Ang panulat ay sadyang ginawa para sa lahat. Ito ay
kadalasang sandata ng estudyante, guro, dukha, trabahador o sinu man. Tingin ditto, tingin dyan, matanda man o bata, may pinag - aralan man o wala, lagi pa ring may kipkip na panulat. Sadya ngang mapakaswerte ng makalikha nito dahil sa kung sinu – sino ang nanggagaya dito para lamang pagkakitaan. Noon man o ngayon di pa rin maaalis s ating kasaysayan. Pluma man o ibang uri ng panulat iisa pa rin ang halaga, gamit, at higit sa lahat iisa ang hiwaga nito sa bawat isa. Ang panulat ay itinuturing na kaibigan bilang karamay sa madamdaming pansarili na tanging ito lamang ang makakaalam ng lahat. Ito ay isang inspirasyon na nagbibigay tatag ng loob sa anumang suliranin. Isang sandata na ginagamit bilang pagpapahayag ng damdamin upang iparating sa iba. Ang panulat ay katulad ng isang buhay na may responsibilidad na dapat gampanan sa oras ng pagkawala. Mura man o mahal pantay – pantay ang halaga nito sa buhay natin. Para sa isang manunulat ang panulat ay ang pinakamahiwagang elemento upang mabuo nang tuluyan ang gintong katha. Ang panulat ay isang mahiwagang kayamanan na bumubuo ng kasaysayan sa ating sarili. Ngunit ano kaya ang halaga nito pagtinta’y naubos.