You are on page 1of 2

Pangkalahatang Sitwasyon ng Pampublikong Paaralan

Ano nga ba talaga ang sistemang umiiral sa pampublikong paaralan ngayon? May

dalawang punto akong nais ipahayag.

Una, pagusapan muna natin ang perang inilalaan dito. Ayon sa estadistika, 95% ng

kabataang Pinoy, o halos 17 milyong kabataan ang nagaaral sa pampublikong paaralan

ngayon. Ngunit tingnan, P 5000 lamang ang gastos ng gobyerno natin sa bawat batang

nagaaral dito. Hindi lang iyon, ayon sa mga pagaaral, sa 10 batang pumapasok sa

paaralan, 6 lamang ang makakapunta sa hayskul at 4 lang ang makakapasok sa

kolehiyo. Isa sa mga epekto nito ay ang mga hindi nakakapagkolehiyo, hindi

nakakahanap ng trabahong sumesweldo ng “minimum wage,” sapagkat kulang pa rin

ang natututunan sa eskwelahan dahil sa mababang kalidad ng edukasyon. Ang isa

pang epekto na makikita ngayon ay kulang ang mga libro kaya minsan may 5

estudyanteng naghahati sa isang libro. Hindi sapat ang mga kwaderno at panulat kaya

isa lang ang papel at pudpod na lapis ang gingamit para lahat ng pangakademikong

pangangailanagan. Kung ikukumpara naman sa pribadong paaralan, sa matrikula pa

lang nila (P 70,000 – P 100,000), nakikita ang agwat pagdating sa kalidad ng

edukasyon at sa mga kagamitang ginagamit. Pangalawang punto ang oras na inilaan

ng sistemang ito sa mga estudyanteng pinoy. Naguugat ito sa: una, kakulangan ng mga

silid – aralan, kaya pinagkakasya ang 70 – 80 na estudyante sa isa. Dahil sa sobrang

dami pa rin nila, 3 oras lang ang klase para sa isang grupo, at pagkatapos, isang grupo

ulit ang papasok, at tatagal ang klase nila ng 3 oras din, para lamang magkasya ang

sobrang daming estudyante. Sa pribadong paaralan naman, 30 – 40 na estudyante sa

isang silid, 6 na oras pa sa eskwelahan. Kung sapat lang ang mga silid aralan,
magkakasya ang mga bata at hindi na kailangan ang ginagawang pagtitipid ng oras sa

mga paaralang pampubliko. Pangalawang dahilan naman ang kakulangan sa titser.

Dahil kulang sila, napakaraming estudyante ang hindi nabibigyan ng sapat na atensyon

tuwing may sesyon, at dahil sa dami ng estudyante, minsan hindi na naririnig ang guro.

Tipid na nga sila sa oras, hindi pa matugunan ang edukasyon ng bata, kaya ano ang

mapapala nila?

Ang malungkot dito, dahil sa sistemang bulok na ito, wala masyadong maraming

trabaho ang naghihintay para sa kanila, kaya walang mapagkukuhanan ng pera, at

magdudulot ulit ng kahirapan. Kung hindi ito matutugunan, mauulit at mauulit ang

masaklap na tadhana ng Pinoy. Ngunit malungkot man sabihin, pero nagyayari pa rin

ito sa bansa ngayon.

You might also like