Unibersidad ng Santo TomasKolehiyo ng Turismo at Pangasiwaang PanghospitalidadPagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik16 Disyembre 2010Ginoong L-Ray VillafuerteGobernadorCamarines SurMahal na Gobernador Villafuerte:
Isang mainit na pagbating Tomasino!Kami po ay mga mag-aaral ng Unang Taon ² Travel Management na nagsasagawa ngpananaliksik tungkol sa paksang ´Isla ng Caramoan sa Camarines Sur: Isang Pag-aaral ngKasaysayan, Heograpiya at Turismoµ na isang kahingian sa kursong Filipino 2.Kaugnay nito, maaari po ba naming mahiling na kayo ay makapanayam upang mabatid naminang kasaysayan, heograpiya at turismo ng Isla ng Caramoan na nasasakupan ng inyonglalawigan? Ang panahong igagawad ninyo sa amin ay lubos na makakatulong upang higitnaming makilala ang nasabing pook-pasyalan at mabatid ang potensyal nito bilang isangdestinasyong panturismo.Kalakip po ng liham na ito ang mga tanong sa panayam. Maraming salamat po at nawa·ymakamit namin ang positibong tugon ninyo kaugnay ng kahilingang ito!Lubos na sumasainyo,
Mary Grace FernandezKinatawan ng Pangkat
(09177654321)Binigyang-pansin ni:
G. Alvin Ringgo C. ReyesInstruktor, Filipino 2