You are on page 1of 24

Kaugnayan ng

Gramatika at Retorika
Balangkas
Pagbuo ng Pangungusap
Mabisang pananalita
Rhetorical o transisyonal devices
Pagbuo ng Pangungusap
Kailangan ng kaisahan sa
pangungusap para maging
efektivo ito.

Bawat Pangunahing
bahagi ng Diwa
pangungusap

May Kaisahan
Pagbuo ng Pangungusap
1. Tiyakin ang timbang na ideya at
paralelismo sa loob ng pangungusap.

[Timbang]
X Matapos magsitangis ay agad na nagbalot ng
mga gamit ang mga napaalis na iskwater.

Matapos magsitangis ay agad na


nagsipagbalot ng mga gamit ang mga
napaalis na iskwater.
Pagbuo ng Pangungusap
1. (Pagpapatuloy…)

[Paralelismo]
X Ang pag-eehersisyo at masusustansyang
pagkain ay mahalaga sa pagpapabuti ng
ating kalusugan.

Ang pag-eehersisyo at pagkain ng mga


masustansyang pagkain ay mahalaga sa
pagpapabuti ng ating kalusugan.
Pagbuo ng Pangungusap
2. Tiyaking nagkakaisa ang mga aspekto
ng pandiwa sa pangungusap

X Nagsialis at nagsisiuwi na ang mga panauhin


ko kanina.

Nagsialis at nagsiuwi na ang mga panauhin


ko kanina.
Pagbuo ng Pangungusap
3. Huwag pagsamahin sa pangungusap
ang hindi magkaugnay na kaisipan.

X Hindi uunlad ang ating wika kapag hindi natin


ito ginamit at nahilig tayo sa kalayawan.

Hindi uunlad ang ating wika kapag hindi natin


ito ginamit.
Pagbuo ng Pangungusap
4. Iwasan ang pagsasama-sama ng maraming
kaisipan sa isang pangungusap.

X Ang pagsasayaw gaya rin ng paglalaro ng mga


bata ng taguan kung gabing walang buwan at ng
pagdadama ng mga lalaking walang magawa at
nagpapalipas ng oras sa pagupitan ay tunay na
nakaaaliw.

 Ang pagsasayaw, gaya ng paglalaro ng taguan ng


mga bata, ay tunay na nakalilibang.
Pagbuo ng Pangungusap
5. Gawing malinaw sa pangungusap kung
alin ang pangunahing sugnay at
panulong na sugnay.

X Upang masagip niya iyon, lumusong siya sa


baha para masagip ang kotse.

Upang masagip niya ang kotse, lumusong


siya sa baha.
Pagbuo ng Pangungusap
6. Kapag ang simuno ay di gumaganap ang
kilos gamitin ang tinig na balintayak ng
pandiwa.

X Si Jose ay nagsulat ng liham para kay Ana.

Ang liham ay sinulat ni Jose para kay Ana.


Pagbuo ng Pangungusap
7. Huwag ilayo ang salitang panuring sa
tinuturingang salita.

X Mahirap ang buhay ngayon talaga.

 Mahirap talaga ang buhay ngayon.


Pagbuo ng Pangungusap
8. Ilapit ang panghalip na pamanggit sa
pangngalang kinakatawan nito.

X Ginamit ni Ana ang perlas sa klase na bigay


ng lola niya.

 Ginamit ni Ana sa klase ang perlas na bigay


ng lola niya.
Pagbuo ng Pangungusap
9. Sa Filipino, una ang panaguri kaysa sa
simuno sa karaniwang ayos ng
pangungusap.

a. Magaling magturo ang titser ko.


b. Sinusubukang lutasin ni GMA ang problema.
KAYSA:
a. Ang titser ko ay magaling magturo.
b. Ang problema ay sinusubukang lutasin ni GMA.
Mabisang Pananalita
- Panghalip na Panao

Halimbawa:

Si Louis ay tanghali na kung gumising kaya


siya nahuli sa klase.

Nasan na ba si Francis? Kailangan ko na siya


ngayon.
- Panghalip na Pamatlig

Halimbawa:

Pakilagay ang gamit ko dyan sa upuan.

Matagal ko ng hinahanap ang libro ko, san mo


ito nakita?
Salitang Naghahayag ng Karagdagan

Halimbawa:
Gusto ko pumunta sa isang lugar na tahimik
ang kapaligiran, maganda ang tanawin at
walang nakakikilala sa akin.

Hindi lang Tokyo, Narita at Shibuya ang


ating pupuntahan sa Japan, may isa pang lugar.
• Mga Salitang naghahayag ng pagsalungat

Subalit

Ngunit

Pero

Bagamat
Halimbawa:

“Subalit ang realidad ng buhay, ng lipunan at ng


mamamayan sa bansang ito ay hindi lamang
nagsasaad ng ligaya at tuwa.”

“Ngunit ni wala sa isa mang tuminag sa mga


nakikiramay. Parang may kinakailangang bagay
na di inaasahang mangyayari.”
MGA SALITANG NAGHAHAYAG NG BUNGA
NG SINUNDAN

•Dahil
•Bunga
•Sapagkat
Halimbawa:

“Dahil sa magandang pakikisama, nakaamot


paminsan-minsan ng kung anu-ano si aling Dora
sa mga kapwa tindera.”

“Bunga nito at may pagkakataong higit na


pinapanigan ng alipin ang kanyang panginoon
kaysa kapwa niya.”
Salitang naghahayad ng pagkakasunod-sunod
ayon sa panahon

* Huling natapos kumain ang grupo nila Janjan.

* Pagkatapos kong kumakain ng hapunan,


biglang tumawag ang aking kaibigan.
Salitang magkasing kahulugan at pag-uulit ng
mga salita

Maraming siga-siga sa Tondo. Ngunit pawang basta-


basta lang ito kung ihahambing sa pagkasiga ni Necor.
Si Necor ang siga ng mga siga sa Tondo.
Lahat ng nagugustuhan ni John Dean ay ang
magagandang babae. Napupukaw ang kanyang
atensyon sakanila. Kung kaya, kapag may
dumadaang babaeng marikit, siya’y mapapatitig
talaga.
MARAMING
SALAMAT!!!

You might also like