Professional Documents
Culture Documents
Isinilang si Emilio Aguinaldo noong Marso 22, 1869 sa bayan ng Kawit, Cavite sa Luzon [1] sa panahong
kolonya ng Espanya ang Pilipinas,siya ang ikapitong anak ng alkalde ng bayan. Sa edad na 15, sa tulong
ng isang paring Dominican, nagpatala siya sa Colegio de San Juan de Letran sa Maynila, kung saan siya
nag-aral ng medisina.
Nagbalik si Aguinaldo sa Luzon at tumulong pangunahan ang isang pag-aalsa na sa kaunting panahon
ay nagtaboy sa mga Espanyol sa rehiyon. Bilang bahagi ng napakasunduan, ipinatapon si Aguinaldo sa
Hong Kong noong 1888. Doon pinag-aralan niya ng taktikang pangmilitar ng mga United Kingdom|
Britanya at nagtipon ng mga armas, at palihim na bumalik sa Luzon ilang taon ang lumipas.
Noong 1895 sumapi si Aguinaldo sa Katipunan, isang lihim na samahan na pinamumunuan noon ni
Andres Bonifacio, na may layuning patalsikin ang mga Espanyol at palayain ang Pilipinas. Kasama ni Dr.
Jose Rizal, inumpisahan niya ang digmaan laban sa mga Espanyol noong 1896, at ginampanan niya ang
pamumuno sa kilusan pagkatapos mahuli at ipapatay si Rizal. Nakipaglaban ang mga Espanyol laban sa
mga rebelde sa pamamagitan ng pwersang militar at panunuhol sa mga pinuno ng mga rebelde.
Tinanggap ni Aguinaldo ang alok na pera at ginamit ito sa pagbili ng dagdag na armas para sa rebelde sa
halip na bumalik sa pagkakatapon.
Pinamunuan ni Aguinaldo ang pagtutol sa pananakop ng mga Amerikano hanggang siya ay mahuli noong
1901 ni US General Frederick Funston. Tinanggap niya ang alok na ililigtas ang kanyang buhay kung
ipapangako niya ang kanyang katapatan sa Estados Unidos. Isang malungkot na desisyon ang ginawa ni
Aguinaldo dahil matapos siyang ipagtanggol ng kanyang mga magigiting na heneral,tulad ni
Gen.Gregorio del Pilar,sumuko lamang siya nang hindi lumalaban. Namahinga siya sa mata ng publiko
nang matagal na panahon, hanggang 1935 nang ipahayag siya na kakandidato siya bilang pangulo ng
Commonwealth ng Pilipinas; tinalo siya ni Manuel L. Quezon sa halalan.
Noong panahon ng pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, gumawa
si Aguinaldo nakakahiyang pahayag sa radyo ng kanyang pagsuporta sa mga Hapon. Pagkatapos
makuhang muli ng mga Amerikano ang Pilipinas, dinakip siya sa pakikipagtulungan sa kaaway, ngunit sa
paglilitis nalaman na pinuwersa lamang siya upang gawin ang kanyang mga pahayag (binantaan siya ng
mga Hapon na papatayin ang kanyang pamilya), at nalinis din ang kanyang pangalan. Namuhay siyang
nakita ang kanyang panghabang-buhay na hangarin, ang kalayaan ng kanyang bansa na natamo noong
1946, at noong 1950 nagsilbi siya ng isang termino sa Council of State bago siya muling namahinga.
Namatay siya sa atake sa puso sa Veterans Memorial Hospital sa Lungsod ng Quezon noong Pebrero 6,
1964 sa edad na 94.[
Naging manananggol si Quezon sa Baler. Noong 1906, nahalal siya bilang gobernador ng lalawigan ng
Tayabas, ngunit nagbitiw upang makapangampanya para sa Asambleya ng Pilipinas, kung saan nakamit
niya ang pagiging pinuno ng Asambleya. Mula 1909 hanggang 1916, nagsilbi si Quezon sa Estados
Unidos bilang naninirahang komisyonero para sa Pilipinas. Sa panahong ito naipasa ang Batas Jones
(Jones Act), nagtatanggal sa Komisyon sa Pilipinas ng Estados Unidos at nagbibigay ng mas mataas na
antas ng pamamahala sa mga Pilipino. Dahil dito, itinuring na bayani si Quezon nang muli siyang
magbalik sa Pilipinas.[1]
Sa sumunod na dalawang taon, naglingkod siya bilang pangulo ng Senado ng Pilipinas. Noong 1935,
nanalo si Manuel L. Quezon sa unang halalan ng pagkapangulo ng Pilipinas sa ilalim ng bagong
Komonwelt ng Pilipinas, laban kina Emilio Aguinaldo at Obispo Gregorio Aglipay. Muli siyang nahalal
noong 1941.[1]
Jose P. Laurel
Si José Paciano Laurel y García (Marso 9, 1891 - Nobyembre 6, 1959) ay ang
ikatlong Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Oktubre 14,1943-Agosto 17, 1945) sa ilalim ng
mga Hapon mula 1943 hanggang 1945.
Pagkatapos ay, Hinirang na Kalihim Panloob ni Gob. Hen. Wood noong 1923 at naging Associate Justice
noong 1935. Nanungkulan siya bilang Pangulo ng Kataas-taasang Hukuman nang sumiklab ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig at itinalaga siyang Kalihim ng Katarungan ni Quezon bago lumisan.
Pinili si Laurel ng mga Hapon upang magsilbing pangulo ng Ikalawang Republika ng Pilipinas.
Pinangalagaan niya ang kapakanan ng bansa sa gitna ng mga kalupitan ng mga Hapon. Ibinilanggo siya
bilang "collaborator" pagkaraan ng digmaan ngunit pinalaya ni Pangulong Roxas noong1948.
Noong Nobyembre 6, 1959, namatay si Laurel sa grabeng atake sa puso at istrok.
Elpidio Quirino
Si Elpidio Rivera Quirino (Nobyembre 16, 1890—Pebrero 29, 1956) ay isang pulitiko at ang ikaanim
na Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Abril 17,1948-Disyembre 30, 1953).
Isinilang si Quirino sa Vigan, Ilocos Sur Noong Nobyembre 16, 1890 kina Mariano Quirino at Gregoria
Rivera. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas (University of the Philippines) noong
1915.
Nahalal sa Kongreso noong 1919. Hiniram na Kalihim ng Pananalapi ni Gob. Hen. Murphy noong 1934 at
naging kasapi ng "Constitutional Convention". Naging pangalawang pangulo siya ni Manuel
Roxas noong 1946. At nanumpa bilang Pangulo pagkaraang mamatay si Roxas noong Abril 17, 1948.
Kinaharap ng administrasyong Quirino ang isang malubhang banta ng kilusang komunistang Hukbalahap.
Pinasimulan niya ang kampanya laban sa mga Huk. Bilang Pangulo, muli niyang itinayo ang ekonomiya
ng bansa, pinaunlad niya ang pagsasaka, at mga industriya.
Tinalo ni Ramon Magsaysay sa kanyang ikawalang pagtakbo bilang pangulo. Namatay siya sa atake sa
puso noong Pebrero 29, 1956 sa gulang na 66.
Noong Marso 1957 si Garcia ay naging presidente matapos pumanaw si Magsaysay sa isang aksidente
sa eroplano, at nagwagi rin siya sa Halalan ng Panguluhan noong Nobyembre 1957.
Habang nasa kapangyarihan, ang Pamahalaan ni Garcia ay nakipag-usap sa mga pinuno ng Bansang
Amerika upang mailipat sa kontrol ng Pilipinas ang mga hindi na ginagamit na Base Militar ng Amerika.
Sa kalaunan ay naging labis ang pagiging maka-Pilipino ni Garcia at ang pagsira sa kanya ay
pinasimulan sa mga pahayagan, sa himpapawid sa tulong ng CIA samantalang pinaboran naman ng mga
Amerikano si Diosdado Macapagal upang manalo sa Halalan noong 1961.
Bukod sa kanyang mga nagawa bilang makabansang pulitiko, si Garcia ay kilala rin na makata sa
kanyang diyalektong Bisaya. Namatay siya sa atake sa puso noong Hunyo 14, 1971 sa edad na 75.
Diosdado Macapagal
Tinagurian si Diosdado Macapagal bilang "Batang Mahirap mula sa Lubao" dahil anak siya ng
isang mahirap na magsasaka. Isinilang siya sa San Nicolas, Lubao, Pampanga noong
Setyembre 28, 1910 kina Urbano Macapagal at Romana Pangan. Tumira siya sa isang tahanan
at pumailalim sa pangangalaga ni Don Honorio Ventura hanggang magtapos ng pagka-Doktor
sa mga Batas mula sa Pamantasan ng Santo Tomas noong 1936 at pumasok sa pulitika.
Bayaw siya ni Rogelio de la Rosa, embahador ng Pilipinas sa Cambo at siya ay presidente.
Naging unang asawa niya si Purita de la Rosa. Nang sumakabilang buhay ito, naging
pangalawang asawa niya si Evangeline Macaraeg. Anak niya si Gloria Macapagal-Arroyo, ang
dating Pangulo ng Pilipinas, at sina Maria Cielo Macapagal Salgado, Arturo Macapagal , at
Diosdado Macapagal Jr..
Una siyang nagtrabaho bilang abogado para sa isang tanggapang Amerikano. Nahalal siya sa
Kongreso noong 1949 at sa muli noong 1953. Siya ang may-akda ng Batas ng Kalusugang
Rural (Rural Health Law) at ng Batas hinggil sa Naangkop na Mababang Sahod (Minimum
Wage Law). Nanguna rin siya sa delegasyong para sa Tratado ng Mutwal na Depensa ng
Estados Unidos at Republika ng Pilipinas (US-RP Mutual Defense Treaty). Nahalal siya bilang
Pangalawang Pangulo noong 1957 at naging Pangulo noong 1961. Inilunsad niya ang
Kodigong Pangrepormang Panlupang Pansakahan (Agricultural Land Reform Code) at nilinis
ang katiwalian sa pamahalaan. Limang taon siyang nagkaroon ng kaugnayan sa Programang
Sosyo-Ekonomiko para sa pagkontrol ng pangangalakal sa ibang bansa. Kilala rin siya sa
pagkakaroon ng nasyonalisasyon ng pagtitingi (retail) at dahil sa Panukalang Batas na
Pangrepormang Panglupa. Bilang dagdag, kabilang din sa kaniyang mga nagawa ang
pagpapakalat ng Pambansang Wika, ang pagbabago ng petsa ng Araw ng Kalayaan mula
Hulyo 4 na naging Hunyo 12, ang pag-aangkin sa Sabah (opisyal na iniharap noong Hunyo
22, 1962), at sa pagbubuo ng Maphilindo.
Sa eleksiyon ng 1963, maraming nanalong kandidato mula sa Partidong Liberal at naging
pangulo ng Senado si Ferdinand E. Marcos, isa ring Liberal katulad ni Macapagal. Subalit
nagkaroon ng hidwaan sina Marcos at Macapagal. Humiwalay sa Partido Liberal si Marcos at
ginawa siyang kandidato ng Partido Nasyonalista sa pagkapangulo sa halalan ng 1965. Tinalo
ni Marcos si Macapagal sa halalang iyon.
Nang sumiklab ang rebolusyong Pilipino noong 1896, bumalik sa Cebu si Osmeña. Ipinadala siya ng lokal
na liderato ng Cebu para ibalita kay Emilio Aguinaldo ang sitwasyon sa Cebu. Noong 1900, naging
tagapag-lathala at patnugot siya ng pahayagang El Nuevo Dia.
Nagbalik siya sa Maynila para mag-aral ng abogasya sa Unibersidad ng Sto. Tomas, kung saan ay muli
silang nagkita ni Quezon. Noong 1903, siya at ang kanyang mga kamag-aral ay pinahintulutan ng Korte
Suprema na kumuha ng eksamen sa bar kahit tatlong taon pa lamang ang kanilang natapos. Si Osmeña
ay pumangalawa sa naturang eksamen sa bar.
Dalawampu’t limang taong gulang siya nang maatasang pansamantalang gobernador at pagkapiskal ng
lalawigan ng Cebu. Pagkaraan ng dalawang taon, naging gobernador siya ng lalawigan.
Nagbitiw siya sa kanyang katungkulan bilang gobernador nang maitatag ang Asemblea Filipina
noong 1907. Tumakbo siya at nanalong kinatawan ng ikalawang distrito ng Cebu. Nahalal siyang ispiker
ng asemblea, isang posisyong hinawakan niya ng sumunod na 15 taon. Naging senador siya
mula 1923hanggang 1935. Tinanghal siyang "Senate President Protempore" noong 1923-1933. Naging
kasapi rin siya ng Misyong OsRox (Osmeña-Roxas), isa sa mga misyong ipinadala sa Estados
Unidos para ikampanya ang kasarinlan ng Pilipinas. Nahalal siyang pangalawang pangulo ng Komonwelt
ng Pilipinas noong1935.
Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kasama niya si Pangulong Manuel L. Quezon sa Estados
Unidos. Namatay si Quezon sa sakit na tuberkulosis noong Agosto 1, 1944 at si Osmeña ang humalili sa
kanya. sina dating pangulong Osmena at ang kasama ng mga pandigmang kabinete na huling
ipagpatuloy ng ating pagapapalaya ng Hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas, Estados Unidos at ang
puwersang Kakampi kasabay ng mga gerilyang Pilipino at Hukbalahap na mula sa Kampanya ng
Pagpapalaya sa Pilipinas na ituloy ng pakikipaglaban sa Hapon, Kasama siya ng mga Pilipinong Heneral
ngSandatahang Lakas ng Pilipinas na si Basilio J. Valdes at si heneral Carlos P. Romulo pati ang mga
puwersang Amerikanong lumunsad sa Leyte noongOktubre 20, 1944. Sinabi ni pangulong Osmena at
ang iba pang opisyal at mga kabinete nagsimula ng Kampanya ng Pagpapalaya sa Pilipinas noong 1944
hanggang 1945 sa pagitan ng mga sundalong Pilipino, Amerikano at ang mga pwersang gerilya na silang
kalabanin ng mga Hapones.Template:Fact Nagsilbi siya bilang pangulo ng bansa hanggang sa
magkaroon ng halalan noong Abril 23, 1946. Paghahanda ito sa pagbibigay ng kalayaan ng Estados
Unidos. Kumandidato siya bilang pangulo, ngunit natalo kay Manuel Roxas.
Nang matalo kay Roxas, namahinga si Osmena sa kanyang tahanan sa Cebu. Si Sergio Osmena ay
namatay noong Oktubre 19, 1961.