodora (ina ni Rizal)-inaresto at ikinulong, inosente
-Halimbawa: Jose Rizal-ipinadala sa Dapitan kahit walang tamang trial
-Halimbawa: Paciano Rizal-exiled; wala ring tamang pag-imbestiga
-Ipinalalaganap at naniniwala ang mga Kastilang awtoridad sa pananampalatayang Kristiyano, ngunit hindi
naman nila ito ginagawa. Ayaw nilang isipin na kapatid
nila ang mga Pilipino, at para sa kanila ay mas matataas sila keysa sa mga Pilipino.
-Tinatawag ng mga Kastila ang mga Pilipino na "Indio" (Indians), at bumawi naman ang mga Pilipino sa
pamamagitan ng pagtawag sa mga Kastila na mga "Bangus" (milkfish) dahil sa kanilang mapuputing balat.
-Ang isang tao, kahit wala namang alam o masama ang kanyang ugali, basta Kastila at mestizo, ay may mataas
na lebel sa komunidad
h. "Frailocracia" o Frailocracy
j. Prayle ang mga may-ari ng mga Hacienda (Haciendas owned by the Friars)
-ang mga prayle ang mga pinakamayaman, may ari ng pinakamagaganda at pinakamalalaking hacienda
-nagdulot sa maraming revolt dahil ang mga orihinal na may-ari ng mga hacienda ay naging tenante (tenant?)
na lamang
-1768-Gob. Anda-irinekomenda na ibenta na lamang ang mga estadong pinagmamay-ari ng mga prayle; hindi
nanaman pinansin ang kanyang rekomendasyon
-"constabulary"
-ginawa ng Royal Decree noong Marso 24, 1888; ginawa para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa
Pilipinas; para rin Guardia Civil sa Espanya
-na-kontrol nga ang mga bandido sa mga probinsya, ngunit ito rin ay naging mapang-abuso; naabuso ang mga
inosenteng tao, maraming inosenteng babae ang nagahasa at maraming mga kagamitan at mga hayop na
pagmamay-ari ng mga Pilipino ang nanakaw
-hindi disiplinado ang mga native at mga Kastilang opisyales sa Guardia Civil sa Pilipinas, hindi kagaya ng
Guardia Civil sa Espanya kung saan disiplinado, maayos, matino at nabibigyan ng respeto ang mga tao sa Guardia
Civil
-naging biktima si Rizal at ang kanyang ina sa mga mapang-abusong Guardia Civil
-ika-19 na dantaon-siglo ng ligalig ng sanhi ng mga pagbabago sa kasaysayan sa Asya, Europa at Amerika
-Pebrero 19, 1861-Czar Alexander III-nag isyu ng proklamasyong nagpapalaya sa 22,500,000 alipin/serfs
-4 months before Rizal's birth
-Hunyo 19, 1861-isinilang si Rizal-nagaganap ang giyera sibil sa Amerika sanhi ng usapin sa pagkaka-alipin ng
mga Negro (5 years-1861-1865)
-Setyembre 22, 1863-napilitang ipinatupad ni President Lincoln ang nagpabantog na Proklamasyon ng
Emansipasyon ng mga aliping Negro
-Hunyo 1, 1861-Benito Juarez (katutubong Indiyang Zapotec) ay nahalal na Pangulo ng Mexico
-Abril 1862-Emperador Napoleon III ng ikalawang Imperyong Pranses ay nagpadala ng mga tropang Pranses para
salakayin at sakupin ang Mexico
-Hunyo 12, 1864-iniluklok ni Napoleon III si Punong Duke Maximilian ng Austria bilang tau-tauhang emperador ng
Mexico
-Mayo 15, 1867-Tinalo ni Juarez, sa tulong ng Amerika ang mga pwersa ni Maximilian sa labanan ng Que retaro
Hunyo 19, 1869-ipinabitay si Emperador Maximilian (6th kaarawan ni Rizal)
ITALYANO
-sa pamumuno ni Conde Cavour at ni Garibaldi at kanyang hukbo ng "Red Shirts" ang nagtaboy sa mga hukbong
Austriyano at Pranses mula sa Italya
-Iprinoklama nila ang kaharian sa Italya sa ilalim ni Haring Emmanuel
-Roma-kabiserang siyudad
PRUSYANO
-tinalo ang Pransya sa Digmaang Franco-Prusyanon sa pamumuno ni Otto von Bismarck, ang "Bakal ng
Kanselaryo"
-Enero 18, 1871-itinatag ang Imperyong Aleman
-Haring Wilhelm-unang Kaiser ng Imperyong Aleman
-Sa kanyang pagkatalo sa Digmaang Franco-Prusyano, nabuwag ang Pangalawang Imperyong Pranses ni
Emperador Napoleon III
-Itinatag ang 3rd Republikan Pranses-Adolph Thiers (unang Pangulo)
3. Russia
-sinakop ang:
-Siberia, Kamchatka at Alaska (na ipinagbili niya sa Amerika noong 1867 sa halagang $ 7,200,000)
-1865-1884: Lupaing Muslim ng Bokhara, Khuia at Kokand sa Gitnang Asya
-sumama sa Inglatera, Pransya at Alemanya sa pagbuwag sa Imperyong Tsina (Manchuria -> Sphere of
Influence)
-Trans-Siberian Railway:
-5,800 Milya
-pinakamahabang daang-bakal sa buong mundo
-nag-uugnay sa Vladivostok at Moscow
4. Hapon
-Hulyo 8, 1853-muling nabuksan ang bansang Hapon sa mundo
-Amerikanong hukbo sa pamumuno ni Komandante Matthew C. Perry
-Emperor Meiji (Mutsuhito)
-nagpatupad ng modernisasyon ng bansa sa pamamagitan ng pagtanggap sa mga impluwensiyang
kanluranin (pati ang imperyalismo)
-pinalakas ang kanyang sandatahan at hukbong-dagat sa batayang kanluranin, at nang sumapi sa mga
pwersang imperyalista ay sinalakay ang mahinang Tsina na humantong sa Labanang Tsino-Hapon (1894-1895)
-inagaw ang Formosa at Pescadores
-sinakop din ang Korea (1910)
5. Alemanya/Germany
-naging estadong soberanya noong Enero 1871
-nahuli sa pagkamal ng mga kolonya sa Asya at Aprika
-Agosto 25, 1885:
-Ilties (Alemang Barko)
-nagtaas ng bandilang Aleman sa Yap (Isla Carolines) at ipinahayag na ang mga kapuluan ng Carolines at
Palau ay kolonya ng ng Alemanya
-nakapagtataka--->hindi tinutulan ni Don Enrique Caprilles, gobernador na Espanyol sa Carolines
6. Espanya
-nagalit ang Espanya sa Alemanya
-nakatuklas ng Islang Yap
-Kapitan ng isang galeo ng Maynila, si Francisco Lezcano, na siyang nagbigay ng pangalan sa isla,
"Carolina", na sunod kay Haring Carlos II ng Espanya
-Relasyong Espanyol-Aleman:
-Sa Madrid: Hinamon ng Espanya ang Aleman
-nagsumile ang Espanya at Alemanya na tinatawag na tanong sa Carolina kay Papa Leon XIII na
magiging batayan ng arbitrasyon