You are on page 1of 252

R­13

***1***

Hay naku, siraulo talaga yung tao na yan. Akalain mong ibato sa akin yung ballpen niya? Mukhang metal pa 
man din! Kapag ako nagkabukol nito, kasalanan niya. Pasalamat siya kahit teacher siya close kami.

"Ang sakit nun ah!" hinawakan ko naman yung noo ko.

"Hindi ka na naman nakikinig sa akin. Ilang beses ko nang inexplain sa 'yo." sabi niya sa akin tapos pinulot 
niya yung ballpen niya sa ilalim.

"Naiintindihan ko." tumango­tango naman ako pero sa totoo lang, hindi ko talaga naintindihan, "Para Sports 
Curriculum lang naman! Ano namang mahirap intindihin dun?"

"O sige, ulitin mo nga yung sinabi ko?"

"Uhmmm, yung sports kagaya nung mga regular classes eh considered.. academic ng sports curriculum. Yung 
ibang activities, extra­curricular."

"Yan yung shorter version."

Narinig ko namang nag­alarm na. Ngumiti ako sa kanya ng nakakaloko.

"Akalain mo yun, na­save ako ng alarm! Paano ba yan, alis na ko! Alam ko namang tanggap na ako doon sa 
sinalihan ko! Ayoko yatang ma­late!"

Tumakbo na ako palabas nun. Sumigaw pa siya ng pahabol.

"Sa susunod nga magsuot ka naman ng blouse! Hindi pa kita nakikita magsuot ng blouse!"

"Alis na ako!"

Nung nakalabas na ako ng Guidance Office, inayos ko naman yung sumbrero ko at nalalaglag na yung buhok 
ko. Nagpunta lang ako doon sa Guidance para maintindihan ko yung terms. Isa pa, galing kasi ako sa Computer 
Curriculum. Nag­iba yung interest ko kaya lumipat ako sa Sports.

Pagdating ko doon sa room na kung saan nila sinabi na doon daw magkita­kita, naupo ako doon para 
maghintay. Please lang sana nakuha ako.. please lang...

Tinignan ko yung relo ko. Anak ng tinapay! Sinabihan nila ako na sharp pumunta dito tapos sila yung wala! 
Kakainis na mga yun.

Nagsisimula na akong mabwisit nun hanggang sa nakita kong may tatlong lalaki na naglalakad ng mabilis. 
Yung dalawa doon eh namumukhaan ko dahil sila yung nagpatry­out sa akin at sinabi nila na ok na ok daw ako. 
Aba, mukhang malaking pag­asa!

Yung isa naman na hindi ko kilala eh masyado namang seryoso at naupo doon sa table na nasa harapan ko. 
Narinig ko yung pinag­uusapan nila nung dumaan sila.

"Bro, sinasabi ko sa iyo itong Chris? Magaling!" sabi nung isa na katabi niya.

Bumulong naman yung isa.

"Oo nga bro, kahit anong mangyari.. isipin mo.. yung Chris.. magaling!" naki­oo naman yung isa.

Mukhang nairita yata yung isa kaya huminto, sa harapan ko pa.

"Kayong dalawa, bakit ba ang weird niyo kumilos ngayon? Kung i­brainwash niyo ako parang nakagawa kayo 
ng kasalanan. Kung magaling yung Chris, e di magaling!"

Teka.. parang kilala ko na yung pinag­uusapan nila.

Nag­bye naman yung dalawang nagpatry­out sa akin at ang naiwan na lang doon sa loob eh ako at yung 
lalaking seryoso. Nagtingin­tingin siya sa paligid niya tapos natigil siya sa akin.

"Excuse me, busy kami ngayon so mamaya na lang po kayo mang­istorbo."

Napataas yung kilay ko.

Tumayo naman ako sa harapan niya.

"Late na yung Chris na yun, kasasabi lang na dumating dito ng sharp. Ayoko pa naman ng mga late!"

Excuse me? Ayaw daw niya ng late eh nauna pa ako sa kanya dito! Sapakin ko kaya 'to.

"Miss, labas na." tinuro niya yung pinto.

"Pinapunta­punta niya ako dito ng 3 o' clock sharp tapos pinapaalis mo ako? Ang gulo talaga ng mga 
lalaki!" tumalikod ako para lumabas ng pinto.

Hinwakan naman niya ako sa braso ko.

"I'm sorry?" tinignan niya ako ng nagtataka, "Bakit ka naman namin papupuntahin dito?"

"Eh kasi po, yung mga kasamahan mo sinabi nila pumunta daw ako dito dahil pasok daw ako from try­outs 
pero kailangan ka pa kausapin."

"Teka­teka, isa lang yung nakapasok from try­outs. At ang pangalan eh Chris. You're not Chris."
Ooh... parang alam ko na yung iniisip nito.

"Chris nga pala." inextend ko yung kamay ko pero hindi niya tinanggap.

Pigilan niyo ko!! Tinalikuaran ba naman ako.

"A girl? Skateboarding? No way!" aba­aba, anong masama kung babae ka! "Kung hindi ko lang alam, nilagay 
mo lang na Chris yung pangalan mo para makuha ka dahil alam mong hindi kami tatanggap ng babae."

Sasampalin ko 'to eh!

"Kasalanan ko ba kung Chris ang pangalan ko? Chrisandra Orellana nga pala.. Chris for short." nag­iinit talaga 
yung ulo ko.

"Nobody mentioned that.. you're a girl."

"Napansin ko nga!!!"

Nanahimik kami parehas doon at walang nagsalita. Siya naman, nakatingin doon sa table niya. Naisipan din 
naman niyang magsalita. Finally..

"Alam mo naman na mahirap tumanggap ng babae. Isa pa, skateboarding yun!"

"Ano namang problema kung babae ako?" hinigpitan ko lalo yung sumbrero ko. "Kaya ko naman eh."

"Iba kasi ang mga babae sa mga lalaki. Mas mabilis kayong mag­panic."

Yun lang?!? Gusto kong matawa sa kanya.

"Hindi kita pwedeng tanggapin."

Napatayo ako ng mabilis.

"Hindi pwede yan! Magrereklamo ako sa Guidance! Sa Principal! Kahit kanino! Alam mo ba kung anong 
ginagawa mo? Sexual discrimination! At bawal yan sa school rules, code 3, paragraph 4, line 2!"

"Ok­ok! Huwag mo nang sabihin sa akin yung history ng rules ng school! Fine.. you're in!"

Nagtatatalon naman ako sa tuwa. Pasok na ako! I can't believe it.

May kinuha siyang papel doon sa drawer niya, nagsusulat ng kung anu­ano.

"Pirmahan mo na lang dito at ipapasa ko yan sa office." mukhang iritado pa rin siya. "Pwede ka na rin. Sabi 
naman nila magaling ka saa isa pa..." tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.. "You look like one of us."

Pinirmahan ko naman yung papel na kung ano man yun. Saka naman nung natapos kami eh may nag­ingay 
doon sa labas.

"Yes! yes! Thanks bro!"

"Huwag kayong lumapit sa akin at may atraso pa kayo!"

Nagtawanan naman yung dalawa.

"Welcome sa team Chris." ngumiti naman ako.

"Ako nga pala si Slasher!" tapos pumorma naman sa harapan ko. "Codename ko."

"Ako naman si Black Panther!" isa pa yun, pumorma din na akala mo naman totoo.

"Ok naman pala ang codenames niyo eh!" tinapik ko yung isa sa balikat.

Tumayo naman yung kaninang kasigawan ko. Mukhang ito ang pinakamasungit sa kanilang lahat eh. Pumunta 
siya doon sa pintuan pero hinabol siya ni Slasher daw.

"At ito naman si Ash!" inakbayan naman niya.

"Aba.." naisipan ko namang purihin at baka bumait, "Maganda rin ang codename mo ha! Ash! Parang... kapag 
may apoy.. at may sinunog ka.. 'di ba? Yung sa Digimon ba yun?"

"It's Pokemon not Digimon." tuluyan na siyang lumabas. "And it's not my codename... it's my real name."

Tinakpan ko na lang yun bibig ko.

"Sabi ko nga!" sumigaw na lang ako at sana lang eh narinig niya.

Ngumiti na lang ako mag­isa at nakita ako nung dalawang kanina pa nangungulit. Nung nandito silang tatlo, 
lahat sila mga lalaki. Sana ma­enjoy ko ito. Syempre, bagong experience. Hindi naman ako magaling mag­
skateboard eh. Naisipan ko lang. Sabi nila magaling daw ako.. ewan ko.

Pero syempre, bakit naman ako matatakot mag­try ng pang­lalaki 'di ba? Sila lang ba yung mya kaya nun? At 
kung tutuusin, kayang­kaya kong pumorma at kumilos gaya nila.

Katulad ngayon...

Nung tatlo silang kasama ko dito sa loob... parang hindi ako kakaiba. Isa pa, matagal ko naman nang naririnig 
sa mga tao sa school na ito..
'Ahh.. si Chris ba? Sino namang magkakagusto dun?'

'Eh mas maangas pa yata sa akin yun eh!'

***2***

Lumabas na ako doon sa loob nung room at naglakad na rin. Tinignan ko yung papel na copy ko nung 
pinapirmahan niya sa akin. Pagkabasa ko eh ito yung nakasulat sa handwriting niya.

R­13
Skateboarding Team
Hmmm.. bakit kaya R­13? Kung sabagay at kung meron pa siguro silang ibang members na hindi ko nakikilala 
maliban doon sa tatlo, ewan ko na. Mukhang makukulit kasi sila eh.

Isa sa nagustuhan ko dito sa Sports Curriculum eh yung uniform. Jogging pants kasi ang regular. Syempre ako, 
kumuha ako ng Large na T­shirt at XL na pants. Gusto ko kasi malaki eh. Isa pa, yun naman yung nakasanayan 
ko.

Nung nasa Computer Curriculum ako, skirt at blouse naman yung regular uniform. Pero ako eh kumuha ng 
pagkahaba­habang skirt na talagang aabot sa ankle ko, at hindi ako bumili ng blouse. T­shirt din na malaki 
yung binili ko pero school related. Tapos naka rubber shoes ang madalas kong attire with sumbrero. Hindi ko 
kasi ma­imagine na naka­blouse ako. Kaya nga sa Guidance kanina sinabihan ako na mag­blouse daw ako 
paminsan­minsan. Yun na nga yung problema eh, wala ako nun.

Hinanap ko na yung classroom ko. Malapit na din naman ng mag­uwian kaya ok lang kahit hindi na ako 
pumasok. Nung nahanap ko na yung room number ko, tumingin muna ako sa bintana at mukhang ang ingay­
ingay nila sa loob. Yun pala eh mag nagsasayawan doon at palakpakan naman yung iba. Wala kasing teacher.

Nung lumapit ako ng kaunti... alam ko na kung sino. Kung hindi lang din naman si Shalyna Salinas, ang 
pinakamaarte sa lahat ng pinakamaarte. Alam ko exaggerated na masyado, pero kahit kailan talaga hindi ko 
siya magustuhan.

Kung sa movies at may nakikita kayong popular girls na mean, at sa totoong buhay eh hindi naman sa lahat ng 
school eh may ganun, dito sa school namin eh meron at usong­uso. Palibhasa kasi malakas siya sa principal ng 
school.

Naghintuan naman silang magpalakpakan at parang alam ko na kung bakit. Nakatingin si Shalyna sa akin.

"Hindi ako makapaniwala na may isa pa pala akong fan na nasa labas? Bakit hindi niyo 
papasukin!" nagkukunwari lang naman siya nun pero nagtawanan yung iba. Paglabas niya eh tumingin siya sa 
akin, "Ooh, I thought you're a guy! Oops, my bad! Malay ko ba na si Chris pala!"

"Really? Ang labo na pala ng mata mo. Mag salamin ka kung may problema ka sa paningin. Ay hindi pala, 
contacts na lang. You look like one of the geeks kapag salamin eh. So, why not try faking it?" dumaan ako at 
nabangga ko yung isang balikat niya.

Nag­cheer naman yung iba sa akin. Akala niya ha! Excuse me? Ako Shalyna?! In your face!

Dumaan na ako dun at naghanap ako ng bakanteng upuan. Nakakita naman ako sa bandang dulo at syempre, 
nadaanan ko yung iba.

"Hi Chris!"

Nakipag­tapikan lang din ako sa kanila gaya ng ginagawa ng mga lalaki. Panay pa ang sabi nila sa akin ng 'Bro 
musta na?'..

Naupo ako doon sa dulong upuan at yung mga katabi eh malalayo so mag­isa lang ako doon. Nag­chewing gum 
pa nga ako eh. Tapos dumating yung isang teacher. Dahil ako lang yung nakasumbrero, napansin ako kaagad.

"I can see na may bago pala tayong makakasama.." 

"Yeah, a bubblehead freak!"

Hindi ko na pinasin si Shalyna nun. May teacher kasi kaya hindi na muna ako papatol.

"Mr... I mean Miss.. uhmm.. pwede tumayo ka dito at magpakilala ka?" see? Pati teacher nagkakamali sa akin 
sa unang tingin.

Kapag hindi mo kasi ako kilala at isang beses mo lang akong tinignan, siguro nga lalaki ang tingin mo. Pero 
kapag ilang beses mo akong titignan, mapapansin mo na babae pala ako.

Even in the inside.

Pumunta ako doon sa harapan, nagchewing gum pa rin.. tapos nagsalita.

"Chris Orellana." yun lang yung sinabi ko tapos umalis na ako sa harapan.

Nagulat yata sila sa akin dahil ang ikli nung sinabi ko. Ano bang pakialam nila?

Tapos nanghina na lang yung tuhod ko nung may bumati sa akin sa pagbalik ko sa upuan.

" 'Zup Chris! Welcome sa Sports Curriculum!" it's Chester.

Siguro nga kakaiba pero tuwing nakikita ko yan, lagi akong pumapalpak. Kung hindi matatapon yung iniinom 
ko, mauuntog, o kaya naman...

"Hey.. ok ka lang?" inalalayan niya akong tumayo dahil nadapa ako. Sinasabi ko na nga ba papalpak na naman 
ako eh.

"Ok lang pare!"

Tinawanan na naman ako. Akala ko dala lang nung pagkakadapa ko ng nanghihina kong tuhod, nakita ko si 
Shalyna. Nakataas yung kilay niya sa akin, at yung paa niya eh nasa daan.

Away ito!

Tinuloy ko na lang yung pagbalik ko at hinintay ko yung uwian. Kaya nga nung nag­alarm kahit na nagsasalita 
pa yung teacher eh wala na kaming pakialam lahat at lumabas na kami. Si Shalyna naman, inabangan pa talaga 
ako sa labas.

"You don't belong here! Look at you! Doon ka dapat sa geek people curriculum?!?" with matching swing pa 
siya ng hair niya.

May umakbay naman sa balikat ko at hinigpitan pa kaya napalapit ako sa kanya ng de­oras. Tumama pa nga 
yung sumbrero ko kaya nag­panic ako at baka mahulog.

Pagtingin ko, yung lalaki pala kanina.

"Shalyna, that's so rude! She's on my team. So if you wanna' mess up with her, you should mess up with me."

"How pathetic Ash! Magsama pa kayo!" tapos tinalikuran niya kami parehas at sumama na doon sa barkada 
niya.

Nakatayo lang kami parehas ni Ash dun at hindi kami nagsasalita habang pinapanood namin na makalayo si 
Shalyna.

Tapos naisipan ko rin magsalita...

"I hate her." nagtinginan kaming dalawa.

***3***

Iniwas ko yung tingin ko sa kanya dahil nagkatitigan kami. Siya rin naman eh napansin niya yun kaya iniba na 
lang niya yung usapan.
"Ash Jerell Valdez," sabi niya tapos nagsimula na rin siyang maglakad nung naglakad ako, "Hindi pa pala ako 
nakakapagpakilala kanina..."

"Oo nga eh. Lumabas ka na lang bigla." tapos naisip ko naman yung form na binigay niya kanina, "So, ikaw ba 
ang captain ng R­13 Skateboarding Team?"

Nagulat naman siya sa sinabi ko.

"R­what?!?"

Napaatras naman ako dahil humarap siya sa akin.

"13? Hindi ba yun yung pangalan ng Skateboarding Team niyo?"

Umiling naman siya tapos medyo ngumiti.

"It's R­B. Not R­13."

"Ooh," hinanap ko sa bag ko yung papel at tinignan ko, R­13 talaga yung nakasulat, "See? R­13?"

Nakitingin din naman siya pero hindi niya kinuha yung papel sa akin.

"That's B, not 13."

Kaya pala napagkamalan kong 13 yung B eh magkahiwalay kasi yung pagkakasulat niya. Parang 1, tapos 3. 
Magkadugtong pala yun. Hindi kasi ganun kagaling ang penmanship eh. Pero yung pirma naman niya sa baba 
ang cute.

"Si Miss Lansangan kasi hindi masyadong ayusin yung pagsulat..." sabi ko nga yung teacher ang nagsulat nun 
at hindi siya!

Tumango na lang ako nun.

"Hindi pa kita nakikitang mag­skateboard..." mahinahon pa yung pagkakasabi niya pero nagulat na lang ako 
nung hawakan ako sa dalawang balikat ko ng mahigpit, "Magaling ka ba talaga?"

"Hey..easy lang bro!" tapos inalis ko yung kamay niya sa akin, "Nakakagawa ako ng bagay­bagay sa 
skateboard. Yun nga lang, hindi ko alam ang tawag doon."

"Ok, siguraduhin mo lang. Dalhin mo yung skateboard mo bukas at titignan ko yung gagawin mo.. tapos 
susubukan kitang i­train ng tama. Sige, una na ko."

Hindi man lang nag­bye sa akin basta umalis na lang! Mahilig talaga siya sa maagang pag­alis.
Dahil wala na akong gagawin sa school, nagsimula na akong maglakad pauwi ng bahay namin. Magaan naman 
yung bag ko kaya hindi naman ako nahirapan at hindi rin naman sumakit yung likod ko.

Dumaan muna ako doon sa isang tindahan sa kanto para bumili ng chewing gum at wala na akong stock sa bag 
ko. Nagmumukha na nga akong kambing kakanguya eh. Nagchewing gum lang naman ako kapag trip ko. Hindi 
naman sa lahat ng oras.

"Manang pabili nga po.." tumingin naman yung ale sa akin, "Doublemint."

Nung babayaran ko na, may dumating naman sa gilid ko kaya naharangan yung sikat ng araw. Pagtingin ko, 
sino pa nga ba?  

"Anong ginagawa mo dito?"

Hindi niya siguro inaakala na kakausapin ko siya at hindi rin niya napansin na nandun ako.

"Bumibili." oo nga naman Chris, bumibili!

"I mean, bakit ka nandito?"

Nakuha na niya yung binili niya at yung sa akin eh wala pa. Nauna pa siya sa akin. Bakit ganun?

"Sinagot ko na nga, bumibili." tapos nung paalis na siya tumingin siya sa akin, "Anong ginagawa mo dito?"

"Bumibili."

Ngumiti na naman siya sa sinabi ko. Nung nakuha ko na yung binili ko, tinawag niya ako doon sa kintatayuan 
niya at  may tinuro.

"Dito kami nakatira, bahay namin yun!" tinuro niya yung isang bahay doon.

Teka, kilala ko yung nakatira doon ah!

"Anak ka ni Dr. Valdez?"

"Yeah, I think so." aba, hindi niya alam?? "Ikaw san ka?"

"Sa kabilang kanto pa ako. Dumaan lang ako para bumili. Pauwi na rin kasi ako."

"Gusto mo ng kasabay?"

Napaatras ako bigla.

"Oh no. Ok lang ako. Saka marami pa akong istasyon bago makauwi ng bahay. Maiinip ka lang. Sige... uwi na 
ko!"

Nag­wave na lang ako sa kanya at lumakad ako ng mabilis. Sinasabi pa niya sa akin na ok lang daw kahit 
marami pa akong pupuntahan, pero hindi ako bumalik. Nung nakalagpas ako ng kaunti at hindi na niya ako 
kita, tumakbo na ako.

Kaya in 2 minutes time, nasa bahay na ako.

"NANDITO NA KO!!!" sumigaw na lang ako para dinig ng buong bahay.

"TUMAHIMIK KA NGA NATUTULOG YUNG TAO EH!" Kuya ko yun, si Christopher.

May bumaba naman sa hagdan.

"Bakit ganyan yang itsura mo?" ito naman yung isa kong Kuya, si Christian.

Tingnan mo nga naman, lahat kami may Chris no?

"Wala, tumakbo kasi ako. Si Tatay?"

"Wala pa, hindi pa umuuwi. Baka mamaya pa yun."

Umakyat na ako sa taas nun para magpalit ng damit. Gaya ng mga sinusuot ko sa school, walan kaibahan yung 
mga sinusuot ko sa bahay. Malalaki, mahahaba at syemrpe, hindi mukhang pambabae. Matutulog na nga lang 
ako ganito rin ang suot ko. Hindi kasi uso ang pajamas sa akin, pati ang nightgowns.

Dumating na yung tatay namin eksaktong kumakain na kami. Umupo lang siya doon at nakisali na sa aming 
kumain.

Matapos ang mahaba­habang seremonyas, nagsitayuan na sila at sa akin naiwan yung pagliligpit ng plato.

***

Maaga akong nagising kinabukasan at hindi ko talaga kinalimutan dalhin yung skateboard ko. Alam niyo na, 
baka magalit si Captain Ash!

Nakita ko yung iba kong classmate sa Computer Curriculum at binati rin nila ako na namimiss na daw nila ako. 
Mga ganung bagay. Pero sa totoo lang, sa lahat ng sinasabi nila, hindi ko alam kung ano ang totoo sa hindi. 
Simula kasi na nag­aral ako, wala naman talaga akong naging close friend na talaga... close kami. Meron man, 
paiba­iba pagkatapos ng ilang months.

Dahil sa kabilang side yung Sports Curriculum, naupo na ako doon mag­isa sa upuan ko nung makarating ako. 
Mabuti na lang kahit maaga eh wala pa si Shalyna at nakakapag­init talaga ng ulo yung babaeng yun.
"Chris!" hinanap ko naman kung sino yung sumisigaw.

Pagtingin ko sa bintana, si Black Panther ba yun?

"Bakit?"

"Ang ganda ng skateboard mo!" tapos nagthumbs up siya sa akin.

"Thanks Black Panther." hindi ko naman alam kasi yung pangalan niya.

"Kian." tapos nag­bye na siya sa akin.

Ilang minuto lang din, nag­alarm na at pumasok na sa classroom yung grupo ni Shalyna. Kasama pa doon si 
Chester... and..

Ash?

Dumeretso siya sa kabilang side kaya lang inunahan siya nung isa, kaya wala siyang choice kundi umupo doon 
sa kaabing upuan ko.

"May nakaupo?"

Umiling lang ako.

"Kasama ka sa grupo nila?"

"Ako? Hindi no!" galit ba 'to? Hindi nga daw eh! "I used to."

Gusto ko pa sanang itanong kung bakit, pero nagsimula na yung teacher nun magsalita kaya nanahimik na lang 
ako. As usual dahil nakasumbrero ako, tinawag na naman ako para magpakilala. Kahapon kasi, yung last 
subject lang yata yung naabutan ko.

Nung breaktime naman, isa ako sa nauna sa cafeteria at kumain na lang ako mag­isa. Sa loob dun, ang ingay­
ingay talaga ng grupo nila. Syempre, kilala niyo na kung sino ang nangunguna.

Dahil macaroni and cheese yung binili ko, nalimutan kong kumuha ng paminta. Iniwan ko na lang yung gamit 
ko at bumalik ako doon sa stall sa gitna. Kumuha ako ng 1 pepper shaker at bumalik na ako sa upuan ko. Kaya 
lang, panay lead na ng lapis yung nandun.

Nakatingin si Shalyna sa direksiyon ko, at alam kong siya yun.

"Give it up, looser!" tapos nag­sign siya ng L sa daliri niya.

Kinuha ko naman yung ice tea ko sa table ko at lumapit ako sa kanya. Nakangiti pa ako nun.
Wala akong sinabi sa kanya kundi, binuhos ko sa ulo niya yung ice tea ko. Nagtititili siya doon sa cafeteria kaya 
ang sakit talaga sa tenga.

"What is happening around here?" sabi nung isang teacher na narinig si Shalyna.

"Ask that menace! Arrggghhh!" kumuha siya ng tissue at pinunasan niya yung mukha niya. Tiyak malagkit 
yun.

"Anong ginawa mo... Mr.. I mean Miss..?"

"Kung anong itsura ng ginawa ko, yun na yun. She started it. Nilagyan niya ng lead yung pagkain ko."

Napuno yata yung teacher sa amin lalo na nung simulang magreklamo si Shalyna. Tapos sumigaw siya 
ng...'REFERRALS!!!'

Imbis na malungkot ako doon sa referral na natanggap ko, natuwa pa ako. I think it's worth it.

Lumabas na ako ng cafeteria, bumalik sa classroom, at syempre... nagklase.

Pero bago pa yun... naramdaman kong mag nag­tap sa likod ko.

"Good job!"

Sabi nga nila, never­ever as in never messed up with the queen dahil nga parusa ang aabutin mo. Dito siguro sa 
Sports Curriculum, si Shalyna ang considered QUEEN. Alam kong hindi siya basta­basta magpapatalo sa akin, 
kaya ano mang oras niyan eh gaganti na siya.

Pero umabot nun yung hapon eh wala pa rin talaga siyang ginagawa sa akin. Instead, masasamang tingin lang 
talaga. Siguro nga inover­estimate ko siya na gaganti siya, she'as weak!! Akala niya huh!

Nung breaktime uli namin ng hapon at hindi ako lumabas, pumasok si Ash na ang dumi­dumi ng damit. 
Dumeretso pa nga siya doon sa CR at may dala­dala siyang shirt. Hindi ko na lang pinansin. Instead, nabaling 
yung attention ko kay Shalyna.

"Hey people! Practice time na natin ngayon 'di ba? So labas na! Chupi!" tapos nagsilabasan naman yung iba.

Ako rin naman lalabas na kaya lang may isang babae na kumausap sa akin.

"Chris, pwede mo bang kunin yung bola ng volleyball doon sa dulo. Ikaw kasi pinakamalapit eh."

"Ooh.. ok." pumunta naman ako doon sa dulo.

Nung nakuha ko na yung bola, bigla ba naman silang nagsilabasan at sinara yung pinto. Napatakbo ako ng de­
oras kaya lang nailock na nila sa labas.

"Sorry! Ako pa kasi pinili mong kalabann eh!"

In short, yung babae kanina eh kunwari pinapakuha lang niya yung bola para lumayo ako sa pintuan at hindi 
ako makalabas. Ngayon.. ako lang yung mag­isa dito na naka­lock! Practice period pa naman daw!

Grrrr!!! Nagiinit talaga yung ulo ko doon.

Dahil wala naman akong magagawa at nakakandado doon sa labas, umupo na lang ako at kinuha ko yung 
gitara. Malay ko kung sino ang may­ari nun. Tutugtog na sana ako eh bigla­bigla na lang may ingay akong 
narinig sa CR. Hindi pa naman ako nakakita ng multo pero nakakatakot kung may ingay na ganyan at ako lang 
ang tao dito.

Kaya ang ginawa ko eh nagdahan­dahan akong lumakad at pumunta doon sa CR.  Medyo naka­bukas kasi kaya 
nung binuksan ko... biglang sumara ng malakas.

Tumakbo nga ako doon sa board. May multo nga yata dito.

Tapos narinig ko na lang may sumigaw...

"Hindi na ba pwedeng magpalit dito ng walang nakikialam???" whoa.. may tao pa pala??

***4***

Hindi rin nagtagal, lumabas na siya sa CR at napansin kong iba na yung suot niyang t­shirt.

"Nasaan na sila? At bakit ikaw lang ang nandito?" yan ang unang mga tanog niya sa akin.

Sasagot na sana ako kaya lang nung makaramdam siya eh ang bilis ba namang tumakbo mula sa dulo hanggang 
sa pintuan. Sinubukan naman niyang buksan kaya lang wala rin diyang magawa. Pagkatapos niyang sipain 
yung pinto sa inis niya, huminto na rin siya.

"Siraulo talaga yang si Shalyna!" sinabi mo pa!

Naku, yan tuloy nadamay pa siya sa akin.

"Pasensya ka na ah!"

"Para saan?" tumingin siya sa akin.
"Kasi nadamay ka pa sa akin. Akala siguro nila ako na lang yung tao dito sa loob. HIndi naman nila alam na 
nandiyan ka pa sa CR."

Tinaas naman niya yung paa niya at nag relax doon sa upuan niya. Tama ba yun?

"Anong gagawin natin?"

"Anong gagawin? Wala. Maghihintay na bumalik sila mamaya." yung boses niya eh mukhang iritado.

"Anong oras ba sila babalik?" hay Chris! Ang daming tanong!

"Dahil practice period, an hour an a half."

Grabe, ang tagal nun ah!

"Bakit hindi tayo mag­ingay? Baka may makarinig na teacher sa atin."

"O sige sayangin mo oras mo. Dulong classroom 'to, malayo sa kabihasnan."

Sabi ko nga eh.

Dahil ang tahimik namin parehas, medyo na­bored naman ako. KUng titignan mo kasi siya, tulog na yata eh.

Tinuloy ko na lang yung balak kong pagtugtog ng gitara. At syempre dahil ayokong makaistorbo sa natutulog, 
hininaan ko na lang yung pagkanta ko.

"I need a love that grows

I don't want it unless I know

But with each passin hour

Someone, somehow

Will be there, ready to share"

Humarap naman ako doon sa bintana sa opposite ng side nya kaya hindi ko na siya nakikita.

"I need a love that's strong

I'm so tired of being alone

But will my lonely heart
Play the part

Of the fool again, before I begin"

Aba, isang malaking himala! Ngayon lang ako nakakanta ng totoo sa school. Usually kasi, tagatugtog lang ako 
ng gitara o kaya kung pakantahin man ako, sinasabi ko lagi na hindi ako marunong.

"Foolish heart, hear me calling

Stop before you start falling

Foolish heart, heed my warning

You've been wrong before

Don't be wrong anymore"

Nag­simple pause lang ako at kakantahin ko na sana yung second bit ng kanta, umikot na uli ako at nakita ko 
namang gising si Ash at nakikinig sa akin.

Nabitawan ko na lang bigla­bigla yung gitara.

"Oh, bakit tumigil ka?" nakangiti pa siya talaga.

"I..uh.. ayoko na. Nagbago na yung isip ko." binalik ko na yung gitara sa  pinagkuhanan ko.

"Bakit naman? Nahihiya ka? You don't have to be. Honestly, you have one great voice."

Ewan ko kung bakit nairita na lang ako sa sinabi niya.

"Yeah right!!!" sarcastic pa yung pagsagot ko sa kanya.

"I'm serious." tumayo siya sa upuan niya at umupo doon sa lamesa ng teacher, "You know what, you're 
surprising me. Unang­una, nagtry­out ka sa skateboarding team eh sa history ng Sports Curriculum wala pang 
babae na sumubok nun. Tapos ngayon, marunong kang maggitara at magaling kang kumanta. How many 
hidden talents do you have?"

"Wala akong talent. Suwerte lang yung iba, tsamba yung ilan."

Nginitian naman niya ako.

"For a girl, you're such a mystery."

Ewan ko kung totoo ba yung sinabi niya na yun o hindi pero wala pang nagsasabi sa akin nun dati.
I am a mystery?

"No offense but, are you always wearing those clothes?" napatingin naman ako sa damit ko kahit alam ko 
naman yung tinutukoy niya.

"I've been wearing this long as I can remember."

Tumawa naman siya sa akin. May nakakatawa ba? Sakalin ko kaya 'to???

"What about yung sumbrero mo? Naisipan mo bang tanggalin man lang?" tapos umarte siya na kunwari may 
sumbrero rin siya.

"Sa bahay inaalis ko."

"I mean, dito sa school."

Napahawak ako bigla sa sumbrero ko.

"No, never."

" 'Coz, I'm curious..." tumingin siya uli, "Nah, never mind."

Tumahimik siya uli at nakaisip naman ako ng idea. World War III pala ang habol ni Shalyna ha, then ibibigay 
ko sa kanya!

"Anong ginagawa mo?"

"Magda­drawing." ngumiti ako sa kanya. "Ngayon, ano na nga bang itsura ni Shalyna???"

***

"Aaaaaaahhhhhh!!!!" ang lakas talaga ng tili ni Shalyna at feeling ko lahat ng malapit sa kanya eh pwedeng­
pwede nang mabasag ang eardrums.

"I'm sorry! May nakalimutan ba ako sa portrait mo?" nagsitawanan naman yung iba. "Oo nga pala,  hindi 
masyadong malago yung mustache mo no! Dagdagan natin!"

Halata kong init na init na yung ulo niya dahil pulang­pula na yung mukha niya. Tapos humarap siya sa akin at 
gusto niyang kalmutin yung mukha ko ng mahahaba niyang kuko.

"Feeling mo naman natatakot ako sa 'yo? Hindi mo pa alam kung ano yung kaya kong gawin." lumapit ako sa 
kanya at siya naman yung napaatras­atras. Tinulak­tulak ko pa nga siya, "Alam mo, napapagod na ako sa 'yo 
eh! Kung naghahanap ka ng away, pinili mo yung taong hindi ka aatrasan!" pinalo­palo naman niya yung 
kamay ko.

"Don't you dare touch me!"

"I just did!" tinulak­tulak ko pa siya lalo.

Nag­iinit na rin yung ulo ko sa kanya at ano mang oras ngayon baka masuntok ko na talaga itong babae na ito.

Kaya lang nung gagawin ko na, may yumakap sa akin sa likuran pero ginawa lang niya yun para hindi ko 
magalaw yung dalawang kamay ko. Dahil nabuhat na niya ako, pinagsisisipa ko na lang yung paa ko at 
gustung­gusto ko talagang saktan yung babae na yun.

May lumapit din naman kay Shalyna at umiyak pa ang bruha at halatang drama lang naman. Si Chester pa 
yung lumapit sa kanya.

Saglit lang din at nag­uwian, binaba naman ako nung taong bumuhat sa akin. Siya na naman.

"Ano bang problema mo?" tinulak ko rin siya, "Nakikialam ka naman eh!"

Tumalikod na ako.

"Gusto mo siyang awayin sa ganung paraan?! Sana sinabi mo sa akin ng maaga para binigyan ko kayo ng tig­
isang kutsilyo!"

Napahinto naman ako dahil seryoso na siya.

"Sinubukan niyang i­scratch ako sa mukha! Anong feeling mo tatayo lang ako doon?"

"Nilayo na kita doon dahil ikaw yung may malaking possibility na masaktan! Nandun yung grupo niya kung 
hindi mo alam!"

Iniwan na niya akong nakatayo doon.

Umuwi na naman ako mag­isa nun at sinabihan ako ni Ash na dalhin ko raw yung skateboard ko dahil hindi 
natuloy yung panonood niya sa akin. Normal lang naman yung gabi ko. Bukod sa ako na naman ang naghugas 
ng plato eh sumakit yung ulo ko sa sobrang lakas ng music ni Kuya Christian. Si Kuya Christopher at si Tatay 
eh hindi pa dumarating.

Binasa ko na naman uli yung lumang fairytale book na lagi kong dala­dala. Nasaulo ko na nga yata bawat linya 
nun eh.

'Di tulad kahapon, tinanghali ako ng gising kaya late naman akong dumating sa klase ko. May teacher na nun at 
syempre eh pinagalitan ako. Napansin ko na may hawak silang lahat na orange na papel at dahil kadarating ko 
lang eh hindi ko alam kung para saan yun.
"Ano yan?" tinanong ko si Ash na seryoso namang makinig.

"Dress code ng Sports Curriculum. May dinagdag yata sila."

Lumapit naman yng teacher sa akin at binigyan ako ng sarili kong copy. Tinanggal ko na yung bag ko sa balikat 
ko nun. Hinihingal­hingal pa ako dahil sa pagtakbo ko pero hindi na masyado.

Babasahin ko na sana yung papel kaya lang nagtaas ng kamay si Shalyna.

"Yes Miss Salinas?" sabi nung teacher sa kanya.

"Hindi po ba approved na itong bagong dress code?" ang arte talaga ng boses kaya napairap na lang ako.

"Approved na nga."

"Eh kung approved na po, nabasa ko lang kasi sa Dress code #6 na hindi daw allowed ang head coverings such 
as bandanas, bonnets, including... BALL CAPS." tumingin siya ng nakakainis sa akin.

This is not good.

"Kung ganun po eh dapat alisin dapat ni Chris yung sumbrero niya 'di ba?"

"Miss Orellana, tanggalin mo na yung sumbrero mo."

"Hindi ba pwedeng... ayoko. Kaya lang naman nila sinama yun sa dress code para maiwasan yung mga students 
na nagdadala ng sigarilyo, drugs, or harmful objects na tinatago nila sa sumbrero nila. Wala akong tinatago. 
Please.."

"Wala ka naman palang tinatago so walang problema na alisin mo yan.."

Someone help me!

"Pwede bang.."

"Tanggalin mo na Miss Orellana at kung araw­araw mong gagawin yan, araw­araw ka rin sa cafeteria duty!"

I guess, wala na akong ibang choice kundi alisin itong sumbrero ko. Grrrr! Shalyna!!!!

Dahan­dahan ko namang inalis yung sumbrero ko kahit ayaw ko. At nung natanggal ko na, bumagsak na lang 
yung buhok ko sa balikat ko hanggang sa likuran ko.

Lahat yata nagulat eh.
'Whoa!' naring kong sinabi nung ibang lalaki doon sa gilid.

Nahihiya na talaga ako nun. That stinky dress code!

Tumingin ako sa gilid kaya lang nakuha ko yung tingin ni Ash. Yung expression ng mukha niya eh kakaiba.

"Don't look at me like that!"

Nung breaktime namin hanggang lunch, hindi ako lumabas ng classroom at ayokong makita nila ako na ganito 
yung itsura ko. Gutom na gutom na nga ako nun at binato lang sa akin ni Slasher, a.k.a Ben, ang isang hotdog 
sandwich.

Imbis na mapahiya ako sa ginawa ni Shalyna, mas marami pang bumabati sa akin ngayon. Mostly, about my 
hair. To be honest, I don't care about it.

Nung practice period namin, hinintay ko muna umalis lahat bago ako lumabas ng classroom. Tumakbo ako sa 
skateboarding arena at si Ash lang ang nandun.

"You're late." sabi niya sa akin nung dumating ako.

"Alam ko." tapos binaba ko yung skateboard ko.

Umupo ako doon sa gilid para ayusin yung knee, elbow pads, at pati na rin yung helmet ko. Hindi pa ako tapos 
mag­ayos eh tumabi naman siya sa akin. Saglit lang din, humawak siya sa buhok ko. 'Di ko siya tinignan pero 
nagsalita ako.

"Get your  hands off my hair.. baka makikita mo putol na yang kamay mo."

Tumayo naman ako bigla­bigla.

"Simulan na nga ito para matapos na!"

Tumayo siya pero nakangiti siya sa akin. Ayoko yung tingin na yun.

"I don't see a reason why a girl would hide her nice long hair in a ball cap."

Tinignan ko siya ng masama.

"Ano bang pakialam mo?"

"Kahapon lang curious ako kung ano bang itsura ng buhok mo. Kung boy cut ba talaga, curly, short.. now I 
know it's long and straight."

"Pumunta ako dito para sa practice alam mo?!"
"Keep you hair like that, it looks better that way." binaba niya yung skateboard niya, "Maybe I hate Shalyna, 
but thanks to her I don't have to be curious now."

Kung buhok ko lang din naman ang pag­uusapan namin... wala na akong gana. Teka, bakit ba ako lagi ang 
issue? Bakit hindi siya?

"Bakit mo nga pala 'hate' si Shalyna? I know obvious naman 'di ba, pero ako talaga may reason. Ikaw?"

Tumungtong siya sa skateboard niya at nagsimulang mag warm­up.

"I have my own reasons too.." tapos binilisan na niya yung pag­andar niya.

"She's my ex."

***5***

Narinig ko ba ng tama yun? Si Shalyna? Of all girls?

"Ex mo siya? As in 'X' " gumawa pa ako ng Letter X sa daliri ko, " X as in like, X­Men?"

Hindi siya tumingin sa akin nun.

"I'm not sure. I think.."

Huh?!? Ang gulo niya no? Bakit hindi yata siya sigurado? Itanong ko kaya? Hmmm, mukhang wala siyang 
balak magkwento eh. Huwag na nga lang.

"Game na nga, manood ka na sa akin..."

Pinakita ko naman sa kanya yung skateboarding tricks na kaya ko. Hindi ko alam yung tawag sa mga yun eh. 
Tahimik lang siya doon at mukhang inoobserbahan ako. Mukhang ok naman yung performance ko kasi hindi 
naman niya ako nilait. Alam ko rin na naghahanap yan ng ikakapalpak ko dahil nga may sexual discrimination 
pa rin yan sa utak at ayaw ng babae. It turned out, wala siyang makitang ikaka­down ko.

Nung uwian na, binalik ko na yung sumbrero ko at tinago ko na uli yung buhok ko. Hindi naman na nila ako 
bibigyan ng referral dahil dito dahil  tapos naman na ang school hours. Umuwi ako sa bahay at syempre, 
normal pa rin naman.

Binasa ko yung fairytale book na lagi­lagi kong dala. Lumang­luma na nga eh at feeling ko baka bigla na lang 
mapunit yun. Pero hindi naman siguro. As long as ako lang ang humahawak nito, harmless.
Dahil nga na­late ako kahapon, inagahan ko yung paggising ko kinabukasan. Dahil nga tinanggal ko na yung 
sumbrero ko nung nakapasok na ako sa school, nagtinginan yung iba sa akin. Hndi pa kasi sila sanay na ganito 
yung itsura ko. Ako nga rin hindi pa sanay eh.

Laking pasasalamat ko talaga nung makarating ako sa building ng Sports Curriculum. Akala ko ok na lahat 
pero hanggang doon may nakatingin pa rin sa akin. Nag­iinit na talaga yung mukha ko sa sobrang pagkailang, 
pero wala naman akong magagawa. Pero ang pinakanagtaka ako sa lahat eh...

'Chris! Congratulations!', 'Congrats'

Yan yung mga sinabi sa akin nung mga nakasalubong ko. Yun na ba ang bagong 'Good Morning' ngayon? 
Congratulations for what? Sa Hair ko? Bwisit!!!

Nung malapit na ako sa classroom ko, nandun si Kian.

"Hi Chris! Totoo pala yung sinabi nila, wala ka nang sumbrebro!"

"Oo nga eh! It's still me!"

"Hindi ko alam na mahaba pala yung buhok mo, hindi kasi halata kapag nakasumbrero ka. Now I know kung 
bakit akala ko may bukol ka, buhok pala." tapos tumawa naman siya. "Sige pala, malapit na mag­time baka ma­
late ako sa klase ko. Kita na lang tayo mamaya..."

"Bye bro!"

"Bye.. Congrats nga pala!"

Magtatanong sana ako, kaya lang tumakbo na siya. Pumasok na ako sa loob ng classroom at syempre, nandun 
si Shalyna at nadaanan ko. 

"Tama lang yan, Chris. Para makita ng lahat na talunan ka.." tapos winave pa niya yung buhok niya.

Empty naman yung pinagsasabi niya. Ano daw? Hindi ko na nga lang pinansin.

Nakinig naman ako sa klase namin. Trigonometric functions yung diniscuss at wala man lang akong 
naintindihan. May mga sin, cos at tangent pang pinagsasasabi.

Nakasandal na nga ako sa desk at balak ko na sanang matulog nung mag­alarm. Napaangat na lang bigla yung 
ulo ko kaya tinawanan ako ni Ash.

"Kanina ka pa mukhang inaantok sa lesson ah.." sabi nya sa akin nung napansin kong breaktime na, "Tingnan 
mo, triangle lang nasa notes mo."

"Hindi ko mahal ang Calculus.." tumayo na ako para makakain na rin ako.
Tumayo rin siya at kahit na inaantok­antok ako nun, sumabay naman siya sa akin.

Lumabas naman kami ng sabay at nandun na din sa labas sina Kian at Ben na tinapik­tapik pa si Ash sa balikat 
niya.

"Ano, sabay ka sa aming kumain Chris?"

"Sure. Basta ba libre niyo ko." sabi ko kay Ben.

"Dapat nga ikaw ang manlibre eh, syempre nakuha ka." sabi nya sa akin na nakangiti pa.

"Teka nga teka nga, nakuha saan?" baka yun yung reason na binabati nila ako ng congratulations kanina.

"Number 3 ka sa votes ah!"

Votes ng alin?

"I'm lost. Votes ng ano?" nagtinginan naman yung tatlo.

"Votes? Oh yeah.. kuha ko na. San mo nakita?"

"Nabasa ko sa Announcement Board."

Yung mukha ni Ash nun eh parang nagdududa.

"Nagbabasa ka ng Announcement Board?"

"Teka, nasaan ba yung Announcement Board?" tinaas ko yung kilay ko.

"Meron tayong Announcement Board?"

Lahat kami eh sabay­sabay tumingin kay Ben. Umatras naman siya.

"Meron pala.." tapos ngumiti siya ng alanganin.

Hindi ko alam kung ano ba yung tinutukoy nila dahil nga bago pa lang ako sa Sports Curriculum.

Sinamahan naman nila ako sa so­called, Announcement Board. Ang daming nakadikit doon. At tinuro naman 
ni Kian yung sinasabi niya.

Annual Sports Curriculum Pageant Nominees
 

Girls1. Salinas, Shalyna
2. Lopez, Patricia
3. Orellana, Chisandra
4. Perez, Gladys Anne
5. Murphy, Claudine
At may 5 pang pangalan sa bandang baba at lalaki naman yung nandun.

Binasa ko pa yung nakasulat doon.

Congratulations nominees (blah...blah...). Take note that this announcement may vary due to the votes.

Hindi ako makakilos doon sa kinatatayuan ko.

"Sabi ko sa 'yo nominated ka eh."

May tumawag naman sa kanilang tatlo kaya lang si Kian at Ben lang ang umalis. Nag­stay naman si Ash doon 
sa tabi ko.

"Annual Pageant yan ng Sports Curriculum. Nominated ka, at kapag mataas yung magiging votes mo for the 
next three days, pasok ka. Number 3 ka ngayon, ibig sabihin marami ring bumoto sa 'yo sa office."

Napanganga lang ako doon.

"Who the heck would nominate me?"

Tumawa lang siya sa akin. Napatigil siya nung nakita niyang nanlilisik yung mata ko.

"Bakit wala ka diyan? Dapat nominated ka rin ah!" sinuntok ko nga pero hindi naman malakas sa balikat niya.

"Ako yung nanalo last year, so ako yung magpapasa ng crown. Hindi na ako pwedeng sumali."

Kaya naman pala eh. King daw? Asus!

Gustong sumabog ng buong katawan ko. Ako sasali sa Pageant? Anong suot nun? Gowns? Shorts? Make­up? 
Eeew! Ni­hindi ko pa nga nasubukan mag­blouse yun pa kaya?

Huminto na lang ako.

"Ok ka lang?"

"Hindi ako ok. Mukha ba akong ok?" winave ko yung kamay ko sa mukha ko. "Ayokong sumali dun! Pwede ba 
mag­drop?"umupo ako doon sa bench sa tapat ng garden.

"Hindi pwede."

Umupo din siya doon sa bench. Konti na lang yung tao doon at baka yung iba eh nasa cafeteria na rin.

"Ayoko. Mukha ba akong pang­pageant? Yung mga damit dun.. basta! Magmumukha lang akong ewan 
doon.." parang pakiramdam ko gusto kong umiyak ah.

Pero hindi ko gagawin. Never pa akong umiyak sa school at never na may nakakita sa akin.

"Of course you won't." masyado namang positive thinker 'to.

Sumandal ako doon sa railings at nakatalikod ako sa kanya dahil siya nakaupo doon sa bench.

"Si Shalyna hindi pa nananalo sa Pageant? Himala yata!" nakakapagtaka kasi at kasali siya ngayon.

"Hindi siya sumali last year. Maaga umalis ng bakasyon." nakikinig naman ako sa kanya kahit nakatalikod 
ako, "Mabuti nga hindi siya sumali."

"Hindi ko pa rin lubos maisip na naging girlfriend mo yung bruha na yun! Imagine niligawan mo siya? 
Yuck!" o sige laitin mo!

"Actually, hindi ko siya niligawan."

Napalingon na lang ako bigla sa kanya.

"Naging kayo pero hindi mo siya niligawan? Paano nangyari yun?"

Seryoso naman siya nakaupo doon.

"Bago lang ako dito last year. Nag­transfer ako. Si Shalyna ang unang­unang kumausap sa akin. She's nice.. 
really nice."whoa! siya nice? "Naging member ako ng grupo nila. One of the 'cool' guys. Every month, may 
dare kami sa grupo. Kung sino yung matapatan, may gagawin ka. That time, natapat yung dare sa akin. Dapat 
daw eh i­kiss ko si Shalyna, sa lips. Sinabi ko ayoko, kaya hindi ko ginawa. Pinalitan nila ng ibang dare, may 
kinalaman yung teacher namin kaya nagawa ko naman." huminga siya ng malalim, "Ayun, nagkaroon ng 
tuksuhan sa amin simula nun. Bagay daw kami ni Shalyna, dapat daw maging kami.. mga ganun. Siya naman 
eh walang sinasabi, pangiti­ngiti lang. Tapos one day, dahil nga mabait siya sa akin, na­realize ko na may gusto 
ako sa kanya. Anong ginawa niya? Tumayo sa harapan ng stage at sinabi niyang: 'Ash, I want a break­up. 
Narinig niyo, ako yung nakikipagbreak sa kanya'. Nagulat ako, kasi hindi ko naman alam na kami na. I mean, 
kailan pa? Hindi ko alam kung sineryoso ba niya yung mga tuksuhan. Tapos sinabi niya sa akin na yung 
pagiging mabait niya sa akin, kaya siya nakipagkaibigan, dare lang lahat. Ngayon dahil nga nagkagusto ako sa 
kanya, nanalo siya. Lahat sila alam nila yung sa dare, maliban sa akin. That day, I withdrew from the group."
Napaisip naman ako. Ouch! Kung sa akin lang din naman ginawa yun, talagang masasaktan ako. Kaya pala 
ganun na lang niya kainisan si Shalyna. Nagpanggap lang palang mabait ang bruha!

"In short, parang hindi rin naging kayo. Eh bakit ex ang tawag mo sa kanya?"

"Parang ganun na rin yung kinalabasan, since ang akala ng lahat naging kami."

That's wicked! Ang sarap sipain ng babaeng yun.

Tumalikod uli ako sa kanya. Ang lakas na ng hangin nun.

"Ngayon ang gusto kong mangyari, maranasan niya yung ginawa niya sa akin. Gusto ko lang siyang maturuan 
ng lesson. Na may nasasaktan din sa ginagawa niya."

Naki­ayon naman ako.

"Tama ka diyan. Anong plano mo?"

"Iniisip ko nga na kunwari may liligawan ako, syempre kapag magiging seryoso ako, maiinsecure siya. Gusto 
niya kasi lahat ng lalaki may gusto sa kanya. So kapag nangyari yun at umamin siya sa akin, I'll dump her in 
front of everybody."

Lumingon ako at nag­iba na siguro yung expression ng mukha ko.

"That sounds EVIL!!!" tapos ngumiti ako, "But 100%, nasa likod mo ako." tumalikod uli ako, "Sinong 
kakausapin mo diyan?"

"Tulungan mo ako maghanap."

"Sure!"

Ginala ko naman yung paningin ko. Mga teachers lang yung nandun at wala pa yung iba dahil nga nasa 
cafeteria sila. Gusto ko rin matuto ng leksiyon si Shalyna, para naman maramdaman niya yung mga ginagawa 
niya. Sobra­sobra na kasi.

Kakaisip ko, narinig kong nagsalita si Ash.

"Congratulations Ash, may candidate ka na."

"Talaga? Saan?" tumingin uli ako baka may dumaan na sinabi niya. 

Yung dalawang teacher lang ang nandun. Lumingon ako sa kanya.

"Sino??"
Pero nakatingin siya sa akin at nakangiti ng nakakaloko. Medyo nalaman ko na yung iniisip niya.

"I think it's a terrible idea!" or maybe not. Kanina lang 100% nasa likod niya ako.

"Please Chris.. we'll make a deal!"

Bumaba na ako sa railings nun. Umiling­iling ako sa kanya at sinimulan ko nang tumakbo. Kaya lang tumayo 
siya at humabol sa akin.

Sinigawan ko na nga lang siya..

"I'm not doing it Ash!! NEVER!" siraulong 'to! Ako pa?

***6***

Kasasabi ko pa lang sa kanya na hindi ko gagawin, tumakbo ako habang nakalingon ako sa kanya. Ang bilis 
tumakbo!

Dahil hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko, narinig ko na lang siya..

"Chris! Stop!"

At bakit naman ako hihinto? Para maabutan niya ako? Na­uh.

Pero hindi talaga ako huminto. Pagharap ko, alam ko na kung bakit niya ako pinapahinto.

Nauntog ako doon sa poste sa gitna. Napatumba tuloy ako. Hinawakan ko yung noo ko. Ang sakit nun ah.

Pakiramdam ko mahihilo na lang ako bigla. Nakakahiya naman yun! Jackpot naman yung nakuha ko! Bigla na 
lang may nag­offer ng kamay sa akin.

"Chris, ok ka lang?" sabi niya sa akin na para bang nag­aalala.

I swear.. I would give up a million pesos to be outta' here!

"I"m great... ayos lang naman!" tumayo na ako nung kinuha ko yung kamay niya at pinagpag ko yung jogging 
pants ko na nadumihan.

"Gusto mo dalhin kita sa clinic?"
Napailing­iling na lang ako. Grabe, nagiging weird yung itsura ko kapag si Chester nasa harapan ko.

Naweirduhan yata sa akin kasi napakunot­noo siya.

"O­K. Sige una na ko."

Dumating naman si Ash sa pagkakatakbo niya at hinihingal­hingal pa. Sumandal pa siya doon sa poste.

"Pare, ako na bahala."

Tumango lang si Chester at naglakad na papalayo. Hindi naman nakapagsalita kaagad si Ash, peor nung 
nakahinga na siya.. tumawa ba naman ng tumawa.

Nainis nga ako. Binatukan ko nga.

"Tawa ka ng tawa! Kung hindi mo naman ako hinabol hindi naman sana ako mapapahiya kay­­" nadulas ba 
ako???

Tinignan niya ako. Alam ko yun ngiti na yan, pati yung style ng mata niya. The WOLF LOOK!

"Si Chester pala ang mahiwagang lalaki sa nag­iisang Chrisandra." nag­drama pa sa harapan ko.

"Shut up."

"I told you we'll make a deal." lumakad­lakad siya back and forth sa harapan ko, "Mag­pretend ka lang na ikaw 
yung nililigawan ko.."

"Bakit ko naman gagawin? As if my benefit ako."

"Syempre meron! Kaya nga deal 'di ba?" sabi niya sa akin na nakangiti pa, "Sabi mo sa akin na worried ka na... 
you'll make a fool of yourself sa pageant. I'll tell you what, I'll pay for everything. Make­up, gowns.. and basta 
lahat! Please.."

"Hay naku! Hindi pa naman sigurado na makukuha ako diyan sa pageant na yan. Sabi nga, makukuha ka lang 
kapag consistent." tapos tumalikod ako, "Why bother?"

"Then, I'll make sure it's consistent."

Humarap ako sa kanya.

"ANO?!? Blackmailer!!"

"Hndi naman magiging blackmail kung papayag ka. Deal na nga eh. Besides, mas marami kang magiging 
benefit sa akin. Ako si Shalyna lang. Ikaw, yun pageant, si Shalyna... and Chester!"
Tinulak ko nga ng malakas.

"Sino namang maysabi na may gusto ako dun? Ikaw lang!" teka, siya nga lang ba ang maysabi?

"May mata ako at common sense para malaman ko na yung tingin, pagiging nerbiyosa mo sa harap niya eh... 
normal lang. 'Di ba?"

Mukhang talo talaga ako dito sa taong 'to. Ang bilis gumana ng utak. Parang factory.

Sabagay, deal naman. Hindi naman totoo. Saka, may benefits talaga.

"Fine. Pero magkakaroon tayo ng certain rules."

"Sure."

Tumakbo naman siya at kumuha ng papel at ballpen.

"Para saan yan?"

"Ililista ko yung rules. Tapos gagawa ako ng contract.. pipirmahan mo. Wala nang atrasan."

Hindi rin siya mapanigurado eh no?

"Rule number 1, walang dapat makakaalam na may deal tayo." tumingin siya sa akin habang naglalakad.

"Of course! Kapag nalaman nila, e di sira lahat!"

Nagisip­isip naman siya. Eh ako naman yung may naisip.

"Rule 2: No physical contacts."

Nagulat yata sa akin. Tinaasan ba naman ako ng boses.

"Paano namang magiging kapani­paniwala kung walang physical contacts???" nainis yata sa akin, "Pwedeng 
umakbay, pwedeng humawak sa kamay.."

Arrggghhh! Kailangan ba siya lagi ang masusunod?

"OK! Masyado kang hot. No kissing!"

"Feeling ka ha!" tapos sinulat din niya.

"Mas mabuti na ang sigurado. Delikado kang tao ka."
Nilagay naman niya yung ballpen niya sa ulo niya.

"3rd Rule: Hatid­sundo ka dapat."

Tumayo naman ako.

"Yan naman ang hindi pwede! Kayang­kaya kong umuwi at pumunta sa classroom ng hindi ako naliligaw! 
Hindi ko na kailangan ang tulong mo.. thank you very much!" hatid­sundo? Yuck.

"Yung mga guys, minsan style namin kapag nanliligaw, hatid­sundo yung girl na gusto namin. So kapag nakita 
kitang naglalakad diyan, hindi kita papansinin. Wow, very convincing!"

"Rule number 4 na nga!!" lagi na lang ganun.. bwisit! "Kailangan natin magpalitan ng personal information. 
Kailangan may alam ako sa 'yo.."

"Tama." sinulat naman niya ng mabilis. "Rule 5, hanggang Pageant lang tatagal yung deal. After that, tapos 
na."

"Sa wakas. Sa lahat ng sinabi mo, so far, yan pa lang ang medyo nagustuhan ko." nag­isip naman ako, "Rule 6, 
kapag si Shalyna eh pakalat­kalat, dapat direct to the plan tayo."

"Sure.. so as when Chester's around."

"He doesn't like me!!!" inaasar lang yata ako nito eh.

"He will if you trust me. Yun yung rule 7. Akong bahala sa make­over mo."

Tinignan ko ng masama.

"Yun nga yung problema, I don't trust you! At anong pinagsasasabi mong make­over! I'm not going in a make­
over!"

"Syempre kailangan! Palitan lang natin yung damit mo. Yung mas... pambabae." tapos nilista niya yung sinabi 
niya, "Pero damit lang naman. Yung the rest ng make­over, sa pageant na lang. Baka ma­bankrupt ako sa 'yo."

Insulto ba yun? Ok, I'll take that as a joke.

"Rule 8... kailangan may texts yung phones natin. Kahit quotes lang. Baka mamaya may tumingin ng phone 
mo.."

Umagree na naman siya.

Kaka­disscuss namin nung mga rules ng bwisit na deal, umabot kami ng twelve at wala na kaming maisip.
"Teka meron pa pala.." sabi niya sa akin, "Huwag na nga lang. Parang may kaparehas." tapos tumingin siya sa 
akin.

Inirapan ko na lang.

Pumasok kami ng classroom nun. Dahil ang usapan namin eh bukas pa magsisimula. Aayusin pa daw niya 
yung papel at bibigyan niya ako ng copy na kailangan ko pirmahan. Mukhang hindi yata magandang idea 'to 
ah. Bakit ba tinanggap ko?

Nagklse kami uli pagkatapos nung breaktime. Dahil katabi ko si Ash, panay ang ngiti ng loko. Nung hapon 
nga, nag­practice kami pero hindi naman na niya inopen yung pinag­usapan namin. Mabuti na lang, sumasakit 
na yung ulo ko.

Saglit lang din.. lumapit si Shlayna sa akin.

"You little sneak! Alam ko na ikaw yung naglagay nung butiki sa bag ko!"

Little sneak?

"Shut up little freak! Bakit ko naman lalagyan ng butiki yung bag mo?" totoo naman eh, hindi ko ginawa.

Baka naman marami pang may galit sa kanya maliban sa famous Chris and Ash???

Lumapit naman si Ash sa amin. Nakatungtong siya sa skateboard niya.

"Ano na naman Shalyna? Busy kami sa practice!"

"Itong bwisit na ito, nilagyan ng butiki yung bag ko!"

"Hindi ko nilagyan yung bag mo!" bintangerang ito!

"Pagsabihan mo nga yan Ash!"

Umakbay na naman si Ash sa akin. Gusto ko sanang sikuhin, kaya lang... baka masira yung plano namin bukas.

"Kapag sinabi niyang hindi, hindi niya ginawa. Naniniwala ako."

"Na­brainwash ka na no? At bakit madalas mo siyang inaakbayan?"

"I'm courting her."

Nagulat naman si Shalyna. Tumakbo si Kian at Ben sa direksiyon namin. Kahit ako nagulat eh. Ang usapan eh 
bukas pa.. bakit sinabi na niya! Asar talaga!
Umalis si Shalyna at napahiya yata. Nung nakalayo na siya, inalis ko yung kamay niya at nilayo ko siya kina­
Ben para hndi kami marinig.

"Akala ko ba bukas pa! Bwisit ka!"

"Bukas pa nga.. sinabi ko lang sa kanya.."

"Para tuloy na talaga..."

***7***

Tinulak ko nga ng malakas si Ash. Kung may sigurista na lang din naman sa lahat ng sigurista, siya na ang 
pinaka­sigurista.

Ok, that sounds odd.

Umuwi na ako pagkatapos nun. Binalik ko uli yung sumbrero ko nung papauwi na ako ng bahay.

Nung naglalakad na ako pauwi, naramdaman kong may sumusunod sa akin. Tuwing lilingon ako, wala naman. 
Dahil medyo kinakabahan ako, iniba ko yung daan ko at tumakbo ako. Liko dito at liko doon ang ginawa ko. At 
lalo kong binilisan yung pagtakbo ko.

Nung napansin kong wala na, dumeretso na ako doon sa kanto namin. Napalayo pa tuloy ako. Nagulat na lang 
ako nung may nagtanggal ng sumbrero ko.

Paglingon ko..

"Ikaw lang pala yung sumusunod sa akin tinakot mo pa ako!" hinampas ko nga siya.

"Aray ko! Ikaw ha, sadista ka masyado! Kung hindi mo ako itutulak, hahampasin mo ako. Masakit 
ha!" hinimas­himas niya yung braso niya.

"Anong drama mo at sinusundan mo ko?" inagaw ko yung sumbrero ko pero tinaas niya kaya hindi ko maabot.

Hinampas ko uli sa tiyan kaya binigay niya.

"Gusto ko malaman kung saan yung bahay niyo.." sumabay siya maglakad sa akin.

"E di sana sinabi mo."

Saglit lang eh huminto na kami sa tapat ng bahay namin. Hindi naman yun malaki kumpara sa kanila. 
Palibhasa kasi, anak ng doctor.

"Ito na bahay namin... tawa na." binuksan ko naman yung gate.

Nakatingala naman siya. Kahit maliit yung bahay namin, up and down din naman.

Hindi ordinary sa akin na nagdadala ng kaibigan sa bahay. Wala naman talaga akong naging kaibigan na... 
kaibigan talaga.

Pagpasok namin sa loob, nanood ng TV si Kuya Christian. Katatapos lang ng exams niyan kaya easy­easy na.

"Kuya!" lumingon naman siya.

Bumulong naman si Ash sa akin, 'May kuya ka pala?'

"Oo meron, at dalawa pa. Hindi pa kabilang ang tatay ko."

Tumayo naman si Kuya Christian sa pag­upo niya.

"Kuya, schoolmate, classmate, at captain ng skateboarding team.. si Ash. Anak ni Dr. Valdez."

Ngumti naman si Kuya Christian.

"Chris nga pala pare.." sabi niya tapos nakipagkamay kay Ash.

Halata kong nagulat din si Ash.

"Chris ka rin?"

Tumawa kami parehas ni Kuya.

"Lahat kaming magkakapatid eh Chris. Panganay si Kuya Christopher, nasa trabaho pa, tapos ako Christian, 
tapos si Chrisandra."

"Ahh.. Chris pala lahat." ngumiti naman siya pero parang kakaiba yun.

"Anong nangyari sa buhok mo? Laglag yata ngayon?"

"Eh kasi... yung ibang tao diyan!!!" pinarinig ko kay Ash, "Inalis yung sumbrero ko."

"Magtatagal ka ba? Anong gagawin niyo?"

Sumingit naman na ako.
"Sa katunayan Kuya, uuwi na si Ash. Napadaan lang siya. 'Di ba?" binigyan ko siya ng warning look.

"Naisip ko lang, may homework pala tayo. Hindi ko kasi alam yung Calculus eh."

"Kasasabi mo lang kanina, gagabihin ka umuwi sa inyo." tinignan ko siya at binigyan ko ng meaning yun.

"Ok lang naman sa parents ko kung gabihin ako. Sa katunayan, sa kabilang kanto lang ako. Walking distance 
lang."

"E di kung ganun, sa taas na lang kayo. Maingay dito eh. Nanonood kasi ako."

Sinimulan ko nang umakyat ng bahay namin. Unfortunately, kabuntot ko si Ash. Syempre, dumeretso kami sa 
kwarto ko. Ganun naman kapag may kanya­kanyang bisita.

Panay ang ikot ng mata ni Ash. Kaya nga nung dumating kami sa kwarto, pinaupo ko na. 

"Dalawa pala ang kapatid mo no.." sabi niya nung relax na siya, "Ikaw lang ang babae?"

"Oo. Si Kuya Christopher, fresh graduate pa lang yun. 21 na siya. Si Kuya Christian, 3rd year college. Ako 
mag­16, alam mo na kung anong year ko." nakapansin naman ako, "Bakit ka naman interesado?"

"Kasali sa rules. Kailangan natin mag­exchange ng personal information ng bawat isa."

Oo nga pala, nakalimutan ko na yung bagay na iyon. Sana naman hindi nila malaman yun dito sa bahay.

"Saan parents mo?"

"Tatay ko, nagpapasada pa siguro. Maya­maya pa yun darating. Jeepney driver yun eh. Ang sipag nga 
nun!" pinagmalaki ko naman yung tatay ko, "Nanay ko, hindi ko siya na­meet."

Umayos naman siya sa pag­upo niya.

"Ok lang ba itanong kung bakit?"

"Ahh, oo naman. Nung baby pa kasi ako, nag­Japan siya. Hindi daw niya kaya na i­support yung tatlong anak. 
So ayun, umalis. Hindi ko nga alam ang itsura nun eh." umupo na rin ako.

"Wala man lang picture or something?"

"Yung una daw na naging bahay namin, nasunog. Ang naiwan lang sa akin ng nanay ko, yung locket, kaya lang 
nawala ko na yun.. so ang remembrance ko lang, yung fairytale book. Sabi kasi ni tatay yun daw madalas 
niyang basahin sa akin no."tapos tumawa naman ako, "Parang telenovela buhay ko no? Kaso hindi eh."

"Hindi na siya bumalik?"
Umiling na lang ako. Yun yung point, wala kaming balita sa kanya. Hindi na rin siya bumalik.

"No offense, pero kaya pala ganyan ka kumilos eh lumaki ka sa household na panay lalaki. Tatay mo.. tapos 
dalawang Kuya mo. Hindi ka ba nahirapan?"

"Sus! Hindi no. Kaming mga Orellana, close kami." pinagdikit ko naman yung index fingers ko.

Nanahimik kami parehas. Tapos nagulat na lang ako nung ngumiti siya mag­isa. Baliw???

"Anong nginingiti­ngiti mo?"

"Wala. Nakakahiya."

"Nandito ka sa bahay namin kahit ayaw kitang papuntahin, ngayon ka pa nahiya. Ano yun?"

"O sige, sabi mo eh." ngumiti siya sa akin, sabi ko nga dapat hindi ko na pinush yung iniisip niya, "I wonder 
kung anong nangyari nung.. unang beses kang.."

"Unang beses???" na ano?

"Alam mo yung sa girls. Na every month period?"

Kinilabutan namana ko.

"Whoa! Nakakatakot. Let's not go there..." binato ko nga ng unan. "Actually, nakakahiya nga pero memorable 
yung araw na yun."

Tinignan niya yung mga libro ko doon sa gilid.

"Akala ni Kuya Christian nasugat ako nun kaya biniyan ako ng isang box ng band­aid. Si Kuya Christopher 
naman na mas may sense, parang nalaman na niya. Kaya ang ginawa nila ni tatay, lumabas sila at dinala nila 
yung jeep sa pharmacy. Bumili ng 50 packs ng you­know­what. Nag­panic ba naman sila pare­parehas."

Tumawa ng tumawa si Ash hanggang sa namumula na yung mukha niya. Bakit ba ganun 'to tumawa? Parang 
walang problema ah!

"Ako rin siguro magpapanic. Wala akong alam sa ganun."

Napaisip naman ako. At least yung general information sa family ko eh alam na niya. Dapat siya naman.

"Ikaw naman magsabi tungkol sa family mo."

"Ako? Hmm.. may Mommy at Daddy. Parehas doctors. May isang Kuya."
Tumigil na rin siya. Inaabangan ko pa yung karugtong pero hindi na siya nagsalita.

"Yun lang?"

"Aba, at least alam mo na yung tungkol sa family ko."

"Anong pangalan?"

"Yung Mommy ko, Elisa. Daddy ko naman eh si Eric. Jericho talaga, pinaikli lang. Kuya ko, si 
Lawrence." inalog­alog niya yung snow ball ko.

Napatingin ako sa bintana nung makarinig ako ng ingay. Pagsilip ko, si Tatay ko pala dumating na.

Hinila ko si Ash nun... at pinakilala ko na siya. As a friend.

***

Wala namang masyadong nangyari sa school. Yung usual na pang­aasar ko kay Shalyna eh nandun pa rin. Pero 
yun nga, masama ang tingin niya sa amin ni Ash at hindi siya makapaniwala na ako yung liligawan niya.

Kahit kunwari lang...

O sige.. parang lalamunin ako sa galit n Shalyna eh.

Maagang dumating si Ash sa school at isang papel kaagad ang nilapag sa harapan ko. Akala ko kung ano eh 
yung 12 rules pala na pinag­usapan namin kahapon. Pinapipirmahan naman niya. Dahil nga alam ko naman na 
yun, pinirmahan ko na rin.

Medyo nakukuha ko na yung trigonometric functions. Iniba kasi ni Ash yung drawing sa notebook ko at iba 
yung style niya kaya mas maliwanag kaysa yung complicated na pagtuturo ng teacher namin. The usual 
practice.. at iba't ibang tinginan. 

Busy naman ako sa classroom nun at nagsusulat ng lessons. Nagulat na lang ako nung may pumasok at umupo 
sa harapan ko. Tinanggal yung notebook ko sa desk at naggitara sa harapan ko.

Yumuko na lang ako nun. Nakakahiya talaga.

Let me elaborate.

Kapag hindi mo siguro kilala si Ash, unang magiging impression mo sa kanya eh siya yung isa sa mga guys 
na.. snob. Pero makulit din. He's the kind of guy na kulang yung isang tingin. Parehas sila ni Chester. Pero 
nung unang­una, kaya ko lang napansin si Chester eh kasama siya ng grupo ni Shalyna.
And what am I? Nakalugay na nga siguro yung buhok ko pero yung suot ko ganun pa rin. I don't think someone 
will believe na nanliligaw nga talaga ang isang Valdez sa akin.

'Nanliligaw ka pala kay Chris? Hindi ko alam yun ah!'

Sabi ko nga, walang maniniwala.

Nung nag­alarm na nung uwian, isa ako sa mga naunang lumabas. Ang bilis­bilis kong lumakad nun. Nilagay 
ko na uli yung sumbrero ko at pauwi naman na. Kaya lang, may nakasandal doon sa pader na nahihintay sa 
akin.

Hinila ako.

"Saan tayo pupunta?"

"Mall."

"Anong gagawin natin?"

"Shopping."

Paisa­isa lang talaga yung sagot niya. Next thing na alam ko, nakasakay ako sa jeep papunta ng mall.

Dahil nga malapit sa school yung mall, mga 5 minutes lang siguro nandun na kami.

"We have to get rid of this... shirt." hinawakan niya yung gilid ng shirt ko.

"Ayoko nga!"

"Rule number... something. Akong bahala sa make­over."

That rule stinks!!!

Syempre, doon kami nagpunta sa bilihan ng damit. Take note, doon pa kami sa women's section na branded. 
May lumapit naman na babae sa amin.

"Can I help you Sir?"

"Uhmm.. yeah. We're looking for casual blouses and shorts for ladies. And skirts.. I forgot."

Blouses.. and shorts? Skirts? Narinig ko yun ng tama???

"Para sa girlfriend??"
"Nope. It's for her." tinuro naman niya ako.

Halatang­halata ko na tumingin yung babae sa akin. Nagulat yata at hindi niya ineexpect na babae pala yung 
nasa harapan niya.

Yung babae naman at mukhang alam yun gagawin niya, hinawakan ako sa braso ko. Umupo si Ash doon sa 
malapit sa pintuan at nagsimulang magbasa nung mga magazine na nakalagay doon sa gilid.

"Good luck!!" tapos nag thumbs up siya sa akin.

I hate that kid!

Hindi ko alam kung gaano kami katagal na nagkukukuha ng mga blouses doon. At ang nakakainis na part, 
kumuha ba naman ng denim na shorts na super... SHORT???

"I'm not wearing it!" sabi ko doon sa babae.

"Pero tiyak cute ito tignan sa iyo. Sige na Miss.."

Sumilip ako doon sa pinagbibihisan ko. Tinuro ko si Ash doon sa babae.

"Alam mo yung lalaking yun? Hindi ka dapat nakikinig sa kanya. Kapag sinabi niyang blouse, t­shirt yun. 
Kapag short, capri length short ang tinutukoy niya. Bading kasi eh... sshhh... wag ka maingay!"

Tumingin din yung babae.

"Ganun ba? Sayang gwapo pa naman. O sige na miss try mo na 'to.." binigay niya uli yung short sa akin.

Akala ko pa naman eh ok na. Hindi rin pala mabenta.

Sa sobrang tagal namin nag­try doon at alam kong mukha na akong ewan... naiinis na talaga ako nun sobra. 
Nagbundok na nga yung damit sa labas nung fitting area. Nilapag din doon yung damit ko na malaki pati yung 
jogging pants ko.

Nung natapos na ako sa pinakahuling na­try ko, hinanap ko na yung kanina ko pa suot. Wala doon.

"Miss! Nasaan na yung damit ko?"

Medyo worried yung mukha ng babae.

"Sorry po Mam, kinuha po nung kasama niyo. Hindi ko alam saan niya nilagay."

Pakiramdam ko eh sasabog na lang ako ng de­oras. Wala na akong pakialam sa makakarinig.
"AAAAAAAASSSSHHHHHHHHHH!!!"

Tumakbo naman siya ng mabilis. Ulo lang ang nilabas ko since hindi pa ako nakabihis.

"What?!?"

"Nasaan yung damit ko?"

"Binibilihan na nga kita ng bago.. naisip ko lang hindi mo na kailangan yun."

"Yung damit ko!!!" halata niyang asar na asar na ako nun.

"Wala na tinapon ko na! Doon sa trash can nung nagtitinda ng ice cream!" ngumiti siya sa akin, "Gamitin mo 
na lang muna yung isa sa mga yan.."

Para akong bata na gustung­gustong magdabog doon. Tinapon doon pa sa trash can ng nagtitinda ng ice 
cream?!? E di panay lagkit na yun. Tapos ngayon kailangan ko suutin itong mga ito...

No choice talaga ako. Kinuha ko yun isa doon... pati yung skirt. Oh God, help me.

Nung nakapagbihis na ako, sumilip yung babae na nagaassist sa akin kanina pa. Nakasumbrero uli ako at 
medyo nilalaglag ko yung buhok ko sa mukha ko para walang makakilala sa akin.

"Miss, bagay po sa inyo."

"Oh yeah right!!!" sarcastic pa yung pagkakasabi ko.

"Tara na po, labas na kayo. Nabayaran na po nung kasama niyo yung mga kinuha niyo."

Narinig kong lumabas yung babae at kinausap si Ash. Ang ang pinakaayaw ko sa lahat eh may sinabi pa siya...

"Talaga pong kakaiba yung kasama niyo! Magugustuhan niyo.."

"Chris labas na!" narinig kong sumigaw si Ash.

Kailangan ba talagang lumabas? Ok na ako tumira dito!

"Ayoko!" sumigaw naman ako sa kanya.

"Get your cute butt outta' here!" sabi niya akin.

"Ayoko!" panay ayoko na lang sinasabi ko doon.

Nag­threat naman siya sa akin.
"Kapag hindi ka lumabas, papasok ako diyan." naaalarma naman ako, "Then I'll get your sorry butt outta' 
here." sorry butt???

"Ayoko sabi! Bilihan mo ko ng ibang damit! Yung t­shirt!"

Nakaramdam naman ako na may gumagalaw sa labas. Akala ko si Ash yung nag­open nung curtain, yung 
babae pala.

Pumasok din siya sa loob at tinulak ako. Ako naman eh sinayad ko yung paa ko para mahirapan siya. Humawak 
pa ako doon sa handlebar sa gilid, sa kurtina.. na natanggal...

Kaya lang... nakalabas na rin ako.

Buti na lang nakatalikod si Ash nung natumba ako.

"Ok.. ok.. nasa labas na ako! Ang kulit naman kasi eh!" tinanggal nung babae yung kamay niya at pinagpag ko 
yung damit ko. "Alam ko mukha akong ewan, kasi ang pilit­pilit masyado!"

Lumingon naman si Ash nun. Siguro mga 5 minutes, nakatayo lang siya doon at walang sinasabi. 
Nararamdaman ko na.. anong oras man ngayon eh tatawa na siya sa outfit ko.

"Whoa Chris!!!"

Tinignan niya ako mula uli hanggang paa. Tinanggal nung babae yung sumbrero ko dahil hindi daw tama. 
Kainis nga eh, kasabwat ang bruha! Binato niya kasi kay Ash.

Simula ulo, hanggang pababa. Ok naman yung obserbasyon niya. Pagdating sa paa...

"Beep! Beep! Emergency! Rubber shoes?" sabi niya nung tinuro niya yung paa ko. "Good thing nakabili na 
ko."

"Hindi ko isusuot yan!"

"O sige.. ikaw lang naman yung mukhan ewan. Blouse and skirt.. tapos, sporty na rubber shoes? Wow, match!"

Inirapan ko nga siya. Lumapit ako at inagaw ko yung binili niyang sandals ba yun. Buti na lang walang heels.

Sinuot ko rin naman. Tapos nakapamewang ako sa harap niya.

"Now, laugh!" sabi ko sa kanya, "Pwede ka nang tumawa at laitin ako. Yun naman gusto mo 'di ba? Makita ako 
na katawa­tawa?"

"Nah.. yun ang original plan. Pero ngayon 'di ko makuhang tumawa. Akalain mo yun..."
"Maganda ka pala talaga??"

***8***

Dahil na wala ako ng damit eh napilitan naman akong isuot yung binili na yun kahit na hindi ako sanay na 
ganun kaliit at ganun kaikli na lang. Panay nga ang hila ko sa skirt eh. Si Ash nga panay ang tawa sa akin.

"Paano mo nga pala nalaman ang size ng paa ko?" na­realized ko lang nung nasa labas na kami.

Siya kasi yung bumili ng sandals.

"Nakita ko yung sapatos mo sa bahay niyo, '7' ang nakalagay. Tinanong ko rin yung Kuya mo."

Sabi ko nga eh alam niya talaga...

Ang dami­dami naming dala parehas na plastic. Hindi ko mabilang yung sa akin at ganun din yung sa kanya. 
Napapisip tuloy ako sa kanya. Ang yaman siguro nila no? Akalain mong ibili niya sa akin lahat ng ito? To think 
na hindi ko naman isusuot...

Saglit lang din eh nasa harap na kami ng bahay namin. Hinihintay ko siya na ibigay niya sa akin yung hawak­
hawak niyang mga plastic kaya lang hindi niya ginawa.

"Wala ka bang balak na ibigay sa akin yung mga pinamili na yan?" tinuro ko yung mga plastic na hawak niya.

"Nah, I'll keep this."

"Pambabaeng damit?" mukhang tama yata ako kanina, bading yata 'to!

"Alam ko. Sabi ko itatago ko, hindi ko sinabing isusuot ko."

"Sabi mo eh. Sige pala, pasok na ko."

"Bye." tapos sumigaw siya, "Masasanay ka rin Chris!"

Dinilaan ko naman siya bago ako pumasok ng bahay. Siya naman eh nag­wave lang sa akin habang nakangiti at 
nagsimula na ring maglakad pauwi ng bahay nila.

***

"WHAT IS THAT?!?" tinuro niya yung damit ko. Nag­shower pa nga siya nung iniinom niyang ice tea sa 
halamanan nung makita niya ako.
"Uniform! Ano pa nga ba?!?"

"Alam kong uniform yan! Ang ibig sabihin ko eh.. ANONG NANGYARI SA BINILI KO???"

"Hello?" nag­telephone pa ako sa kamay ko, "Narinig mo na ba yung salitang 'dress code'? bawal kaya!"

Mukhang kunsumido na talaga siya sa akin.

"Sports Curriculum students are allowed to dress out of the code every Thursdays and Fridays. Anong araw 
ngayon?"hinila niya ako doon sa gilid para walang makarinig na nagsisigawan kaming dalawa.

"Date ngayon? I think..." napa­isip naman ako.

"No! Not that! It's Friday today. What're you wearing?!?"

"Uniform nga! Naku ha paulit­ulit na lang! Kailangan ko ba i­record para sa 'yo?" ang kulit din niya no?

Hinawakan niya ako sa kamay ko, yeah.. sa kamay ko, at hinila niya ako doon sa harapan ng mga lockers sa 
hallway. Inikot­ikot naman niya yung combination ng lock niya tapos may nilabas siyang plastic.

"Susuotin mo 'to.." nilabas niya yung damit doon sa plastic.

"Says who?!?"

"AKO!"

"Ayoko nga eh! Bakit ko naman isusuot yan!" sa school? Ayoko!

Tinalikuran ko naman siya.

"You are.. and you will!"

"Hindi ko isusuot yan!" talaga naman eh, hindi niya ako mapapasuot.

"Chris, I am really really sorry about this, pero matigas kasi yung ulo mo..."

Hindi ko alam kung ano yung pinagsasasabi niya, pero nalaman ko rin.

Tinapunan niya yung damit ko nung ice tea na iniinom niya.

"Oh no you didn't!" basa na talaga yung damit ko. 

Hindi ako nainis sa kanya, nagalit ako. Tinulak ko siya ng malakas.
"Ano bang problema mo?!"

"Chris, isuot mo na. Hindi naman kita pipilitin kung hindi ok tignan sa 'yo. I swear, you really look good. 
Please.."

Sa sobrang inis ko, inagaw ko sa kanya ng malakas yung damit. Pero pagkatapos nun, hinampas ko uli siya sa 
braso niya ng malakas.

Tama lang yun sa kanya...

Pumasok ako doon sa CR ng mga babae. Meron naman sa classroom namin kaya lang hindi ko kaya magpalit 
doon. Walang lock kasi. Nakatayo siya doon sa labas at naghihintay yata. Kaya pala sinabi niya na siya 
magtatago nung iba, para may dala­dala siya. Sigurista talaga siya!!!

Nakita ko naman yung binigay niya. It's not bad at all. It's capri and a simple blouse. Hindi naman ganun 
kasama unlike yung skirt kahapon.

Nagulo naman yung buhok ko nung nagpalit ako. Mabuti na lang hindi nabasa yung undies ko nung tinapunan 
niya ako ng ice tea.  Konti na lang kasi yung laman.

Sumilip lang ako doon sa pintuan at nakatayo pa rin siya doon sa labas. Tahimik nga lang siya doon eh. 
Katulad sa fitting room kahapon, ulo lang ang una kong nilabas. Tapos lumabas din ako. Kinalabit ko siya sa 
balikat nung nasa likod na niya ako.

Tumingin siya uli sa akin.

"You look... good."

Inirapan ko nga.

"Pasalamat ka talaga Friday ngayon dahil kung hindi talaga, sasapukin kita!" nagsimula na kaming maglakad at 
papunta na kami sa arena para sa practice.

"Ano ka ba, no kidding... you look good."

Habang naglalakad kami, may mga tumingin din naman. Pero ang hindi ko inaasahan sa lahat eh nung makita 
ko si Chester.

"Hey bro, sino yun kasama mo?" nakayuko kasi ako nun dahil natanggal yung sintas ko.

"Sino pa.. si Chris!"

Tumingin siya uli sa akin. Pangalawang beses. Hindi yata siya makapaniwala.
"Chris?!?" patanong pa yung mukha niya, "Chris! Oh.. si Chris!"

"Yeah.. Chris."

"It's just that. uh... you look, different." nagkamot siya ng ulo niya.

"I know, she looks good isn't she?!" siniko ko nga sa sikmura kaya napaatras siya.

Lumapit naman si Chester sa akin.

"Pwede ka sumabay sa lunch sa akin?" napatingala naman ako.

"Hindi pwede eh, she's eating with me."

"Chris??" hindi yata niya narinig yung sinabi ni Ash.

"Kasabay kita 'di ba?"

"I am not eating with anyone! I'm eating alone." nagpilit ngiti lang ako at naglakad na uli.

Katulad nga ng kinaiinisan ko, hindi nila ako makilala sa unang tigin. Pero kapag inulit nila, saka nila 
nalalaman na.. si Chris lang pala.

Nandun na kami sa arena at nagsimula na kaming mag­practice. Nakita kong may poodle doon sa arena. Sa 
teacher daw yun.

"Bakit nandito yan?" tanong ni Ash kina­Kian.

"Iniwan ni Mam dito eh. Babalikan na lang daw niya."

Binaba ni Ash yung skateboard niya at yung usual warm­up 'kuno'. Binigay niya sa akin yung mga usual 
protection sa katawan at ready na rin ako.

"Chris, this is OLLIE." nag­skateboard pa rin siya.

Napatingin naman ako doon sa aso. Ollie pala ang name.

Umupo naman ako at hinimas­himas ko.

"Hi Ollie!"

Tumingin naman si Ash sa akin.
"I meant the skateboarding trick! Ollie ang tawag!"

"Ooh.. akala ko yung aso." pahiya naman oh!

Ginaya­gaya ko naman siya. Sa skateboarding kasi, parang yung Ollie ang lumalabas na basic trick. Kapag 
marunong ka nun, yun na rin yung bridge para sa ibang trick.

Nag­slide naman kami doon sa ramp at kung anu­anong practice na ginagawa. Maya­maya lang parang may 
bagyong dumating. Si Shalyna eh paparating sa loob at mukhang badtrip.

"So it's true?!?"

Bumaba kami sa ramp at humarap sa kanya.

"Ano na naman?!?"

"Na kakaiba raw ang itsura mo ngayon. Narinig­rinig ko. I can't imagine how a simple dress will turn a frog 
into a..."

"Princess? Thanks." tapos ngumiti naman ako, "Pero mali yata yun, the story's the Frog Prince, not princess.. if 
you don't mind."

"You're a geek.. not a celebrity." tapos tumingin siya kay Ash, then sa akin uli, "Mas mukhang lalaki ka pa nga 
kay Ash, ewan ko kung bakit nililigawan ka niya."

"Oh yeah... unique no? At least ako mukhang lalaki na naging babae.. eh kaysa naman yung iba.. babae pero 
mukhang bading."

"Are you insulting me?" sabi niya sa akin na nakahalata naman.

"Effective ba?"

"Arrrggghhh! You'll see! You're going down Chrisandra Orellana!" tapos tumakbo siya palabas.

Humarap naman ako doon sa tatlo na nasa likod ko.

"Back to practice na nga..." sabi ko sa kanila.

"Grabe Chris! Panalo ka..." sabi ni Ben sa akin.

"Alam ko!" nabaling yung atensiyon ko kay Ash, "May laban ba ang R­13?"

"It's R­B... and yeah, may laban yata na darating."
Narinig naman namin yung alarm at breaktime na yata. Pare­parehas naming tinanggal yung mga nasa katawan 
namin. Binuhat ko naman yung skateboard ko.

Nauna na si Kian at Ben maglakad sa amin. Si Ash naman, talagang hinintay pa ako.

"Anong ibig sabihin ng R­B?" naisip ko naman.

"It's horrible. It means, Rated Boys." tumawa siya, "Kaya nga ayaw ko ng babae sa team eh. Pero hindi kami 
makaka­compete kung 1 player short kami."

Dahil malapit lang ang arena sa cafeteria, saglit lang din eh nandun na kami. Kakabukas pa lang namin ng 
pintuan eh, maraming tingin na bumaling.

I am not CHRIS! The heck.

Umupo si Ash doon sa isang upuan at akala niya eh susunod ako. Nilagpasan ko naman siya. Umupo ako doon 
sa kabilang upuan. 

Dahil nga pasaway siya, sumunod doon sa table ko.

"Yung deal??"

"What about it?" halata niyang babarahin ko lang siya.

"Never mind." hawak niya yung bag niya at nilabas niya yung sarili niyang copy ng rules.

"Ayokong magbasa niyan ngayon. Please lang, nagugutom na ako."

Tatayo na sana ako, tapos nakita ko yung papel na hawak niya.

R­1, R­2, so on ang nilagay niya hanggang sa 12. Naalala ko naman yung tawag sa team, R­13. That gives me 
an idea...

"Ash... may idadagdag ako sa rules."

"Pero tapos ko na nagawa 'to ah.."

"You just have to agree with me. Hindi na kailangan isulat pa." seryoso naman ako pero bumulong ako sa 
kanya.

Yung iba eh sinusundan kami ng tingin.

"Everyone thinks the same.. but not me. Rule 13, ang pinakamahalaga sa lahat."
"Hindi tayo pwedeng magkaroon ng rule 13!" sinabi niya sa akin.

"Pwede no. Rule 13..."

Am I afraid or what? Siguro nga. Pero mas makakasiguro ako kung may rule na sinusunod. At least may 
boundaries...

Siguro kapag sinabi ko, iisipin niya na feeling na naman ako. Wala na akong pakialam, basta kailangan ng rule 
13.

"We're not allowed to fall in love with each other.."

***9***

"WHAT?!?" napaatras ako sa kanya dahil ang lakas ng boses niya, "I.. I mean, bakit may rule­13? H­hindi 
pwede magkaroon ng rule 13."

"Pwede, meron na nga eh. 'Di ba?" tinaasan ko siya ng kilay ko.

"Ahh... I think."

"Great! Kakain na ko." kumuha na ako ng tray at pumila na rin ako.

Sumunod din naman siya sa akin.

Hindi kami nag­usap ni Ash hanggang sa nakabili na kami ng pagkain. Nanahimik din naman siya eh. Ang 
nakakainis pa eh tuwing lilingon ako sa likuran ko, may mga nakatingin tapos halatang­halata na bigla nilang 
ibabaling yung tingin nila.

Sa inis ko talaga, binato ko nga sila ng French Fries.

"Bakit mo ginawa yun? Mali naman yata yun.." sabi ni Ash nung binaba ko na yung carton nung fries ko.

"Eh nakakainis eh. Akala mo nasa circus!"

Tumawa naman siya.

"Mali talaga yung ginawa mo. Tingnan mo, nasayang tuloy yung fries."

Eh kung sampal­sampalin ko kaya itong tao na ito, matauhan kaya?

Nag­lean siya doon sa table.
"Oo nga pala, mamayang hapon.. may gagawin tayo." kumain siya ng burger niya.

"Ano na naman?" nagdududa na talaga ako, "Baka bibili ka na naman ng mga damit na ayoko.. hindi ako 
sasama."

"Hoy sobra ka na ah.. ang dami ko nang binili sa 'yo," alam ko naman nagbibiro siya, "Hindi yun... iba."

Kinakabahan naman ako dito. Takasan ko kaya ito mamaya at hindi ako sumama? Baka kasi may kung ano na 
namang balak na masama eh.

"Sigurado ka bang wala kang balak na masama?"

"Hoy! Pagtatangkaan ko na si Kian bago ikaw no!"

Tumawa naman kaming dalawa. Sa katunayan, kami yung pinakamaingay doon na tawa ng tawa. Hindi na 
siguro ako magtataka kung bakit nakatingin sila.

They should mind their own business! At tama yan Ash, work it out! Usap lang kami ng usap ng walang 
kakwenta­kwentang mga bagay.

Nakakatuwa din kumain si Ash. Nilagay ba naman niya yung spoon niya sa gilid ng table at nilagyan niya ng 
chocolate. Tapos ihi­hit niya yung dulo para tumalsik at susubukan niyang kainin.

Hirap nun ah! So far out of all the chocolate na nasa pack niya, 4 lang ang nakain niya. Sinasabihan pa ako na 
sinayang ko yung fries, siya rin pala.

Pagkatapos ng eventful na pagkain ko sa cafeteria sa first week ko dito sa Sports Curriculum, bumalik na kami 
sa classroom at nag regular class na. As usual, nagsipag na naman akong makinig doon. Nung nasa Computer 
Curriculum ako, usually isa ako sa mga nakakakuha ng top marks. Ewan ko lang dito. Madalas na kasi akong 
tinatamad eh.

Nag­alarm din naman kaagad. Sinuot ko  na yung sumbrero ko pero unlike before, babae na ang tingin nila sa 
akin. Si Ash ang may kasalanan. Papatayo pa lang ako eh muntik na akong matumba nung hinila ba naman 
yung strap ng bag ko.

"ANO?!?" hindi ako galit, ninerbiyos lang ako at muntik na akong mag­backward.

"Yung sinabi ko sa cafeteria kanina?"

Napaisip naman ako.

"Which one?" tinanggal na niya yung kamay niya sa bag ko, "Ang dami na kaya. Yung sinabi mo ba na 
natutulog ka dati at ginagawa mong kumot yung punda ng unan mo, o yung nagdamit pambabae ka dahil pinilit 
ka nung batang binaby­sit mo?"

Tumayo na siya at sinukbit niya yung bag sa balikat niya.

"Yung sinabi kong babatukan ko yung babaeng mahilig mang­asar," nagkunwari pang babatukan ako pero 
hindi tinuloy,"Sinabi ko kanina, may gagawin tayo."

"Ahh... yung pagkidnap mo sa akin? Payo lang tsong, kung hihingi ka ng ransom money sa tatay ko, huwag 
mong lalagpasan ng 5000 pesos, kasi yung 3000 uli, expenses na namin." seryoso pa ako nun.

Dahil nga madalas manloko, tinanggal ba naman yung sumbrero ko. Nalaglag na naman yung buhok ko. Siya 
naman ang nagsuot ngayon ng sumbrero ko.

Paglabas naman namin ng school, akala ko eh sasakay na kami ng jeep. Nandun pala yung driver nila. Teka, 
may driver sila?

Tinulak naman niya ako kaya napaupo na lang ako ng de­oras doon sa likuran. Siya naman eh nakangiti lang at 
hawak­hawak yung pinto. Hindi siya pumasok.

"Hey, ano?"

Pero hindi niya ako kinausap. Yung driver lang ang binilinan niya.

"Manong, pag natapos ihatid mo siya sa kanila ah. Alam mo na yung bahay. Kinausap ko na si Angela, sabi 
niya siya na daw ang bahala.." tinapik niya ng dalawang beses yung gilid. "Sige... bye Chris! I'll take it as a 
suprise! Sa monday ko na lang titignan!"

Titignan ang alin??

Umuusog na ako nun para bumaba kaya lang sinara ni Ash yung pinto at pinaandar naman nung driver yung 
sasakyan. Ano 'to? Kidnap nga yata eh! Sino naman si Angela..

Kinausap ko na lang yung driver. Masaya nama pala itong matandang 'to. May edad na pero naka bonnet pa 
yan at shades. Kulay red pa ang bonnet niya!

Hindi naman niya sinabi sa akin kung saan pupunta. Hindi ko na lang din tinanong. Abnormal talaga yun si 
Ash. Sabi niya may gagawin kami, tapos ngayon hindi siya kasama?

Finally, huminto kami sa tapat ng..

"SALON?!?" nag­panic ako nung binuksan yung pintuan, "NO WAY!! Hindi ako bababa Manong!"

"Dali na po Mam, papagalitan ako ni Ash eh," teka nga, Ash lang tawag niya? "Please po.."
Nakakaawa naman si Manong, mapapahamak pa ng dahil sa akin. O siya sige na nga, bababa na ako.

Ang bigat ng mga hakbang ko habang papalapit ako doon sa salon. Sinamahan naman ako ni Manong at siya pa 
ang nagbukas ng pintuan para sa akin. Tapos kakapasok ko pa lang eh...

"Good afternoon Mam!" nakatodo ngiti pa yung babae sa akin, "I'm Angela. Ako po yung na­assign sa 
iyo.."

"Nung sinabi mo bang assign.. you don't mean.."

Hindi pa tapos yung sasabihin ko eh hinila na niya ako sa loob at pinaupo ako doon sa harap. Binalutan ako ng 
mga kung anu­ano at tinulak yung upuan ko sa may lababo nila.

Thean.. shampoo­shampoo naman ang ginawa sa akin.

"Hey... anong balak mo?" ano ba 'to?

"Trust me Mam, you'll look great!" tapos pinunasan yung buhok ko, "Nice hair!"

Nung natapos yun eh pinaupo nila ako doon sa tapat ng salamin. May dumating na dalawa pang babae at yun 
isa eh kinuha yung kamay ko, yung isa naman eh sa paa ko. Foot spa?!?

"Excuse me Miss, wala kang ima­manicure sa akin. Sister ako eh, hindi mahaba yung kuko."

Pero sinabi niya sa akin na ipupush lang daw niya tapos lalagyan daw niya ng style yung nails ko. Yung mga 
dinidikit na kung ano. Pinapili pa nga ako kung anong design, pinili ko yug pinakamaliit dahil maliliit yung 
kuko ko.

Maya­maya lang din, ganun din yung ginawa sa paa ko pagkatapos ang Foot Spa. Yung Angela naman eh 
narinig kong nanguha na ng gunting.

Tatayo na sana ako kaya lang sabay­sabay nila akong hinila para paupuin.

"Huwag po kayong malikot para hindi lumiko.." tinignan ko yung gunting sa gilid ko.. papalapit na...

Nagupit yung buhok ko. Waaaa! Wala na.

Feeling ko malulungkot talagaa ko. Wala pang gumugupit ng buhok ko maliban sa tatay ko at sa mga kuya ko. 
Lagi kasing straight cut yun eh. Tapos ngayon... sinira na nila!!!

Nung natapos yata siya at 'di ko hindi ko na makita yung sarili ko dahil pinatalikod ako sa salamin, may kung 
anu­ano namang pinahid sa buhok ko. Binalutan pa nga at dinala ako doon sa gilid at nilagay yung ilalim ng 
ulo ko sa mahiwagang bolang crystal. 'Di ko nga alam kung ano yun. Basta uminit yung pakiramdam ko sa ulo 
ko. Hindi naman ako nadadalo sa salon kaya hindi ko alam ang mga gamit dito.
After so many hours, o kahit hindi, pakiram ko ang daming na­damage sa akin. Binlow­dry yung buhok ko at 
sinuklay suklay nung Angela. Yung kuko ko eh may kung anong design na. Nung natapos siya, inikot niya 
yung upuan ko para makita ko yung bago kong buhok sa salamin.

Pagtingin ko...

"WAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!!!"

***

Nung gabi na iyon eh hinatid ako hanggang sa bahay namin nung Manong driver nila Ash. Dahil wala yung 
sumbrero ko sa akin eh no choice ako kundi lugay yung buhok ko. Pagpasok na pagpasok ko sa loob ng bahay 
eh nagsitayuan yung tatlo kong kasamang lalaki sa bahay at nasamid pa si Kuya Christopher. Hinihintay ko na 
may magsalita dahil nakatayo lang ako doon sa pintuan.

"No comment." sabi ni Kuya Christian.

Ano ba yun!

Yung inis ko sa ginawa nila sa buhok ko eh dinaan ko na lang sa pagkain. Nakataas pa yung paa ko nun sa 
upuan at nagkamay ako. Si Tatay ko nga eh pinapanood ako at parang isang batalyon daw yata ang laman ng 
tiyan ko kaya ganun na lang ako kung kumain.

Umakyat ako sa kwarto ko at nagpalit. Mabuti naman at hindi ako binangungot. Nag­stay lang ako sa loob ng 
bahay pero dapat eh nasa court ako. Baka may makakita pa ng buhok ko, malasin pa ako.

Monday. Ayoko talagang pumasok sa school dahil alam kong pagtatawanan lang nila ako. Ilang beses nang 
kumatok yung tatay ko sa kwarto ko at pinipilit na akong lumabas. Sinubukan kong humiram ng sumbrero kay 
Kuya Christian at kay Kuya Christopher kaya lang ang dadamot at hindi nagpahiram. Gusto yata talaga nila na 
maglugay ako sa school.

Nakayuko ako nung naglakad ako sa corridor. Dumaan pa nga ako sa gilid ng Computer Curriculum para 
makarating sa building namin. Bakit ba maaga akong pumasok ngayon?? Si Tatay kasi eh.

Kung nagtinginan sila sa pagpapalit ko ng damit nung Friday, mas nagtinginan sila ngayon. Naka­uniform pa 
rin ako ng malaki pero iba na yung style ng buhok ko. Hindi ko tinignan yung iba at wala akong balak na 
makipag­usap.

Nung dumating ako sa room, nagsigawan ba naman. Para saan naman yun???

Uupo na sana ako sa desk ko eh may nakita akong note saka rose na pink sa desk ko. Nakalagay eh...

'Good Morning Chris!'
Nakakahiya talaga sobra. Sino namang siraulo ang maglalagay pa ng rose dito???

Si Shalyna eh umirap sa akin. Inirapan ko nga rin.

Pumasok naman si Chester at tinutulak pa siya nung ibang mga lalaki. Mukhang ayaw pa nga niya nung simula 
eh. Napansin ko na lang eh tinulak siya hanggang sa likuran, sa side ko.

Hindi pa siya mapakali nun.

"Hi... Chris!" papaalis na sana siya kaya lang pinigilan siya nung mga kasama niya. "Nahihiya ako, gusto ko 
private!" sabi niya doon sa mga kasama niya sa gilid.

Pinilit­pilit naman siya nung mga kasama niya. Nag­steady naman siya sa pagtayo.

"Gusto ko lang sabihin..." ganito ba siya palagi???

Hindi halatang mahiyain siya eh.

Dumating naman si Ash. Dahil nga katabi ko lang yun, nilapag niya yung bag niya sa upuan niya.

"Ano yung sasabihin mo Chester?" bwisit na 'to, istorbo!

Pinagilid naman ni Chester si Ash dahil tinakpan niya ako. Gumilid din si Ash.

"Chris... gusto kong sabihin.. uh... Good Morning."

Nyek, Good Morning lang?

"Tapos na ba, ok, upo na!"

Pero hindi pa rin siya umalis doon. Narinig kong sinabi ng mga kasama niya, 'Itanong mo na kasi..'

"Uhmm.. Chris.."

Nag­lean ba naman sa desk ko. Si Ash naman eh lumingon at kakaiba na ang expression ng mukha. Saka lang 
siya napatingin sa akin. Halata kong nagulat din siya... kasalanan niya yung nangyari sa akin.

Hindi ako nakatingin kay Chester kahit na siya ang nasa harapan ko. Si Ash na nasa likuran niya ang 
nabalingan ko ng atensiyon. Kaya nga hindi ko alam na darating 'to...

"Can you go out on a date with me, Saturday night?"
***10***

Date? Hindi pa ako nakakaranas ng date. Hello? Ako?

"I.. uh.."

Sumingit naman si Ash sa akin.

"Date... niyayaya mo siya? Teka.. teka, anong meron?"

Katulad kanina, hindi na naman siya pinansin ni Chester. That is so rude!

"Sorry." yun na lang nasabi ko sa kanya.

"Sorry?" halata kong hindi niya maintindihan, o talagang hindi niya lang siguro iniintindi. "Was that supposed 
to be No?"

Tumango lang ako.

"Pasensya na bro, ayaw eh."

"Bakit hindi pwede?" sabi niya sa akin.

"Hindi ako nakikipag­date."

Nagtawanan naman yung mga nasa gilid. Napangiti din naman si Chester. Si Ash naman, seryoso masyado sa 
buhay niya.

Eh ano naman kung hindi ako nakikipag­date?

"Yun lang ba? Nahihiya ka? Ok sige, ganito na lang.." sabi niya tapos lumingon siya sa likuran niya, "Double­
date. Ikaw at ako... si Ash saka si... psst! Shalyna!"

Napaatras naman si Ash at nag­No sign siya sa daliri niya.

"Oh No. I'm not going on a date with HER." talagang inemphasize pa niya yung 'HER', "Isa pa, si Chris ang 
niliigawan ko, sino sa tingin mo ang gusto kong makasama?"

Nag­iinit na talaga yung ulo ko nun.

Dumating naman na yung teacher.

"Then.. it's a three­some. Me, Chris, and you." sabi niya kay Ash.
Umoo na ba ako at nagdedesisyon na sila???

Lumakad na si Chester papunta sa upuan niya.

"Hoy Ash! Ayoko!" hininaan ko yung boses ko, "Hindi ako sasama!"

"Ano yun Chris?!?" nilagay niya yung kamay niya sa tenga niya at nilakasan niya yung boses niya, kunwari 
nakikinig sa akin.. "Ahhh.. three­some daw Chester!!!"

Nagthumbs­up lang si Chester at tinignan ko ng masama si Ash. May sinabi ba akong three­some? Iniba pa 
niya!

"I hate you." sumandal ako doon upuan ko.

"I love you too!" tapos tumawa siya doon sa upuan niya.

Hindi ko naman sinabing I Love you ah! Buti na lang hindi narinig nung mga classmate namin. 'I Love you too' 
ba naman ang sinagot, baka isipin ng makakarinig sinabihan ko pa siya ng I Love you.

Yuck.

Nagsisimula nang dumaldal yung teacher namin. Diretso na ako sa board nakatingin nun. Narinig kong 
magsalita si Ash.

"Angela did a very good job.."

Tinignan ko siya. Hindi siya nakatingin sa akin at diretso lang siya makatingin.

"Yung mga pakana mo hindi ko nagugustuhan eh.." hinawakan ko yung dulo ng buhok ko, "Kung anu­anong 
ginawa nila sa buhok ko!"

"Ginupitan ka lang saka nag­hot oil kung anu­ano nang ginawa?" tumingin siya sa akin pero mabilisan 
lang, "Isa pa, hindi na nila kailangan gumawa ng kung anu­ano sa buhok ko... maganda naman eh."

Hindi ako masyadong mahilig sa compliments especially when it comes to my looks. Usually kapag pinupuri 
ako o pinapansin pa lalo yung itsura ko, lalo lang akong naiirita. Pero ngayon...

hindi yata masyado.

Hindi na lang ako nagsalita.

Pagtingin ko sa desk ko, nandun pa rin nakalapag yung rose saka yung note kanina. Nabasa ko uli, 'Good 
Morning Chris!'
Halatang­halata naman na kay Chester galing 'to. Kanina lang binati niya ako ng mahiwagang 'Good Morning' 
niya.

Tinulugan ko lang yung klase namin. Wala naman ako sa mood makinig sa pagdidiscuss ng simpleng 
Propaganda. Alam ko naman na ang meaning nun sa dictionary.

Binilihan ako ni Ash ng pagkain nung breaktime na namin. Pero hindi naman nakakabusog yun dahil chips 
lang at tubig. Binilihan pa ako kung ganito lang din naman.

Yun pala eh may reason siya.

"Mamaya may practice tayo, baka bumaliktad ang sikmura mo. Alam mo na ang mangyayari."

Sabi ko nga eh bawal mabusog.

Naupo ako doon mag­isa at kinuha ko yung fairytale book na galing sa Nanay ko. Medyo napunit na nga yung 
gilid at ang lambot­lambot na ng pages sa sobrang luma. Dahil wala akong ginagawa, binasa ko na naman.

May umupo naman sa harapan ko. Sino pa kundi ang wicked witch in the city.

"WHAT?!?" sinabihan ko kaagad siya dahil nakatingin siya sa fairytale book ko.

"What is that filthy thing?" mukhang nandidiri pa siya doon sa hawak ko.

"This filthy thing is a book." tinaas ko naman at pinakita ko yung cover, "And this filthy thing also means alot 
to me than any thing in this room. Kung maiinsulto ka, umalis ka na."

"You're reading a fairytale book? That is so lame!"

Ang arte talaga niya magsalita!!!

"OH yeah?!?" nagpakaarte din ako magsalita dahil ginagaya ko siya, "You know the way you talk?? That is so 
lame!"

May tumawag naman sa akin sa pintuan.

"Chris, pratice!"

Tumayo na ako at isang mataray look naman ang binigay ko kay Shalyna. Hindi naman an siya nagsalita.

Pumunta na naman kami sa skateboarding arena at siguro eh may ituturo na naman itong tao na ito sa akin. 
Pinag­ready na niya ako, (ako lang dahil kami lang ang nandito), at simula na rin kami. Nandun kami sa tapat 
nung malaking ramp.
"Magwarm­up ka muna. Tuturuan kita ng bagong trick." 

Nag­stretching naman ako doon at konting andar­andar sa skateboard ko. Ano kayang ituturo niya ngayon?? 
Ollie kasi nung nakaraan na akala kong pangalan ng aso... sana naman ngayon ok.

Pinanood ko naman siyang nag­skateboard doon sa ramp. Akala niya nakatalikod pa rin ako kaya hindi niya 
napansin na pinapanood ko na siya.

Oh men, may talent talaga siya.

Una eh simpleng slide up, slide down lang ang ginagawa niya. Maya­maya lang sa slide up niya, may mga 
twists na siyang ginagawa. Umiikot­ikot pa. Mukhang complicated tignan para sa akin, pero parang simpleng­
simple lang sa kanya.

"Wow ang galing mo ah!" binati ko naman siya.

Pero nagkamali yata ako. Oras na binati ko siya, bigla na lang siyang natumba at nag­crash doon sa gitna. 
Napatakbo naman ako.

"Hoy, ok ka lang? May nabali ka bang buto?"

"Ok lang ako," tumayo naman siya, "Yung knee pads ko naman yung tumama kaya wala lang." tumingin siya sa 
akin."Don't do that."

"Do what?!"

"Bigla ka na lang magsasalita. Hindi ko naman alam na nanonood ka. Nakakailang. Magsasabi ka nga."

Nakakailang?!? Kailangan alam niya kapag may nanonood sa kanya?

"Sorry... SIR!!!"

Tinayo niya yung skateboard niya at umayos na rin.

"Gagawin natin yung 900. Ilang araw nating ipa­practice yun para ma­perfect. Yun yung ginawa ko kanina. 
Sina Ben marunong na, si Kian 'di pa masyado. Ikaw, huling­huli na." aba, pinapasama pa ako! Huli na nga 
sinasabi pa!

"Ulitin mo na lang uli, tapos susubukan kong obserbahan ka."

Umalis na ako doon at siya naman eh pumorma na akala mo eh nasa movie.

"Ito yung 900"
Nabibilib talaga ako sa kanya. Ilang beses niyang inulit yun at nawala ako sa sarili ko eh tapos na pala siya. 
Pinasubukan niya sa akin at ilang beses akong nag­crash. Hindi naman masakit.

"Ok lang yan, hindi ko naman ineexpect na perfect mo na sa unang try."

Sinubukan ko pa rin. Medyo maganda naman yung mga sumunod na landing ko, then yung sumunod, another 
crash. Sumakit nga yung kamay ko eh. Siguro nga required talaga ang practice para dito.

Nagpalit lang kami ng damit nun sa kanya­kanyang locker at bumalik kami sa klase. Saglit lang naman yun at 
nagsi­uwian na rin naman. As usual, may balak na naman siya.

"Sa amin ka magdi­dinner ngayon. Sinabi ko na sa Kuya mo, nasalubong ko siya kaninang umaga. Hindi ka 
pwedeng humindi, nasabi ko na sa Mommy ko."

"Dinner??? Sa inyo???" heck no..

"Yeah. Syempre kung may deal lang din tayo, dapat kapani­paniwala. Nakita kasi ng Mommy ko yung mga 
pambabae na damit sa kwarto ko. Sabi niya para saan daw yun. Akala niya bading ako.. tapos sinabihan ko nga 
na 'Si Chris po ang may­ari niyan'." tapos iniwas niya yung tingin niya, "Gusto ka daw niya makilala."

"Siraulo ka naman kasi eh. Sino kasing maysabi na dalhin mo pa iyon sa inyo! Ako yung napapahamak sa 'yo 
eh."

Nagsimula na kaming maglakad nun. Nagusap­usap lang kami ng mga seryosong bagay at paminsan­minsan eh 
tumatawa.

"Huwag ka kayang kabahan. Mabait yun si Mommy. Isa pa, wala pa yun sa bahay. Mamayang mga 7 pa yun 
darating so may time ka pa mag­prepare. Hindi ko naman sinabi sa kanya yung tungkol sa 'ligaw kunwari' part. 
Hindi yun mag­iisip ng kung anu­ano."

Siguraduhin niya lang. Teka, anong ibig sabihin niya sa hindi mag­iisip yun ng kung anu­ano? Eh yung kuya 
ko nga, may dumating lang na lalaki sa bahay kung anu­ano na iniisip. Magulang pa kaya?

"Dati sinabi mo sa akin na may reason ka kung bakit galit ka kay Shalyna... bakit nga ba?" na­curious din pala 
siya.

"Long story. Mamaya ko na lang ikukuwento. Malapit na tayo sa bahay niyo oh.." tinuro ko yung bahay nila.

Ang laki pala talaga ng bahay nila kapag malapitan. Mag­doctor na lang kaya ako kapag magtatrabaho na ako? 
Baka yumaman ako ng ganito.

Akala ko bubuksan na niya yung gate para pumasok, kaya lang may pinindot siya sa gilid.
"Manang, ako 'to. Buksan niyo na yung gate." sabi niya doon sa kulay puti na kung ano man yun.

Sumagot naman: 'Ok po Ash.'

Ash lang din ang tawag niya?

Bumukas naman na yung gate nila.

"Teka, huwag mong sabihing voice activated ang gate ng bahay niyo?" ang yaman naman nila kapag ganun.

"Hindi no." ngumiti siya, "Parang telepono yan. Para hindi kaagad nakakapasok ang unwanted visitors."

"Bakit, meron ba kayo nun?"

"Oo, gaya niyan.." tapos tinuro niya yung nasa daan.

Yung unwanted visitors pala na tinutukoy niya eh yung mga aso na basta­bats na lang pumapasok sa bahay ng 
may bahay at mag­iiwan ng you­know­what.

"Nandidiri kasi si Mommy. Noon kasi nagkaroon sa grass niya..."

Pumasok na kami sa loob. Tama nga siya. Malaki nga siguro yung bahay nila kung titignan, pero simple pa rin 
kung tutuusin. Hindi naman yun yung katulad ng mga bahay na maraming eleganteng kagamitan nasa labas ka 
pa lang.

Ang linis din nung pumasok kami sa loob. May matandang babae na nagbukas pa ng pinto para sa amin.

"Good afternoon po."

"Good afternoon din hija." ngumiti siya sa akin.

Tumingin naman si Ash sa hagdan nila.

"Nandito na siya?"

"Opo, kanina pa."

ANO? Nandito na yung Mommy niya? Akala ko ba mamayang 7 pa ang dating! Naman oh! Sinungaling ba 
talaga itong si Ash?

Maya­maya lang, may lumabas na magandang babae at tumayo doon sa kahoy sa hagdan nila. Nakangiti pa 
siya. Mukhang teenager lang din.

"Ash!!!" sabi niya tapos tumakbo pababa.
Nakangiti rin si Ash nun. Lumakad siya sa dulo nung hagdan. Sumunod na lang na alam ko, yumakap sa kanya 
yung babae at hinalikan siya sa magkabilang pisngi niya.

Ang tagal din nilang dalawa na magkayakap doon. Napako na yata yung paa ko doon sa sahig nila at hindi ko 
alam ang sasabihin ko. 

Humarap din naman siya sa akin.

"Chris, may gusto nga pala akong ipakilala sa 'yo."

Nakatingin na yung magandang babae sa akin. Naka­pink siya na skirt at white na blouse. Nag­wave lang siya 
sa akin.

"Chris, this is Nathalie. Nathalie, this is Chris."

Lumapit naman yung babae sa akin at nakipag­kamay. Gosh, ang ganda niya.

"Alam ko wala kang idea kung sino siya Chris, pero ang magandang nasa harapan mo eh ang nag­iisang future 
MRS. VALDEZ."

Ano daw???

Mrs. Valdez?? May girlfriend na siya???

***11***

Future Mrs. Valdez??? Bakit... ang gulo! 'Di ba may Mommy na siya? Imposible namang magpapakasal yung 
Daddy niya. Mahiya nga siya sa balat niya, ilang taon lang 'to! Mas matanda lang siguro ito sa akin ng mga 
ilang taon. 

Girlfriend nga siguro ni Ash. Kaya pala hindi na siya masyadong apektado kay Shalyna.

"Hi!" sabi ko na lang doon.

"Nice to meet you."

Tinuro ni Ash yung sofa nila at doon kami naupo. Umalis naman siya at iniwan niya kami ni Nathalie doon.

Actually, ok din naman ang taste ni Ash sa babae pagdating sa looks. Si Shalyna kahit abnormal yung bruha na 
yun, aaminin ko na maganda rin siya. Si Nathalie... ganun din.
Nung nabaling ko yung tingin ko sa picture frame sa gilid, biglang nagsalita si Nathalie.

"Na­meet mo na ba parents niya?" tanong niya sa akin kaya lumingon pa ako.

"Hindi pa. Actually, ngayon pa lang. Minsan nakikita ko yung Dad niya, pero 'di pa kami nagmi­meet."

Nakangiti na naman siya. Hindi kaya siya nauubusan ng smile?

"Mamaya pa darating yung Mommy niya eh. Sanay na rin ako. Madalas din akong nandito.."

Itanong ko kaya? Hindi huwag na. Baka isipin pa niya na nagseselos ako or something. Feeling ni Ash ha!

Nanood naman kami ng TV at lumabas na si Ash. Iba na ngayon yung suot niya. Yung buhok niya eh medyo 
magulo yata ngayon, pero bagay naman.

"Anong pinapanood niyo?" tapos tumingin siya doon sa screen, "Yuck, cartoons!!!" nakiupo siya sa 
sofa, "Ilipat na nga yan sa Oprah!"

Bading ba 'to? Sabay kami tumingin ni Nathalie sa kanya at parehas nakataas yung kilay namin.

"Joke lang! Hindi kayo mabiro. Favorite kasi ni Manang yun eh! Hindi ako nanonood ng women's show no!"

"Siguraduhin mo lang!"

Nanood kaming tatlo doon ng 1­hour show ni Oprah. Ang episode ngayon eh yung mga obese na 
nagpapapayat. Nakakabilib din naman kasi ang laki ng pinagbago nila. Nung medyo dumilim­dilim na, may 
naaninag kaming ilaw doon sa labas saka busina.

"Nakauwi na rin si Mommy.." tapos tumayo siya sa upuan niya at pumunta doon sa pintuan.

Ewan ko ba kung bakit magbabayad ako ng malaking pera makauwi lang ako ng bahay. Yun ang pakiramdam 
ko ngayon.

May nakita naman akong babae sa pintuan at humalik kay Ash. Mommy niya na nga siguro yun.

Tumayo si Nathalie kaya tumayo na rin ako. Ano ba yan, hindi ako sanay ng formality ng mga may kaya sa 
buhay. Sa bahay namin, kahit nakataas ang paa mo kapag kumakain ka sign pa rin ng formality yun. As long as 
walang masasamang salita kang sinasabi.

"Mom, si Nathalie nandito..." tumingin siya kay Nathalie tapos nag­kiss sa pisngi, "Si Chris, yung sinasabi ko 
sa 'yo na may­ari nung mga damit."

Nung nakita niya ako, halata kong nagulat siya sa akin. Akala k kung bakit, ganito na ba ka­monster like ang 
itsura ko?

"How are you Chris?" ngumiti siya sa akin, "You reminded me of somebody. Hindi ko lang matandaan kung 
sino.."

Naku, yung aswang lang doon sa labas ang naaalala niya sa akin.

"I like your hair."

"Thanks."

Dahil nasa likod si Ash nun, pangiti­ngiti lang siya at hindi siya nakikita ng Mommy niya.

Saglit lang din, nagkayayaan na kumain. Kung anu­ano yung nakalapag sa table nila. May malaking bowl, may 
maliit, may malaking pinggan, may medium­sized, may pinakamaliit... super dami! Mabuti na lang 'di tulad sa 
hotel na maraming kutsara at tinidor pa in all­sizes, dito isang kutsarita, malaking kutsara, isang tinidor at 
isang steak knife lang ang nandun.

"So Nathalie, saan niyo balak magbakasyon?" tinanong naman ng Mommy ni Ash si Nathalie habang 
kumakain kami.

"Hindi ko pa nga po alam eh. Baka po sa Tagaytay na lang..."

"Sabi ko nga sa kanya Boracay.."

Ano ba naman yan, mag­uusap lang din sila yung hindi ko pa alam.

"Kayo ni Daddy, dapat magbakasyon din kayo. Masaya yun 'di ba?" nakangiti na naman siya ng nakakaloko.

"Hay naku Ash, alam ko na yang pinaplano mo." binaling niya yung tingin niya sa akin, "Ganyan din ba siya sa 
school niyo Chris?"

Tinitinidor ko pa yung patatas nung beef stew nila..

"Uhmm.. yeah. Always.." nakitawa lang din ako.

"Thanks Chris.." pero yung pagkakasabi niya, medyo sarcastic pero pabiro.

Actually, simple lang yung dinner nila. Naka­survive naman ako. Pinakwento lang nila ako ng pinakwento 
tungkol sa akin at sinabi ko nga rin yung tungkol sa family ko. Sabi nila na baka daw mahirap para sa akin na 
lumaki kasama ang mga lalaki.

Nung matapos kaming kumain, umakyat yung Mommy ni Ash at magpapalit na daw siya ng damit. Si 
Nathalie, ewan ko ba kung saan nagpunta at bigla na lang nawala. Naupo ako doon sa bench sa garden nila at 
busog na busog talaga ako. Kailangan ko rin magpahinga.

Ang hangin pa nga nun eh. Masarap dahil hindi mainit. Bigla na lang may nagsalita sa likod ko..

"Pagpasensyahan mo na yung Mommy ko, matanong lang talaga yun." naglakad siya papalapit doon sa bench 
na kinauupuan ko.

"Ok lang yun, yung tatay ko rin ganyan dati." sabi ko naman sa kanya. "Nasaan na si Nathalie?"

"Nasa terrace yata sa taas mag­isa.."

Tinignan ko nga ng masama.

"Bakit hindi mo samahan?" ang sama ng ugali niya no?

"Pupunta ako sa gusto kong samahan." umupo siya sa tabi ko.

"Sorry kung medyo mabagal ako, kasi hindi ko masyadong na­gets nung sinabi mong... future Mrs. Valdez. 
Girlfriend mo ba siya?"

Tumawa naman siya sa akin.

"Yep." girlfriend nga niya.

"Really???"

"No."

Hay.. ang gulo naman kausap. Ano ba talaga?

"She's not my girlfriend. Expression lang yung 'future Mrs. Valdez.' Girlfriend siya ng Kuya ko. 3 years na rin 
kasi sila."ooh.. sabi ko nga eh.

"Nasaan yung Kuya mo?"

"Ewan ko ba dun. Parating na rin yun maya­maya."

Sumandal na ako ng maayos.

"Ikwento mo na sa akin kung bakit naging kaaway mo si Shalyna. Sabi mo long story eh.." seryoso naman na 
siya nun.

"Hindi naman talaga long story. Sabi ko lang yun," huminga ako ng malalim, "We used to be close friends 
nung grade school.."
"Are you kidding me?" nagulat naman siya sa akin.

"Hindi. Close friends talaga kami... parang bestfriends na rin. Pero, I like the term, close friends." iniisip ko 
naman,"Pumupunta ako sa bahay nila, tapos siya sa akin. Nagtutulungan kami sa homeworks, inaaway niya 
yung mga kaaway ko, ako rin ganun sa kanya... nagsasabihan ng secrets..." ngumiti ako, "Those times were the 
best."

"Anong nangyari?" nakakuknut­noo pa siya.

"Hindi ko nga rin alam eh. Mayroon kasing girlscout camping nun. Eh ilang days yata, hindi kayang bayaran ng 
tatay ko so sinabi ko sa kanya na hindi ako sasama. Syempre siya kaya namang bayaran ng parents niya, 
sumama siya sa camping. Dahil ilang araw siyang mawawala, may mga drama pa kaming yakapan na yan." 

Humarap si Ash sa akin.

"Tapos yun na, hindi ko na alam kung anong nangyari sa camping. Pagbalik niya, galit na galit na siya sa akin. 
Sinabi niya lahat ng secrets ko. Sinigaw niya sa lahat. Nung tinatanong ko kung ano bang problema, hindi siya 
nakikinig." naalala ko na naman yun. Muntik­muntikan na akong umiyak sa school.

"That's odd. Bakit naman siya magagalit sa iyo ng walang dahilan?" nag­isip din siya, "Kung hindi ko lang 
kilala si Shalyna sa kwento mo, iaapply ko yung attitude niya ngayon. Sinubukan mo ba siyang kausapin?"

"Sinubukan ko, ilang beses. Pumunta ako sa bahay nila, pero sinarahan niya ako ng pintuan. Tinawagan ko, 
binabaan ako ng telepono. Kaya nga ang ginawa ko, binigyan ko muna siya ng time baka yun lang yung 
kailangan niya. After ilang days, sinabi na lang sa akin nasa America na siya."

Nanahimik kami parehas at walang sinasabi sa isa't isa. Baliw nga siguro si Shalyna kung tutuusin, pero naging 
kaibigan ko rin siya noon.

"Tingin ko, may nangyari sa camp na nagkapagpalit ng tingin niya sa 'yo..." tinignan ko si Ash.

"Yun nga rin ang iniisip ko eh. Pero sa ngayon, hindi ko siya kayang kausapin. Ngayong high school lang kami 
nagkita uli eh. Tignan mo nga naman, hindi kami makapaglapit na dalawa ng hindi nagbabangayan.." tumawa 
ako.

"Anong ginawa mo nung umalis siya?"

"Ano pa, e di wala. Alangan namang sundan ko siya.. wala kaming pera. Hindi man lang siya nag­iwan ng 
address, or telephone number.. wala talaga. At dahil nga ang sama­sama ng pakiramdam ko nun... tumakbo ako 
doon sa park sa tapat ng bahay nila. Doon ako nag­iiyak at sinipa ko yung maliit na puno ng bayabas.." para 
talaga akong sira nun.

Nakatingin si Ash sa akin na akala mo eh multo ako. Parang nagtatanong eh..
"Oo Ash, marunong akong umiyak."

"Hindi, hindi yun. Kawawa naman yung puno ng bayabas." ngumiti siya.

"Basta, malas talaga yung araw na yun. Nung araw na rin na yun nawala ko yung locket na may nag­iisang 
picture ng Nanay ko. Tapos nung araw din na yun may nadis­­­, nawala ko yung locket ng Nanay ko."

Naging interesado naman siya. Humawak siya sa braso ko.

"Locket? Meron kang locket?"

"Yung sinabi ko sa iyo dati. Sa kwarto ko. Saka wala na yun, tagal na eh."

"Ahh.. yun pala yun. May karugtong pa yung kwento mo eh.. tuloy mo na.."

Inirapan ko nga.

"Tama na ang drama. Ayokong pag­usapan si Shalyna at lalung­lalo na ang history ng buhay ko. Gabi na, uuwi 
na rin ako sa amin."

Nakitayo rin siya sa akin.

"Ihahatid na nga kita."

Kaya ko naman nang umuwi mag­isa dahil sa kabilang kanto lang yung street namin. Mapilit naman siya, so 
pumayag na ako.

Naglakad na kaming dalawa. Hindi naman siguro ako papagalitan dahil nagpaalam naman daw si Ash. Saka 
kung galit si Tatay, kanina pa ako tinawagan nun sa phone.

Nanahimik lang din si Ash nung kasabay ko siya. Nagsasalita pero hindi na masyado.

Mabilis din naman kaming nakarating sa bahay namin. Nakatayo lang siya doon at medyo nakayuko.

"Ayos ka lang? Bigla kang tumahimik ah.."

Tinaas na niya yung ulo niya.

"Yeah.. I'm fine. See you tomorrow."

Tumalikod na siya at nagsimula nang maglakad pauwi ng bahay nila.

Is it just me.. or he's kinda... weird?
***

"Aray ko! Masakit yun ah!" sabi ko naman at hinawakan ko yung ulo ko. "Sinong nanghampas sa akin?"

"Gumising ka na raw sabi ni Tatay. May pasok ka pa."

"Eh bakit kailangan mo ko batukan gamit yang kaldero na yan?"

Mabuti na lang talaga hindi malakas.

"Ang hirap mo kasing gisingin eh..."

Mabilis naman akong kumilos nun. Wala naman akong masyadong kaartehan sa buhay kaya para akong lalaki 
kung mag­ready papunta ng school.

Nung bumaba na ako, kumakain na sila. Sumabay na lang din ako at nung matapos ako, lumabas na ako ng 
bahay.

Kaya lang may tao doon..

"Hoy.. ang aga­aga mo yatang mambwi­bwisit ngayon.." ganyan ang tamang pag­good morning. "Anong 
ginagawa mo dito?"

"Sinusundo kita. Yun yung rule..."

"Yeah. yeah right. Huwag mo nang sabihin yung rule number at napag­usapan nga na nandun yun."

Nung nakarating na kami sa school, konti na lang yun nagtitinginan nun. Nasanay na rin sila sa akin siguro. 
Kilala naman kasi si Ash bukod sa captain siya ng skateboarding team, siya pa yung King nung pageant last 
year.

Nasa academic curriculum building pa lang kami, nasilaw naman ako at may nag­flash na lang bigla sa 
harapan ko.

"Good Morning Chris! Hi Ash!" sabi nung lalaki na may hawak ng camera.

"Para saan yan?" tinuro ko yung camera niya.

"Yearbook, saka sa school paper. Ilalagay namin sa gossip section.."

Bigla yatang nag­apoy yung ulo ko.

"Get away from me or I'll punch you.."
Hinila naman na ako ni Ash nun. Mabuti na lang dahil baka kung ano talagang magawa ko dun. Ni­hindi pa 
nga ako napapasama sa school paper sa buong buhay ko, gossip section pa kaya?

Pagdating namin sa building namin, walang tao.

"Nasaan sila?" tanong ni Ash doon sa isang lalaki.

"Field. May graded performance yata kayo sa baseball ngayon eh."

Tumakbo naman kaming dalawa at hindi ko naman aakalain na late na pala kami. Anong oras na ba?

Pagtingin ko.. 7:10 na. 10 minutes late na kami.

Hinihingal­hingal pa ako nung makarating ako sa field. Naka Sports Curriculum shorts yung iba, yung iba 
naman eh hindi na nagpalit. Kami naman eh ganito na lang siguro.

Nanguha na ako ng sarili kong batt at si Ash naman eh kumuha ng bola at iba't ibang protective gear. Hindi ako 
magaling sa baseball eh.

"Tingnan mo nga naman, magkasama na ngang dumating.. mag­partner pa!" sabi ni Shalyna doon sa gilid 
namin.

"Bakit naiinggit ka naman?"

"Sa dami ng kaiingitan, ikaw pa?"

"Eh bakit nagrereklamo ka? Ano naman sa 'yo kung kasama ko siya?"

Tinuro niya kami ni Ash.

"Kasi hindi kayo bagay. Basura ka lang ng school eh."

Binaba ko naman yung bat ko at humarap ako sa kanya.

"Kung may mas basura sa atin, ikaw na yun. Itsura mo pa lang hindi ko na magustuhan."

Dahil nga pikon si Shalyna sa ganitong mga asaran, sumunod na lang na alam ko eh binato niya sa akin yung 
bola ng baseball. Tumama sa gilid ng ulo ko. Ang tigas nun, kaya nahilo ako.

Napahawak na lang ako doon sa damuhan nung nakayuko na ako. Pakiramdam ko magsusuka ako.

"What's the matter with you?!?"
Tumakbo naman si Ash sa akin.

"I didn't­­ she started it."

Yumuko si Ash sa akin.

"Ok ka lang Chris?"

Hindi na ok yung pakiramdam ko. Nung hinawakan ko yung gilid ng ulo ko, dumudugo na.

"Dadalhin kita sa clinic.." seryosong­seryoso na siya nun.

"Hindi kaya ko.. ako na lang. Sabihin mo na lang kay coach.."

Sinubukan kong tumayo nun. Pero nung nakatayo ako, parang lumilipad yung pakiramdam ko. Medyo blurry.. 
at umiikot. Kapag tinamaan ka ba ng bola ng baseball, nahihilo ka ba? Siguro nga.. ganito yung nangyari sa 
akin...

Napahawak ako doon sa bakal sa gilid. Bigla­bigla na lang akong nagsuka.

Lumapit yung coach namin at hindi ko na maintindihan yung ibang sinasabi nila. May nagbuhat na lang sa 
akin.

Huli ko na lang na narinig...

"If something happened to her... I won't forgive you Shalyna." ang hina na ng boses niya, "Kung nakilala ko si 
Chris noon pa, and if it's a choice between you and her..."

"I wonder kung pipiliin pa kita..."

***12***

Ang sakit ng ulo ko nung magising ako. Pakiramdam ko ilang araw na akong nakahiga. Medyo blurry pa yung 
paningin ko nun kaya inangat ko yung sarili ko gamit yung siko ko. Pagdilat ko ng mata ko...

"Are you alright?"

"Aaaaahhhhh!" WAPPAAAAAKK!

Ganun talaga yung tunog eh no? Nasampal ko tuloy siya. Tama bang ilapit yung mukha niya ng ganun sa akin. 
Nahulog tuloy siya doon sa kama at hawak niya yung pisngi niya.
"Ang sakit nun ah! Bakit mo ko sinampal?" unti­unti na siyang tumayo.

"Bakit naman nilapit mo yung mukha mo sa akin? Ikaw ba naman kagigising mo tapos may bubungad sa 'yong 
mukha hindi ka mag­panic?" tumingin ako dun sa gilid, "Nasan ako?"

"Hospital. Actually, nasa clinic ka kanina. Kaya lang naisip nila baka may head concussion ka na kaya dinala 
ka dito. So far nung tinanong ko yung doctor kanina, ang sinabi lang niya na naintindihan ko eh... cells, tissues, 
head, brain, x­ray, test saka... she'll be fine. Kaya ayun.. ok ka lang?"

Paisa­isang word lang pala naintindihan niya eh!

"Yeah. Pero masakit yung gilid ng ulo ko." hinawakan ko, may bandage! "Ano 'to?"

"Bandage. Dumugo nga yan kanina eh! Hapon na, kanina pa ko nandito. Hindi na ko umattend ng klase.."

Awww... that is so...

"WRONG!" nyek, parang hindi yun yung sasabihin ko.

"Huh?!?" nagulat siya sa akin.

"Bakit nandito ka? Dapat pumasok ka. Parang ikaw pa ang nagkaroon ng brain damage!"

"Hoy, kahit hindi ka naman binato ni Shalyna ng baseball.. malaki na yung brain damage mo. Actually, itetest 
ka nila. Kung ok yung vision mo, pati verbal communication.. mga ganun. Kapag pumasa ka, ok naman. May 
X­Ray ka nga eh. Gusto mo makita skull mo?"

"Ayoko. Uuwi na ko."

Tinanggal ko yung nakalagay sa akin. Tumayo ako.

"Hey.. TUMAWAG KAYO NG DOCTOR!! MALAKI YUNG BRAIN DAMAGE NG PATIENT DITO!!!"

Nagsisisigaw ba naman. Kabwisit na 'to! Ok naman ako eh. Obvious ba?

"Ayos na ako. Magkakabukol ng ako siguro pero ok lang. Dati rin nung nauntog ako sa bahay namin, nahilo 
ako pero wala namang nangyari sa akin." naalala ko na naman yung araw na yun, "Ganun yata kapag naaalog 
utak mo eh!" pabiro ko naman sinabi.

Ganun ba yun?

Dahil ayaw akong paalisin ni Ash doon, naupo ako hanggang sa dumating yung doctor.  Alam na rin nila Taty 
at Kuya sa bahay pero hindi na sila nagpunta dahil alam naman nila na magiging ok na ako.
Nagkaroon ng simple test sa akin. Sabi nung doctor eh sundan ko raw ng tingin ko yung kamay niya.. tapos 
panay ang tanong niya sa akin. So far, nasagot ko naman at nasundan ko yung pinagsasasabi niya. Nagsulat 
lang siya ng nagsulat ng kung ano.

Pinauwi na rin naman ako. Sabi sa amin in case daw na may maramdaman akong kung ano o kaya magsuka 
daw ako uli, sabihin daw kaagad sa kanila at baka may serious damage daw. Ikaw ba naman batuhin nun! Ang 
tigas­tigas ng bola ng baseball.

As usual, si Ash na naman ang naghatid sa akin. Nagiging habit na nga niya eh. Kung wala lang naman sa rules 
na kailangan ihatid niya ako, hindi naman ako papayag. Huminto na naman siya sa tapat ng gate.

"Hey.. thanks nga pala ah."

"You're not welcome. Pero mabait ako kaya yun.."

"Ganun?!?" hinampas ko pero mahina lang, "Umuwi ka na nga."

"Huwag mo na nga uulitin yun!"

"Ang alin na naman?" napataas yung kilay ko.

"The vomit, dizzy, and pale facial expresion style. Nananakot ka." seryoso niyang sinabi yun.

"Feeling mo naman sinadya ko yun!"

Naalala ko na naman na sinampal ko siya kanina.

"Sorry nasampal kita, ikaw kasi eh." at isa pa, "Kumain ka na ba?"

"Err, not yet. Simula pa kaninang umaga. Pero kung yayayain mo ko kumain, kakalimutan kong sinampal mo 
ko.."

Kinuha ko yung kamay niya, at nagkunwaring nakipag shake hands ako.

"It's a deal!" tumawa naman kami.

***

Nahirapan akong maligo kinabukasan dahil sa bandage ko. Paano ba naman eh may open wound ako. Ewan ko 
ba, parang hindi bola yung tumama sa ulo ko eh. Parang batong matulis!

Nung nakapagbihis na ako, si Kuya ko ang nag­ayos sa akin ng bandage. Kahit na ganyan yang Kuya ko, 
kunwari pa yan pero concern din naman. Aba ok ito, parang royal treatment. Lahat sa bahay ayaw akong 
gumawa ng gawaing­bahay.
"Kapag gumaling ka na, ikaw na uli ang tagahugas ng pinggan.." sabi ko nga!

Ganyan talaga yang si Kuya Christopher. Hindi makakalimot.

Nung lumabas ako ng bahay, isang malaking himala at hindi nanundo si Ash. Ayos lang naman, hindi ko 
naman siya nirerequire. Pagtingin ko doon sa gilid ng pintuan namin, merong note.

'Sorry 'di kita nasundo. May gagawin kasi akong mahalagang bagay.'

Tinanggal ko lang sa pagkakadikit yung note niya at nagsimula na akong maglakad.

Kahit na tahimik ako doon, halata kong nakatingin yung ibang mga tao na nakasalubong ko. Kung sabagay, 
ilang tao ba naman ang masasalubong mo sa isang araw na nakabandage ang ulo. Baka nga sa araw nila 
ngayon, ako lang.

Ganun din sa school. Yung ibang hindi ko kilala nakatingin na sa akin. Yung iba nga tinanong pa ako kung ok 
daw ba ang pakiramdam ko, syempre natuwa naman ako at may concern din pala.

Yung treatment na yun eh nagpatuloy hanggang sa Sports Curriculum Building. Si Chester nga eh siya pa ang 
nagbuhat ng bag ko hanggang sa classroom namin. Sinabihan niya ako na mali naman daw talaga yung ginawa 
ni Shalyna.

Nung sumunod na mga oras, parang lahat ng mga nangyayari at mga tao eh in­favor sa akin. Paano ba naman 
nung breaktime, binuhos nila yung mga chili sauce nila sa jogging pants ni Shalyna. Yung iba naman eh 
tinapunan siya ng juice.

Pagpasok namin sa classroom, may drawing naman sa board namin na nakalagay eh... 'Evil Shalyna' tapos may 
picture siya na may sungay.

Habang nagka­klase kami, dumating yung Guidance Counselor namin na kasundo ko at tinawag si Shalyna. 
Ayun nga dahil maraming witness at dahil siguro pinapaburan niya ako, may 2 months detention siya sa 
cafeteria duty. Hindi siya maeexpel dahil nakipagsagutan din naman ako nung simula. But the point is... may 
detention siya!!!

Nung practice period namin, pinanood ko lang sila Ash, Kian at Ben na gawin yung 900. Hindi na nila ako 
pinasali hanggat may injury pa daw ako. Syempre nung natapos kami, sabay­sabay kaming lumakad sa corridor 
namin. Pero hindi ko inaasahan na maraming tao na nagkukumpulan sa gitna.

"Anong meron?" ang dami kasing tao eh.

"Ewan ko. Tignan natin.."

Pinagilid ni Ben yung mga nandun at nakita na namin kung ano. Nasa bench yung isang retainer at pair ng 
contact lenses. Bakit naman nandun yun?

May coupon bond pa sa gitna... 'Kay Shalyna 'to!'

Sobra naman na yata...

"Hey hey!" pinagilid ko sila. "Tama na ok?!? Tingin ko naman sa naranasan niya ngayon, nag pay­off na 
siya." kinuha ko yung plastic ng retainers niya saka yung contacts, "Nasaan siya?"

Dumating naman si Shalyna. Mukhang inis na yung itsura.

"Give me that!!!" inagaw niya sa akin yung hawak ko, "Gusto mo lang lumabas na ikaw yung bida rito tapos 
ako yung villain!" tinalikuran niya ako at umalis na.

Siya na nga yung pinagtatanggol, ang sama pa ng ugali!

Dahil wala nang mapapanood doon sa corridor, nagsialisan na sila. Naiwan na naman ako doon na nakatayo at 
syempre si Ash.

"I think she deserves everything that happened to her." umupo ako doon sa bench, "Yung chili kanina sa 
cafateria saka yung ice tea... wala ka kasi eh. Tinapon nila sa damit niya."

"Talaga?!?" mukhang excited pa siya.

"Yeah. Tapos yung board, nag­drawing pa sila."

"For real?" bakit ba parang masaya siya?

"Tapos yang retainer at contacts niya." tumingin ako sa sapatos ko, "Then may detention pa siya for one 
month..."

"It's two."

"Right, two." tinama pa niya ako.

May binulong naman siya sa gilid kaya lang narinig ko.

"It should be three..'

"Anong sabi mo?"

Nagkunwari naman siya sa akin.

"May detention siya?!?" inulit na naman niya.
Nagdududa na talaga ako. Tinaas ko yung isang kilay ko.

"What did you do?"

Humarap naman siya sa akin. Sinasabi ko na nga ba may kinalaman ito eh.

"The chili thing and the ice tea, binrain wash ko yung mga nandun sa cafeteria. Umagree naman sila na mali 
yun. Paano nga kung nagkaroon ka ng major brain damage.." tapos nag­isip siya, "Yung drawing, sinabihan ko 
si Kaye na mag­drawing. Magaling naman siya." ngumiti siya sa akin, "Yung detention naman, one month lang 
yun dapat. Sinasabihan ko nga yung Guidance Counselor na three months, so ginawa na lang niya na two... so 
yun na lahat."

Akala niya makakaligtas siya sa akin. May nakalimutan yata siya??

"Eh yung retainer and contacts?"

Yumuko naman siya at hindi na makatingin sa akin. Then nag­grin siya ng nakakaloko.

"I nicked it from the girls locker room."

HE DID NOT!!!

"You did WHAT?!?"

Tinakpan niya yung bibig ko.

"Hey, wala namang tao doon. So safe naman pumasok." tinanggal niya yung kamay niya uli.

"Then you should be in detention too!"

Tumayo naman ako at niloloko ko siya na irereport ko...

Kaya lang nung tumayo ako, hinawakan niya ako sa kamay kaya napaikot ako. Tumama naman ako sa dibdib 
niya.

"Sorry about the last one.."

"I did that for you."

***13***
Pinipigilan kong tumawa nun. Grabe naman kaseryoso si Ash. Konti na lang talaga maniniwala na ako eh! Ang 
galing mag­joke.

"Ayos ka tsong! Pwede ka na sa Theater. Konting­konti na lang talaga muntik na kong maniwala.." nagsimula 
na rin akong maglakad nun.

"But... never mind." sumabay na lang din siya sa akin.

Nakita ko naman si Shalyna na mag­isa sa graden. Kasama niya rin yung ibang kabarkada niya kaya lang hindi 
rin naman siya kinaausap.

"Dapat mag­sorry ka sa kanya," sabi ko kay Ash nung dumadaan kami, "Personal items niya yun, kahit ako 
naman mapapahiya."

"Ako magso­sorry? Sa kanya? Hindi no. Ayoko nga! Tingnan mo nga yung ginawa niya sa 'yo???"

Tinignan ko naman siya. Huminto rin.

"Yeah, ok.. may ginawa nga siya. Nangyari na yun hindi na mababalik. BIG DEAL! Pero mag­sorry ka pa 
rin.."

Mukhang ayaw pa rin niya pero tinulak ko siya. Nag­lean siya doon sa railings at bigla na lang tinaas ni 
Shalyna yung ulo niya. Namumula na nga yung ilong niya nun eh.

"Shalyna.. err... I uh... I'm sorry. Halos lahat ng nangyari sa araw na ito ako yung may gawa. I don't know what 
I'm thinking.. I'm really sorry."

Nakita kong medyo ngumiti siya kahit na umiiyak pa rin.

"Thanks Ash, you're so sweet." tapos tumingin siya sa akin dahil nasa likod ako ni Ash, "Pero kung nag­sorry 
ka dahil sinabi niya, bawiin mo na lang."

"Actually, sinabi nga niya.. pero hindi ko babawiin. Magagalit siya sa akin kapag hindi ako nag­sorry."

Inirapan lang ako ni Shalyna at tumalikod na rin. Si Ash naman eh humarap na sa akin at tinaas yung dalawang 
balikat niya na para bang sinasabing.. 'I tried!'

May naisip naman akong ewan ko kung saan nanggaling...

"Shalyna.." tama siguro yun, "Alam ko maraming nangyari sa iyo para sa simpleng pagbato mo sa akin.."

Tinignan ko ng masama si Ash nung nag­comment ba naman ng 'Simple?!?'

"Kung gusto mo..." lumingon ako kay Ash pero hindi siya nakatingin, "Sumama ka sa amin sa Saturday. 
Double­date. Ayoko rin naman ng three­some."

Narinig yata ni Ash eh..

"WHAT?!?" humawak siya sa wrist ko, "Tell me you didn't invite her!"

Hindi ko pinansin si Ash. Ang OA talaga niya no?

"Ikaw na pumili kung sino. Chester or Ash."

Sa wakas, lumingon uli si Shalyna sa direksiyon namin. Mukhang mas ok na ang expression ng mukha niya 
ngayon.

"Ash."

Halata kong asar na asar na si Ash. Wala na siyang magagawa. Binulungan ko siya ng.. 'Makisakay ka na lang.  
'Di ba ang gusto mo eh magkagusto siya sa 'yo para ikaw naman ang gagawa nun sa kanya? Mukhang  
interesado naman eh!'

Isang masamang tingin galing kay Ash, tapos sinabi niyang.

"Saturday night Shalyna, susunduin kita sa inyo."

***

The next few days, medyo ok na yung pakiramdam ko sa ulo ko. Medyo masakita pa rin at nahilo ako ng isang 
beses pero wala naman na yun. Siguro dahil sa kakahawak ko lang.

Pinayagan na rin akong maki­practice ni Ash sa kanila pero yung mga simple lang ang pinagagawa niya sa 
akin. Ayaw daw niya na mag­practice ako ng mga complicated hanggang may bandage pa ako sa ulo. Kapag 
wala na yun, sisimulan na uli namin yung 900.

Nung Thursday/Friday, nagsuot na ako ng mahiwagang damit na binili ni Ash. No choice din naman ako dahil 
tiyak may gagawin at gagawin siyang paraan para magsuot ako nun. Remember last time? Sinadya ba naman 
niyang tapunan ng ice tea yung uniform ko magpalit lang ako. Para na rin maka­save ng time para sa ganung 
pagtatalo, nagdamit na ako.

Saturday na nga pala ngayon. Sa katunayan, medyo kinakabahan ako. Wala naman akong experience sa so­
called 'date' simula pa noon. Ni­wala pa ngang nagyaya sa akin. Si Chester lang ang nauna.

Mamaya pa namang 5 pa naman niya ako susunduin at magkikita­kita na lang daw kaming apat sa beach. Yep, 
beach. Hindi ko nga alam sino sa dalawang lalaki ang may pakana nun.. kaya eto naghahanap ako ng isusuot 
ko. Nakakita naman ako ng shorts na isa sa binili ni Ash. Hindi ako pwedeng magsuot ng mahabang pantalon 
dahil mababasa lang yun. Isa pa, baka tawanan lang nila ako.
May sleeveless din doon na ayoko talagang isuot. Pero nung dumaan si Kuya Christian sa hallway at napansin 
yata na kanina pa ako naghahalungkat ng drawer ko, yung sleeveless din ang inabot niya sa akin. Wala naman 
siyang comment na kung ano.

May dala lang akong maliit na backpack na pampalit in­case na magkaroon ng basaan or something. Naka­
shorts na ako doon at kahit labag sa kalooban ko na mag flip­flops, sinuot ko na rin. Yung rubber shoes ko kasi 
eh tinago na naman nung dalawang kapatid ko. Mukhang pinagkakakaisahan nila ako na magsuot pambabae 
nitong mga huling araw. Iisa ba talaga ang takbo ng utak ng mga lalaki?

Nung nakikipagtalo pa ako doon sa dalawa at panay lang ang tawa ng tatay ko, may narinig naman na kaming 
kumatok sa pintuan namin. Nagsimula na akong kabahan nun. Si Chester na nga siguro yun.

Si Tatay ko naman ang nagbukas ng pintuan. Kinausap lang niya si Chester (alam ko na dahil sa boses) at 
lumapit na ako sa pintuan. Katatayo ko pa lang doon eh..

"You don't look like Chris at all. More like, Chrisandra!"

Nagpapatawa ba siya? Hindi ako natawa eh.

"Alis na kami!" 

Nag­wave lang ako kina­Kuya at nung makita ko, nakakaloko yung mga itsura nila. Halatang nang­aasar kahit 
na wala silang sinabi.

Simple lang din yung suot ni Chester. Naka­shirt lang siya at Hawaiian short. Tsinelas lang din siya. May 
shades pa nga siya pero hindi naman niya suot.

May kotse naman na naghihintay sa amin. Nung tinanong ko kung sa kanila yun, sabi niya hindi daw. Sa may 
car service daw yun nung resort. Mas nakabuti naman na yun, ayokong sumakay ng jeep na ganito yung suot 
ko. Mala­alien na yata eh!

Inabot yata kami ng 30 mins sa kotse dahil may traffic at nagbanggaan yata. Pero ayun, nakarating din naman 
kami. Papalubog na rin yung araw. Konti lang yung tao doon, kadalasan pa mga nagtratrabaho. Pagtingin ko 
doon sa beach...

WOW! Ang ganda talaga ng view. Pero wala naman akong balak maligo.

Saglit lang din, may narinig kaming tumatawag sa amin. Sabay kaming lumingon ni Chester at nakita namin si 
Ash at Shalyna sa likuran. Si Shalyna eh naka­pink na blouse pero nakita kong may strap siya na nakapaikot sa 
leeg at halatang naka two­piece ang bruha. Shorts lang din ang suot niya. Si Ash naman, naka blue Hawaiian 
polo na nakabukas at white shirt sa loob. Denim shorts na knee­length lang ang suot niya.

Nung dumarating sila, medyo nag­iinit yung mukha ko pero natawa ako. Si Ash kasi eh nakaiwas yung tingin 
habang si Shalyna eh relax na relax na naka­cling yung kamay sa braso niya.

"Hi Chester!" naka­todo ngiti pa siya.

Hindi man lang niya ako binati as if hindi niya ako nakita. Ang saya naman.

"Anong ginawa niyo nung wala ako?"

"Wala."

"Naglakad­lakad! Naghahanap kasi kami ng shells eh!"

Shells? Ako kaya maghanap para sa 'yo at ikaw ang ikulong ko sa shells!

"Ni­ready niyo na yung place?"

"Actually, naglatag pa lang kami at nilagay na namin yung ibang gamit.. hindi pa masyadong maayos."

Nagpasama naman si Shalyna kay Chester at aayusin daw nila yung lugar. Tumayo na lang kami ni Ash doon at 
hihintayin na lang namin sila. Nung nakalayo na sila, saka namulot ng bato si Ash at binato ng malakas sa 
dagat.

"Yung babae na yun!!!" sabi niya tapos sumipa pa, "Kanina pa pinag­iinit ang ulo ko. Nagyaya ba naman doon 
sa batuhan tapos sasabihin niya sa akin na hindi siya makaakyat! Nagpabuhat pa eh ang bigat­bigat niya!"

Tinawanan ko naman siya.

"Hayaan mo na. Magtataka ka pa ba? Si Shalyna yun eh.." nakiupo rin ako sa kanya.

May hinahanap naman siya sa bulsa niya na hindi ko malaman kung ano. Maya­maya lang may nilabas siyang 
naka­plastic. Inabot naman niya sa akin.

"Ano 'to?" nilabas ko naman at nakakita ako ng bracelet. "Bracelet na may shells?"

"Tangek! Anklet yan. Hindi ka naga­anklet?" sabi niya tapos tumingin siya sa paa ko, "Ang galing ko talaga. 
Akin na nga.."kinuha naman niya sa akin at inikot­ikot niya yung screw.

Pumunta naman siya sa harapan ko at siya yung naglagay. Pati ba naman paa nilalagyan ng bracelet? Este, 
anklet.

"There. Now it looks cute."

Nanood lang kami ng sunset nun. Unti­unti na ring dumidilim kaya yung mga poste doon sa beach na may ilaw 
eh binuksan na nila. Hawak­hawak na ni Shalyna yung tsinelas niya habang patakbo sa direksiyon namin.
Tumayo na kami ni Ash at sumunod sa kanila. Akala ko kung ano yung sinasabi nilang lugar eh resto naman 
pala. May mga cottages doon at may maliit na stage kung saan may mga tumutugtog. May pagkain na rin doon 
at syempre, panay seafoods. Nakita ko namang panay crabs yung recipe.. at nakalimutan kong sabihin na hindi 
ako kumakain nun. Tinignan ko si Shalyna. Ang sama na naman niya. Gusto niya yata akong patayin eh no? 
Alam naman niya na alergic ako doon. O talaga lang na nakalimutan niya?

Inabot nila sa akin yung crabs at pati na rin yung rice. Si chester pa ang naglagay sa akin. Katabi ko naman siya 
at katapat ko si Shalyna.

"Anong problema? Hindi mo ginagalaw yung pagkain mo?"

Tumingin din si Ash sa akin na katatapos lang niyang magsandok ng kanin niya.

"I.. I don't eat crabs."

"Masarap yan!" tapos kumuha siya ng isa, "Ako magbabalat para sa iyo gusto mo? Yun lang ba ang problema?"

"Ahh.. hindi yun. I'm allergic." tumingin ako sa kanya, "Sorry, nakalimutan kong sabihin. Last minute na kasi 
nung binanggit niyo sa akin na beach pala, kaya nawala sa isip ko."

"Allergic ka pala sa crabs Chris? Hindi mo kasi sinabi kaagad eh! Sana lang 'di ba iniba ko yung order! Panay 
crabs pa man din ang recipe ngayon!"

In short, siya pala ang umorder nitong mga ito! Sinadya niya kaya?

Inorderan na lang nila ako ng fish fillets kaya ako lang yung naiiba sa kanila. Nag­iingat nga ako na may 
mahalog crabs sa kinakain ko dahil tuwing nakakakain ako nun, nagpapantal ako buong katawan at pulang­
pula pa. 24 hours pa yun bago mawala.

Masarap naman yung kinain namin. Hindi ako masyadong nabusog pero ayos lang. Nakinig kami doon sa 
banda at nakikipalakpak lang din kaming apat.

Dumarami na rin yung tao nun. Tapos nung tumigil yung banda, nagtanong naman sila sa audience.

"Sino bang ma birthday dito at kakantahan namin.." sabi nung vocalist nila.

Wala namang sumasagot sa audience. Maya­maya lang, nagturo naman si Chester. At sa dinami­dami ng 
ituturo..

"It's her birthday!" 

It's not my birthday.
"Anong name mo Miss?"

"Uhmm.. Chris."

Tinulak ko nga si Chester pero tumatawa lang siya. Si Ash naman, pangiti­ngiti. Si Shalyna, hay naku huwag 
niyo nang itanong.

'Happy Birthday to you..

Today is your birthday!!!'

At yun nga, kinantahan nila ako ng Happy Birthday kahit hindi naman totoo. At ang pinakamasaklap naman sa 
lahat, pinatayo pa ako at sumali raw ako sa kanila.

May mga kung anu­anong pinagawa sa akin sa stage. Nakakahiya talaga. Sabi nila mag ocho­ocho raw ako! 
Ewan! Pinapakanta pa nga nila ako, pero hindi ko ginawa. Instead, tinuro ko si Ash na nasa table namin. Panay 
lang ang iling niya tapos hinila siya nung babaeng vocalist sa stage. Tinignan niya lang ako at kasalanan ko 
daw yun.

At yun nga.. kumanta rin naman siya.

"All day staring at the ceiling
Making friends with shadows on my wall
All night hearing voices telling me
That I should get some sleep
Because tomorrow might be good for something"

Marunong naman palang kumanta eh, nag­iinarte lang.

Teka... marunong siya?

"Hold on
Feeling like I'm headed for a breakdown
And I don't know why"

Yung ibang teenagers doon sa resort eh nakikikanta rin naman sa kanya. Si Shalyna nga tumayo pa eh.

"But I'm not crazy, I'm just a little unwell
I know right now you can't tell
But stay awhile and maybe then you'll see
A different side of me
I'm not crazy, I'm just a little impaired
I know right now you don't care
But soon enough you're gonna think of me
And how I used to be...me"

Nung kumanta ako nun na nakulong kami sa classroom, wala man lang siyang binaggit sa akin na kumakanta 
siya. Kahit na ayaw ko itong date na ito, it's still something. May natutuklasan ka pa rin.

Kumanta lang siya ng kumanta doon sa stage. Finally, doon na siya sa last bit nung kanta... 'How I used to  
be...I'm just a little unwell'

Nagpalakpakan din naman sa audience at bumalik na siya sa table nung matapos mag thank you sa kanya yung 
banda. Si Chester nga may comment pa sa kanya..

"Naks pare, pageant king nga! Walang kupas! Kumanta ka rin sa talent portion last year 'di ba?"

"Yeah. But I don't wanna' talk about it."

Nung nakaraming kanta na yung banda, umalis na rin sila sa stage at nag­bye na. Tumugtog na lang ng slow 
music at nagsitayuan na yung audience. Nakayayaan namang sumayaw. Si Chester at ako.. at kilala niyo na 
yung dalawa pa.

Si Chester naman ewan ko kung bakit pero parang hindi ko masyadong ma­feel nung nakikisayaw ako sa 
kanya. Paano ba naman, lingon ng lingon tapos tawa ng tawa. Ni­hindi nga tumitingin sa akin. Ok tumingin din 
naman siya, pero nung nag­ring yung phone ni Shalyna na naka­strap sa belt niya, huminto sila parehas.

"Really? Saan? That is so COOL! Now? I­­ I can't." tumingin siya kay Ash tapos tinakpan niya yung phone 
niya, "Do you wanna' go with me?"

"Huh? Saan?"

"Sa bahay ni Rufa! May bagong kotse daw doon na binili ng Daddy niya. Hindi pa siya allowed mag­drive pero 
ayun, may party daw sila sa S.F cliff. Wala naman makakaalam na wala siyang license eh. Pwede tayong 
sumama sa party kaysa dito.."

"Si Rufa? Punta tayo..."

Sabay naman kaming umiling ni Ash. Delikado naman yung mga binabalak nila.

"Ok lang sa inyo?"

"Sure.. go for it. Pauwi na rin siguro kami maya­maya.."

Tumakbo naman yung dalawa pababa malapit doon sa beach at ewan ko kung bakit then umalis na sila. Kami 
naman ni Ash eh naiwang nakatayo doon sa dance floor at nag­cross arm na lang ako at siya eh nagkamot ng 
ulo na para bang naiilang. Tapos tumugtog ba naman...
'Every now and then
We find a special friend
Who never let's us down..'

Crap! Ano 'to Casper???

"Do you want to dance?"

Alangan namang tumayo ako doon, pumayag na ako. Kaya lang hindi naman pala kami doon sasayaw, hinila 
niya ako doon sa baba sa may buhanginan. May puno kasi doon at sa ilalim, may nakalatag na kung ano mang 
beach rag. Naririnig pa rin yung tutog hanggang doon.

"Sina Shalyna ang nag­ayos niyan. Kahit pala ganun yung dalawang yun, may naitutulong din pala."

Nilagay niya yung kamay ko sa balikat niya. I don't like this at all. I swear!

'I know you can't stay
A part of you will never ever go away
Your heart will stay..

I'll make a wish for you
And hope it will come true
That life would just be kind 
To such a gentle mind 
If you lose your way 
Think back on yesterday 
Remember me this way 
Remember me this way'

"Yeah.. Chris. When all of this is over, Remember me this way." tapos ngumiti lang din siya.

Naupo na kami nung natapos yung kanta. Unlike kay Chester, si Ash eh tumingin talaga sa akin, ako naman 
yung hindi. Weird no?

Humiga ako doon sa beach rag na nilatag nila Shalyna. Inaantok­antok na rin ako. Gabi na rin kasi eh. Yung 
bag ko eh nasa gilid lang malapit sa puno.

Nakitabi lang din naman si Ash sa akin. Tinakpan niya yung mata niya nung braso niya kaya hindi ko na nakita 
kung natulog siya. Parehas na lang kaming nanahimik nun.

Kung anu­anong pumapasok sa isip ko. Siguro nga nakatulog ako pero hindi ko alam. Nagulat na lang ako 
nung naramdaman kong para akong umangat. Nanaginip nga siguro ako. Masarap naman kasing matulog sa 
beach.
Nung dinilat ko yung mata ko, hindi pala ako nananaginip. Totoo palang mag bumuhat sa akin. 

"Siraulo ka talaga.. IBABA MO KOOOOOOOOO!!!!!" napasigaw na lang ako nung bigla­bigla na lang niya 
akong binato doon sa dagat.

Basang­basa na ako nun. Gabing­gabi na eh... wala na akong balak magbasa pero eto.. baliw na yun.

Pero akala niya ako lang yung mababasa. Dahil nga naka polo  siya, hinila ko yun dahil bukas kaya siya eh 
napasubsob din at nasama na rin siyang mabasa.

Tawa ako ng tawa kasi nung nabasa yung buhok niya, bumagsak na lang sa mukha niya.

He's right. He's my friend. And when all of this is over... the whole deal thing...

I will remember him this way...

***14***

Nang­amoy dagat na nga siguro kami parehas paano ba naman eh ilaglag daw ba ako sa dagat. Tuwing patayo 
nga ako at pabalik sa gamit ko, lagi niya ako hihilahin. Pumasok pa nga yata yung tubig sa mata ko kaya 
sumakit eh. Ang hapdi super.

Syempre may restrooms naman doon sa resort, kanya­kanyang pasok na lang kaming dalawa para mag­shower 
at magbihis na rin. Grabe, nanginginig na nga yung baba ko nun dahil giniginaw ako. Ang lakas kasi ng hangin 
nung umahon kami sa tubig.

Masaya rin naman yung naging gabi kahit yung dalawang abnormal eh bigla na lang sumibat. Nung kinausap 
nga ni Ash yung isang lalaki doon sa resort para yata sa car service nila, ang tugtog pa eh 'Loving You'. 
Mapag­asar din sila eh no!

Gabing­gabi na nga kaming umuwi nun. Nakatulog na nga ako doon sa kotse at kung hindi pa siguro ako 
ginising ni Ash, hindi ko na alam kung nasaan ako. Sumakit nga yung leeg ko eh, paano ba naman eh pinili 
kong isandal yung ulo ko sa gilid sa may salamin kaysa naman sa balikat niya. Hello? Hindi naman ganun 
kakapal ang mukha ko.

Sa sobrang pagod ko na rin siguro eh umakyat lang ako sa taas at nagpalit ng hindi ko man lang napansin kung 
sino yung nagbukas ng pinto para sa akin. Saglit lang din, mala­boxing na akong na knock­out.

Dumaan naman ang Sunday ng wala namang nangyari kakaiba...

***
Nakatingin naman yung mga classmates namin sa akin, as usual, nung dumadaan ako sa classroom. Parang 
nalaman ko na kung bakit dahil na rin nalaman nga nila nung tinanong ako ni Chester kung pwede daw bang 
sumama ako sa kanya. Obvious ba, hindi naman yun sikreto.

Nandun na naman yung ritwal na rose na galing kay Chester at may kung anik­anik na naman na sulat at ang 
nakalagay eh walang kamatayang 'Good Morning'.

Pero sa lahat ng hindi ko inaasahan, pinatawag nila ako si Shalyna, si Chester, yung isa pa naming classmate, at 
si Ash na natutulog para sa hindi ko malamang dahilan. Ewan ko ba kung bakit napuyat yun. Akala ko kung 
para saan yung pagtawag nila sa amin, kukuhanan pala kami ng picture para sa pesteng Pageant na yan. 
Nandun din yung mga kasali na galing sa ibang section. Pinag­tube pa nga yung mga babae at may binigay sa 
amin na kumot para daw ang effect ng picture eh half naked pero may cover up. Sa guys naman, hindi ko alam. 
Hindi naman kasi namin sila kasama sa picture taking eh. Ayoko talaga yung idea nung photographer. Hindi 
naman yun ordinary picture so, seryoso talaga yung itsura namin. May solo pa nga eh.

Gusto yatang sumakit ng ulo ko nung nakalabas na ako. Si Ash nga eh baliktad pa yung damit nung lumabas 
ng kabilang room. Hatang puyat nga siya kasi nung sinabihan kong baliktad yung damit niya, tinanggal ba 
naman doon sa hallway. Tinulak ko nga kaya napapasok siya bigla­bigla doon sa room at doon na siya 
nagpatuloy magbihis.

Si Shalyna, kinakausap naman na niya ako. Mabait, pero sarcastic effect so hindi pa rin talaga totoo lahat. 
Nung may free time nga kami, naisipan ba naman kaming interviewhin ni Ash. Si Ash, ayun, walang pakialam. 
Tinapik ko nga sa gilid eh. Interesado naman din yung iba.

"Nanliligaw si Ash sa 'yo 'di ba?" sabi ni Shalyna na nakaupo doon sa table ng teacher.

"Bakit tinatanong mo pa?"

"Wala lang. Kasi kung ganun, dapat alam niya yung bagay­bagay sa 'yo." tinapik niya si Ash na nag­angat 
naman ng ulo,"Hey.. gising!"

"Anong meron?" nag­stretch pa yan ng kamay niya at tinamaan pa ko sa mukha.

"Anong favorite color ni Chris?"

Sinusubukan yata talaga kami nitong babaeng ito.

Say Black.. Say Black Ash... or red.. either one.

"Syempre alam ko no. It's pink."

Pink? Tingin ba niya mahilig ako sa pink.

Balak na sana niyang bumalik sa pagtulog, pero tinanong ako ni Shalyna.
"Anong favorite color ni Ash, Chris?"

Wala nang isip­isip.

"Orange!"

Biglang tumayo si Ash sa pagkakasandal niya sa desk. Nagulat yata sa sinabi ko eh.

"Marami akong alam kay Chris. Favorite songs niya? Love Songs. Mas gusto niya classical. Mahilig siya sa 
mga operas... theater plays.."

Hindi ko pinahalatang tinitignan ko siya ng masama... nananadya ba 'to?

"Si Ash naman, hindi niyo alam pero mahilig siya sa cartoons. Ayaw niya kasi ng anime eh. Yung mga may 
crush sa kanya diyan, regaluhan niyo siya ng something that concerns Winnie The Pooh!"

Tawa naman ng tawa yung classmates namin sa amin. Isama mo na si Shalyna.

"Anong favorite food mo Chris?"

"Lasagna/Beef Steak!"

Nagtinginan kaming dalawa.

"Beef Steak/Lasagna!"

HOLY COW.

"Oh... dalawa pala no."

"Yeah! Dalawa. And Ash loves... kare­kare!" ngumiti ako.

"Nakalimutan ko na yung birhday mo chris.. ano bang birthday niya Ash?"

"Its on..." hindi niya alam ang birthday ko!

Nag­alarm naman na at at nagsitayuan na sila. Ang bibilis nagsialisan nung mga classmates namin. Sumigaw 
naman si Ash.

"I'll tell you tomorrow Shalyna!" todo­ngiti pa yan.

Nung kami na lang yung tao doon sa classroom, para kaming mga bull na nag­uusok ang mga ilong sa isa't isa. 
Ewan ko kung anong nangyari sa amin para mag­asaran na lang ng ganun.
"I hate pink!" sabi ko sa kanya. "Tingin mo naman ako yung tipong mahilig sa pink?"

"Orange? you think orange is my favorite color? That's gay!"

Sumigaw kaming dalawa sa isa't isa kaya lang sabay na naman kami.

"It's Black!"

Nanahimik kami uli. Tinakpan ko yung bibig ko tapos dinagdag ko.

"And red." yumuko ako ng kaunti. "I don't like operas.. theater plays.."

"Me too! Do you think I love Winnie the Pooh?"

"Ano bang favorite mo na pagkain?"

"Hindi ako kumakain ng kare­kare. I hate peanut butter. Favorite ko na ulam, menudo."

"Ok then. Actually... it's Lasagna."

Ngumiti lang din siya nun. Para kami ng sira na dalawa. Sa susunod tuloy sa harap ng ibang tao, kailangan 
naming pangatawanan yung pinagsasasabi namin kanina kahit mali­mali.

"I don't know when's your birthday.." sabi niya sa akin. 

"Hindi ko rin alam ang birthday mo."

Tumahimik kami parehas. Tumango siya sa akin at parang sign na sasabihin na niya.

"Mine's.."

"September 20." you've got to be kidding me!

***15***

At that very moment, walang makakilos sa aming dalawa. Walang nagsasalita rin sa amin. Ang ginawa lang 
namin eh nagtitigan lang doon at parang nagulat kami sa mga nangyari. Ka­birthday ko siya?

Mabuti na lang naisipan din niyang gumalaw at sinandal niya yung dalawang kamay niya doon sa desk. 
Nakatingin siya sa dalawang kamay niya kaya ang itsura niya eh medyo nakayuko.
"Is this some kind of a joke? Kasi kung OO, you got me really bad." seryoso naman niyang sinabi yun.

Yun din ang iniisip ko. Kung joke man niya ito sa akin, nahuli niya rin ako kasi maniniwala na ako ano mang 
oras kapag hindi niya yun babawiin. Pero sabay kaming nagsalita, hindi naman pwedeng ginaya niya ako. 
Alangan namang nagbabasa siya ng isip.. imposible.

"Hindi ako nagbibiro, September 20 talaga ang birthday ko." yun na lang yung sinagot ko sa kanya.

Sa totoo lang, paran kinilabutan ako. Teka, tama ba yung word sa naramdaman ko???

Tumayo na rin siya ng maayos. Tumingin siya sa akin.

"Uh.. well.. ayos pala eh. Ngayon hindi na natin makakalimutan ang birthday ng isa't isa in case na tanungin 
man tayo."iniwas niya yung tingin niya pero binalik din... "Mag­16 ka na this September?"

"Yeah."

Kinuha niya yung bag niya doon sa upuan niya at kinuha niya rin yung bag ko at nilagay niya sa isang balikat 
niya.

"That's what I thought.. me too." nagsimula na siyang maglakad, "Uuwi na tayo."

Normal lang siguro sa akin na makipagtalo sa kanya kapag sinasabi niyang sasabay siya sa aking umuwi. Pero 
ngayon, parang umurong yung dila ko at hindi ko makuhang makipagtalo sa kanya.

Hinatid nga niya ako sa bahay namin. Ewan ko ba kung bakit parang nailang na lang ako nung nalaman ko na 
parehas kami ng birthday. Siguro, na­shock lang ako kasi hindi ko naman inaasahan. Sa dami naman ng 
makakaparehas ko ng birthday... siya pa.

Nung nakarating kami ng tapat ng bahay namin, siya na rin ang nagsabi na hindi na raw siya papasok. Nung 
kukunin ko na yung bag ko sa kanya, ini­slide niya kaya medyo naalis yung shirt niya sa shoulder niya. Kaya 
lang may napansin akong line..

"What's that?!?" tinuro ko naman kaya lang tinakpan niya, nahiya siguro "Scar?"

Tumango lang siya. Hindi ko alam na may scar pala siya sa braso niya. Parang line kasi eh.

Nag­bye na lang ako sa kanya at umalis na rin siya. Tama nga siguro yung nangyari, bakit ko ba iniisip. 
Coincidence lang yun... ano pa nga ba?

Pumasok na ako sa kwarto ko nun. Nung nag­aayos ako ng bag, kinuha ko yung fairytale book na naman ng 
nanay ko. May nahulog nga eh. Yung rules pala na ginawa ni Ash na pinimahan ko eh doon ko pala inipit. 
Hindi ko na nga alam kung saan napadpad yun.. nandito lang pala.
Nilagay ko na lang yung papel na yun sa drawer ko, baka kasi mawala eh. Mabuti nang may proof in case na 
may suwayin si Ash doon.

***

"Right Chris.. right Chris?!!!" ang lakas ng boses ni Ash nun kaya napatingin ako.

Kakapasok ko pa lang ng classroom at nasa harapan niya si Shalyna.

"Tama ka saan?" sabi ko naman at hindi ko alam kung ano yung sinasabi niya.

"It's September 20 right?!?" ay sus, birthday lang pala.

Nakangiti pa talaga siya nun.

"Oo na po."

Tumingin lang si Shalyna sa akin, pero walang sinabi.

Nung papaupo ako, may rose na naman sa desk ko. Nung lumingon nga ako sa gilid ko, nagkatinginan kami ni 
Chester. Kumaway lang din siya.

Ok lang naman yung naging klase namin. Sumabay na naman si Ash sa akin kumain at nagtanungan na kami 
kung saka­sakaling maisipang magtanong ni Shalyna sa amin. Mabuti na yung tama ang sasabihin namin.

Nalaman na ni Ash yung mga interest ko. Kung anong kind ng movie yung pinapanood ko, anong songs, libro.. 
at kung anu­ano pa. Nalaman ko naman yung hilig niyang panoorin. Hindi daw madalas pero minsan nanonood 
siya ng mga horror, mystery, cop shows and detective stuffs. Parang isa lang yung pinupunto ng mga gusto 
niyang panoorin.

Laking pasasalamat ko nung huling klase na namin sa hapon at uwian na rin naman. Kaya lang ibang teacher 
yung pumasok sa room namin.

"Good afternoon class, I'm Miss Lalaine and I will be you religion teacher."

Religion teacher? Oh yeah.. ganun naman parati. Sa loob ng isang linggo, 4 days nun Values teacher namin ang 
magtuturo. Pero isang araw sa isang linggo, religion day. At sa pagkakaalam ko sa ngayon, tuesday ang araw na 
iyon.

Syempre dahil religion nga, pinagdasal kami bago magsimula yung klase. Yung iba naman na Protestant ang 
religion eh libreng lumabas in case na ayaw nilang makisali sa discussion. So yung iba, nag­stay doon sa bench 
sa garden.

"The Seven Sacraments.." sabi nung Miss Lalaine at nagsulat doon sa board, "Ano nga ba ang Seven 
Sacraments?"

Walang nagtaas ng kamay kahit isa sa klase. Napaghahalataang relihiyoso kaming lahat dito ah.

"Anyone? Opinion niyo lang.. walang maling sagot."

Nung sinabi niya yun, nagdalawang isip ako na magtaas ng kamay. Opinion naman daw eh... so ok lang na 
mag­taas. At ginawa ko nga.

"Ok.. Miss?" anak ng tinapay.. Miss na ako ngayon ah! dati Mr...

"Chris, Chris Orellana." ngumiti yung teacher sa akin, "Para sa akin, yung sacraments eh.. sign. Binigay sa atin 
yun ni Jesus para... para uh.. maging parte ng buhay natin. Kung paano natin tinatanggap yung mga turo niya."

Alam ko naman na hindi yun ganoon ka tama. Kasalanan ko ba kung yun ang alam ko tungkol doon?

"That's right." akalain mo yun? "Sacrament is an outward sign given to us by Christ. It is based upon a 
Scripture.."hanggang sa marami pa siyang sinabi.

Sabi nga nila kapag may kinalaman daw sa church or religion ang topic, walang panahon ang mga teenagers. 
Usually, naboboring daw sila. I guess it's right. Yung mga classmates ko eh mga nakasandal na sa desk nila 
pero hindi naman natutulog. Pero kapag nasa mall yung mga yan, active na active.

Bakit kaya ganun no?

Interesado naman ako nun sa topic. Aaminin ko, minsan nabobore din ako kapag ganito yung usapan. Siguro 
nga in nature na yun. Pero sa ngayon, interesadong­interesado ako sa topic. 

Dinisscuss namin yung 5 sacraments. Baptism, Confirmation, Eucharist, Recociliation, Anointing the sick.. at 
ngayon eh nasa dalawang last sacraments na kami.

Pang­6 na kami ngayon. Which is.. Marriage.

"Ano naman ang Marriage?"

Ngayon naman, may mga nagtaas na rin ng mga kamay nila para sumagot. Sinabi nila na ang marriage daw eh 
union ng babae at lalaki para mag­share ng responsibilities at i­fulfill daw ang mission kay GOD. Kaya lang 
kapag ganito yung topic.. medyo umiinit. May nag­comment kasi na classmate namin na babae.

"Oo nga Mam. Dapat share ng responsibilities pero usually yung mga babae ang mas mahirap ang 
ginagawa kaysa sa lalaki."

Syempre naman, may mga umangal na mga lalaki. Nakangiti lang yung teacher namin sa amin, pinatayo 
kaming lahat at pinaghiwalay ang babae sa lalaki. Sa left side kaming mga babae at sa right side naman yung 
mga lalaki.

Yung simpleng discussion namin, napunta sa debate.

"Mas mahirap maging lalaki no. Kasi kami naman yung nagtratrabaho kadalasan para may pagkain sa  
bahay."

"Actually, yung mga babae ngayon, even single moms, eh kaya na nilang mag­work para sa mga anak nila and 
at the same time, nagagawa rin nila yung House chores nila. Kadalasan sa mga guys ngayon, pero hindi ko 
naman sinasabi lahat, hindi marunog gumawa ng gawaing­bahay."

"Marunong ako no!" syempre yung iba rin kunwari marunong sila.

I wonder kung totoo.

"Pero kung iisa­isahin natin yung mga gawain ng babae, kami yung nagluluto, naglalaba, 
namamalantsa, naglilinis ng bahay, tagahugas ng plato.. at marami pa. Eh kayo usually pupunta kayo sa 
trabaho niyo, uuwi tapos maghihintay ng pagkain."

Nagtawanan naman yung mga babae.

"Well, that's the point. Babae kayo. Your nature is to help us and vice­versa. Pero ginawa tayo with certain 
responsibilities.. and wives.. will always be wives."

Napaisip naman ako doon sa sinabi nila.

"Wives will always be wives.. ok.. but the same thing.. husbands will always be husbands. Big deal." sabi ko 
naman tapos umupo ako. "But when it comes to kids, mas marami kaming alam at mas marunong kaming 
mag­alaga kaysa sa inyo. Mas naipapakita namin yung gusto naming iparating sa kanila. We know how to 
express our emotions.. as wives.. by doing stuffs that you guys can't do."

Ewan ko ba, pero si Ash naman ang sumagot sa side ng guys.

"First of all, lalaki nga siguro kami. We know how to express our emotions.. or even our love to our family. 
HIndi nga lang siguro madalas na makikita kaming umiiyak, but we do. Kids are our way of expressing our 
love for each other. Nandito ba sila kung wala kami?"

Nung sinabi niya yun.. nagtawanan talaga kaming lahat. Good point.

"Tingin ko naman mas essential ang babae sa marriage. Kapag wala namang babae minsan, magulo yung 
bahay.. mga ganun. So kadiri talaga."

Napataas lang yung kilay ko kay Shalyna. Pero ok na rin yun, this time, we're on the same ship.
"Isa pa nga pala kung bakit nagkakaroon ng leak ang marriage... guys tend to cheat. Sa mga asawa nila."

"Mga babae rin naman ah!"

"Well, hindi naman kasing common 'di gaya ng sa inyo. Marriage is more than what you call.. 'SEX'. Kaya ng 
may union na sinasabi. It's just a part of it. Kapag nagkaroon ng cheating, ang reason ng guys.. nasa nature na 
namin yun. Pero bakit kapag sa babae... parang lumalabas na masama kami?"

Nag­cheer naman yung iba sa akin. Eh kung tumutulong na lang kaya sila eh no?

"Isa rin naman sa problema ng mga babae kaya nagkakaroon ng leak ang marriage.. girls love to talk and talk 
and talk and talk. Kahit na wala namang issure whether it's a co­worker or a friend, nagiging biggy na sa 
kanila. Wives should know when to stop."

"Of course! Hindi naman kami magsasalita kung wala kaming nakikitang butas sa inyo! It's like saying do 
nothing and hear nothing."

Ngumiti si Ash sa akin nun. Ngumiti rin ako at nag­incline yung ulo ko.

"At kung wala namang cheating... at napapag­usapan lahat 'di gaya ng mga lalaki na panay ang excuses.. e di 
dapat nagkakaintindihan at nagwo­work ang marriage. There will be no separation or divorce!!!"

"Yeah. Lahat naman nadadaan sa usapan! Bakit kailangan pa mag­away?!?"

On­fire ako nun. So may idadagdag pa sana ako..

"Isa pa, dapat once in a while magkusa naman yung mga lalaki na tumulong­­­" may narealize ako, "Wait up, 
so.. we're agreeing here?"

Saka naman nag­step yung teacher namin nung napansin niya na nagkaroon ng agreement. That is so odd. 
Hindi siya nagsalita, kundi nakinig lang siya.

"Since we run out of time, that's your homework. You can pick your partner, whichever way basta babae at 
lalaki, and you two will pretend that you are married. Tell something that you will do, in case you are on that 
stage already. How will marriage work? Kahit anong style niyo.. to be presented or reported in front of the 
class." kinuha niya yung gamit niya. "Oh and by the way, with exception.."

Nag­alarm na nun kaya umalis na yung iba. Kinuha ko na yung bag ko pero tinuro ako nung teacher namin. Si 
Ash din eh huminto.

"I want you two to be partners." the heck why?
***16***

Ako?!? Siya?!? Kami?!? Bakit... bakit ganun?

Kung sabagay ok na rin siguro yun. Kung saka­sakali rin naman na pipiliin ng partner, isang malaking 
possibility na solo flight ako. Ayos na itong si Ash.

"Ayos naman pala eh, I want you to be my WIFE and I'll be your HUSBAND ." nakangiti siya doon.

"Ok then. I want to WIPE you off and I'll make sure there's a TRASH CAN."

"Ang galing naman ng asawa ko!"

Tinignan ko naman siya ng masama..

"Ang galing naman ng sweetheart ko.."

Tinaas ko yung isang kilay ko..

"Ang galing naman ng honey ko.."

Nakapamewang na ako..

"Ang galing naman ng baby ko?"

"ASH!!!"

Tumawa lang din siya. Tinaas niya ung isang kamay niya.

"Ok.. ok.. titigil na ako." tapos bumulong siya kaya lang narinig ko, "Ang galing talaga ng MAHAL ko.."

"Kapag hindi ka tumigil diyan.." nag­threat na ako at tinaas ko yung fist ko, "Nakikita mo itong kamay ko? 
Lumilipad 'di ba? Lumilipad sa classroom. Kapag nawalan na siya ng control sa brakes, baka mag­crash... san 
ang landing?" tinuro ko yung mukha niya.

"Nagloloko lang ako eh!" umatras siya, "Ang lakas ng pandinig nito!"

"Anong sabi mo?!?"

"Wala." nagsimula na siyang maglakad.

"Narinig ko eh. Sabi mo ang lakas ng pandinig ko."

"Eh bakit tinatanong mo pa??"
Asar na ito. May point naman siya. Bakit ko nga ba tinatanong kung narinig ko naman na?

Sumabay na ako maglakad sa kanya. Reporting o presentation? Paano mo naman gagawin yun? Anak ng 
sacramento naman oh!

"Kailangan natin ng magandang show para sa marriage..." sabi niya.. seryoso pa yan..

Nanahimik din ako at hindi ako nagsalita.

"Nag­iisip ka ba ng plano?"

"Hindi."

Binatukan ko nga ng malakas.

"Seryosong­seryoso yung itsura mo hindi ka naman pala nag­iisip." teka nga bakit ang kulit niya yata 
ngayon? "Bakit parang iba ka ngayon?"

Naglalakad pa rin kami nun. Kung tutuusin, pauwi na kami ng bahay. Nag­uusap lang kami ngayon para di 
sayang ang oras. Mukhang nag­iisip na siya ngayon.

"Chris.." lumingon naman ako sa kanya.

"Yeah?"

"Ilang anak ang gusto mo?"

Hindi niyo lang alam kung gaano kalakas ko siyang naitulak pero hindi siya natumba.

"What?!?" dinaan na lang niya sa ngiti, "I'm talking about the project. Kunwari may anak tayo.."

"Eh kasi naman yung style mo.. arrggghh! Bakit ba hindi mo alam kung kelan ang seryoso sa biro? Ang hirap 
ah!"

"O sige na nga.. saka na muna yun. Sa susunod na linggo pa naman yun eh.." lumingon siya sa gilid 
niya, "Now tell me the story after you found out Shalyna's gone.."

Sinimangutan ko nga.

"Kinuwento ko na sa 'yo 'di ba?"

"Yeah.. but not that part. The park part.."
Napaisip naman ako. Bakit ba gustung­gusto niyang malaman yung nangyari nun? Ayoko na ngang balikan 
hangga't maaari eh.

"Fine.. pero 'wag mo sasabihin kahit kanino." umupo ako doon sa damuhan ng bahay ng may bahay. Umupo rin 
siya, "Yun nga, nagpunta ako sa park at doon ako nag­iiiyak. Syempre, grade school pa ko nun.. iyakin pa ko. 
Sinipa ko yung puno ng bayabas na nandun.."

Tumawa na naman siya..

"Basta may nakita ako nun. Nagsisisigaw na ako nun at tumakbo sa bahay namin. Nagtago na ako. Nakita ko.. 
maraming tao na sa labas. Umiiyak pa rin ako nun, di ko alam kung para saan na. Sa nakita ko ba, o dahil kay 
Shalyna. The worst bit, nawala ko yung locket ko. May picture pa man din ako nun nung baby ako at nung 
Nanay ko."

Dahil saglit lang ako nagkwento, tumayo rin ako kaagad at pinagpag ko yung jogging pants ko. Siya naman eh 
nakaupo pa rin doon at tinitigan lang ako.

"Don't stare at me like that!!!"

"Ooh." natauhan yata siya, "Sorry."

Sinabayan lang niya ako magalakad nun. Malapit naman na kami sa bahay namin. Nagulat ako sa kanya.. kaya 
lang biglang nag­iba na naman.

Nag­bye na ako sa kanya at papasok na ako sa bahay namin. Bigla ba namang sumigaw ng..

"PSSST! SEXY!"

Asar na ako nun. Ayokong tinatawag ako ng sexy eh. Lumingon ako.

"Huwag mo akong tatawaging sexy ah! Ayoko no!"

"Eh bakit lumingon ka?" tumawa naman siya.

"Kasi po, pinagbabawalan kita."

Tinalikuran ko na siya nun at hawak k na yung knob ng front door namin. Seryoso na siya nun.

"Chris... kung saka­sakali ba gusto mong ma­meet yung Nanay mo?"

"Yeah. Kahit makita ko man lang siya."

"I'll pray for you.."
Nginitian ko na lang siya nun..

"Thanks."

Nagsimula na syang maglakad nun. For some reason.. hindi pa rin ako pumasok nun at hinihintay ko siya. Pero 
hindi siya tumuloy.. pumasok sa gate namin uli at pumunta sa harap ko.

"Ano na naman? Akala ko uuwi ka na?"

"I just want to tell you something.." hinawakan niya yung dalawang kamay ko.. "Tingin ko kasi ang dami mong 
dinadala masyado sa sarili mo. But.. when you got yourself handful.."

"You can always count on me.. WIFE!" di ko alam kung biro ba yun o ano,.. pero napatawa niya ko.

***17***

Matapos yung klase namin nun, sinabihan ko si Ash na pupunta ako sa National Book Store para bumili ng 
mga Art materials na pwede naming gamitin para sa Project namin sa Marriage thingy. Sabi pa nga niya 
sasama daw siya, sabi ko eh kaya ko na iyon.

Pumunta ako sa mall nun. Nasa harapan naman yung National kaya pumasok na ako kaagad. Nung dumaan ako 
doon sa mga colored papers, kumuha ako ng iba't ibang kulay. Kung tutuusin, wala pa kaming idea ni Ash 
kung papaano namin gagawin yung project namin pero bili na ako ng bili ng art materials. Kumuha ako ng mga 
tela.. at kung anu­ano pa. Pati nga iba't ibang markers nakuha ko na yata.

Nakakita naman ako ng mga libro doon sa gilid. Binabasa ko naman at naghahanap din ako ng magandang 
message kaya lang may narinig akong nagsasalita.

'Ito bang bear.. o yung pig? Ayos naman yung bear, cute yung pig? Alin sa dalawa?'

Lumingon ako kung sino yung nagsasalita. Pagtingin ko, may lalaki na nakatayo doon sa stuff toy section ng 
National at may hawak na dalawang stuff toys. Ang tangkad nga niya eh.

Tumingin lang ako doon sa hawak niya tapos nakialam naman ako..

"Kung ako tatanungin mo, mas pipiliin ko yung bear."

Hindi naman siya lumingon sa akin. Nakatingin pa rin siya doon sa dalawang stuff toys.

"Tingin mo?" tinaas niya yung bear at binalik niya yung baboy, "Bear it is."
Bumalik na ako doon sa pagtitingin ng libro kaya lang narinig kong may naglalakad. Siya pala uli. Nginitian ko 
lang siya nung nakatayo na siya doon sa dulo.

"Hey, thanks. Hindi talaga ako makapag­decide kanina pa eh. Mabuti na lang may babae dito, kung hindi ewan 
ko na talaga."

Nilingon ko naman na siya ng diretso.

"Your welcome. Ang cute naman tignan na may lalaki pala na hindi makapili kung anong stuff toy ang 
bibilihin niya.."binalik ko yung libro na kinuha ko sa shelf.

Mukhang nagulat siya sa akin, pero ngumiti lang.

"Sa girlfriend ko kasi." tinitigan naman niya ako kaya nailang ako ng kaunti, "You look familiar."

"Ganun? Itong ganito ang mukha?" inikot ko yung daliri ko sa mukha ko, "Common. Kaya familiar. Baka 
kamukha ko yung nagtitinda ng isda sa suki niyo sa palengke."

Tumawa naman siya sa akin. Dinala ko na yung basket na pinaglagyan ko ng art materials at sumabay na siya 
sa akin.

"Ang dami niyan ah.." napansin niya yung basket ko.

"Oo, may project kasi kami nung partner ko. About Marriage. Wala pa nga kaming idea eh."

Binayaran naman namin isa­isa yung kanya­kanya naming binili. Actually, marami yung akin, pen lang at stuff 
toy yung kanya. Nung makalabas na nga kami, nakisabay pa uli siya sa akin.

"Gusto mong kumain?" sabi niya sa akin, "Don't worry.. it's not a date. Just, a friendly remark. More like.. an 
encounter at the mall." nagtataka ako sa kanya tapos dinagdag niya, "Hindi pa kasi ako kumakain kanina pang 
tanghali. Treat ko."

Hindi bagay sa akin na makisabay sa stranger lalo ka kung kumain. Pero dahil mukhang harmless naman siya 
at naghahanap nga ng stuff toy sa National, sumabay na rin ako. Kung tutuusin, nakakahiya nga umorder pero 
siya pa rin yung nagbayad.

Halata ngang gutom siya kasi nung kumain kami sa Jollibee.. naubos niya kaagad yung buger niya. Natatawa 
nga ako kasi mukhang ang sarap­sarap niyang kumain. Eh ako isang kagat pa lang nun.

Nag­ring naman yung phone niya. Kinuha pa niya sa bulsa niya at sinagot din naman niya.

"Hello?" tapos nagsalubong yung kilay niya, "Oo nakabili na ako sa National! Shut up!" binaba naman niya 
kaagad.
Kakagulat naman siya. That's not the right way to talk to his girlfriend? Oh well, ayoko nang makialam.

"How come ikaw lang ang bumibili ng project niyo eh 'di ba dapat sinasamahan ka ng partner mo?"

Kumagat naman ako.

"Ako yung nag­insist na kaya ko na.. so hindi na siya sumama."

"Pero kung ako sa kanya, sasama pa rin ako."

Mabuti na lang talaga hindi ikaw siya.

"Anong year mo na?" naubos na niya yung spaghetti niya. Grabe... ang bilis niya.

"4th year high school. Ikaw?"

"2nd year college." ngumiti siya sa akin.

Nakitawa na lang din ako sa kanya. Kung tutuusin, hindi ko alam ang ikukuwento ko sa kanya. Hindi ko naman 
kasi siya kilala eh.

Hindi rin kami nagtagal doon, lumabas na kami. Ok lang daw sa kanya maghatid, pero sinabi ko na huwag na.

"O sige, ikaw bahala." nagsimula na akong maglakad nun, "Hey Miss! Anong pangalan mo?"

Lumingon ko sa kanya.

"It's Chris!"

"Chris?!?" alam ko magtataka yan.. kasi panlalaki. 

"Chrisandra."

"Ooh.." parang may na­realize siya, "Nice to meet you Chrisandra Orellana!"

Nag­wave na lang din ako sa kanya.

Dahil nga may jeep kaagad na dumaan, sumakay na ako dala­dala ko yung mga pinagbibibili ko. Grabe, 
nabusog ako doon sa kinain ko ah.

Naisip ko naman yung itsura nung lalaki kanina. Teka lang...

Tinawag niya ako sa buo kong pangalan???
***

"Ano 'tong mga pinagbibibili mo?" kinuha niya yung mga art materials sa plastic, "May idea ka na ba? Kasi 
kung ako ang tatanungin mo, tatayo lang talaga ako sa harap sa Tuesday."

Hindi naman ako nakikinig sa sinasabi ni Ash nun. Ewan ko ba, kahapon pa ako wala sa sarili ko. Nag­snap 
naman siya sa harapan ko.

"How did you know that?!?" yun na lang yung nasabi ko kaya tinakpan ko yung bibig ko.

"How did I know WHAT?"

"Wala. Nag­daydream ako." nagpalusot na lang ako.

"Sabi mo eh."

Breaktime namin nun. Lumapit naman si Shalyna sa amin at siya yata ang Mrs. Chester sa project. Panay pa 
ang swing niya ng buhok niya.

"I love your watch Shalyna!" sumigaw ako nung malapit na siya.

"I know!" tinaas niya yung kilay niya, "Mas mahal pa ito sa iyo."

Pigilan niyo ko sisipain ko itong babaeng 'to!

Medyo nainis lang ako kay Shalyna nun at pumasok na kami sa classroom namin. Ayun nga, nagklase lang din 
kami.

Nung hapon naman na at practice period namin, dinala ako ni Ash sa hagdanan. Pero yun yung steps sa may 
malapit sa garden namin. Doon daw kami mag­practice. Nagtaka naman ako...

"Gagawin natin yung kickflip. Ngayon, ganito ang gagawin mo.."

Nag­step siya pa­forward sa akin at ginawa naman na niya. Nag­buwelo pa nga siya sa malayo at umikot pa 
yung skateboard niya nung tumama na sa stairs. Simple, yet cool.

Pinasubok naman niya sa akin. Unlike yung 900 trick na complicated, nakuha ko naman ito mga sampung try 
lang naman. Mahirap din siya, pero ayos lang. Habang tumatagal, napapamahal na ako sa skateboarding.

Tawa lang ng tawa si Ash sa akin dahil ilang beses din akong natumba. Pero ganun talaga eh. Sumakit nga 
yung.. braso ko kasi patalikod lagi ang bagsak ko.

Nung pinagpapawisan na ako medyo at sinusubukan kong gawin yung trick uli, bigla na lang akong hinila ni 
Ash at sinandal niya yung likod ko sa pader. Nag­lean siya sa akin kaya akala mo yung position niya eh... alam 
niyo na. Ang lapit talaga ng mukha niya sa akin. Hindi na ako makakilos nun at mukha lang niya yung nakikita 
ko.

Biglang may nag­flash.

"Umalis ka na dito... kilala kita." sabi niya na seryosong­seryoso yung mukha niya.

Hindi naman ako yung kausap niya.

"Kukuhanan ko lang siya ng picture."

"UMALIS KA NA DITO!!!"

Natakot yata yung kung sino man yun at tumakbo na. Saka lang umalis si Ash sa harapan ko. Grabe, kinabahan 
naman ako sa kanya. Akala ko kung anong gagawin niya.

"Ano yun?" hindi ko talaga maintindihan kung anong nangyayari.

"A jackass newspaper staffer." staffer? "Gusto kang kuhanan ng picture."

Bakit naman niya ako gustong kuhanan ng picture?

"Kunin mo yung gamit mo, babalik tayo sa room."

Nung nakuha ko yung skateboard ko, nakaramdam na ako ng kaba. Kakaiba kasi yung pagkaseryoso ni Ash. 
Nung malapit na kami sa classroom, ang daming tao kaagad na sumalubong sa amin. Si Shalyna eh umiiyak pa 
nga.

What's happening?

"I can't believe you! Thief!" tinulak ako ng malakas ni Shalyna.

"What's wrong with you?"

"What's wrong with me? What's wrong with you?!" sabi niya sa akin. "You stole my watch!"

"Ako? Bakit ko naman nanakawin yun?!"

Gumilid naman yung iba at pinadaan kami ni Ash.

"Nakita namin sa pocket ng bag mo yun! Kaninang umaga lang nagagandahan ka! Tapos ngayon.." umiyak­
iyak siya uli doon.

Tinignan ko yung pocket ng bag ko. Bukas nga yun at nandun na.
Ako nanakawin ko yun? I didn't do it.

Gusto kong umiyak nun pero hindi ko magawa. Lahat sila nakatingin sa akin as if.. ako nga yung magnanakaw 
dito. Pumasok naman yung guidance counselor at hindi rin siya makapaniwala sa akin.

"Chris, uhmm.. we need to take your picture."

"But I didn't do it!"

Yung iba naman eh sinagot pa ako kung paano daw yun napunta sa bag ko. Sinabihan pa nga nila ako ng 
magnanakaw.

Yun pala ang ibig sabihin nung pagtakip ni Ash sa akin kanina. Ayaw niyang makuhanan ako ng picture.

Lalakad na sana ako kasma nung Guidance Counselor. Bakit naman pagbibintangan ako?

"Hold it!" sabi ni Ash na nakayuko na. "Wala siyang kasalanan."

"May alam ka Mr. Valdez?"

Hindi siya tumitingin sa akin nun.

"Wala siyang ginawa. I did it."

Nagulat naman kaming lahat. Tama, kaming lahat.

"Eveyone knows I'm courting her. Nung sinabi niya kaninang umaga na maganda yung relo ni Shalyna, 
naisipan kong nakawin para sa kanya. Nilagay ko sa bag niya para ma­surprise siya.. thinking na wala namang 
makakaalam." Tumingin siya sa akin pero saglit lang, "Kung may picture ninuman na dapat kayong kunin, ako 
dapat."

Siya yung may gawa?

"Ash... i­ikaw?" humawak si Shalyna sa braso niya.

Tinanggal naman ni Ash.

"It's me."

"Ok Mr. Valdez, I think you should come with me."

Nung lumabas si Ash nun sa room namin kasama yung Guidance counselor, hindi ako makahinga nun. Dahil 
ayokong may makakita na naluluha na ako, tumakbo ako sa bathroom namin.
Humarap ako doon sa salamin at doon ako nag­iiiyak. I don't think so.. hindi niya yun ginawa. He wouldn't 
steal someone else's stuff.

Nag­alarm naman na. Uwian na rin kung saka­sakali. PInakinggan ko kung wala nang mga tao doon sa room at 
ayokong makita nila na namumula yung mata ko. Ayokong makita nila na.. si Chris? Si Chris Orellana 
umiiyak?

Paglabas ko nun, may nakatayo doon sa pintuan. Inabot niya sa akin yung panyo niya.

"Ok ka lang?"

Lalo lang akong naluha nun.

"Hindi! Tingin mo ok ako?!?" gnamit ko naman yung panyo niya. "Hindi mo ginawa yun 'di ba?"

"Ako gumawa nun. Nilagay ko sa bag mo."

Sinuntok ko siya sa braso niya pero nakatingin lang siya sa akin.

"Sinungaling!"

"Paano mo malalaman kung nagsisinungaling ako?" sinabi niya yun pero seryoso siya.

"Hindi ko alam.. pero alam ko hindi mo ginawa. May tiwala naman ako sa 'yo eh. Ikaw magnanakaw?"

HInawakan niya ako sa dalawang balikat ko nun at hinarap niya ako.

"Fine. Promise you won't tell anyone." inangat niya yung ulo ko. "I didn't do it. Alam kong hindi rin ikaw. 
Sinalo ko lang dahil ayokong masama ka sa may mga records dito. Ma­disqualify ka pa sa pageant kapag may 
record ka."

"You jerk!" hinampas­hampas ko siya, "Sasabihin ko sa kanila na ako yung may gawa! Siraulo ka! I don't care 
about that stupid pageant! Why did you do that?"

"Why did I do that? Kasi ayokong sa 'yo napupunta yung sisi kahit wala kang ginawa! Why? Dahil mag­iiba 
yung tingin ng tao sa 'yo. Why? Kasi ayokong nasasaktan ka.." huminto siya. "Ang you know why?"

"Because I care about you!!!"

***18***
"Anong sabi mo?!?" nagulat ako sa kanya.

"Sabi ko... I care about you."

Gustung­gusto ko sana siyang saktan para matauhan siya. Hindi ba siya nag­iisip? Siguro nga magkakaroon 
ako ng record sa Guidance pero hindi pa naman nila napo­prove na ako nga ang may gawa nun at malaki yng 
chance na lumabas na set­up lang lahat. Pero ngayon? Umamin siya sa kasalanan na hindi naman niya ginawa. 
Wala nang reason yung office para alamin pa kung siya nga kundi bigyan siya ng record.

Sinuntok­suntok ko siya sa dibdib niya pero hindi malakas.

"Bakit ba hindi ka nag­iisip? Nakakainis ka na!"

Nung tumingin ako sa kanya, nakangiti siya sa akin. Parang walang nangyari. Mukhang ok lang siya.

"Siguro nga may record ako... but it was worth it." umakbay siya sa akin, "Tara na nga, uwi na tayo."

Habang naglalakad kami nun, hindi mo rin maiwasan na may nakatingin sa amin. Siguro kahit sila, hindi rin 
naniniwala na si Ash yung nagnakaw nun. Mas iisipin pa nga nila na ako yun.

Wala naman kay Ash kung may nakatingin sa kanya. May tumawag pa nga sa kanya kaya nag­excuse siya sa 
akin.

"Oh Hi!" seryoso pa rin siya nun, "He's not good at that?!?" narinig kong sinabi niya, "Hindi ko alam kung 
paano niya ginawa, lucky guess?"

Nakipag­usap lang siya doon. Kahit papaano, ngumingiti na rin siya. Binaba rin naman niya hindi rin nagtagal.

"Nathalie." nilagay na niya sa bulsan niya yung phone niya, "Nabingi yata ako sa kanya. Sigaw ng sigaw eh."

"Bakit naman?"

"Masyado lang siyang masaya." ibubuka na niya sana yung bibig niya para magkwento, kaya lang natigilan 
siya.

Iba pa rin yung pakiramdam ko nung mga oras na iyon. Feeling ko kasi, ako yung dapat sisihin. Kasi ang 
lumalabas eh ikaw dapat ang nabagsakan ng sisi, napunta pa sa iba. Ang nangyayari ngayon, ikaw yung 
nakokonsensya.

Parang ngayon..

"Are you going?!?"
Huh?!? May tinatanong siya?

"Ano yun? Sorry, hindi ko narinig." nawala na naman ako sa sarili ko.

"Sabi ko, dahil maraming nangyari nitong araw na ito.. bakit hindi na lang tayo mag­enjoy. Niyaya kasi ako ni 
Nathalie na sumama daw tayo sa kanila ni Kuya. May fair kasi sa kabilang town. Like, night market.. and may 
rides and all those."

"Ooh.." saka lang pumasok sa utak ko, "Are you going?"

Ngumiti lang siya sa akin.

"Kung sasama ka.. oo."

"Sure."

Umuwi lang ako doon sa amin. Medyo nanghihina pa ang pakiramdam ko nun eh. Magpapakasaya kami kahit 
na masama yung naging araw namin! At magpapakasaya kami kahit na wala pa kaming nasisimulan sa project.

Ok lang. Mas mabuti na rin siguro yun. Nagpaalam na ako sa tatay ko na maaga namang umuwi. Pumayag 
naman siya. Hindi naman yan yung tipong strict sa akin. May tiwala naman yan.

Hinintay lang ako ni Ash sa labas. Nag­blouse lang ako na isa sa binili niya at boot­cut na pants. Nag­shoes na 
rin ako at tiyak eh maglalakad kami ng maglalakad doon at wala akong balak na mag­heels.

Paglabas ko, kinuha ko yung sumbrero ko at sinuot ko. This time, hindi ball cap yung suot ko kaya nilabas ko 
yung buhok ko sa butas.

Nag­salute lang siya sa akin. Ngayon naman, papunta kami sa bahay nila at siya naman ang magbibihis. Tiyak 
din eh nandun na si Nathalie. Pagdating namin doon sa bahay nila, hindi na kinailangang magsalita ni Ash 
doon sa gate nila 'di gaya ng dati dahil bukas na at may naka­park na pulang kotse sa harapan nila. Niyaya lang 
niya ako sa loob at pinaupo niya ako doon sa sofa nila.

Hindi nga ako nagkamali. Kauupo ko pa lang eh bumaba na sa hagdan si Nathalie at open arms ba naman 
akong niyakap. Ang bait talaga nitong babae na ito sa akin.

"Mabuti naman kasama ka sa amin!!!" ang higpit­higpit talaga ng yakap niya sa akin.

"Oo nga eh.." sabi ko na lang.

May nilabas naman siyang kung ano sa likuran niya.

"Tingnan mo!" niyakap naman niya yun, "Ang cute­cute 'di ba! Ang galing talaga niyang pumili ng regalo!"
Huh? Nino? Saka.. nakita ko na yung bear na yun ah!

"Oo nga.. ang galing ko talagang pumili ng regalo.." tapos nag­wink siya sa akin.

Wait... am I missing anything? Bakit nandito yung guy na nakita ko sa National?

Bumaba naman siya sa hagdan.

"Lawrence Valdez nga pala Miss Chrisandra Orellana.. older bro ni Ash."

Ooh.. I can't believe it. Kilala nga niya ako. Kaya pala sinabihan niya ako na familiar ako.. and.. alam niya yung 
buong pangalan ko.

Pero.. hindi pa kami nag­meet before.

"Hi!" speechless ako kaya Hi na lang sinagot ko.

"Nabanggit ka na ni Ash sa akin before. And.. he's right." about what?

Lumabas na si Ash nun at syempre nagkayayayaan na umalis ng bahay nila. Hapon na nun at almost 6 na rin. 
Malakas na yung kutob ko na gabing­gabi na naman kaming makakauwi nito.

Yung Kuya ni Ash ang nasa driver's seat, at si Ash ang umupo sa harapan. Kaming dalawang babae ang 
pinaupo nila sa likuran.

"Seatbelts gals..." sabi ni Ash na lumingon sa amin sa likuran.

Sabi ko nga, safety first.

Hindi naman pala kalayuan yung sinasabi nilang 'other town'. Siguro 15 minutes away lang namin nag­drive. 
Siguro nga hindi ko pansin na malayo, parang eroplano kung magpaandar ng kotse yung Kuya ni Ash eh. 
Lawrence.. yeah, Lawrence ang name. Kaya pala pinagseat­belt kami.

Malayo pa lang kami doon sa fair, ang dami nang ilaw na nakikita mo. Ang dami ring tao. Nagkalat ang mga 
stands, at kitang­kita mo rin yung mga rides na nasa gilid.

"Chris.." bumulong si Ash sa akin nung nasa tabi ko siya, "Did I mention this is our project?"

"Ano?"

"About Marriage. Dito natin malalaman ang ideas natin sa Project."

Nagtaka naman ako sa kanya.
"How is that possible?"

"You'll see."

Nasa likuran kami nila Nathalie at Lawrence nun at silang dalawa ang nangunguna. Holding hands pa nga eh. 
Nakatingin ako doon sa kamay nila, tapos pagtingin ko kay Ash, nakatingin din siya sa akin.

Iniwas ko nga yung tingin ko. Baka magkaroon pa ng idea yan na di maganda.

"Marriage fact number 1." tumingin uli ako sa kanya, "Couples have to show their intimacy to each other. Like 
that.." tinuro niya yung kamay nung Kuya niya at ni Nathalie, "They are not married couples, but the same 
thing. Dapat hindi ka takot na ipakita mo kung gaano mo siya kamahal. Actions.. or words... either way."

Wow. Sabi ko nga may ieexpect ka sa simpleng pagbisita sa Fair. Nandito nga siguro yung project namin.

Nag­stop si Lawrence at Nathalie at lumingon doon sa amin. Kami rin eh huminto.

"Saan tayo?"

"Let's go shopping!" sumagot naman si Nathalie.

"Nathalie, pwede tayong mag­shopping mamaya. Mag­rides kaya tayo?"

"Shopping muna bago rides."

Nagtinginan kami ni Ash nun. Sa unang tingin, parang mag­aaway yung dalawa ah. Bumulong na naman si 
Ash sa akin.

"Marriage fact number 2. Decisions."

Nagtatalo pa rin yung dalawa pero hindi naman yung tipong sigawan na.

"Kapag may gusto kang isang bagay, so as the other party at hindi kayo makapag­desisyon kung anong 
gagawin niyo.. it leads to.. arguments. In short, the other one should.."

Natigilan naman siya. Narinig ko si Lawrence nagsalita.

"O sige na nga, shopping na muna."

Nag­yehey naman si Nathalie na parang bata. Ako naman nagtapos nung statement na sinasabi ni Ash.

"The other one should give way for the other."

"Right."
Ganun pa rin kami, pasunud­sunod doon sa dalawa. Habang tumatagal kahit na palakad­lakad lang din kami 
doon, naeenjoy ko na rin yung sinasabi nilang 'shopping.' Hindi kasi ako matiyaga sa ganito noon, unlike any 
other girls. Ang daming binili ni Nathalie na accessories para sa kanya at para kay Lawrence. Tawa lang kami 
ng tawa.

Si Ash naman eh nagpunta doon sa gilid sa may matanda. Mamaya lang, may dala­dala na siyang plastic na 
may laman ding kung ano.

"Bracelet." sabi niya tapos nilabas niya, inabot niya sa akin.

"Binilihan mo na naman ako ng bracelet?"

"Nah.. yung last one anklet yun remember? Not bracelet."

Ganun na rin yun. Basta binilihan din niya ako.

Nung nilabas niya, dalawa pala yun. Isa sa kanya, isa sa akin. Napansin ko naman na may design yung kanya, a 
key. Yung sa akin naman, parang maliit na lock. Otherwise, hindi naman siya de­lock. Design lang talaga.

"Marriage fact number 3. One can't work out without the other."

Grabe, saan niya kinukuha yung mga sinasabi niya sa akin?

Pero parang alam ko na yung sinasabi niya.

"Ang ibig mong sabihin, sa marriage.. para mag­work smoothly.. the wife needs her husband.. and vice versa. 
Parang sa lock, it won't open kung wala yung key." sabi ko naman.

"No. Actually.. binili ko lang ito. More yet, a symbol. I got the key to someone's heart."

Tinaasan ko naman siya ng kilay ko tapos ngumiti siya.

"I'm just kidding. Tama ka."

Nung nag­iikot kami at panay na rin ang bili namin, may nakita naman akong cap na naging sanhin ng pag­ikot 
ng mata sa akin ni Ash pero pabiro lang. Kulang yung pera ko, so dinagdagan niya. Nalaman ko na rin ang 
Marriage fact number 4. Money daw. Dapat daw eh marunong mag­manage at mag­share ng pera ang couples. 
In that way, walang sumbatan na nangyayari.

Naupo kami doon sa benches at sumakit daw yung paa ni Nathalie. May mga bata pa nga doon sa gilid. Hindi 
rin nagtagal, natutunan ko na rin yung Marriage fact number 5, which is.. Kids. Ang kids daw kasi eh 
magandang result ng marriage. It's like.. a gift. Well.. not 'like' .. it's really a gift.
Nung nakapamili na kami ng kaunti, napunta kami doon sa part na panay tayaan na. Perya nga eh no?!? May 
mga matatanda pa nga doon na umiinom eh. At syempre.. may mga pera na involved.

"Marriage fact number 6, Drinking.. gambling.. and girls."

Narinig naman ako ni Lawrence.

"Ginagawa niyo pala project niyo ah. Tama yan."

Tumingin si Ash sa akin.

"Ok, your right. Mas madalas kasi magkaroon ng bisyo yung mga lalaki.. drinking, gambling.. and alright.. 
girls. Pero take note, hindi naman lahat."

Sabi nga nila, maganda pala na nakikita mo sa sarili mong observation yung mga bagay­bagay. Mukhang 
naniniwala na ako. This fair thing, although masama yung start ng araw, maganda rin pala ang maidudulot sa 
amin.

May mga tindera naman doon sa gilid na panay ang daldal para may customers na bumili sa kanila. Yung tingin 
ni Ash sa akin nun ng nakakaloko. Parang alam ko na yung Marriage fact number 7. It's about girls... who love 
to talk.

Nagpunta kami doon sa hotdog stand sa may gilid para kumain ng kaunti. Nung hinihintay namin yung inorder 
namin, may sumisigaw naman sa taas namin. Pagtingin namin...

"Oh my god! Tatalon siya?!?" naunahan ako ni Nathalie mag­react.

"That's bungee jumping. Tatalian ka nila sa waist mo... some body protection.. then tatalon ka. Yung iba 
ginagawa nila yan sa bridge.. pero dito.. platform eh. About 250 ft."

Parang tumatatak sa isip ko yung sinasabi ni Lawrence. Napatingala ako doon sa tumalon. Ang taas nun.

"You can't do that!" sabi ni Ash sa akin na nakatingalan din sa taas.

"Kaya ko no! Hindi ako takot!"

"No.. you don't."

Sinusubukan nga yata niya ako eh no? Oh well, para tatalon ka lang ng ganyan ka taas! Kaya ko yan. Tapos 
tipong... babaliktad yung buong katawan mo? Sus!

Binilisan ko yung lakad ko. Walang pila doon kasi konti lang yung nagta­try. Narinig ko naman na sumisigaw 
si Ash.
"Chris! Huwag na! I'm telling you!" dire­diretso pa rin ako. "Hindi kita dina­dare na gawin mo! 
CCCHHHRRRIIISSS!!!"

Lumapit ako doon sa lalaki na nagaassist doon sa mga nagtatry. Tinanong ko kung magkano.. sabi niya P35 
lang daw. Kaya ayun, nagbayad naman ako at syempre.. sinimulan niya ako lagyan ng strap.

Sa totoo lang, medyo nanginginig na rin ako nun. Kaya lang, minsan nga yung mga kinatatakutan mo eh 
pinakamagandang adventure sa lahat. Isa na siguro ito.

After ilang minutes ng paglalagay ng strap sa akin at pagse­secure nila... ready na rin ako. Hihintayin ko na 
lang yun tamang signal nila... tatalon ako.

Nung sinabi ko na ok na ako.. bigla ba namang may lumapit sa akin at ini­strap niya yung tali niya sa akin.

"Ash!" magkaharap na kami nun at siya rin eh naka­strap.

"Hindi ka tatalon ng wala ako."

"Kaya ko na 'to!"

Nag­signal siya doon sa lalaki na magkasama daw kaming tatalon. Magkaharap na kami nun. Tumaas na ng 
tumaas yung platform.. at syempre.. kabado na ako.

Tumataas na at tipong.. ang liit na nung mga tao sa baba. Huminga ako ng malalim.

"Marriage fact 8, 9 and 10."

"Hanggang nagyon ba naman yan pa rin ang iniisip mo?" sobrang lakas na ng tibok ng puso ko.

"Number 8, Honesty. Sana sinabi mo sa akin na natatakot ka.. hindi mo tinatago yung emotions mo. Pwede pa 
tayong mag back­out kung gusto mo."

"Hindi tayo magba­back­out." humawak ako sa braso niya dahil kaharap ko lang naman siya. "Tatalon tayo. 
Scary stuffs are usually one great adventure."

"Pero kung natatakot ka... dito lang ako. Kumpait ka lang. That's number 9.. Trust." yumakap siya sa 
akin. "Ilagay mo yung kamay mo sa likod ko.." ginawa ko naman, huminga rin siya ng malalim, "Remember.. 
humawak ka lang sa akin. Huwag kang magdududa... Trust me.. I'll hold you."

Hinihintay na kami nung lalaki na tumalon. Dahil open yun.. pwedeng­pwede na. Sa pinakababa.. may 
malaking balloon na pwedeng sumalo sa amin. Mukhang malambot naman.

Nag­step forward na kami ni Ash. Ito na yun.
"This is the hardest part among all. Number 10."

"Inaamin ko na.. kinakabahan na talaga ako." humawak na ako ng mahigpit sa kanya.

Nag­incline na kami at kung may tumulak man sa amin ngayon.. eh mahuhulog na kami.

"In marriage you'll realized.. when everything's seemed to fall apart.. the hardest part is to let your love one 
to.." humawak siya sa akin ng mahigpit.. "GO."

That same moment he said go... doon kami tumalon. It sounds crazy but...

It was the weirdest feeling ever!

***19***

Para akong lumilipad nun. Basta, parang ganun yung nangyari.

Unfortunately nung nakababa kami doon, medyo hilo pa ako at wala ako sa sarili. Weird pala talaga sa 
pakiramdam kapag nag bungee jumping ka. Bukod sa parang naiwan yung puso mo sa taas at bumagsak ka ng 
pabaligtad na pakiramdam mo eh hindi tumitigil sa pag­spin ang mundo... worth it naman lahat. Tinanggal nga 
nila yung strap namin kaya nahulog kami doon sa malaking balloon sa baba. Hindi naman masakit. Tawa lang 
kami ng tawa ni Ash nun.

Nagpahinga lang kami ng kaunti at narinig namin na lumapit si Nathalie at si Lawrence. Panay ang sigaw ni 
Nathalie sa amin.

"Ano ba kayo?!? Nakakainis naman kayong dalawa! Bakit niyo ginawa yun? Aatakihin pa ko niyan sa puso! 
Ang taas­taas nun! Ano bang nasa utak niyo?"

Inakbayan naman siya ni Lawrence.

"Nathalie, tama na. Tapos na nga eh. Nakatalon na sila.. and they're both fine. So what's the fuzz all about?"

Medyo kakaiba pa yung pakiramdam ko sa tiyan ko at inalalayan ako ni Lawrence na tumayo since si Ash eh 
hawak­hawak yung ulo niya. Kung ano siguro pakiramdam ko ngayon, ganun din sa kanya.

"You should try that Nathalie... one time."

"Ako?!? Hindi ko ita­try yan! Ano ba yan?!?"

"Flying!" sabi ni Ash.
See? He felt it. Pakiramdam niya lumilipad din siya siguro. Kahit na hindi ko siguro tanungin, parehas kami ng 
naramdaman.. parehas kami ng iniisip.

Teka, may inisip nga ba ako nun? Wala eh. Basta ang alam ko, blank yung utak ko at kung ang alam ko lang eh 
weird ng pakiramdam ko.

Inabot nila sa akin yung hotdog sandwich na inorder namin kanina. Pero ako naman, panay lang ang sabi na 
wala na akong gana.

Well... sino ba?

Nag­rides na nga kami doon. At yun nga, prang yung kaba ko sa heights kanina eh nawala na. Ganun pala yun 
no? Kapag na­try mo na yung isang bagay na iniisip mong nakakatakot at nasubukan...pakiramdam mo kaya 
mo na lahat.

Nag­ferris Wheel nga kaming apat eh. Two­some. Pero unlike sa bungee­jumping, so­so na ang ang 
pakiramdam ko. Naeenjoy ko na yung hangin.

"Grabe.. hindi ako makapaniwala na tinalon natin yun!" sabi ko sa kanya na naka­todo ngiti pa ako.

"Yeah.. me too." sabi naman niya. "Yung sumbrero mo nga nawala eh."

Napahawak naman ako sa ulo ko. Oo nga pala, nalimutan ko na yung sumbrero ko. Kailan pa ba ako walang 
suot? Sayang yun ah! Binili ko pa man din yun sa SM.

Sumakay din kami nung rollercoaster nila. Actually nakakatakot nga kasi feeling mo baka masira na lang yun. 
Alam mo naman kapag perya, hindi ganun ka­safe. Pero so far, wala namang nangyaring masama sa amin nung 
bumaba kami.

Dahil masyado kaming nag­eenjoy lahat, sinubukan naming tumaya doon sa perya. Tawa ako ng tawa kay 
Lawrence paano nanonood siya nung color game.. sumunod na lang na nakita namin eh naglagay ng isang 
buong P100. Pipigilan sana namin dahil sayang yun kapag natalo siya. Pero lumabas na triple yung color niya... 
kaya pagbalik niya eh may P400 na siya. Grabe.. tsamba? O nag­observe? Siguro nga lucky pick. Nung nanalo 
siya nun, umalis na kami at nag­rides uli.

Para kaming mga bata nun na naghihilahan sa rides. Kami ni Nathalie eh pabili lang ng pabili sa dalawang 
lalaki... yaya ng yaya kung saan o kaya naman eh uutusan namin gawin ang isang bagay.

Overall... masaya lahat. Ngayon lang yata ako nakaramdam ng ganito. First time na naramdaman ko na... may 
mga kaibigan ako. Kahit na malaki yung possibility, one­night time lang ang lahat.

"Horror House tayo!" narinig kong sinabi ni Lawrence kay Ash.

"Oo nga! Doon tayo!"
Naglalakad kami ng isang line nun. Kaming dalawang babae eh nasa gitna at nasa gilid naman namin yung 
dalawang lalaki. Nag­appear pa nga sila sa taas namin. Para kasing Twin Tower yung dalawa. Akala mo eh 
laging may stock ng growth hormones sa katawan.

Hindi naman ako takot sa Horror House. Sus para yun lang!

Nagbayad pa kami ng tumataginting na P30 bawat isa. Pumasok kaming apat doon at syempre.. kanya­kanyang 
lakad na.  Dahil si Nathalie eh nasa kanan ko, sigaw siya ng sigaw. May mga bagay din doon sa loob na 
ikinagulat ko.

May mga coffins, may mananaggal pa nga eh, may puno doon na may kapre, duwende, may vampire, at kung 
anu­ano pa. May kung ano ngang mabalahibo na humawak sa paanan ko kaya nagulat ako at napatalon ako 
bigla. Sa totoo lang, may nahawakan akong braso ng may braso. Hindi ko alam kung kanino. May mga lalaki 
pa nga na sumisigaw ng... 'Yung mga nanghahawak nga diyan, pwede pakialis yung kamay niyo?!?'

Excuse me? Kung siya man yung nahawakan ko, hindi ko siya hinihipuan. Ang kapal naman ng mukha niya 
kahit hindi ko siya makita!

Wala ngang masyadong kwenta yung horror house. Pero sa simpleng perya, napabilib din nila ako kahit konti 
sa effects nila. Nung nakakita na naman kami ng maraming ilaw, tawa ng tawa yung dalawang magkapatid sa 
amin. Lalung­lalo na si Lawrence na hawak pa niya yung tiyan niya saka yung tuhod niya.

"Nakakatawa ka Nathalie!" sabi niya na namumula na yung mukha niya kakatawa, "Sigaw ka ng sigaw!"

Nananahimik lang ako doon. Tumingin ako kay Ash at siya naman eh halatang nagpipigil ng tawa niya. Iniwas 
niya yung tingin niya sa akin.

"Bakit, may nakakatawa ba?"

Hindi naman ako sumigaw eh. At least alam kong hindi.

Teka, hindi nga ba?

"Hindi naman ako sumigaw 'di ba?" ako sisigaw? That is so not me.

"Bro, kailangan kong bumili ng hearing aid." sabi niya sa kapatid niya saka tumingin siya sa akin, "And a cast 
for my left arm."

Hinampas sila parehas ni Nathalie ng purse niya. Yun sagot niya, isa lang ang ibig sabihin nun... sumigaw nga 
ako. At higit sa lahat, siya yung nahawakan ko. Oh well, fair enough.

Nung gabi na rin nun at syempre eh napagod na rin kaming lahat kakalakad at kaka­try ng mga rides, naisipan 
na rin naming umuwi at tiyak eh puyat na rin kami kinabukasan. May pasok pa man din kami.
Inaantok­antok na rin ako nun pero pinigilan ko. Nakita na namin yung kotse ni Lawrence at isa­isa na naman 
kaming sumakay doon. At parang airplane nga kung magpaandar... saglit lang eh nasa tapat na ako ng bahay 
namin.

Nag­goodnight lang ako sa kanila.. at pumasok na ako ng bahay namin.

***

Pumipikit­pikit pa yung mata ko nung makarating ako sa school kinabukasan. Ikaw ba naman eh umuwi na ng 
almost 12 tapos gigising ka ng 5 o' clock! Tama ba naman yun? Pero at least, ok naman yung araw na iyon.

Pumasok ako sa Ladies Restroom at naiihi na ako nung mga oras na iyon. Nung natapos ako eh nag­flush na 
ako. Bubuksan ko na sana yung pinto kaya lang may narinig akong pumasok.

"Ilang beses ko bang sasabihin hindi ko nga alam kung sino ang may gawa nun!" sabi ni Shalyna at naririnig ko 
yung crew niya sa gilid. "Nung nalaman ko nga na nasa bag pala niya, akala ko nga si Chris talaga yung 
nagnakaw."

Narinig kong may mga kung anu­anong bagay silang nilabas.

"Tingin mo si Ash nagnakaw talaga nun?" sabi nung isang girl na hindi ko naman mabosesan kung sino.

"Of course not! Si Ash magnanakaw? I really like Ash! He's super hot. I can't believe I dumped him last 
year." " But he's still stupid. If I know, sinalo lang niya yung kasalanan ni Chris! Pero tingin ko hindi rin si 
Chris ang may gawa nun. Magkasama silang nagpa­practice buong maghapon eh. Sinadya ko lang na isisi sa 
kanya para ma­disqualify siya sa contest. Hello? Humahabol na siya sa votes ko." makasarili talaga yung bruha 
na ito, "Ang gusto ko ngang malaman eh sino naman yung galit sa kanya para iset­up siya 'di ba?" ikaw lang 
naman ang galit na galit sa akin, "It's the kind of thing that I will do, But I didn't."

Narinig kong sinabi nung isa na naiihi siya. Nagsisibukasan na yung pintuan kaya kinabahan ako at baka 
makita nila ako na nandidito. Mabuti na lang at nagyaya si Shalyna na lumabas na kaya sumunod na yung mga 
kasama niya.

Saka lang ako lumabas ng stall nun. Kung hindi si Shalyna ang may gawa nun... sino?!?

Lumakad na ako nun pabalik sa classroom namin. Saglit lang din at nagtitingin­tingin ako sa mga classrooms, 
may humarang na naman sa haapan ko at parang na­blind ako sa flash ng camera.

"What?!?" sabi ko na lang at kinuhanan na naman ako ng picture, "Para saan yan?"

"School paper. Alam mo yung movie na Wrongfully Accused? May article kasi kami tungkol doon. At 
syempre, mali yung ikaw yung napagbintangan. Ano nga pala masasabi mo kay Ash dahil nanliligaw siya 
ngayon 'di ba? Turn­on ba na sinabi niya yung totoo, o turn­off dahil nagnakaw siya?"
Tinulak ko naman yung lalaki na yun. Susuntukin ko na talaga siya.

"Ooh!" narinig kong may nagsalita sa likuran ko, "Chris Orellana making a new scene again?"

Dahil wala akong panahon sa ganyang bagay ngayon, tinalikuran ko lang siya.

"Naduduwag?!?"

Dahil ayoko ng tinatawag ako na naduduwag, humarap ako sa kanya.

"What's your problem?" nakataas na yung kilay ko nun.

Ginaya naman niya yung position ko.

"The problem is, I don't like you. At ayokong nandito ka!"

"Well, kung ayaw mo ko, e di mag­transfer ka sa ibang curriculum!"

"Hey girls.. tama na nga! Lagi na lang kayong nag­aaway na dalawa!" dumating na naman si Chester.

"Sabihan mo nga yang babae na yan! Sa dami naman kasi ng maka­crushan yung pangit pa na yan!"

Lalo akong hindi makakilos nun. Si Chester?

"Simula naman ng dumating siya dito, trouble na siya eh. I bet she inherited it from her Dad!" sabi ni Shalyna.

"Huwag mo ngang idadamay yung tatay ko dito!" dahil napikon ako, tinulak ko talaga siya ng malakas at 
nasampal ko pa nga siya.

In return, sinampal din niya ako.

Walang sabunutan na nagyari sa amin. Pure sampalan lang talaga. Usually kasi ang ginagawa ko, nanununtok 
ako. Ewan ko kung anong nangyari sa akin ngayon.

Saglit lang din, may umawat na sa likuran ko at may umawat din kay Shalyna. Si Chester ang may hawak sa 
kamay ko, at Ash naman eh hawak­hawak si Shalyna.

"Ano na naman 'to?" sabi niya na mukhang naiinis rin.

"Why don't you ask that freaky girl! Warfreak!"

Ako pa ngayon ang warfreak?!? Hindi ko na nga siya pinansin, ako pa ngayon ang mapapasama!
Umiyak na si Shalyna doon sa shirt ni Ash. Tinaas pa nga ni Ash yung dalawang kamay niya na akala mo eh, 
nandidiri.

"Tinulak niya ko.. then she slapped me!"

Tumingin si Ash sa akin.

"You did?!?"

"I was just..." ikukuwento ko sana yung nangyari, kaya lang naisip ko.. why bother? "Yeah I did!" tinanggal ko 
yung pagkakahawak ni Chester sa kamay ko.

Hindi talaga ako umiyak 'di gaya ni Shalyna. Tinigasan ko pa lalo yung mukha ko. Hindi ako papatalo sa 
kanya. 

At that very moment, parang stunned si Ash sa akin na hindi ko maintindihan. Titingin siya sa akin, tapos kay 
Shalyna. Sa akin, then kay Shalyna.

Para saan naman yun?

Inalis ko yung pagkakahawak ni Chester sa kamay ko at tumalikod na ako para umalis. Ang aga­aga, sira na 
naman yun araw ko. Mabuti na lang walang teachers at nasa teacher's lounge pa sila.. dahil kung hindi, baka 
may detention na ako ngayon.

Binilisan ko yung lakad ko. Hindi ko nga alam kung saan ako pupunta eh. Pero saglit lang din, may humawak 
na sa braso ko.

"Anong palabas yun?" sabi niya sa akin.

"Anong palabas? Wala. Warfreak nga ako 'di ba?" dire­diretso pa rin ako maglakad, "Bakit hindi ka na lang 
bumalik doon?!?Alam mo ba kung anong narinig ko na sinabi ni Shalyna kaninang umaga? She thinks you're 
super HOT! Wow, I'm happy for you. The deal's working isn't it? The deal's working on your part!" sarcastic pa 
yung pagkakasabi ko sa kanya.

Nagisip­isip naman siya. Hindi siya nakatingin sa akin. Hindi siya mapakali nun. Ewan ko ba.

Bigla na lang siyang yumakap sa akin. Tinutulak ko siya nun.

"Keep your distance will you? Baka nakakalimutan mo yung Rule­13!!!"

Hindi pa rin niya ako binitawan nun.

"Bakit ba lagi mong pinaniniwalaan yung Rule­13 na sinabi mo? Huh?" narinig ko na lang na sinabi niya, "The 
deal's not working on my part if you keep believing that!"
"Hindi ako rule breaker! Please... let me GO!!!"

Ang higpit talaga niyang yumakap nun. Naguguluhan na ako sa kanya nung mga oras na yun. Kagabi lang ok 
kami, ngayon naman inaaway ko siya.

Ano ba talaga?

"Our deal's on paper!"

"Sinabi ko na yung rule­13! At umagree ka!" tinulak ko na talaga siya nun at tumayo lang siya sa harapan ko.

"I know your not a rule breaker. Your not. The deal's in that paper I gave you. You know that!" sabi niya sa akin 
tapos tumalikod na siya, "At gusto ko lang liwanagin lahat... sana maalala mo yung araw na sinabi mo yung 
rule­13..."

"I can't remember I said YES to it."

***20***

Matapos niyang sinabi yun, iniwan niya akong nakatayo at dumire­diretso na siya sa pag­alis niya. Ako naman 
eh tumalikod din sa kabilang direksiyon at nagsimulang maglakad papunta sa garden. At least doon walang tao 
at tahimik.

Nung nakaupo na ako mag­isa sa bench, saka na ako nagisip­isip kung ano ba talaga yung deal na pinasok ko. 
Forget about the whole 'Rules' thing, gusto ko lang pag­isipan eh yung Deal in general.

Para saan nga ba yun???

I know this deal means alot to him. Si Shalyna, selfish naman yung bruha na yun. Gusto niya lahat ng attention 
nasa kanya. Lalo pa ngayon at ako yung archenemy niya na bigla na lang nabigyan ng atensiyon galing sa 
skateboarding captain, parang sinaksak na rin siya sa likuran niya dahil lumalabas na pinagpalit siya ni Ash sa 
akin. Then... she'll realized she likes Ash. Oh wow! Big deal! Lahat naman yata gusto niya. Tapos anong 
gagawin ni Ash? Gaganti sa kanya? I like the idea... so case closed.

Eh ako naman... para saan? Isa na siguro sa reason ko eh si Chester. Ok, I like him. May crush na ako sa kanya 
dati pa. Hindi ko lang inaamin sa sarili ko. Pero dahil si Shalyna nga ang lagi niyang kasama, parang 
tinatamaan na rin ako. In short, nagkabaliktad kaming dalawa. And of course, the pageant thing. I don't want to 
look stupid in front of everybody. Ilang beses na akong nagmukhang ewan sa kanila, ayoko nang masama pati 
yung ibang guests sa araw na iyon. And it's a chance to prove na Chris... is Chrisandra. More of a Miss... not 
Mister...
I don't care about those 12 rules. Ni­hindi ko na nga sila matandaan eh! Rule­13 lang talaga ang 
pinapakialaman ko. Hindi nga ba siya pumayag noon? Hindi ko na matandaan. Pero sinabi niya eh. Ang 
masaklap pa sa lahat, wala pa yun sa papel na sinulat niya. Bakit ba hindi ko yun naisip noon?

At ano nga ba si Ash sa akin? Natatakot ba ako sa kanya kaya ganun ko na lang kagusto na may distance sa 
aming dalawa? Ewan ko ba. Ang gulo ng utak ko ngayon.

Nag­alarm na at magsisimula na yung first class. Tumayo na ako doon sa bench at pumunta na ako sa 
classroom.

Naupo ako doon at dinaanan ko pa si Ash. Hindi kami nag­usap na dalawa. Papalipas oras na lang muna kami 
siguro.

Nagklase kami ng walang imikan. Ganun din ako sa kanya. Mukhang hindi nga rin siya nakikinig nun kagaya 
ko. Paano ba naman nung tinignan ko siya sa kabilang table nagda­drawing lang siya sa notebook niya. Narinig 
ko na lang na sinabi niya ng mahina...

"Cinderella.." ano daw?

Hindi naman siya ganun kagaling mag­drawing pero kitang­kita mo na may babae doon na naka­gown tapos 
may lalaki na naka­kabayo.

"Cinderella?"

Ngumiti lang siya sa akin.

"Kita mo sa drawing na niyayaya siya nung Prince 'di ba? Pero nagdadalawang isip siya. Sabi nga ni 
Cinderella, 'Do you love me because I am beautiful, or am I beautiful because you love me?' "

Nagtataka naman ako sa kanya.

"Yeah.. so?"

"Hindi niya kasi naiintindihan. Bakit nga naman magugustuhan ng Prince yung isang tulad niya? She's nothing 
more but a servant. Pero dahil nagkakilala sila at naipakita niya yung personality niya, kahit na short term lang 
silang nagkakilala... that made her special among others. So ang nangyari, mahal siya ng Prince hindi dahil 
maganda siya, kung hindi maganda siya sa paningin niya dahil mahal niya siya."

Siguro kung ganito yung mga sinasabi sa akin, normal lang sa akin na malito. Pero ngayon, parang 
naiintindihan ko.

"Sounds cool.." kinuha ko yung papel, "Para saan naman 'to?" tinaas ko yung papel niya.
"Wala lang.." tumingin siya uli sa akin, "Just.. something."

Nung sinabi niya sa akin yun, napaisip ako lalo. Hindi yun wala lang... mas pinaniwalaan ko pa yung 
pangalawa. It'ssomething.

Medyo peace na kaming dalawa nun. Actually, hindi naman talaga kami nag­away. Nagkailangan siguro.. oo. 

Walang masyadong nangyari sa klase maliban sa nakakuha ako ng masamang tingin galing kay Shalyna at 
tinanong niya ako tungkol doon sa 'cute' bracelet na suot ko. Nung sinabi kong galing kay Ash yun, parang nag­
usok ang ilong sa akin.

Lunch break na namin nun at kumakain ako sa cafeteria. Saglit lang eh tumabi na naman si Ash sa akin at 
nilapag ba naman yung skateboard niya sa lamesa kaya pinababa ko. Tinignan ko lang siya.

"Paano natin ipe­present yung Marriage natin?"

"You mean.. paano natin maipe­present yung report about Marriage.. hindi 'Marriage natin'" tinama ko pa 
siya, "Yung regular reporting na lang." sabi ko sa kanya habang kumakain ako ng spaghetti.

"O sige. Magdadala na lang ako ng laptop para makagawa tayo ng Powerpoint Presentation.. then projector. 
Kung gusto mo gawan natin ng small script."

"O sige. Paano?"

Lumapit naman siya sa akin para walang makarinig sa sasabihin niya. As if naman may manggagaya pa sa 
amin eh wala namang kwenta yung presentation namin.

"Kunwari yun nga, married na tayo. And then meron tayong small couple conference.. at yung mga classmates 
natin ang audience. In short habang pine­present natin yung report, may kaunting drama lang tayo." saka lang 
siya lumayo.

"Oo na bahala ka na.. wala talaga akong maisip ngayon."

Nag­order na rin siya ng kakainin niya at bumalik din naman siya kaagad. Natapos din naman akong kumain at 
siya naman eh nagsusulat pa nung script na kung ano ba yun.

"Nakita ko sa hospital si Mrs. Salinas dati, nagpapacheck­up. Kauuwi lang galing ng States.." hindi naman siya 
nakatingin sa akin.

"Sino?"

"Yung Mommy ni Shalyna. Nagmana nga siguro si Shalyna sa Daddy niya eh, paano yung Mommy niya 
mabait naman."
"Kauuwi lang galing ng States? You mean, bumalik si Shalyna mag­isa dito sa Pilipinas?" kawawa naman din 
pala siya kung ganun.

"Oo. Ayaw niya daw doon. Sa bahay nga yata nila, mag­isa lang siya kasi yung parents niya nasa America 
parehas." tapos tinabi rin niya yung sinusulat niya para kumain na rin, "Hindi ko pa nga na­meet yung Mommy 
niya dati."

"Ako rin, hindi ko siya na­meet. Although kaibigan ko siya before, madalas din wala yung parents niya sa 
bahay nila. No wonder wala siyang parental guidance."

Biglang nanahimik si Ash. Ewan ko ba kung anong nangyari sa kanya at bigla na lang nag­iba yung itsura niya. 
Gaya na naman kanina.

"Bakit ganyan yung itsura mo? May sakit ka ba?" hinawakan ko siya sa noo, wala naman. "Ash, can I tell you a 
secret?"

"Sure." sabi niya sa akin pero kakaiba pa rin siya tumingin.

"Wala pa akong napapagsabihan nito. Kahit isa sa mga Kuya ko o sa Tatay ko." huminga ako ng malalim, "Di 
ba nabanggit ko sa 'yo na may nakita ako sa park nung araw na umalis si Shalyna?"

"Yeah.. at hindi mo pa sinasabi sa akin ano." tuloy pa rin siya sa pagkain niya.

"I did see somebody that day. Lalaki. Nakadapa sa damuhan... may dugo yung damit. Dahil grade school nga 
ako, inisip ko patay na. Kinabahan ako at baka ako yung pagbintangan kung saka­sakali. Tumakbo ako at 
nagsisisigaw. Na­shock siguro ako kasi lalo akong nag­iiyak eh. Pagbalik ko sa bahay namin, binalita sa akin 
ng Tatay ko na may ambulansiya daw kanina kaya may traffic."

Nakikinig lang si Ash sa akin nun, pero tahimik lang siya.

"Hindi ko alam kung anong nangyari. Hanggang ngayon nga dala­dala ko pa rin sa konsensya ko yun eh. 
Pakiramdam ko sana man lang may ginawa ako para tulungan siya. Instead, tinakbuhan ko. Alam mo yun! Ang 
gulu­gulo na kasi ng utak ko nun. Halu­halo na." sumandal ako doon sa upuan, "Sinisisi ko nga yung sarili ko 
minsan. Iniisip ko baka may nangyari pa lalong masama doon."

Na­choke naman si Ash kaya inabot ko sa kanya yung ice tea niya.

"You what?!?"

"Sabi ko sinisisi ko yung sarili ko minsan. Pero matagal na yun..."

Ngumiti lang siya sa akin ng nakakaloko.

"Bakit mo naman sisisihin yung sarili mo? Bata ka pa nun, anong malay mo sa bagay­bagay?"
"Promise me you won't tell anyone. Baka kasi isipin nila.. ang sama­sama kong tao." tumingin ako sa 
kanya, "Baka nga ikaw iniisip mo sana may ginawa man lang ako."

"Ako?!?" tinuro pa niya yung sarili niya, "Nah, I wouldn't think that. Nangyari na yun.. hindi na maibabalik."

Nag­lean naman siya sa table at humawak siya sa kamay ko.

"Trust me, I won't tell anyone." sabi niya sa akin, "Mas nakakagaan kung nagsha­share ka ng mga nasa 'yo. 
Kagaya ngayon."

"Ok.." sab ko naman sa kanya.

"Huwag kang matakot magsabi sa akin. Kaya nga nandito ako eh. I'm your boyfriend!"

Napalunok ako bigla at inalis naman niya yung kamay niya sa kamay ako at umatras siya para sumandal sa 
upuan niya. Parehas kaming nagulat parehas.

Honestly, moment na yun na seryoso tapos bigla na lang napasok yung ganun.

"Anong sabi mo?" mali lang siguro yung dinig ko.

"I uh... I'm your..."

"GUY FRIEND!! You know what I mean.." tapos nun, uminom siya ng ice tea niya.

***21***

Ang weird talaga niya no? Pero parang may napapansin na rin ako sa kanya. Hindi naman ako innocent sa 
ganitong bagay. Pakiramdam ko nga may malaking possibility na ma­break niya yung Rule­13.

Teka teka.. ma­break yung rule 13? sa akin? Ang kapal ko naman siguro. Kung anu­ano na naman iniisip ko.

Nung hapon din nung araw na iyon eh nagpunta ako sa bahay nila para mag­practice kami nung presentation 
namin about Marriage. Umakyat naman siya sa hagdan nila at magpapalit daw siya ng shirt dahil naiinitan na 
siya. 

Sakto namang lumabas si Lawrence nun na mukhang kagigising lang yata. Hindi nga niya ako napansin na 
nakaupo doon dahil nagdire­diretso siya sa paglalakad niya at hawak­hawak pa niya yung ulo niya na akala mo 
eh nagkakamot ng ulo.
"Ash! Nakita mo ba yung pain reliever? Masakit yung ulo ko ngayon." sumigaw siya doon nung nasa dining 
table siya.

"Nasa drawer! Kunin mo na lang!"

Tumayo naman si Lawrence at naghanap ng pain reliever daw.

"Saang drawer?" sabi niya tapos binuksan niya yung isa.

Saka lang niya ako nakita nun.

"Hi Chris. Nandito ka pala, hindi kita nakita." ngumiti pa siya sa akin.

"Hello."

Lumabas naman na si Ash nun at binuksan niya yung kabilang drawer kaya naiabot na niya kay Lawrence. 
Saglit lang din eh umupo na siya sa sofa kasama ko.

"Hindi yan pumasok ngayon eh.. kanina pang umaga masakit yung ulo." sabi niya tapos inalis niya yung 
papel. "So.. simulan na natin?"

"Sure." sabi ko naman sa kanya, "Doon na muna tayo sa script natin. Yung Powerpoint naman madali na yun 
dahil ilalagay lang naman natin bawat slide yung 10 Marriage facts."

"Ok ok. Sige simulan na lang natin yung script."

Tumayo naman kami parehas nun at hindi ko pa alam kung anong script ang gagawin namin.

"O sige ganito. Ang simula natin eh papasok ako ng classroom. Ikaw kunwari eh naka­apron nung dumating 
ako. Magpo­polo na lang ako nun para kunwari galing ako sa trabaho. Lalabas doon sa projector, Couple have  
to show their intimacy to each other. Then ang mangyayari, sasalubungin mo ako at kunwari eh yayakapin mo 
ako."

Tinignan ko siya ng masama nun. Pero kailangan eh. Mas mabuti nang yakap, kaysa maiba pa.

"O sige.. yayakapin kita at sasabihin ko na kumusta ang trabaho chuvaness. Ok I got that part." sabi ko naman 
at tinignan ko yung papel niya. "Decisions yung next."

"The same thing sa second one. Lalabas sa projector yung Decisions. Syempre kunwari magpapahinga ako at 
uupo ako sa harapan. Magsasabi ako tungkol sa bahay at lupa na gusto kunwari nating bilihin sa kabilang town. 
Ikaw naman, mag­disagree ka sa akin. Sasabihin mo mas gusto mo na sa tinitirahan natin. But in the end, ako 
na yung mag­give way na papayag na mag­stay na tayo sa bahay natin." grabe, planado na nga niya talaga ito. 
Alam na alam na niya kasi yung sasabihin niya eh.
Nakaisip naman ako ng idea doon sa number 3. Yung one can't work out without the other.

"Sa number 3 naman, ganito na lang. Sasabihin mo sa akin na masarap kunwari yung niluto ko. Syempre, 
matutuwa naman ako kunwari. Papasok yung idea mo na, 'Your the best wife thing.' Then I'll say something na 
rin. Parang sinasabi natin na wife duties ako, husband duties ka naman. Na ngwo­work tayo ng tama according 
sa nature natin."

Ngumiti naman siya sa akin.

"Ok ok wife."

Inapakan ko nga siya nun ng malakas kaya nasaktan naman. Nag­proceed na kami sa number 4. Napag­usapan 
namin sa Money na kunwari eh magsasabi ako tungkol sa bills ng bahay. At syempre, sasabihin ko na kulang 
na yung pera namin sa pangbahay. Mag­disagree ng kaunti, then marerealize namin na dapat mag­share kami 
ng pera at huwag magsumbatan kung kanino nanggagaling yun.

Sa number 5 naman, Kids, magsasabi na lang kami ng kung ano na kunwari eh tulog na yung dalawang anak 
namin. In short, naipapakita na may girft yung family namin.

"Sa number 6, kunwari papagalitan mo ako dahil napapadalas yung pag­inom ko, pag­smoke at kunwari eh 
nagseselos ka sa kasamahan kong babae sa trabaho. Magagalit din ako sa 'yo dahil maingay ka 
masyado," nanlisik yung mata ko nun,"Pumasok na rin yung number 7. Then, we'll sort it out. Sasabihin ko na 
hindi na ko iinom.. mga ganung bagay."

"At ako naman eh sasabihin ko na maninigurado muna ako bago magsasalita. Ok fine!!!"

Tinignan niya uli yung papel niya. Number 8 eh Honesty. Kunwari eh aaminna ako sa kanya sa script namin na 
nangutang nga ako doon sa kapitbahay namin para sa pambili ko ng make­up. Magagalit siya uli, pero 
magkakaayos. Lagi namang ganun!

Sa number 9, Trust, papayagan ko siya sa party na pupuntahan niya sa bar kasama nung mga kasamahan niya 
sa trabaho. Trust dahil hindi mo iisipin na mambababae siya doon.

Finally nung umabot kami ng 10 at hindi pa kami umaabot ng 15 minutes sa discussion, may yakapan na 
naman na mangyayari (sabi niya kasi), at sasabihin namin na mahal namin ang isa't isa at hinding­hindi namin 
hahayaang magkahiwalay kami. Dahil nga, letting go is the hardest part of all.

Nag­practice lang din kami ng kaunti, ginawa yung Powerpoint Presentation.. at ready na kami sa Tuesday. 
Planado na namin yung script.

***

Dumating din naman ang Tuesday at umaga pa lang eh dala na ni Ash yung projector at yung laptop niyang 
sarili galing sa bahay nila. Hindi naman na ako masyadong kinakabahan at tiyak ko rin eh siya dahil ready 
naman na kami.

Sa 'di mo malamang dahilan, umagang­umaga pa lang eh mukhang masayang­masaya na siya. Nung tinanong 
ko naman siya kung bakit, sabi ba naman niya eh hindi daw bawal maging masaya.

Last period namin yung Religion class. Yung ibang classmates namin eh may dala­dalang mga cartolina at 
kung anu­anong mga bagay­bagay para sa presentation nila. Yung mga binili ko nga sa National na kung anu­
ano eh useless din pala dahil hindi rin namin nagamit. Pera nga ni Ash ginamit ko doon eh, ayaw kasi niya 
pabayaran. In the end, binigay niya rin sa akin lahat. Extra art materials daw kung kakailanganin.

Panay ang practice nung iba naming classmae doon. Kanya­kanyang style naman kasi ng presentation. Yung isa 
ko ngang classmate eh hinawakan pa ako sa kamay at ang lamig­lamig talaga ng palad niya. Pasmado nga yata 
siya eh sa sobrang kaba.

Nilagay ko na yung apron ko nung pumasok yung religion teacher namin at si Ash eh nakabihis na rin ng polo 
niya kanina pa. Ang gwapo nga niya tignan nun eh. Ang haba pa nung sleeves niya kaya pinatupi pa niya sa 
akin kaya naman yung ibang classmates namin eh inasar pa kami at kinakarir na raw namin yung Marriage 
thing. Sa isip­isip ko naman, para tinupi ko lang yung sleeves niya may malisya na kaagad???

"Ok class, opening prayer muna tayo tapos sisimulan na natin yung presentation niyo. Mukhang ready kayong 
lahat ah.."

Nagdasal nga kami pare­parehas at syempre eh sinimulan din kaagad yung presentation. Dahil nasa bandang 
unahan si Shalyna, siya at yung patner niya na si Chester ang unang­unang tumayo.

May malaking illustration board sila na may drawing ng simbahan. Kunwari eh ikakasal pa lang sila nun. Kaya 
pala nakaputi ang bruha.

Syempre pagkatapos nun, inisa­isa nila yung vows ng mag­asawa. Dapat ganito, dapat ganyan. Binuhat pa nga 
siya ni Chester nun at kunwari eh mag­honeymoon na sila. Doon natapos yung presentation nila. Maganda rin 
naman, pero mas maganda yung sa amin. Akala nila ha!

Yung sumunod na mga presentation eh wala namang kwenta. May nagbasa lang sa harapan at super boring 
talaga. Hindi pa kami tinatawag ni Ash nun. Sa bagay nasa likuran naman kami.

May nag­present naman ng card. Ang ginawa eh papabasa sa klase yung nakasulat gaya ng LOVE...CARE at 
kung anu­ano pa na kailangan daw sa Marriage. Nauubos na silang lahat at syempre eh nauubos na rin yung 
oras nun hindi pa kami nakakapag­perform.

Finally nung last 15 minutes na lang yata ng time eh kami na ni Ash. Huling­huli sa nag­perform.

Ni­ready na namin yung projector at naka­automatic na yun para dire­diretso yung slide. Nagpunta ako sa 
kabilang dulo sa left side, at siya naman eh lumabas dahil kunwari eh papasok nga siya, According sa script 
namin. Sinara pa niya yung pinto ng room.
Maya­maya lang, kumatok na siya. Kunwari eh pinunas ko yung kamay ko sa apron ko at binuksan ko yung 
pinto para sa kanya.

"Hello honey..." kunwari eh papagpagin niya yung sapatos niya, "Kumusta ang araw mo?"

Alam ko medyo corny itong presentation namin, pero ika­nga, sa corny nakakakuha ng mataas na grade.

"Mabuti naman." sabi ko at lumapit ako sa kanya.

Lumabas na yung slide na nakalagay eh COUPLES HAVE TO SHOW THEIR INTMACY TO EACH OTHER. 
I hate this part. Ito na yung time na kunwari eh yayakapin ko siya at tatanungin ko yung araw niya sa trabaho. 
Inalis niya yung polo niya at lumapit din siya sa akin. Naka puting shirt na lang siya ngayon at pagkatapos..

hinalikan niya ako sa pisngi ko.

Nang­asar naman ng kaunti yung audience namin pero tumahimik din kaagad.

Now, why did he do that? Sa script namin eh yakap.. hindi kiss.

"Uhmm.. uh.. kumusta naman ang trabaho mo?" binigyan ko siya ng masamang tingin at nakangiti lang siya.

Mukhang sinadya nga yata niya yun.

"It's great. Maraming clients ngayon.." sabi niya sa akin.

Nakita ko na lumabas na yung DECISIONS sa slide. Naisipan ko nang simulan yung tungkol doon sa bahay na 
pagdidis­agreehan namin.

"Oo nga pala sa Friday.." sabi naman niya.

Sumagot namana ko.

"Yung bah­­?" 

Hindi ko naman natapos yung sasabihin ko dahil nagsalita na naman siya. Ano ba naman 'tong tao na ito? Nag­
practice kami 'di ba?

"Sa Friday.. may date tayo. Anniversary natin 'di ba?"

The heck? That's not on the script either. Date? What date?

"Hindi tayo magda­date. Tungkol doon sa bahay­­"
"Magda­date tayo. Friday nga 'di ba?" wolf look na naman yung pinapakita niya.

Ang tagal kong nakipagtalo sa kanya na walang date, siya naman eh sinasabi niyang meron. Mabuti na lang 
angkop pa yung pinagsasasabi niya sa script. Minsan nagle­lead to arguments.. kagaya ngayon. This isn't a 
script at all... this is real!!! So I have to give way for him???

"Ok.. it's a date. Friday."

Binigyan ko na naman siya ng anong­pinaggagagawa­mo look pero parang wala lang sa kanya. Nakaupo pa rin 
siya doon sa upuan niya.

"You know what honey? I'm lucky to have you as my wife. Who knows hindi ako magiging ganito kung wala 
ka?"

Hindi ko maintindihan yung sinasabi niya. Wala talaga ito sa script. Lumabas na sa slide yung ONE CAN'T 
WORK OUT WITHOUT THE OTHER.

"Kung hindi siguro kita makikilala, I wouldn't function well. I mean, I'm not the same Ash. I'm a better Ash. I 
work out pretty well 'coz you're here with me."

Wala akong maisipang isagot sa kanya kung hindi.

"Really? Ako rin eh."

Lagot talaga sa akin itong lalaki na ito. Iniiba niya lahat!!!

"Oo nga pala, yung bill natin sa.."

"Sa date natin? Never mind that. Ako nang bahala doon."

Grrrr! Nasa Money part na kami ng presentation. At ang sasabihin ko sana eh bill namin sa kuryente.. tubig at 
telepono. Pero ngayon naman..

Bill daw sa date?

Natatakot na akong magsalita tungkol doon sa number 5, KIDS. Baka kasi kung ano na naman yung sabihin 
niya.

"Alam mo ba, WIFE" talagang inemphasize niya pa yun, "yung gift na pinakamagpapakasaya sa akin eh yung 
magiging anak natin. 'Di bale, within 6 months naman manganganak ka na. Anong ipapangalan natin?

Gusto ko sana siyang sigawan ng 'You fiend!' pero hindi ko ginawa. Sa script namin may anak na kami, hindi 
ako buntis. Ang sarap niyang sakalin! 
Naiinis na talaga ako nung mga oras na yun. Hindi ko lang maipahalata dahil nasa harapan pa kami.

"Oo nga pala HONEY.." medyo sarcastic na yun, "It's about your drinking, smoking­­"

"What about it? I don't drink. I don't smoke." sabi niya sa akin. Nawalan na naman ako ng line na 
sasabihin, "And definitely I won't cheat on you. Bakit pa?" akala ko tapos na siya magsalita eh.

Lumabas na sa slide yung.. GIRLS TALK TO MUCH.

"Ok lang din kung magdaldal ka sa akin ngayon. I totally understand. Moody talaga ang mga naglilihi.."

I swear I need a gun and I'll shoot this guy!

"TALAGA??? Actually magdadaldal nga ako eh.. MAMAYA."

Alam ko medyo nakukuha na niya yung sinasabi ko. Ano bang nangyari at binabago niya?

Tumayo na siya doon sa pagkakaupo niya. Mabuti na lang talaga last 3 na lang kami. Honesty muna ngayon...

"Oo nga pala, nangutang ako sa kapitbahay natin kanina pinambili ko ng make­up. Yung pera kasi natin 
pambili ng ulam nagastos ko eh.." sabi ko naman at for the first time.. may nasabi ako na on the script.

"Ayos lang yun. I love the fact that your honest with me. Pero masasabi ko lang, you don't need make­up to 
make yourself beautiful.. you already are.."

Nanukso na naman yung audience. Nag­iinit na ng kaunti yung mukha ko nun. Nakuha pa niyang tumayo sa 
harapan ko. Susuntukin ko talaga siya pagkatapos nito!!!! Arrrgggghhh!

Nawala na ako sa sarili ko nun. Lumabas na yung TRUST sa slide.

"Trust me, I'll take care of you." sa script namin, ako yung mag­tatrust sa kanya for the reason na pupunta siya 
sa bar. Pero ngayon, iba pa rin.

Yumakap na naman siya sa akin. For the first time, nasa script yun. ANg higpit nga eh.

"It's really hard to let you go.. so I won't. I love you Chris."

Pagkatapos nun, lumabas na sa slide yung The END.

Nagpalakpakan naman yung mga classmates namin including yung Religion teacher namin.

Saka lang umalis si Ash sa pagkakayakap niya.

"Very good. Ms. Orellana, and Mr. Valdez, FULL MARKS."
Whoa! Nakuha namin yung highest grade! Nagtatatalon ako doon at hinawakan ko yung kamay ni Ash sa 
sobrang tuwa. Saka ko naalala na malaki pala yung atraso niya kaya binitawan ko rin kaagad ng malakas.

Nag­alarm na rin nun. Kanya­kanyang alisan na ng classroom. Dahil nga naka­plug pa yung mga ginamit 
namin, hindi rin siya umalis doon. Tumayo ako doon sa gilid niya.

"What's up with all the drama? Iniba mo yung script natin!"

"I know. Isn't it great?!?"

"Anong great great ka diyan? It's terrible. Hindi ko alam yung sasabihin ko in most parts!!"

Humarap siya sa akin nun ng seryoso.

"Dapat bang alam mo? Hindi naman 'di ba? you should speak for yourself... what you feel.. what you think. 
That's what makes a good script... SPECIAL."

Medyo asar pa rin ako nun. Kailangan ba siya lagi ang tama.

"You made the whole thing up? Kulang na lang suntukin kita kanina!"

"I made the whole thing up? Probably. I didn't plan it, to be honest with you. Yung mga sinabi ko kanina.. hindi 
ko yun pinag­isipan."

"So what's that? Lumabas na lang out of thin air!??"

Binaba niya yung laptop niya saka yung prjector. Dahil nakaupo ako doon sa lamesa, lumapit siya sa akin. 
Humawak siya sa dalawang balikat ko, at seryoso na talaga siya ngayon.

"Hindi yun lumabas sa hangin! Ewan ko kung saan nanggaling! Alam mo kung anong problema sa 'yo? You 
don't know the difference between fantasy and reality. Tingin mo yung mga sinabi ko eh nahugot ko sa isang 
fairytale book? You want to know something? This is not a fairytale..."

Lumayo siya sa akin. Kinuha na niya yung gamit niya at tinalikurana ko. Hindi ko alam yung sasabihin ko. 
Hindi na rin ako makakilos.

"This time, it's for real."

***22***
Seryosong­seryoso siya nun at ako rin eh seryosong­seryosong nakatingin sa kanya. For some moment, 
nagtitigan lang kaming dalawa doon. Finally nung marealize ko, tumawa na lang ako ng malakas at tinapik ko 
siya sa balikat niya. Sumakit nga yung tiyan ko kakatawa eh.

"Good one Ash! Ang galing mo talagang magbiro.." sabi ko tapos hinawakan ko na yung tiyan ko.

"Ooh.. right." sabi na lang niya tapos tinalikuran niya rin ako.

Tama ba yun? Hindi man lang ako sinabayan sa pagtawa ko?

Nauna na siyang lumabas sa akin at naiwan ako doon sa loob. Dala­dala na niya yung mga gamit niya. Nung 
nalaman ko na talagang ako na lang yung tao doon, yumuko ako.

What's up with him? He couldn't be... I mean.. with me? He can't.. can he?

Crap.

"Hey, pick you up at 3?" nahulog na lang ako doon sa inuupuan kong able.

Bakit ba bigla­bigla na lang siyang nagsasalita? Akala ko pa naman wala na siya?

"3? Anong 3?" hindi ako makapag­isip ng maayos nun, "Bahala ka na."

Nakita kaya niya na nag­iisip ako doon? Nakakahiya naman kung ganun.

Tumayo na ako at kinuha ko na yung bag ko para umuwi na rin ako. Hindi ko na lang iisipin yung presentation.

Naabutan ko naman siyang naglalakad at hawak pa niya yung laptop niya sa kaliwang braso niya. Napansin 
lang niya ako nung sumabay ako at may kausap siya sa phone.

"Yeah Mom.. I know." halatang naiirita din siya, "Just tell Dad he's not doing good this past few days..." 

After ng ilang sinasabi niya, binaba na rin niya yung phone at tumingin sa akin.

"Mommy ko. Masyado na namang worried sa mga bagay­bagay. Especially Lawrence. Medyo namumutla nga 
siya kagabi pa.""May sakit ba siya?""Dati rin nagkakaganyan siya. Sasakit yung ulo... namumutla... pero ilang 
araw lang din, balik na siya sa dati." kahit hindi niya masyadong pinapakita, halata mong concerned pa rin siya 
sa kapatid niya.

Nilagay niya yung isang kamay niya sa bulsa niya at nakita kong may connecting chain siya sa pocket niya. Eh 
sa dress code namin, bawal na yun. Baka daw kasi magkaroon ng idea yung mga estudyante na gamitin sa kung 
ano yun.

"Hey.. may connecting chain ka sa back pocket mo? Bawal na yan ah!"

Napatingin din naman siya sa likuran niya. Napahawak siya doon sa back pocket niya.
"Ahh.. yan ba? Nalimutan ko kasing alisin eh.." tapos tinignan niya yung laptop niya,"M­may email ka 
ba?""Wala. Wala akong panahon sa ganyan."

Naglakad lang kami ng naglakad nun. Umuwi siya sa kanila para iwan yung gamit niya. Ako naman eh umuwi 
na sa amin at nanood ako ng TV kahit hindi naman ako makapag­concentrate. Maya­maya lang eh sinabihan 
ako ni Kuya Christian na nasa labas nga daw si Ash at hinahanap ako.

Lumabas naman ako kaagad. Medyo madilim na rin nun at nandun pa siya sa labas namin at nakangiti na 
naman.

"Tara dito!" niyaya naman niya akong lumabas.

"Gabi na nga eh!" sabi ko naman sa kanya.

"So?" tinaas niya yung dalawang kamay niya, "Lakad­lakad tayo."

Wala talaga akong balak maglakad nun at  medyo tinatamad na rin ako. Mukhang desperado ng kasama si Ash 
kaya pumayag na rin ako. Hiniram ko yung bike ni Kuya Christian at pumayag naman na siya.

Paglabas ko, napaatras si Ash sa akin at 'di mo maintindihan yung expression ng mukha niya nung makita yung 
bike.

"Bakit ganyan ka makatingin sa bike?" sinuot ko naman yung helmet, "Wala akong balak maglakad. Gusto mo 
sumabay ka sa akin."

Dahil nga matangkad naman siya, malalaki naman yung hakbang niya kaya halos match lang din sa mabagal na 
pag­bike ko. Wala nang tao sa daan nun at nakabukas na yung mga ilaw sa poste dahil madilim na. Tumingin 
pa nga ako sa langit nun eh. It sounds cheesy but, I love the sky. Lalo na kung maraming stars... even the moon. 
Sinabi sa akin ng Tatay ko na maraming tao daw ang namamangha sa langit. Hindi na ako nagtataka. Pero 
sinasabi rin niya sa akin na kahit maraming tao ang pare­parehas na namamangha sa langit, iba­iba pa rin yung 
pakiramdam nila at interpretation nila.

Ang tagal kong nakatingalan nun. Pagtingin ko kay Ash, nakatitig na naman siya sa akin kaya na­distract ako at 
na out of balance. Natumba tuloy ako.

"Aaaaahhh!""Hey Chris ok ka lang?" tumakbo naman siya sa direksiyon ko.

Hinawakan niya ako sa braso ko para tumayo pero inalis ko naman.

"I'm fine." tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, "Na... na­distract lang ako."

Tinayo ko yung bike at hindi na ako sumakay. Naglakad na lang ako sa gilid at hawak­hawak ko na lang.
"Gusto mo i­try?" tinuro ko yung bike sa kanya.

Katulad kanina... napaatras na naman siya.

"H­hindi na. A­ayoko." sabi niya sa akin.

"Huwag mong sabihin sa akin na hindi ka marunong mag­bike?" sabi ko naman sa kanya na nang­aasar pa.

"Err ako? Marunong ako. It's just that.. I don't want to ride." naglakad pa rin siya nun pero mabagal lang.

"Bakit naman?""A­ayoko lang."

Napangiti naman ako. Siya? Ayaw mag­bike?

"Bakit nga?" kukulitin ko talaga ito.

Umupo siya doon sa gilid sa may damuhan na naman. Nasa tapat na kami ng kung kaninong bahay.

"Tatawanan mo lang ako." sabi niya sa akin.

"Ako tatawa?" tinuro ko yung sarili ko. "Cross my heart hindi. Pero kapag sinabi mo sa akin na ayaw mo dahil 
hindi mo abot yung pedal??? Tatawa ako.""Well.. it's a lil' bit worse." sabi niya sa akin, "I have this bike phobia 
ever since I was a kid."

Napatingin ako sa kanya at seryoso pa yung mukha ko nun. Pero hindi ko rin napigilan, humagalpak na talaga 
ako sa pagtawa.

"Thanks alot Chris." seryoso pa rin siya, "It's not funny."

Tumigil na ako sa pagtawa ko nun.

"Oh please! Ikaw? Takot mag­ride ng bike? You look like a monster.. tapos simpleng bike takot ka na? Anong 
height mo? 5'9? 5'10? ""5'11.""Yeah.. that. Unusual lang." hindi talaga bagay sa kanya, "Paano ka naman 
nagka­phobia?""Nag­crash kasi ako nung bata pa ako.""Normal lang naman mag­crash ah! Ako nga ilang 
beses nang tumumba. Sa skateboard nga ilang beses ko nang mapilayan yung sarili ko.. pero hindi naman ako 
nagka­phobia."

Nakiupo na rin ako doon sa kanya sa damuhan at napansin kong tumingin din siya sa sa langit. Saglit lang... sa 
akin na rin.

"Chris?""Yeah?""What do you feel about the sky?"

At that very moment na tinanong niya ako, nabaling yung tingin ko sa kanya.
"Marami. Minsan pakiramdam ko miracle siya na nandiyan. Sometimes.. hope. Kapag titignan mo nga yung 
moon, parang mother and child yung nandun. It kinda' hit me. I never met my mom."

Nakatingin lang din siya sa akin nun. Tapos tumingala lang din siya.

"I don't know. Sometimes I feel like I have certain connection with the sky. The whole thing's fabulous. It's 
just... wow!" tinitignan ko siya nun habang nagsasalita, "It's like LOVE. There are some things that aren't 
meant for you to explain. Like uh... how will I put this? It's like... MAGIC."

Napahawak na lang ako bigla sa dibdib ko nun at iniwas ko yung tingin ko sa kanya.

"Have you ever had any other girlfriends?" ewan ko kung anong pumasok sa isip ko at tinanong ko yun.

"You mean besides Shalyna?" tumango lang ako nun. "Nah."

Isa na naman yun sa hindi ko aakalain paniniwalaan ko.

"Ikaw?"

Hay! Tinanong pa niya? Eh comment nga lagi sa akin mas maangas pa ako sa mga lalaki? Ineexpect ba niya na 
meron?

"Nagpapatawa ka ba?""Wala pala." ngumti lang siya.

"Oo wala! Sino namang magkakamali?" tumawa ako nun pero hindi masyado.

Medyo yumuko siya nun at tinignan niya yung sapatos niya.

"Chester.""Huh?!?" nilingon ko siya.

"He talked to me this morning sa Men's room. He wished me good luck dahil nga alam nila niliigawan kita. 
And he told me 'The best guy wins.' "

Humarap na ako sa kanya nun.

"Ok, i'm totally lost. Let's start nung nakausap mo siya."

Seryoso na naman siya nun.

"He told me he's going to court you. Hindi ko alam kung natanong ka na niya. Pero sa reaction mo, mukhang 
hindi pa.""Ako? Whoa!" medyo sarcastic remark na yung pagkakasabi ko, "Masyado na akong inoverestimate 
niyan.""It's true." ngumiti siya pero hindi masyado, "Kapag tinanong ka niya kung saka­sakali... papayag ka 
ba?"
Hindi ko alam yung isasagot ko. Hindi pa naman ako natanong ng ganito dati pa.

"Ewan. Hindi ko talaga alam. Siguro.."

Dumiretso na siya ng tingin nun.

"Yeah. Siguro. You like him right? So.. why not give him a chance?"

Nung sinabi niya sa akin yun, i felt like i was stabbed on my chest.

"Uhh... it's just a stupid crush.""One more question.."

Tumayo na siya sa pagkakaupo niya. Tumayo siya sa harapan ko.

"Kung hindi tayo nagkaroon ng deal at tatanungin kita kung pwede akong manligaw... papayag ka?"

Nagulat ako sa tanong niya nun kaya hindi ko na siya matignan ng diretso. Ibubuka ko na sana yung bibig ko 
para sumagot kaya lang nagsalita siya uli.

"Nah.. never mind. Huwag mo nang sagutin. I don't want to know the answer."tumingin siya sa magkabilang 
side niya, "Tara na, iuuwi na nga kita."

Hindi pa rin ako nagsasalita habang naglalakad kami. Siya rin naman eh ganun. Hindi ko nga napansin na nasa 
harap na nga kami ng bahay namin eh. Huminto lang siya doon sa harap ko at ngumiti.

"Sige.. good night na pala. At congratulations sa atin para sa mataas na grade."

Nung hindi ako sumagot, nagsimula na siyang maglakad papauwi sa kanila matapos siyang mag­wave sa akin.

Naisipan ko na lang...

"Ash!" lumingon din siya sa akin.

Yung expression ng mukha niya eh parang nagtatanong.

"Good night."

Tinaas niya uli yung isang kamay niya para mag­bye sa akin. Tumalikod siya uli para maglakad.

"Ash!" huminto na naman siya pero nakatalikod sa akin. Huminga ako ng malalim."The answer's Yes, it's 
possible."

Nakatayo lang siya doon pero hindi siya kumikilos. Bakit ko ba sinabi yun?
Hindi man lang siya lumingon sa akin at dumiretso na siya sa paglalakad. Nakalayo na siya nun at malapit na 
siya sa may kanto sa may likuan nung naisipan kong pumasok na sa bahay namin.

Hindi ko pa nabubuksan yung door knob namin dahil sa sobrang bagal kong maglakad at kumilos nun... 

Saglit lang din eh naramdaman ko...

May yumakap sa akin sa sa likuran ko.

***23***

Hindi ako gumalaw nung mga oras na iyon. Narinig ko na lang sinabi niya na 'Thanks'tapos humiwalay na rin 
siya at umalis na talaga. Ngumiti lang siya sa akin at ako naman eh napangiti na lang din sa sarili ko.

What's wrong with me? Nitong mga huling araw... I was acting kinda', odd?

Pumasok na ako sa bahay namin at syempre eh ginawa ko na yung mga ritwal ko kapag gabi. Sinabihan pa nga 
ako ni Kuya Christian na mukha daw akong ewan at nakangiti daw ako mag­isa. Sabi ko naman sa kanya, uso 
na ngayon yun kaya huwag siyang makialam.

Maaga akong nagising kinabukasan at dahil nga doon eh maaga rin akong nakaalis ng bahay at nakapasok ng 
school. Hindi ko alam kung dumaan ba si Ash sa bahay dahil hindi ko na siya hinintay at nauna na akong 
pumasok sa school.

Nung nasa corridor na ako ng room curriculum namin, napansin ko na makakasalubong ko si Chester kaya ang 
ginawa ko eh tumalikod ako para hindi ko siya makasalubong.

Kaya lang..

"Hey! Chrissy! Wait!"

Huminto ako nun at humarap sa kanya. Napataas yung kilay ko nung tinawag niya ako Chrissy.

Parang napansin niya siguro na naghihintay ako ng explanation, kaya nagsalita na rin siya.

"Everyone is calling you... Chris. Naisip ko lang para maiba naman, I'll call you Chrissy. Ok lang naman na 
tawagin kitang Chrissy 'di ba?"

Ayoko! Ayoko ng Chrissy because it's too girly?

Naks, rhyme yun ah!
"Sure!" wow, irony is everywhere!

"Great! Papunta ka na ba ng room?" tinuro niya yung nasa likod niya, "Pwede kitang sabayan."

Papunta naman na talaga ako sa room..

"Actually pupunta ako sa library, kasi may naiwan ako." sabi ko lang yun! Hindi nga ako nagpupunta ng library 
eh.

"Really? Dala ko yung library book ni Shalyna. Pinapasoli na niya sa akin. Nalimutan ko na nga na dala ko 
pala.""Nakalimutan ko rin! Pupunta nga pala ako sa cafeteria. Parang narinig ko si Mrs. Valderama kanina.. 
sinasabi niya sa akin na may cafeteria duty yata ako.""Tutulungan kita kung gusto mo."

Ano ba naman itong lalaking ito? Hindi ba siya nakakahalata na umiiwas ako?

"Thanks.. pero... pupunta muna ako sa CR ng BABAE." ngayon ewan ko lang kung makasama ka pa sa akin sa 
loob.

"Sige pala.. hintayin kita sa labas."

Grrrr! Sabi nga nila, may own ways daw ang guys. I guessed it's proven.

Nagpakatagal talaga ako doon sa loob ng CR para naman mapagod siya sa kakahintay. Kaya lang nag­alarm 
naman na at kailangan ko rin namang lumabas.

Pagsilip ko at ulo ko lang ang nilabas ko, wala na siya doon. Aba, napagod yata! Yehey!

"Are you looking for me?" kinalabit niya ako sa likod ko.

"Yes.. uhm.. no.. yes.." nakakainis naman!

Ngumiti lang siya sa akin at sinabayan nga niya akong maglakad hanggang sa classroom namin. Nagkatinginan 
pa nga yung mga classmates namin dahil kasama ko ang nag­iisang CHESTER ng Sports Curriculum. May 
mga meaning nga yung mga tingin eh. Hindi ko lang mawari kung ano.

Laking pasasalamat ko talaga nung humiwalay din siya sa akin para umupo siya sa desk niya at ako naman eh 
sa bandang likuran. Si Ash eh  nakatingin lang sa akin pero walang sinabi.

After that... nagklase na kami.

Hindi naman dumating yung Physics teacher namin nung second period at wala ring substitute na dumating 
kaya may free period kami. Breaktime naman na ang next dito kaya didiretso na lang ako sa cafeteria. Pero 
katulad nga ng dati, niyaya naman ako ni Ash.
Naglalakad na kami doon sa corridor nung may tumabi naman sa left side ko.

"Oh hey, kakain ka na sa cafeteria?"

Parang sa lahat ng lugar nandun siya ah!

"Yeah." ganun kaikli lang yung sinabi ko.

"Pwede sumabay?" naman!

Pero may nag­react naman na nakatayo sa bandang kanan ko.

"Actually, we're eating together.""Malalaki naman yung mga table sa cafeteria,  e 'di sabay tayong tatlo."

Hindi ko alam kung kaya ko pang ngumiti ng mga oras na yun kaya sinabayan ko na lang din sila sa paglakad. 
Hindi pala, sila nga pala ang sumabay sa akin. At syempre, kung pwede ko lang sila paalisin sa tabi ko, ginawa 
ko na.

Pinili ba naman ni Chester yung table doon sa bandang gitna kaya doon kami napaupo. Tatayo na sana ako para 
umorder kaya lang hinawakan ako ni Ash sa balikat at pinaupo ako uli.

"Anong gusto mo?" tinanong naman niya ako.

"Ako na lang bibili.""Hindi ako na. Anong gusto mo?""Cheeseburger." sabi ko na lang.

Humirit naman si Chester.

"Anong inumin ang gusto mo?" nilabas na niya yung wallet niya.

"Ito yung pera.." inaabot ko sa kanya kasi kung siya naman ang bibili, "Coke."

Nakataas lang yung kamay ko sa hangin at tinalikuran naman na niya ako para bumili ng iinumin. Sabi ko nga 
eh mapapahiya ako.

Dahil may mga nakatingin pa rin nun, nilabas ko yung fairytale book ng nanay ko at binasa ko na naman. 
Mahal na mahal ko pa man din yun.

Hindi rin nagtagal, nakabalik na kaagad si Chester dala­dala yung inumin. Sumunod naman si Ash na dala­dala 
yung Burger ko.

Kinuhanan pa nga nila ako ng plato at kung anu­anong pagkain na hindi ko naman kayang ubusin.

Kakagat na sana ako nung burger ko kaya lang napansin ko na nakatingin silang dalawa sa akin. Nasa tapat ko 
kasi sila parehas at sila ang magkatabi. Nailang tuloy ako.
"Hindi ba kayo kakain na dalawa?" hindi ko tinuloy yung pagkagat ko.

"Go ahead, hindi naman ako gutom.""Papanoorin ka na lang namin."

Sana lang hindi niya sinabi yun 'di ba? Ayoko nang tinititigan ako habang kumakain.

"Chrissy, you should try this. Hindi ko alam kung anong straw ang gamit mo, kaya dalawa na yung kinuha ko. 
Yung spiral ba, o yung plain?"

Tumingin naman si Ash sa kanya. Alam ko na kung bakit.. narinig niya kasi yung 'Chrissy' part.

"Yung plain na lang. I am not into spiral straws."

Iinom na sana ako, kaya lang si Ash naman ang nanggulo.

"Chris, kumuha ako ng plato mo. I know you don't like plates that has designs on it.. pero kinuha ko na yung 
dalawa. Ano bang gusto mo, red or pink? i'm sure it's RED."inabot naman niya sa akin at kinuha ko.

"Thanks Ash."

Tumayo naman yung dalawa at mukhang may kinuha na naman doon sa bilihan. Ewan ko ba kung ano na yun.

"Bumili ako ng pudding, vanilla pudding." wow! Ang tagal ko nang hindi nakakakain ng vanilla pudding ah!

"Ako rin bumili ng pudding, chocolate pudding." my favorite! 

Kumuha ako ng tig­isang sandok nung pudding at tinikman ko rin naman. Nilagay ko pa nga sa bowl ko eh.

"Masarap 'di ba?" tanong naman ni Chester sa akin.

"Yeah.. masarap.""Ubusin mo na pala itong vanilla pudding oh.. CHRISSY." sinandok niya yung vanilla 
pudding at nilagay niya sa bowl ko.

"Favorite mo yung chocolate 'di ba.. CHRIS?" sinandok din iya yung chocolate pudding at nilagay niya sa bowl 
ko.

"Thanks guys."

Medyo nabubusog na rin naman na ako nun kaya nung naubos ko yung pudding eh konti na lang yung kagat ko 
sa cheesburger at lalung­lalo na hindi na rin ako makainom. Yung dalawa talaga eh nakatingin pa rin sa akin.

"Mahilig ka ba sa basketball Chrissy?"
I can honestly say that Chester's cute.. but the whole Chrissy thing? I'm getting annoyed.

Sasagot na sana ako kaya lang si Ash ang sumagot.

"Hindi siya mahilig. She loves skateboarding more than basketball."

Tama naman si Ash.

"Yeah.. pero naglalaro rin ako ng basketball. Minsan nakikipag one­on­one pa nga ako sa mga guys eh." sabi 
ko naman at sumandal na ako.

"Talaga? One­on­one tayo sa gym mamayang practice period!"

May sound na narinig ako galing kay Ash pero hindi ko alam kung ano yun.

"She's a girl! Hindi kayo match!" sabi ni Ash sa kanya.

"Great idea. One­on­one tayo mamaya!"

Nanahimik na lang ako doon sa upuan ko. Yung dalawa eh magkaharap na at magkalapit yung mukha.

"Kayang­kaya naman kitang talunin sa basketball eh.""Says who?" sabi naman ni Ash at tinaas niya yung isang 
kilay niya, "Even though your a varsity, kayang­kaya kita.""Oh yeah? You seemed to have a problem with me 
kapag may kinalaman si Chrissy?"bakit na naman ako nasama diyan! "Huwag kang selfish Ash!"

Tumingin si Ash sa direksiyon ko pero binalik niya uli kay Chester.

"Yeah, I have a problem with you when it comes to Chris. Ikaw rin naman sa akin ah. You treat girls as a 
property.. as possession.. not as a person!" sabi ni Ash.

Bigla na lang tumayo si Chester at hinawakan niya si Ash sa collar ng polo niya.

"I am.. but I'm not anymore. Chrissy's different!" mukhang galit na rin siya nun, "At ikaw? Anong tingin mo? 
Dahil ba sa pegeant King ka at ikaw yung captain ng skateboarding team feeling mo lahat ng babae head over 
heels sa 'yo? Well, guess what? You are going down!"

Tumayo naman si Ash at tinulak niya si Chester.

"First of, huwag na huwag mong hahawakan ng ganyan yung polo ko. Second, I totally agree with you that 
Chris is different. Third, I don't care about those girls. I don't even know them! Fourth, I don't like you. I don't 
even like you near her. And fifth..."tumingin siya uli sa akin then kay Chester uli, "You're on!"

Nakatingin na yung mga tao sa cafeteria sa amin. Pinipilit kong itago yung yung mukha ko pero sino pa bang 
Chris ang tinutukoy? Ngayon naaapreciate ko yung pagtawag sa akin ng Chrissy ni Chester. At least, it's more 
of a disguise.

Gosh.. I'm dead.

"Will you two shut up?!?" yun na lang ang nasabi ko at tumingin sila sa akin, "Ewan ko ba kung bakit sumabay 
ako sa inyo kumain. Mas gusto ko nga mag­isa eh. I don't care about your stupid game!" sinabi ko kay 
Chester, "and your stupid opinion on his game either!" sabi ko kay Ash.

Saka lang ako naging mahinahon nun.

"Now... if you'll excuse me.. I'm going out."

Nakanganga yata yung mga tao sa amin nun at dumaan ako sa gilid. Wala na akong pakialam sa kanila. 
Nakakainis naman kasi.

"Chrissy!"

Narinig ko pang sinabi ni Ash.. 'Chrissy?! Hey Chris!'

Hindi pa ako nakakalabas ng cafeteria nun, humabol naman yung dalawa sa akin.

Gustung­gusto ko silang kalbuhin! Bwisit!!! Asar na asar na ko.

"LEAVE ME ALONE!""Leave her alone daw." sabi ni Chester kay Ash.

"She's talking about you." tnuro niya si Chester.

"I'm talking about both of you!!!"

Bubuksan ko na sana yung glass door ng cafeteria, kaya lang hinila ni Chester kaya hindi ko mabuksan.

"Look Chrissy, I like you." may mga nag­gasp pa doon sa likuran niya, "Yeah I do. Kaya nga gusto kita kasama 
eh." tumingin siya kay Ash. "Now what's your excuse?!?"

Kinabahan din ako nun. Na­corner naman masyado si Ash. Kahit wala naman siyang sabihin ok lang sa akin. 
Alam naman niya na deal lang lahat. Kahit hindi niya pangatawan yun.. ayos lang. Lalabas na ako.

Bubuksan ko na sana yung glass door uli para lumabas na ako. Para ma­save na rin si Ash sa pagsagot. Pero 
this time, siya naman ang humila para hindi ko mabuksan.

"Oh come on! You're only attracted to her! There's a big difference between the word 'Like' and the word 
'Love'. Hindi ko ito ginagamit na excuse Chris.. not like this guy just to soften you up. As for my answer...""I 
didn't break R­13." ouch!
***24***

'Ouch' was supposed to be an inside thought. Pero anong nangyari? Parang naging doble yung impact noon sa 
akin. An inside thought, at the same time... parang na bottled up sa chest ko.

Anong tawag doon? I have no idea.

Tinulak ko na lang yung glass door para makalabas na ako. Alam kong maraming nakatingin nun pero parang 
nawala na yung pakialam ko. Ni­hindi nga nila alam yung ibig sabihin ng R­13...

First of, nasaktan ako sa sinabi niya. Hindi ko malaman kung bakit. Rule 13 states that we are not allowed to 
fall in love with each other. Hindi nga yun kasama sa paper pero sinabi ko. Binanggit niya sa akin na hindi sya 
umagree doon sa Rule. Pero bakit ganun? Sinasabi niya na hindi niya binreak yung rule? Does that mean 
pumapayag na siya doon sa sinabi ko?

More likely. Ngayon naman... nalilito na ako. Malaki yung possibility na ako na yung maging rule breaker dito.

Oh please STOP! Ako magiging rule breaker? Hindi pwede. At least please... not with Ash.

Bumalik na ako sa classroom. Binuksan ko na naman yung fairytale book ng nanay ko pero hindi ko binasa. 
Naiinis ako nung mga oras na yun. Saglit lang din eh may dumating sa loob... sino pa nga ba? Ang wicked 
witch Shalyna. Umupo na naman siya sa upuan sa harapan ko.

"Two popular guys like you?" sabi niya na talagang yung expression ng mukha eh hindi makapaniwala, "Well, 
I'm not sure about Ash. May codename pa kayong nalalaman. What in the world is R­13?""Mind your own 
business Shalyna.""Kung may gusto nga sila sa 'yo... it's unusual. I mean.." tinignan niya ako ng parang 
nandidiri, "Look at you! There's nothing special about you. Mukha ka ngang lalaki dati. Nabihisan ka lang kaya 
nagmukhang babae. They used to like me. Now.. ikaw? Eeew.""Yeah.. mukha nga siguro akong lalaki na 
nabihisan at nagmukhang babae. Well it's a positive right there. But you know what? Get your ugly face out 
here o baka lalong ma disarrange yan." tinaas ko yung fist ko.

Tumayo siya doon sa desk at tinignan niya uli yung bracelet ko.

"Saan mo ba nabili yan? Nakakainis!""Bakit hindi ka makabili ng katulad nito? Too bad.." inasar ko pa siya 
lalo kaya napaalis na siya bigla.

Tinignan ko lang yung bracelet at saka ko na lang niyuko yung ulo ko. Ayoko na yung pakiramdam ko. Ni­
hindi ko pa nga naranasan ito.

Nung nag­alarm na uli, nagsipasukan naman nayung mga kaklase namin. Isa sa mga huling pumasok eh si Ash 
at siya ang nahuling umupo sa upuan niya dahil sa likuran pa siya. Wala siyang sinabi sa akin.

Nagklase kami doon. Naboboring na nga ako nun dahil wala namang pumapasok sa utak ko. Dalawang period 
na lang nun kaya tuwang­tuwa talaga ako nung nag­alarm na para sa uwian. Tumayo ako kaagad at maaga 
akong umalis.

Lunch break na namin. Usually sa cafeteria ako kumakain pero ngayon eh gusto kong umuwi ng bahay. Ayoko 
lang mag­stay sa school ngayon.

Dahil walking distance lang yung bahay, mabilis din naman akong nakarating. Nagulat nga ako nung nandun sa 
bahay si Kuya Christian. Akala ko kasi may pasok siya. Sinabi niya sa akin na 2 pa daw ang pasok niya kaya 
nandun pa siya sa bahay namin.

1 hour lang naman ang lunch break namin kaya hindi na ako nagpahinga eh pumasok na rin ako kaagad. At 
kung hindi rin naman magandang view ang makikita mo, nagsisimul na namang tumaas ang presyon ng dugo 
ko. Nasa corridor kasi si Chester at Ash at nung madaanan ko eh pinag­uusapan nila yung one­on­one nila sa 
basketball.

Hindi ko na nga lang sila pinansin pero hinawakan ako sa braso ni Chester.

"Manonood ka ba sa gym mamaya?" tinanong naman niya ako.

"Would it make any difference kung hindi?""Of course it will. Kahit nga hindi na manood yung ibang section 
sa gym mamaya ok lang basta nandun ka."

What?! Manonood yung ibang section dahil sa basketball nila?

Dinaanan lang ako ni Ash nun. Tapos narinig kong sinabi niya bago siya pumasok sa room eh.. 'Nasa 'yo yun. 
Pero mas ok nga siguro kung nandun ka.'

Lalong dumami yung laman ng utak ko. Maglalaro sila.. ok fine tanggap ko yun! Maglalaro sila para sa kanila. 
Mag­aaway sila dahil sa kanila. At lalung­lalo na magpasikatan sila sa para sa kanila. Pero bakit parang 
lumalabas kasalanan ko lahat at nagkaroon ng ganitong laro?

Practice period na namin nun. Si Ash eh masyadong seryoso nun at hindi ko pa siya nakikitang ganun. Nung 
nag­skateboard nga siya, ilang beses siyang gumawa ng skateboarding trick at walang tigil. Parang lalo niya 
yatang pinapagod yung sarili niya.

"Bro, magpahinga ka naman." sabi ni Kian sa kanya.

"Oo nga, mag­iisang oras ka nang nasa ramp ah."

Hindi naman sila pinansin ni Ash. Tuluy­tuloy pa rin siya sa pag­slide niya sa ramp, ilang ikot, ihahawak yung 
kamay sa sahig.. slide uli..

Kahit ako mapapagod nun. Pero siya... wala talagang balak tumigil.
Hinawakan siya ni Kian sa likuran niya para tumigil na at namumula na rin yung kamay niya nun. Pero ang 
nangyari, tinanggal lang niya yung kamay at umalis siya doon sa arena mag­isa habang nakasakay sa 
skateboard niya.

Nagklase lang kami pagkatapos nun. Naka­uniform na nga si Ash nun. Hindi ko alam kung anong ginawa niya 
at napaka­seryoso niya talaga.

"Ok ka lang?""You know what bugs me?!!" sabi niya na nakataas pa yung dalawang kilay niya.

Hindi ko naman siya sinagot. Nagulat lang ako sa kanya at parang galit siya sa mundo niya.

"Sorry." sabi niya ng mahinahon. "Hindi ko sinasadya."

Parang may napansin ako sa kanang braso niya pero natatakpan. Hindi naman siguro.

Isa pa sa mga ikinagulat ko sa lahat nug araw na iyon eh nung alarm na ng uwian eh nagsitakbuhan palabas 
yung mga classmate namin. Parang alam ko na kung bakit. Dahil siguro yun sa laban nila nila ni Chester. 
Masyado talagang big deal yun sa mga tao. Ang captain ng skateboarding team, at ang captain ng basketball 
team. Siguro nga, advantage na yun para sa side ni Chester. Hindi ko pa nga nakikitang mag­basketball sila 
parehas.

Ako lang yung naiwan doon sa loob ng room namin at nakaupo mag­isa. Manonood ba ko?

Ewan ko kung anong pumasok sa utak ko at tumayo na ako. Iiwan ko na lang dito yung bag ko at hindi naman 
na siguro kailangan doon sa gym. Isa pa, mabigat din yan at ayokong magbuhat ng marami.

Naglakad nga ako papuntang gym. Sinuot ko yung sumbrero ko at ginawa ko yung ginagawa ko dati. Itinago ko 
yung buhok ko kaya nagmukhang maikli na naman. Uwian naman na kaya hindi na effective ang dress code.

Dahil nga panay taga Sports Curriculum yung nandun, maraming nakaupo sa bleachers. Nakita kong may mga 
limang tao doon sa gitna. May nakared na jersey, si Chester, at si white naman yung suot ni Ash. Nakatay lang 
siya doon at naka­cross yung kamay niya sa chest niya. Nandun pa rin ako sa entrance ng gym nung mapansin 
kong...

Lumingon si Ash sa direksiyon ko. Iniwas ko na lang kaagad yung tingin ko kung saan. May isang lalaki doon 
sa gilid na magrereferee yata as if totoo naman yung game.

"Miss, pwedeng makiupo?" sabi ko doon sa isang babae na nakaupo doon sa gilid.

"Sure." sabi niya pero hindi nakatingin sa akin, "Vacant naman diyan eh." tapos nabaling yung tingin niya sa 
akin, "Chris Orellana! Oh my God!"

Masyadong masaya yung babae nung makita niya ako kaya sinabi ko na tumahimik siya. Yun pala eh hindi lang 
daw niya inaasahan na makikiupo sa kanya si Chris. As if naman si 'Chris' eh kung sinong celebrity. Sagot ba 
naman sa akin eh kakaiba lang daw na may nakikiupo sa kanya. Madalas daw kasi eh wala. Tapos ngayon, 
yung babae pa na may pangalang 'Chris' ang nagtatanong sa kanya. Haay Chris.

Teka.. sino bang pinag­uusapan natin dito?

Nagsimula na yung game at syempre eh may mga nagsisigawan. Ito naman ang ayaw ko sa mga babae. 
Makakita lang ng naglalaro ng basketball eh panay na ang sigawan. I mean, what's the point? Si Chester lang 
yan at si Ash. They are just... guys.

Siguro nga madadamage sa reputation nila kung matalo sila sa game. Who cares about it? Siguro nga ginagawa 
nila ito para i­prove yung sarili nila. Kung tutuusin, rivals naman silang maituturing. In sports curriculum.

Then napansin ko, may nag­cheer na at naka­score na si Chester. 2 points na siya. Binaba ko yung sumbrero ko 
para wala nang makakita sa akin. Saglit lang din, umiscore na rin si Ash.

Nagkaroon ng ilang pito yung referee. Travelling daw.. mga ganun. Hindi ko nga maintindihan kung anong 
nangyayari sa game. Ang concern ko lang... yung score board. Tumagal ng tumagal, nasa 15­10 na ang score... 
Chester sa lead.

"Nakita ko kayo sa cafeteria kanina ah. Ang swerte mo girl." sabi nung babae sa akin at sinisiko­siko pa ako sa 
tagiliran ko. "I mean.. si Chester yan.. tapos si Ash! Grabe ka!"

I'm not totally happy about it. Hindi na lang ako nagsalita.

Maya­maya lang... isang mahabang pito na naman ang naganap. Nanahimik yung audience nun. Dahil hindi 
ako nanonood, hindi ko alam kung ano yung nangyari.

"What happened?!?"

Napatingin ako doon sa gitna. Yung puting jersey ni Ash eh panay dugo na.

"Anong nangyari?!!" kinulit ko pa lalo yung babae.

"Ewan ko ba. Dumudugo yung braso ni Ash eh."

Tumingin uli ako. Nakita kong nag­sign siya na ok lang siya. Tuloy pa rin yung game nila.

Siguro yun yung nakita ko kanina sa polo niya. May bandage siya doon.

Hindi na ko makapanood ng game nun lalo. Nakita kong 15 seconds na lang yung natitirang time. 33­31 ang 
score.. in favor of chester pa rin.

Tumakbo na langa ko doon sa sa CR sa may loob ng gym na rin. Doon na lang ako nag­stay. Tumingin ako 
mag­isa sa salamin at saglit lang..
Narinig ko nang nasigawan. Now what is the result???

Hindi pa rin ako lumabas. Narinig kong nagsisialisan na at sobrang ingay sa labas. Pero kahit anong mangyari.. 
hindi ko marinig kung sinong nanalo.

Umupo ako doon sa lababo sa may harap ng salamin. Narinig kong sobrang tahimik na sa labas at mukhang 
wala nang tao. Narinig kong may sumigaw doon na lalaki.

"May tao pa ba dito at isasara ko na itong gym???"

Anak ng tupa! Si Manong Guard yun!

"Meron pa po!" sumigaw naman ako, "Saglit lang!"

Pinunasan ko yung kamay ko at nagmadali na akong lumabas. Nagdire­diretso ako doon sa gate at nung 
bubuksan ko na...

Crap. It's locked! Oh My God!

Hindi yata ako narinig ni Manong Guard nung sumigaw ako galing sa banyo!

Inalog­alog ko yung gate kaya lang nakachain na siya. Tumalikod naman ako... ako na lang yung tao doon. 
Kinabahan tuloy ako.

Tumakbo ako doon sa kabilang gate saka­sakaling bukas yun. Pero hindi pa ko nakakalapit eh nakita kong may 
nag­aaway doon sa gilid. Hawak­hawak nung isa sa polo yung isa, hawak naman nung isa sa leeg yung isa.

"SIRAULO KA NAMAN PALA EH!""IKAW ANG MALAKI ANG PROBLEMA! BAKIT HINDI MO 
MATANGGAP NA NANLILIGAW DIN AKO SA KANYA?!?"

It's Ash and Chester.

"You two! Break it up!" nanginginig na ako nun.

Dumudugo na yung labi ni Chester... at si Ash naman eh yung braso pa rin niya. Nagulat sila nung nakita nila 
ako.

"Chris! Nandito ka pa?" sabi niya tapos binitawan niya sa leeg si Chester.

"Anong ginagawa mo dito?" binitawan niya si Ash sa polo niya.

Wow! This is great! They have no idea.
"I went to the bathroom bago matapos yung game! Nag­stay ako doon hanggang sa matapos!" tapos naisip 
ko, "By the way sinong nanalo?"

Nagtinginan silang dalawa.

"Him/Him."

Oh wow! Another great thing. Nagturuan pa!

Tinaas ko yung kilay ko.

"It's a tie. Sakto kasi sa time eh. Dapat may tie breaker kaya lang sinabihan kami ni Manong Guard na umalis 
na raw lahat sa gym at uwian na. Kaya nagsilabasan na."

Bumilis yung tibok ng puso ko nun.

"And speaking of Manong Guard.." lumapit ako doon sa gate ng mahinahon sa may likuran nila.. mahinahon 
na mahinahon tapos.. "PALABASIN NIYO KO DITO!!! BUKSAN NIYO 'TO!!!" inalog­alog ko rin yng chain 
doon.

"What do you mean?""We're locked in! Kasi kayong dalawa.. sigawan kayo ng sigawan hindi niyo narinig si 
Manong Guard na nagtatawag kung may tao pa!""Actually.. hindi eh." yung itsura ni Chester nun eh parang 
nag­aalangan.

"Ako rin."

Tumalikod ako sa kanila. Ano ba naman yan! Bwisit! Arrgghhh! Mas mabuti pa nga siguro yung kanina. Nung 
akala ko na mag­isa lang akong na­lock. Ngayon may kasama pa akong dalwang bwisit.

"Phone! Sinong may phone sa inyo?" tinanong ko sila at yung bag ko eh iniwan ko sa room.

"I uh.. nasa locker room yung bag ko nung nagpalit ako ng jersey.""Nasa room yung akin."

Bukod sa bingi na sila, bwisit pa, at ngayon useless na rin!

Baka mag­alala yung tatay ko sa akin nito!

Humarap ako sa kanila.

"Doon ako matutulog sa bleacher sa dulo." tinuro ko yung malayo.

Lumapit si Ash sa akin.

"At HUWAG na HUWAG kayong magkakamaling lumapit sa akin.""Matutulog tayo dito?""Are you stupid or 
what? Wala tayong phone.. walang nakakarinig sa atin. Naka­lock tayo. Do you expect makakauwi ka 
pa?""Don't call me stupid you MORON!" hinawakan na naman niya sa collar si Ash.

"Arrrggghhh!" tinalikuran ko sila at tumakbo na ako doon sa pinakadulo.

Tumigil din naman sila sa kakaaway nila. Sa kabilang dulo si Chester umupo.. sa bandang gitna si Ash sa 
kabilang side. Ako lang yung naiba sa kanila.

It's Thursday can you believe it? May pasok pa kami bukas at dito kami matutulog sa Gym. And now I'm going 
to spend the night with this two guys. They kept on fighting when I'm around. Madalas naman dahil sa akin? 
Flattered naman ako doon. At anong ginagawa ko sa kanila? Magalit.

Wow... two guys fighting over me. Hindi pa nangyayari sa history ng mahabang history. Anong kapalit nun? 
Sirain ko yung gabi nila kahit parehas na silang injured.

This will be a long night...

Way to go me!

***25***

Nag­stay ako doon sa kabilang dulo ng gym. Aba napakalaki ng tutulugan naming tatlo ha. Hindi namin 
kailangang magsiksikan sa iisang sulok. Ewan ko ba, medyo naiinis talaga ako sa kanila ngayong araw na ito. 
Abnormal kasi kumilos eh.

Nung tinignan ko sila, nakahiga na si Chester doon sa side niya pero nasa kabilang side siya nakaharap kaya 
hindi ko makita yung mukha niya kung tulog na ba. Si Ash naman eh lumipat na yata sa bandang taas at 
kitang­kita mula dito na nakaupo lang siya at nakataas yung isang paa.

Ako naman ano bang posisyon ko? Eto, nakasandal yung ulo sa pader. Badtrip naman oh.

Mabuti na lang talaga eh hindi mainit dito sa gym. Usually kasi eh binubuksan nila yung aircon kapag may 
mga tao.. pinapatay kung wala na. Sarado ngayon dahil hindi naman nila alam na nandito kami. Pero dahil 
bukas yung mga bintana sa taas, malamig pa rin.

Dumilim na nun sa loob ng gym. Kahit papaano eh may ilaw pa rin na nanggagaling sa labas kaya nakikita­kita 
mo pa rin yung bagay­bagay sa loob. Dahil nga ang tahimik doon sa loob, narinig ko kaagad nung may 
gumalaw doon sa kabilang side. Nakatalikod naman ako doon kaya hindi ko alam kung sino.

Hindi ko na lang pinansin. Nag­pretend ako na natutulog na ako dahil ang tagal na rin naman na namin sa loob. 
Yung position ko kasi eh nakaharap doon sa bleachers at nakababa yung paa ko doon sa pagitan. Nakayuko 
lang ako doon sa upuan na parang kaparehas sa desk namin sa school. Hindi rin nagtagal, dumating na kung 
sino man yung nandun.

"Alam ko natutulog ka.. at alam kong hindi mo ko naririnig." I should have known it's Ash, narinig kong 
umupo siya doon sa gilid ko, "Sana lang 'di ba masabi ko sa 'yo kapag alam mo? Pero ano pa nga ba? Unfair 
ako eh. Nasasabi ko lang lahat kapag iisipin na hindi totoo yun, pabiro, o kaya naman hindi mo alam."

Kinakausap niya ko?

Obvious ba Chris, wala nang ibang tao dito.

"I know you hate me.. and Chester too." Buti naman alam mo! "We're acting like jerks this past few days. Hindi 
mo lang napapansin noon... pero ngayon hindi na namin maitago. Pero napagisip­isip ko na, it's ok if you hate 
me. You hate pink too.. so as operas, musicals..and theater plays. You hate alot of stuff.."

Napangiti na lang ako doon na parang ewan. Mabuti na lang talaga hindi niya ko nakikita.

"Tinanong kita sa room kanina nung nagulat ka. What bugs me alot? Chester. I don't know.. I don't trust him. I 
just don't. Pero ano namang laban ko 'di ba? Siya yung gusto mo. Gustung­gusto kong sabihin sa iyo na huwag 
kang magpapaloko sa kanya."huminga siya ng malalim, "Nakipagbasketball ako kanina for what? I don't care 
about my stupid name in this curriculum. I did it because... uh.." nahihirapan pa siyang magsalita nun, tapos 
narinig kong, 'Ash.. say it! She can't hear you!' he's talking to himself? "I.. I love you Chris. I realized I do."

Nagulat ako doon sa sinabi niya kaya nahulog yung braso ko doon sa sinasandalan ko. Nahalata kong nagulat 
siya dahil bigla na lang siyang nanahimik, pero tuloy pa rin ako sa pag­pretend na gumalaw lang ako sa 
pagtulog ko.

"Hindi ko masabi sa iyo ng totohanan kasi iisipin mo rule breaker ako. At alam kong ayaw mo. But I'm not a 
rule breaker. I know I'm not. Bakit ba hindi ko masabi sa iyo?" sinuntok niya yung semento sa gilid, "Tapos 
nitong mga huling araw pa naguguluhan na ako. Ang dami­dami ko nang iniisip. Si Lawrence... he's still sick. 
Ngayon dito pa sa school. Si Chester.. si Shalyna.. everyone." alam kong tinaas niya yung paa niya dahil hindi 
ko na makita yung rubber shoes niya, "Dumugo na naman yung braso ko kanina. She tried to get something in 
your bag, kaya lang nakita ko siya. She scratched me... that's why I'm bleeding. After so many years... it's 
bleeding again."

Shalyna's going to feel the pain!

Kung pwede lang sana akong tumayo doon at subukan kong i­comfort siya ginawa ko na. Pero hindi eh.. hindi 
ko kaya sa ngayon.

"Sa tuwing magsha­share ka ng bagay­bagay tungkol sa 'yo, may natutuklasan ako. Pakiramdam ko nga 
minsan, we have this certain connection in the past. The day you told me that you saw a guy at the park, nag­
pretend ako na wala lang sa akin lahat. That guy was my brother."
Hey.. what? Isa lang ang brother niya.. si Lawrence. Teka... naguguluhan na ko.

Narinig kong tumayo na siya doon. Gustung­gusto ko siyang tanungin ng kung anu­ano... pero hindi ko rin 
ginawa. Hindi niya alam na nakikinig ako sa kanya kanina pa. Ngayon naman na may tanong ako, hindi ko 
naman pwedeng itanong sa kanya.

Naramdaman ko na may nilagay siya sa balikat ko. Hindi ko muna tinignan hanggang sa bumaba siya. Nung 
nakatalikod na siya, pasimple kong hinawakan sa gilid ko. Yung polo niya to ah!

"Take care Chris."

Bakit naman ganyan ka Ash? Hindi ka rin ba katulad nung iba na napansin lang ako simula nung nagbago lang 
ako ng damit? Hindi ba yun naman yung sinabi ni Shalyna? Hindi ba yun din yung sinabi mo kay Chester? 
He's only attracted to me 'coz I changed. Dati rati naman isa lang ako sa mga guys. Mr. nga ang tawag sa akin 
sa unang tingin 'di ba? Hindi ka ba ganun?

Saka ko naalala yung unang araw na nakilala ko siya. Nung araw na nagkakilala kami dahil sa skateboarding 
team.

"Late na yung Chris na yun, kasasabi lang na dumating dito ng sharp. Ayoko pa naman ng mga late!"

Excuse me? Ayaw daw niya ng late eh nauna pa ako sa kanya dito! Sapakin ko kaya 'to.

"Miss, labas na." tinuro niya yung pinto.

"Pinapunta­punta niya ako dito ng 3 o' clock sharp tapos pinapaalis mo ako? Ang gulo talaga ng mga  
lalaki!" tumalikod ako para lumabas ng pinto.

Hinwakan naman niya ako sa braso ko.

"I'm sorry?" tinignan niya ako ng nagtataka, "Bakit ka naman namin papupuntahin dito?""Eh kasi po, yung 
mga kasamahan mo sinabi nila pumunta daw ako dito dahil pasok daw ako from try­outs pero kailangan ka pa  
kausapin.""Teka­teka, isa lang yung nakapasok from try­outs. At ang pangalan eh Chris. You're not Chris."

Ooh... parang alam ko na yung iniisip nito.

"Chris nga pala." inextend ko yung kamay ko pero hindi niya tinanggap.

Pigilan niyo ko!! Tinalikuran ba naman ako.

"A girl? Skateboarding? No way!" aba­aba, anong masama kung babae ka! "Kung hindi ko lang alam, nilagay  
mo lang na Chris yung pangalan mo para makuha ka dahil alam mong hindi kami tatanggap ng babae."
Sasampalin ko ito eh.

Oh my God. He called me Miss the first time he saw me. Not Mr. Nung unang beses niya ako tinignan kahit 
hindi niya pa ko kilala nun.. Miss ang tinawag niya sa akin. He noticed me as a girl.. kaya ayaw niya akong 
tanggapin sa team. Not like any other guys or whoever who always call me Mr. the first time and Miss the 
second time.

Ash is... different.

***

Nagising ako nung may tumatama na sa araw sa mata ko at mukhang maliwanag na. Sinasabi ko na nga ba, 
nightmare lang lahat. Gigising ako at makikita ko yung exact same white roof ng kwarto ko... then magreready 
na ko for school.

Napatingin ako doon sa nasa itaas ko. It's... brown.

"AAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!" tumili ako ng malakas at nag­echo doon sa buong gym.

Nahulog naman si Ash doon sa pagkakahiga niya sa taas. Si Chester, tumayo lang naman. Tumakbo naman sila 
sa direksiyon ko.

"Chris ok ka lang?""Guys.. nasa gym tayo." sabi ko nun ng wala ako sa sarili ko.

"Yeah.. we know. We got locked in yesterday.""AAAAAAAHHHHHHHHHHH!"

Tinakpan nila parehas yung tenga nila at nabingi yata sila sa akin.

"Anong oras na?""It's 7:30. Actually, nag­time na kanina pa."

Sisigaw sana ako uli kaya lang nagbago na yung isip ko. Tumakbo ako doon sa pintuan at inalog ko ng inalog 
yun. May mga teacher naman na nagkalat sa labas.

Nag­ingay ako ng nag­ingay doon pero parang walang nakakarinig sa akin. Tinignan ko ng masama yung 
dalawa at nakangiti lang sila sa akin.

"I need help here?!?"

Nawala yata sila sa sarili nila pero pagkatapos nun eh nagsabay­sabay kaming sumigaw para marinig nila. 
Sumakit nga yung lalamunan ko eh. Saglit lang din eh narinig kami nung isang teacher pero hindi niya alam 
kung nasaan nanggagaling yung ingay. Lalo pa kaming nagingay ng nag­ingay. Finally, napatingin siya doon sa 
pintuan ng gym. Gulat na gulat siya at hinawakan pa niya yung dibdib niya.
"Diyos ko! Anong ginagawa niyo diyan sa loob?"

Umalis yung teacher at alam naming tinawag niya kung sno man ang may susi ng gym para makalabas na kami 
doong tatlo. Ang tagal nga eh at mukhang hinanap pa nila kung sino ang meron. Nung nabuksan naman na, 
tinanong lang niya kami kung ano daw ang ginagawa namin sa loob. Sinabi nga namin na na­lock kami sa loob 
at doon na kami nakatulog na lahat. At nung matapos kami kakakwento, sinabi niya na hindi daw kaming tatlo 
ang unang na­lock doon. Meron na rin daw dati pa.

Sinabihan niya kami na pwede daw kaming umuwi at kakausapin na lang daw yung homeroom teacher namin 
at ipaalam sa kanila. Dahil nga total wreck ang itsura ko, hindi na ko bumalik sa room para kunin yung bag ko. 
Hello? maya­maya lang baka alam na nila na si Chris Orellana kasama ng dalawang lalaki eh natulog sa gym. 
Wow! Whatta' news.

Sinabayan lang ako ni Ash magalakad nun dahil magkalapit nga lang ang bahay namin. Pero dahil mauuna 
siyang lumiko, sinabihan ko na siya na hindi na niya ako kailangang ihatid. Naglakad lang ako ng mabilis at 
nakauwi rin naman ako sa bahay namin.

Ano pa nga bang ineexpect ko kundi ganito???

"AT SAAN KA NANGGALING NA BATA KA HA! HINDI KA UMUWI KAGABI! HINDI KA MAN 
LANG TUMAWAG! HINDI MO INIISIP KUNG MAY NAGAALALA BA SA IYO O KUNG MAY 
NAGHIHINTAY MAN LANG! TUMAWAG PA KAMI SA PULIS PARA LANG IPAHANAP KA! ANO 
BANG INIISIP MO NA BATA KA!" yan ang tatay ko, hindi yan pumasada ngayon.

"Tay! Aksidente pong na­lock kami sa loob ng gym dahil may laro ng basketball kahapon. Nasa bathroom ako 
nun kaya hindi ako narinig ni Manong Guard. Hindi kami makalabas tapos yung gamit pa namin nasa room 
kaya hindi kami makatawag. Sorry talaga... hindi naman namin sinasadya."

Tumingin lang siya sa akin nun at yung galit niya eh parang nawala.

"Ganun ba anak?!?" lumapit siya sa akin at niyakap ako, "Pasensya ka na sa tatay at nag­alala lang. Hindi 
namin alam kung anong nangyari sa iyo. Pero ang mahalaga ok ka naman pala. Tatawag na lang ako sa pulis na 
nakauwi ka na." sinabi niya sa akin at humiwalay din siya at pumunta sa telepono.

Nung napatingin ako sa dalawang kuya ko, parehas silang nakatingin ng nakakaloko sa akin. Katulad ng tatay 
ko, hindi rin sila pumasok. Tingnan mo nga naman, concern talaga pamilya ko sa akin eh!

"Hindi KAMI makalabas???" sabi ni Kuya Christopher.

"Hindi KAMI makatawag?" sabi naman ni Kuya Christian.

"Shut up! Aakyat na ko at may pasok pa ko sa school."

Nahligo naman ako nun at syempre nagpalit ng fresh clean uniform. Grabe, kagabi lang kakaiba pakiramdam 
ko dahil hindi ako nakapagpalit ng pantulog.

Pagkababang­pagkababa ko eh naka­ready na yung almusal ko na niluto talaga ng tatay ko. May hotdog doon 
at itlog at syempre may fried rice. Masyado nga yata siyang nag­alala kaya tignan mo ngayon, may fiesta. Kahit 
na konti lang yung pagkain sa harapan ko, fiesta pa ring maituturing.

Nag­toothbrush na rin ako nun. Pagkatapos ng ilang pag­aayos sa sarili ko eh nagpaalam na ako sa kanila at 
papasok na rin ako sa school. Mukhang hindi pa ready si Ash nun dahil hindi ko siya nakita.

Mabilis din akong nakarating sa school at laking pasasalama ko talaga at breaktime na yung naabutan ko. 
Ayoko namang mag walk­in ng may klase at super duper nakakahiya yun. Tiyak eh mang­iintriga lang yung 
mga classmate namin sa amin.

Nandun pa rin yung bag ko sa upuan ko kaya mabuti na lang talaga at walang gumalaw. Syempre eh tinanong­
tanong nila ako kung ano daw ba ang nangyari at narinig daw nila yung mga teacher na naguusap­usap dahil sa 
aming tatlo. At dahil ayokong pinaguusapan kami, sinabi kong no comment ako.

Sumandal lang ako doon sa upuan. Hindi naman ako gutom at kakakain ko lang ng almusal sa bahay. Narinig 
ko na lang...

"Chris! Tara dito!" sabi nung babae kahapon na nakatabi ko sa gym.

"Bakit?" mukhang hinihingal­hingal pa siya.

"Si... uh.. Shalyna. Yung uh.. libro.."

Paputul­putol yung sinasabi niya pero saka ko lang na­realize. Mabilis kong binuksan yung bag ko at hinanap 
ko yung nag­iisang remembrance ng nanay ko sa akin. Yung fairytale book. Wala na rin doon.

Tumakbo ako palabas doon ng sobrang bilis at wala na akong pakialam kung madapa man ako o ano. 
Sinabayan lang ako nung babae at eksakto namang nandun na ako sa garden eh may mga tao doon at nandun 
din si Shalyna. Nasa harapan niya yung fairytale book ng nanay ko.

"Give that back!" sabi ko sa kanya at galit na galit na ko.

Yung itsura ng mukha ni Shalyna eh nang­aasar.

"Alin? Itong lumang libro na ito? Everyone!" tinawag niya yung mga tao sa gilid, "Can you imagine Chris 
Orellana reading a fairytale book?" nagtawanan naman sila.

"I don't care if you can imagine it or not. Give it back! That's mine!""Eh paano kung ayoko?!?""Ibabalik mo sa 
akin yan Shalyna!!!" please God.. please God.. sana wala siyang gawin doon sa libro na yun... please God..

"Oo nga no! Kasi naalala ko sinabi mo dati.. this filthy stuff means alot to me than anything in this room. How 
noble."

Gusto ko sanag sugurin siya at agawin sa kanya ng malakas pero hindi ko pwedeng gawin yun. Luma na yug 
libro at malaki yung possibility na mapunit na yung kung aagawin ko pa.

"Gusto mo itong makuha uli?" inangat niya yung libro, "O baka naman mas gusto mo itong isa???" tinaas 
naman niya yung isa.

Nung makita ko yung nasa kaliwang kamay niya, hawak­hawak niya yung bracelet na galing kay Ash. Yung 
bracelet na binili ni Ash sa fair para sa akin nun at may kaparehas sa kanya.

"Those are mine! Ibalik mo sa akin!""Nah.. ayoko. Naisip ko lang... ibabalik ko ito sa iyo. Pero hindi pwedeng 
dalawa. You have to pick. Yung libro.. o yung bracelet."

Susugurin ko na sana siya kaya lang hinawakan ako nung isang babae sa likod. Alam niyang away lang ang 
magaganap.

"Ano bang problema mo? Sa akin parehas yan! Tama lang na ibalik mo sa akin!"

Tinapat ni Shalyna yung kamay niya doon sa drainage. Isang bitaw lang niya doon sa libro at doon sa bracelet, 
mahuhulog na yun sa drainage na panay dumi at hindi ko na yun makukuha.

"Hindi ka makapili? E di ihuhulog ko parehas."

Mukhang balak talaga niyang ihulog yung bracelet at yung libro doon sa drainage. Naiiyak na ako nun pero 
ayokong ipakita sa lahat. Kahit mahirap para sa akin.. kailangan kong pumili. Hindi ko makuhang tumingin ng 
diretso sa kanya.

"Y­yung L­libro." nanginginig na ako nun.

Ang hirap­hirap pumili nun. Pero kailangang kong gawin. Mas mabuti nang meron, kaysa wala.

"Oh! Good girl!" sabi niya tapos pumalakpak pa siya. "Does that mean Ash doesn't mean to you that 
much?" nag­step forward siya ng kaunti papunta sa akin. "Here, you can have your book now." inaabot niya sa 
akin yung libro.

Nakatayo lang ako doon at nakatingin sa kanya. Ang sama­sama niya talaga. Bakit ba niya ginagawa 'to?

Ini­stretch ko na yung kamay ko para abutin yung libro. At least... after all, I have my mom's book. Kahit yung 
kay Ash... wala na.

Kaya lang nung kukunin ko na sa kanya, bigla niyang bintawan ng sabay yung bracelet at libro.

"Oooppss.. sorry. Nag­slip sa kamay ko eh." tinakpan pa niya yung bibig niya.
Nahulog na parehas doon sa drainage.

"What's the matter with you! Mahal na mahal ko yung mga bagay na yon! Hindi mo lang alam kung gaano yun 
kahalaga sa akin!" tinulak o siya ng malakas.

Lumuhod ako doon sa drainage pero wala naman akong magagawa kundi tignan na lang doon. 

Kahit na gaano kadumi yun... kaya ko sigurong gawin makuha lang parehas.

"Chris huwag na! Tiyak sira na rin parehas yun! Saka delikado!"

Umiyak na lang ako ng umiyak habang nakaluhod ako doon. Hindi talaga ako umalis doon sa spot na yun. May 
nag­comment pa nga doon sa gilid na lalaki.. "Ang baho­baho diyan may balak ka pang kunin yun?"

Tinignan ko lang siya ng masama. Blurry na yung paningin ko.

Nakaluhod pa rin ako doon at tuluy­tuloy pa rin yung luha ko. Nag­iisang bagay lang yun na nagpapaalala sa 
akin sa nanay ko nawala pa ngayon!

Maya­maya lang narinig kong umingay yung mga nasa gilid! Bigla na lang tumumba yung lalaki na nang­aasar 
kanina at sinuntok siya ni...

"Kung wala kayong magawang mabuti, huwag kayong magpakita sa akin! Alis na!"napaatras naman yung 
iba, "Umalis na kayong lahat!"

Nagsialisan naman sila isa't isa doon at si Shalyna na lang na nandun sa damuhan an hindi pa tumatayo.

"Ash, hindi mo man lang ba ako itatayo?""Hindi." tapos lumapit siya sa akin at ini­offer niya yung kamay niya.

"Ayoko! Ayokong umalis dito! Ayoko!" for the first time, nakita na ng mga tao na umiiyak ako.

"Tara na chris." mahinahon na siya magsalita nun, "Wala na nga siguro sa iyo yung libro, but then.. she'll stay 
inside of you. here.." tinuro niya yung puso ko.

"What are you two talking about?"

Hindi naman siya pinansin ni Ash.

"God has better plans for you.. I promise." tapos nilagay niya yung kamay niya sa balikat ko, "I told you I'll 
take care of you."

Tumayo na ako nun kahit umiiyak pa rin ako. NUng papalabas na kami ng garden sinabi ni Ash...
"Thanks to you Shalyna.." sarcastic yung pagkakasabi niya..

"That book's her only remembrance from her Mom."

***26***

Para akong sira doon na ayaw tumayo siya harapan nung drainage. Nakaluhod lang ako doon at parang natanim 
na yung dalawang tuhod ko sa lupa. Si Ash eh sinamahan lang ako doon at hinihimas­himas niya ako sa likod 
ko. Si Shalyna eh mukhang wala naman nang magagawa at hindi naman siya papansinin ni Ash kaya umalis na 
lang siya. Hindi ko alam kung anong itsura ko na nung mga oras na iyon. Siguro eh namumula na nga yung 
mga mata ko. Inioffer naman niya yung puting panyo niya sa akin at hindi ko siya pinansin. Pero ano pa nga 
bang magagawa ko, si Ash siya. Kailangang sundin mo kung ano yung gusto niyang mangyari.

"You know what Chris, you're welcome to lean on my shoulders."

Hindi ko pa rin siya pinansin nun. Napagod na yata siya sa akin kaya ang ginawa niya eh nakiluhod na rin siya 
sa akin.

"Kung wala kang balak umalis dito, luluhod din ako kasama mo."

Tinotoo nga niya yung sinabi niya. Saglit lang din eh nakiluhod na siya sa akin doon sa harap nung drainage. 
Hindi pa rin ako makapagsalita.

Kung may makakakita nga sa amin doon, siguro eh para kaming sira na nakaluhod doon. Umiiyak pa rin ako 
hanggang ngayon. Hindi ko naman mapigilan.  Saka ko lang na­realized.. ano ba si Ash sa akin?

"W­wala na yung libro!" yun na lang yung nasabi ko sa kanya.

Hindi ko naman inaasahan na yayakap siya sa akin.

"Alam mo kung anong natutunan ko nitong mga huling araw?" tinignan ko naman siya at sa drainage din siya 
nakatingin, "Kapag ginagawa mong miserable ang buhay ng isang tao, hindi naman yun nakakapagpagaan ng 
buhay mo. I mean, you'll find it amusing on yuor part, but your life won't be any better. Isn't it?"

Tama naman siya. Wala namang magbabago kung gagawin mong miserable ang buhay ng isang tao.

Naisipan ko rin naman ng tumayo. Kakaibang­kakaiba na yung pakiramdam ko nun. Inalalayan lang ako ni Ash 
at hindi rin nagtagal eh nag­alarm naman na at tapos na yung breaktime.

Pagpasok na pagpasok namin sa loob ng room eh ang daming nakatingin sa amin. Pero wala talaga akong 
pakialam. BUmuka naman na yung bibig ng iba naming classmate para magsalita.. pero pinigilan sila ni Ash.
"Not a word!" binigyan naman niya ng warning.

"Uh... eh... tatanong ko lang sana kung tuloy ba kayo doon sa date niyo? Kung totoo ba yung presentation?"

Crap. Naalala ko na naman yun.

Tumingin si Ash sa akin at nahalata kong nag­blush siya. Iniwas niya ung tingin niya sa akin.

"I.. don't­­""Of course!" sinabi ko sa kanya, "Tuloy kami bukas." sinabi ko sa kanya kahit na humihikbi pa ako 
nun. "A date is a date! What can I say?""Really?" sabi niya na mukhang nagulat sa akin.

"Make sure on time ka ha!" dinaan ko na lang sa ngiti kahit nalulungkot ako.

Kahit na malungkot pala ako.. meron pa palang ganitong bagay na nakakapagpasaya sa akin.

"Thanks.. CHRIS!" bigla na lang niya ako hinalikan sa pisngi ko.

Nag­asaran naman doon yung mga classmate namin. Sabi pa nung isa...

"Naks naman, nagthank you lang si Ash may kiss pa!"

Tumingin si Ash sa kanya na nakatodo­ngiti.

"Sinong maysabi na nag­kiss ako para sa thank you? What can I say?" ginaya niya yung sinabi ko kanina, "I 
have my own reasons."

I think I know what it is. Hindi kaya yun yung sinabi niya sa akin kagabi sa gym?

Wala nang atrasan Chris... sabi mo nga... a date is a date.

Hindi talaga ako nakinig doon sa klase namin. Ang ginawa ko lang eh sumandal sa desk ko buong maghapon at 
wala akong pakialam kung ano man yung dinidiscuss sa harapan. Si Ash ng eh panay ang tingin sa akin at 
tapos titingin uli sa board. Mukhang siya nga rin eh hindi rin mapakali sa kinauupuan niya. Bigla na lang 
niyang nilapag yung ballpen niya at lumuhod siya sa harapan ko. Wala nga siyang pakialam kahit na 
nagsasalita yung teacher namin nun sa harap.

"Chris, kung hindi ka ok, ilalabas na kita dito. Sabihin mo lang. Kanina ka pa lumuluha diyan eh."

Hindi ko naman siya sinagot. Basta nakatitig lang ako doon sa baba.

Hindi ko naman siya masyado tinignan pero alam kong tinaas niya yung kamay niya dahil narinig ko yng 
teacher na tinanong siya kung anong kailangan niya.
"Mam, pwede po bang umuwi na? Ihahatid ko lang po si Chris, mukhang 'di maganda yung pakiramdam niya 
eh."

Dahil hindi ko na alam yung naririnig ko, naramdaman ko na lang na inaalalayan niya na akong tumayo. Pero 
siguro nga iniisip na nung mga tao na sobrang arte ko na ngayon. Ako rin hindi ko ma­explain kung anong 
nangyayari sa akin. Masyado lang sigurong mahalaga sa akin yung libro.. pati yung bracelet. Ngayon, wala pa 
parehas. Nakakapanghina.

Si Ash na ang nagdala ng bag ko. Inikot nga niya yung kamay niya sa likod ko hanggang sa waist ko para 
maalalayan niya ako lalo. Hindi ko pa rin siya kinakausap hanggang sa makalabas kami ng room. Nagsalita 
lang ako nung nasa gate na kami.

"A­ash.. w­wala na yung libro. P­paano ko pa.. paano ko pa makikita yung nanay ko? N­nag­iisa na nga lang 
yun para makilala niya ko. W­wala na.." nanginginig pa rin yung boses ko. "P­pati yung bracelet... w­wala na."

Hinigpitan niya yung hawak niya sa akin. Yung polo niya nun eh nabasa na dahil sa kakaiyak ko. Nakakahiya 
na nga sa kanya eh. Pero ganun pa rin, hawak­hawak pa rin niya ako ng mahigpit.

"Chris, alam kong mahalagang­mahalaga sa iyo yung libro na yun. Someday.. you'll meet her. Don't mind the 
bracelet..."

Sasagot pa sana ako nun pero hindi ko na tinuloy.

Iniuwi na lang niya ako doon sa bahay namin. Nagulat na naman yung tatay ko sa akin nung umuwi ako ng 
maaga. Kanina lang nandito ako, ngayon naman bumalik na ako. Hindi naman niya ako tinanong kung anong 
nangyari, instead, umakyat na lang ako sa taas at doon ko na tinuloy yung pag­iyak ko. Dumapa ako doon 
sa kama ko.

Sa sobrang pagod na rin siguro.. nakatulog na ako.

***

Narinig ko na lang na may kumakatok sa pintuan ko. Dinilat ko naman yung mata ko at nakita kong naka­
uniform pa rin ako. Yuck, hindi ako nakapagpalit kahapon. ANg sakit­sakit pa ng mata ko. Tumingin ako doon 
sa salamin, medyo maga pa rin siya pero hindi naman ganun ka­worse kaysa kahapon.

Pagkabukas ko ng pintuan ko, nakatayo sa labas si Kuya Christian. Kung pansin niyo, mas close ako sa Kuya 
Christian ko kaysa kay Kuya Christopher. O baka hindi niyo napansin, dahil parehas Chris. Yung ba nga 
naliliro na sa amin.

"Bakit?""Pinapagising ka na ni Tatay, may pasok ka pa."

Oo nga pala, nakalimutan ko na yun. Friday na nga pala ngayon. Thank goodness last day ng week. And it's...
IT'S FRIDAY... AAAAHHHHHHH!!!!

"Bakit ganyan yang itsura mo? Kumilos ka na nga 6:15 na."

Nagsimula na akong lumakad nun papunta ng banyo. Narinig ko lang si Kuya nagsabi ng..

"Oo nga pala, iniwan ni Ash yung damit mo." sabi niya nung malapit na siyang bumaba ng hagdan.

"Damit? Anong damit?""Susuotin mo yata ngayon sa school. Dinala niya yata kagabi eh. Umakyat siya sa 
kwarto mo ah. Akala ko nga nagkausap kayo kasi nakangiti pa nung bumaba. Ang weird niyo parehas."

Actually, wala namang nangyaring kakaiba nun. Napaka­uneasy nga ng feeling ko eh habang nagka­klase 
kami. Unang­una, mukhang namamaga yung mata ko. Pangalawa, nalaman ko na umakyat si Ash sa kwarto ko 
nung tulog ako. At pangatlo, it's Friday! And you know what that means?

"Saan tayo pupunta?" yeah.. it's our date today.

"Actually... I don't know." ngumiti siya sa akin, "But I want you to meet my Dad. So bago tayo umalis siguro, 
dadaan muna tayo sa hospital. On duty kasi yun."

Napalunok na lang ako nun. Imi­meet yung Dad niya?

"Your Dad? You mean... the doctor? I mean.." ano ba yan ang gulo ko, "Si Dr. Valdez?""Yeah. That's the one."

Oh no. Parang ayoko na yata. Baka kapag kaharap ko na yun, umurong lang dila ko. Naku naman!

Nagklase naman kami. Nagno­notes nga ako nun habang nagsasalita yung teacher namin kaya lang chicken 
scratch talaga yung kinalabasan. Wala kasi ako sa sarili ko. Tumingin ako sa relo nung hapon, 4:45 na nun. 
Iurong ang oras.. please!!!

Ok, baka nagtataka rin kayo. Ano ba yung iniwan ni Ash na damit? Hindi ko rin alam kung anong nangyari sa 
kanya at dinala niya yun sa bahay namin. It's just my plain uniform. XL na jogging pants at Large na Shirt. 
Other than that, bagong ball cap. Kaya ngayon, suot ko yun. Hindi lang yung cap kasi bawal sa school.

Nag­alarm naman na nun. Bumilis na yung tibok ng puso ko nun. Tumayo na si Ash sa harapan ko at siya na 
naman nagdala ng bag ko. HInihila na niya ako nun.

"Alam mo Ash.. gutom na ko eh!" nagkunwari naman ako, "Pwede ka kumain muna tayo? Tapos pagkatapos 
natin sa resto.. punta tayo sa mall. Mga ganun! Ang saya nun 'di ba?""No Chris.. pupunta muna tayo sa Daddy 
ko."

Nung makalabas na kami ng school, sumakay na kami sa jeep at may kalayuan naman ang hospital sa school. 
Hanggang doon sa jeep eh kinukulit ko siya na maganda yung bilihan doon sa labas.. mga ganun.. para 
magbago yung isip niya na huwag muna sa hospital. Sa totoo lang, natatakot kasi ako ma­meet yung Daddy 
niya. Ewan ko ba.

Saglit lang din, nasa harap na kami ng gate sa may hospital. Kabababa lang namin kaya lang napatigil ako at 
hindi na ako makakilos. Talagang hindi ako makakilos. Hinila na naman niya ako pero ayoko talaga.

"Chris tara na! Ok lang yan.." hinihila pa rin niya ako.

Hinigpitan niya lalo yung pagkakahawak niya sa wrist ko.

"Papasok tayo? Sure ka bang walang ambulance dito?""This is a hospital Chris. What do you expect?" sabi 
niya na nakukunsumi na sa akin.

"Meron? Ayoko na pala." umatras ako.

Hinila pa rin niya ako kaya napaharap ako sa kanya.

"Ano bang problema? Don't tell me takot ka sa ambulansiya?" ngumiti siya doon at tumawa ng kaunti.

Seryoso ko naman siyang tinignan nun. Hindi ako tumatawa. Parang naintindihan na niya yung reaksiyon ko.

"Are you serious?!?" sabi niya sa akin.

"Yeah. Kung may takot ka sa bike... takot ako makakita ng ambulance.""No offense Chris, but.. that's weird. I 
mean, bihira lang ang may takot sa ambulance." sabi niya at seryoso na rin siya.

"Alam ko. Pero kung ang kaso mo naman eh makakita ka ng lalaking duguan tapos hindi mo tinulungan at 
makarinig ka ng ambulansiya?? That still haunts me."

Saka ko lang naalala. Si Lawrence nga pala yun. Ano kayang magiging reaksiyon niya? Hindi niya alam na 
alam ko na yung tungkol sa bagay na yun.

"That. Who knows, maybe he's alive.. and happy." nakangiti siya sa akin at tinapik niya yung balikat ko.

Nginitian ko lang din siya nun.

"Come on, sa likod naman yung mga ambulance eh... hindi ka makakakita."

Pumasok kami doon sa glass door ng hospital. Syempre, ang dami ring tao doon at may mga nurse din na 
nagkalat at kung saan­saan papunta. Huminto kami doon sa front desk.

"Uhmm.. pupunta lang kami sa Daddy ko. Nasa taas ba siya?""Nasa taas na po si Dr. Valdez.""Thanks."

Hindi talaga binitawan ni Ash yung kamay ko habang umaakyat kami sa hagdan. Hinihingal­hingal na nga ako 
eh. Bukod sa mataas na nga yung hagdan nila, ang bilis pa niyang umakyat. Parang kabayo nga eh.
Finally nung nasa kung saang floor na kami, huminto kami. May isang pintuan doon na kulay puti at may 
window lang na maliit at kita mo sa loob. Sa may taas eh nakalagay,Jericho Valdez.

Bago pa kami pumasok, hinawakan niya ako sa dalawang balikat ko. Tumingin lang siya sa akin mula ulo 
hanggang paa. Asus, tinignan pa niya eh alam naman niya na mukha akong lalaki. Malaki na yung jogging 
pants, malaki pa yung shirt.

Nagthumbs up siya sa akin. Abnormal?

"Isa na lang ang kulang.." sabi niya sa akin. Kinuha niya yung ball cap sa kamay ko at sinuot niya sa 
akin. "There. Perfect.""Why do I have this feeling that you are acting... weird. Perfect.. perfect ka pang 
nalalaman.. tingnan mo nga ako! Alam ko na sasabihin ng Dad mo.. Hi Mr!" umarte pa ako kunwari na nagwa­
wave.

Tumawa lang siya ng malakas.

"Nah. I just want you to be.. Chris." nilagay niya yung kamay niya sa ulo ko, "And.. hindi lang naman si Daddy 
ang mami­meet mo. Malaki ang possibility na nandito rin si Mrs. Salinas. Minomonitor kasi ni Daddy blood 
pressure niya."

Hahawakan na sana niya yung door knob kaya lang hinawakan ko siya sa kamay niya.

"Kailangan ba talaga natin 'tong gawin?"

Tumigin lang siya at bago niya binuksan eh kumatok muna siya. Nakayuko na ako nun. Pagkabukas na 
pagkabukas niya eh ang lamig kaagad sa loob. May nakaupo doon sa may table na nakaputi at isang babae. Sila 
na nga siguro ito.

"Hi Dad!" tapos tumingin si Ash doon sa babae, "Kumusta Mrs. Salinas.." tapos nag­kiss siya sa cheeks niya.

"Ok naman.. mabuti ang pakiramdam."

Mrs. Salinas?

Tumingin si Ash sa akin. Bago pa siya nagsalita, yung Daddy naman niya ang sumagot.

"Hi Miss, anong pangalan mo?"

Miss. He called me Miss too!

"Chris po. Chrisandra Orellana."

Lumapit naman siya sa akin. Makikipagkamay na sana ako kaya lang kiniss din niya ako sa pisngi ko.
"Ikaw si Chris?" tinuro naman niya ako, "Nice to meet you. Carmen Salinas, mommy ni Shalyna."

Kiniss din niya ako sa pisngi ko. Honestly, for Shalyna's Mom... she's nice. Niyakap naman niya ako. Nung 
humiwalay siya, umatras ako.

"Nice to meet you po.""Ilang taon ka na?""15 po. Mag­16 sa September." sabi ko na lang.

"Ooh. Magkasing­edad lang pala kayo ng anak ko."

Oo nga eh.. unfortunately.

"Pagpasensyahan mo na yung anak ko ha." nagulat naman ako sa kanya, "Alam kong medyo binibigyan ka niya 
ng hard time..." medyo?!? "Pero hindi naman niya siguro sinasadya yun." Hindi sinasadya? "Minsan kasi 
nadadala lang siya ng emosyon niya."

Excuse me? Nadadala ng emosyon? Emosyon ba iyon na maituturing?

Pero dahil siya naman ang humihingi ng sorry para sa anak niya, might as well accept it.

"Ok lang po yun.""Anyways Dad, dumaan lang kami dahil nga gusto kong makilala mo si Chris. May 
pupuntahan pa kami eh.""Ahh ganun ba? Mabuti dumaan kayo. Eric nga pala Chris. Pinaikling Jericho. Tito na 
lang itawag mo sa akin."

Nginitian ko lang siya. Matapos ang pag­bye namin lumabas na kami doon sa office nung daddy ni Ash. Saka 
lang niya ako kinausap uli.

"So what do you think?" tinanong naman niya ako.

"You're Dad's nice. He called me Miss."

Ngumiti lang siya sa akin.

"Of course you're a girl. Ano pala dapat, Mr.?" sabi niya sa akin.

"Pero.. look at me. I'm.. me. I look like a guy. It's just.. unusual.""Oh come on Chris!" sabi niya sa akin, "Every 
guy who has eyes can see that you're a girl.""Not everyone."

Nakiayon na lang siya sa akin. Alam niyang ipipilit ko rin naman yung sasabihin ko. Not everyone. But I'll 
count Ash in those guys who noticed that I'm a girl. Oh.. and his dad too.

"Eh si Mrs. Salinas?""She's okay." sabi ko na lang.

"Okay? Not like... really nice? I thnk she's nice." dinagdag pa niya. Hinawakan niya yung strap ng bag ko.
"Yeah.. I know.. she's nice. Pero.. hello? She's Shalyna's Mom. Hindi mo naman siguro ineexpect na 
magustuhan ko siya ng ganun­ganon. Kakaiba pa rin yung pakiramdam ko sa kanya. Parang yung pag­aaway 
namin ni Shalyna, barrier.""Yeah.. may point ka doon."

Nakababa na kami doon sa pinakababang­baba. Papalabas na kami ng hospital nung mag­bye na si Ash doon 
sa nurse na nakausap niya kanina.

"Saan tayo pupunta?" tumingin siya sa akin, "Siguro naman may idea ka na.""Yeah meron na. Saan tayo 
pupunta? Hmmm..." tumingin siya nun ng nakakaloko..

"Ayoko yung tingin na yan..""Don't mind me." sabi niya sa akin, "Nakwento ko na ba sa iyo yung tungkol sa 
babae na kasama yung date niya?""Err no. Ano yun?"

Nagkwento naman siya habang nagpapara siya ng jeep.

"Malungkot kasi yung girl. Syempre, marami siyang problema. Yung guy naman sinamahan siya para 
pasayahin siya." teka, parang familiar ah.

Tinaas ko yung kilay ko. Parehas sa akin ah.

"It's a story right? Let me finish." sabi niya sa akin. "Then.. nakasakay na sila nun sa jeep papunta sa 
pupuntahan nila. Mahal kasi nung guy yung girl, pero hindi alam nung girl.""Eh bakit hindi niya sabihin?" sabi 
ko naman at inabot ko yung bayad namin sa driver.

Seryoso pa rin si Ash nun.

"Hindi niya masabi dahil hindi niya alam kung tama ba yun. Pero nung araw na nakasakay sila sa jeep at tipong 
naguumapaw na yung pakiramdam nung guy, makita lang niyang nakaupo yung girl doon at relax na relax na 
ineenjoy yung hangin sa jeep.. parang naisipan na niyang magtapat. So ang ginawa niya.. hinawakan niya yung 
kamay nung girl.. like this..."

Inexample naman niya sa akin kung paano yung pagkakahawak nung guy sa kwento niya. Yung isa eh nasa 
puso ko, at yung isa nasa puso niya.

"Sabi niya eh ganito." huminga siya ng malalim, "Maswerte nga siguro yung lalaking unang mamahalin mo... 
pero mas magiging maswerte ako kung ikaw ang huling mamahalin ko.""Ooh.. he said that? Wow." sabi ko 
naman. "Anong sinagot nung girl?""Actually... hindi ko alam kung anong sinagot nung girl.""You tell 
me.." what?

***27***
Hindi niya alam yung ending nung story? Sayang naman. Tapos ngayon, ako pa ang magke­create ng sariling 
ending. Paano ba naman, ako daw magsabi sa kanya. Pero kung ako yung tatanungin... dalawa naman talaga 
yung possible ending. Or more.

"Well.. I don't know. Kung wala namang nararamdaman yung girl sa kanya, it's possible na sinagot niya yung 
guy na mas mabuti kung friends na lang sila. O pwede ring nagalit siya, so she'll say.. 'Put a sock on it!' " tapos 
dinaan ko na lang sa tawa.

Ngumiti lang din siya sa akin.

"Pero kung mahal nung girl yun.." napaisip naman ako, "Hmm.. kung ako siguro yun at mahal ko yung guy? 
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Baka yakapin ko lang din siya. Alam na niya ibig sabihin nun. Kapag 
yumakap ka matapos niyang sinabi yun, it means tinatanggap niya. Do I have to say it to him?" tanong ko 
naman kay Ash.

"Yeah... you have to say it." tumango naman siya.

Tinignan ko naman siya.

"Corny naman sasabihin pa nung girl?" tinaasan ko siya ng kilay ko.

"What if the guy wanted to hear it from her? Paano niya sasabihin?""Ash, alam ko yung ending. I wanted to 
keep it in my mind. It's a secret. You don't wanna' know."

Hindi naman na siya nakipagtalo sa akin. Wala nga akong idea kung saan ako dadalhin ni Ash eh. Hindi naman 
niya sinabi kung ano ba yung idea na iniisip niya.

Ang sarap pa man din nung hangin lalo pa at ang bilis magpatakbo nug driver. Hindi naman ako naiinip. Nasa 
likod ko kasi si Ash at hindi na rin siya nagsasalita.

Alam ko nga ba talaga yung ending ng story? Siguro. Naguguluhan na rin ako.

Finally napansin ko nag­para na lang bigla si Ash at hinawakan niya ako sa kamay ko. This is a date right? And 
a normal one I guess...

Pero bakit nandito ako sa...

"Dito ang date?" napatingin ako doon sa nasa harapan ko. Binitawan na niya yung kamay ko. Lisa's Foot Spa 
and Body Massage Centre.

Hindi talaga ako makapaniwala nun.

"As in.. dito? Are you serious?""Yeah!" sagot naman niya na ang sound eh masayang­masaya.
Pagtingin ko sa kanya, hindi pala kami iisa ng tinitignan. Saka lang siya napatingin sa akin nung nakita niya 
yung daliri ko na nakaturo sa Lisa's Foot chuvaness Centre. Binaba ko nga.

Lumapit siya sa akin at hinila ako.

"Ano ka ba Chris! Not there!" hinarap niya ako doon sa kabilang direksiyon. "There."tapos tinuro niya.

Sabi ko nga hindi doon sa Foot Spa. Akala ko pa naman...

Teka...

"Dito ang date?" sabi ko naman. Parang nag­rewind yung scene ah. Yun din yung dialogue ko kanina.

"Dito na talaga. Tama na yung tinitignan mo. Unless yung tinitignan mo eh yung 'Mang Buboy's Lechon.' "

Tumalikod naman ako at nagsimula akong maglakad­lakad habang umiiling.

"I'm not going inside."

Hinabol naman ako ni Ash at hinawakan ako sa wrist ko. Napahinto tuloy ako.

"Kaya nga nandito ako eh! Magkasama nga tayo! You don't need to become an expert.." naging mahinahon 
siya, "I'll teach you how.""Ash..ang mga pumapasok lang diyan eh yung mga mayayaman na may­ari ng mga 
yacht, buildings, business, country clubs.. basta mayayaman. Since I'm not rich, Chris playing golf is like... 
Chris playing golf."

Tumawa naman siya sa akin.

"You think I'm rich?" tinuro niya yung sarili niya, "Chris, it's only a golf course. Para sa lahat yan.. hindi lang 
sa may kaya."

Sino namang makakapaniwala? Dadalhin lang din niya ako sa golf course pa! Wala akong alam dun! Help! 
Anyone?

Sinayad ko pa yung paa ko sa semento para hindi niya ko mahila. Pero ganun talaga, mapilit siya eh.

Kinakabahan talaga ako hanggang sa makapasok kami doon sa loob. Nakatingin nga yung babae sa amin 
eh. Panay nakaputi sila. Tapos doon sa loob, aircon nga eh. May mga bolang kulay puti, at mga whatever na 
pamalo.

"Miss, magkano yung set ng game?"

Sasabihin na sana nung babae kaya lang tumingin si Ash sa akin. Then nag­lean siya doon sa glass at binulong 
nung babae sa kanya.
Aba.. may pabulung­bulong pang nalalaman?

Nilabas ni Ash yung wallet niya at nung ilalabas na niya yung pera niya, inabangan ko talaga kung magkano 
yung ibababayad niya.

Huminto naman siya at nakatingin sa akin. Inikot niya yung daliri niya para mag­turn ako. GInawa ko naman. 
Alam ko na kung bakit niya ginawa yun. Ayaw niyang malaman ko kung gaano kamahal yung ibabayad niya. 
Dahil kanina pa lang sinasabi ko na mahal dito, nagpilit eh! At tinanong pa ko kung tingin ko daw mayaman 
siya... aba anong gusto niyang isagot ko? Hindi? Ikaw ba naman doctors ang parents mo di ka pa yumaman.

Pagharap ko, nanlaki na lang yung mata ko.

"There's no way!" sabi ko at napaatras ako.

"Nabili ko na. Wala nang atrasan."

Binili niya yung outfit na kaparehas doon sa nakasabit sa taas. Yun yata yung sinusuot nung mga babae kapag 
naggo­golf. Puting shirt.. puting short.. 

Eh kung white lady lang din pala ang hanap niya.. sinabi niya sana sa akin kanina pa.

"Magkano 'to?""Just wear it." inaabot niya sa akin.

"Magkano 'to?" pinilit ko talaga siya.

"If I tell you, will you wear it?""Maybe."

Mukhang nakukulitan na siya sa akin. Ok ok..

"Alright.. susuotin ko. Magkano muna ito?""P750." tapos tinulak niya ko. "Ladies Room!" tinuro niya yung 
pintuan.

Ayoko talaga isuot yung puti na yun. Bwisit! Ito lang P750 na? Para sa puting tela na ito? Eh baka nga makabili 
ako sa palengke ng ganito rin ang itsura P50 lang. Grabe talaga magsayang ng pera ang tao.

Paglabas ko doon sa Ladies Room, wala nang tao doon sa front desk at yung babae eh may kausap sa phone. 
Nasaan na ba si Ash?

Tumayo lang talaga ako doon. Nakatingin ako sa loob. Lalabas ako ng ganito yung istura ko? Sa Golf Course? 
Anong malay ko diyan? Hindi ko pa yan nasubukan. Inaayos ko yung medyas ko kaya tinaas ko lang yung paa 
ko. Nakatayo ako ng one­foot lang.

"Scared?"
Sa sobrang takot ko siguro, natumba tuloy ako. May bench pala sa likuran ko at hindi ko napansin na doon 
nakaupo si Ash. Nakaputi na rin siya. Infainess bagay sa kanya. Pero siya, puting Shirt, puting pants... and 
puting cap. Ako kasi, shirt, short at visor. Puti rin lahat.

"Yeah.. I'm scared.. sa 'yo!" naayos ko na yung medyas ko, "White ba ang universal color ng golf? Kasi bakit 
white na white tayo parehas?""Hindi naman. You can wear anything. Pero syempre, gusto kita makitang 
magsuot niyan. Pwedeng any color, I just picked white. Neat.. simple and clean."

Sinimangutan ko nga.

"Very funny.. gusto mo ko makita magsuot nito? Sana talaga sinabi mo. Daming kong puting damit." sarcastic 
yung pagkakasabi ko.

Nagsimula na kaming maglakad nun. Ako naman ang medyo nangunguna at may hawak na akong sariling bola 
ko at yung pamalo na malay ko kung anong tawag doon. May mga numbers naman pala eh. Asus! Kayang­kaya 
ito. Titirahin yung bola.. tapos isho­shoot. Yakang­yaka naman pala. Basta nandiyan si Ash at sasabihin lang 
niya yun gagawin ko eh hindi na ako magmukhang ewan.

"Ash?" hahawak sana ako sa gilid ko kaya lang hangin nahawakan ko. "ASH!!!"

Nasaan na yung tao na yun? Bakit biglang nawala. Naku, multo nga talaga yun.

May lumapit naman na matandang lalaki sa akin.

"Hi hija good afternoon." sabi niya tapos may inabot siya sa akin na papel... nagtaka pa nga ako eh... "Galing 
yan kay Ash..."Hello Chris,
I know it's weird... at medyo naguguluhan ka. Don't give me that look! (teka, paano niya nalaman na  
sisimangot ako? papel 'to 'di ba?) Sinabi ko sa iyo na wala akong plano sa date at wala akong idea. Well, I  
lied. I did plan this. Everything. Bakit golf course? I don't know. Did I mention my dad's a member of this  
organization? Kaya kilala na nila ako. What can I say.. nandito na ako sa resto... umiinom. What you have to  
do is to play golf.  Each time na makakatapos ka, bibigyan ka nila ng papel. May 18 na papel.. and may letter  
bawat isa. Kapag natapos mo, it'll say kung nasaan ako. So.. you have to finish it.

Good luck!

P.S. Sabi ko tuturuan kita, totoo yun. But this time, do it yourself first. I have better plans after that."Nasaan 
siya? Paglalaruin niya ako?"

Hindi naman sinabi sa akin nung matanda. Ano ba naman yan! Papahirapan pa ako.

Pinapunta nila ako doon sa may nakalagay na number 1. Pinalapag yung bola at tirahin ko daw.

Yun ang pinakamadali sa lahat sabi nung matanda. Pero kahit na pinakamadali yun, naka­anim na tira yata ako 
bago ko na­shoot. Grabe talaga.. anong alam ko dito.

Inabot niya sa akin yung unang papel.

Chris, Your First letter is..

T ­ he first I saw you, I can't stop but admire you.

Note: Sorry Chris. I'm not good at poetry. 'You' lang ang naisip kong rhyme. But hey.. that's true! 

Papahirapan ako ng lalaking 'to!!! Grrrr!!!! Ok Chris...

17 more to go...

***28***

17? Gosh! Ang dami nun ah!

Kapag nakita ko talaga yung lalaki na yun humanda siya sa akin! Ang corny niya! As in! Pwede na siyang 
pumasa sa movies. Pero corny man siya o ano sa tingin ko, bihira na sa century ngayon na may lalaking 
gumagawa ng ganyan.

So might as well... go on with the flow.

"Saan na po yung susunod na basket?" teka? basket? basketball yun ah! Oh well.. malay ko ba sa tawag nila sa 
golf.

Pumunta na naman ako doon sa kulay green na may nakalagay na number 2. Unlike sa number 1... hindi ako 
inabot ng anim! Improving ito! Nakatatlo lang.. pasok na! Pero syempre nung hindi nakatingin yung matanda, 
tinulak ko para ma­shoot.

H ­ iding my feelings is so tiring, I realized that it's a hard thing.

Totoo yun Chris. Everyday, tinatago ko sa iyo yung nararamdaman ko... pero ang hirap pala kapag na bottled­
up sa 'yo yun. Pakiramdam mo, sasabog ka.

Asus, may pabottled­up bottled­up pang nalalaman at sasabog daw? E di kung ganun, kumuha sana siya ng 
mas malaking bote!

Diniretso naman namin hanggang doon sa number 3 and 4. Tumagal nga ako sa 4 eh. Paano ba naman iba na 
yung style. Pagkatira mo, may underground thingy pa. Kainis talaga. Yumuko pa ako doon sa babaan nila.
E ­ verything started on a deal, I didn't know it would change what I feel.

Sino namang mag­aakala na sa deal pala magsisimula lahat? Or.. sa skateboarding team? Saan nga ba?  
Well.. it doesn't matter. Whichever way, I'm still thankful that I met you.

Oh God. Bigla na lang bang nabuhay si Shakespeare?

G ­ ood friends care for each other, that's why we do things together.

Right. Totally agree. Wait up... friends?

Zip it Chris. Mas ok na yun. Ano bang ineexpect mo?

Nung naglakad kami nung matanda at tipong tinatawanan niya talaga ako, lalo akong nahiya at halatang wala 
akong alam doon.

"I know.. I know.. I'm not good at this." sabi ko na lang. Ginawa ko pang tungkod yung pamalo ko.

Teka.. pamalo nga ba 'to?

Dahil hindi ko na talaga ma­shoot sa basket yung bola ng golf (yikes, ang weird ng mga term ko), nakatayo 
lang ako doon. Sabi nung matanda, hindi ko raw matatapos yun kung tatayo lang ako.

Hindi ko naman siya napansin. Kaya lang nag­slip ako doon sa tinutungkuran ko kaya bigla­bigla nalang 
natulak ko yung bola. Alam ko foul yun, pero hinayaan na niya eh. Na­shoot yung dalawa! Ayos! Yung 
pangatlo naman eh hindi nakasama kaya huminto doon sa gitna. Ayun tuloy kailangan ko pa siyang paluin ng 
bat.

Aba, bago yun ah! Bat? Mas ok yun kaysa pamalo.

After 68 years ng pagpalo ko ng bat sa bola ng golf at na shoot ko sa basket, nakuha ko rin yung tatlong letter. 

O ­ dd things starts to happen, I can even remember when.

Odd things? Eh ikaw nga ang odd dito!

L ­ ove really is unpredictable, who would have told me that it's you that I would fall for.

Diyos ko Ash! Walang magsasabi sa iyo! I swear.

F ­ nding the right person could be a long run, but as of now I felt that you're the one.

If I'm not the one then why does... nyek. If you're not the one pala. Hindi pala If I'm not the one.
Ano ba yan... nahihilo na ko.

I'm on number 8! Number 8 na ko! Oh yeah.. oh yeah..

Sumasayaw pa ako doon na parang sira tapos napahinto ako. May tatlong butas din doon.

"Saan ako diyan magsho­shoot?" nakita ko naman yung tatlong butas.

"Kahit saan po.. ok lang.""So kapag tatlo rin na­shoot ko.. tatlo na naman makukuha ko?" kinulit ko yung 
matanda.

"Hindi po. Isa lang. Pwede lang kayong pumili kung saan niyo gusto at isang letter lang makukuha mo.""ISA 
LANG? TATLO YUNG BUTAS ISA LANG? That's it. I'm outta' here."

Tumalikod na ako at binaba ko na yung bat ko. Naman1 Halu­halong sports pala ang golf.

Hinabol naman ako nung matanda.

"Hija.. isa lang talaga dapat." tinuloy ko pa rin ang drama ko at dumiretso ako ng lakad, "O sige, tatlo yung 
ibibigay ko. I­skip na natin yung dalawa pa. Pero huwag mong sasabihin kay Ash na hinayaan kita?"

Nagtatatalon ako at niyakap ko naman siya.

Ang drama talaga. It works everytime...

C ­ ourting you may be a part of the deal, but I'm telling you now that I'm doing it for real.

Ash, don't tell me now that you're doing it for real. Let's stick with the deal. Paper??? Contract???

O ­ f course I know you won't agree, but I wanna' know how will it turn out.. I wanna' hear.. I wanna see.

May tenga lnaman at may mata... asus!

U ­ nbelievable how I find you unique, that's why you're the one that I picked.

Stop this madness! Sumasakit na yung ulo ko.

Nung binabasa ko naman yung mga letters na nakuha ko. Ito yung lumabas so far...

THEGOLFCOU...

"The Golf... The golf course!" natuwa naman ako at naintindihan ko. "Tapos na ako. Wait, 13 letters lang yun. 
Dapat 18 'di ba?"
Nasa Golf Course kami. Which means...

Inikot ko yung tingin ko. Ash is somewhere.

Nakangiti naman si Manong sa akin.

"Sorry Manong, hindi ko na gagawin yung R, S, and E. Alam ko naman na yung kasunod. Doon na tayo sa 
pang­14. I'm skipping it.""Hija.. hija.. hindi pwede!" pinipigilan niya ako. "Kailangan mo tapusin.""Manong... 
SIR... I'm skipping it." naglakad ako ng mabilis, "I mean, why bother doing it.. kung alam ko naman na yung 
letters? Tapos babasahin ko lang yung makatang sinulat ni Ash... wish mo lang gagawin ko pa!"

Kapag sinabi ko talagang i­skip ko yun... gagawin ko. Wala naman siyang magagawa, alam ko na. Kapag hindi 
siya pumayag, sasabihin ko lang na aalis na ako doon.

So pick one.

"No way!" sabi ko nung makita ko yung pang­14. May gate na malaki,  tapos hills and hills chivaness. "Paano 
ko naman mapapataas dyan yung bola? Hello?""Kaya mo yan.""Hindi ko kaya yan. Ikaw nga Manong.. 
SIR." pinilit ko siya na i­try niya dahil mukhang complicated talaga.

Sinubukan naman siya. Siya kasi may experience na sa golf. Pero para sa isang matandang may experience sa 
golf, hindi rin niya napaakyat yung bola.

"See? Ikaw nga na nag­golf hindi mo ma­shoot. Paano pa kaya ako?" syempre, kailangan ng kaunting pag­
brainwash.

"O sige na nga. Nakakaawa ka naman at mukhang 'di mo nga kakayanin. Yung 14th letter eh.." binanggit niya 
yung letter pero di ko maintindihan.

B ba ang sinabi niya o D?

"B po?" tanong ko naman.

"Oo.""D?""Oo."

Ano ba yan! ANg weird ng matandang ito.

"B po talaga?" kinulit ko para i­clarify.

"Oo nga bata ka. B nga. B as in DOG."

Ooh.. sabi ko nga B.

Oh well.. The Golf Course D. That doesn't make sense!
Yung mga sumunod na stages eh hindi ko na talaga makuha. Siguro masakit na yung kamay ko. Tinulak ko na 
nga yung isa at si Manong.. SIR eh nakitayo lang sa akin. Baka nga inaantok na siya.

Siguro sa sobrang inip niya sa akin, binigay na rin niya yung last 4 letters. At yun eh ang mahiwagang INER.

THE GOLF COURSE DINER! Why didn't I think of that?

Tatakbo na sana ako papunta doon sa diner kaya lang hinawakan ako ni Manong.

"Hija, binigay ko na sa iyo yung letters. Huwag mong sasabihin kay Ash. Pero please lang, basahin mo yung 
sinulat niya. Mahalaga yata yun.."

Fine.. babasahin ko.

I ­ can't wait 'till the pageant starts, it's the day the deal will come apart.

Ooh.. I uh... forgot.

N ­ ever in my life I met someone, so true to herself than anyone.

E ­ nding of this story is still a mystery to me, 'coz you're the only one who knows how will it be.

Parang yun yung kanina sa jeep ah! Hindi kaya.. hindi kaya ako yung tinutukoy niya?

Nah.. malabo.

R ­ emember everyday, I always wanted to say...

Napatingin ako kay Manong... SIR.

"Manong.. SIR, bakit putol po yata yung sinabi niya. Nakasulat sa papel, may gusto siyang sabihin. Pero wala 
eh..""Yun na nga hija. Sa diner na niya sasabihin."

Tumakbo na talaga ko ng mabilis doon. Saan nga ba yung diner? Store yung nandun eh.. Front door.. gate.. 
diner.. nasaan na yung DINER!!!!

Ano ba naman yan! Bakit ba tinakbuhan ko si Manong .. SIR. Eh siya pa man din ang nakakaalam kung nasaan 
yung Diner. Napagod na ko. Ayoko na. Suko na ko.

"Good evening Mam! I'm glad you made it." nagulat naman ako doon sa nagsalita sa likuran ko.

"Who are you?"
Nakabihis naman siya ng maayos. Pagtingin ko doon sa taas...

D­I­N­E­R.

Sabi ko nga eh nasa likod ko na yung Diner.

Pawis na pawis ako doon. Pinapasok nila ako sa loob at ang ganda talaga! As in ang ganda talaga. Parang ang 
linis­linis ng mga bagay­bagay at ang tanging dumi lang siguro sa loob eh ako.

Whoa.. wala yata akong kilala dito ah.

Pagpasok ko doon sa loob eh bigla na lang tumugtog yung mga nasa gitna. May lalaking vocalist pa nga na 
kung sino man yun.

There's no one in town I know 
You gave us some place to go. 
I never said thank you for that. 

HOLY COW! Tubig! Kailangan ko ng tubig.

I thought I might get one more chance. 
What would you think of me now, 
so lucky, so strong, so proud? 
I never said thank you for that, 
now I'll never have a chance. 

Maya­maya lang din nung nakayuko ako, nag­iba na yung boses. Alam kong iba na yung kumakanta.

"May angels lead you in. 
Hear you me my friends. 
On sleepless roads the sleepless go. 
May angels lead you in. 
So what would you think of me now, 
so lucky, so strong, so proud?" 

Alam kong marunong siyang kumanta. Pero hello? Kailangan ba talagang lagi akong mabibilib sa kanya?

Tinuloy lang niya yun pagkanta niya. Nawawala na nga ako sa sarili ko nun.

"May angels lead you in. 
And if you were with me tonight, 
I'd sing to you just one more time. 
A song for a heart so big, 
god wouldn't let it live. 
May angels lead you in." 

Hindi ko siya tinitignan nun. Ganito ba ang date? Ang alam ko kasi, sa mga napapanood ko.. pupunta kayo sa 
isang lugar.. kakain, mag­mall.. arcade.. ganun naman 'di ba? Pero bakit parang iba itong ngayon.

Bumaba siya doon sa stage at lumapit siya sa akin. Binigyan niya ako ng pink na rose. Wait, pink na rose? Ini­
offer niya yung kamay niya. Hindi ko nga alam kung tatanggapin ko pa eh.

"This time.. kasama mo na talaga ako.." sabi niya habang nakangiti.

Sinabayan ko naman na siya doon sa paglakad niya.

"Baka gusto mong kumain muna?""Hindi. Parang 'di muna ako makakakain sa ngayon. Maya­maya na siguro."

Hinila niya ako doon sa pavillion doon lang sa labas ng diner. Naririnig yung music, pero medyo mahina na. 
Tahimik din doon kahit papaano.

"Wow.. for a beginner.. natapos mo lahat ng yun?!?" ganyan ang pambungad niya sa akin.

"Oh yeah? Napagod nga ako eh. Bwisit na bola yan, hirap i­shoot sa basket! Tapos nag­slip pa ako doon kanina 
sa bat! Badtrip talaga!" sabi ko sa kanya pero pabiro na lang.

"Basket? Bat?""Err... yeah. Huwag mo na i­correct." tumingin naman ako sa kanya. "So, what's with all the 
drama again?""Oh.. ito? Honestly, mahalaga kasi sa akin yung golf course. Sa golf course kasi nag­propose 
yung Daddy ko kay Mommy.. hindi nga lang dito." tumingin siya sa akin, "It's his idea na dalhin ko yung taong 
mahal ko dito.""I can't imagine Shalyna in here..." iniwas ko yung tingin ko.

"Your'e the first girl I brought here."

Lalo ko siyang hindi tinignan nun. Bigla na lang siyang pumunta sa harapan ko at nag­slight na lumuhod.

"Chris.. doon sa last letter, sinabi ko may sasabihin ako at dapat tandaan mo parati. Ok.." huminga siya ng 
malalim, "Here it goes."

Mukhang mahaba ito ah...

"I don't care about the deal anymore." WHAT? "Ginagawa ko pa rin, dahil yun ang napag­usapan. Tutulungan 
pa rin kita sa lahat. The pageant's next month. It means, next month din mage­end lahat. Pero sana, maging ok 
pa rin lahat." lumapit siya lalo sa akin, "You believe in Rule 13.. I do too..""Yeah.. I believe in Rule 13. Pero 
pilit mong bine­break?""You don't understand." Oo hindi ko naiintindihan, "If you will just open your eyes and 
look carefully.. you'll realize..""I'll realize what?""The deal's worth fighting for."

Bakit ba ang hirap magsabi ng bagay na gusto mo rin sabihin.
"Ewan ko ba. Naguguluhan na rin ako eh. "Chris..""Hindi ko alam kung ano ba dapat ang isipin ko.. ano ba 
dapat ang maramdaman ko."hinawakan niya ako sa pisngi ko.

"Chris.." nilapit niya yung mukha niya sa akin.

"Dapat bang paniwalaan ko yung deal? O dapat bang nagkaroon ng deal? The whole thing's stupid. Kaya 
magulo...""CHRIS!!!"

Saka lang ako natauhan nun. Napansin ko na sobrang lapit na nung mukha niya sa akin. Hawak niya yung 
pisngi ko. Nagle­lean siya..

Err.. this is awkward.

And then...

"Ouch!" hinawakan niya yung pisngi niya.

"May.. uh.. may.. insekto." bumaba ako doon sa inuupuan ko.

Binilisan ko naman na yung paglakad ko doon pabalik sa diner. Naiilang ba ako o nahihiya? Bakit ako 
nanginginig?

"Chris.."

Hinawakan niya ako sa braso ko at inikot niya ako.

"Alam mo medyo nagu­­"

Napatigil ako doon. Hindi na ako makakilos. Pakiramdam ko na­petrify na lang ako. I felt... different.. pero 
hindi awkward.

He kissed me.

***29***

Nagulat din siya sa ginawa niya. Umatras pa nga siya nun eh.

"Sorry." yun na lang yung sinabi niya at niyaya na niya ako doon sa loob para kumain.

Siguro nga kung nasa tamang pag­iisip ako nung mga oras na iyon eh nasuntok ko na siya. Ano bang nangyari 
sa akin? Wala man lang akong sinabi? Bakit niya ko hinalikan?
Para akong sira doon na hinihila niya at sumusunod lang sa kanya. Siguro nga, na­shock lang din ako. Pero 
para maging ok ito lahat, dapat siguro umarte na lang ako ng walang nangyari. Tama, ganun siguro. Uuwi ako 
mamaya, papasok uli next Monday... parang walang nangyari. May choice ba ko?

Hindi ko nga namalayan na nakaupo na pala kami uli sa diner. Nagulat na naman uli ako nung nag­lean siya sa 
table.

"Ok ka lang?" napansin niyang tinitignan ko lang siya, "Look, I'm sorry ok? Hindi ko talaga sinasadya. Nadala 
lang siguro ako..""Beef pasta." sabi ko sa kanya.

"Huh?!?""Order ko beef pasta.""Oh.. right."

Ayoko muna pag­usapan yun. Hello? Anong sasabihin ko? Na first kiss yun? Alam mo naman na ang mga tao 
ngayon, kapag wala kang experience sa ganun geek ka na. But then, I can still say that I'm old fashioned. It's 
still important to me.

Habang tumatagal nun, medyo nawawala na yung pagkahiya ko. Nakikitawa na rin ako. Hindi ko pa nga alam 
kung para saan yung mga sobrang tnidor doon pero ang sabi sa akin ni Ash eh mag­start daw ako sa outer, then 
work through the inside. Kasi naman, pwede namang isa lang pinadami pa.

Medyo nabubusog na rin ako nun kaya huminto ako dahil ayoko ng pakiramdam ng bloated. Bigla na lang 
nilang pinatay yung ilaw at may disco ball pa sa gitna. May babaeng umakyat sa stage at tumugtog naman yung 
banda.

Binaba ni Ash yung tinidor niya saka yung kutsilyo at tumayo. At syempre ano pa, nagyaya sumayaw. Sabi ko 
nga 'di ako marunong.

I could lose my heart tonight 
If you don't turn and walk away 
'Cause the way I feel I might 

"Hindi ka marunong sumayaw? Ako rin eh. Sabi nila left­right­left­right lang. Pero umattend ako sa Prom. 
Paano ka sumayaw last year?""Hindi ako umattend ng Prom." halata kong nagtataka siya, "Ineexpect mo ba na 
pupunta ako sa Prom at magsusuot na gown? Eew. Never."

Lose control and let you stay 
'Cause I could take you in my arms 
and never let go

Parang narinig ko na yung kanta na yan? Saan nga ba? 

"Yeah. I think you look great." nakangiti pa siya nun.

I could fall in love (­­in love­­) with you 
I could fall in love (­­in love­­) with you (­­you, baby­­) 

Nang­aasar yata yung tugtog eh! Awayin ko kaya yung kumakanta!

Hindi pa ako sumayaw ng ganito before. Dati kasi nung sumali ako nun sa Dance contest, sinama nila ako sa 
Hiphop dance craze ng school. Kaya yung ganitong bagay, bago pa talaga sa akin.

Sumayaw lang kami doon, naging disco pa nga eh. Pati yung ibang crew doon nakisali na rin. Hindi rin pala 
ako makakaligtas nun dahil pinakanta rin nila ako. Ang dami kong excuse nun  na 'di ako marunong, o kaya 
naman walang organ. Meron pala kaya hindi rin ako nakaligtas.

"Making my way downtown 
Walking fast 
Faces pass 
And I'm home bound 

Staring blankly ahead 
Just making my way 
Making a way 
Through the crowd 

And I need you 
And I miss you 
And now I wonder...." nagpapatawa si Ash nun kaya, "Ash!"

Tumawa siya ng tumawa nun kaya sa microphone eh tumatawa na rin ako. Ok lang naman, nakikisama rin 
naman ang audience.

"If I could fall 
Into the sky 
Do you think time 
Would pass me by 
'Cause you know I'd walk 
A thousand miles 
If I could 
Just see you 
Tonight" 

After an eventful night and a one of a kind date, hinatid din ako ni Ash sa bahay namin.

"Good night Chris, this is the best night ever." parang lagi na lang best night?!?

This time, he kissed me on my cheeks. Masyado na yan ah!
Hinintay kong umalis yung kotse (provided doon sa golf course), at pumasok na rin ako sa loob. Eksakto 
namang pagbukas ko ng pinto, may tinamaan akong matigas at may sumigaw ng.. 'Aray ko!' ng sobrang lakas.

Dahil madilim sa loob, binukas ko yung ilaw.

"Anong ginagawa niyong dalawa?" nandun yung dalawa kong Kuya sa sahig at hawak­hawak yung tenga nila.

Si Kuya Christopher eh tahimik lang at ngumiti. Si Kuya Christian naman ang sumagot.

"Eavesdropping." at natuwa pa siya nun!

"Ha­ha.. sobra nakakatawa." sabi ko naman sa kanila at binatukan ko sila parehas."Sa susunod nga, huwag 
kayong papahuli ha."

Papakyat na ako doon sa hagdan nung nag­asar naman silang dalawa. Tumayo si Kuya Christopher at si Kuya 
Christian. Mas matangkad kasi si Kuya Christian kahit na ang pinakamatanda eh si Kuya Christopher.

"Good night Chris, this is the best night ever!" sabi ni Kuya Christian kay Kuya Christopher.

Nagkunwaring kikiss din si Kuya Christian kaya lang tinulak siya.

"Hoy dugyot ka Christian! May pagnanasa ka sa akin!" tapos tumingin siya sa akin,"Naks Chris, nagdadalaga 
ka na!""TTTTTAAAAAAAAYYYYYYYYYY!!!!!"

***

Monday na nga pala ngayon. Hindi ko alam kung paano ako magpapakita kay Ash after nung Friday. Ngayon 
yata ako inatake ng matinding pagkahiya. Nahiya nga siguro ako nun pero hindi masyado.

Hinahanap ko yung homework ko nun sa drawer ko at isang papel naman yung bumungad sa akin. Dito ko nga 
pala nilagay ito. Yung contract.

Gumawa pa ng rules hindi rin naman pala susundin. Totally pointless. Bakit ko nga ba tinatabi pa ito? Ewan.

Binalik ko na lang uli yung contract ng deal. Nahanap ko rin naman yung homework ko at pumasok na ako sa 
school.

Kakapasok ko pa lang doon sa room eh lumapit naman yung iba sa akin. 'Anong nangyari?' 'Kwento naman  
diyan?' 'Sweet ba siya?' Akala ko kung ano yung tinutukoy nila. Na­realize ko lang nung sinabi nilang, 'Alam 
naman ng lahat na date niyo nung Friday eh.'

"Mind your own business." masungit nga siguro yung dating ko, pero hindi naman na nila kailangang malaman 
kung anong nangyari nung araw na iyon.
That night was between me and Ash. And the golf course crew. And the band. Nyak, ang dami rin pala. Ah 
basta, at least walang nakakaalam sa school.

Lumapit naman si Shalyna sa akin.

"Masaya ka na ba ngayon?" sabi niya sa akin at nakataas yung isang kilay niya.

"Anong ibig mong sabihin?" naupo ako doon sa desk ko.

"Akala mo hindi ko napapansin? You're trying to take everything away from me. You're taking over my 
life!" dinuro­duro pa niya ako sa dibdib ko, "Sa attention. Kay Ash, kay Chester... classmates.. sa lahat! Now 
what? Yung pageant? Dahil nangunguna ka sa votes masaya ka na? What's next? Sabihin mo lang!" napaatras 
naman ako, "Kaya ka lang sumikat dahil para kang linta na nakadikit kay Ash at alam mong mahahatak ka 
niya!""Unang­una, wala akong pakialam sa attention. Hindi ko sila sinabihan na pansinin nila ako o makilala 
nila ako! Hindi ko rin alam na pwesto mo pala yung pagiging pageant Queen. Iyong­iyo na! Hindi ko inaagaw 
sa iyo! At huwag na huwag mong isisisi sa lintang si Chris na kinukuha ko yung buhay mo, there's nothing 
special about it! I have my own, why would I want yours! My life is better that yours inthe first place.. so don't 
tell me I'm taking over your life!" dinuro­duro ko din siya sa dibdib niya, "At kung gusto mo si Ash, sabihin mo 
sa kanya! Go on! Hindi naman kami eh! Anong problema mo? Why don't you make your own move!"

Pagkatapos kong sinabi yun eh walang nakapagsalita kahit sino man doon sa loob ng room. Yung alarm lang 
ang ingay at naupo uli ako. Saka ko lang napansin nun na nasa labas pala si Ash at nakatingin sa bintana.

I felt horrible.

Hindi nga niya ako kinausap nung nagklase kami. Ako rin, hindi na lang nagsalita. Tama naman yung sinabi ko 
'di ba? Teka..

tama nga ba?

As usual, hindi ako nakinig. Nawala na ako sa mood nun hanggang breaktime at lumabas lang si Ash ng hindi 
nagyayaya tulad ng dati. May umupo naman doon sa upuan niya. Pagtingin ko, si Chester lang pala.

"Chris, pwedeng magtanong?" sabi niya sa akin kaya inangat ko yung ulo ko.

"Sure. Fire it."

Kinamot naman niya yung ulo niya na akala mo eh nag­aalangan na naman. Hindi talaga bagay kay Chester 
ang mukhang nag­aalangan.

"Naisip ko lang kasi... uh.. sa pageant.. I know it's too early to ask. Can you be my date?"

What? Pageant may date pa? What kind of contest is that?
Nahalata niya siguro yung expression ng mukha ko.

"Tradition. Bawat contestant na nominated eh required na magkaroon ng date. Pwedeng yung hindi kasali sa 
program mismo, or pwedeng ring kayo­kayo na lang. Pwede ba ikaw na lang?"

Ang gulu­gulo ng utak ko nun at hindi ko na kaya pang isiksik ito ngayon pa.

"Ok lang ba kung pag­isipan ko muna? Magulo kasi utak ko ngayon eh. I'll tell you.. tomorrow..  o kung kailan 
convenient para sa akin.""Ok lang, take your time." ngumiti siya nun at umalis na rin siya.

Hindi pa rin masyadong nagbabago yung mood ko hanggang parctice period. Chester's a nice guy. Sus, para 
pageant lang. Matagal­tagal pa naman yun. Marami pang preparation na magaganap.

Sumabay ako kay Chester kumain sa cafeteria. Actually, ako yung nakiupo sa kanya nung makita ko siya. Mag­
isa lang kasi siya nun at yung tropa niya eh hindi ko alam kung nasaan. Nagkwentuhan lang idn naman kami. 
Ewan ko ba kung bakit ko yun ginagawa, siguro para makagaanan ko lang din siya ng loob. Pero sa ngayon 
parang maliwanag na sa akin ang lahat. I used to like him. I even tried things to impress him. Pero ngayon ang  
idea na ma­impress si Chester kay Chris eh parang idea ko pa nung year 1880's. It's like history, an idea of the  
past. Right now, I can see him as my friend, not more than that.

Hindi masyadong nagbago yung mood ko hanggang practice period. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ako 
umoo kaagad kay Chester. O baka naman nagde­deny na naman ako. Hinihintay ko ba si Ash na magtanong sa 
akin?

Bakit ba lagi na lang kailangang nasa topic si Ash?

May lumapit na naman na babae sa akin.

"Is it true?"

Inaayos ko yung knee pads ko nun.

"Is WHAT true?""Tinanong ka ni Chester kung pwede bang ikaw ang maging date niya sa Pageant?"

Ni­roll ko naman yung mata ko.

"I'm on practice. Wala akong time sa ganyan ngayon. Sorry." binaba ko na yung skateboard ko nun at nag­slide 
ako mag­isa sa ramp.

Nagsialisan din naman na yung mga babae nung sinabihan sila ni Ash na bawal doon. Kadarating nga lang din 
niya eh. Mukhang ok naman siya ngayon. Hindi masyadong makatngin ng diretso sa akin.

"Chris, pwede kang kausapin?" malayo ako sa kanya nun kaya napahinto na lang ako."Privately?"
Nag back­off naman si Kian. Siya lang kasi ang nandun ngayon maliban sa amin ni Ash.

Naglakad naman na ako nun papunta sa direksiyon ni Ash at hawak­hawak ko yung skateboard ko. Nandun 
kami sa pinakgilid para walang makarinig.

"Kung tungkol sa skateboard, I'm working on it ok? Medyo nakukuha ko na.." medyo irritated pa rin ako nun.

"No, not that. It's about the pageant."

Of all topics na pag­uusapan na naman ito pa?

"Sinabi ko sa 'yo sa deal na tutulungan kita sa pageant. You did your part already. They believed us. Ako ang 
gagastos sa damit mo. Gowns, casual wear, sports wear.. everything. Just like I promised you before.." ito lang 
pala yung sasabihin niya.. akala ko pa naman...

Akala ko pa naman ano?

"Ok." yun lang ang sinabi ko at tumalikod na ako. Kaya lang hinawakan niya ako sa kamay ko.

 "There's more. Narinig­rinig kong tinanong ka na ni Chester, pero hindi ko narinig sa kanila na umoo ka na. 
I'm asking you to be my date too."

Bigla ko na lang nabitawan yung skateboard ko at bumagsak sa paa ni Ash. Inangat niya yung paa niya.

"Ouch! Mabuti na lang athletic shoes 'to kaya hindi masyadong masakit." hawak niya yung paa niya, "Ano?"

Isa pa sa napansin ko nitong mga huling araw eh may malakng pagbabago. Nung may crush ako kay Chester, 
lagi akong palpak sa harap niya. Meron at merong nangyayaring ikapapahiya ko. Kay Ash nun, normal ako. 
Pero ngayon, kay Chester ako normal, kay Ash ako pumapalpak.

Does that mean..?

Now he's asking me to be his date too. Dalawa na yung nagtanong sa akin. Kahit na gusto kong sumagot ng Oo 
sa kanya, hindi ko ginawa. Fair lang naman siguro kung sabihin kong...

"Pag­iisipan ko muna. Ok lang?"

Tumango lang siya sa akin nun.

Habang nag­skateboard kami eh lagi akong natutumba. Mabuti na lang hindi nila ako tinatawanan. Wala kasi 
ako sa concentration. Si Chester ang unang nagtanong sa akin, kaya kapag sinabihan ko siya na may magiging 
date na ko... hindi ba masama yun sa lagay niya? Hindi naman niya alam na wala pang nagyayaya sa akin. 
Pero... si Chris ako. Obvious ba na walang magyayaya.
Si Ash kanina feeling ko pwede na akong umoo sa kanya. Yun nga lang pangalawa siya. Hindi ko naman 
pwedeng sabihing OO kaagad habang ang sinagot ko kay Chester eh pag­iisipan ko. Lumalabas na hinihintay 
ko nga lang siya. Hindi nga ba?

"Arrrgggghhhhh!" binato ko yung skateboard ko at nagtinginan sila lahat sa akin,"Ah.." wala akong maisip na 
sabihin nun kaya ngumiti na lang ako.

Natapos yung practice period namin at babalik na kami sa classroom. Halos kasabay ko lang yung dalwang ka­
team ko at naglakad na kami sa corridor. Eksakto nga namang nandun yung grupo ni Shalyna. Wala naman 
siyang sinabi nung dumaan ako pero tumayo siya doon sa bench at siya naman ang parag linta kung 
makahawak kay Ash.

"Hi Ash! Kumusta ang practice?" hawak niya yung braso ni Ash.

"Err.. ok lang Shalyna." parang naiirita si Ash nun.

Nakatingin lang ako sa kanila nun at tinaasan ko lang sila ng kilay ko. Si Chester naman ang humila sa akin sa 
loob ng room at walang tao doon na makakakita sa amin. Hindi na ba matatapos ang hilahan nito?

"Sorry Chris... about sa pageant...""Me first." sabi ko naman na at nabuo na yung desisyon ko, "You're one 
great guy Chester. But I think..." tumingin ako sa direksiyon ni Ash na nakadikit pa rin kay Shalyna, "I'm going 
with somebody else. Sana ok lang sa 'yo.""Ooh. Sure. Ok lang. It's you're choice. Whatever makes you happy, 
I'm all for it."

Na­touch naman ako sa sinabi ni Chester kaya tumalon ako at niyakap ko siya ng mahigpit.

"You're awesome Chester." ang higpit pa rin ng yakap ko, "Thanks. Don't ask me, basta.. thanks."

Lalabas na sana ako para tawagin si Ash at sasabihin ko sa kanya na siya na ang magiging date ko. Kaya lang 
nandun pa rin si Shalyna, ayoko namang tawagin siya ng ganun­ganun na lang. Nasa likod ko pa rin si Chester.

Naangiti pa ako nun sa sobrang saya ko. Kaya lang narinig ko...

'Sure Ash, date mo na ko sa pageant.'

Hey.. hey.. what? Tinanong niya si Shalyna?

Ouch.

Hindi ko na tinuloy yung paglabas ko ng pinto nun. Naiiyak na ko. Para yun lang ang babaw ko naman! Hindi 
ako iiyak.

"Bakit? May problema ba?" sabi ni Chester nung napansin niya ako.
Humarap naman ako sa kanya.

"Actually Chester, I changed my mind."

Nagsalubong yung dalawang kilay niya.

"I'll be your date sa pageant."

***30***

Nakatingin lang si Chester sa akin. Tama ba yung ginawa ko? Parang hindi eh. Lalo lang yatang sasama yung 
pakiramdam ko. Kawawa namn si Chester kung ganun.

"I know what you think, sorry Chester ha. Never mind." napaka­unfair ko naman kasi sa kanya.

"No.. no, it's ok. Naiintindihan ko na. You love him. You can use me. I'm willing to do it."

Umatras naman ako umiling­iling sa kanya.

"Hindi.. hindi pwede. Ang unfair naman nun sa part mo.." kaya lang nag­sink sa utak ko yung sinabi niya, "I 
DON'T LOVE HIM!!!" napalakas yata yung pag­deny ko kaya hininaan ko, "I don't.""Halata naman na eh. 
Hindi mo lang inaamin sa sarili mo. Chris," humawak siya sa balikat ko, "Sinabi sa akin ng grandmother ko 
dati, 'Mas mabuting mabuhay ka ng nakilala mo yung sarili mo, kaysa mabuhay ka ng nagtatanggi.' Bakit 
hindi niyo subukang dalawa? Malay niyo mag work­out para sa inyo."

Umupo ako doon sa isa sa mga upuan.

"Hindi pwede eh. It's complicated. I can't tell you why.""Ok lang sa akin kung hindi mo kayang sabihin, pero 
isipin mo lang, nandito ako para samahan ka. I'll be your date sa Prom. No hurt feelings."

Kung hindi ko lang siguro... oh well umamin ka na, kung hindi ko lang siguro mahal si Ash sa ngayon, baka 
kay Chester pa rin ako may gusto. Pero ang problema nga, si Ash nakilala ko.

Chester's right. It's better to live knowing yourself than without knowing your true self at all. Does that make 
sense?

***

Another boing day. Nasa English Class kami ngayon. Nakaupo kami doon sa usual na mga upuan namin at 
dinidiscuss yung librong 'The Little Prince by Antoine De Saint­Exupery'. Naguguluhan na nga yung utak ko 
eh.
Nagbabasa nun si Camille, yung isa sa classmates namin.

"... And he went back to meet the fox. 'Good bye.' he said. 'Good bye,' said the fox."huminto ng kaunti si 
Camille then tinuloy na niya, " 'And here is my secret, a very simple secret: It is only with the heart that one  
can see rightly; what is essential is invisible to the eye.' ""Camille, ihihinto muna kita diyan. 'It is only with the 
heart that one can see rightly; what is essential is invisible to the eye.' Ngayon, anong ibig sabihin ni Antoine 
De Saint­Exupery diyan? Bakit niya yun sinulat?" walang nagtataas ng kamay, "Opinions? Anyone?"

Ang tahimik pa rin sa buong klase nun at walang gustong mag­share ng opinion. Ano nga bang ibig sabihin 
nun?

Nilaro­laro ko na lang yung libro ko. Nakakatamad naman kasi eh.

"Orellana! Ano sa tingin mo yung ibig sabihin nung quotation na yun na sinabi ng fox?""Err.. uh.." Ano ba 
yan, hindi ko naman talaga alam, "Ibig sabihin eh, tanging sa puso mo lang makikita kung ano ang tama para 
sa iyo.. para sa lahat. Nasa iyo na yun... walang taong pwedeng magdikta sa iyo... ikaw lang ang nakakaalam. 
Minsan tanging yung nakikita lang natin ang pinapahalagahan natin. Pero ang hindi natin alam, ang 
pinakamahalagang bagay sa buhay ay yung hindi natin nakikita. Sa mga makamundong bagay umiikot ang 
buhay natin, pero sa bagay na mahalaga at tunay na dahilan ng buhay tayo nagbubulagbulagan."

Nyak.. tama kaya yun???

Nagtawanan naman yung grupo ni Shalyna sa gilid. Napatingin pa nga ako sa kanila.

"Amen!" tinaas pa niya yung kamay niya.

"May gusto kang sabihin Ms. Salinas?""Uhmmm... wala po. What she said.." tapos tinuro niya ako.

Buti nga. Akala mo naman kasi kung sinong magaling wla naman palang sasabihin.

Laking pasasalamat ko talaga nung natapos yung klase namin. Medyo inaantok na nga ako. Dumaan yung 
teacher namin at sinabihan pa nga ako ng goog job kahit na alam kong pampalakas lang loob yun. Alam naman 
natin pare­parehas na hinugot ko lang kung saan yung sinabi ko.

Tinawag ko uli yung teacher ko at gusto kong hiramin yung libro.  Sa unang tingin, mukha siyang children's 
book. More like a fairytale. Pero kapag binuksan mo at sinimulan mong basahin, may mga laman na kahit ako 
eh hindi ko maipaliwanag.

Si Shalyna naman eh tinaasan yung pitch nung boses niya. Pinarinig pa niya talaga sa akin.

"Ibig sabihin eh, tanging sa puso mo lang makikita kung ano ang tama para sa iyo.. para sa lahat. Nasa iyo na 
yun... walang taong pwedeng magdikta sa iyo...  OH PLEASE!" sabi niya tapos nagtawanan na naman, "Pwede 
ka nang maging madre Chris."Sorry Shalyna, hindi siya pwedeng mag­madre. She'll get married, someday. 
Right Chris?"

Ayoko na ng away nun kaya hindi ko na lang pinansin. Lumabas naman si Ash at may hawak din siyang libro. 
Pagtingin ko, hiniram din pala niya yung The Little Prince.

"Don't worry, your voice doesn't sound like that. It's.. different.""I don't care. Sanayan na lang din yan. Pero 
minsan may mga sinasabi siya na napupuno rin ako kaya hindi ko rin mapigilan yung sarili ko."

Hindi ko siya tinignan nun, hawak ko pa rin yung libro. Binuksan­buksan ko yung pages pero hindi ko naman 
binasa.

"Chris, sasabihin ko sa iyo yun tungkol sa damit mo sa pageant."

Sa wakas, tinignan ko rin siya.

"Hindi ako worried doon." nag­smile ako ng kaunti at napatingin na naman ako sa back pocket niya, "Nandiyan 
na naman yang connecting chain mo. Kapag ikaw nahuli, magkaka­dentention ka."

Tinignan naman niya yung back pocket niya at mabilis niyang tinago sa bulsa niya.

"Nasanay na kasi ako. T­tapos binawal nila."

Tumayo na ako nun. Uuwi naman na ako. Wala naman akong gagawin sa school eh.

"Una na pala ako." nagsimula na akong maglakad nun.

"Ch­­.." narinig kong sinipa niya yung bakal, "Chris!"

Nilingon ko naman siya. Ang gulo niya no. Kung may gusto naman siyang sabihin hindi pa niya sabihin. 
Tumatagal pa tuloy.

"So, you're going with Chester?"

Tumango naman ako sa kanya.

"You?" kahit na ayokong itanong yun.

"Shalyna."

Nag­nod lang ako pero hindi masyado.

"We're cool with that?""Yeah." tapos nag­punch kaming dalawa fist­to­fist.

Naglakad na ako nun papunta ng gate. Lalakad naman ako pauwi ng bahay namin. Yung hangin ngayon, parang 
ang lungkot yata.

Hindi pa ko nakakahakbang ng meydo malayu­layo sa school eh may tumawag na naman sa akin.

"Chris? Chrisandra?"

Tinignan ko naman kung sino yung tumatawag sa akin. Oh great! Sa dami­rami naman si Mrs. Salinas pa.

"Hi Mrs. Salinas!" yun na lang ang nasabi ko. "Himala po yata at nadalaw kayo sa school."

Niyakap niya uli ako at humalik sa pisngi ko. Ngumti naman siya.

"Naku ang bait­bait mo namang bata ka. Ang tangkad mo pa." sabi niya sa akin, I felt uncomfortable, "Ayaw 
kasi ni Shalyna na pumunta ako sa school at sunduin siya. Nakakahiya daw na pumunta ako."

Sinabi niya yun sa Mommy niya?

"Bakit naman niya sinasabi yun? I mean, we're teenagers. Normal nga lang siguro na mahiya kapag dumadalaw 
ang parents sa school kasi iisipin nila Daddy's girl o Mommy's girl ka. Honestly, I would die to have a Mom 
visiting me at school. Dapat nga magpasalamat pa siya eh." napansin ko naman na medyo naluluha na 
siya, "Naku Mrs. Salinas! Hindi ko po sinsadya. May nasabi po ba ako?""Wala naman hija. Naikwento lang 
kasi sa akin ni Ash yung mga ginagawa sa iyo ng anak ko. Hindi ko alam kung bakit kailangan niyang gawin pa 
iyon eh pwede naman kayong maging mag­bestfriend."

Na­choke naman ako doon.

"B­bestfriend? Malabo po iyon sa ngayon.""Saan ka nga pala papunta?""Pauwi na po."

Pinunasan naman niya ng panyo niya yung mata niya.

"Pasensya ka na at emosyonal lang ako. Madalas lang mangyari sa akin yun. Alam mo na, may hypertenshion, 
sakit sa puso.." natigilan naman ako.

"May sakit po kayo sa puso?""Oo hija. Kumusta naman pala ang tatay mo at yung mga Kuya mo? Nabanggit 
din kasi ni Ash sa akin na ikaw lang daw ang babae sa pamilya. Hindi ka ba nahirapan?"

Ang daldal naman pala ni Ash. Kung magkwento eh history na yata ng buhay. No wonder pati si Lawrence eh 
kilala na ako nung nakita ako. Baka ganito rin pinagku­kuwento.

"Ayos lang naman po. Tatay ko pumapasada. Yung panganay po, si Kuya Christopher, nagtratrabaho na. Si 
Kuya Christian, college. Ako naman po. eto.." ngumiti lang ako.

"Mabuti naman pala.""Paano po Mrs. Salinas, uuwi na ako. Medyo pagod eh." kailangan ko na rin naman nang 
umalis.
"O sige pala hija, mag­iingat ka sa pag­uwi." sabi niya sa akin.

Akala ko yun lang ang gagawin niya, pero kung paano niya ako winelcome kanina eh ganun din. Kiss and hug. 
Parang may hispanic blood nga itong si Mrs. Salinas. Ganun kasi sa mga may lahing espanyol, mahilig humalik 
at yumakap.

"Kumusta na lang sa lahat."

Nung nakapag­bye na ako eh binilisan ko na yung paglakad ko at baka mahinto na naman ako. Gosh, si Mrs. 
Salinas madaldal din!

Nakalayu­layo na rin naman na ako. Narinig ko pa ngang lumabas na si Shalyna sa gate eh. 'Sabi ko naman sa  
iyo huwag kang pupunta dito 'di ba! Bakit ba ang kulit­kulit mo?!'

She is so rude. Ni­hindi ko nga kayang kausapin yung tatay ko ng ganun. Pero siya...

"Alam ko na kung anong iniisip mo. Bakit siya ganun sa Mommy niya?!?" sino yung nagsalita?

"Nasaan ka?""I'm here.. way up here."

Tumingala naman ako. Nandun siya nakaupo sa may gate sa mag bleachers.

"Kanina lang nasa room ka 'di ba? Ang bilis mo naman?" nagtaka naman ako sa kanya.

"Huminto ka doon at nakipag­usap, tingin mo 'di kita maabutan?"

Oo nga naman, may point siya doon.

"As I was saying, alam ko iniisip mo. Bakit ganun na lang niya ituring yung Mommy niya?""Well.. 
YEAH!" obvious ba?

"Yan din inisip ko. Pero malay natin, there's more Shalyna than we expected."

Inirapan ko naman siya. Hindi dahil date niya si Shalyna kailangan na niya ipagtanggol.

"Like.. mabait pala siya in disguise.." nagsimula na akong maglakad, "Bye na ako Ash. Narinig ko na yung 
story na yan.""Who knows?" sabi naman niya, "You used to be friends with her. Something happened kaya 
nagbago lahat. She's not treating you like that dahil gusto niya.""Ginagawa niya yun dahil gusto niya! Hindi pa 
ba maliwanag yun?""Ok sige, siguro nga dahil gusto niya. Maybe there's a reason."

Napagisip­isip ko rin naman. He's right. Dati­rati, ok naman kami. As ok talaga. Pero ngayon, hindi mo kami 
mapagdikit na dalawa dahil baka magkaroon lang ng giyera.
"Right. Thanks." nag­wave lang ako sa kanya dahil hindi naman siya makakasabay sa akin at nasa loob pa 
siya, "Uwi na talaga ako."

Ngumiti lang siya sa akin.

"Wait Chris, may ibibigay ako sa iyo. Nalimutan ko kasi kaninang umaga. Baka nga nasira na sa bag ko 
eh.." tapos may hinalungkat siya doon.

Hinihintay ko naman siya at may nilabas din siya sa bag niya. A rose. A pink rose.

Binato naman niya sa akin at sinalo ko naman. Napatingin naman ako.

" ''It is only with the heart that one can see rightly; what is essential is invisible to the eye.' " nag­close fist siya 
at tinapat niya sa puso niya, "Listen to you heart Chris."

Tinignan ko lang siya nun at wala akong sinabi. A pink rose? Again?

"It's appropriate kung sabihin kong... 'Just letting you know I'm always here for you.' " huminto siya at nag­
isip, "or... 'Good day Chris' instead of the usual 'Good Morning.'"ngumiti siya uli. "Bye Chris. Ingat."

Bumaba na siya nun sa bleachers at hindi ko na siya nakita.

"Ash!" tinawag ko siya pero hindi na siya umakyat uli.

'Good Morning'... it sounds.. familiar. So all this time.. yung rose sa desk... it's from him? Not from Chester.

How stupid can you get.

Ngumiti ako sa sarili ko na parang ewan. Tama.. sa pageant. Sa pageant na lang.

Nagclose­fist din ako gaya ng ginawa niya. Naalala ko yung kwento niya tungkol doon sa guy na nagsabi ng 
feelings niya for the girl. Pero hindi niya alam yung sagot nung babae.

It's like this. Right now he's holding his own heart, I'm holding my own. Ganun yung iniisip namin parehas. 
But deep inside, he's holding mine.

Tinapat ko sa puso ko yung kamay ko.

Sa pageant... Ash..

You'll know the ending...
***31***

Umuwi na ako mag­isa sa bahay nun. Medyo ok lang naman na ang pakiramdam ko. Sus pageant lang! Kailan 
ba ako nag­care? Dati­rati nga hindi naman ako sumasali sa ganyan. What's the difference this time?

Ang gulo pa rin ng utak ko. Ang daming tanong no? 

Nung sumunod na araw at pumasok ako sa school, nag­iwan na naman ng rose si Ash sa desk ko. Nung 
tumingin ako sa kanya, hindi niya ko tinignan. Alam kong ayaw niyang marinig yung sasabihin ko.

Teka, may sasabihin nga ba ako?

"Hey.. creep.." sabi ni Shalyna sa akin kaya tumingin ako sa kanya.

"What?!?""Nothing. I just want to bug you. Is it working?""Malalaman mo na nagwo­work yun kapag nag 
landing yung kamay ko sa mukha mo."nginitian ko siya ng sarcastic.

"Ooh.." sabi naman niya.. "Napaka­harsh naman. Pero sa itsura mo, hindi na nakakapagtaka."

Nakakasawa na talaga makipag­away sa kanya! Lagi na lang ba?

"Date ko si Ash sa pageant. Think how funny it is? Ikaw ang nililigawan niya pero ako yung niyaya 
niya." naku!! pinaalala pa niya.

"Oh yeah... hilarious!" binalik ko yung tingin ko sa sinusulat ko.

Si Ash naman ang kinausap ng bruha.

"Ash, I'm wearing a red gown kapag dumating ako.. red din panloob mo sa tux mo?"humawak siya sa braso ni 
Ash, "Para match tayo.""I don't know Shalyna. Hindi ko pa napapagplanuhan. Next month pa yun."

Akala ko tapos na siya sa akin, kaya lang makati talaga yung dila niya eh.

"Chris, may evening gown doon sa pageant. May sports wear, casual wear.. paano naman mababayaran ng tatay 
mo yung mga gagamitin mo para sa pageant?" tumawa naman siya, "Siguro yung kikitain niya sa pampasada 
no? Ano yun? 'Di kayo kakain ng isang buwan? Your dad's a loser. At least my family can afford almost 
anything."

Hindi na ako nakapagpigil nun kaya hinawakan ko siya sa blouse niya. Nag­iinit na yung buong mukha ko.

"Chris!"

Hindi ko naman pinansin si Ash.
"Don't call my Dad a loser! Siguro nga jeepney driver siya pero decent job yun! Maybe your family can afford 
almost anything.. but you know what?!! There's one thing they can't afford to have in their own house anymore. 
You. You and your stupid attitude!"tapos tinulak ko siya ng malakas at naupo ako doon sa desk ko.

"Ash! Bakit hindi mo siya pinigilan? Nalukot tuloy yung damit ko!""I think you deserve it." sabi ni Ash at 
umupo siya doon sa upuan din niya.

"I'm your date!""Oo. But that doesn't mean I'm in your side.. always."

Sa sobrang inis niya siguro umalis doon sa harapan namin at nagdadadabog. Tumingin ako kay Ash at umiiling 
siya.

"Ang cute niya magdabog kahit ganyan siya..." hindi naman niya napansin pero tinignan ko siya ng masama.

Cute? Oo nga cute. Kamukha na nga niya yung terrier na aso ng kapitbahay namin.

"Nakita mo yung buhok ni Chester ngayong umaga? Naka­spike yung buhok niya. Ang CUTE 'di ba?" sabi ko 
naman.

Bwisit na ito!

"Err.. si C­chester? Yeah I noticed." sabi niya tapos tumingin sya sa akin, "Siguro nga sakit sa ulo si Shalyna, 
pero sweet din naman yan. Hindi lang masyadong halata.""Oo nga eh. Parehas sila ni Chester. Alam mo yun? 
Inalalayan pa ako ni Chester sa cafeteria. How sweet right?!?"

Pwede bang tigilan niya yung topic kay Shalyna at titigilan ko rin yung topic kay Chester.

Tinignan naman niya ako ng masama. Tama bang ibagsak niya yung notebook niya?

"Shalyna's pretty. Sikat nga siya sa sports curriculum 'di ba?""So as Chester. Crush nga ng bayan 'di ba?" tapos 
may naisip pa ako idagdag, "And, he's so funny!" ngumiti pa ako.

"Funny? He's hysterical! Right!""He's not hysterical! I said.. FUNNY!"

Tumayo siya sa upuan niya at tumayo rin ako. Nagtinginan kaming dalawa.

Nag­aaway ba kami? Mukha. Ako yata nagsimula nito eh. Pero kung nag­aaway man kami, walang kwenta 
yung topic.

"Nakita mo yung uniform niya? Ang linis 'di ba?""Oo nga eh. Si Shalyna din maayos na maayos yung uniform 
kaya lang nalukot kasi may humawak kanina." sabi niya sa akin.

"Tama lang yun para sa kanya! And you know what? At least we're not that lame. Kailangan parehas pa ng 
gown niya yung panloob mo na tie!" tinalikuran ko nga.
"It's not my idea!" sabi niya sa akin then tumalikod din siya.

Yung isang classmate ko naman eh lumingon sa amin at nakangiti.

"Ano ito LQ?"

Sabay kaming tumingin ni Ash sa kanya.

"SHUT UP!"

Nagulat naman siya at bumalik na sa pag­upo niya ng diretso.

Nag­iinit talaga ulo ko nun. Kung pupurihin lang din naman niya si Shalyna eh dapat huwag sa harap ko. Alam 
naman niyang si Chris at Shalyna eh best friends forever!!! Grr!

Sakto namang nag­alarm. Physics na namin nun. Nakaupo ako doon sa upuan ko at nakacross­arms at siya eh 
tahimik lang din.

Tumawa naman ako.

"Mukha kang ewan kanina!" sabi ko sa kanya.

"You look cute kapag galit.""Anong sinasabi mo parehas kami ni Shalyna? Or kailangan galit ako 
parati?"tumatawa­tawa na ako nun.

"Neither. Sinasabi ko lang cute ka magalit."

Dumating na yung teacher namin noon.

"I like the hair bit kay Chester." sabi naman niya, at nakangiti na siya nun.

"I like the pretty bit kay Shalyna. Galing mo mag­pretend.""Sinong maysabi na nag­pretend ako? That's a real 
compliment for her."

Arrrrgggghhhhhhh!!!

"At totoo rin yung hair bit kay Chester."

Naku, simula na naman kami.

"Fine!""Ok Fine!"

Tumingin yung teacher namin sa amin.
"Chris? Ash? Nag­aaway ba kayo diyan?" nagtinginan naman sa amin.

"HINDI­­""PO!"

Ipagmalaki niya yung date niya sa akin! Pagmamalaki ko rin yung sa akin! Asar talaga!

Tumahimik na naman kami. Nagiging ok na nag­away pa uli.

"Class, kailangan niyo ng Investigatory Project para sa Science Fair natin. Sa October pa iyon pero mas 
magandang simulan niyo ng maaga. Pick your own partner.."

Pick your own partner pala ah.

Nagtinginan kami ni Ash. Nagtitigan ng medyo matagal tapos sumigaw ako ng...

"CHESTER! Partner tayo." sabi ko naman. 

Nagulat yata si Chester sa akin.

"SHALYNA, I'll be your partner."

Hmph! Akala niya!

"I can sense na may away yata sa inyong dalawa. I think I'll assign partners for both of you.""Kung 
pagpapartnerin niyo kaming dalawa, forget it.""Tama! Foge­­ WHAT?"

Umupo siya doon sa upuan niya sa harapan.

"Don't worry Ms. Orellana, ayoko ng lumalalang away. Chris..." tumingin siya sa right side niya...

"Partner mo si Shalyna!" I think Ash is better!

***32***

Ayaw niya ng lumalalang away? Eh bakit napartner ako kay Shalyna? Anak naman ng mundo oh! Sabagay, 
hindi naman alam ng teacher namin na on­war kami ni Shalyna. Hindi ba pwedeng pick your own partner? 
Magkaka World War 5 kapag si Shalyna ang partner ko.

"Mam hindi naman­­"

Hindi niya ako pinansin.
"Ash, partner mo si Chester. As for the rest of you, pick your own partner."

Tumayo naman ako sa upuan ko.

"Hindi po ba unfair naman yun? Pick your own partner sila tapos kami eh may assigned?" nangatwiran pa ako.

"Who's the teacher here Ms. Orellana? I am." tumango­tango siya, "Kaya huwag na nating i­push pa at baka 
bigyan ko kayo parehas ni Mr. Valdez ng referrals. Fighting in class. I believe you can't afford to have one 
because you're qualified in the pageant."

Ganun pala yun? Kapag may record ka hindi ka kasali? Magandang magka­referral ako para maalis na ako sa 
pageant. Tama. Kaya lang, date ko na si Chester. Ang laki na rin ng atraso ko sa kanya. Kawawa naman kung 
hindi ko pa sisiputin.

Naupo na lang ako doon sa upuan ako.

"Thanks alot Mam." sarcastic yung pagkakasabi ko pero mahina.

"Thanks alot partner ko si Chester." halata kong asar din si Ash.

"Mabuti nga si Chester. And thanks to you partner ko si Shalyna."

Sumabat naman si Shalyna mula sa side niya.

"Thanks alot Chris. Now I have to deal with you." tinignan ko lang siya ng masama.

Hindi na ba matatapos ang kaka­thank you?

"Ikaw Chester, may gusto kang pasalamatan?" tumingin lang si Chester at ngumiti.

Inayos ko na lang yung pagkakaupo ko. Wala naman pala eh. Very well then.. 'YOU'RE WELCOME!!!'

***

"I can't believe it!" hawak ko yung kutsilyo nun at pinagsasasaksak ko yung manok na nasa harapan ko. "I­
CAN'T­BELIEVE­IT!"

Bumaba ng hagdan si Kuya Christopher at nagbukas ng refrigerator.

"Believe it." tapos uminom siya at nalunod yata, "Chris anong ginawa mo diyan sa manok? Ititinola ni tatay 
yan ah!"

Tumingin ako doon sa manok. Hindi ko na napansin. Kawawa naman.
"I am going to work with the wicked witch of all generation! Si Shalyna!""Wicked­who? Akala ko ikaw na ang 
wicked witch of all generation?""Kuya.. not helping!" tapos sinaksak ko yung manok one last time.. naiinis 
kasi ako eh,"Kasi si Ash eh. Nag­aaway kami nun kaya binigyan tuloy kami ng assigned partner. Dapat pick 
your own yun eh.""Nag­away kayo ni Ash?" tapos nag­snap siya doon sa gilid. "Naman oh!"

Nagtaka naman ako sa kanya.

"Ano namang ibig sabihin niyan?"

Umupo siya doon sa counter namin.

"Actually Chris, ewan ko kung magagalit ka sa amin ni Christian ha. Kilala na namin si Ash, kaya boto kami sa 
kanya kahit anong mangyari.." nag­eexplain pa siya at kasabay pa yung kamay niya..

"Kuya!""Teka hindi pa ko tapos. Yun nga, lately.. may mga nagpupunta dito na mga guys. Ok ok.." tinignan ko 
kasi siya ng masama, "Mga classmate mo yata yung mga yun. Baka umaakyat ng ligaw. Malay namin, first 
time 'to nangyari eh." nanlisik yung mata ko.

"What did you do?""Ayun.. nilait namin. Yung isa sinabihan namin na hindi siya pwede kasi ang tigas ng 
buhok niya." tapos tumawa siya, "Yung isa sinabihan namin na hindi siya pasado dahil kulay itim yung suot 
niyang pants. Kahapon nga nung wala ka pa sa bahay sinabihan ko yung isa na hindi siya pasado kasi hindi 
pula ang buhok niya. Nung isang araw sinabuihan namin na kailangan may dragon siyang tatoo bago manligaw. 
Si Tatay may naabutan dati, itinanong kung kaya ka daw bang buhayin." Hindi ba maaga naman yata masyado 
para sa tanong na yun?!?

"Whoa! May nagpupunta dito?!?" yumuko ako, "Guys, you are so embarassing.""Unfortunately... YEAH. At 
kailan ka pa nahiya?" tumayo na siya uli, "Kinain na nga pala ni Christian yung chocolates mo."

Kung ang mga Kuya mo na lang din eh ganito, magiging matino ka pa kaya? Pinaglalaruan lang pala nila yung 
mga pumupunta dito. No wonder wala nang bumabalik.

Umakyat na siya sa taas nun. Ako naman eh nagluto na lang din doon at inexplain ko sa tatay ko kung anong 
nangyari sa manok. Dahil mabait naman yun, nakitawa na lang din.

Pumasok naman ako kinabukasan at tinatamad ako. Kapag naaalala ko kasi na partner ko si Shalyna sa IP.. 
parang wala nang reason na pumasok pa ako. Goobye 'A' na nga siguro sa Physics project at Hello 'F'.

Pagdating ko doon sa room, nakaupo si Shalyna doon sa upuan ni Ash at may hawak siyang rose na inaalis­alis 
niya yung petals isa­isa.

"I'm pretty, Chris is not." tanggal ng petals, "I'm pretty, Chris is not."

Wait, a pink rose? That's.. MINE.
Inagaw ko naman sa kanya yung rose at nagalit talaga ako.

"You're a doofus, Chris is not. You're a freak, Chris is not. You're a dork, Chris is not."tapos napansin ko na 
ubos na yung petals. "Ooppss, sorry?!? Naglalaro ka ba?""So geek, anong project natin sa Science?""Magse­
search pa ako. Hindi ko pa alam.""Aba bilis­bilisan mo! Baka kulangin tayo sa oras." ang kapal ng mukha nito?

"Hindi tayo kukulangin kung tutulong ka eh no?!?"

Bigla namang bumukas ng malakas yung pintuan ng room at pumasok si Ash at Chester. Mukhang yung 
dalawa eh hindi rin maganda ang lagay ng kanilang umaga.

"Sabi ko sa iyo hindi pwede sa amin. May sakit yung Kuya ko at makakaistorbo lang tayo. Sa inyo na lang 
kung gusto mo? Bibili lang tayo ng materials.. mag­search.."kausap niya si Chester na nakasunod sa likod niya.

"Hindi pwede sa amin. Dumating yung aunt ko from Davao. And trust me, you won't like her!""Mas valid 
naman yung reason ko!"

Naupo si Chester. Magkasalubong na yung kilay niya.

"Gagawa tayo ng tahimik sa bahay niyo! Problema ba yun?" suggestion naman ni Chester.

"Hindi pwede. Rest nga ang kailangan ni Lawrence."

Napansin kong nakatingin din si Shalyna sa direksiyon nila.

"You can do it in my house!" nakangiti pa ang bruha.

"Really? Ok lang?" lumingon si Chester sa kanya.

"Yeah. Yung Mommy ko naman pumupunta yun sa hospital. And she wouldn't mind. Mas gusto niya may 
bumibisita doon na guys.." gusto niya? o gusto mo?

"Ok then. Pero tiyak hindi lang one­time project yun. Baka makailang balik kami. Nakakahiya naman sa 
inyo.""Ok lang talaga. Kami lang naman nasa bahay eh. Well except yung dalawang maid namin, and yung 
driver.. saka yung cook.. at kung sunday kayo darating nandun yung laundrywoman.."

Ni­roll ko naman yung mata ko. Nagyayabang ba siya o ano?

"Ok.. Ok i get it. Sige sa inyo na lang." tapos tumingin si Ash sa akin then binalik niya kay Shalyna, "So sa 
bahay niyo pala kayo gagawa ng project?"

Napatingin si Shalyna sa akin at akala mo eh nalimutan na niya na nandun lang ako sa tabi niya.
"Siya? No way.""She's your partner. Kailangan magkasama kayo gumawa ng project. Kung gusto niyo, sabay­
sabay tayo."

Para talaga akong insekto sa paningin ni Shalyna.

"Fine."

Gagawa ng project sa bahay niya? I didn't expect that this will be worse than having her as a partner.

Hindi na lang ako nag­comment. Ayoko na kasing may masabi pa ako na 'di maganda eh mag­cause na naman 
ng away. As for this time, tatanggapin ko na muna ang pagka­generous ni Shalyna na sa bahay nila gumawa.

Kahit na hindi ako welcome doon.

Tumango na lang din ako.

"Then... great!" sabi ni Ash at ang sarap talaga niyang batukan.

Ano namang great doon?

Tumayo naman si Ash at lumapit siya sa akin. Hinila naman niya ako doon sa gilid at masama na naman yung 
tingin ni Shalyna. Wala naman siyang magagawa eh.

"Ano na naman po?" hindi ko siya  tiitignan nun.

"Tumingin ka nga sa akin.." lalo ko pang inasar at tumingin talaga ako sa direksiyon na hindi ko siya 
nakikita, "Chris...""Sabihin mo na yung sasabihin mo para tapos na..""Tumingin ka muna..""Ayoko. Naririnig 
naman kita."

Ewan ko ba at ayaw ko talaga siyang tignan ng diretso nun sa malapitan. Hinawakan niya ako sa magkabilang 
pisngi ko at pilit niyang hinaharap yung mukha ko sa kanya. Dahil nga nagpapasaway ako, kahit diretso na 
yung mukha ko eh sa kanan ako tumingin. Nagpunta siya sa kanan, tumingin ako sa kaliwa. Tumingin ako sa 
kisame, di ko tinuloy kasi  mas matangkad siya makikita ko yung mukha niya. Tumingin ako sa baba, lumuhod 
naman siya.

Naman!

"Ok alright! Ano?!?" tinignan ko siya nun.

"Aaminin ko na, medyo naiinis ako kahapon I'm sorry ok?!? Si Chester kasi lagi mong sinasabi eh.."

Nagso­sorry siya sa akin?

"Ok." yun lang ang sinabi ko with matching taas ng dalawang balikat at tumalikod na ako.
Hinawakan niya ako sa braso ko.

"Ok?!? As in ok!?""Ano bang ibig sabihin ng ok?""Ok, I'll accept that as a yes." tapos huminto siya, "And one 
more, I asked Nathalie to pick your gown and all those dresses na kailangan sa pageant. Don't worry hindi ko 
pa nakikita at wala akong alam doon. Kakausapin ko na lang siya para magkita kayo."

What? Bibili na siya ng mga gagamitin sa pageant? Ayoko na. Magmumukha talaga akong ewan doon.

"How about tomorrow?""Maglilinis ako ng kwarto ko." sabi ko lang yun.

"The day after tomorrow?""Nah.. lilinisin ko yung kusina namin." another palusot.

"How about.. the day after the day after tomorrow?" aba nalito na yata ako!

"Hindi rin pwede lilinisin ko yung sala namin."

Magsasalita na sana siya at tiyak sasabihin niya bukas at bukas at bukas lang yan... kaya pinigilan ko na.

"Hindi rin pwede sa isa pang bukas dahil lilinisin ko yung banyo. Sa susunod yung jeep ng tatay ko. Next eh 
yung kwarto ni Kuya Christopher. Pagkatapos yung kay Kuya Christian. The next day uli maglalaba ako. 
Actually hindi ako vacant kasi pati yung kulungan ng manok ng kapitbahay namin lilinisin ko.. okay? So don't 
bother. I'm fully booked until year 2031." alam naman niya na joke yung 2031.

Teka, hindi ba joke lahat?

Tumalikod na ako.

"Are you done?""Yeah. Basically. So yung gown na iniisip mo sa pageant... not gonna' happen. Busy nga ako 
maglinis.""Yes Chris it will happen. Kahit na hanggang year 2031 pa yan. Sa ayaw mo man o gusto, magha­
hire na lang  ako ng magliinis ng kwarto mo, ng kusina, ng sala, ng banyo, ng jeep, ng kwarto ng kuya mo, o 
kahit kulungan pa ng manok ng kapitbahay niyo. But one thing's for sure..." huminto rin siya, ako yata hiningal 
sa kanya eh,"You're going in that pageant.""I am?!?""You are.""For real?""Uhuh."

Iniinis ko lang siya para tumigil na. Tinignan ko naman siya..

"You sure?""YEAH! Chris! Ang kulit mo naman eh! If you don't stop.. I'm going to kiss you ok!!!"

Ang lakas ng pagkakasabi niya kaya nagtinginan yung mga classmate namin.

"­­­as a friend."

Tumingin ako sa kanya nun kaya lang hindi na ko nagsalita. Joke ba yun?
Seryoso na siya nun. Bigla niyang sinabi ng mahina.

"You know I'm not kidding alright?!?"

***33***

Nag­aalangan na ako magsalita nun. Baka totohanin eh.. natakot ako.

"Ahh.. I think.. uhmm... I'll better shut up then." tapos umarte ako na isi­zip ko yung bibig ko.

"Ok. Tomorrow then." tapos nilabas niya yung phone niya at nag­dial, "Hey Nathalie, it's all set. Tomorrow."

Nakatingin lang ako sa kanya. Paano na yung mga lilinisin ko?

Teka, bakit ko ba pinoproblema yun eh imbento ko lang yun.

Binaba din naman ni Ash kaagad yung phone niya. Tapos tumingin uli sa akin.

"I'll bring boys and girls para maglinis sa inyo.." totohanin niya rin yun? "May kilala ako sa elementary. Anong 
gusto mo? Yung mga tagu­taguan boys o yung lutu­lutuan girls?"

Mga bata ang iha­hire niya?

"I know it's weird.""Really?" sabi ko naman.

"No." tapos tumawa siya, "I'm just kidding... syempre hindi sila."

Hindi ko na kinausap masyado si Ash hanggang sa practice period namin. Siguro nga nadaan lang din ako sa 
takot sa kanya. Pero para nga akong sira nun na ngumingiti­ngiti mag­isa. Buti nga hindi niya ako nakita.

Pagdating ko doon eh si Ash lang ang nandun. Inaayos niya yung mga protection niya sa katawan.

"Nasaan na si Slasher at Black Panther?" sabi ko naman nung napansin kong wala si Ben at Kian sa loob.

"Somewhere. Kumakain yata.. hindi ko alam." may inaabot siya sa likod niya, "Chris, can you help with that? 
Hindi ko kasi ma­strap eh."

Napansin ko naman kung ano yun. May iniirstrap siya sa likod niya. Para saan naman kaya yung strap?

"Para saan yan?""Back protector. Medyo delikado yung stunt ko ngayon.." tapos tumingin siya sa akin.
Tinulungan ko naman siya. Sa unang impression, mukha siyang 5 year old boy. Pero hindi ko na lang sinabi.

Sinimulan niya yung practice niya. Katulad nga ng sinabi niya, delikado nga. Pinaood ko lang siya. Wow, he's 
really gifted in skateboarding. Kaya ko kaya yun?

"Paano ka natuto mag­skateboard?" hindi niyaa ko sinagot kaagad.

Huminto din naman siya.

"Self learning. Niregaluhan lang ako nun ng skateboard.. then, ayun.. naging interest ko." sinimulan na niya uli.

Pinapanood ko lang siya. Men! How can he do that? Angat dito.. ikot diyan.. backward dito.. pwede na siya sa 
cheering.

"What do you call that trick?""The Indy Black Flip. Huwag ka muna magtanong, baka matumba ako."

Paulit­ulit lang naman niyang ginagawa. From one platform to another.. then sa pinakamataas iikot siya 
pabaliktad.. didiretso sa railings.. then slide..

"Can I try it?""Di ba sabi ko huwag ka muna magtan­­­ what? HECK NO. Hindi mo susubukan!"sinigawan ba 
naman ako! Tama ba yun?

"I'm just asking! Bakit galit ka?" high­blood masyado.

"Hindi ako galit. It's just that.. I don't want you to try it." umupo na siya ng tuluyan dahil hindi siya makapag­
concentrate.

"At bakit naman?"

Ngumiti siya sa akin. Tinayo niya yung skateboard niya sa gilid niya.

"I don't think you can do it."

Nainis ako doon. Tingin niya hindi ko kaya! Eh kung sampal­sampalin ko kaya siya?!?

"Ano??? What makes you think that?!?"

Tumayo siya at humarap na siya sa akin.

"Dati­rati nung nakita kita, so as yung ibang classmates namin.. tingin ko pare­parehas kami ng iniisip. You're 
tough. Even though you look like one.. you're still a girl."

Nakipagtitigan ako sa kanya. Tumayo ako sa harapan niya.
"Well this girl is really tough. Gusto mo masubukan?""Sure? How?" aba dinare pa ako!

Teka.. paano nga ba?

"Step one!" ini­stomp ko ng malakas yung kanang paa ko at naapakan ko na yung kaliwang paa niya. "Girls can 
be tough too.."

Alam kong nasaktan din siya doon, hindi lang niya masyadong pinahalata.

"Really? Let me try it!" ini­stomp din niya yung paa niya sa kanang paa ko pero hindi kasing­lakas nung pag­
apak ko sa kanya. "Girls are emotional. What so tough about that?"

Ngayon, hindi namin makilos yung paa namin parehas.

"Oh great.. you wanna' learn step 2? ginamit ko yung kaliwang kamay ko at tinulak ko siya ng malakas sa 
kaliwang balikat niya. "Guys are afraid to show thier emotions.. and that's weakness."

Ini­swing lang niya na parang balewala.

"Parang nabasa ko na ito sa libro. I know step 3. It's like this." ini­slide niya yung paa niya sa pagitan ng 
dalawang paa ko at sinagi niya. "Maybe. But then, crying is also a sign of weakness.."

Napaluhod tuloy ako sa kanang tuhod ko.

"Here's step 4!" hinila ko yung kanang paa din niya kaya napaupo naman siya ng di rin sinasadya. "Girls can do 
what guys can.""Step 5?" inikot niya yung kamay niya sa leeg ko kaya na­lean ako. "Not everything 
Chris.""Oh.. that's not a good move!!!" nailang ako kaya sinuntok ko siya sa tiyan niya pero di malakas, "That's 
step 6. Admit it. Girls are on the league with the guys."

Dahil nakahiga pa rin siya doon sa semento, ginilid niya yung isang kamay niya kaya natamaan ako doon sa 
likod. Hindi naman niya nilalaksan kaya hindi masakit. Napadapa naman ako ngayonsa semento.

"Step 7 Chris!" ngumiti siya, "Yeah.. I know. But still, guys are superior.""Great, nakadapa ako at nasa taas ka. 
Nice.." tapos nakuha ko pa ngumiti, "I learned this from a movie.." binaluktot ko yung dalawang paa ko para 
maipit yung dalawang paa niya. Umikot kami kaya  siya na naman ang nakahiga sa sahig at ako eh nakaupo sa 
sa paanan niya. "Step 8 down.. Ash. Nandito ako sa taas... nakaupo ka na diyan. What's so superior about that?"

Hinawakan niya ako simula sa likod na parang niyakap kaya napahiga ako sa sa harapan niya.

"Some things are too dangerious for girls.. and that only the guys can do it. Step 9."

Inikot ko yung kamay ko sa likod niya kaya nag­roll kami doon sa semento. Inayos ko yung position ko, kaya 
nasa taas na ako.
Tinaas ko yung kilay ko sa kanya. Hindi na siya kumilos. Napagod na yata. I think I won!

"Step 10 baka nakalimutan mo? Well.. I guessed I prove that girls can be tough too. Even in slight wrestling!"

Ngumiti ng siya.

"Yeah.. I admit it­­"

Give up na siya! Yes!

Hinawakan niya ako sa dalawang braso ko at dinaganan niya ng dalawang paa niya yung dalawang tuhod ko. 
Ang bigat niya. Hindi na talaga ako makakilos kahit anong palag ko.

"I admit it.. there's step 11." nakakaloko na yung tingin niya, "Hindi ka na makakilos no? You're a girl Chris. 
I'm a guy.. that's the big difference."

Arrgghhh! Hindi na ako makagalaw. Talo na nga siguro ako.

"Let me up! Tatayo na ko.""Nah.. you must admit it."

Ayoko naman sana. Kaya lang mukhang wala siyang balak umalis doon.

"Ayoko.""Then hindi ako aalis dito. Mahaba pa yung oras. Ganito lang tayo.."

Tinignan ko siya ng msama nun. Nakangiti lang siya. Ano pa nga bang magagawa ko?

"Ok fine! You win!" hindi na ko pumalag. "Now, will you let me up?""No."

Grrr!

"Ash! Ano ba!"

Sinigawan ko siya nun na patayuin na niya ako pero niloloko niya ko. Nang0asar pa nga siya eh. Bwisit talaga. 
Pasalamat talaga siya lalaki siya at.... alright. I'm a girl!

Nagulat na lang kami nung may nagsalita..

"Well well.. may movie dito Ben!""Movie ka diyan! Wrestling ito!"

Biglang umalis si Ash doon at umupo sa gilid. Ako naman eh napagod na at hinihingal na ko habang nakahiga.

"Anong ginagawa niyo? Gusto niyong pilayan yung isa't isa? Nakita namin kayo doon pa lang..""We.. 
uh..." hindi makatingin si Ash, "TEAM PRACTICE NA!""Asus! Palusot!""Shut up Kian."
Kinuha ko yung skateboard ko at pinagpag ko yung damit ko. Napagod ako doon. ANg bigat pa niya!

"Chris.. tuturuan kita ng Indy Back Flip."

Nakayuko na ako nun. Tumingin ako sa kanya at nakangiti na ako.

Tumakbo naman ako at yumakap! Ituturo rin naman pala niya.

"Thanks Ash!" yumakap din siya at tumawa.

"Errr.. ok.."

Inasar kami nung dalawa. Tapos narinig kong bumulong si Ash sa akin.

"But still... you're a girl..""­­and a tough special one."

***34***

Sinubukan nga ni Ash na turuan ako doon. Katulad nga ng sinabi niya at mahirap yun, hindi ko rin naman na­
perfect. Pero sabi niya kung aaraw­arawin ko lang din eh masasanay diin naman ako.

Pinatanggal niya uli sa akin yung strap ng back supporter niya at hindi na naman niya maabot. Nasa pants na 
naman niya yung connecting chain. Minsan nga naiisip ko na i­report na siya at masyado na kasing pasaway. 
Sabagay sa ibang guys kasi kapag may connecting chain ka cool ka tignan.

The next day nung uwian namin, hindi pa ako nakalabas ng room eh nakita kong nasa labas na si Nathalie. 
Naalala ko na sasamahan pala niya ako doon sa gown thingy na yun. Hindi ko pa natutuloy yung paglabas ko 
eh tumalikod na ako para hindi niya ako makita. Kaya lang may humawak sa shirt ko at hinila ako.

"Not so fast Miss Orellana.." humarap naman ako sa kanya at pinalo ko yung kamay niya kaya tinanggal din 
niya.

"What?!?""Nathalie's here..." tinuro niya si Nathalie kaya lang hindi niya ko nakita dahil nakatingin si Nathalie 
sa ibang direksiyon.

"Ngayon?! Mag­hi ako don't worry."

Sinimangutan naman niya ako kaya umayos ako ng pagkakatayo.

"Seryosohin mo naman Chris. The pageant is in two weeks! Two weeks ok? Then yung mga next weekends 
gagawa pa tayo ng project. Wala ka nang magiging time."
Sinimangutan ko rin siya.

"Yun nga yung gusto ko eh! Maubusan ng time. At least may excuse na ako.." nag­cross arms siya at mukhang 
naiinis na sa akin.

Bago pa lumala ang trouble ko nun, tumuloy na akong lumabas at nakita ko na si Nathalie. Niyakap niya ako at 
nag­kiss sa pisngi ko.

Hindi sumama si Ash sa amin nung umalis kami. Si Nathalie ang naghanap ng mga bagay­bagay para sa akin. 
Pati sa gown. Ay naku. Nakasimangot na lang ako. May naka­display doon eh.

"Wow ang ganda naman nito!" tinuro niya yung isang gown na naka­display.

Naki­ayon na lang din ako at naupo.

"Ito na lang sa iyo!""Oh.. No." umiling ako ng umiling.

Sky blue pa nga ang kulay nun.

Syempre dahil mala­Ash din siya, nag­insist pa.

"Miss, pwede ba namin i­try ito?" tinuro niya yung gown.

Lumait naman yung saleslady sa amin.

"Seryoso po kayo na susubukan niyo yan?"

Nagtaka naman si Nathalie kaya umatras siya.

"Bakit naman?""Kasi po, yung dress na yan eh P4,500."

Halata kong nairita si Nathalie.

"So?!? We wanna' try it. I don't care about it's price."

Napilitan yung babae na alisin doon at ako naman eh napanganga na lang. P4500?!? Eh worth P300 nga na 
damit hindi pa ko nakakasuot P4,500 pa?

Hinila ako ni Nathalie doon sa fitting area nila. Syempre nahihiya pa ko magtanggal ng damit nun. Pero dahil 
parehas naman kaming babae, ok lang. Tinulungan pa nga niya ako na magsuot eh.

For some reason nung suot ko na, I think I look stupid.
"Pakiramdam ko kamukha ko na yung fairygodmother ni Cinderella." yung itsura ko nun eh mukhang nalugi.

Naka­todo ngiti naman siya sa akin at habang suot ko pa yung gown eh sumigaw siya ng... 'Miss, we'll take it!'

Hirap na hirap akong kumilos nun. Baka kasi masira ko siya of some sort mapahamak pa ako.. aba delikado na 
kung ganito lang din kamahal ang isusuot mo. Wala akong pambayad ha!

Sumunod nun eh Sports wear. At sa lahat, yun talaga ang pinakainayawan ko. Pero ganun talaga... pageant daw 
yun!

"It's summer Chris.. it looks great!""Yeah I know it's summer.. pero it's not an excuse para mag show ng... belly 
button?! Ayoko na I'm outta' here!" sinubukan kong lumabas pero hinila niya ko.

Casual wear? Yun na lang siguro ang gusto ko. But then.. everything will be great daw. Dalawang gown yung 
binili. Isa para sa entrance.. isa para sa evening chuvaness.

At saka ko na­realize... that pageant is my nightmare!

***

The next weekends eh napunta na kami sa bahay nila Shalyna. Nung unang beses eh sabay­sabay kaming apat 
na bumili ng materials. Pero dahil nga on­war kami ni Shalyna nun, hindi namin alam kung anong gagawin 
namin kaya bumili kami ng mga materials na hindi namin alam kung para saan. May clear plastic tube kami, 
may sand, at kung anu­ano. Si Ash at Chester eh lung capacity ang IP nila. Unfortunately isa sa mga nadagdag 
sa materials na nabili namin eh fish bowl. Paanong nangyari?

Yung first weekend eh disaster. It happened like this.

"Wala pa akong idea." sabi ni Shalyna sa akin.

Wow a big shocker there! Hindi na nakakapagtaka.

"Sabi ko nga sa iyo pwede tayong gumawa ng bone structure. Bibili lang tayo ng.. ano nga ba yung name nun? 
Yung ginagamit sa paggawa ng dentures? Lalagyan mo lang ng tubig titigas na. Bibili lang tayo sa lab."

Sinimangutan naman niya ako.

"At paano tayo kukuha ng container nun para i­shape yung buto? Gusto mo ikaw maging model!" tapos 
tumingin siya doon sa mga tinda sa hardware.. "Ayun fish bowl.. bilihin natin."

Fish bowl? Paano naman makakatulong sa amin yun? At least mas reasonable pa yung idea ko!

"Fish bowl? For what?" binibwisit talaga ako nitong babaeng ito. "I'm serious Shalyna. Wala tayong matatapos. 
Sina Ash at Chester meron na pati materials. Tayo wala pa.""As if I care!" lumakad siya ng mabilis, "Oh cool 
shades!" pumasok siya doon sa isang stand.

I can tell marami kaming mararating.

Sinubukan uli namin nung sumunod na linggo. This time, may pinrint na ko from the web. It's water purifier. 
Ipapatest lang namin sa water lab kung magiging effective. Kaya lang ang nangyari? Kinuha ni Shalyna yung 
pebbles at nilagay niya sa aquarium nila.

Arrgggghhh! Kulang tuloy ng materials nun. Kaya wala kaming magagwa kundi umulit.

Sina Ash eh sa garden gumagawa. Pumasok nga siya nun at basa yung t­shirt niya.

"What's up girls? Kumusta na project niyo?" nakatingin siya doon sa table namin.

ANg kalat­kalat nun. Panay buhangiinan na sa table. May clay pa kami doon na pinaglaruan ni Shalyna at 
nilagyan niya ng tube. Nung makita ni Ash yun...

"Err.. it looks.. uhmm..." halatang napapangitan siya, "Ok. Ano nga ulit yan?"

Dahil medyo napupuno na ako nun... tumayo na ako.

"WALA PA TAYONG PROJECT! ALAM MO YUN SHALYNA! WE ARE SO SO TOAST! HINDI MO BA 
ALAM NA 25% YUN NG OVERALL GRADE?""I'm not stupid, syempre alam ko."

Lumabas naman si Ash at nakakaamoy na naman siya ng away.

Natapos yung araw na iyon na mukha kaming bruha na dalawa. Nangamoy dagat nga siguro ako nun eh.

Last attempt na namin nung sumunod na Saturday. Monday kasi eh pageant na at talagang wala na kaming time 
kung tutuusin. Gusto ko na talagang magseryoso nun at yung dalawang lalaki eh patapos na sa project nila. Ipi­
print na lang nila yung data.. ok na. Kami pa nga yung ginamit nilang pang try eh. Tama bang pahingahin kami 
doon sa rubber tubing nila?

Naupo si Shalyna doon sa sofa nila at nagbukas ng TV. Hindi man lang siya bothered doon sa project.

"Hindi ka man lang ba tutulong?"

Hindi siya lumingon sa akin. Napansin ko na nakangiti siya. Akala ko kung ano yung tinitignan niya. Hindi 
pala yung tv. Meron siyang drawing ni Mojacko. Aba.. na­miss ko na yun ah!

"Mojacko!" nakatodo­ngiti siya taps napansin niya na nakangiti din ako, "I mean.. si Mojacko." nagseryoso 
naman.

For 6 long years, ngayon ko lang siya uli nakita na parang bata. Yung tumawa ng totoo... 
"Mojacko. Favorite ko panoorin noon yun eh.." nag­mold na lang ako doon sa clay.

"Ako rin eh.. favorite ko si Mojaroo." ngumiti naman siya, "Ang cute kasi niya."

Naki­mold na rin siya sa clay nun.

"Ooh.. look!" tapos tinuro niya yung ginawa niya, "Kadiri! Parang worm. Eew."

Nung pinagdikit­dikit niya yung ginawa niya, nabigyan niya ako ng idea. Nagkaroon ako ng idea dahil kay 
Shalyna? That sounds odd.

"You just gave me an idea.." sabi ko naman sa kanya, "Since it's too late na gumawa pa tayo ng decent project, 
e di gumawa na lang tayo ng model ng human brain. Dahil may guys naman, pwede natin silang tanungin ng 
mga iba't ibang situational questions.. or behavior. Observations. Now we can differentiate men's brain from 
women's. Mag­search na lang tayo." hinihintay ko yung reaction niya.. lahat kasi ng idea ko dina­down 
niya, "It's better than nothing you know."

Tumingin lang siya sa akin.

"Sounds cool." ngumiti siya ng kaunti, "Anong gagawin ko?""I'll do the big part.. yung pinaka brain.. ikaw 
gumawa ng folds."

Naki­ayon na lang din siya sa akin. Saglit lang din eh nanahimik na siya at panay na ang gawa niya ng folds. 
Ako naman eh maraming clay ang nagamit ko para lang mabuo yung main struture. Tapos ginamit ko yung 
gianwa ni Shalyna at dinikit ko.

"Mukhang cake yang ginagawa mo!" sabi niya pero hindi yung usual na voice niya na nag­criticize.

"Kamukha na nga nung cake ni Mrs. Layac nung grade 4. ANg pangit nung binake niya hindi pa masarap!"

Tumawa naman siya.

"Oo nga. Kaya nga hirap na hirap tayong ubusin nun. Tinapon pa natin sa halamanan niya yun eh. Tapos nahuli 
niya tayo kaya nakakahiya." diretso pa rin siya sa pag­clay niya.

"Eh yung isang classmate nga natin nun niloloko tayo na sirena daw siya.. kaya ang ginawa natin eh binasa 
natin siya ng tubig. Ang nangyari, pinagalitan tayo ng nanay niya dahil nalunod siya."

Teka nga... am I really talking to Shalyna about our elementary years? Grabe kinikilabutan ako.

Maya­maya lang pumasok siya sa kwarto niya at kinuha yung laptop. Mag­search na daw ako tungkol sa brain. 
Dahil nga isang brain lang yung nagawa namin, naisip namin na 'Male Brain' Exposed na lang ang ita­title 
namin.
For teenagers it sounds cheesy, but then.. may mga certain explanations pa rin.

Binuksan ko yung laptop niya at nag­search na ako. At syempre, may nakita naman ako doon. Pinrint ko at 
dapat lang siguro na i­try namin doon sa dalawang guys. It'll be interesting kung gagawing game 'di ba? So 
tumayo uli si Shalyna at nanguha ng papel. Tinawag din namin yung guys.

Habang naghihintay sila at ako naman eh hinayaan kong bukas yung laptop, may napansin ako doon sa 
walpaper niya. A picture. Wait up... picture namin yun nung christmas party nung elementary ah! Meron pala 
siya nito? Ito yung time na... nadapa ako at natapunan ng strawberry juice. Kaya ayun, mukha akong basang 
sisiw. Siya naman dahil gusto niya akong samahan, binuhusan naman niya yung damit niya ng pineapple. 
Parehas na kaming basa. Yung nanay nung classmate namin nun ang kumuha ng picture... I didn't realized that 
we are that... close.

May napansin din akong picture frame doon sa gilid. Picture niya din yun nung bata siya at umiiyak pa talaga. 
 Nakabalik na siya nun.

"Huwag mo na yang tawanan at umiyak ako ng mga panahong yan.. kinuhanan lang ako ng picture ni 
Daddy.""Bakit ka naman umiyak?""Eh paano ba naman yung kalaro ko eh sinuot yung favorite kong tsinelas at 
nasira niya eh bigay mo­­­ basta umiyak ako." hindi niya tinuloy yung sinabi niya.

Pero parang alam ko na. Binigyan ko siya ng tsinelas nun para sa birthday niya. At doon sa picture, suot niya 
yung isa, hawak niya yung isa.

"Anong nangyari?" bigla ko na lang natanong sa kanya.

"Nangyari saan? Umiyak nga ako." tapos sumigaw siya, "Manang yung pinapaluto kong ulam namin ah!!!""I 
mean.. anong nangyari sa atin? Bigla na lang.. ewan.. nagbago lahat. Pumunta ka sa camp nun.. tapos.."

Pumasok naman sa loob ng bahay si Chester at si Ash.

"Oh girls.. ano ba yun? Ayos yung project niyo ah! Mukhang isaw!" hahawakan sana niya kaya lang pinalo ni 
Shalyna yung kamay niya.

"Don't touch it Chester. Ang tagal naming ginawa yan. Nandito kayo kasi tatanungin namin kayo. Ok? 
Kailangan namin sa project."

Binasa ko yung article tungkol doon sa brain. Ganito yung sabi:

Some believe that a guy's corpus callosum is smaller than a woman's. So while our emotional thoughts cruise  
between hemisphere's at 90 mph, his may get stuck on gridlock. The upshot: Men often suck at talking about  
their feelings because they are less likely than women to translate their emotions into words.

Tinignan ko yung credits sa baba. Cosmopolitan? A magazine? Napailing na lang ako. Pwede na rin siguro. 
Pinabasa ko kay Shalyna yun at siya na ang nagtanong.

"Are you guys brave enough to tell the girl you love how much you love her? I mean.. no practice.. no plans.."

Napatingin naman silang dalawa sa amin.

"What project are you doing? In lovelife or something?!?""It's Male Brain Exposed moron! Sinusubukan 
naming i­prove yung mga nakasulat dito."

Nag­isip naman sila.

"Well.. it depends. Ang hirap mag­express ha. Minsan 'di mo alam kung paano mo sasabihin. Sabihin pa sa iyo 
ang corny mo...""Yeah. Kaya minsan kapag aamin na kami sa girl.. naiiba yung sinasabi namin. Iba na 
interpretation.."

Nagtinginan kami ni Shalyna.. sabay pa kaming ngumiti.

Men are able to compartmentalize information, stimulus, and emotions better than women.... (blah...blah..)

"Kapag may nakita kayong magandang girl sa mall, anong gagawin niyo?""Is this some kind of a joke? If it is... 
tigilan niyo na." sabi ni Ash at mukhang ayaw sumagot.

"PROJECT!!!""Ako na nga lang sasagot. Syempre.. hmmm.. kausapin. Bigyan ng compliment.. hingiin yung 
number... kaya lang minsan nagagalit yung babae.. baka masampal ako.."

Ok.. they got it right again. Parehas doon sa sinabi na example.

A man's brain takes less sensory detail than a woman's... (blah.. blah..)

Tumingin si Shalyna at kaya na daw niya i­handle yun. Pumasok siya sa kwarto niya at saglit lang eh lumabas 
na din. Napansin ko naman na medyo pumula yung pisngi niya. Nag make­up???

"Guys, see anything different? Sa akin?"

Tinitigan siya ni Ash at Chester. Tapos sabay pa sila suagot.

"NO"

Err... sabi ko nga hindi nila mapapansin.

Sinunod­sunod namin yung tanong namin sa kanila. Hindi rin nagtagal, dami na rin namng nakuhang 
observation sa kanila. After that, ni­record na namin yung mga tunay na info sa brain.

Kumuha lang kami ng poster board.. and we're off!
Inayos ko naman yung mga kalat namin. Nagpunta ng kusina si Chester para uminom at si Ash naman eh 
umakyat sa hagdan para gumamit ng bathroom. Si Shalyna eh magpapalit daw ng damit.

Dahil mag­isa ako doon,  naupo ako mag­isa sa sofa. Nakikiramdam din ako dahila ng tagal ni Ash sa taas at 
naiihi na rin ako. Nung hindi pa siya bumaba, naisipan ko nang umakyat at kumatok.

Umakyat naman ako doon sa hagdan. Kaya lang napansin ko na bukas naman yung CR at wala namang tao sa 
loob. Ako naman eh pumasok para gumamit na. Paglabas ko.. narinig kong may nag­uusap. Pero di ko 
maintindihan yung pinag­uusapan.

Pagsilip ko doon sa gilid.. magkayakap si Shalyna at Ash. Hindi ko makita yung itsura ni Ash pero si Shalyna 
eh nakangiti. Ako naman dahil ayokong makita nila akong nanduon, dahan­dahan akong bumaba at bumalik sa 
sala.

Bumalik din si Chester..

"Oh bakit parang namumutla ka?""Err.. wala lang. Gutom na ko.""Really? Masarap ulam ngayon eh. Yung may 
kalabasa na may coconut na kung ano man tawag dun."

Naunang bumaba si Ash kasunod si Shalyna.

"Tara na nga kain na tayo..." tapos tumingin si Shalyna sa akin, "Hey dork, kakain na."

Akala ko pa naman ok na kami.. hindi rin pala.

2 days na lang pageant na kinakabahan na ako. Kumain na lang ako doon sa niluto ng cook nila. Ang sarap nga 
eh at naparami yung kain ko.

"Ako nag­request niyan.." at for the first time, may pinili siya na agree ako.

Masarap naman talaga.

Nung malapit na kaming matapos kumain, dumating na si Mrs. Salinas at kiniss kaming apat isa­isa. Nag­good 
afternoon lang kami at hapon na kasi kami nakakain.

Medyo gumagabi na nga siguro nun dahil nakaramdam ako ng lamok yata na kumagat sa binti ko. Kumati kasi 
eh. Iniwan ko na yung project doon sa kanila at umuwi na rin kami. Hinatid ako ni Chester at ni Ash sa bahay 
namin.

Hindi na ako comfortable sa pakiramdam ko nun. Hindi dahil sa nakita ko si Ash at Shalyna na magkayakap... 
isa na rin yun pero hindi ako comfortable... literally. Pakiramdam ko eh ang daming lamok.

Sinabi nga ng tatay ko na namumula nga daw yung mga braso ko pati yung mukha ko. Kaya ayun, pinatulog na 
lang niya ako nun.

Sunday na kinabukasan.. then Monday... the one and only pageant.

Uneasy sleep nga din ako nun eh. Ano bang nangyayari sa akin? Nakakainis naman. Naramdaman ko nga nun 
maaraw na pero parang hindi rin ako nakatulog. Tumayo na lang din ako.

Dahil naiinitan ako, kinuha ko yung rubber band doon sa drawer ko. Bumaba ako kaagd ng hagdan. Nanonood 
si Kuya ng TV nun. Tapos nagulat siya nung nakita niya ako...

"Chris! Anong nangyari sa iyo?" tapos inalalayan niya ako pababa.

"OA ka.. hindi nga ako makatulog eh.. ang dami kasing lamok.""No Chris.. this is serious. Tignan mo nga yung 
kamay mo pati yung binti mo.. tingin mo lamok yan?"

Tinignan ko rin naman yung kamay ko at binti ko. Tama siya. Ang lalaki nga nung pantal ko.

"Paano ko ito nakuha?" nag­panic ako nun.

"I don't know.. did you eat something?""Kumain lang ako ng gulay kahapon.. tapos wala na. Wala namang 
crabs doon eh.."

This is odd. Kung ganito lang din yung itsura ko... hindi na ako aattend sa pageant.

Paanong umatake yung allergies ko?

***35***

Kaya pala nangangati ako sa buong katawan ko! Panay pantal na ako. Sa crabs lang ako may allergy. Hindi 
talaga ako aattend ng pageant kung ganito. Mapapahiya lang naman ako doon at tatawanan kung ganito yung 
itsura ko. And nah­uh, hindi makukuha ng make­up..

Paano nangyari? Kinain ko lang na huli eh yung may kalabasa, sitaw, na may coconut.. masarap naman... pero 
teka.. akala ko nga isda yung nanduon kahapon.

Crabs ba yun? Oh men! Ang dami ko pa man ding kinain.

This stuff sound more like... SHALYNA!

Sa kwarto lang ako nag­stay. Nakakainis pa man din sa pakiramdam kung ganito. Kung titignan mo, parang 
hopeless na talaga. Mapula pa man din. Tinakpan ko na nga ng kumot yung kamay ko para di ko makamot. 
Tapos may isa pang kumot na pinantakip ko sa buong katawan ko.

Alam kong puyat ako pero di ko makuhang matulog. Hindi kasi talaga comfortable. Saglit lang naalala ko na 
tatawagan ko nga pala si Chester. Mabuti nang maaga ko nang maipaalam kaysa naman last minute. Kawawa 
naman siya. Para naman makahanap siya ng date niya.

Kinuha ko yung phone ko na nasa kama rin at nung magda­dial na ako, para akong boksingera na ma 
nakapalupot na kumot sa kamay. Tinanggal ko pa uli para lang makapag­dial ako. Maya­maya lang din eh may 
kausap na ako.

"OO NGA ANG KULIT MO NAMAN EH! UMATAKE NGA YUNG ALLERGIES KO AT HINDI NA AKO 
PUPUNTA SA PAGEANT! UULITIN KO PA BA YUN? ASAR NAMAN OH!"

Alam ko na iniisip niyo. Ang rude ko naman kay chester para ganun­ganun ko na lang sabihin. Honestly, that's 
not Chester. Si Kuya Christopher yun. Nakasampung ulit na yata ako sa phone hindi pa rin maintindihan yung 
sinasabi ko.

"Hello Chester? Si Chris 'to..""Oh.. hey Chris.. what's up?"

Umayos ako ng pagkakaupo ko nun at inexplain ko ng mahinahon kay Chester. Pagkatapos nun, nanahimik 
lang din siya. Tumahimik ako para malaman niyang naghihintay ako ng comment galing sa kanya. Finally..

"If you're not gong, then I'm not." sabi niya sa akin.

Na­alarma naman ako nun. Kasalanan ko na naman kung bakit hindi siya pupunta.

"Hey.. hey... don't do that! Dadalhin ko pa sa konsensya ko yun eh! Dahil sa akin hindi ka makakapunta! Sa 
tingin mo naman anong mararamdaman ko nun?!?" huminga ako ng malalim, "Don't worry, kapag naging ok, 
sasabihin ko kaagad sa iyo."

Binaba din naman niya yung phone. Kung kailan naman aatake yung allergy, wrong timing pa talaga. Badtrip!

Si Nathalie ang sumunod kong tinawagan. Sinabihan ko siya na isosoli na lang namin yung mga damit na binili 
namin para magkaroon ng refund. Sayang naman at hindi rin naman magagamit at ang mamahal pa man din. 
Sinabi pa nga niya na sayang naman daw yun at hindi rin naman pala ako makakapunta.

Humiga ako buong maghapon doon sa kama ko. Noon kasi aksidente akong nakakain ng may crab oil, 
nagpantal ako ng kaunti tapos 24 hours lang din eh nawala na. Eh kahapon ang dami kong nakain.. gaano kaya 
tatagal?

Dumating yung tatay ko ng hapon at nakita na niya yung itsura ko. Sabi niya maganda pa rin naman daw ang 
anak niya kahit anong mangyari. Asus nangbola pa. Pinapalakas lang niya yung loob ko at baka saka­sakaling 
magbago yung isip ko sa pageant.
Hindi rin ako makakain ng maayos. Nawalan nga rin ako ng gana kaya konti lang kinain ko. Medyo maginaw 
pa pakiramdam ko kaya hindi na ako naligo nung gabi at baka lumala pa. Pero hindi katulad kagabi, nakatulog 
naman ako ng maayos. Immune na kasi ako sa kati sa katawan.

Ginising naman ako ni Kuya Christopher kinabukasan. Sabi niya na ready na daw yung almusal at baka 
lumamig daw yung sa akin. Tumayo naman ako at kinuha ko yung kumot ko sa kama para takpan ko yung 
braso ko.

Kinakain ko pa lang yung hotdog ko eh kumatok sa pinto. Syempre, may sakit­sakitan ako kaya may nagbukas 
para sa akin. At sino pa nga ba?

"What happened?!?" kapapasok pa lang niya ng pintuan niya, hindi pa siya nakaupo,"Sinabi sa akin ni Nathalie 
na nagbago na naman daw yung isip mo. Chris naman!"

Obviously, hindi niya alam yung details kaya ganyan siya kumilos. At obviously... teka.. hindi ba niya 
napapansin yung mukha ko?

Dahil salita siya ng salita at walang tigil eh sinubuan ko nga siya ng hotdog. Napatigil din siya.

"Sarap nun ah..." sabi niya tapos ngumuya din siya, "As I was saying pageant na mamaya. Ano ba 
talaga?""Shut up bonehead!" yun lang sinabi ko sa kanya kasi panay pageant nasa utak eh,"Hindi nga ako 
pupunta."

Lumabas na si Kuya Christopher nun at si Tatay. Papasada si Tatay, papasok sa trabaho si Kuya Christopher. si 
Kuya Christian naman, lumabas at ayaw makisama sa usapan namin ni Ash.

"Bakit? Ready na lahat 'di ba?""Oh yeah... ready na nga lahat ako na lang ang hindi." tinuloy ko pa rin yung 
pagkain ko.

"Yun ba yung problema? Sinabi ko sa iyo ako gagastos di ba.. make­up? Gowns? Everything.""I'm not 
going!" sinigawan ko nga rin.

"Bakit nga?!?"

Humarap ako sa kanya ng diretso.

"Hindi pa ba obvious sa mukha ko ha?!?" tinuro ko yung mukha ko sa kanya.

Nag­lean naman siya at tinitigan niya yung mukha ko.

"What's wrong with your face? May red spot ka lang dito sa kaliwang pisngi.. other than that you look 
normal.""What?!?"

Tumayo naman ako at tinignan ko yung mukha ko sa salamin. Tama nga siya, nawala na yung mga pantal ko sa 
mukha. May pula na lang sa kaliwang pisngi.

"At bakit ba dala­dala mo yang kumot mo? Huwag mong sabihing kagigising mo lang?"

Umupo ako uli.

"Oo, kagigising ko lang." inubos ko na yung pagkain ko.

"Ano pupunta ka na? Please Chris.. sinisira mo yung plano.""Plano? wala akong plano kaya wala akong 
masisira.." yung itsura niya nun eh naiinis na talaga.. "Look Ash.. I'm not feeling well."

Umatras naman siya.

"Oh great! Classic Chris! May alibi na naman para hindi gawin ang isang bagay!"

Hinawakan ko siya sa kamay niya para mag­steady siya.

"What I mean is.. this.." tinanggal ko yung kumot na nakapaikot sa akin at pinakita ko sa kanya.

Nagulat din siya sa nakita niya.

"A­ano yan?!?" hinawakan niya yung braso ko pero gentle touch lang. Naks.

"Allergies, Nung Saturday 'di ba panay ang reklamo ko sa lamok... hindi pala. Then kahapon ng umaga, ayan 
lumabas na. Hanggang ngayon hindi pa rin nawawala."tapos tinakpan ko uli yung braso ko.

"Saan ka ba may allergy?""Crabs." sabi ko naman.

"Eh paano mo nakuha yan?""I DON'T KNOW! BAKIT HINDI MO TANUNGIN YUNG DATE MO?!? 
BAKA MAY KINALAMAN SIYA." nilakas ko talaga yung boses ko.

"Si Shalyna? No way. She's a pain okay? But she won't try to kill you.."

Tinaasan ko nga ng kilay ko.

"OA ka, allergies lang ikamamatay ko na?""If it's too much.. and it happens frequently.. yeah."

Sabi ko nga may balak siyang mag­doctor gaya ng parents niya.

"Siya lang naman nag­request nung pagkain. It's obvious may alam siya.""Yung ulam na kinain natin? 
Nalimutan ko nga tawag doon eh!" tapos nagisip­isip siya.. "OH CRAP! Chris, yung ulam na yun... it's a crab 
dish. Bakit ba hindi ko na­realize yun?!?" crab dish yun? eh walang crab ah!

"Wala ngang crab eh.. alam mo yun?""Yeah.. I know. Ang ginagawa nila eh lulutuin muna yung crabs.. then, 
babasagin yung shell tapos yung laman ng crabs hinahalo sa ulam. Remember may mga nakahalo doon na 
parang sa isda?"

Yung babae na yun!

"Sinadya niya yun no! Nakakainis talaga yung babaeng yun! Bwisit! Asar! Arrggghhh!"mabuti na lang walang 
kutsilyo sa harapan ko kundi dahil nasaksak ko na yung lamesa namin.

"Wala ka namang proof na ginawa nga niya...""Bakit ba lagi mo pinagtatanggol yung date mo? Hindi pa ba 
clear sa iyo? Sinadya niya yun para hindi ako makapunta sa Pageant... para siya na! Hello? And that's a normal 
Shalyna to me!""Hindi mo pa napo­prove.. so she's innocent."

Pwede bang ilayo niyo itong lalaki na ito sa akin at baka kung anong magawa ko sa kanya!!! Nakakainis na 
talaga!

"O sige.. ganito na lang, pupunta ako kay Daddy at hihingi ako ng allergy medications. In case na.. mawala pa. 
Besides, mukhang hindi naman masama yung lagay mo."

Umarte naman ako.

"Ahh... may lagnat din ako.. ang lamig.""Stop the drama Chris. Sige babalik ako."

Lumabas naman na si Ash at nakita kong tumakbo talaga siya. Talagang seryoso siyang makarating ako ng 
pageant. Ewan ko ba, neutral din ang pakiramdam ko. Part of me wants ME to stay at home. Part of me wants 
ME to go to that pageant. Gusto ko mag­stay ng bahay dahil yung pageant ay hindi naman para sa akin. So 
what's the deal kung manalo si Shalyna? Hindi ba lagi naman? Pero gusto ko rin pumunta. Si Chester kawawa 
naman. And besides.. parang gusto ko rin pumunta para i­prove sa lahat na hindi ako duwag. Ganun kasi iisipin 
nila.. na natatalo ako.

Pumasok na rin si Kuya Christian at magre­ready na daw siya sa pagpasok niya. Ako naman eh nanood ng TV 
sa sala. After 15 boring and uneventful minutes, bumalik si Ash. Hinihingal pa.

"Here.. take it. It'll help. Fast relief daw yan.""Do I have to?""Chris.. wala na akong time! Anong oras na? 11! 
Hindi ka pa ready, hindi rin ako. May allergies ka pa. Anong oras yung simula ng pageant? 6! We're running 
out of time! Pupunta pa ako kina­Shalyna at tatanungin ko siya tungkol dito."

Ewan ko ba, nairita ako doon sa sinabi niya.

"Yeah right.. go to your stinky date and wear your tie the same color as hers.."kumuha ako doon nung isa sa 
allergy na gamot at ininom ko.

"She's still my date. Isa pa.." tapos tumigil siya, "Uulit na naman ba tayo dito?"

Lumunok naman ako.
"And why do I have this feeling na may problema ka at date ko si Shalyna?!?""Ako may problema? Feeling 
ka.." teka.. meron akong problema 'di ba?

Dinaan ko na lang sa ngiti.

"I think so. Tuwing nababanggit kasi yung tungkol doon, either magiging sarcastic ka sa akin.. or you'll bring 
something about Chester."

Cornered naman na ako masyado nito. O sige na nga aminin na..

"OK FINE! MAY PROBLEMA AKO NA SI SHALYNA YUN DATE MO OK?!? NGAYON ALAM MO NA, 
HAPPY?!?" kainis, ang pilit!

"Happy? Half of me, yeah.. half of me.. nope." umupo siya sa tabi ko. "The 'YEAH' part kasi galing sa 'yo... 
wow.. the 'NOPE' part, bakit?!?"

Tinignan ko nga ng masama. Ngayon naman iniinterrogate ako?

"Bakit?! Tinatanong mo ko kung bakit?!?" tumango siya sa akin, "Eh kasi nakakainis ka naman eh! It's like 30 
minutes before, niyaya mo ako sa pageant para maging date mo and after  so­so minutes.. may niyaya ka nang 
iba! Wala lang sa iyo yun 'di ba? I mean, kailangan mo ng reserba para siguradong may date ka?!?" tumayo 
ako.

"It's not like that! As a matter of fact, malaki rin yung problema ko at si Chester ang date mo. I don't think you 
wanna' know why!"

Kung may problema siya na date ko si Chester sa pageant at may problema ako na date niya si Shalyna sa 
pageant... bakit separate ways ang kinalabasan?!?

Nagtinginan kaming dalawa.

"NIYAYA KO LANG NAMAN SI SHALYNA DAHIL PUMAYAG KA NA DATE MO SI CHESTER. ANO 
PANG POINT NA HINTAYIN KO YUNG MAGIGING SAGOT MO KUNG ALAM KO NA RIN NAMAN 
NA? MIGHT AS WELL FIND A NEW ONE RIGHT?!?" 

Sinisigawan niya ako?!?

"PUMAYAG NGA AKO NA DATE KO SI CHESTER DAHIL NIYAYA MO SI SHALYNA! BAKIT KO PA 
HIHINTAYIN NA SABIHIN MO NA MAY DATE KA NA KUNG ALAM KO NA RIN NAMAN NA? 
MIGHT AS WELL SAY YES SA GUY NA NAGHIHINTAY SA AKIN 'DI BA?"

Namumula na rin yung mukha niya nun.
"PERO­­­" natigilan naman siya.

Nagtinginan kami.

"WHAT?" sabay pa kaming nagsalita.

Paano nangyari yun? Sinong nauna?

"Let me clear this, pumayag ka kay Chester dahil niyaya ko si Shalyna. Ako naman eh niyaya ko si Shalyna 
dahil pumayag ka kay Chester. How did that happen?"mahinahon na rin siya.

"I don't know." umupo naman na ako. Hiningal ako doon.

"Ok, ako na mauuna." tumabi na naman siya, "Nung hinila ako ni Shalyna nun, sinabi niya sa akin yung usapan 
niyo ni Chester. Ang sabi mo raw eh pag­iisipan mo pa at bukas mo pa sasabihin. Pero ang binanggit mo daw 
ka Chester, kapag napaaga, that very same day mo siya kakausapin.. that means yes. That time, nakita ko kayo 
sa window. And you know the rest.""YOU FREAK!" tinulak ko nga ng malakas, "Nagpapaniwala ka sa 
babaeng yun! Niyakap ko siya kasi sinasabihan ko siya na good guy siya kasi sinabi ko na I'm going with 
somebody else.. and it turned out nung magye­yes ako sa yo.. date mo na si Shalyna."

Lumabas naman si Kuya Christian at katatapos lang niyang maligo. Nakatingin siya sa aming dalawa.

"Kayo ngang dalawa, hanggang sa banyo nariring ko kayong magsigawan. Kung mag­aaminan lang din kayo, 
bilis­bilisan niyo na para hindi gumugulo! As for you Chris.. you better go in that pageant or I'll kick your 
butt.." pagkatapos niyang sinabi yun, umakyat na siya sa hagdan.

Nanahimik na naman kami uli. As usual. Then, siya uli ang unang nagsalita.

"I guessed it's my bad again."

Sinabi pa niya.

"Ok then.. I'll call Chester.. ako nang bahala sa kanya. Sabit na rin si Shalyna. Si Nathalie, pupunta yun dito. 
Gusto niya siya ang mag­aayos sa iyo." tumayo na siya at papalabas siya ng pintuan, "As for you Miss Orellana, 
you better get well.""I'll pick you up at 6.." then, lumabas na siya.

***36***

Sinabihan ko naman na si Kuya Christian na huwag na huwag siyang aalis ng bahay hanggat wala pa si 
Nathalie. Napagisip­isip ko na rin naman ng maligo at kung nasa banyo ako eh hindi ko mabubuksan yung 
pinto para sa kanya.
Parang totoo nga yung gamot na binigay sa akin ni Ash. Although namumula pa rin, hindi na makati yung 
pakiramdam ko. Mas nakabuti nga.

Nung nag­bathrobe na ako at lumabas ako ng banyo namin, nakita na rin ako ni Nathalie at nag­sign ako sa 
kanya na magbibihis muna ako. Ngumiti lang siya sa akin. Si Kuya Christian eh hindi naman ako nakita dahil 
busy naman siyang inentertain si Nathalie. Lumabas naman na ako nung matapos ako at nasa likod ako ni 
Kuya.

"*Ahem*" kunwari lang naman yun at humarap si Kuya Christian sa akin, "Nathalie, this is my older brother 
Christian.."

Ngumiti naman si Nathalie kay Kuya.

"At KUYA, this is Nathalie.. Lawrence Valdez's girlfriend."

Nagulat naman si Kuya. Ayan kasi eh may mga moves hindi naman alam kung taken na yung nasa harapan 
niya.

Nagsabi lang si Kuya na Nice to mee you chuvaness at may minention siya na girl named Angelie.

Hindi ko alam kung ano yung sinabi niya. Did I miss something? Parang ako yata yung napahiya dito.

"Angelie's my younger sister. Schoolmate ng Kuya mo. I think they're going out." sabi ko nga eh si Angelie ang 
pinopormahan ni Kuya hindi si Nathalie.

"So.." sabi ko naman, "Hindi ko alam kung maganda idea ba ito or what.. hindi talaga ako pageant­type na 
girl."

Tinignan naman niya ako. Tumayo naman siya at umikot naman sa likuran ko. Tapos humarap sa akin.

"Sa style ng clothes, yeah I think not. But by body, by face, and personality.. you're a pageant queen."

Sa lahat ng older girls na nakilala ko, si Nathalie ang pinakamabait sa akin. Eversince na nakilala niya ako, 
talagang winelcome niya ako. She's like an older sister.

Paano namin sinimulan? Sa buhok. Mas maganda daw na wala munang nakaharang sa mukha bago ang make­
up. Ewan ko ba kung anong ginawa niya, may mga clips pa siya ng buhok na may bulaklak. Kinilabutan ako. 
Sa buong buhay ko hindi ko man lang nasubukang mag­ayos ng buhok.. tapos ngayon may bulaklak pa? At ang 
kulay.. PINK?!?

"Pinili ni Ash yan eh. Sabi niya kasi you love pink.." napataas naman yung kilay ko.

I love pink pala ah! Ash loves orange too!
Kinumusta ni Nathalie yung allergies ko. Nung pinakita ko, wala na akong pantal. Pula­pula na lang. Grabe 
ang bilis pala talaga nun. Sabi niya mamaya lang daw, wala na talaga yun. Kaya daw sa sports wear eh hindi ko 
kailangang mamroblema. To think na shorts yun.

Dalawa nga yung gown. Isa sa entrance, isa sa evening gown judging. Yung entrance ko at unang­unang isusuot 
eh kulay..

"Pink. It's pink again.." nahalata ni Nathalie na yung mukha ko eh paran nangangayaw na.

"Yeah, bagay nga sa iyo eh."

I don't like this at all!

Nilabas naman niya yung susuotin kong sandals. White yata yung kulay eh! Hindi ako makayuko nun kasi 
feeling ko babagsak yung buhok ko sa sobrang bigat. Hindi naman makikita yun sa gown dahil mahaba.

"Sasama ako sa pageant. Para tutulungan kita magbihis, retouch.. bagong ayos ng buhok.. akong 
bahala!" talagang masaya siya niyan, "Sayang nga hindi makakapunta si Lawrence. Masakit yung ulo eh."

Masyado na yatang madalas sumakit ulo ni Lawrence.

"Kumusta na nga pala siya? Nung huli akong nagpunta sa kanila, masakit din yung ulo niya. Ok lang ba 
siya?" umupo ako at inayos uli ni Nathalie yung kung anong nilalagay niya sa mata ko.

"Yeah, he's alright. Tingin ko nga dahil lang yun sa nangyari sa kanya before..""Before?" bakit? ano bang 
nangyari sa kanya maliban siya yung guy noon?

"Hindi ba naikwento ni Ash? May blood clot siya sa brain. Something happened to him nung bata pa siya. 
Nagka­head injury kasi siya kaya kapag tatnungin mo siya kung paano niya nakuha yun, he can't remember it. 
Sabi nga ni Tita noon daw nung tinatanong daw nila siya, ang naalala niyang date eh about one month 
ago." ooh.. kaya pala ganun na lang kung sumakit yung ulo ni Lawrence.

I remember that. He's bleeding, right. Sa ulo. Kung may ginawa lang siguro ako nun, siguro maalala niya pa 
yun. How stupid can you get?!?

Pakiramdam ko eh mukha na akong ewan nung matapos si Nathalie. Kinuha na niya yung gown at tinulungan 
niya akong isuot yun. May pabango din doon at parang shower na ini­spray niya sa akin. Nag­cough pa nga ako 
nun eh dahil hindi ako makahinga.

Nagsisimula naman nang dumilim. Narinig namin na may kumatok na sa baba. Kinabahan ako nun. 6 o' clock 
sharp? si Ash siguro yun.

Napansin ni Nathalie na kabado ako.
"Don't worry. You look awesome." tapos tumakbo siya sa hagdan kaya lang huminto siya, "Huwag ka munang 
bababa ha. Tatawagin kita. Kailangan may entrance tayo."nyek, may entrance pa?

Tumakbo naman na siya pababa at narinig kong binuksan niya yung pinto namin. Narinig ko na yung boses ni 
Ash. Napapikit na lang ako.

Hininaan ko yung boses ko.

"Nathalie! Huwag na mag­entrance!" kaya lang ayun, hindi niya ako narinig.

"Ladies and gentlemen, este Gentleman lang pala... the new and improved Chrisandra Chris Orellana."

Nung sinabi niya yun, lalo tuloy akong hindi makababa. Instead, tumayo lang talaga ako sa taas. Nakakahiya.

Nainip yata sila sa kakahintay sa akin. Narinig kong nag­step forward si Ash.

"Hey Chris.. bumaba ka na nga dito! Matigas na naman ulo mo!" sumigaw siya doon sa baba ng hagdan.

"Ayoko, mukha akong ewan!"

Then sumigaw naman siya ulit.

"Get your beautiful butt down here!"

Parang napahinto ako doon sa sinabi niya. Kakaiba kasi yung impact nung phrase. Nung unang beses na 
nagpunta kami sa mall at ayaw kong lumabas.. sumigaw din siya. I can't remember what is it.. but it's 
something like.. 'Get your cute butt outta' here!'

Huminga ako ng malalim at sinimulan ko nang bumaba.

Ok, parang fairytale naman ito. Yung tipong Cinderella effect at may slow motion habang bumababa. Yuck, 
ang corny.

Habang bumababa ako eh nakatingin lang si Ash doon sa hagdan. Asus Cinderella daw?!? Parang ngayon na 
naman yata nagbabago yung isip ko.

Namangha yata siya eh. Naks, ang ganda ko yata.

"Wow.."

Tuluy­tuloy pa rin ako doon sa pagbaba. Ok na sana yung entrance kaya lang naapakan ko yung gown at 
muntik­muntik na akong mahulog sa hagdan.

Ano ba yan, sira poise ito!
"Oh my God!"

Nahawakan naman ako ni Ash sa braso ko kaya ok naman na.

"Are you alright?!?"

Tumango lang ako.

"I think so. Kasi naman eh, may Cinderella effect pa kayong nalalaman eh alam naman nating hindi ako si 
Cinderella... ako yung pumpkin na sinasakyan niya ok?!?"nakatayo na ako ng maayos nun.

"Well if that's the case, you are the most beautiful pumpkin I have ever laid my eyes on."

Imbis na matuwa ako, lalo akong sumimangot at tinaas ko pa yung kilay ko.

"Was that supposed to be a compliment? 'Coz if it is.. it doesn't sound right."

Tumawa sila ng tumawa ni Nathalie. Naki­join na lang din ako.

"Ok, here it goes. We're going at the ball!""Gumagawa ka ba ng story?""Nah.. history." what?!?

"Ano?""History. Before the end of the night, you'll know why." ginugulo niya yung utak ko."As for now, I'll 
escort my date to the BALL.. or pageant.."

Siya na yung date ko? Akala ko ba...

"Ako nang bahala sa mga damit mo. Ibababa ko na."

Ni­ready ni Nathalie yung mga damit ko at nilagay niya doon sa kotse na nasa labas. Hindi ko nga alam na 
meron pala eh.

Nung nakaupo ako doon sa sofa namin, nakatitig lang si Ash nun.

"Don't stare at me like that! Nakakailang!" bwisit! Kung makatitig akala mo ngayon lang ako nakita.

Nagseryoso naman siya.

"Chris, nasa iyo pa rin ba yung contract?!?" tinanong naman niya ako.

Pinaalala niya uli. Ngayon na pala mage­end yung deal namin.

"Yeah.. I think so. Nasa drawer ko. Bakit?""I hope I can tell you why. Paper is important in making history. 
May papel tayo.. yung contract. I told you gagawa ako ng history. Does that make sense?""No." Nagulo lang 
yung utak ko.

Ngumiti lang siya sa akin.

"Ako rin eh naguluhan. But remember.." huminga siya ng malalim, "Before the end of the night.."

Bumaba naman na si Nathalie.

"Ok, I'm ready!"

Tumingin lang si Ash tapos tinuloy niya yung sinabi niya as if hindi siya na­interrupt.

"We all have our eyes to stare, to look.. those stuff. You are looking, probably staring at it in front of 
you..""Why are you telling me this again?!?"

Hindi niya sinagot yung tanong ko. Nalilito na ako sa kanya. Tapos sinabi niya...

"At the end of the night you'll realized, you haven't really open your eyes to see.."ngumiti  
siya, "History." what?!?

***37***
Pagkatapos sinabi ni Ash yun at wala naman akong naintindihan, umalis na kami doon sa bahay kasama si 
Nathalie para dumeretso na sa school. Nasa kotse pa lang ako eh kinakabahan na ako.

Nakaupo si Nathalie sa harapan at kami ni Ash sa likod. Siya kasi ang pumili nun. Mas gusto daw niya sa 
harapan. Ang lakas na ng tibok ng puso ko nun at pakiramdam ko eh hindi ko na makukuha pang ngumiti.

"Hey.. ano ka ba.. everything will be just fine." asus, nasasabi niya lang yan dahil tapos na siya dito. Pageant 
King na siya at ipapasa na lang niya yung crown niya.

Dahil nga walking distance lang yung bahay namin sa school, asahan mong 5 minutes lang yata eh nasa tapat 
na kami ng school. Bumaba na si Ash nun para siya ang magbubukas ng pinto at aalalayan niya ako. Kaya lang 
nagmatigas­ulo na naman ako kaya nagkaroon pa ng madugong paghihilahan mapalabas lang ako ng kotse. 
'Madugo' means... matagal.

Ang daming tao doon sa gate pa lang. Syempre maraming nagtinginan nung dumating kami kasi kasali kami sa 
pageant. Karamihan naman ng nandun eh yung mga nanonood. May kumuha pa nga ng picture namin at hindi 
ko alam kung sino yun.

'Ash! Ash! Anong pangalan ng date mo?'
Eh kungh upakan ko kaya siya! Teka, ako ba yun?

"Chris. Chrisandra Orellana."

Sumimangot na lang ako. Ayoko kasing makipag­plastikan eh.

"Hey.. ano ka ba! Huwag ka ngang sisimangot. Everytime na sisimangot ka, nawawalan ka ng 2 boto.""Oh yeah 
right! Ikaw ba naman tanungin sino yung date mo?!? Sabi sa iyo eh mukha akong ewan." binilisan ko yung 
lakad ko.

"Nah. Hindi ka nila nakilala kaya ganun. I mean.. your hair looks different. And other than that..." tumingin 
siya sa akin, "Ilang beses ka na ba nila nakitang nagsuot ng gown?""This will be the first time.""Kaya ang ibig 
sabihin eh­­?""Hindi na dapat ako magsuot ng gown." tumango pa ako nun.

"No. Wrong. It means, unang beses ka nilang nakita sa gown at hindi ka nila nakilala kasi ineexpect nila yung 
isang Chris."

Nakasunod lang si Nathalie sa amin nun. Naglalakad na kami papuntang loob at doon sa may stage malapit 
doon sa paggaganapan, may dressing room kaming mga kasali sa pageant. Hindi pa kami nakakalapit eh 
parang may bomba na bigla na lang sumabog sa harapan ko.

And the winner is..

"Anong problema mo Ash Jerell Valdez? You asked me to be your date at the pageant and I'm kind enough to 
accept it. Now it turned out na si Chester ang dumating sa bahay namin. Ano ito?!?" sabi ko nga eh.. naka­red 
gown siya at nagma­match na sa namumulang mukha niya.

"You've done enough trouble Shalyna. Kung hindi dahil sa devious scheme mo, baka hindi ko na magiging date 
yung gusto ko naman talagang maging date. And please, can we talk about this later 'coz we have a pagent to 
win." tumingin si Shalyna sa akin.

"You know I like you alot Ash! Sinasadya mo na ba?" oh gosh, she spilled her beans.

"Oh you do?" mapang­asar din itong si Ash eh. "Ok. You wanna' know my answer to that? May right time para 
doon. As for now.. enjoy the night."

Nagsimula nang maglakad si Ash nun at syempre dahil hawak niya yung kamay ko, napalakad na rin ako. 
Tumingin ako sa gown ni Shalyna. Sa gilid kasi eh may ekis­ekis pang nalalaman at parang magkakaroon ka ng 
idea na she's not wearing any underwear. But maybe, ganun lang talaga yung design ng gown. Ngumiti na lang 
ako sa kanya.

"Nice gown!"
Tumingin si Shalyna sa gown niya at narinig kong.. "Arrrggghhh!" tapos umalis ng nagdadabog.

Napansin ko rin yung itsura nung stage nun. May dalawang upuan doon sa harapan para sa king and queen ng 
pageant last year. Doon siguro uupo si Ash at yung queen na nanalo last year. Teka, sino nga ba? Hindi ko yata 
siya kilala.

Naupo kami doon sa isang upuan kaya lang hindi pa nagtatagal eh tinawag na rin kami para sa entrance daw at 
pagpapakilala. Kaya lang na­alarma ako. Teka, pageant 'to 'di ba? Which means...

"Ash.. ash.." hinila ko siya, "We hafta' walk like.. you know.. models?""Not really.. but yeah."

Ok.. lalakad ako doon? Ni­hindi nga ako makalakad ng diretso sa bahay dito pa kaya? Model? Tingin ba nila 
model ang dating ko? Hello? Si Tony Hawk ang idol ko!

Nanigas na lang yata ako doon sa kinatatayuan ko.

"Don't tell me YOU DON'T KNOW HOW TO WALK?" model­like or normal­like?

"What do you mean?""What I'm trying to tell you is... just.. walk. Hindi naman kailangang classy eh. Just, be 
yourself. Have fun.""Thanks." yumakap ako pero hindi naman mahigpit, "Kahit papaano nakakatulong."

Nagsimula na uli siyang maglakad nun. Kaya lang hinila ko na naman siya. Ang kulit ko no?

"Isa pa pala. Gusto ko lang itanong.." huminto naman siya, "It's the pageant night. You mean, itutuloy mo 
yung plano mo kay Shalyna? Are you going to dump her?""Sure. Para naman malaman niya 'di ba?"

Ewan ko ba. Siguro nga tama lang kay Shalyna yun. But right now, it doesn't feel so right.

Naglakad na kami doon sa gitna. Hinihintay na lang naming tawagin yung name namin. Nung nakita na kami 
nung naga­announce.

'And now, our pageant King, Ash Jerell Valdez' sigawan dito at sigawan doon, 'And Pageant finalist Chrisandra  
Orellana!'

Nung binanggit yung name ko, tumahimik tapos nagkaroon ng bulungan. Then nahuya na ako nun.. 'di ko 
inaasahan, nagpalakpakan. May sumigaw pa nga na galing kung saan ng.. 'I Love you Chris!'

Kung sino man siya, ang corny niya.

Tinawag naman na yung ibang mga kasali. Syempre, 10 lang naman kami. 5 girls, 5 guys. Plus 2 para sa king 
and Queen.

Nung tinawag yung name ni Shalyna eh nasa bandang gitna pa kami ni Ash nun. Bigla ba naman akong 
inapakan kaya masakit pero hindi naman napansin yun ng audience dahil ang hahaba ng gown namin.
"Hi, I'm Shalyna Salinas" tapos tumingin siya sa akin, "And I will be your pageant Queen for tonight."

Narinig ko namang bumulong si Ash.

"Yeah right."

Hindi ko alam sino yung titignan ko. Yung babae ba na sa tingin niya siya yung magiging pageant queen o 
yung lalaking iniisip magiging pagean queen ako?

'And now, let's start this special night. You will get the chance to see our finalists in their Sports Wear, Casual  
Wear, and Evening Gowns/Attire. Our TP and QA will be the last in the row.'

Palakpakan na naman yung mga tao at inisa­isa kami sa pagbaba. Sa lahat ng sinabi, hindi ko man lang 
naintindihan kung codename ba yung TP or QA. Oh well..

Humiwalay na si Ash nun. Siya rin kasi eh magbibihis. Siya ang unang papasok sa stage kasama yung Queen 
then.. kami nang mga finalist. After that, iju­judge ng.. JUDGES. May audience impact din daw.

Tumakbo na ako doon sa dressing room na classroom din naman. May nakalagay sa taas na name ko. Chris 
Orellana. Doon naman ako pumasok at nanduon na si Nathalie sa loob. Nagmamadali naman siyang inalis 
yung gown ko at pinasuot sa akin yung pinakayaw ko sa lahat. Napaka­sexy kasi masyado eh hindi naman ako 
sexy. Labas na nga yung tiyan ko, ok naman yung pambaba kasi parang lose pants ang dating may props pa ako 
na..

"Skateboard?" teka, yung suot ko ganito tapos yung imomodel ko eh skateboard?

"It's a style. Sasandal ka lang sa skateboard mo.. konting pose ok na!" ngumiti siya sa akin, "You can pull it off. 
Casual wear? Sisiw. Evening gown? Golden. TP and QA? I think you can do it." tapos sinuot niya sa akin yung 
puting sumbrero.

Dahil nga mabilisan lang yun, oo na lang din ako ng Oo.

Narinig kong nagpapalakpakan naman yung tao sa labas. Malay ko kung anong nangyayari. Buti na lang last pa 
ako. Nagulo pa nga yung buhok ko eh nung sinuot ko. Ok lang daw yun dahil ang ginawa ni Nathalie eh 
tinaggal yung clip ng buhok ko at sinuklayan.. at isang ponytail lang ang nilagay niya. Sabi ko nga eh yun pala 
yung puspose kung bakit marami siyang dala nun.

Alam kong number 4 si Shalyna. Binaliktad kasi nila. Yung pinakamaraming votes ang nasa last, second a 
pinakamarami ang number 4. So on and so forth. Si Chester, no wonder siya rin ang number 5.

Nakita ko naman si Shalyna. Naka sleeveless ang bruha na tight fitting at naka shorts ng black. At nung sinabi 
kong shorts... it's really SHORT.
Tinawag na yung pangalan niya at umakyat na siya ng stage. Ang daming nagpalakpakan sa kanya at sigawan. 
Lalo tuloy nanlamig yung kamay ko. Ano naman kayang mangyayari kung ako na?

"You'll do better than her.." tumingin ako sa gilid ko.

"Chester!" yumakap naman ako sa kanya.

"Gusto mo.. kakausapin ko yung speaker. Sabay tayo. Para entrance 'di ba?"

Dahil ayoko ngang mag­isa ako, umoo na lang ulit ako.

Kinausap niya yung speaker. Syempre.. ano pa nga ba?

'And our top finalists by student votes on their Sports Wear!'

Palakpakan na naman. Grabe, hindi naman nakakasilaw masyado yung spotlight eh no?

Nag­pose naman si Chester doon sa kabila, at humawak lang ako sa braso niya. This isn't so bad at all!

HUmawak na lang ako sa bewang ko. Bahala na si Batman!

Pagkatapos ng ilang ikot, ngiti doon at nahilo pa ako.. bumaba na rin naman kami. Kaya lang nanduon si 
Shalyna sa baba.

"Nice play! You won't win Chris."

Hindi ko na lang siya sinagot. Grabe naman ka­competitive itong babaeng ito!

Humiwalay na uli si Chester at siya rin eh magbibihis pa para sa casual wear. Nakakainis naman masyado! 
Wala bang intermission man lang para hindi naman kami nagmamadali ng ganito?

Katulad kanina, ang bilis ding kumilos ni Nathalie. Bihis­dito at doon ang ginanap. This time ang ginawa niya 
sa buhok ko eh nakapusod. Pero yung pusod na walang design para daw simple lang. Konting powder na 
talagang para nang disyerto.. at syempre.. off we go na.

Sabay­sabay pala ang babae sa casual wear. Parang showdown daw na sama­sama kami. Kanya­kanyang style. 
Teka, may style ba ako? Skirt lang naman at blouse ang suot ko.

Nakita ko si Shalyna. And this time, halos parehas kami ng outfit. Oh My God. Magkaiba lang ng design pero 
sa first impression, parang iisa.

Nakita ko naman si Ash sa taas. Naka­pants naman siya at shirt. And with matching cap pa yan. Cool!

"You know what Chris!? Are you copying me?""Why would I? May kakopya­kopya ba sa iyo?"
'The Pageant Finalists on their casual wear. Claudine Murphy, Gladys Anne Perez, Patricia Lopez, Shalyna  
Salinas and Chrisandra Orellana!'

Pumasok kami na parang nakapila. Posing naman ng posing yung apat. Yung isa eh nagtanggal pa ng sumbrero 
at ginilid pa. Yung isa feeling J.Lo. Parehas kami ng outfit ni Shalyna at magkatabi pa kami. This is weird.

Gumawa naman ng eksena yung bruha. Nagsuot ng shades at umikot.

Ako tatayo lang ba dito?

Nah.. I don't think so. Pero anong gagawin ko?

Napatingin ako doon sa hagdan. kaya mo yan Chris!

Lumakad ako papunta doon sa hagdan at umupo ako. Syempre, cross legs pa yan. Syempre ako lang yung 
nakaupo, nabaling yung atensiyon sa akin. Tapos ang ginawa ko, tinaggal ko yung nakatali sa buhok ko at ang 
effect eh, style na tinaggal ko yun.

Pagtingin ko sa audience, nagthumbs up sa akin si Kian. Si Kian nakita ko!

Pagkatapos ng stupid showdown na yun, nagkaroon ng intermission galing sa mga sophomore. Sa wakas. It's 
about time na rin. Teka, evening gown pala yung next kaya pala meron nun. Kailangan ng extra time. Which 
means.. parang ang bilis yatang matapos ng program?!?

Naglalakad pa lang ako doon sa corridor eh nandiyan na naman si Shalyna.

"I can totally beat you off sa Evening gown and TP and QA. Yun naman ang pinakahighlight ng program. 
Good luck Chris."

Napataas na lang yung kilay ko. Bigla na lang may humawak sa balikat ko.

"Wow.. you're good!" kaya lang may humila sa kanya kaya hindi rin niya ako nakausap.

Pumasok na ako uli doon sa dressing room. Kinuha na ni Nathalie yung evening gown ko na kulay Blue. ANd 
this time, balak daw niyang ilugay yung buhok ko.

"Nathalie... pwedeng magtanong?""Sure. Ano yun?""Kapag merong isang bagay na gagawin yung isang 
kaibigan mo at naipangako mo nang susuportahan mo siya kahit na mali... anong gagawin mo kung... kung.. 
hindi tama yung pakiramdam mo? Feeling mo­­"

May narinig naman akong umiiyak. What? may umiiyak? Galing sa kabilang room.

Lumabas naman ako at tinignan ko sa bintana. Nakita ko si Shalyna sa loob at umiiyak nga siya. Dahan­dahan 
naman niyang pinupunasan yung luha niya. Pero napansin ko..

Gosh she's alone? Siya lang ang nagmamake­up sa sarili niya at nagbihihis mag­isa? That is so wrong! I felt 
sorry for her.

"Nathalie.."

Umiling lang si Nathalie sa akin.

"Kung may mga bagay na nangyayari sa kanya ngayon, that's what you called.. 'karma'."

Siguro nga pero... kawawa naman siya. Wala man lang tumulong?

Inabot yata ng 30 mnutes eh pag­aayos pa lang sa evening gown chuvaness na yun. Lumabas na ako at ang 
haba­haba kasi nung gown. Lahat ng lalaki eh nandun na at yung tatlong babae pa na kalaban namin ni Shalyna 
eh nandun na rin.

"You're going down Chris.""Maybe. Isipin mo na kung anong gusto mong isipin. Gusto ko lang naman 
matapos na ito. Manalo matalo... Wala akong pakialam.""I'm a dancer.. and what are you?" nagtaka naman ako 
sa kanya.

Tumawa siya ng malakas at lumapit doon sa mga lalaki. What is she talking about?

Sa evening gown naman eh mauuna yung top sa votes na magpresent ng gown. Which is.. me.

Tinawag naman yung name ko at syempre, binagalan ko lang yung paglalakad. Pumunta ako sa left, pose.. 
konting ikot,... sa right, pose konting ikot.. sa gitna.. pose konting ikot.

Tumalikod naman na ako para sa backstage ako bababa. Kaya lang napaatras ako.. may umakyat sa stage

'And that's Chrisandra Orellana in her ocean­blue evening­­­'
hindi natuloy yung sinabi niya dahil hindi ako nakababa, 'Oh and wait a second, Chrisandra Orellana is being  
escorted by our pageant King!'

Yung mga eksena ko.. it's just.. pure luck.

Bumulong naman si Ash sa akin.

"Hey Chris.. anong talent mo pagkatapos nito?""What? Talent?" meron ba nun?

"Yeah.. talent? TP? talent portion?"

Yun pala ang ibig sabihin ng TP??
"Hindi ako nag­prepare ng kahit ano!"

Bumaba na kami nun at syempre.. kaway na lang din ako kahit kinakabahan na ako. Si Ash eh mukhang 
nagpapanic na rin.

"You mean hindi ka nag­practice?""Hindi ko alam na meron!"

Sunud­sunod naman nang umakyat yung ibang naka­gown. Pinakatumagal lang naman sa akin eh.

"I don't know really. Kakanta? Acapella na lang." hindi na nagfa­function yung utak ko nun.

Umalis na ako doon at si Ash din e iba na yung itsura ng mukha. Mas kinakabahan pa yata siya sa akin eh. 
Kinausap ko si Nathalie na wala akong talent. Syempre, gulat din siya.

Magmumukha akong katawa­tawa sa harap ng maraming tao. May binigay si nathalie sa akin na simpleng 
dress para daw isuot ko.

"Just do what you can. I believe in you."

Parang yung puso ko eh nasa lalamunan ko na sa sobrang lakas ng tibok. Hawak­hawak ko na yung microphone 
at unang­una ako doon na magpe­perform. Kaya pala sabi ni Shalyna dancer siya... she's going to dance!

Sa talent portion.. umakyat na ako. Nakatayo lang ako doon sa gitna at para na akong naging monument at 
hindi ko alam ang gagawin ko.

'Miss Orellana.. we're waiting.'

"Uhmm... ah... I am.. I am.. going to.. going to sing..."

Nagsisimula nang tumawa yung mga tao nun. Grabe, nakakahiya ito. Kung alam ko lang ba na may talent 
portion eh di nag­practice ako.

"I am going to sing.. A­­" nabubulol­bulol pa ko, "AC­­"

Ano ba yan Chris! ­apella! Hindi mo pa madugtong?

"AC­­"

Bigla na lang may nagtapos nung sasabihin ko para sa akin.

"­­coustic. Right, She's going to sing.. acoustic. And.. uhmm.. I'm going to sing with her."

Napatingin ako kay Ash. Ngumiti lang siya at may hawak siyang gitara. Inabot naman niya sa akin. Akala mo 
eh nag­kiss siya sa pingi ko pero may binulong lang siya...
"I've got to do what I have to do." bumaba siya sa stage at kumuha ng upuan... papaupuin lang pala 
ako! "History repeats itself right? Let's just say.. nung nakulong tayo before dahil kay Shalyna. I think you 
should show them your talent. Singing. Let's sing.. 'Tell me'."

Nagsimula na lang akong maggitara nun. Hindi na ko mahihiya. Kaya ko ito. Lalakasan ko lang ang loob ko.

"There are nights when I can't help but cry
And I wonder why you had to leave me
Why did it have to end so soon
When you said that you would never leave me"

Nakatingin lang si Ash sa akin nun, gaya nung ginagawa niya sa akin kanina sa bahay.
 

"Tell me, where did I go wrong
What did I do to make you change your mind completely
When I thought this love would never end
But if this love's not ours to have
I'll let it go with your goodbye"

Umikot naman siya sa likuran ko at bigla na lang akong inakbayan. Smooth!

"There are nights when I can't help but cry
And I wonder why you had to leave me
Why did it have to end so soon
When you said that you would never leave me"

Ok, I just hate the song. Parang papaiyakin lang ako na kung ano. But other than that.. he's.. good. Not good... 
awesome.

Nagduet naman na kami pagkatapos nun. Medyo mabagal lang ang tempo dahil acoustic nga.

Yung mga tao sa audience eh parang walang reaksiyon. Ang tahimik nilang lahat. Ako naman eh nakatingin 
lang sa gitara, kay Ash, sa gitara..

"But if this love's not ours to have""if this love's not ours to have""If this love's not ours to have
I'll let it go with your..""let it go with your..."

Nagtinginan kaming dalawa nun. Parang.. parang may sinasabi kasi yung kanta. At ang masakit pa nun.. 
tagos... tagos dito.

"Goodbye.."
Pagkatapos na pagkatapos kong sinabi yun, tumulo na lang yung luha ko. Napahinto rin si Ash sa akin at 
nagulat siya siguro sa nakita niya. Dahil hindi ko na nakayanan, binaba ko lang yung gitara at tumakbo ako sa 
backstage.

Stupid deal! Bakit ba meron nun! The worst bit of it is...

"Why do I have to break R­13!!!"

***38***

Nung tumakbo ako sa backstage eh doon na ako umiyak pero pinipigilan ko pa rin yung sarili ko dahil nga nasa 
pageant ako. Ayoko namang makita nila akong umiiyak. Nakita ko namang pababa na rin ng stage si Ash kaya 
sinimulan ko nang punasan yung luha ko at binilisan ko yung lakad ko in case na hindi niya ako makita. Pero 
hindi rin nagtagal, hinawakan na niya ako sa braso ko.

"Whoa.. whoa.. whoa.. wait." hindi na ako makalakad nun, "What was that all about?"

Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso nun. Sa sahig lang ako nakatingin.

"I.. uh.. babalik na ako sa dressing room. Ok? Pwede ba?"

Hinawakan naman niya ako sa chin ko at inangat niya yung ulo ko.

"Hey Chris.. look at me. Chris.. look at me." tinignan ko na rin siya, "Anong problema?"

Hindi ko na rin alam kung anong nangyari sa akin at hindi ko na alam yung mga gusto kong sabihin.

"Ewan ko! Hindi ko alam kung anong problema! Ako?!? Hindi ko alam kung bakit  ngayon ko lang nare­
realize na hindi naman dapat ako pumayag sa deal na yun eh!"napaatras siya sa akin, "Ash, siguro nga tama ka 
kay Shalyna. There's more Shalyna than we all expected. Siguro nga hindi naman siya talaga ganun. Alam mo 
kanina? Nakita ko siya nag­iisa! Tapos mamaya anong gagawin natin? Ipapahiya siya? Wasn't that 
enough?!?""What do you mean? Hindi ko na dapat ituloy?""Ayoko na. Hindi ko na kaya." umiling ako sa 
kanya, "But don't worry, tatapusin ko yung pageant gaya ng usapan. But please! Huwag mo nang ituloy 
yung plano mo. Naging kaibigan ko rin naman siya!"

Lumapit naman siya sa akin at ako naman ngayon yung umatras.

"Yun ba lahat?" mahinahon na yung boses niya.

"Meron pa. Keep your distance."
Matapos kong sinabi yun eh pumasok na ako doon sa dressing room ko. Hindi ko na kailangang magpalit dahil 
saglit lang naman eh Question and Answer naman na. Alam kong napapansin na ni Nathalie na hindi na normal 
yung mga kilos ko. Pero pinili naman niyang hindi na magtanong.

Naupo lang ako doon mag­isa. Si Nathalie eh nakikinig sa labas in case na tawagin na kami pare­parehas. 
Tumingin siya sa akin.

"Chris.."

Tumingin naman ako sa kanya.

"Yeah?""Kausap ni Ash si Shalyna. Do you want to go?"

What? Ang gulo na naman!

"Err.. no. I'm fine." yumuko lang ako uli.

Hindi naman nagtagal eh tinawag uli ako ni Nathalie. This time, hindi naman na tungkol kay Ash o kaya kay 
Shalyna.. or Chester. Tinawag niya ako dahil Question and Answer portion na. Gusto ko lang tapusin ito para 
wala na.

Fine.. you can do it Chris. Answer that question. Let's get this over with tapos umuwi ka na. Hinga ng malalim.

Umakyat na ako sa stage nun. For the first time ngayong gabi nung umakyat ako, saka ko lang na­realize kung 
gaano karaming tao yung nasa harap ko at nanood kanina. Pinalakpakan naman nila ako.

'Each contestant will answer two questions. One from the audience, and one from one of the assigned Judges.  
And now, here's the question from one of our students.'

Narinig ok namang parang pinasa yung microphone. Hindi ko alam kung sino yung nagtatanong sa akin.

"Miss Chris, gusto ko lang itanong sa iyo kung ano sa tingin mo ang greatest gift na pwede­­" kaya lang bigla 
siyang huminto at nagkaroon ng feedback sa microphone.

Ang sakit sa tenga kaya napahawak ako. Feeling ko mababasag ang eardrums ko.

"Lets change the question.."

Ash?!?

"We all know that you are not a rule breaker. Or probably some of us do. Everyone thinks that you're tough.. 
you're everything a guy would want in a girl. But sometimes, it's really wrong to believe that you are breaking a 
certain rule when you don't realize that you are afraid on your own boundaries. I guess what I'm trying to ask 
here is, Chris, are you willing to break your own rule? Personal rule? Cross your own line?"
For some moment, hindi ako makapagsalita doon at wala akong masabi. Sinasabi ba niya na takot akong mag­
break ng sarili kong rule? Na ginagawa ko lang na dahilan ang R­13?

"I'm sorry.. but.. NO." it took alot of courage to say that, "I view my personal rules as universal. And I don't 
have any plans to break it.. or even cross the line no matter I wanted to. And I created my own boundaries to 
keep distance... and that distance will keep me away from a new world that I never realize existed."

Narinig kong parang binaba na niya yung microphone kung saan kasi biglang umingay. Nasaan ba siya?

Masyado naman kasing maliwanag yung ilaw.

'Here's my question for you Miss Orellana.' yung judge na yung nagsasalita, 'For you, what is a perfect guy? A  
perfect man?'

Nag­isip lang ako ng kaunti. Hindi katulad kanina, nakasagot naman ako ng mabilis.

"We all know that there is no perfect person. But I think that we can create our own 'perfect guy'. And for me, a 
perfect guy doesn't mean great hair, lots of money, nice clothes.. none of that. A perfect guy is someone who is 
not afraid to admit his mistakes, willing to accept corrections, knows how to show his emotions, and most of all 
is unique. By personality. He doesn't care what the crowd is in but rather.. he believe in himself as HIM. Just 
the GUY and will forever be the guy. And that guy will be somewhere around all of us. By our side." bigla na 
lang akong tumigil. "Thank you very much."

Tahimik lang yung audience nung sumagot ako. Walang reaksiyon. After that, pumalakpak din sila.

Pinagilid naman ako. Nakatayo lang ako doon habang nakikinig ako sa mga tanong at sagot nung mga iba pang 
contestant. Inuna yung mga babae at pagkatapos eh sumagot din yung mga lalaki. Dahil nga medyo bare yung 
likod ko, giniginaw na ako nun sa sobrang lakas ng hangin. Nakita kong umakyat si Ash pero 'di tulad kanina, 
hindi na siya nakangiti ngayon.

Sama­sama kaming 12 sa taas ng stage. Yung 10 contestant, tapos yung dalawa na King and Queen last year. 
Hinihintay na lang namin yung result kung sino ang nanalo. Hindi katulad kanina, hindi na ako kinakabahan. 
The thing is, I don't care about the result. Masyado nang nagiging mahaba yung gabi at ang gusto ko lang eh 
umuwi na ako at matulog at tapusin na lahat. Hindi rin ako makangiti sa hindi ko malamang dahilan. 
Nanginginig­nginig na ako nun sa ginaw. Ni­rub ko yung dalawang kamay ko para mag­init.

'And our 4th runner ups, (blah..blah) and Claudine Murphy!' palakpakan naman yung mga tao nung nag­step 
forward yung dalawa. Nilagyan ng sash.. may trophy.. mga ganun.

Sinubukan kong tignan si Ash. Nakayuko lang din siya. Ano bang nangyari sa kanya? Dahil sa sinabi ko sa 
question period?

'3rd runner ups, (blah blah) and Gladys Anne Perez!' yung usual na cheer ng crowd.
Pwede bang tawagin na ako para tapos na?

Sumasakit na yung ulo ko. Tapos giniginaw pa ako.

'2nd runner ups, (blah.. blah) and Patricia Lopez!'

Nung inannounce yung 2nd runner up, biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Ako na lang at si Shalyna. Kami 
lang ba talaga yung naglalaban dito? Parang ganun yung lumalabas. Sa mga lalaki, si Chester na lang at yung 
isang guy. Si Chester na tiyak yung mananalo.

Pero ngayon? Bakit ako kinakabahan?

'Who will it be?!' nagtanong pa yung announcer sa audience at syempre eh kanya­kanyang sagot naman.

Dahil nga katabi ko si Shalyna, humawak na siya kunwari sa kamay ko.

"I guess it's just the two of us now Chris." nakangiti pa siya nun habang bumubulong­bulong siya.

"Look Shalyna, I don't care about winning at all. It's just.."

Bigla na lang niya akong pinutol.

"What? Ayaw mo i­admit na loser ka kaya ka nagbibigay ng excuse na wala kang pakialam? Well you know 
what? You're still a loser kahit na manalo ka pa dito.. DOUBLE D." sarcastic yung pagkakasabi niya.

'­­­Shalyna Salinas! And our Pageant King and Queen School year 200*­200* is Chrisandra Orellana  
and Chester­­­'

Bigla na lang may humila sa aking babae na at nilalagyan ako ng sash at kung anu­ano yun. Masyado naman 
akong pre­occupied. Ako ba yung nanalo? Ano yung sinabi ni Shalyna?

Nagstep­forward naman si Ash at yung Queen last year para ilipat yung crown nila sa amin. Saka lang nabaling 
yung tingin ko sa kanya kahit na hindi ako yung katapat niya.

Syempre, nagkaroon ng picture taking. Si Shalyna eh nandoon lang sa gilid at nakangiti pero alam kong hindi 
totoo yung ngiti na iyon.

Lumapit naman si Ash sa akin at tinanggal niya yung coat niya at nilagay niya sa balikat ko.

"Naisip ko lang baka kailangan mo, malamig na kasi." hindi rin naman niya ako tinitignan.

"Hey Ash.. I'm sorry ok?""Chris, it's no biggy. It's your decision, and I respect it." pose naman kami para sa 
picture. "Ikaw naman ang nagsabi na sana hindi mo na ginawa yung deal. Now it's over. History right? It's now 
a part of our past."

Nakatingin lang ako sa kanya, parang umurong yung dila ko at hindi ako makapagsalita.

"Naaalala mo pa yung sinabi ko sa iyo kanina? About sa contract? Just.. throw it away. Huwag mo nang 
intindihin yung sinabi ko ok? And isa pa nga pala... kapag naging maliwanag na sa iyo lahat... isipin mo lang 
na hindi ko sinabi sa iyo dahil nag­promise ako. Ok Chris?""Ano bang sinasabi mo?"

Hindi niya ako sinagot. Bigla na lang siyang nag­kiss sa pisngi ko at bumulong ng.. 'Bye Chris.' at tumakbo na 
siya sa backstage.

Hindi man lang niya kinuha yung coat niya sa akin.

"Ash! Ash saan ka pupunta!" sumigaw si Shalyna pero hindi na huminto si Ash. Pero sumunod na lang na 
ginawa niya, "What's the matter with you? Don't you know that he loves you so much? Or you're still thinking 
that he's just doing it because of your stupid deal!"

Nagulat ako sa kanya. Pakiramdam ko namutla na lang yung mukha ko. Alam niya?

"Yeah, alam ko Chris!" humarap siya doon sa audience. "I know about your stupid deal! At alam mo kung bakit 
kita tinawag na Double D? The other D is deal and the other d is.. bakit di mo tanungin si Chester?"

Tumingin ako kay Chester pero parang siya eh nagulat din.

"I tried to tell you nung day na niyaya kita kaya lang...""WHAT?!? MERON PA BA AKONG HINDI ALAM 
NA ALAM NIYO NA? JUST GET TO THE POINT. WHAT IS IT?!?" tinulak ko siya sa balikat niya.

"I.. I told everyone I like you because.. I had this dare with the guys. But I.. I quit. Hindi ko tinuloy. 'Coz, I'm 
doing it not because of the dare.. but because...""You fiend!"

Umiyak na ako nun. Dare? Deal? Yeah.. I know. I'm pathetic.

"I just want to make it up to you. Ako rin yung naglagay nung relo ni Shalyna sa bag mo.""What?!?" nagsabay 
pa kami ni Shalyna.

"Naisip ko lang na kapag napagbintangan ka, sasaluhin ni Ash yun. At kapag inisip mo na siya yung nagnakaw 
nun, naisip ko na baka hindi mo na siya magustuhan."

Nakatingin lang ako sa kanya nun tapos humarap ako sa audience.

"Sa lahat ng teachers, sa students.. sorry sa inyong lahat." tinanggal ko yung crown ko pati yung sash ko, "I 
don't deserve this. Hindi ako dapat ang manalo dito sa pageant na ito eh. All this time I'm just... pretending. 
And I know someone who deserves to have this crown.." 
Tumingin ako sa likuran ko.

"You can have it Shalyna. Huwag mong isipin na pinapasa ko dahil naaawa ako sa iyo. Ikaw ang dapat manalo 
dahil ginawa mo lahat ng walang tulong. And other than that... you're my friend."

Nagulat din siya sa akin.

"Hey Chris para saan ito? Teka lang makinig ka muna! May sasabihin pa pala ako sa iyo.."

Kung ano man yung sasabihin ni Shalyna eh hindi ko na narinig dahil tumakbo na rin ako sa backstage. Umuwi 
na kaya si Ash?

Tinignan ko yung dressing room, nakatayo lang si Nathalie doon.

"Uhmm.. he ran away."

Tumakbo naman ako ng mabilis nun. Nasaan na ba si Ash? Sa bahay nila? 

Tumakbo lang ako ng tumakbo nun. Suot ko pa rin yung coat niya. Saglit lang din eh nasa tapat na ako ng 
bahay nila Ash. Kaya lang hindi ko rin namang kinayang mag­doorbell man lang o yung intercom sa gate nila. 
Ni­hindi ko nga alam kung anong sasabihin ko sa kanya.

Dahil hindi ko rin naman kinaya, naglakad na lang ako mag­isa pabalik ng bahay namin. Binuksan din naman 
kaagad ng tatay ko yung pintuan.

"What.. happened?""I won. Pero ginive­up ko yung crown." nakayuko ako nun, "Tay, pwede ba bukas na lang 
tayo mag­usap? Pagod lang ako."

Tumango lang siya sa akin at ako naman eh ang bagal­bagal kong umakyat doon sa hagdan. Nakarating din 
naman ako kaagad sa kwarto ko at dumapa ako sa kama ko at nag­iiiyak ako. Ang gulo­gulo ko naman pala! 
HIndi ko na maintindihan yung sarili ko. Hindi ko alam kung anong gusto ko. Ano nga ba?

Tinanggal ko yung coat ni Ash. Ilang minuto ko lang din naman tinignan at saka ko na lang binato. Kaya lang 
kakaiyak ko, may narinig ako metal na tumama sa dingding.

Lumapit ako doon sa coat ni Ash. Nung inangat ko..

Yung connecting chain niya? Bakit.. nandito?

Wait.. this is not a connecting chain at all. It's my... my... locket.

Nanginginig na yung kamay ko nun. All this time nasa kanya pala ito. All this time, hindi man lang niya 
binigay sa akin? Bigla ko na lang naalala yung sinabi ni Ash kanina.
'­­kapag naging maliwanag na sa iyo lahat... isipin mo lang na hindi ko sinabi sa iyo dahil nag­promise ako.  
Ok Chris?'

Ito ba yun? Promise? Kanino?

Hindi ko alam kung gusto ko pa bang malaman kung sino yung nasa loob. Pero kahit papaano, binuksan ko pa 
rin.

Nandun pa rin yung baby picture ko. Nung tinignan ko yung nasa kanan na picture, nabitawan ko na lang yung 
locket at hindi ako makahinga.

"Si Mrs. Salinas? This can't be right."

Naupo ako doon sa kama ko at umiyak na lang ako ng umiyak. Shalyna's my sister? I.. I can't believe it.

Kinuha ko yung locket at dahil nga ayaw ko na siyang makita pa, binuksan ko yung drawer ko gaya nung 
ginawa ko sa contract namin at nilagay ko lang doon. Parang ang dami­dami nang mga bagay na nasa utak ko. 
Pero hindi rin naging maliwanag lahat. Lalong gumulo. Habang may natutuklasan ako, parang mas lalong 
dumarami yung tanong kaysa sa mga bagay na nasasagot.

Nakita ko yung Rules ng deal namin ni Ash. 12 Rules. R­1 hanggang R­12. Stupid rules.

Hinawakan ko naman yung papel. Ewan ko ba, sabi ni Ash itapon ko na ito. I guess he's right. Tapos na yung 
deal, wala na akong pakialam dito.

Ini­scan ko yung buong papel. Nandun pa yung pirma ko sa baba.  Then, may arrow pa nga kaya inikot ko pa at 
binaliktad ko yung contract. May nakasulat sa likod?

Sa lahat ng nangyari ngayong gabi, isa lang yung naging maliwanag sa akin sa lahat ng sinabi ni Ash.

'At the end of the night you'll realized, you haven't really open your eyes to see.'

Habang naalala ko yung sinabi niya kanina, umiyak na talaga ako ng umiyak at nabasa na yung papel na hawak 
ko.

It does make sense now. He's really right. It's right  here. I'm looking at it, probably staring.. but I haven't really 
open my eyes to see it. Tapos all this time takot ako mag­break ng rules? Tapos anong sinagot ko sa kanya 
kanina? Hindi ako ready mag­cross ng line.

I can't believe myself. Now I know what he mean na hindi kami dapat magkaroon ng R­13 nung sinasabi ko sa 
kanya na dapat meron. 'Coz R­13 does exist. All this time. Hindi ko lang hinayaan yung sarili ko na tignan 
itong deal na ito. It does exist pero hindi kaparehas doon sa pinaniniwalaan kong R­13. And it does make sense 
nung sinabi niyang, 'Our deals on paper!' Kasi nandito siya talaga.
Right now... it's right in front of me Ash. And I let you down. 'Coz behind these paper is one rule na hindi ko 
nakita dati pa...

Continuation:
R­13 ­ If something unexpected happened to both of us, we should accept it. 'Coz we all know..

To fall in love is not a crime...

*********************************************

Note: This is not a part of the story. This is just the Author explanation in­case readers are confused. This was  
originally posted in teentalk.

~~

Unang­una.. what's DOUBLE D according to Shalyna? Double D stands for DEAL and DARE. It's an 
insult. Deal, dahil sa deal ni Ash and Chris. Dare dahil sa sinabi nga niChester na sinabi lang niya na gusto niya 
si Chris dahil nga sa dare. In short, it's an insult galing kay Shalyna dahil lumalabas na wala naman talagang 
nagkagusto kay Chris. But in the end... notice her line was kinda' twisted?

Second, about the locket part. Oh my God. Remember nung nagkwento si Chris kay Ash na may natagpuan 
siyang guy na duguan? That very same day eh nawala rin yung locket niya. That guy happened to be Lawrence! 
Sa totoo lang, sa mga chaps dito nag­iiwan naman ako ng hint behind their pasts kaya lang ang kadalasan niyo 
lang na napapansin eh yung obvious ones. Example, yung connecting chain na lagng nasa back pocket ni Ash? 
Chris thought it was just an ordinary guy connecting chain. Pang­porma na bawal sa school. But it so happened 
na yung connecting chain eh.. Chris's locket. Nilagay ni Ash yun sa coat niya para makuha ni Chris ng hindi na 
niya kinakailangan pang mag­explain. Then, he ran away. Ok? Paano napunta kay Ash yung locket? Kanino 
siya nag­promise at hindi niya sinabi kay Chris? Bakit galit si Shalyna kay Chris? What about the camp 
thingy? Well.. masasagot ko lang yan sa mga susunod pang chap.

Third, about the revelation of R­13. Sinabi ni Ash dati na hindi sila pwedeng magkaroon ng R­13 nung nag­
propose si Chris na dapat meron. I left that line open in case na may nakapansin.. sabi niya.. 'Hindi pwede..' 
something.. nung nasa cafeteria sila. Hindi dapat dahil MERON NA. Hindi niya sinabi kay Chris dahil alam 
naman niya na boyish si Chris, hindi papayag sa ganung rule yun! Another hint na iniwan ko noon eh yung 
nag­away si Shalyna at Chris at ang umawat kay Shalyna eh si Ash. Inaway ni Chris si Ash about that stinky R­
13 kaya lang ang sagot ni Ash, 'Our deal's on paper!'which is true dahil nanduon yung rule­13 na ginawa niya. 
And all this time ang iniisip niyo eh hindi nag­eexist yung R­13... most of you are stuck up on that idea.. 
hehehehe.. well, it's kinda' true. Chris's version of R­13 DOES NOT EXIST... and Ash's version EXISTS.
Fourth, si Chester ang naglagay nung watch ni Shalyna. All true! Remember narinig ni Chris na walang 
alam si Shalyna doon.. it's Chester. Well.. si Ash ang sumalo thinking na iisipin ni Chris na siya nga talaga ang 
may gawa. But instead na magalit siya, lalo pa siyang nag­trust kay Ash. The day rin na kakausapin ni Chris si 
Chester na si Ash na magiging date niya, yun dapat yung sasabihin niya. Then pumayag si Chester na sila yung 
maging date, so Chris can use him.  Chester said, 'You can use me, I'm willing to do it.' Why? Kasi may guilt 
feelings pa siya. And anything na pwede niyang magawa kay Chris will ease that guilt feeling.

Fifth, si Mrs. Salinas na mom ni Chris at si Shalyna as her sis. Just like my answer to number 2, sa next 
chappy na lang!

***39***

Binitawan ko na lang yung contract. May R­13? Bakit ko nga ba hindi binasa ito noon? Kaya pala ganun na 
lang kung magsalita si Ash kapag tungkol dito. 'I didn't break R­13.' Nasaktan pa ako nun sa sinabi niya. Pero 
all this time, ibang R­13 naman pala yung tinutukoy niya.

Tapos ito pang locket. Paanong napunta sa kanya? Kapatid ko si Shalyna? Hindi pwede. Malabo 'di ba?

Umiyak na lang ako ng umiyak nun. Pumasok na lang ako sa banyo at doon ko nilinis yung sarili ko. Magang­
maga na yung mata ko. Monday ngayon. Walang pasok bukas dahil puyat ang mga tao dahil sa pageant. Siguro 
nga panahon na rin para ako naman yung humakbang at alamin yung mag bagay­bagay. Hindi naman pwedeng 
ako na lang yung laging wala sa balita, at kailangan ko pang malaman sa iba. Hindi rin pwedeng ako na lang 
lagi yung nasa gitna at pakiramdam ko ako na lang lagi yung tinitignan, ako na lang lagi yung nasa spot. Gusto 
ko maiba naman. Gusto ko, kaming lahat ang nasa gitna. Hindi na lang ako. Nakakapagod rin pala.

Liliwanagin ko muna yung bagay­bagay kay Chester. sa kanya ang pinakamadali. Then, kahit ayoko, si 
Shalyna. Kailangang­kailangan ko siyang makausap. Tapos sino? Tatay ko siguro. Pagkatapos siguro ng tatay 
ko, my so­called mother. She need to explain everything. Noon iniisip ko kapag nahanap ko na siya, parang 
dream come true. Pero ngayon parang malayo doon yung nararamdaman ko. Hindi ko alam kung galit ba o ano, 
pero alam kong malayo sa pagiging masaya.

Kapag nakausap ko na silang lahat, haharapin ko na si Ash. Sa lahat­lahat naman, siya ang maraming ginawa 
para sa akin. Mas marami pa siyang alam na bagay­bagay sa sarili ko kaysa sa mga natuklasan ko. Higit sa 
lahat, siya ang pinakanasaktan sa lahat ng mga ginawa ko. Tama lang na kausapin ko siya at makipag­ayos.

Yun ay kung... kakausapin pa niya ako.

***

Maaga akong nagising kinabukasan. Or should I say, hindi naman talaga ako natulog at hinintay ko lang mag­
umaga. Madaling­araw pa lang eh umalis na yung tatay ko para pumasada kaya hindi na kami nakita. Ako 
naman eh nagluto ng agahan naming tatlong magkakapatid.

As of now, tanggap kong tatlo muna kami.

Naupo ako doon sa dining table namin at hinihintay ko na may lumabas. Bihis na bihis na ako nun. Pupunta 
ako sa school. Alam kong walang pasok pero kailangan ko pumunta doon para malaman kung ano yung 
address ng bahay nila Chester. Hindi sinasagot ni Chester yung phone niya. Si Shalyna naman sinagot pero 
hindi nagsasalita. Si Ash? Unattended. Kagabi pa.

Nakatitig lang ako sa kawalan nun nung may nangharang ng kamay sa mukha ko kaya natauhan naman ako. 
Pagtingin ko, si Kuya Christopher pala. Siya naman ang pinakamatanda sa amin pero kung sa pagitan ni Kuya 
Christian at siya, mas close ako kay Kuya Christian.

"Kuya, anong ilang taon ka ba nung umalis si Nanay? 8? 9?""8 and a half.""Yeah.. about that." sumubo naman 
siya ng hotdog, "Naaalala mo pa ba yung itsura niya?""Of course, pero hindi na masyado. Nalilimutan ko na. 
Wala naman akong picture niya eh. Teka nga, bakit ba bigla ka na lang na­curious sa kanya?" tumingin siya sa 
akin.

"Wala lang. Naisip ko lang." yumuko naman ako.

"Umiyak ka ba?"

Lalo tuloy akong hindi makatingin sa kanya.

"H­hindi."

Hinarap naman niya yung mukha ko sa kanya.

"Yep. Umiyak ka nga.""Wala nga akong teardots paano akong iiyak!"

Bago pa niya ako tanungin eh tumayo na ako at kinuha ko na yung body bag ko sa sofa namin at nag­kiss lang 
ako sa pisngi niya. Nag­bye na lang din ako. Halata ko namang nagtataka rin sa akin yan, pero ayoko na 
munang sumagot sa mga tanong na kahit ako eh hindi ko alam. Nagtaka pa nga siya kung bakit pupunta daw 
ako ng school eh wala naman daw pasok.

Naglakad lang ako ng mabilis para makarating kaagad sa school. Nung napunta ako doon sa tapat ng kanto 
papunta kina­Ash, huminto ako saglit at tumingin ako doon sa bahay nila. Pero hindi rin nagtagal, nagsimula 
na uli akong maglakad.

Pagdating ko sa school, napaisip din naman ako. Teka, saan ko naman kaya hahanapin yung address ni 
Chester? Yearbook? Tiyak wala naman doon. Pictures lang ang nanduon saka kung anu­anong interest and 
stuff. Office ng principal? Hindi carry ng powers ko. Guidance Office? Kahit close pa kami ng guidance 
counselor, hindi yun basta­basta nagbibigay ng records. Isip.. isip...
"Gosh Tama!"

Tumakbo ako doon sa Sports Bulletin. Ang daming nakapost doon na kung anu­ano. Hinanap ko yung papel 
kung saan pwede mag sign­up para sa junior varsity ng basketball. Ayun na. May address kasi doon.

Nasaan na ba si Chester?

At sa kakahanap ko sa sobrang dami ng pangalan, nakita ko rin yung pangalan ni Chester at ang mahiwagang 
#18 Capitulo Street.

Dahil nga mayaman ako sa barya sa wallet ko, nag­tricycle na lang ako papunta sa kanila. At nilipad­lipad yung 
buhok ko. For the first time nitong mga huling araw, pakiramdam ko na­relax ako kahit na saglit lang. Sinabi 
ko lang yung address kay Manong, parang alam na niya yung pupuntahan.

Saglit lang din eh ginising ako ni Manong at nandoon na daw kami. Nakatulog na pala ako sa loob. Ang hirap 
pala talaga kapag puyat ka. Binayaran ko lang din naman siya at tinignan ko yung address.

Ito pala ang bahay ni Chester? Well, it looks like a cake!

Tumawag naman ako labas ng bahay nila dahil wala naman silang doorbell. May isang babae na lumabas.

"Magandang umaga po, si Chester po ba nandiyan?"

Tinignan lang niya ako nun pero nakangiti siya.

"Anong pangalan mo?""Uhmm.. chris po. Pakisabi po si Chris."

Binuksan naman niya yung pintuan nila at sumigaw siya doon. 'Chester! May bisita ka dito! Chris! Chris  
daw!'

Hindi ko alam kung gaano kabilis pero seconds lang talaga ang pagitan eh nasa labas na siya. Pinakilala niya sa 
akin yung Mommy niya at umalis na kami doon sa bahay nila. Naupos kami doon sa harapan.

"Hey.. kumusta na?" parang kagabi lang hindi kami nagkita, "Sorry kagabi ha."

Huminga naman ako ng malalim.

"Tungkol doon talaga yung pinunta ko. Hindi naman talaga ako magtatagal eh, dami ko pa kasi 
pupuntahan." ngumiti lang siya sa akin. "Care to explain.. what.. everything?"

Honestly, hindi kami inabot ng 30 minutes para i­explain niya sa akin kung ano man yung gusto niyang 
sabihin. Nakinig lang ako sa kanya. Seryosong­seryoso siya, at sa ibang parts, hindi niya makuhang tumingin 
sa akin. Wala nga akong sinabi eh.
"Chris, I think it is the right time to say something?"

Tumingin naman ako sa kanya.

"You mean, nakipag­dare ka sa guys na kailangan mapasagot mo ako for what? Ilan sila? Dalawa? P500 
each?" hindi naman ako galit sa kanya, ewan ko rin kung bakit.

"Yeah. Kasi naisip nila na challenge ka. Alam mo na, you're... TOUGH. But then, binago ka ni Ash. So.. I 
really do like you Chris. At first hindi, pero.. ngayon.. YEAH. Kaya nag­quit ako. Dahil nag­quit ako, ako yung 
nagbayad sa kanila ng P1000." tinignan ko siya lalo sa mata nun. "Hindi alam yun ni Shalyna. Nalaman lang 
niya nung nadulas yung isa sa barkada namin. Naisip niya na pwedeng gamitin laban sa iyo. Yung tungkol sa 
relo ni Shalyna, alam mo na yung story. But chris, I'm so sorry. Really. Kaya sa kahit anong bagay na 
makakatulong ako, sabihin mo lang.""It's ok. Naiintindihan ko na. Thanks Chester for being honest with me. 
Ok lang, kahit kaya ko na yung sarili ko. Wala ka nang dapat gawin para sa akin." 

Nagpaalaam din ako kay Chester nun. Gusto nga daw niya sumama kung gusto ko pero sabi ko naman sa kanya 
na huwag na at kaya ko na yun gawin personally. Umalis ako sa kanila at sumakay naman ako ng jeep. This 
time, si Shalyna naman ang gusto kong kausapin. Ang dami kong gustong malaman galing sa kanya. Tingin ko 
kasi, mas marami siyang nalaman at mas marami siyang tinatago kaysa sa akin.

Long lost sis. Kung yun man ang dapat kong itawag sa kanya.

Nagdalawang­isip muna ako bago ako mag­doorbell sa bahay nila Shalyna. Ang laki talaga ng bahay nila. 
Kung sa view lang din naman dito sa labas, malabong kapatid ko siya. Hindi talaga tama. Wala namang 
lumalabas galing sa bahay nila. Saglit lang din eh may narinig akong nagsalita sa likod ko.

"What are you doing here? I don't want you here.. so you better leave." binuksan niya yung gate nila at 
sinarahan naman ako.

Galing yata siya sa labas eh.

Humawak naman ako sa gate nila.

"Please Shalyna, I need to talk to you. Please! Kailangan ko ba lumuhod?" dire­diretso pa rin siya sa paglakad 
papunta ng bahay nila. "Why're you always treating me like this? Ang unfair­unfair naman! Hindi ko alam kung 
bakit ganyan ka na lang kung makitungo sa akin!"

Hindi naman niya tinuloy yung paglalakad niya. Nakatayo lang siya doon.

"Bakit ako ganyan makitungo sa iyo? Sinabi ko na sa iyo ilang beses yung reason ko. I don't like 
you." tumalikod naman sya at iniwan akong nakatayo doon.

Pero hindi ako dapat maggive­up.
"Talaga? Yun ba yung reason mo? Or does it concern that your mom is my mom?! Huh!"

Nung sinigaw ko yun, huminto na talaga siya. Iba na yung expression ng mukha niya.

"How did you know?" mahinahon na yung boses.

"Because of this.." inangat ko yung locket at hawak­hawak ko sa chain.

"Kay Ash yan, paanong napunta sa iyo?""This is mine, which happened to be na nakay Ash almost half of my 
life.I lost it the day I found out you left to America."

Lumapit na siya sa gate nun. Binuksan naman niya yung gate para sa akin. Unlike kanina, mas mukhang 
mahinahon na siya ngayon.

Sinabayan ko lang siya maglakad. Hindi ko alam kung saan niya kami gustong mag­usap. Pero ako? Sinundan 
ko siya doon sa garden nila.

"Nalaman ko yung tungkol sa bagay na iyan bago yung camp. Dahil hindi ka nga pupunta, naisip ko na hindi 
na rin ako pupunta. Ano pang point kung sasama ako sa camp kung yung close friend ko hindi ko rin naman 
pala kasama 'di ba?" nag­iba yung pakiramam ko nung binanggit niya yung term na 'close friend'. "I was on my 
way to your house that time, para nga yayain ka sa amin. I heard my dad and my mom, or should I say, our 
mom, arguing about something. Dahil nga bukas yung pinto, nakinig ako. Narinig kong may binanggit si 
Mommy about a guy named Chris, or yun ang pagkakaintindi ko dahil hindi ko nga alam na ikaw. Then I heard 
Dad talking about,'Hindi na dapat balikan ang nakaraan dahil may pamilya na siyang bago.' That struck me 
really hard. Parang nagka­idea na ako." tumingin siya sa akin at lumuluha na siya nun. "Of course nung narinig 
ko yung name na Chris Orellana, nalaman ko na ikaw yung tinutukoy niya. And some guys named Chris too. I 
can't remember their names.""Christopher.. and Christian."

Tumango lang siya sa akin.

"Sinabi niya kay Daddy na may pamilya siya bago siya umalis ng Pilipinas. The case is, your dad, and our mom 
were not married. Nag­meet sila ng Daddy ko sa HongKong. May business yung Daddy ko nun, at the same 
time nagtratrabaho si Mommy sa kanila. They got married sa States. That's why, Salinas na rin ang last name 
niya. For two whole years, hindi sila magkaanak. Probably si Daddy ang may problem. They decided to adopt a 
baby girl. That's me."

Hindi ko na napigilan nun, nakisabay na ako sa kanya umiyak. So that's the reason why we're of the same age.

"Laging binabanggit ni Mommy nun na gusto niyang umuwi ng Pilipinas at bumili ng bahay sa ganitong 
barangay or something. My dad thought that she only loves that place. Pero hindi pala niya alam, palihim 
kayong hinahanap ni Mommy. My dad found out about 8 years ago. Yun yung day na nakita ko sila na nag­
aaway. Akala ko dapat akong matuwa sa simula, kapatid kita! But I saw their marriage was falling apart. My 
dad went back to states. Three days later, he died of car crash. Sabi nila lasing daw siya nung nangyari yung 
incident." tinignan niya ako nun, fierce­look pero parang nahihirapan siyang ipakita, "I got mad at you. Bakit 
ikaw lang? Ikaw lang naman yung nakilala ko. Ikaw yung gustong ikumpara sa akin ni Mommy. Kinuwento 
niya sa akin lahat. Ako naman, hindi ko sinabi na kilala kita. Then, umalis kami ng America. Doon na ako nag­
stay."

Nahihirapan na akong makahinga nun. Hindi ko alam yung side niya. Pero ngayon, narerelize ko, Shalyna's not 
that tough. She's crying in front of me.

"Tapos naisip ko, kung ikaw ang isa sa dahilan kung bakit naging ganito yung buhay ko, siguro dapat mo ring 
maranasan. That's why I'm doing stuffs to pissed you off. But hey, you're tough as steel.""Not as tough as you 
are. Kinaya mo lahat?""I guessed so. Kaya nga nung nakita kita nun sa room, ayaw ko na kaagad sa iyo. Nung 
bumalik si Mommy, sinabihan ko siya na huwag na huwag syang pupunta ng school. Ayokong magkita kayo. 
I'm a selfish person Chris. What I have is only mine. Pero naisip ko na mali rin yun. Lately, dahil kay 
Ash.""Dahil kay Ash?!?" ang dami na niyang nagawa para sa akin.

"Yeah. He told me that making your life miserable will not change my life to be a better one. Siguro nga ako na 
rin sumira eh. Sabi niya, marami ka na rin napagdaanan. At least mabuti raw ako nakakilala ako ng decent 
parents... especially.. our mom. Ikaw, ni­hindi mo pa siya nakikita. Yun yung day na niyakap ko siya sa kwarto 
ko sa itaas." nagulat naman ako sa kanya, "I know you already knew about that. Nakita kita sa labas."

Nagtinginan kaming dalawa.

"Wow, he's really something isn't he? May kinuwento ba siya sa iyo? Anything at all?""Kung mag masekreto 
siguro ako, mas masekreto yung tao na iyon. Hindi ko nga alam yung tungkol diyan sa locket na yan. Akala ko 
connecting chain niya. Hindi ko pa nga yan nakikita. Last year kasi sabi niya sa akin, tinatago daw niya yan 
dahil hinahanap niya yung may­ari. Gusto daw niya magthank you personally." thank you? Para saan? Hindi ba 
dapat ako naman ang magthank you sa kanya ngayon?

Halata niyang nagtataka rin ako. Ngumiti rin siya sa akin. And it's a real one this time.

"I can't belive I wasted so many years trying to prove that I am better than you are when all this time... we can 
be the best of friends." tumingin ako sa kanya nung sinabi niya yung huling part, "Are we cool?"

Yumakap naman ako sa kanya.

"More than cool." tapos humiwalay din ako, "Everyday I'm praying para sa tatay ko, para sa mga kuya ko, para 
makilala ko na yung nanay ko.. then.. ngayon.... para sa sis ko."

Lalo siyang yumakap sa akin. Ang tagal naming ganun. Para kaming sira na iiyak ng iiyak, tapos tumawa rin 
pagkatapos. Pinunasan ko pa yung mata niya eh.

"So.. may dalawang Kuya pala tayo?""Yeah.. sure. Mas matatanda sila sa atin." pero may naalala pa 
ako, "Shalyna, isa pa nga pala.""Ano yun?""Kahit nga pala alam ko na yung tungkol sa... sa mom natin. You 
don't expect me to be.. good at her right?""Of course not. Even if she's my mom too, she's really wrong to leave 
you guys behind." ini­offer niya yung kamay niya para tumayo ako. "Thanks nga pala kagabi. For the crown. It 
means alot when it came from your sister. And, bakit umalis kayo ni Ash kaagad? Na­miss niyo tuloy yung last 
dance. Tradition. Dates.. and partners.""Speaking of Ash, I really really need to talk to him. Balak ko nga sana 
na kausapin muna si Nanay at Tatay.. but then, alam ko na kung saan siguro patutungo yun. Si Ash talaga ng 
malaking palaisipan sa akin. Ok lang sa iyo? Aalis muna ako.. then.. we'll make it up for the whole lots of 
things that we missed together." inayos ko uli yung bag ko. Pinunasan ko naman ng panyo yung mata ko.

"You need help?""Yan din ang offer ni Chester sa akin. Thanks anyway, I think I need to figure out the puzzle 
myself. See ya' later.. sis."

Ngumiti lang siya sa akin. Siya pa ang nagbukas ng gate.

"Oh yeah... good luck nga pala para bukas." napahinto na naman ako.

"For what?!?""Huh? Hindi mo alam? Skateboarding championship bukas. Lalaban ang R­B di ba? Or is it R­
13?""Laban? Bukas?"

Hindi ko alam na may laban kami bukas. Pero sa kaso namin ni Ash ngayon, malabong may laban na 
mangyayari.

Kinuha ko kaagad yung phone ko at sinubukan kong tawagan si Ash. Hindi pa rin niya sinasagot. Sinabi ni 
Shalyna na itatry daw niya tawagan at kung may progress daw, sasabihin niya sa akin. Kinuha niya yung phone 
number ko dahil wala naman siya sa listahan ko.

Binilisan ko na lang pumunta kina­Ash. Hindi rin naman kalayuan. Pero malayu­layo rin yung tinakbo ko. 
Katulad nung scene kanina, parang kapag tinitignan ko yung bahay nila, nalulungkot na ako.

Hinihingal­hingal pa ako nun. Nag­buzz ako doon sa labas nila at may boses naman na nagsalita.

"Sino po sila?" nakilala ko naman yung boses. Mommy ito ni Ash.

"Tita Elisa? Si Chris po ito. P­pwede.." hinihingal­hingal pa talaga ako.

"Chris? Oh Chris. Teka lang lalabas ako."

Lumabas naman siya at nakangiti din siya sa akin. For a mother of two na paehas nang binata, she's pretty.

"Si.. si A­ash po?""Naku mukhang hinihingal ka na ah. Saan ka ba galing bata ka ha!" tapos huminto din 
siya, "Remember sinabi ko sa iyo na may nireremind ka sa aking tao? Now I remember. Kamukha mo yung 
patient ng asawa ko. Si... uhm.. Mrs. Salinas."

Well, it's kinda' too late for that.

"She's my mom." halata kong nagulat naman siya, "Long story. Ikukuwento ko po sa inyo kapag may time na. 
Si Ash po ba nandiyan?""Sa katunayan naguguluha na nga rin ako sa batang yun. Umuwi ng madaling araw. 
Hindi naman sinabi kung saan galing. Teka lang, iri­ring ko siya sa kwarto niya." nag­dial naman siya doon sa 
phone niya at ni­ring yung landline phone ni Ash.

Narinig ko naman yung familiar voice ni Ash. Nakaspeaker phone pala sila.

"What mom?!?""Anak, nandito si Chris sa baba gusto kang kausapin.""Tell her I'm not here. Kahit anong lugar 
basta wala ako dito."

Para aokng sinaksak nun.

Tumingin yung Mommy niya sa akin.

"Sabihin ko raw sa iyo Chris, wala daw siya dito.""Thanks alot Mom." sarcastic pa yung pagkakasabi niya.

Alam kong ano mang oras eh ibababa na niya yung phone kaya naisipan ko naman nang magsalita. Kapag 
hindi ko pa gagawin ngayon, yung salitang 'pag­uusap' eh malayong mangyari.

"Ash! I know you're mad at me.. or whatever you feel about me right now. I know I made a mistake ok? I'm so 
sorry. I didn't know. And you are right, I have my own eyes but I don't really see things. Kaya nga nandiyan ka 
'di ba? To help me throughout things that I don't see. You mean alot to me. And this time, may isang milyong 
tanong siguro sa utak ko na ikaw lang ang makakasagot. I wanna' know your side of the story. Para mabuo na 
yung puzzle sa utak ko. More yet sa pagkatao ko. Pero kung hindi mo ko kakausapin, malabong mangyari yun. 
If I did hurt you in any way... I'm sorry. And I mean it." huminga ako ng malalim at huminto ako ng 
kaunti, "Bukas na nga pala yung championship ng skateboarding. I don't know if you are going, pero kailangan 
ka namin doon. Kung tinatanggap mo yung sorry ko, pumunta ka bukas. Kapag hindi, ok lang. We'll wait for 
you. Or I think it's right kung sasabihin kong I'll wait for you. Alam kong ikaw na lang lagi yung nagbibigay 
daan sa akin. Ikaw na lang lagi yung naghihintay... I think time naman na para ako naman yung maghintay sa 
iyo."

Pagkatapos kong sinabi yung mga gusto kong sabihin, hindi na siya nagsalita.

He just hung up.

***40***

Ewan ko ba, ang sama­sama ng loob ko hanggang sa maglakad ako papunta sa bahay namin. Bakit naman niya 
ginawa yun? Pakiramdam ko tuloy ang bigat­bigat ng dibdib ko. Championship na bukas. Matagal­tagal na rin 
naman na kaming nag­practice at masasayang lang lahat kung hindi siya pupunta. 4 kami sa team. Si Ash, si 
Kian, si Ben at ako. Sa Championship, at least 4 ang kailangan mo. Kapag hindi siya dumating, matatalo kami 
ng hindi man lang kami lumaban.
Gabing­gabi na nun eh hindi pa ako inaantok. Narinig kong dumating yung jeep ng tatay ko kaya hinintay ko 
muna siyang makapasok bago ako umupo doon sa hagdan at nakatingin lang sa kanya. Ako na lang yung tao 
nun sa baba namin.

Nung nakita niya ako, halata kong nagulat siya sa akin. Napahawak pa siya sa dibdib niya.

"Anak naman, ginulat mo ako.""Matagal mo na bang alam na nandito siya?" yan ang unang tanong ko na akala 
mo eh may conversation kami na tinutuloy ko.

"Sorry anak? Ano?""Matagal mo nang alam na nandito siya sa Pilipinas! Si Nanay! Hindi mo sinasabi sa akin 
ano?!?

Namutla yung tatay ko nun. Lumapit siya sa akin at tumabi doon sa akin sa hagdan. Umakbay naman siya 
sabay tumango­tango.

"Oo, matagal ko nang alam."

Hindi ko na napigilan yung sarili ko, sinuntok­suntok ko siya sa braso niya pero hindi naman malakas. Bakit 
hindi niya sinabi? Bakit ba ang unfair ng lahat?

"Nakita ko siya nun na bumibili malapit sa mall. Akala ko nung una namamalikmata lang ako, pero siya pala 
talaga.""Kinausap mo siya?"

Hindi katulad kanina, umiling naman siya ngayon.

"Bakit? Bakit hindi mo siya kinausap?""Para ano pa? Iniwan niya kayo sa akin at hindi na siya bumalik. 
Nagyong nakita ko na siya, ibang tao na siya sa akin. Ni­hindi ko na nga siya kilala. Para saan pa? May kanya­
kanyang buhay na tayong lahat!""Alam ko! Alam ko yun tay! Pero hindi ba karapatan ko rin naman na makilala 
ko siya?!? 'Di ba?" umiyak na naman ako nun.

"Tama anak, karapatan mo nga. At, doon ako nagkamali." hinarap niya ako sa kanya,"At ihingi mo ako ng 
sorry sa kaibigan mo... si Ash."

Nagtaka naman ako sa kanya. Bakit ko naman siya ihihingi ng sorry kay Ash?

"Bago pa ang lahat, bakit naman kita ihihingi ng sorry sa kanya?!?""Kasi pinilit ko siyang mangako kahit ayaw 
niya. At yung batang yun, hindi niya sinira yung pangakong yun." ngumiti siya sa akin.

"So you're the one! Ikaw yung sinasabi niya na kaya pala hindi niya sinabi sa akin eh nangako siya?!? 
Ikaw?" yumuko na lang ako, "Sorry tay, baka hindi na makarating yung sorry mo sa kanya. He wouldn't even 
talk to me."

Yumakap naman yung tatay ko sa akin.
"Alam mo anak kung ako ang tatanungin mo? Si Ash eh isang napakabuting bata. At tingin ko, kayang­kaya ka 
niyang alagaan." 

Kahit na seryoso kami ng tatay ko, natatawa naman ako sa kanya.

"Tay naman tagalog na tagalog ka eh! Baka mamaya lumalim ng lumalim yung tagalog mo, malunod 
ako!" dinaan ko na lang din sa ngiti.

Pinunasan naman niya yung luha ko at tumayo na ako. Ginulo pa nga niya yung buhok ko eh.

"Hindi bale, magkakaroon tayo ng panahon para maayos natin lahat sa nanay mo. Gabing­gabi na, matulog ka 
na pala. May laban pa kayo bukas.""Paano mo nalaman?""Nakalagay yung banner sa tapat ng convention. 
Doon yata gaganapin.""Oh.. right."

Sinabayan naman ako ng tatay ko na umakyat. Ang kaibahan lang, sa isang pinto ako, sa kabila naman siya. 
Hinintay naman niya ako makapasok sa kwarto ko at nag­kiss lang ako sa kanya at sinarado ko na yung pinto 
ko. Nakatayo lang ako sa likod nun eh napaisip naman ako. Binuksan ko uli yung pintuan ko at nakita ko yung 
tatay ko na papasok na rin.

"Tay, tingin mo talaga ok si Ash?!?"

Ngumiti lang yung tatay ko sa akin, at kahit hindi niya sinagot.. alam ko na.

Kahit na maraming mga bagay na nakakapagpalakas ng loob ko ngayon, kinakabahan pa rin ako bukas. Sana 
lang, dumating si Ash.

***

Ang aga­aga kong nagising kinabukasan. Sina Kuya Christopher at Kuya christian at ang nag­iisang tatay 
namin eh mas maaga pang nagising sa akin. Papanoorin daw nila kami sa laban namin. Susuportahan talaga 
nila kami. Yun nga lang, hindi ako sigurado kung may magaganap mang labanan. Sus, think positive na lang. 
Hindi naman ako kumain ng kung ano dahil may exhibitions kami na gagawin, baka bumaliktad lang ang 
sikmura ko.

Umaga pa lang din eh nakatanggap na ako ng messages galing kay Chester at Shalyna. Yung kay chester eh 
plain message niya na 'good luck sa laban niyo' at si Shalyna naman eh ilang mga quotes din yun na panay may 
'good luck'. Kinuwento ko na sa kanya yung tungkol kay Ash, at sinabi niya, masaya daw siya para sa amin 
kung saka­sakali at ipagdadasal daw niya na sana dumating si Ash. Grabe, ang daming taon na sinayang. Kung 
noon pa man din sana ganito, e di masaya na ako. Isa pa sa kinagulat ko sa lahat ng text niya eh yung pahabol 
niya. 'Sasama raw si Mommy para manood ng laban ng anak niya..'. Humiga lang ako ng malalim, at kakayanin 
ko pa naman siguro.

Nilagay ko na yung helmet ko at pati yung uniform namin. Nandun na rin yung knee pads and elbow pads ko at 
syempre at mahalaga sa lahat eh yung skateboard ko. Dahil nga may jeep naman ang tatay ko, doon kami 
sumakay at nilagay na lang na private para walang mag­para. 

Sobrang kabado na ako nun. Sa laban kaya? Tingin ko kasi isa na yun. Pero kabado ako mostly kay Ash. Hindi 
ko alam kung darating siya. Binabaan niya ako ng telepono kahapon, tapos hindi rin niya sinasagot yung phone 
niya. Hindi ko tuloy alam kung tamang idea pa ito.

Dumating din kami nun sa tapat ng convention. Sobrang daming tao doon. Nakalagay na doon yung isang 
malaking board at may 16 na maglalaban­laban. Syempre, match­up match­up muna sa simula kung sinong 
makakalaban namin na school, then kapag mataas yung points mo eh paakyat ng paakyat yung team niyo.

"Hey Chris! Kinakabahan ka ba?" sinalubong ako ni Kian na naka­uniform na rin.

"Oo no! Sobra. Nasaan na si Ben?""Ayun, nakaupo doon sa dulo. Kabado rin yan. Unang laban kasi namin 
eh." tapos tumingin­tingin siya sa likuran ko, "Akala ko kasama mo si Ash?!?""Ooh.. no. Oo nga pala, Kuya 
ko, si Christopher and Christian.. tatay ko naman.."tinuro ko yung mga kasama ko, "Guys, si Kian. Ka­team 
ko."

Ganun din yung ginawa ko kay Ben na nandun lang nakaupo sa ilalim ng puno. Sinabihan ko nga siya na ok 
lang yun kaya ayun, medyo gumaan­gaan yata yung pakiramdam niya. Pinakilala ko rin sina Kuya at yung 
Tatay ko sa kanya kagaya kay Kian.

Naupo lang kami pare­parehas doon sa gilid. Hindi rin nagtagal, dumating na si Chester. Syempre, nagbibigay 
suporta rin yan. Napansin ko rin na may mga classmates kami doon na dumaan at ibang ka­schoolmate namin 
na manonood. Yung iba nga na hindi namin kilala eh nag­goodluck din. Nung tnignan ko yung oras, 15 
minutes na lang eh magsisimula na yung competition.

May huminto naman na pulang kotse doon sa bandang gitna. Pagtingin ko kung sino, ang mahiwagang kapatid 
ko pala kasama... yung nanay namin. Unlike dati, nakatodo­ngiti siyang bumaba at yumakap sa akin. Biglang 
nag back­off si Kian at Ben. Si Chester, ngumiti lang.

"Oo nga pala Kian at Ben, sister ko nga pala.. si Shalyna.""Sister?!? You mean, sis as in friends?""No. Sister as 
in kapatid."

Nagulat din yung dalawang Kuya ko. Ang alam ko lang, maraming tanong din yan sa utak nila. Sinabihan sila 
ni Tatay na ipapaliwanang na lang sa kanila lahat mamaya. Pero kahit hindi nila alam yung story, yumakap din 
sila kay Shalyna.

"Hi sis, Kuya Christopher nga pala.""Welcome sa family. Kuya Christian mo ko."

May huminto na naman na kotse sa gitna. This time, si Lawrence at si Nathalie naman ang bumaba. Nung 
makita ko si Lawrence, may bandage pa siya sa ulo niya.

"Hi team, kumusta?" sabi ni Lawrence na nakangiti pa, "Good luck daw pala sabi ni Mommy at Daddy. May 
pasok kasi sila parehas kaya hindi makarating."
Ngumiti na lang din ako.

"Si Ash nga pala..." mukhang malungkot yung expression ng mukha niya.

Siniko naman siya ni Nathalie sa tiyan niya.

Nung napayuko si Lawrence, saka lang nabaling yung atensiyon ko sa nanay namin. Napansin ko na nakatayo 
lang siya doon sa dulo at umiiyak. I know this is a very sentimental moment, kaya yung naramdaman kong 
galit sa kanya kahapon eh parang naisangtabi. Tinignan ko lang siya. Si Kuya Christopher nun, hindi na 
makagalaw sa kinatatayuan niya. Si Kuya Christian naman, parang wala lang. Hindi ko alam kung alam ba niya 
na nanay namin yung nasa harapan niya.

Isa­isa niya kaming niyakap na tatlo. Hinalikan din niya kami sa pisngi. Kahit ayoko na namang gawin, umiyak 
na naman ako. YUng dalawa kong kuya eh parang bato, hindi umiyak. Siguro dahil lalaki sila at hindi naman 
nila pinapakita yung ganun. Pero deep inside, nalulungkot din sila.

Sinabayan naman ako ni Shalyna sa pag­iyak. Si Chester pa ang umalalay sa kanya. Nung nagkatapat yung 
Tatay ko at Nanay namin, nagtinginan lang silang dalawa bago nagyakapan. It's been almost 16 years.. and 
now.. here it is.

Tinawag niya muna kami. Kami ni Kuya Christopher, Christian at kasama rin yung Tatay ko. Si Shalyna eh 
hindi sumama sa amin at para magkausap­usap kaming lahat. Pagkatapos nun, kinuwento niya kung ano talaga 
yung nangyari.

'Nagpunta ako sa HongKong nun katulad nga ng plano natin. Doon ko nakilala yung Daddy ni Shalyna. Then.. 
hindi ko na rin napigilan kaya nagtuluy­tuloy na. Kinasal kami sa America at nag­ampon din kami pagkatapos 
ng dalawang taon.' humihikbi­hikbi na rin siya nun, 'Pinilit ko siyang bumalik kami sa barangay natin para nga 
mahanap ko kayo. Kaya lang, ibang bahay na yung nakatayo doon at wala na rin kayo. Hindi ko alam kung saan 
kayo hahanapin. Naisip ko na bumalik kayo sa probinsiya o ano, o baka nag­asawa ka na uli kaya tumigil ako sa 
paghahanap. Naisip ko rin na may pamilya na rin ako. Kaya lang nalaman ng Daddy niya. Nag­away kami dahil 
doon dahil nagsinungaling daw ako sa kanya. Iniwan niya muna kami ni Shalyna dito sa Pilipinas, tapos 
nagkaroon siya ng car accident kaya bumalik kami doon. Ngayon pagbalik namin, ni­wala akong idea na yung 
anak ko pala eh kaharap ko na kung hindi lang sinabi sa akin ni Ash.'

Si Ash na naman?!?

Nagpatuloy pa rin yun pag­iyak niya nun. Humihingi daw siya ng tawad sa lahat ng nagawa niyang 
pagkakamali sa amin. Syempre tinuruan naman tayong lahat magpatawad, kaya kahit may galit kaming 
nararamdaman sa kanya, pinatawad pa rin namin siya. After all, siya pa rin ang nanay namin. At kung 
magkakabalikan man sila ng Tatay namin, hindi ko alam.

'All participants please report to the front of the convention for your numbers. We'll start the event within 2  
minutes.'
"Hey.. 2 minutes?!?" sabi ko kay Shalyna.

"Yeah."

Tinanong ko sila kung nakita ba nila si Ash. Pero wala talaga eh. Katabi pa ni Shalyna nun si Chester. Nung 
walang makapagsabi sa akin kung wala si Ash, lalo akong kinabahan nun. Parang, lalong nagsi­sink yung puso 
ko.

Inayos na namin yung mga body protection namin at pumunta na kami tatlo sa harapan. Apat­apat sa isang 
team at kami lang yung team doon na kulang ng member. Ang masaklap pa sa lahat, yung captain pa.

Nung nagbibigayan na ng number, napunta kami sa number 2 at isa kami sa unang magco­compete. Naiiyak na 
ako nun. Talagang wala siyang balak dumating dito. At isa lang ang ibig sabihin nun, hindi niya tinatanggap 
yung sorry ko.

"Hindi pa na­late si Ash before.""Ang sabihin mo, hindi siya nala­late."

Lalo lang nilang pinasama yung loob ko. Kung alam lang nila yung iniisip ko ngayon.

Tumingin ako sa side nila Shalyna. Nag thumbs up lang siya sa akin. Huminto naman yung staff ng contest sa 
harapan ko.

"Nasaan yung isang member niyo?""Uhmm.. sir, he's not here.""Then, kapag kulang kayo hindi kayo pwedeng 
lumaban. Apat dapat ang members ng team."

Ang bilis na ng tibok ng puso ko nun. Hinawakan ko sa braso yung matandang lalaki.

"He'll be here! I know he will!""Siguraduhin niyo lang dahil, matatalo ka niyo niyan ng hindi kayo lumalaban. 
Decision yun. We'll give you 3 minutes, kapag wala pa, you're off the contest."

Nagtinginan kaming tatlo nila Kian. Nasaan na ba si Ash?!? Siguro nga wala na siyang pakialam sa 
skateaboading team. Pero sana naman nagpakita siya 'di ba? Tumawag man lang?

Binigyan kami ng exact 3 minutes para maghintay. Sina Shalyna eh kitang­kita na nagda­dial ng phone nila 
para i­contact si Ash. Ako naman ang labo na ng paningin ko. Parang lahat, bumabagal.

Pinilit kong hindi umiyak. May oras pa, darating pa siya.

Nung nag 1 minute sa clock, hindi ko na nakayanan kaya tumalikod na ako. Inalalayan na ako nung dalawa 
dahil umupo na ako doon. At dahil sigurado na akong hindi siya darating.. tinawag ko na yung lalaki kanina 
kahit may ilag second pa.

"We forfeit. Sila na yung nanalo.""WHAT?"
Naglakad na ako ng mabilis nun.

'Winner by forfeit will be The Speeders....' tapos may palakpakan naman.

Even though ang sakit ng nangyari sa akin sa mga oras na ito, at least I have my family and friends.

Biglang nag­buzzer at eksaktong 3 minutes na. Walang sign ni Ash. Nagsimula nang tumulo yung luha ko nun. 
Niyakap ako ng mahigpit ni Shalyna.

Kung sa fairytale siguro may happy endings. Naghintay kami doon pero hindi siya dumating. Unfortunately...

This is not a happy ending at all..

***41***
It's been days since nangyari yung championship game na yun. And yeah, you got that one right. DAYS already 
passed. Up to now, that day still haunts me. Alam ko OA na pakinggan pero pakiramdam ko nung mga oras na 
iyon, gumuho na yung mundo sa akin. At higit sa lahat, parang wala nang bagay na makakapagpasaya sa akin. 
Hmmm... well...

Not really.

We lost the championship though. Let me tell ya' what REALLY happened after that incident na hindi 
nagshow­up si Ash at nag­forfeit kami ng laban.

Well, crybaby nga ako nung mga huling araw at umiyak lang ako nung umiyak nung bumalik ako sa side nung 
mga dumating para sumuporta sa amin. Dahil nga alam ni Shalyna kung ano yung nangyayari, niyakap niya rin 
ako at umiyak na naman siya kasama ko. Hinila niya ako sa gilid para naman malayo ako doon sa iba. 
Magkaharap na kami parehas at sa paa ko lang ako nakatingin.

"Hey sis, cheer up." sabi niya sa akin, "Alam ko mas madaling sabihin kaysa gawin pero, wala naman na yata 
tayong magagawa eh. I'm really sorry about­­ THIS."

Patuloy pa rin yung pag­iyak ko nun. Hindi siya dumating. Tama na siguro yun para makuha ko yung message 
na wala talaga siyang pakialam sa amin... o tama sigurong sabihin ko na... sa akin.

"He didn't show up. That sums up everything. I wanna' go home!" tapos dadaan sana ako sa gilid niya kaya 
lang pinigilan niya ako.

Hinawakan niya ako sa magkabilang braso ko kaya hindi ako makalakad ng tuluyan. Nung tinignan ko siya, 
kakaiba na yung expression ng mukha niya.
"If he did show up, what do you want to tell him?"

Pinilit kong tignan si Shalyna nun kahit na blurry na yung paningin ko.

"I don't know. Mostly naman ng gusto kong sabihin nasabi ko na sa kanya nung nagpunta ako sa kanila. But he 
hanged up! He's really hurt because of me. Noon kasi mataas din yung pride ko na mag­sorry sa mga 
malalaking kasalanan na ganito. But now, I think it's harder to say... to say..."

Nagtaka naman siya sa akin.

"Say what?""I love you Ash. I realized it. No, that's wrong. I didn't realized it. I felt it. Pero ngayon, what's the 
point of telling the wind I love him when he can't even hear me?"

Nagulat na lang ako nung mag nagsalita sa likod ko.

"I love you too!"

Napatigil na lang ako sa kinatatayuan ko. Tinignan ko si Shalyna at nakangiti na siya sa akin. Kaya pala 
tinatanong niya ako dahil.. dahil nasa likod ko si Ash?

"I guess my work here is done. I'll leave you two.." pagkatapos niyang sinabi yun eh umalis na siya at iniwan 
niya ako na nakatayo doon sa harap ng puno.

Alam kong nasa likod ko si Ash nun. Sinubukan kong humarap sa kanya kahit na yung buong katawan ko nun 
eh nanginginig pa. Nung makita ko siya nun, hindi ko alam kung anong irereact ko. Nang­aasar ba siya o ano? 
Nakangiti siya sa akin ng nakakaloko na hindi mo maintindihan. 

Humawak naman siya sa dalawang balikat ko kaya lalo akong yumuko.

"Hey Chris." yun lang yung sinabi niya kaya ewan ko ba, naiyak ako lalo nun.

Tinaas naman niya yung ulo ko para nakatingin ako sa kanya.

"Oh please huwag ka namang umiyak!" kinapa­kapa niya yung pocket nung pants na suot niya at naghanap 
siya ng panyo. "Wala akong dalang panyo." nakatingin lang ako sa kanya nun, "Fine you can use my shirt. Just 
don't­­"

Kinuha ko yung T­shirt niya at doon ko talaga pinunas yung luha ko. Natawa ba naman siya. Pasalamat nga 
siya hindi ko pa siningahan.

"I.. I thought you're not coming.""Well, I'm here right?!?" nakangiti pa rin siya.

Tinignan ko naman siya ng masama. Pero medyo may halong pagbibiro. Tinakot pa niya ako na hindi siya 
darating. Matapos kaming mag­forfeit at matapos ako na kabahan at umiyak.. tapos ngayon sasabihin niyang­­­

"What can I say... 'Sorry I'm late?!?' " sinuntok ko nga siya sa dibdib niya.

"Nakakainis ka naman eh!""Ok I'm late. First of all, tinanghali ako ng gising. Pagkatapos mong pumunta sa 
bahay namin eh inisip ko lahat ng sinabi mo kaya hindi ako makatulog. Second, tinapon ko lahat ng 
skateboarding gears ko after nung pageant kaya tumakbo pa ako sa shop para bumili ng bago. Third, nag­jeep 
ako kaya lalong natagalan." huminto naman siya,"But technically, kasalanan mo pa rin. Kung pinatulog mo 
ako, hindi sana ako tatanghaliin ng gising at magkakaroon sana ako ng enough time para bumili ng gears at 
mag­jeep."

Hindi ko alam yung sasabihin ko kaya yumakap lang ako.

"Thanks. For coming." tapos naisip ko naman yung mga pinagsasabi kosa harap ni Shalyna na sa kanya ko 
dapat sasabihin, "Now, do I have to repeat everything I said earlier o hindi na kailangan dahil narinig mo 
naman na lahat?"

Tumingin naman siya sa taas na parang nag­isip.

"Dapat daw ulitin mo lahat. Especially yung last part." sinuntok ko nga sa tiyan niya,"Ow! Nah, you don't have 
to repeat it, narinig ko lahat. And I'm serious about my answer! I've always been..."

Umakbay naman siya sa akin at humarap na kami doon sa mga tao sa likuran namin. Nakatingin pala silang 
lahat sa direksiyon namin kahit na malayo sila.

"Oh yeah, we have a competition to win.""It's kinda' late for that. We forfeit.""Says who? Nah.. I'm going to 
talk to them. Competition rule: No one can forfeit but the captain. You're not the captain?!?"

So.. may chance pa nga pala para sa amin. Kanina lang pakiramdam ko pasan ko na yung mundo, pero ngayon, 
kalahati na lang. Meron pa kasi akong hindi alam eh.

"And.. after ng competition.. we need to talk."

Tumango lang din ako sa kanya.

Ganun nga yung nangyari. Kinausap niya yung isa sa mga staff ng contest at ewan ko kung ano yung sinabi 
niya at nabalik kami sa competition. Katulad nga nung sinabi ko kanina, we lost the game. 1st runner up lang 
kami. Well, unang laban naming apat eh 1st runner up na kami. Yung mga nag­champion, 3 years in a row na 
raw na hindi nananalo. Well.. it's ok! Now  that I feel good, I can accept everything as a mere OK.

Nagsama­sama kaming lahat at kumain kami doon sa isa sa mga mamahaling restaurant. Of course, treat ng... 
well, Mommy naming magkakapatid. We agreed to call her MOMMY since yun yung nakasanayan niya for 
almost 16 years at si Tatay naman as Tatay. Dumating din yung parents nila Ash at naka­white pa sila parehas 
galing sa hospital.
Overall, it was an awesome day. Nag­usap din kami ni Ash tungkol sa side niya sa story of the past para naman 
maliwanagan na ang lahat. Well, I can't remember his exact words, but it's something like this.

"Lawrence and I had a very huge fight that day. Hindi ko alam ano yung pinag­awayan namin. Was it the  
beach ball? or the soccer ball? I can't remember. Basta bola."yeah... sabi ko nga eh hindi ko matandaan yung 
every detail nung nagkwento siya."He ran away.""He ran away dahil nag­away kayo sa bola?!?" hindi ba ang 
babaw naman nun?

"Nah. He ran away because Dad said something really bad about him." seryoso pa siya niyan.

Sinuntok ko siya sa braso niya.

"Eh paano napunta yung bola doon sa story kung hindi naman relevant?""Ang sakit nun ah! Relevant yun kasi 
na­guilty ako. Nawawala kasi siya nun mag­iisang araw na. Syempre, bata pa ako. Kinuha ko yung bike niya... 
para hanapin siya."tinignan ko lang siya tapos tumawa ako, "Not a word from you Chris!" binawalan pa niya 
ako. "Wala pa akong bike phonia nun. So I looked for him sa every possible place I could think of, pero wala 
talaga siya. Medyo nalulungkot na ako nun dahil hindi ko siya makita. Then I heard some girl screaming. I 
wonder who?!?"

Sa lahat ng nagkwento sa akin tungkol sa nakaraan, siya lang ang dinaan lahat sa biro.

"Yeah right it's me.""Tapos nun, nag­bike ako syempre kung saan galing yung sigaw. Tapos pagdating ko doon 
sa lugar, nakita kong may tumatakbo. Nakita ko rin si Lawrence, duguan na siya." huminto na siya 
nun, "Yumuko ako para tulungan siya, doon ko nakita yung locket mo. Siguro nahulog mo or something."

Napaisip din ako.

"Yeah, siguro nga. Nawala ko kasi nung araw na yun eh.""Ayun nga, nakuha ko yung locket mo. Thinking na 
ikaw yung sumigaw kanina, hinabol kita gamit yung bike ni Lawrence. Para saan? Par mag­thank you at para 
isoli yung locket mo."

Naguluhan naman ako doon.

"Teka­teka, naiintindihan ko yung 'soli­the­locket­part', pero bakit may 'thank­you­part' pa?""Thank you dahil 
kung hindi ka sumigaw, hindi ko siya siguro nakita that day. And thank you dahil kung hindi siya nakita nun, 
he's probably dead by now.""Pero hindi mo pa naman alam yun!""I'm a kid that time chris! So iniisip ko na 
baka namatay na nga siya or what." tapos tinuloy niya yung kwento niya, "Back to the story. Hinabol nga kita. 
Dahil nga nagmamadali ako at malaking bike yung gamit ko, I crashed doon sa katapat na bahay na ang bakod 
eh barbed wires. That's how I got..." tinaas niya yung sleeve ng t­shirt niya, "This.""Ooh. Kaya pala may­scar 
ka sa braso mo.""Kaya ngayon, TECHNICALLY, kasalanan mo na naman bakit ako nagkasugat at nagka­bike 
phobia. Kung hindi mo hinulog yung locket mo, hindi kita hahabulin at hindi rin mangyayari yun.""Ok fine 
kasalanan ko po.. sir!""And technically," hay ang hilig niya dun! "Kung hindi dahil sa iyo hindi rin siguro tayo 
magkausap ngayon."
Yeah, he's probably right about that.

"Ayun nga, ang nangyari eh.. dinala namin si Lawrence sa hospital.. kasama ako... and.. THE END."

Napanganga na lang ako sa kanya. The End daw? Hindi yata tama yun!

"Nope.. hindi ka pa tapos. May MGA tanong pa ako." hinawakan ko siya sa braso niya.

"Mga?!?" nagtataka na siya nun.

"Yeah Mr. Valdez. Unang­una, ano yung mga pinagkukuwento mo tungkol sa akin sa nanay ko at kay 
Lawrence?""Sa Nanay mo? Wala. Bagay­bagay tungkol sa iyo. Kinausap ko siya na alam ko na lahat. Sinabi ko 
nga na ikaw yung anak niya since ayaw ni Shalyna. Hindi pa alam ni Shalyna na alam ko nun. Remember nung 
nag­date tayo at gusto kong ipakilala ang daddy ko sa iyo? Alam ko nandun si Mrs. Salinas kaya gusto kong 
makilala mo siya. Kaya nga tinatanong kita kung Ok na ok siya sa iyo. As for Lawrence..." ngumiti naman siya 
nun, "That's guy stuff.""I don't wanna' hear about it." nag­isip naman ako, "Paano mo sinabi lahat­lahat kay 
Shalyna? Bakit sinabi mo yung deal? Bakit ka nangako sa tatay ko? Bakit din­­""Hey.. hey.. hey.. isa lang ako! 
one at a time!" hininto naman niya ako, "Paano ko sinabi lahat kay Shalyna? Well, nung gumawa tayo ng 
project, sinabi ko na sa kanya na alam ko na yung tungkol sa mom niyo. Nagulat siya syempre, pero niliwanag 
ko na sa kanya na makakabuti na magkaayos kayo. She cried a little bit. Pinigilan niya dahil ayaw niyang 
ipakita sa inyo. Kaya niyakap ko siya. Pinakita ko rin yung locket sa kanya, ewan ko lang kung na­realize niya 
na locket nga yun."

Naghintay naman ako sa kanya na ituloy niya. Nakapamewang na ako.

"Tinanong ko rin siya about doon sa allergies mo before nung pageant. Kung may kinalaman ba siya doon. 
And, NO, wala siyang kinalaman. Ang instructions niya doon sa cook nila, isda ang ilagay.. hindi CRABS. So, 
awayin mo yung cook...cook.. NIYO."natwa naman ako doon sa term niya, "Bakit ko sinabi yung deal sa 
kanya? I have to. Gusto ko ipakita sa kanya na ayaw mong masaktan siya. Na pinoprotektahan mo siya. 
Remember ikaw yung nakiusap na huwag ko nang ituloy lahat? I told her that. She softened up a bit. Or maybe 
alot." ngumiti na naman siya, "About your Dad, nangako ng ako sa kanya. Sabi niya huwag ko daw sasabihin sa 
iyo dahil tiyak magkakagulo lahat. What he meant by that is, baka kung may pamilya na yung nanay mo, which 
is true, at malaman, baka masira lang. Nag­protest naman ako nun, pero pinilit niya akong mangako. Kaya 
hindi ko sinabi sa iyo."

Natigilan naman ako. May tanong pa ba ako?

"Any more questions?" tinaas niya yung dalawang kamay niya.

"How about R­13 at the back of the contract?!?"

Pagkatapos kong tanungin yun, tumawa talaga siya ng malakas.
"The first time I saw you, you're a girl! Ok?!? Kaya nga nung nagkaroon tayo ng deal, there's a big possibility 
that a guy would fall for a girl. I'm just... being ready for the consequences. Eh alam ko na hindi ka papayag 
dun, kaya nilagay ko sa likod. Pumirma ka naman eh, kaya umagree ka."

Wow. He's so smart. Hindi ko maiisip lahat yun sa isang simpleng deal lang.

"Oo nga pala, mali yung naka­print na name sa trophy natin. Nilagay nila R­13. As usual, parehas na naman 
kayo ng basa. Yung R­B.. ayun. Mas appropriate naman eh. After all, hindi naman lalaki lahat. Time for a 
change.""Teka nga may tanong pa ako!""What?!?" hindi niya rin inaasahan.

"Why did you run away nung pageant?""Because I'm scared that you wouldn't change your mind. And that I'm 
scared to lose you because..." tumigil din siya, "You know that already."

Ngumiti siya sa akin. Tapos nag­lean siya para ibulong yung katuloy.

Well.. alam ko alam niyo na yung karugtong nun.

And that's what REALLY happened that day. Kinda' tricky huh?!? Ako rin eh. I didn't know that events could 
turn up side down.

***

What's Missing 'til the End?

Bigla na lang may bumato ng bola sa amin. Ang sakit nga eh, tinamaan ako sa ulo.

"Yo LOVEBIRDS! Kanina pa kayo magkasama diyan! Volleyball tayo!" si Kuya Christian nga pala yun, binato 
kami ni Ash dahil nandito kami nasa gilid.

Nasa beach nga pala kami ngayon. And, there's a big event happening right now.

Kanina kasing umaga eh bigla na lang akong nahulog sa kama nung may horn ba naman na malakas sa kwarto 
ko. It turned out to be my brothers, my mom, my dad and my sister. They were like... : 'HAPPY SWEET 
16 CHRIS!"

Yep.. it's my birthday. And if it's my birthday... so as...

"Happy sweet 16 bro!" sabi ni Lawrence kay Ash na kanina pa niya inaasar na sweet 16 din niya.

Kinilabutan naman siya Ash. Yep, it's really sept. 20 today!
"Grabe, kanina pa ko kinikilabutan sa sweet 16 na yan. It's enough that it's a girl thing ok? Happy birthday na 
lang ok na. Ang masaklap pa, nag­trumpet siya sa kwarto ko kanina kasama si Mommy at Daddy at may 
homemade banner siya na pang­asar sa akin na nakalagay eh Happy Sweet 16. Ganyan talaga yang si 
Lawrence."

Parang pinagkaisahan kami ng mga pamilya namin ah! Yun ba ang reason kung bakit kami nandito ngayon sa 
beach at sama­sama?

Well.. YEAH. It's like a ONE HUGE FAMILY. Nandito rin yung family ni Chester. Si Kian and Ben pati yung 
family nila. Cool huh?!?

Para nga pala sa mga nahuhuli na sa balita, Chester's courting my one and only sister Shalyna. Wow! A total 
blast. Nung natulog nga ako sa kwarto ni Shalyna, panay ang kwento niya kay Chester. Ako naman... still the 
same old Chris. Or not.

Kapag may sister ka kasi na girl na girl, hindi siya papayag na magsuot ako ng mga large na shirt. So this time, 
medium na lang. I'm kinda' in touch of my feminine side now. Mas bagay daw kasi sa akin kaysa boyish side 
ko.

Syempre dahil gabi na, nagkaroon naman ng basaan. Ang ginaw ang ginaw nga eh. Nagkaroon pa kami ng 
game sa beach. Well, kakampi ko si Ash. kakampi ni Shalyna si Chester, kakampi ni Lawrence si Nathalie, at 
yung dalawang kuya ko eh Judge lang. Alam niyo na siguro yung game na yun. Knock yourselves up. Dahil 
nga nakaupo ako sa balikat ni Ash, at ganun din yung dalawa... natalo pa rin kami.

Ang nanalo? Sina Lawrence. Nakainom pa nga ako ng tubig dagat dahil pabaliktad ako nahulog. Kaya ayun, 
nag­panic si Ash. Hindi naman ako nalunod. Nakainom lang.

One shocking news nga pala, Ash and I are together.... TODAY. I don't know, birthday gift sa isa't isa? 
CORNY... but true.

Bago pa nag­twelve nun, tinawag kami ni Mommy at ni Tatay. Katulad ng mga nangyayari sa amin ngayong 
araw, mukhang nagkakaayos na rin ang dalawa. I hope so! May regalo kasi sila sa amin eh.

"Ok, may regalo kami para kay Ash and Chris. Oh... sabit syempre si Shalyna and Chester."

Sabay­sabay kaming nagtinginang apat.

"I know it's kinda' early for this but, I bought a small apartment malapit sa university kung saan kayo papasok. 
And all four of you can live together!""SHUT UP MOM!" nagulat din si Shalyna kaya sinabi niya yun pero 
pabiro lang. "Oh My God!"

Nagtatatalon kaming dalawa. Yung dalawang lalaki, dahil nga lalaki, normal lang ang mga kilos. Hindi naman 
sila katulad nung mga girls na... alam niyo na.. MAIINGAY.
"Yeah.. sama­sama kayo. But promise us, NO CRAZY STUFFS.""Nope.""NO DANGEROUS 
STUFFS.""Nope.""No drinking.""Nope.""No smoking.""Nope."

Hindi naman nakikinig si Chester at si Ash. Nakatayo lang silang dalawa doong gilid at akala mo may sariling 
mundo.

"And you two, take care of our daughters." sabi naman ng tatay ko.

"Nope."

Binatukan nga naming dalawa ni Shalyna. Saka lang sila natauhan.

"What? Nangangako nga 'di ba? Ano ba yung sinabi?"

Sabi sa inyo eh, hindi sila nakikinig. Nakigaya lang din sila sa sagot namin ni Shalyna.

Well, what can I say. I have the best family in the world, the best of friends.. the best of everything. There's 
only one mystery left to me: Lawrence.

Whatever happened to him that day kaya siya nagkaroon ng head injury at blood clot sa brain, walang 
nakakaalam. But lately, sumasakit na naman ang ulo niya at may naalala na siyang baseball bat or something. 
Kung maalala niya man yun... time will tell.

We have our own apartment. Sama­sama kaming apat? How cool is that? Nag­devise nga pala kami ng plano ni 
Shalyna. CERTAIN RULES. This time.. it's up to 20.

Nahihilig na rin mag­bonding yung dalawang lalaki. Nagbabasketball sila, at si Ash eh tinuturuan si Chester 
mag­skateboard. Pinakita namin sa kanila yung magiging future rules sa apartment since 4th year high school 
pa lang kami ngayon. Tinignan lang nilang dalawa at sabay pa silang sumagot ng: 'Oh.. greatjob girls.'[/i] Pero 
hindi naman nila binasa yung rules namin. Pumirma lang din naman sila.

"Sinabi lang namin great job kahit hindi. Pasalamat kayo mahal namin kayo!"

Binato nga namin sila ng unan.

Nagtawanan lang kami ni Shalyna. Tinago namin yung contract rules na bago. 20 Rules. Katulad nga ng sinabi 
ko... WHAT'S MISSING 'TIL THE END??? R­13. After nung R­12, R­14 na kaagad. Hindi man lang 
napansin nung dalawang boys.

And right now... it's like we're starting... AGAIN. A whole new one.

Hindi naman na namin kailangan isulat siguro yun.. after all...
R­13's always here. *points at my heart*. ALWAYS.

You might also like