You are on page 1of 4

Ang Epekto ng Kompyuter sa

Study Habits ng mga Mag-aaral ng 3rd year Information Technology sa

De La Salle University – Dasmariňas taong 2010-2011

Isang Proposal na Pananaliksik na Inihaharap sa


Kaguruan ng Kagawaran ng Filipino at Panitikan
Bilang Bahagi ng Pagtupad sa Krusong Fili 102
(Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik)

Daquis, Marielle D.
Dayrit, Karen Mae T.
Dimapilis, Frenzy Jaim C.

Enero 31, 2011


Ayon kay Manali Oak (2008), ang teknolohiya ay ginawang “automated”

ang maraming kritikal na proseso sa larangan ng industriya. Ang mga makina

na ang gumagawa ng mga trabahong ginagawa noon ng mga tao. Ginawa ng

tekonolohiya ang mga makina na kayang gawin ang mga bagay na hindi kaya ng

isang tao lamang. Sa panahon ngayon, masasabing parte na ng pang-araw-araw

na pamumuhay ng bawat isa ang teknolohiya. Nakapaligid na ang iba’t ibang produkto

nito mapa-bahay man, paaralan, o maging sa iba pang pampublikong lugar. Isa na

sa mga nangungunang teknolohiya na masasabing halos nagpapatakbo na ng

buhay ng bawat isa, pangkaraniwan ng mga mag-aaral, ay ang kompyuter.

Masasabing sa iba’t ibang kaparaanan ginagamit ng mga estudyante, sa

ano mang lebel o kurso, ang kompyuter. Ito na kasi ang pinakamadaling paraan

ngayon upang makapanaliksik at makagawa ng mga pangangailangan ng isang

mag-aaral. Ngunit ano nga ba talaga ang naidudulot o epekto ng kompyuter sa

pamamaraan ng pag-aaral o yaong study habits ng mga estudyante? Ito nga ba ay

may naidudulot na negatibo sa kabila ng kapakinabangan nito? Mahalagang

malaman ng bawat isa, lalo na ang mga mag-aaral, ang tunay na epekto ng kompyuter

sa mundo natin ngayon.

Pangkalahatang layunin ng pananaliksik na ito na talakayin at pag-aralan

ang epekto ng kompyuter sa study habits ng mga mag-aaral sa taong 2010-2011.


Layunin din ng pananaliksik na ito na:

1. Alamin ang paraan ng paggamit ng mga mag-aaral sa kompyuter sa kanilang

pananaliksik o pag-aaral;

2. Tukuyin ang mga positibo at negatibong dulot ng kompyuter sa study habits ng

bawat mag-aaral;

3. Suriin kung gaano kahalaga ang kompyuter sa kurso ng mga mag-aaral;

4. Pag-aralan ang kaugalian o nakasanayan ng mag-aaral hinggil sa pansariling

pag-aaral at pag-aaral gamit ang kompyuter; at

5. Magbigay ng kaalaman at mungkahing makatutulong sa tamang pag-angkop ng

mag-aaral sa kompyuter

Gagamit ng pamamaraang deskriptibo o palarawan ang pananaliksik na

ito. Gagamitin ang pamamaraang ito upang pag-aralan ang kasalukuyang sitwasyon ng

mga mag-aaral sa paggamit ng kompyuter at ang nagiging epekto nito sa study habits

ng bawat isa.

Sa kasalukuyang pag-aaral, tatalakayin at susuriin ang mga posibleng

epekto ng kompyuter sa study habits ng mga mag-aaral.

Maaaring kunan ng datos at iba pang impormasyon ang mga sumusunod:

mga libro at artikulo sa mga aklatan, at mga artikulong hango sa Internet.


Mula sa datos na nakalap, nalaman ng mga mananaliksik na:

1. Malaki ang papel na ginagampanan ng kompyuter sa pag-aaral ng mga mag-

aaral

2. Patuloy na lumalaki ang porsiyento ng negatibong epekto ng kompyuter sa study

habits ng mga mag-aaral

3. Mas mabilis makakuha ng impormasyon ang mga mag-aaral gamit ang

kompyuter kaysa sa iba tulad ng mga aklat at artikulo.

You might also like