Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more
Download
Standard view
Full view
of .
Save to My Library
Look up keyword
Like this
5Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
Mga Alamat

Mga Alamat

Ratings: (0)|Views: 1,878 |Likes:
Published by Raquel Moral Jane

More info:

Published by: Raquel Moral Jane on Feb 26, 2011
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

11/27/2012

pdf

text

original

 
ALAMAT NG LANSONES
 Tumunog ang kampana sa munting Kapilya ng isang nayon sa bayan ngPaete, lalawigan ng Laguna. Napabalikwas si Manuel at masuyong ginising angnahihimbing na kabiyak. "Gising na Edna, at tayo'y mahuhuli sa misa."Marahang nagmulat ng mga mata ang babae, kumurap-kurap at nangmabalingan ng tingin ang asawa ay napangiti. Mabilis na gumayak ang mag-asawa upang magsimba sa misang minsan saisang buwan idinaraos sa kanilang nayon ng kura paroko ng bayan. Hindinagtagal at ang mag-asawa ay kasama na sa pulutong ng mga taga-nayongpatungo sa Kapilya. Magkatabing lumuhod sa isang sulok ang magkabiyak attaimtim na nananalangin. "Diyos ko," and marahang panalangin ni Edna,"Patnubayan mo po kami sa aming pamumuhay, nawa's huwag magbago angpagmamahal sa akin ni Manuel." Si Manuel naman ay taimtim dingdumadalangin sa kaligtasan ng asawa, na alam niyang nagtataglay sasinapupunan ng unang binhi ng kanilang pag-iibigan. Nang matapos ang misa ay magiliw na inakay ni Manuel ang kabiyak at sila'ylumakad na pauwi sa kanilang tahanan. Sa kanilang marahang paglalakad aybiglang napahinto si Edna. "Naku! kay gandang mga bunga niyon," ang wika kay Manuel sabay turo sapuno ng lansones na hitik na hitik sa bunga. "Gusto ko niyon, ikuha mo ako," aniEdnang halos matulo ang laway sa pananabik. Napakurap-kurap si Manuel.Hindi niya malaman ang gagawin. Alam niyang ang lansones ay lason at Hindimaaring kainin ngunit batid din naman niyang nagdadalang-tao ang asawa athindi dapat biguin sa pagkaing hinihiling. Sa pagkakatigagal ng lalaki aymarahan siyang kinalabit ni Edna at muling sumamong ikuha siya ng mgabunga ng lansones. "Iyan ay lason kaya't hindi ko maibibigay sa iyo." Pagkarinig ni Edna sa wika ngasawa ay pumatak ang luha. Sunod-sunod na hikbi ang pumulas sa kanyangmga labi. Parang ginugutay ang dibdib ni Manuel sa malaking habag sa asawangunit tinigasan niya ang kanyang loob. Masuyong inakbayan ni Manuel ang asawa at marahang nangusap. "Huwagna iyan ang hilingin mo, alam mo namang iya'y lason. Hayaan mo atpagdating natin sa bahay ay pipitas ako sa duluhan ng mga manggangmanibalang." Walang imikan nilang tinalunton ang landas patungo sa kanilang tahanan. Angmaaliwalas na langit ng kanilang pag-iibigan ay biglang sinaputan ng ulap. Nihindi sinulyapan ni Edna ang mga manggang manibalang na pitas ni Manuelsa kanilang duluhan. Ang babae'y laging nagkukulong sa silid, ayaw tumikimman lamang ng pagkain at ayaw tapunan ng tingin ang pinagtatampuhangasawa. Hindi nagtagal ang babae'y naratay sa banig ng karamdaman. Hindi malamanni Manuel ang gagawin sa kalunoslunos na kalagayan ng asawa."Edna, ano baang dinaramdam mo?" lipos na pag-aalalang wika ni Manuel habang buongpagsuyong hinahaplos ang noo ng maysakit.
 
 Marahang iling lamang ang itinugon ng nakaratay at dalawang butil ng luhaang nag-uunahang gumulong sa pisngi. Balisang nagpalakad-lakad si Manuelsa tabi ng maysakit. Hindi niya matagalang tignan ang payat na kaanyuanngayon na kaibang-kakaiba sa dating Ednang sinuyo niya't minahal. Wala nangayon ang namumurok na pisngi, ang dating mapupungay na mga mata'ymalalamlam, wala na ang ningning ng kaligayahan, maputla ang dati'ymapupulang mga labi at mistulang larawan ng kamatayan. Nang hindi na niya makaya ang damdaming lumulukob sa kanyang pagkataoay mabilis na nagpasiya. Kukunin niya ang mga bunga ng lansones. Ang bungang kamatayang pinakamimithi ng kanyang asawa. Sa wakas ay isinuko rin niyaang katigasan ng kanyang loob, dahil sa matinding abag sa kabiyak. Nanaog siya at tinungo ang puno ng lansones. Nanginginig ang kamay napinitas ang isang kumpol ng bunga ng kamatayan. "Diyos ko, tulungan mo po kami, pinakamamahal ko ang aking asawa at walanang halaga sa akin ang buhay kung siya'y mawawala pa sa aking piling,"nangangatagal ang mga labing marahan niyang naiusal kasabay ng mariingpagpikit ng mga mata. Sunod-sunod na patak ng luha ang nalaglag sapagkagunitang ang bungang iyon ang tatapos sa lahat ng kanilangkaligayahan. Sa pagmumulat niya ng paningin siya'y nabigla. Anong laking himala! Maynabuong liwanag sa kanyang harapan at gayon na lamang ang kanyangpanggigilalas noong iyon ay maging isang napakagandang babaing binusilak sa kaputian. Humalimuyak ang bangong sa tanang buhay niya ay noonlamang niyang masamyo. Sa tinig na waring isang anghel ay marahangnangungusap ang babae. "Anak ko, kainin mo ang bungang iyong hawak." Nagbantulot sumunod si Manuel sapagkat alam niyang ang bungang iyon aylason. Sa nakitang pagaalinlangan ni Manuel ay muling nangusap angbabaeng nakaputi. "Huwag kang matakot, kainin mo ang bungang iyonghawak." Pagkasabi noo'y kumuha ng isang bunga sa hawak na kumpol niManuel at ito'y marahang pinisil. Mawala ang takot ni Manuel at mabilis na tinalupan ang isang bunga nglansones. Anong sarap at anong tamis! Nang ibaling niya ang paningin sababaeng nakaputi ay nawala na ito. Biglang naglaho at saan man niya igalaang kanyang mata ay hindi makita. "Salamat po, Diyos ko!" ang nabikas niManuel. Biglang sumigla ang katawanni Manuel at hindi magkandatutongpinitas ang lahat ng mga bungang makakaya niyang dalhin at nagdudumalingumuwi sa naghihintay na asawa         
 
ALAMAT NG PINYA
 Matamis at masarap ang nasabing prutas lalo na kapag katamtaman angpagkahinog. Maraming nagsasabi na ito raw ay magaling na pantunaw lalo nakapag bagong kain tayo. Kung bakit maraming mga mata at kung bakit pinyaang tawag sa kanya ay malalaman nating sa ating alamat. Sa isang malayong pook ng lalawigan don nakatira ang mag-inang si AlingOsang at si Pina na kaisa-isang anak. Palibhasa bugtong na anak, hindi itopinagagawa ng ina at sa halip siya ang nagtatrabaho ng lahat ng gawaingbahay. Ang katuwiran ng ina ay "maliit pa naman si Pina." Marahil ay paglumakina ay gagawa rin siya. Kung kaya ang gawain ni Pina ay maglaro, maligo,magbihis at matulog. Si Pina ay lumaki sa layaw dahil na rin kay Aling Osang. Nais na sana ng ina na turuan ang anak na gumawa, ngunit naging ugali nanito ang katamaran. Kaya sa malimit na pangyayari, hindi na mautusan ng inaang anak, palibhasa'y ina kaya matiisin. Kung ayaw magtrabaho ng anak, siyana ang gumagawa. Hanggang isang araw si Aling Osang ay nagkasakit at halos na nakahiga nalamang. "Naku! ang nanay ko, bakit ka nagkasakit?" ang tanong ni Pina. "Ewanko nga ba," ang wika ng ina, sabay utos na kung puwedeng ipaglugay nito angnanay. Sinunod naman nito ang utos ng ina at sa ilang saglit ay inihain na ito niPina, ngunit mamait-mait sapagkat ito'y sunog. Ganun pa man ay natuwa narin ang ina pagkat kahit papaano siya'y napagsilbihan ng anak. Tumagal ang sakit ni Aling Osang ngunit nagrereklamo na si Pina na pagod naraw ito sa paglilingkod sa ina. Isang umaga, si Pina'y nagluto at maghahain na lamang ito ngunit hindi makitaang sandok. "Saan kaya naroroon ang sandok?" ang sambit nito. "Hanapin mo, naririyan lamang yan," ang sagot ng ina. "Kanina pa nga ako hanap ng hanap eh ! Talagang wala!" ang muling sabi nganak. "Bakit ba hindi ka na lang magkaroon ng maraming mata ng makita mo anghinahanap mo! ito talagang anak ko, walang katiyaga-tiyaga," ang sabinaman ng ina. "Marami naman kayong sinisermon pa" ang wika ng anak sabay panaog.Marahil ay hahanapin niya ang sandok sa silong at baka nahulog. Lumipas ang mga oras ngunit hindi na nakabalik si Pina sa itaas. Nawala siya naparang bula na naglaho at walang nakakita sa kanya kahit kapitbahay. Ilangaraw ang nakaraan sa tulong at awa ay gumaling na si Aling Osang. Hinanapng ina ang anak ngunit talagang hindi na nakita. Isang araw, sa may bakuran ay mataman na nagwalis si Aling Osang. Lakinggulat niya ng makita nito ang tumubong halaman sa malapit sa kanilangtarangkahan. Dinilig niya ito at inalagaan araw-araw. Di nagtagal atnagkaroon ng bunga. Napansin niya ito at tila maraming mata. tuloy naalala

Activity (5)

You've already reviewed this. Edit your review.
1 hundred reads
1 thousand reads
Janine Sy liked this

You're Reading a Free Preview

Download
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->