1. Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel ng anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao. ( Bernales, et al., 2001) Ito ay kapwa fisikal at mental na aktiviti na ginagawa para sa iba’t ibang layunin. (Bernales, et al., 2002) Ayon kina Xing at Jin (1989), ang pagsulat ay isang komprehensiv na kakayahang naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang elemento. Ayon naman kay Keller (1985), ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito. Sosyo-Kognitibong na Pananaw sa Pagsulat Sosyo- ito ay isang salitang tumutukoy sa lipunan ng mga tao. Samantalang ang kognitib naman ay tumutukoy sa pag-iisip. Ang sosyo-kognitibong pananaw sa pagsulat ay isang paraan ng pagtingin sa proseso ng pagsulat. Mga mungkahing tanong Ano ang paksa ng tekstong aking isusulat? Ano ang layunin sa pagsulat nito? Saan at paano ako makakakuha ng sapat na datos kaugnay ng aking paksa? Paano ko ilalahad ang mga datos na aking nakalap upang maging higit na makahulugan ang aking paksa? Sino ang babasa ng aking teksto? Para kanino ito? Paano ko maibabahagi sa aking mambabasa ang nalalaman ko sa aking paksa? Ilang oras ang aking gugugulin sa pagsulat? Kailan ko ito dapat ipasa? Paano ko pa mapagbubuti ang aking teksto? Proseso ng pagsulat Pre-writing- Ginagawa rito ang pagpili ng paksang isusulat at ang pangangalap ng mga datos o impormasyong kailangan sa pagsulat. Actual writing – Dito isinasagawa ang aktwal na pagsulat. Nakapaloob dito ang pagsulat ng burador o draft. Rewriting – Dito nagaganap ang pag-eedit at pagrerebisa ng draft batay sa wastong gramar, bokabulari at pagkakasunud- sunod ng mga ideya o lohika.