Welcome to Scribd, the world's digital library. Read, publish, and share books and documents. See more
Download
Standard view
Full view
of .
Save to My Library
Look up keyword
Like this
8Activity
0 of .
Results for:
No results containing your search query
P. 1
Buod Ng Florante at Laura

Buod Ng Florante at Laura

Ratings: (0)|Views: 2,554 |Likes:
Published by Ms. 37o?sA

More info:

Published by: Ms. 37o?sA on Mar 07, 2011
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

01/16/2013

pdf

text

original

 
 BUOD ng FLORANTE at LAURA
 
Sa simula ng awit ay makikita ang isang binatang nakagapos sa isang puno ng higera sa gitnang malawak na gubat sa labas ng kahariang Albanya na pinamumugaran ng mababangis na hayop,nakalulunos na huni ng mga ibon, naglalakihang mga punong-kahoy na may masasangsang naamoy. Ang binatang ito ay si Florante, anak ng mag-asawang Duke Briseo at Prinsesa Floresca nakapwa taga-Albanya.
 
Nagkataon namang sa gubat ding yaon ay napadako ang isang Morong taga-Persya na anakni Sultan Ali-Adab na dahil sa sama ng loob sa kanyang ama sa pagkakaagaw sa pag-ibig ngkanyang kasintahan ay umalis sa sariling bayan. Ang mga panaghoy ng nakagapos ay tungkol samga kasamaang nangyari sa kanyang bayan, ang pagkawala ng kanilang mga karapatan, angpangingibabaw ng katiwalian laban sa kabutihan, ang akala niyang pagtataksil ni Laura, angpagkapatay sa hari at mga kabig nito kasama na ang kanyang ama ay narinig na lahat ni Aladin kayatinunton niya ang boses na pinanggalingan ng pananaghoy at gaano ang pagkamangha niya nangmakitang sisilain na lamang ng 2 leon ang binata. Hindi siya nagdalawang-isip bagamat magkaawayang kanilang bayan at hindi sila magkarelihiyon. Hindi siya nangatubiling patayin ang 2 leon sanakaambang silain si Florante. Pagkatapos na mailigtas niya ang binata ay kinalagan niya ito nggapos at pinagyamanan sa buong magdamag.
 
Kinabukasan hiniling ni Aladin kay Florante na nais niyang malaman kung bakit siyanapapunta sa gubat. Hindi naman nag-atubili ang una kaya¶t isinalaysay niya kung taga-saan siya,ang mahahalagang pangyayari noong siya¶y bata pa at nang siya¶y 11 taong gulang na ay ipinadalasa Atenas upang mag-aral. Dito niya nakilala ang kababayang si Adolfo, anak ni Konde Sileno aytampulan ng paghanga ng kanyang mga guro, sampu ng kanyang mga kamag-aral dahil sa
 
katalinuhan ay kagandahang-asal. Subalit sa loob ng 6 na taong pagkakapag-aral ni Florante aynahigitan niya si Adolfo at dito na nahubdan ng balatkayo at lumabas ang tunay na pagkatao nito.Lalo itong nahalata nang minsang magtanghal sila ng dula at sa halip na sundin ang iskrip ay tinutooni Adolfo na ulusin ng taga si Florante, salamat na lamang at nailigtas siya ni Menandro, angpamangkin ng gurong si Antenor. Kinabukasan ay pinauwi na si Adolfo sa Albanya.
 
Samantala, namalagi pa si Florante ng 1 taon sa Atenas hanggang tumanggap siya ng sulatbuhat sa ama na nagbabalitang namatay ang kanyang mahal na ina. Laking sama ng loob angidinulot nito sa kanya. Pagkalipas ng 2 buwan ay isang sulat ang kaniyang tinanggap na nagsasaadna umuwi na sa Albanya.
 
Nagkataon naman nang umuwi si Florante ay nanghihingi ng saklolo ang hari ng Krotona nanuno niya sapagkat ang bayan nila ay sinasalakay ng hukbo ng Persyanong si Heneral Osmalik.Ipinakilala ni Duke Briseo si Florante kay Haring Linceo at sa pagpupulong ng mga pinuno aynagpagpasiyahang si Florante ang namumuno sa hukbong magtatanggol sa Krotona.
 
Samantalang nasa palasyo si Florante, ay nakilala at naakit siya sa kagandahan ni Laura,anak ng Hari at hindi tumugot hangga¶t hindi niya naipagtapat ang kanyang niloloob at bago siyanakipagdigma ay nagkaroon naman ng liwanag ang kanyang niluluhog.
 
Naglaban si Florante at Heneral Osmalik at sa loob ng 5 oras na paglalaban ay nagapi niyaito. 5 buwan pa siyang nanatili sa Krotona. Nais niyang bumalik agad sa kanyang bayan sapagkatsabik na sabik na siyang makita si Laura. Pagdating niya sa Albanya ay namangha siya sapagkatang bandilang nakawagayway sa kanilang bayan ay bandila ng mga moro at lalo siyang nagulat nangmagpasino niya ang babaeng pupugutan na lamang ng ulo. Nabawi niya ang Albanya sa pamumunoni Aladin, nailigtas niya ang nasa bilangguang sina Hari Linceo, Duke Briseo at Adolfo.
 
Mulin sinalakay ng pangkat ni Miramolin ang Albanya ay nagaping muli ni Florante ang mgakalaban. 17 hari lahat ang napasuko ng binata.
 
Isang araw samantalang nasa Etolya si Florante ay tumanggap siya ng sulat mula sa hari nanagsasaad ng madaling pagbalik niya sa Albanya. Hindi niya akalain na pagdating niya ay dinakipagad ng 30,000 sandatahan ay dali-daling ikinulong sa bilangguan. Ang lahat pala ng naganap sapalasyo, ang pagpatay sa hari at Duke Briseo ay pakana ni Adolfo. Ikinulong si Florante ng 18 araway pagkatapos ay ipinag-utos na igapos sa loob ng gubat upang doon kainin ng mga mababangis nahayop. 2 araw na siya sa gubat nang matagpuan siya ni Aladin.
 
Pagkatapos ni Florante ay si Aladin naman ang nagsalaysay ng kaniyang buhay. Anak siya niSultan Ali-Adab ng Persiya ay kaya siya napadpad sa gubat na iyon ay dahil sa sama ng loob sakanyang ama na umagaw sa kanyang kasintahang si Flerida. Upang masarili ng Sultan ang dalagaay humanap ito ng buyas upang siya ay maparusahan. Ginawang dahilan nito ang pagkaiwan niAladin sa hukbo at sa pagbawi ni Florante sa Albanya. Hinatulan ng sultan ang sariling anak napugutan ng ulo. Subalit hindi natuloy ito sapagkat nang gabing iton ay pinatapon siya sa malayonglugar ay pinagbilinang kung nais pa niyang mabuhay ay huwag na siyang magbalik sa Persyakailanman. Kaya simula noon ay 6 na taon na siyang naglalagalag.
 
Habang nagkukuwentuhan sina Florante at Aladin ay may narining silang nag-uusap na 2babae. Ang sabi ng isa, nang malaman niyang papupugutan ang kanyang kasintahang nasabilangguan ay pumayag siyang pakasal sa Sultan. Pinawalan naman ito, subalit nang gabi ring itonay nagbalatkayo siyang gerero at tumakas. Marami na ring taong siyang naglilibot hanggangmagtagpo silang 2 sa gubat.
 
Anong laking tuwa nina Florante at Aladin nang malamang ang nagsisipag-usap pala ay sinaLaura at Flerida.
 
 
Isinalaysay naman ni Laura ang nangyari sa Albanya, samantalang nasa ibang bayan siFlorante ± ang pagkakagawa ni Adolfo sa trono, ang pagpugot ng ulo ng hari at sa mga kabig nito.Sinabi niyang pinadalhan niya ng sulat si Florante upang ipakatid ang nangyari sa Albanya subalitang ngatanggap ni Florante na sulat ay sa hari na mahigit na nagbibiling umuwi siya sa Albanya. Itoang naging paraan kung paano nadakip si Florante. Samantala humingi si Laura ng 5 buwang taningupang pag-aralan ang iniluluhog na pag-ibig ni Adolfo, kaya nang wala nang paraan upang mahimoksi Laura ay dinala ito sa gubat upang pagsamantalahan. Nagkataon naman siyang pagdating niFlerida kaya nang makita niya ang kabuktutan ni Adolfo ay pinana niya si Adolfo hanggang ito aymamatay.
 
Habang nag-uusap ang 4 ay siya namang pagdating ng hukbo ni Menandro na ang hanap aysi Adolfo. Nagsigawan ang hukbo nang nalaman buhay si Florante at Laura.
 
Hindi nagtagal at nakasal ang 2 at naging hari at reyna sa Albanya. Samantala sina Aladin atFlerida, matapos magpabinyag ay pinag-isang dibdib at umuwi sa Persya upang doon mamuno sasariling bayan.
Florante at Laura - Buod (Summary)
Buod ng Florante at Laura
Ang kuwento ng Florante at Laura ay nagsisimula sa isang madilim na gubat sa may dakong labas ng bayangAlbanya, malapit sa ilog Kositong na ang tubig ay makamandag. Dito naghihimutok ang nakataling Florante nainusig ng masamang kapalaran. Ang mga gunita niya ay naglalaro sa palagay niya ay nagtaksil na giliw na siLaura, sa kanyang nasawing ama, at kahabag-habag na kalagayan ng bayan niyang mahal.Sa gubat ay nagkataong may naglalakad na isang Moro na nagngangalang Aladin. Narinig niya ang tinig niFlorante at dali-dali niya itong tinunton. Dalawang leon ang handang sumakmal sa lalaking nakatali. Pinatay niAladin ang dalawang mababangis na hayop at kanyang kinalagan at inalagaan si Florante hanggang sa mulinglumakas.Ikinuwento ni Florante ang kanyang buhay. Siya ay anak nina Duke Briseo at Prinsesa Floresca. Muntik nasiyang madagit ng buwitre at iniligtas siya ng kanyang pinsang si Menalipo na taga-Epiro. Sinambilat ng isanghalkon ang kwintas niyang diyamante. Pinadala siya ng kanyang ama sa Atena upang mag-aral sa ilalim nggurong si Antenor. Natagpuan niya doon ang kanyang kababayang si Adolfo na kanya ring lihim na kaaway.Iniligtas siya ni Menandro sa mga taga ni Adolfo nang minsang magtanghal sila ng dula sa kanilang paaralan.Tapos ay nakatangap si Florante ng liham tungkol sa pagkamatay ng sinisinta niyang ina.

You're Reading a Free Preview

Download
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->