You are on page 1of 2

Proseso ng Pananaliksik

Saligan ng pag-aral :

Binigbigyang-daan sa introduksyon ang maalwang pagdaloy ng kaisipan tungo sa paksa at


layunin. Kailangang maging maliwanag at maikli ang mga pambungad. Hindi dapat maging mahaba pa ito
kaysa sa paksang talakay.

Layunin ng pag-aaral:

Ano ang gustong malaman o matuklasan sa iyong pananalisik.

Pagpapahayag ng suliranin:

Kailangan hindi pang-karaniwan, may interes ang mag-aaral ,may kahalagahan ito sa sa
estudyante , at maging sa ibang tao o institusyon. Ang paglalahad ng suliranin ay maaring isaayos sa
pamamagitan ng patanong o paturol na pangungusap. Kailangan lamang na maging tiyak , maliwanag at
hindi masaklaw. Hanggat maari, kailangan makapukaw ito ng interes at may tiyak ding katagunan.

Lawak at sakop ng pag-aaral :

Dapat ay ispisipiko at naglalayon na I-pokus ang atensyon ng sumusulat sa pinakapaksa.

Pagbibigay katuturan sa mga katagang ginamit sa pag-aaral:

Binibigyang paliwanag o pakahulugan ang mga mahahalagahang salitang ginamit ng


mananaliksik. Isang mabisang paraan ito sa pagpapadali ng unawa ng kabuuan.

Kahalagahan ng pag-aaral :

Ano ang magiging kontribusyon ng inyong pananaliksik sa sarili, kapwa, lipunan, pamahalaan at
bayan. Kailangan tuwirang makapag-ambag ito ng mahalagang kabatiran at dagdag na kaalaman para sa
nakaraan, ngayon at hinaharap.

II. Mga kaugnay na pag-aaral:

Ilalahad sa kabanatang ito ang balik-aral ng mga kaugnay na literature ng mga naisagawang
pagsisiyasat . Sa mga nalikom na pag-aaral at mga literature masasalig ang kasalukuyang saliksik at
basehan ng rekomendasyon at konklusyon.

III. Metodolohiya:

Dito nakasaad kung papaano ikaw, bilang manananaliksik ay magkakalap ng mga datos para
iyong pag-aaral. Maari kang gumamit ng pakikipanayam, surbey, magbasa libro, empirical obserbasyon,
at magbasa ng libro at marami pa.

IV. Paglalahad , pagsusuri at pagpapakahulugan ng datos:

Sa paglalahad, maaring talakayin ng mananaliksik ang bawat himaymay ng mga nakuhang tala
upang higit na maging maliwanag ang presentasyon nito sa mga babasa.
Sa pagusuri at pagpapakahulugan ng mga datos, nais ng sumusulat na ilahad ang katotohanan
mula sa mga kagamitang inilalarawan batay sa layunin ng pag-aaral . SA kabanatang ito nabubuo ang
kalahatan o dyeneralisasyon o panuntunang nais iparating. Kung may nais naming sukatin, ditto rin
makikita ang istadistika, figura o talahanayan na siyang batayan ng pag-susuri at pagpapakahulugan.

V. Lagom ng natuklasan, konklusyon at rekomendasyon:

Ito ang pangwakas na bahagi na katatagpuan ng pinakabuod ng pag-aaral. Muling pinalilitaw ditto
ang mga natuklasan ayon sa paksang inilahad. Batay sa mga natuklasan ito, napag-iisa ang nabuong
konklusyon para sa pangkalahatang dyeneralisasyon.

Maarin ilahad ng mananaliksik ang kanyang mga natuklasan sa pamamagitan ng mga Kritisismo,
rekomendasyon o antas ng tagumpay na natamo ng pagsisiyasat. Ang natapos na pag-aaral ang
magiging lunsaran ng iba pang mananalaiksik para sa mas malalim at malawak na pag-aaral.

You might also like