Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more
Download
Standard view
Full view
of .
Save to My Library
Look up keyword
Like this
84Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
Interpretasyon Ng Kahulugan Ng Walang Sugat

Interpretasyon Ng Kahulugan Ng Walang Sugat

Ratings: (0)|Views: 8,555 |Likes:
Published by Marvin Lagonera
Walang Sugat ni Severino Reyes, isang tangkang pangahuluganan ang pamagat nito sa pamamagitan ng literal, metaporikal at historikal na mga aspeto.
Walang Sugat ni Severino Reyes, isang tangkang pangahuluganan ang pamagat nito sa pamamagitan ng literal, metaporikal at historikal na mga aspeto.

More info:

Published by: Marvin Lagonera on Nov 21, 2010
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

07/16/2013

pdf

text

original

 
1 Lagonera
Buo sa simula; buo muna at saka masusugatan.
Umalingawngaw sa akin itong paglalarawan ni Edgar Samar na makikita sa kanyang Tesis
1
 sapagkat tunay nga na ang lahat ng sugat ay minsan, buo. Nahihiwagaan lamang ako na nagsimulaang sarsuwelang Walang Sugat ni Severino Reyes nang maligaya at mapayapa (batang Julia at Tenyong), nang 
buo
, ngunit bakit wala pa ring sugat gayong ito ay kuwento ng rebolusyon, ng sakripisyo?Bago ito ay sumasalamin sa rebolusyon, ang Walang Sugat ay kuwento ng pag-iibigan nina Tenyong at Julia. Simula pa lang, pilit nang ikinakalas ang pag-ibig ng dalawa, sa ¶di-pagsang-ayon ni Aling Juana at sa presensya ng maimpluwensyang si Miguel. Sa pagsapit ng rebolusyon, tuluyang napaghiwalay ang magkasintahan. Ngunit sa pagtatapos, mismong ang rebolusyon ang naging instrumento upang maipakasal sila. Ayon pa kay Samar,
masusugatan, maghihilom...kahit pa nga minsan,ang pagsusugat na iyon ay intensyon ng mismong may-katawan 
. Samakatuwid, balewala ang sakripisyo, ang mga sugat sa giyera, kung sa huli, ito ang magbabalik sa dalawa. Hindi nasugatan ang pag-iibigan ng dalawa.Bukod riyon, ang sarsuwela ay higit na isang pagsasalamin sa mga karanasan ng Filipinas sakolonisasyon ng mga Kastila. Ang kuwento ay natakda sa huling dekada ng ika-19 siglo, sa isang maliit na bayan. Ang panahong ito ang pagtatapos ng paghahari ng mga Kastila. Samakatuwid, ang lahat ng mga sugat mula sa paghihirap at sakripisyo ay nagtapos sa pagtatagumpay ng mga Filipino sarebolusyon. Wala na ang mga sugat na dulot ng mga Kastila nang mamatay si Kapitan Inggo dahil sapagpapahirap ng mga kura paroko, nang ikulong ang mga kalalakihan dahil sa pagrerebelde, nang ibuwis ang mga buhay ng mga Katipunero. Mahalaga na itakda ito sa isang maliit na bayan sapagkatkumakatawan ito sa nararamdaman ng bawat bayang may kontribusyon sa pagpapalaya mula sa mgaKastila, sa pagpapakita sa sugat na hindi na kailangang danasin ng bawat Filipino sapagkat nagtaposna ang paghihirap sa loob mga Kastila.
 
2
Lagonera Ayon pa nga sa isang salawikain,
kailangang masaktan upang muling maging buo.
Muli,
masusugatan, maghihilom...kahit pa nga minsan, ang pagsusugat na iyon ay intensyon ng mismong may-katawan.
Bapakaraming pagsasakripisyo at sugat na pinagdaanan, ngunit kailangan ito upang sa huli, maging 
buo
muli.Ngunit bakit, matapos ang giyera, walang mga sugat si Tenyong? Mahiwaga (ideyal?) Sa aking tingin, itong literal na kawalan ng sugat ang makapagbibigay-sagot sa isa pang palaisipan ng Walang Sugat.Sapagkat ang dula ay puno ng sugat, pagpaslang, sakripisyo, samakatuwid sa tingin ko ay nangangailangang isaalang-alang ang isa pang kasaysayan.Sa kontekstong maimpluwensya ang Kristiyanismo (panahon ng Kastila), ang sugat ay nagpapaalala sa mga sugat ng paghahandog ni Kristo. Ito ay simbolo ng pag-ibig, at sa kuwento, pag-ibig sa bayan. Hindi natin maitatanggi na may pag-ibig sa bayan, na may sugat, ang mga tauhan tuladnina Tenyong, ang tatay nito, si Julia, mga bilanggo, at ang mga Katipunerong nag-alay ng buhay sagiyera. Ngunit kung tatandaan, ang dulang ito ay unang inilabas nuong 190
2
, ang pagtatapos ng rebolusyon laban sa Amerika, at muling pagkatalo at pagkasakop ng mga Filipino. Kung ang isang tao ay manunuod ng dula tungkol sa pagsasakripisyo sa rebolusyon, sa isang panahon na may bagong mananakop, ano ang mararamdaman nito?Sa kabila ng mga sakripisyo, balewala ang mga sugat, ang mga pagsasakripisyo, sapagkat sahuli, sa mga Amerikano rin naman sila mapupunta. Wala ring nangyari. Samakatuwid, ang dula ay nagpapaalala sa manunuod sa mga nabalewalang sugat nuong panahon ng mga Kastila bagamannagsakripisyo ang mga Filipino nang lubos. Ayon kay Samar, ang mga sugat ay paggising,
 paghiwa sa sarili ang pagsisikap ng ilan na maging  gising at malay sa paligid.
Kailangan na magising upang maipakita ang pag-ibig sa bayan. Ang sarsuwela, bagaman nga nakatutuwa, ay isang dulang may nakaungkit na mensahe sa anumang panahon.
 Ang naglalakad ng matulin, Kung matinik ay matulin.
Taglay raw natin ang sugat ng paglimot,

Activity (84)

You've already reviewed this. Edit your review.
Leen Andrei added this note
Thanks :)) This helps me a lot <3
1 hundred reads
1 thousand reads
Eris Mangila added this note
ty
Rowe Riomalos liked this
Mary Angelus Refugio added this note
salamat alam ko na rin ang ibig sabihin ng pamagat ng walang sugat essay namin to sa 3rd monthly test 15 points
Angela Marie Rizaldo added this note
...:)eto na periodical namin..:))

You're Reading a Free Preview

Download
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->