[2]
magkakaibang katangian sa bawat isa subalit nananatiling magkakaugnay. Ang mga sumusunod ay ilan sa mganakita kong teoryang pampanitikan na napapaloob sa nobela:
1.
Teoryang Humanismo -
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp.
Ang galing ni Mike sa pagtugtog ng gitara ay isa ng patunay dito. At sa kabila ng masalimuot na pamumuhaysa Olonggapo at buhul-buhol na kagaspangan ng ugali ng mga tagaroon dala na rin ng kahirapan ng buhay aymay parte pa rin sa nobela na nagpapatunay na ang tao ay may itinatagong kabaitan. Ang pagtulong ni Modestokay Mike nang siya ay hinahabol sa Jungle, ang pakikipagkapwa-tao at pakikipagkaibigan din ni William Smithkay Modesto at miminsang tawanan at maayos na samahan nina Magda at Mike sa Apartment ay ilan lamanghalimbawa nito.
2.
Teoryang Realismo
- Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may-akdasa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoosapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagka-epektibo ng kanyang sinulat.
Sa paunang salita ng may-akdang si Lualhati Bautista, kanyang ibinahagi ang kanyang karanasan sa kanyang pananatili sa Olonggapo kasama ang dalawang kapatid na sina Marie at Lumen at pinsang si Carding. Sakanilang pagpunta sa isang bar doon ay nakakuwentuhan nila ang iba pang kasamahan ni Carding sa Base ukolsa ilang mga lihim at mapapait na katotohan sa loob o labas man ng Olonggapo. Dito, mapapatunayan na angnobelang Gapo ay nabigyang-buhay ng karanasang iyon.
3.
Teoryang Feminismo
- Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikanay feminismo sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan at ipinamamayagpag ang mabubuti atmagagandang katangian ng tauhan.
Ang may-akda ay isang babae at isa sa mga pangunahing tauhan na si Magdalena ay babae.
N
aipakita sa atin niLualhati na ang mga babaing tulad ni Magda ay may mga pangarap din sa buhay, may dignidad na kadalasa¶yipinagbabawalang-bahala na lang makamit lamang ang kaginhawaan. Sa pagtatapos ng nobela ay napatunayan na siMagda ay isang babaing may pagmamahal sa buhay µpagkat kanyang piniling huwag ipalaglag ang bata sa kanyangsinapupunan. Bagkus kanya itong bubuhayin kasama ni Mike, siya ay handing matuto at pinatutunayan ito ng kanyanghanding pag-aaruga kay Jeffrey habang nasa ospital pa si Ali.
4.
Teoryang Arkitaypal
- Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga simbolo.
N
gunit hindi basta-basta masusuri ang mga simbolismo sa akda. Pinakamainamna alamin muna ang kabuuang konsepto at tema ng panitikan sapagkat ang mga simbolismong napapaloob sa