nabibigyang-puwang na ng kuhang ito ang kilos at pananalita ng mga tauhan.Sa pangkaraniwang pagsasalaysay ng kuwento, ito ang madalas na ginagamit.
4.
Close-up.
Sa kuhang ito nang higit na malapit, kita ang buong mukhahalimbawa, higit na nakikita ang mga tagong emosyon ng mga tauhan upanghigit na maunawaan ng manonood ang kanyang nararamdaman, nasasaisip , atnasasaloob. Ito ang isang kalamangan ng pelikula sa dula. Katawa-tawa kungang isang manonood ay tumuntong sa entablado at lapitan ang isanggumaganap upang higit na masuri kung ito’y natatawa, naiiyak, ninenerbiyos, onapopoot!
Posisyon ng Kamera
1.
Eye Level.
Ginagamit ito sa karaniwang pag-uusap ng mga tauhan sa eksena.Kapag gusto nating makasunod ang mga manonood sa normal na takbo ngpangyayari sa kuwento ito ang madalas gamitin.
2.
High Angle.
Sa posisyon ng kamerang ito, mataas sa karaniwan (level) angkamera at nakatungo sa kinukunan. Ang isang pang tawag sa ganitong eksenaay
bird’s eye view
.
3.
Low Angle.
Kabaligtaran lang ito ng high angle. Mas mababa sa karaniwan angkamera at nakatingala naman sa kinukunan.
Worm’s eye view
naman ang pang-tawag dito.Sa panitikan, katumbas ng punto de bista ang posisyon o anggulo ngkamera. Halimbawa, kausap ng ama ang kanyang limang taong gulang na anakhabang sila’y kumakain ng hapunan. Upang ipakita natin ang normal nilang pag-uusap,
eye level
ang posisyon ng kamera. Kung nais nating Makita ang reaksyonng anak habang nagsasalita ang ama, high level ang gagamitin. Sa parehongparaan, kung nais nating makita ang damdamin ng ama habang kinakausap anganak, sa punto de bista ng anak, low angle ang gagamitin.
Paggalaw ng Kamera