You are on page 1of 14

1

Kasaysayan
• saysay – katuturan, kabuluhan, kahulugan
• salaysay – kuwento
• samakatuwid, ang kasaysayan ay salaysay hinggil sa nakaraan na may
saysay para sa sariling lipunan at kultura

Alternatibong Paraan ng Pag-aaral ng Kasaysayan

• kinamulatang pag-aaral: Panahong Bago Kolonyalismo


Panahon ng Kolonyalismo
Panahon Pagkatapos ng Kolonyalismo

• ipinahihiwatig na kung walang kolonyalismo ay walang kasaysayan ang


Pilipinas

• alternatibong pamamaraan: pantayong pananaw

• mga panghalip na tayo, sila, kayo, kami (batay sa kung sino ang nag-
uusap at sino ang pinag-uusapan)

1. sinaunang pantayong pananaw


- punto de bista ng iba’t ibang pangkat etniko
- nasa iba’t ibang diyalekto
- sikilikal na pagtingin sa kasaysayan
- awit, epiko, salsila/tarsila

2. pansilang pananaw / pangkayong pananaw


- punto de bista ng mga dayuhan
- nasa wikang banyaga
- bipartite view
a. panahon ng kadiliman
b. panahon ng kaliwanagan

3. pangkaming pananaw
- punto de bista ng mga ilustrado / elite
- nasa wikang banyaga
- tripartite view
a. panahon ng liwanag
b. panahon ng dilim
c. panahon ng muling liwanag

4. makabagong pantayong pananaw


- punto de bista ng mga Pilipino
- nasusulat sa wikang Filipino
- kabilang ang kasaysayan ng “naipapasa-isang tabi”
- gumagamit ng bagong peryodisasyon

PANTAYONG PANANAW
2

A. Pamayanan (250,000 BK – 1588)

- edad ng kagamitang batong natagpuan sa Cagayan


- kaibayuhan ng Islam sa kapuluan

B. Bayan (1588 – 1913)

- pagkakatuklas ng sabwatan sa Tondo na nagpapatag sa


kapangyarihang kolonyal
- pagkakahati ng himagsikan at pagtatatag ng pamahalaang sibil ng
Amerikano sa Mindanao

C. Bansa (1913 – kasalukuyan)

- pagsasaPilipino ng burukrasya, malayang kalakalan


- kasalukuyan

Kasaysayan ng mga “naipapasa-isang tabi”

1. kababaihan at kabataan
2. pangkat etniko
3. Muslim
4. karaniwang tao
5. milenaryong pangkat
6. rebolusyonaryo

* maliban pa sa mga bayani, pinuno at mga kilalang tauhan ng kasaysayan

Mga Agos ng Tradisyong Kultural sa Kasaysayan ng Pilipinas


3

ika-8 ika-16 1821 1899 ca 1910 ca


dantaon dantaon 1960

1.
Tradisyon -------------- -------------- --------------- -------------- --------------- ----------
g - - - --
Aboriginal
2.
Tradisyon -------------- --------------- -------------- --------------- ----------
g Islamiko - - --
3.
Tradisyon --------------- -------------- --------------- ----------
g - --
Hispaniko
4.
Tradisyong -------------- --------------- ----------
Nasyonalist --
a
(Liberal)
5.
Tradisyon --------------- ----------
g --
Amerikan
o
6.
Tradisyong ----------
Nasyonalist --
a
(Sosyalista)
7.
--------

Post-
Modern

hango sa lektura ni Dr. Florentino Hornedo

2 URI NG BATIS
1. pangunahing batis
- isinulat sa panahong naganap ang pangyayari, ng taong may
direktang bahagi o kaalaman sa naganap
2. sekondaryang batis
- batay na lamang sa mga pangunahing batis
- karaniwang makikita sa mga teksbuk
4

MGA BATIS NG KASAYSAYAN

1. kroniko (chronicle) - tala ukol sa mga naganap sa panahong ito ay


nasulat; hindi nito sinusuri ang mga pangyayari

2. talaarawan (diary) – personal na komentaryo, reaksyon at paghuhusga


ukol sa mga kaganapaan/karanasan

3. memoryas (memoirs) – tulad ng talaarawan ngunit naisulat ilang


panahon na ang nakalipas matapos ang pangyayari

4. ulat (report) – pormal na salaysay ng mga kaganapan sa isang


partikular na panahon, matapos ang pangyayari

5. liham (letter) – maaaring personal o opisyal na pakikipagtalastasan

6. mensaheng diplomatiko (diplomatic dispatch) – opisyal na


pakikipag-ugnayan ng mga embahador ng mga bansa

7. inskripsyon (inscription) – maikling pagpapaliwanag na nakaukit sa


mga monumento o larawan; “graffiti” – mga komentaryong panlipunan
ukol sa mga napapanahong isyu

8. talahulugan / balarila (dictionary / grammar) – talaan ng wikang


ginamit ng iba’t ibang pangkat-etniko; kahulugan ng wika sa iba’t ibang
panahon

9. malikhaing pagpapahayag (creative expression) - tukoy ang petsa;


kabilang ang mga bantayog, rebulto, gawang pagpipinta o paglililok,
monumento, musika, panitikan na sumasalamin sa damdamin ng mga tao
sa isang particular na panahon
5

MGA ANTAS NG KASAYSAYAN


1. talambuhay (biography) – ukol sa buhay ng isang tao

2. henealohiya (genealogy) – kasaysayan ng mga pamilya (hal.


tarsila/salsila – talaan ng angkang pinagmulan ng mga Muslim na
nagsisilbing patunay na sila ay nagmula sa lipi ni Mohamad)

3. lokal na kasaysayan (local history) – kasaysayang bayan

4. pambansang kasaysayan (national history) – karaniwang ukol sa


mga naghaharing-uri, mga pinuno

5. kasaysayang pulitikal (political history) – kasaysayan ng mga


partido pulitikal, pamahalaan, saligang batas

6. kasaysayang kultural (cultural history) – halimbawa ay kasaysayan


ng sayaw, pagpipinta, pelikula

7. espesyal na kasaysayan (special history) – kasaysayan ng iba’t


ibang aspeto ng lipunan (hal. sakit, krimen, pagsasaka) o ng isang
institusyon

8. metahistory – komentaryo ukol sa mga nasusulat na tala sa kasaysayan


(makatotohanan ba o hindi, batay bas a ebidensya, ano ang ginamit na
paraan sa pagsisiyasat)
6

ANG PINAGMULAN NG PILIPINAS

Ang Pangalang Pilipinas


• Las Islas Felipinas ay ibinigay na pangalan ni Ruy Lopez de Villalobos
noong 1543 bilang parangal kay Prinsipe Felipe ng Asturias sa kalauna’y
naging Haring Felipe II
• tinawag na Philippine Islands noong panahon ng Amerikano

• pinasinayaan bilang Republika ng Pilipinas noong 1946


• tinawag ding
o Ma-yi / Mai ng Dinastiyang Sung (ikatlong siglo BK) ayon sa tala ni
Chau-Ju-Kua
o Archipelago de San Lazaro ni Fernando Magallanes
• tinangkang palitan ng Republika ni Rizal (Artemio Ricarte) at Maharlika
(Ferdinand Marcos)
• iba pang taguri : Hiyas ng Silangan, Perlas ng Silangan, Lupa ng Araw,
atbp.

Mga Teorya ng Pinagmulan ng Pilipinas

1. Teoryang Continental Drift


- ang Pilipinas ay bahagi ng nagkahiwa-hiwalay na malaking lupaing Pangaea
na unang nahati sa Laurasia / Lemuria at Gondwana
- ayon kay Alfred Wegener, ang pahihiwalay ay bunga ng puwersang
sentripyugal ng mundo, samantalang para kay Arthur Holmes, ito ay dulot
ng plate tectonics
- pauumpugan ng mga continental plate (Philippine plate, Eurasian plate,
Pacific plate, Indian-Australian plate)

2. Teoryang Asyatiko
- ayon kay Leopoldo Faustino, ang Pilipinas ay nabuo mula sa prosesong
diyastropismo, o paggalaw ng balat ng mundo (folding, faulting, breaking)
7
- sanhi ng lindol
- dahilan ng pagkakaroon ng malalaking ilog at lambakin

3. Teoryang Bulkanismo
- ayon kina Bailey Willis, ang mga pulo ng Pilipinas ay nalikha sa
pamamagitan ng pagputok ng mga bulkan sa ilalim ng dagat
- pauumpugan ng mga plate ay lumikha ng mga kanal o trench na
pinagsibulan ng mga bulkan

4. Teorya ng Tulay na Lupa


- ayon kina Otley Beyer at Jaime de Veyra, noong Panahon ng Yelo
(Pleistocene) ay bumaba ang lebel ng tubig ng 100-160 metro at lumitaw ang
mga tulay na lupa na nag-uugnay sa iba’t ibang pulo at lupa sa Asya (Sunda
Shelf). Nang matunaw ang yelo, muling tumaas ang lebel ng tubig at muling
natakpan ang mga tulay na lupa. Ang mga sumusunod ang ginamit na mga
patunay ng nasabing teorya:
> pagkakatulad ng mga halaman at hayop sa Asya (stegodon, rhinoceros,
elephas)
> pagkakatulad ng anyo ng mga bato
> pagkakaroon ng mababaw na bahagi ng Dagat Tsina sa pagitan ng Asya at
Pilipinas
> pagkakaroon ng napakalalim na bahagi sa gawing silangan ng Pilipinas
(Philippine Deep) na nagpapahiwatig na ang kapuluan ang dulo ng lupalop ng
Asya

PAMBANSANG TERITORYO
Lokasyon
- latitud : 4o 23’ at 20o 14’ hilagang latitud
- longitud : 116o 30’ at 127o 00’ silangang longitud
- hilaga : Taiwan, Bashi Channel
- kanluran : Vietnam, Dagat Timog Tsina
- timog : Borneo, Indonesia, Dagat Celebes
- silangan : Karagatang Pasipiko

Mahahalagang Datos
8
- klima ay mainit dahil malapit sa ekwador
• may halos pantay na haba ng tag-init at tag-ulan
• malalakas na pag-ulan dala ng hanging amihan (northeast monsoon mula
Nobyembre hanggang Marso) at hanging habagat (southwest monsoon mula
Hunyo hanggang Oktubre)
- 7,107 pulo (2,870 may pangalan; 730 tinitirhan)
• pinakadulong pulo : Y’ami (Batanes); Salauag (Sibutu, Tawi-Tawi)
• 11 pinakamalalaking pulo : Luzon, Mindanao, Palawan, Panay, Negros,
Mindoro, Leyte, Cebu, Samar, Bohol, Masbate
- lawak ng teritoryo: 300,000 km2 - lupa
1,800,000 km2 - lupa at tubig
- likas na yaman : ilog (pinakamalalaki ay nasa gawing kanluran at konektado
sa Dagat Tsina), dagat, kabundukan, kagubatan, lupang sakahan
- produktong agrikultural, maritima, mina, kagubatan

Doktrinang Pangkapuluan
Ang teritoryo ng isang kapuluan ay sumasakop sa mga karagatang nakapaligid,
nakapagitan at nag-uugnay sa mga pulo ng bansang arkipelago at dapat kilalanin
bilang isang pulititkal na yunit
- higit na malaki ang sakop kung ihahambing sa dating hangganan na 12
milyang nautiko

RA 9522 - Philippine Archipelagic Baselines Law


• bilang tugon sa palugit ng UNCLOS noong Marso 13, 2009
• pagbabago sa baseline ng Pilipinas bilang arkipelago na hindi kabilang ang
Kalayaan Islands Group (Palawan) at Scarborough Shoal / Bajo de Masinloc
(Zambales) (itinuring bilang regime of islands)

Mga Kasunduan

1. Kasunduang Paris (Disyembre 10, 1898)


binayaran ng Estados Unidos ang Espanya ng halagang $20,000,000 upang
mapasakamay ang Pilipinas, kabilang ang mga pulo ng Luzon, Visayas at Mindanao

2. Kasunduang Washington (Nobyembre 7, 1900)


9
binayarang muli ng EU ang Espanya ng karagdagang $100,000 upang isama sa
teritoryo ng Pilipinas ang pulo ng Cagayan, Sulu, Sibutu at iba pang maliliit na pulo
sa Mindanao

3. Kasunduan ng EU at Gran Britanya (Hulyo 2, 1930)


idinagdag sa teritoryo ng Pilipinas ang Turtle Islands at Mangsee Islands na matagal
ng pinag-aagawan ng 2 bansa

4. P.D. No. 1596 (Hunyo 11, 1978)


ipinahayag ni Pangulong Marcos na sakop din ang Pilipinas ang mga pulo ng
Kalayaan (Spratlys Islands, na inaangkin din ng Malaysia, Vietnam, Taiwan at Tsina),
bilang bahagi ng lalawigan ng Palawan
• Kung pagbabatayan ang kasaysayan, ang Sabah o Hilagang Borneo ay
bahagi rin ng Pilipinas. Ito ay dating pag-aari ng Sultanato ng Sulu na
pinaupahan sa British East India Company. Noong 1963, sumanib ang
Sabah sa itinatag ng Federation of Malaysia.
MGA REHIYON NG PILIPINAS

P.D. 742 (Enero 1976)


- ang Pilipinas ay hinati sa 13 rehiyon kaugnay ng patakaran ng pamahalaan
ukol sa desentralisasyon tungo sa mabilis napagpapa-unlad ng bansa
- ilan sa mga batayan sa paghahati-hati ay: heograpiya, kultura, kabuhayan,
dami ng tao at pamahalaang lokal
- sa kasalukuyan, ang mga rehiyong ito ay nadagdagan ng CAR, ARMM at
CARAGA, samantalang nahati naman ang Rehiyon IV sa IV-A at IV-B
- ARMM lamang ang natatanging awtonomus na rehiyon

E.O. 36 - reorganisasyon ng mga rehiyon sa Mindanao

National Capital Region (NCR)


- nabuo sa pamamagitan ng PD 1396
- sentro ng kultura, edukasyon, pamahalaan, industriya at kalakalan
- binubuo ng 16 na lungsod at 1 bayan
Cordillera Administrative Region (CAR)
- nabuo sa bisa ng RA 6766 noong Oktubre 23, 1988
- sentro ng kulturang Ifugao
10
- binubuo ng 6 na lalawigan
Rehiyon I – Ilocos
- sentro ng kulturang Ilokano
- binubuo ng 4 na lalawigan
Rehiyon II – Lambak ng Cagayan
- binubuo ng 5 lalawigan
Rehiyon III – Gitnang Luzon
- tinatawag na Kamalig ng Palay ng Pilipinas
- binubuo ng 7 lalawigan
Rehiyon IV – Timog Luzon
- nahahati sa IV-A o CALABARZON (5 lalawigan) at IV-B o
MIMAROPA (5 lalawigan)
Rehiyon V – Bicol
- binubuo ng 6 na lalawigan

Rehiyon VI – Kanlurang Visayas


- rehiyon ng asukal
- binubuo ng 6 lalawigan
RehiyonVII – Gitnang Visayas
- binubuo ng 4 na lalawigan
Rehiyon VIII – Silangang Visayas
- tinatawag na Luklukan n Kasaysayan
- binubuo ng 6 na lalawigan
Rehiyon IX – Zamboanga Peninsula (dating Kanlurang Mindanao)
- rehiyon ng goma at Luklukan ng Kulturang Espanyol
- sentro ng barter trade
- binubuo ng 3 lalawigan at ng Isabela City na bagamat matatagpuan
sa lalawigan ng Basilan ay bahaging pulitikal ng Rehiyon IX
Rehiyon X – Hilagang Mindanao
- binubuo ng 5 lalawigan
Rehiyon XI – Rehiyon ng Davao (dating Timog-Silangang Mindanao)
- binubuo ng 4 na lalawigan
Rehiyon XII – SOCCSKSARGEN (dating Gitnang Mindanao)
- tinatawag na Kamalig ng Palay sa Mindanao
11
- binubuo ng 4 na lalawigan, kasama ang Cotabato City na bagamat
matatagpuan sa lalawigan ng Maguindanao ay bahaging pulitikal ng
Rehiyon XII
CARAGA
- nabuo sa bisa ng RA 7901 noong Pebrero 23, 1995
- mula sa salitang “calagan” o “calag” na nangangahulugang lugar
kung saan naninirahan ang matatapang na tao, kabilang na ang
mga pangkat ng Manobo, Mamanua, Mandaya at Lapaknon

Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM)


- nabuo sa bisa ng RA 6734
- binubuo ng 5 na lalawigan

LUZON
NATIONAL CAPITAL REGION (NCR)
Lungsod
1. Caloocan 10. Paranaque
2. Las Pinas 11. Pasay
3. Makati 12. Pasig
4. Malabon 13. Quezon
5. Mandaluyong 14. San Juan
6. Manila 15. Taguig
7. Muntinlupa 16. Valenzuela
8. Marikina Bayan
9. Navotas 1. Pateros

REHIYON I – ILOKOS CORDILLERA ADMINISTRATIVE


REGION (CAR)
1. Ilocos Norte – Laoag City 1. Abra - Bangued
2. Ilocos Sur – Vigan City 2. Apayao - Kabugao
3. La Union – San Fernando City 3. Benguet – La Trinidad
4. Pangasinan – Lingayen 4. Ifugao - Lagawe
12
5. Kalinga - Tabuk
6. Mt. Province – Bontoc

REHIYON II – LAMBAK NG CAGAYAN REHIYON III – GITNANG


LUZON
1. Batanes - Basco 1. Aurora - Baler
2. Cagayan – Tuguegarao City 2. Bataan – Balanga City
3. Isabela – Ilagan 3. Bulacan – Malolos City
4. Nueva Viscaya – Bayombong 4. Nueva Ecija – Palayan City
5. Quirino – Cabarroguis 5. Pampanga – San Fernando City
6. Tarlac – Tarlac City
7. Zambales – Iba

REHIYON IV-A – CALABARZON REHIYON IV-B - MIMAROPA


1. Cavite – Trece Martires City 1. Mindoro Occidental - Mamburao
2. Laguna – Sta. Cruz 2. Mindoro Oriental – Calapan City
3. Batangas – Batangas City 3. Marinduque - Boac
4. Rizal – Antipolo City 4. Romblon - Romblon
5. Quezon – Lucena City 5.* Palawan – Puerto Princesa City
(E.O. 429; A.O. 129)
REHIYON V – BICOL
1. Albay – Legaspi City
2. Camarines Norte – Daet
3. Camarines Sur – Pili
4. Catanduanes – Virac
5. Masbate – Masbate City
6. Sorsogon – Sorsogon City

VISAYAS

REHIYON VI – KANLURANG VISAYAS REHIYON VII – GITNANG


VISAYAS
1. Aklan - Kalibo 1. Bohol – Tabilaran City
13
2. Antique – San Jose de Buenavista 2. Cebu – Cebu City
3. Capiz – Roxas City 3. Negros Oriental – Dumaguete
City
4. Guimaras – Jordan 4. Siquijor – Siquijor
5. Iloilo – Iloilo City
6. Negros Occidental – Bacolod City

REHIYON VIII – SILANGANG VISAYAS


1. Biliran - Naval
2. Hilagang Samar – Catarman
3. Silangang Samar – Borongan
4. Samar – Catbalogan
5. Leyte – Tacloban City
6. Timog Leyte – Maasin City

MINDANAO
REHIYON IX – TANGWAY NG ZAMBOANGA REHIYON X –
HILAGANG MINDANAO
1. Zamboanga del Norte – Dipolog City 1. Bukidnon – Malaybalay
City
2. Zamboanga del Sur – Pagadian City 2. Camiguin - Mambajao
3. Zamboanga Sibugay – Ipil 3. Misamis Occidental – Oroquieta
City
* Isabela City (Basilan) 4. Misamis Oriental –
Cagayan de Oro C
5. Lanao del Norte - Tubod

REHIYON XI – REHIYON NG DAVAO REHIYON XII -


SOCCSKSARGEN
1. Compostela Valley - Nabunturan 1. Timog Cotabato – Koronadal
City
2. Davao del Norte – Tagum City 2. Cotabato (Hilaga) –
Kidapawan City
3. Davao del Sur – Digos City 3. Sultan Kudarat - Isulan
4. Davao Oriental – Mati 4. Sarangani – Alabel
14
* General Santos City (Timog
Cotabato)
* Cotabato City (Maguindanao)

REHIYON XIII – CARAGA AUTONOMOUS REGION OF


1. Agusan del Norte – Butuan City MUSLIM MINDANAO (ARMM)
2. Agusan del Sur – Prosperidad 1. Lanao del Sur – Marawi
City
3. Surigao del Norte – Surigao City 2. Maguindanao – Shariff
Aguak
4. Surigao del Sur – Tandag 3. Sulu – Jolo
* Dinagat – San Jose 4. Tawi-tawi – Panglima
Sugala 5. Basilan -
Isabela City*
* Shariff Kabunsuan

You might also like