You are on page 1of 7

SANAYSAY AT TALUMPATI

 Sa diksyunaryo: isang komposisyong pampanitikan sa isang natatanging paksa na higit na maikli at pormal
kaysa alinmang akda
 nagtataglay ng sariling pananaw, paniniwala at kaisipan ng sumusulat
 angkop na paraan ng pagpapahayag ng kaisipan sa pagtuklas ng galaw ng buhay
 Alejandro Abadilla: “pagsasalaysay ng isang sanay” o nakasulat na karanasan ng isang sanay sa
pagsasalaysay
 Genoveva E. Matute: pagtalakay sa isang paksa sa paraang tuluyan at sa malayang paraang naglalantad ng
kaisipan, kuru-kuro, palagay at ng kasiyahan ng sumusulat, upang umaliw, magbigay-kaalaman o magturo
 Dr. Samuel Johnson: isang malayang igpaw ng pag-iisip

Ang sanaysay ayon kay Alejandro G. Abadilla ay “nakasulat na karansan ng isang sanay sa pagsasalaysay.” Ang
sanaysay ay nagmula sa dalawang salita: ang sanay at pagsasalaysay. Ito ay panitikang tuluyan na naglalahad ng
kuru-kuro, damdamin, kaisipan, saloobin, reaksyon at iba pa ng manunulat hinggil sa isang makabuluhan,
mahalaga at napapanahong paksa o isyu. 

            Mahalaga ang pagsusulat at pagbabasa ng sanaysay sapagkat natututo ang mambabasa mula sa inilahad na
kaalaman at kaisipang taglay ng isang manunulat. nakikilala rin ng mambabasa ang manunulat dahil sa paraan ng
pagkasulat nito, sa paggamit ng salita at sa lawak ng kaalaman sa paksa. 

Uri ng Sanaysay 

§          Pormal – sanaysay na tumatalakay sa mga seryosong paksa at nangangailangan ng masususing pag-


aaral at malalim na pagkaunawa sa paksa; inaakay ng manunulat ang mambabasa sa malalim na
pag-iisip upang makabuo ng sariling pagpapasya at kumilos pagkatapos

§         Di-Pormal – sanaysay na tumatalakay ng mga paksang magaan, karaniwan, pang-araw-araw at


personal; binibigyang-diin ng manunulat ang mga bagay-bagay, mga karanasan o isyung
maaaring magpakilala ng personalidad ng manunulat o pakikisangkot niya sa mga mambabasa

 Sangkap ng Sanaysay

 1.        Tema at Nilalaman – anuman ang nilalaman ng isang sanaysay ay itinuturing na paksa dahil sa
layunin sa pagkasulat nito at kaisipang ibinahagi

2.        Anyo at Istruktura – ang anyo at istruktura ng sanaysay ay isang mahalagang sangkap sapagkat
nakaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa; ang maayos at lohikal na pagkasunud-sunod
ng ideya o pangyayari ay makatutulong sa mambabasa sa pagkaunawa sa sanaysay

3.        Wika at Istilo – ang uri at antas ng wika at istilo ng pagkakagamit nito ay nakaaapekto rin sa
pagkaunawa ng mambabasa; higit na mabuting gumamit ng simple, natural at matapat na mga
pahayag

 Bahagi ng Sanaysay 

1. Panimula – ang pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat ito ang unang tinitingnan ng mga
mababasa, dapat nakapupukaw ng atensyon ang panimula upang ipagpatuloy ng mambabasa ang pagbasa
sa akda
2. Katawan – sa bahaging ito ng sanaysay makikita ang pagtalakay sa mahahalagang puntos ukol sa tema
at nilalaman ng sanaysay, dapat ipaliwanag nang mabuti ang bawat puntos upang maunawaan ito nang
maigi ng mambabasa
3. Wakas – nagsasara sa talakayang naganap sa katawan ng sanaysay; sa bahaging ito nahahamon ang pag-
iisip ng mambabasa na maisakatuparan ang mga tinalakay ng sanaysay 

Katangiang Dapat Taglay ng isang Mabuting Mananaysay 

 May malawak na kaalaman o karanasan sa paksa


 Nagagamit ang wika nang wasto at mabisa
 Nakapipili ng mabuti at mabisang istilo ng paglalahad ng ideya
 Malinaw at hindi madamot o matipid sa pagpapaliwanag ng kaisipan at kaalaman ukol sa paksa
 May kakayahang pumukaw o manghikayat ng mambabasa

Mga Bahagi ng Sanaysay:

1. Panimula - pinakamukha ng sulatin

- kailangang kaakit-akit, nakakapukaw, nakakaganyak, nakakahatak ng kuryusidad

- pinakamahalagang talata sa isang sulatin dahil dito nakasalalay ang tagumpay o kabiguan ng
akda

Iba’t Ibang Paraan ng Pagsulat ng Panimula:

a. Pasaklaw na Pahayag - resulta o kinalabasan muna ang sinasabi bago isa-isahin at


pagsunud-sunurin mula sa di-gaanong mahalaga hanggang sa pinakamahalaga ang mga detalye

- karaniwang makikita sa sa araw-araw na binabasang mga balita bilang


pamamatnubay

- agad - agad matatagpuan ang bawat kasagutan sa mga katanungang Ano? Sino?
Bakit? Saan? Kailan? at Bakit?

Halimbawa:

Isang binatang gurong dumalo sa kaarawan ng kanyang kaibigan ang brutal na pinatay makaraang
saksakin ng apatnapu’t pitong beses ng apat na estudyanteng nainis sa ginawang pagbati ng una kamakailan sa
Santo Tomas, Batangas.

b. Tanong na Retorikal

Halimbawa:

Madalas na marinig natin ang ang pagtatalo tungkol sa kabataan ng kahapon at ng kasalukuyan.
Nahahati sa dalawang pangkalahatang pangkat ang pagtatalo: ang panig ng kabataan kahapon at ang panig sa
kabataan ng kasalukuyan. Ang suliranin ay “Higit na magaling ang kabataan noon kaysa kabataan ngayon.”
Sumasang-ayon ka ba?

c. Sipi

Halimbawa:

Si Rizal ay nagsabi sa pamamagitan ng bibig ni Isagani sa “El Filibusterismo” ng ganito: “ Kung ako’y
magkaroon na ng ganyang mga uban, Ginoo, at kung sa paglingon ko sa nakalipas ay makita kong ang aking
ginawa ay para sa aking kapakanan at wala akong ginawa para sa bayang nagbigay sa akin ng lahat, para sa mga
mamamayang tumulong sa akin upang ako ay mabuhay; sa gayon, Ginoo, ang bawat ubang iyan ay magiging tinik
at sa halip na ikarangal ay aking ikahihiya.”

d. Paglalarawan - ginagamit kapag nagtatampok ng tao. Sapagkat nagbibigay-deskripsyon,

mga malarawan at maaksyong salita ang ginagamit.

Halimbawa:

Si Rosella yata ang pinakamabait sa klase. Malawak ang kanyang pang-unawa. Mapagbigay at
maalalahanin siya lagi. Tapat na tapat siyang makisama. Lamang, hindi siya masalita. Parang laging
napakalalim ng iniisip. Ang pagiging walang kibo niya’y hiwagang pinagkakatingihan ng lahat.
e. Makatawag-pansing Pangungusap - ito’y isang mapanggitlang panimula dahil di

karaniwang sinasabi o naririnig sa araw-araw ang pamamariralang ginagamit dito.

Halimbawa:

Masarap ang magmeryenda sa CR!

f. Salawikain o Kasabihan

Halimbawa:

“Ang kaibigan ay nagmamahal sa lahat ng panahon at sa oras ng kagipita’y kapatid na tumutulong.”

g. Salaysay

Halimbawa:

Samantalang nakasakay ako sa taksi patungo rito sa inyong paaralan, iba’t ibang tagpuan ng mga
kabataan ang nasaksihan ko: mga babae’t lalaking nagdudumaling naglalakad na may hawak na mga aklat; mga
nagtitinda ng sigarilyo at diyaryo; mga batang nanglilimahid na nagtutulak ng kariton ng mga basura’t
kalawanging kagamitan; mga kabataang lalaking nangakatayo sa bangketa; mga kabataang sumisigaw at may
dala-dalang plakard; mga nanonood sa mga bilyaran at iba pang libangan; at mga basta’t naglalakad na tila
namasyal lamang at marami pang ganito’t gayong tagpo ng kabataan at bigla, sa isip ko, naitanong ko: sino kaya
sa mga kabataang iyon ang maibibilang sa mga kabataang nag-aangkin ng kamalayang pambansa?
2. Katawan/Gitna - dito makikita ang mga kaalaman

- binubuo ito ng mga talatang kinapapalooban ng mga pangunang kaisipan at mga


pantulong o pamunong mga detalyeng maayos maayos ang masuring pagkakauri-uri at pagkakasama-
sama at makatwiran ang pagkakahanay-hanay at pagkakasunud-sunod tungo sa malinaw na
ikapaliliwanag ng paksa

Iba’t Ibang Paraan ng Pagsulat ng Katawan/Gitna

a. Pakronolohikal - ayon sa tamang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari mulang

pinakamatagal hanggang sa pinakakasalukuyan

b. Paanggulo - ibinabatay sa personal na masasabi o reaksyon ng bawat tao tungkol sa mga

bagay-bagay o isyu tungo sa isang obhektibong paglalagom


- sa pamamagitan ng pagtitimbang-timbang sa bilang ng reaksyong nakuha, ang konklusyon ay
madaling magagawa

c. Paghahambing - sa unang seksyon sisimulan muna ang ang pagkakaiba tungo sa ikalawang

seksyon na ang mga pagkakapareho naman

d. Papayak/Pasalimuot -sinisimulan itong iayos sa mga bagay na komplikado kasunod ang

mga bagay na simple o vice-versa

3. Wakas

Iba’t Ibang Paraan ng Pagwawakas:

a. Tuwirang sinabi

Halimbawa:

Mula ngayon at di na magtatagal ang bukambibig na sabi ni Jose Rizal na, “Ang kabataan ang pag-asa ng
bayan” ay mapapatunayan na.

b. Panlahat na Pahayag

Halimbawa:

Makabuluhan, samakatuwid, ang palasak nating kawikaang “ Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay
hindi makararating sa paroroonan.”

c. Pagtatanong

Halimbawa:

Ano pa ang ating hinihintay? Magtatamad-tamaran na lamang ba tayo habang buhay? Kailan natin
bubuksan ang pinto ng maunlad na kinabukasan?
d. Pagbubuod - pinakagamitin sa pagwawakas

Halimbawa:

Marahil, sa atin, napakaliit ng P50. Kulang pa ngang pambili ng quarter pounder sa Mc Do. Pero sa
mga kasama nating manininda, isang puhunan na iyon para may makain bukas.
            

TALUMPATI

             Ang talumpati ay isang maayos pagbigkas sa harap ng isang madla kung saan
ang mga mahahalagang kaisipan ay inihahatid sa mabisang paraan. Ito ay isang sining
sapagkat magalang ang pananalita ng isang nananalumpati at piling-pili ang mga salitang
ginagamit ukol sa mahahalaga at napapanahong paksa. 

Mga

1. Ang Mananalumpati – dapat isaalang-alang ng mananalumpati ang kanyang sarili


sa harap ng       kanyang tagapakinig; ang kanyang paraan ng pagbigkas ng mga
salita, kanyang pananamit,         kanyang asal sa entablado, kumpas ng kamay; at
laging dapat tandaan na Dapat Isaalang-alang sa Pagtatalumpati siya ay nasa
harap           at pinakikinggan at pinanood ng mga tao           
2. Ang Talumpati – kailangang isaalang-alang ang nilalaman ng talumpati upang
matukoy ang wasto at            pinakamabuting paraan ng pagbigkas nito at higit sa
lahat dapat matukoy ang layunin at   kaisipang nais iparating ng talumpati upang
maiabot ito nang malinaw sa mga tagapakinig
3. Ang Tagapanood/Tagapakinig – higit na mabuting malaman ng isang
mananalumpati ang uri at antas        ng kanyang tagapakinig upang makapag-isip
siya ng mabuting paraang gagamitin na             makapukaw sa atensyon ng mga
ito at nang mahikayat ang mga ito na makinig hanggang sa wakas ng talumpati;
mahalaga ring malaman kung sino ang tagapakinig upang maibagay
sa             kanila ang talumpati at maging malinaw ang kahalagahan ng talumpati
para sa kanila 

Uri ng Talumpati/Pagtatalumpati 

 Biglaan o Daglian – (impromptu) walang pagkakataong makapaghanda ang


mananalumpati; ngunit           ang mga pagkakataong ito ay gaya lamang ng mga
simpleng okasyon gaya ng mga sa    paaralan, kaarawan at iba pa
 Maluwag – (extemporaneous) ang mananalumpati ay binibigyang ng maikling
panahon para         maghanda pagkatapos maibigay ang paksa o tanong
 Handa – (prepared) mahabang panahon ay ibinibigay para maghanda ang
mananalumpati; isinasaulo       na ang isang handang talumpati at pipiliin na
lamang ang wasto at pinakamabuting paraan ng    pag-deliver

 Katangian ng Isang Mahusay na Mananalumpati 


 May magandang personalidad
 Malinaw magsalita
 May malawak na kaalaman sa paksang tinatalakay
 May kasanayan sa pagtatalumpati
 Mahusay gumamit ng kumpas

 Mga Katangian ng Mabuting Kumpas 

 Maluwag at maginhawa – higit na magandang tingnan kung natural ang


pagkumpas at hindi naninigas
 May buhay at hindi matamlay – iba-ibang sigla ang dapat taglayin ng mga
kumpas
 Tiyak – tiyak ang pagtuturo sa tao o bagay na itinuturo
 Nasa pahanon – nasa tayming ang kumpas, hindi nauuna o nahuhuli sa dapat
nitong paglagyan
 Angkop sa mga nakikinig – iayon ang mga kumpas sa uri at antas ng tagapanikig
at ang laki nito

You might also like