Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more
Download
Standard view
Full view
of .
Save to My Library
Look up keyword
Like this
1Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
Mga sawikain

Mga sawikain

Ratings: (0)|Views: 107 |Likes:
Published by Ana Mae Diongson

More info:

Published by: Ana Mae Diongson on Jan 17, 2011
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

01/17/2011

pdf

text

original

 
MGA SAWIKAIN 
Ang sawikain o idioma ay salita o grupo ng mga salitang patalinhaga ang  gamit.Ito'y ay nagbibigay ng di tuwirang kahulugan.ahas----taksil; traidor Halimbawa: Sa kabila ng mga kabutihan niya sa kanyang pamangkin, si Gavina ay isa pa lang ahas.anak-dalita---mahirap Halimbawa: Magsikap kang mag-aral kahit ikaw ay anak dalita.alilang-kanin---utusang walang batad, pakain lang, pabahay at  pakain ngunit walang suweldo.Halimbawa: "Mga anak, huwag kayong masyadong maging masungit sa katulong natin. Alam naman ninyo na siya ay alilang-kanin lang." balitang-kutsero---balitang hindi totoo o hindi mapanghahawakan.Halimbawa: Huwag kayong magalala, hindi basta naniniwala ang Boss namin sa mga balitang-kutsero.balik-harap---mabuti ang  pakikitungo sa harap ngunit taksil sa likuran.Halimbawa: Mag-ingat sa mga taong balik- harap. Sila'y hindi magiging mabuting kaibigan.Bantay-salakay---taong nagbabait-baitan Halimbawa: Sa alinmang uri ng samahan,may mga taong bantay-salakay.basa ang papel---bistado na Halimbawa: Huwag ka nang magsinungaling  pa.Basa na ang papel mo sa ating  prinsipal na si Ginang Matutina.buwaya sa katihan---ususera,nagpapautang na malaki ang tubo Halimbawa: Maging masinop ka sa buhay,mahirap na ang magipit. Alam mo bang maraming buwaya sa katihan na lalong magpapahirap kaysa makatulong sa iyo? bukal sa loob---taos puso tapat Halimbawa: Bukal sa loob ang anumang tulong na inihahandog ko sa mga nangangailangan.busilak ang puso---malinis ang kalooban Halimbawa: 
 
D
ahil busilak ang puso ng batang si Arnel, siya ay pinarangalan at binigyan ng medalya ng  pamunuan ng Cebu.di madapuang langaw--- maganda ang bihis Halimbawa: Wow!Parang di madapuang langaw si Terso sa suot nitong toxedo.di makabasag-pinggan--- mahinhin Halimbawa: Sa tingin palang, tila di makabasag-pinggan ang kapatid ni Nestor na si Nena.hampaslupa---lagalag, busabos Halimbawa: Lagi kang lamam ng lansangan, para kang hampaslupa.haligi ng tahanan---ama ilaw natahanan---ina Halimbawa: Ang ama, bilang haligi ng tahanan ay dapat natin igalang.Ang ina naman, ay itinuturing na ilaw ng tahanan, ay dapat nating mahalin.isang kahig, isangtuka--- kakarampot na kita na hindi makasapat sa ibang  pangangailangan Halimbawa:Karamihan sa ating kababayan ay isang kahig, isang tuka ang kalagayan ng buhay.itaga sa bato---tandaan Halimbawa: Ang masasamang bagay na  ginawa mo sa itong kapwa,gaano man kaliit, ay muling babalik sa iyo sa ibang paraan, itaga mo sa bato.itim na tupa---masamang anak Halimbawa: Sa isang tahanan may  pagkakataong isa o dalawang anak ang nagiging itim na tupa.kalapating mababa ang lipad--- babaing nagbibili ng aliw,babaing puta Halimbawa: Maraming kalapating mababa ang lipad ang nakatayo sa gilid ng sinehan ng Odeon sa Sta. Cruz,Manila.kakaning-itik---walang gaanong halaga, hindi maipagpaparangalan Halimbawa: Talagang mahirap ang walang  pinag-aralan. Tumanda na sa  pagtratrabahoang anak ni Mang  Julio ngunit kakaning-itik pa rin 
 
ang kinikita.kapit-tuko---mahigpit ang hawak Halimbawa: Kapit-tuko ang secretarya sa kanyang posisyon kahit na nalulugi ang kompanya at malapit ng magsara.kidlat sa bilis---napakabilis Halimbawa: Ang action star na si Cesar Montano ay kidlat sa bilis kung ang pinag-uusapan ay ang nga  ginagawa niyang action movies.kilos-pagong---makupad,mabagal Halimbawa: Mahuhuli na tayo sa General Meeting kilos pagong ka kasi.luha ng buwaya---hindi totoong nag-dadalamhati, pakitang taong  pananangis Halimbawa: Huwag kang maniwala sa kanyang pananangis sa kamatayan ng mayaman ngunit masakitin niyang bana. Iyan ay luha ng buwaya.(Ang "bana" ay salitang Cebuano na ginagamit na ngayon sa Wikang Filipino na ibig sabihin ay "mister o asawang lalaki") Mahangin ang ulo----mayabang Halimbawa: Mula nang manalo sa Lotto ang dating hardinero ay naging mahangin ang ulo ng mga anak nitong lalaki.matalas ang ulo---matalino Halimbawa: Matalas ang ulo ni Cristina kaya nagtapos siya nang may karangalan Valedictorian at Magnacum Laude.mahina ang loob---duwag Halimbawa: Ang taong mahina ang loob ay kailangan umiwas sa mga kaguluhan upang hindi manganib ang buhay.malakas ang loob---matapang Halimbawa: Malakas ang loob nung pulis na lumaban at nakapatay ng apat na holdaper sa loob ng  pampasaherong dyip.makapal ang bulsa---mapera Halimbawa: Kilalang matagumpay na negosyante ang ama ni Renan kaya hindi nakapagtataka kung si Renan ay laging makapal ang bulsa.makapal ang palad---masipag Halimbawa: 

You're Reading a Free Preview

Download
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->