Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more ➡
Download
Standard view
Full view
of .
Add note
Save to My Library
Sync to mobile
Look up keyword
Like this
3Activity
×
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
ANG KALUPI

ANG KALUPI

Ratings: (0)|Views: 622|Likes:
Published by RUZCHEMISTRY

More info:

Published by: RUZCHEMISTRY on Jan 19, 2011
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as PDF, DOCX, TXT or read online from Scribd
See More
See less

01/06/2013

pdf

text

original

 
ANG KALUPIni Benjamin P. PascualMataas na ang araw nang lumbas si Aling Marta sa bakuran ng kanilang maliit na barung-barong. Aliwalawasang kanyang mukha: sa kanyang lubog na mga mata na bahagyang pinapagdilim ng kanyang malalagong kilayay nakakintal ang kagandahan ng kaaya-ayang umaga. At sa kanyang maninipis na labi, na bahagyang pasok sa pagkakalapat at maputla, ay naglalaro ang isang ngiti ng kasiyahan. Araw ng pagtatapos ng kanyang anak nadalaga; sa habing iyon ay tatanggapin nito ang diploma bilang katunayang natapos niya ang apat na taonginilagi sa mataas na paaralan. Ang sandaling pinakahihintay niya sa mahaba-haba rin namang panahon ng pagpapaaral ay dumating na: ang magkaroon ng isang anak na nagtapos sa high school au hindi na isang maliitna bagay sa isang mahirap na gaya niya, naisip niya. Sa mapangarapin niyang diwa ay para niyang nakikita angkanyang anak na dalaga sa isang kasuotang puting-puti, kipkip ang isang libro at nakangiti patungo sa lalo pangmataas na hangarin sa buhay, ang makatapos sa kolehiyo, magpaunlad ng kabuhayan at sumagana. Maaaring balang araw ay magkaroon din siya ng mamanuganing may sinasabi rin naman. Nasa daan na siya ay para paniyang naririnig ang matinis na halakhak ng kanyang anak na dalaga habang paikut-ikot nitong isinusukat saharap ng salamin ang nabuburdahang puting damit na isusuot sa kinagabihan. Napangiti siyang muli.Mamimili si Aling Marta. Bitbit ng isang kamay ang isang pangnang sisidlan ng kanyang pamimilhing uulamin.Habang daan, samantalang patungo sa pamilihang-bayan ng Tundo, ay mataman niyang iniisip ang mga bagayna kanyang pamimilhin. Hindi pangkaraniwan ang araw na ito at kinakailangang magkaroon silang mag-anak ng hindi pangkaraniwang pananghalian. Bibili siya ng isang matabang manok, isang kilong baboy, gulay na panahog, at dalawang piling ng saging. Bibili rin siya ng garbansos. Gustung-gusto ng kanyang magtatapos naanak ang minatamis na garbansos.Mag-iikasiyam na ng dumating siya sa pamilihan. Sa labas pa lamang ay naririnig na niya ang di-magkamayawna ingay na nagbubuhat sa loob, ang ingay ng mga magbabangos na pakanta pang isinisigaw ang halaga ngkanilang paninda, ang sali-salitang tawaran ng mga mamimili. Linggo ng umaga at ang palengke ay siksikan. Saharapan niya piniling magdaan. Ang lugal ng magmamanok ay nasa dulo ng pamilihan at sa panggitnanglagusan siya daraan upang magdaan tuloy sa tindahan ng mga tuyong paninda at bumili ng mantika. Nangdumating siya sa panggitnang pasilyo at umakmang hahakbang na papasok ay siyang palabas na humahangosng isang batang lalaki, at ang kanilang pagbabangga ay muntik na niyang ikabuwal. Ang siko ng bata aytumama sa kanyang kaliwang dibdib.³Ano ka ba?´ ang bulyaw ni Aling Marta. ³Kaysikip na nga ng daraanan ay patakbo ka pa kung lumabas!´Ang bata ay nakapantalon ng maruming maong na sa kahabaan ay pinag-ilang lilis ang laylayan. Nakasuot itong libaging kasimeta, punit mula sa balikat hangang pusod, na ikinalitaw ng kanyang butuhan at marumingdibdib. Natiyak ni Aling Marta na ang bata ay anak-mahirap.³Pasensiya na kayo, ale,´ ang sabi ng bata. Hawak nito ang isang maliit na bangos±tagbebeinte, sa loob-loob niAling Marta. Ang bata ay takot na nakatingin sa kanya. ³Hindi ko ho kayo sinasadya. Nagmamadali ho ako, e.´³Pasensiya!´ sabi ni Aling Marta. ³Kung lahat ng kawalang-ingat mo ay pagpapasensiyahan nang pagpapasensiyahan ay makakapatay ka ng tao.´Agad siyang tumalikod at tuluy-tuloy na pumuasok. Paano¶t paano man, naisip niya, ay ako ang hulingnakapangusap. Higit kong daramdamin kung ako na itong nagawan ng di-mabuti ay sa kanya pa manggagalingang huling salita. Mataman niyang inisip kung may iba pang nakakita sa nangyari. Marahas ang kanyang pagkakapagsalita sa bata at maaaring may kakilala siya na nagdaraan na nakarinig sa kanyang mga sinasabi.Dumating siya sa tindahan ng mga tuyong paninda at bumuli ng isang kartong mantika.
 
 ³Tumataba yata kayo, Aling Godyang,´ ang bati niya sa may kagulangan nang tindera na siyang nakaugaliang bilhan. Nakatangi siya at ang babae ay ngumiti rin.³Tila nga ho,´ ani Aling Godyang. ³Tila ho nahihiyang ako sa pagtitinda.´ Natawa si Aling Marat at pagkaraan ay dumukot sa bulsa ng kanyang bestido upang magbayad. Saglit nanangulimlim ang kanyang mukha at ang ngiti sa maninipis niyang labi ay nawala. Wala ang kanyang kalupi! Napansin ng kaharap ang kanyang anyo.³Bakit no?´ anito.³E ... e, nawawala ho ang aking pitaka,´ wala sa loob na sagot ni Aling Marta.³Ku, e, magkano ho naman ang laman?´ ang tanong ng babae.³Ang tanda niyang laman ng kanyang kalupi ay pitumpong piso na siyang bigay na sahod ng kanyang asawanang sinundang gabi, Sabado. Ngunit aywan ba niya kung bakit ang di pa ma¶y nakikiramay nang tono ngnagtatanong ay nakapagpalaki ng kanyang loob upang sabihin, ³E, sandaan at sampung piso.´ Nanatili siya sa pagkakatayo nang ilang saglit, wari¶y tinakasan ng lakas, nag-iisip ng mga nakaraang pangyayari. Mayamaya ay parang kidlat na gumuhit sa kanyang alaala ang gusgusing batang kanyangnakabangga. Tumama ang siko nito sa kanyang dibdib, sa kanyang katawan! Dali-dali siyang tumalikod at patakbong lumabas. Hindi pa marahil iyon nakalalayo; may ialng sandali pa lamang ang nakararaan. Inisip niyakung ang kasuotan nito na maaari niyang pagkilanlan, ang tabas ng mukha, ang gupit, ang tindig. Sa labas, saharap ng palengke na kinaroroonan ng ilang tindahang maliliit at ng mangilan-ngilang namimili at mga batang panakaw na nagtitinda ng gulay, ay nagpalinga-linga siya. Patakbo uli siyang lumakad, sa harap ng mga bilaong gulay na halos mayapakan na niya sa pagmamadali, at sa gawing dulo ng pusisyon, na di-kalayuan sanatatanaw niyang karatig na outpost ng mga pulis, ay nakita niya ang kanyang hinahanap. Nakatayo ito sa harapng isang bilao ng kangkong at sa malas niya ay tumatawad. Hindi siya maaaring magkamali: ang wakwak nakamiseta nito at ang mahabang pantalon na wari¶y salawal ding ginagamit ng kanyang ama, ay sapat nang palatandaan upang ito ay madaling makilala. At ang hawak nitong bangos ng tigbebeinte.Maliksi siyang lumapit at binatak ang bata sa liig.³Nakita rin kita!´ ang sabi niyang humihingal. ³Ikaw ang dumukot ng pitaka ko, ano? Huwang kangmagkakaila!´Tiyakan ang kanyang pagkakapagsalita; ibig niyang sa pagkalito ng bata sa pag-aappuhap ng isasagot aymasukol niyang buung-buo. Ngunit ang bata ay mahinahong sumagot:³Ano hong pitaka?´ ang sabi ng bata. ³Wala ho akong kinukuhang pintaka sa inyo.´³Anong wala!´ pasinghal na sa abi ni Aling Marta. ³Ikaw nga ang dumukot ng pitaka ko at wala nang iba.Kunwa pa¶y binangga mo ako, ano, ha? Magaling, magaling ang sistema ninyong iyan. Kikita nga kayo rito sa palengke.´
 
 Marami nang nakapaligid sa kanila, mga batang nagtitinda, lalaki at babaing mamimili. Hinigpitan ni AlingMarta ang pagkakahawak sa liig ng bata at ito¶y pilit na iniharap sa karamihan.³Aba, kangina ba namang pumapasok ako sa palengke, e, banggain ako,´ ang sabi niya. ³Nang magbabayad naako ng pinamili ko¶t kapain ko ang bulsa ko, e, wala nang laman!´³Ang mabuti ho¶y ipapulis ninyo,´ sabing nakalabi ng isang babaing nakikinig. ³Talagang dito ho sa palengke¶ymaraming naglipanang batang gaya niyan.¶³Tena,´ ang sabi ni Aling Marta sa bata. ³Sumama ka sa akin.´³Bakit ho, saan ninyo µko dadalhin?´³Saan sa akala mo?´ sabi ni Aling Marta at pinisil ang liig ng bata. ³Ibibigay kita sa pulis. Ipabibilanggo kitakapag di mo inilabas ang dinukot mo sa akin.´Pilit na nagwawala ang bata; ipinamulsa niya ang hawak na bangos upang dalawahing-kamay ang pag-aalis samabutong mga daliri ni Aling Marta na tila kawad sa pagkakasal sa kanyang liig. May luha nang nakapamintanasa kanyang mga mata at ang uhog at laway ay sabay na umaagos sa kanyang liig. Buhat at sa likuran ng mgamanonood ay lumapit ang isang pulis, na tanod sa mga pagkakataong tulad niyon, at nang ito ay malapit aysinimulan ni Aling Marta ang pagsusumbong.³Nasiguro ko hong siya dahil sa, nang ako¶y kanyang banggain, e, naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking bulsa,´ patapos niyang pagsusumbong. ³Hindi ko lang ho naino kaagad pangkat ako¶y nagmamadali.´Tiningnang matagal ng pulis ang bata, ang maruming saplot nito at sinimulang mangapkap. Sa bulsa ng bata, nasa pagdating ng pulis ay tuluyan nang umiyak, au lumabas ang isang maruming panyolito, basa ng uhog attadtad ng sulsi, diyes sentemos na papel at ang tigbebeinteng bangos.³Natitiyak ho ba ninyong talaga na siya ang dumukot ng inyong pitaka?´ ang tanong ng pulis kay Aling Marta.³Siya ho at wala nang iba,´ ang sagot ni Aling Marta.³Saan mo dinala ang dinukot mo sa aling ito?´ mabalasik na tanong ng pulis sa bata. ³Magsabi ka ng tatoo,kung di ay dadalhin kita.´³Wala ho akong dinukot na maski ano sa kanya,´ sisiguk-sigok na sagot ng bata. ³Maski kapkapan ninyo µkonang kapkapan, e, wala kayong makukuha sa akin. Hindi ho ako mandurukot.´

You're Reading a Free Preview

Download
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->