vol01no01 Eli Soriano TheBlog

 
 
 
 
 

by hayao

Value This
Doc
Scribd
Average
     
Pages: 20 43
Words: 2205 13640
Characters: 12764 81678
Lines: 106 623
     
     
Letters per word: 5.79 5.99
Words per line: 20.8 21.89
Words per page: 110.25 317.21

Add to your reading list

Flag_red Flag this document

Document Information

1,235 Reads | 0 Comments

Description

Featured in this magazine is Eliseo Soriano's blog content hosted at http://esoriano.wordpress.com.

Pdf_16x16 20 Pages


Date Added

11/17/2007

Category

Uncategorized.

Tags
Groups
Copyright

Attribution Non-commercial

More info »

 

or use Facebook Connect

tabilogalfonso

Page a PAUNANG SALITA Kilala mo ba si YAHSHU’A ang pangalan ng Messiah na nagturo sa Israel 2,000 taon na ang nakakalipas ? Ang pangalang itinawag sa kanya ng kaniyang Hebreong magulang ay pangalang Hebreo na Yahshu’a na isinusulat sa wikang Aramaic na YESHU’A. Ang Aramaic na pangalang Yeshu‟a ay isinalin sa pangalang Greek na Iesous na binibigkas na Yeh-sous, at isinalin sa Latin na Iesus na binibigkas na Yay-sus at ng maimbento ang letrang ‘J’ noong 1633 A.D. ay naisalin sa English na Jesus, mababasa sa „How Yeshu‟a Become Jesus‟ sa pahina “o”. Mas Mahalaga ba ang pangalang Yahshu’a kaysa Jesus ? Sa YahYah (Juan) 14:26 “ang Mang-aaliw na siyang Banal Na Ispiritu ay ipadadala ng Ama sa pamamagitan ng Aking Pangalan, at iyang Banal Na Ispiritung iyan ang siyang Magtuturo sa iyo ng lahat ng bagay at Magpapa-alala ng lahat ng sinabi ko sa iyo”. Ang pangalan niya nang binangit sa YahYah (Juan) 14:26 ay Yahshu‟a, hindi pa na-iisalin ang pangalan niya sa Iesous o Jesus, samakatwid ipadadala ng Amang Yahweh ang Banal Na Ispiritu sa pamamagitan ng Pangalang YAHSHU‟A. Bago tayo magpatuloy alam natin na bagong imbento lamang ang Letrang „J‟ kaya imposibleng Jesus ang pangalan ng Messiah, ganoon din ang pangalan ni Juan o „John‟ ay ang dapat ay „YahYah‟. Sa Israel ngayon ang tawag kay John ay „Yochanan‟ na isang kontradiksyon sa nakasulat sa YeremiYah (Jeremiah) 43:4 at sa Luke 1:61. Tangi ang Banal na Pangalan ni Yahweh na „Yah‟ sa Awit 68:4 ang may kapangyarihan na pagsalitaing-muli si ZechariYah sa Luke 1:22, Luke 1:59-64. Ang Semetic na kapatid na wika ng Hebreo at sa Arabic ang pangalan ni John ay „Yahya‟. Si Yahshu’a ang Messiah ay ANAK NI YAHWEH o ANAK NG TAO ? Noong kapanahunan pa ni Emperor Constantine na nagtatag ng Romano Katoliko ay pinagtatalunan na kung ang Messiah (na naisalin na sa pangalang Latin na „Iesus‟) ay „Anak ng Kataas-taasan‟ o „Anak ng Tao‟. Nang ipatawag ni Emperor Constantine noong 325 A.D. ang 1.800 na Bishop na ang dumalo ay 318 Bishop lamang sa Council of Nicea, ang pinagkatiwalaan ni Bishop Alexander na si Athanasius ay ipinipilit na si Iesus ay „Anak ng Kataas-taasan‟ at ang Banal na Ispiriti at ang Ama ay iisa o ang „Paniniwala sa Trinity‟. Si Arius naman ay ipinagpilitan na si Iesus ay „Anak ng Tao‟. Si Yahshu’a ay Anak Ni Yahweh: Sa geneology sa Luke 3:23-38 “Si Yahshu‟a ay magtatatlumpong taon na ay anak ni Yohseph na anak ni……. si Seth na anak ni Adam na Anak ni Yahweh”. Si Yahshu‟a raw ay anak ni Yohseph na ang ninuno ay si Adam na Anak ni Yahweh. Sa Genesis 6:2-4 sa kapanahunan ni Adam “At nakita ng mga „Anak ni Yahweh‟ na magaganda ang mga babaeng „Anak ng Tao‟ at pumili sila ng kani-kanilang mapapangasawa”. May mga higante sa mundo ng kapanahunang iyon, at ang naging supling ng Anak ni Yahweh sa mga babaeng Anak ng Tao ay naging Magigiting (Mighty men) o tinawag na Elohim. Page b Nalito ang mga Translators kung Sino ang Anak ni Yahweh at Sino ang Anak ng Tao: YahYah (Juan) 12:32-34 “at Ako, kung Ako at maitaas na, ilalapit ang lahat ng tao sa akin (and I, if I be lifted up from the earth, will draw all men unto me)”. YahYah (Juan) 12:33 ay komentaryo ng Translators. YahYah (Juan) 12:34 “Ang mga tao ay sumagot, „narinig namin sa batas na ang Messiah ay lalagi magpakailanman, bakit sinasabi mo na ang Anak ng Tao ay kailang maitaas, sino ba itong Anak ng Tao ? (“The people answered him, We have heard out of the law that Messiah abideth forever, and how sayest thou, The Son of Man must be lifted up ? who is this Son of Man ?). Wala naman binanggit sa YahYah 12:32 ang Translators na Anak ng Tao ay kailang maitaas, bakit sa isinagot ng mga tao at nagtatanong sino ba itong Anak ng Tao ? Samakatwid sa YahYah 12:32 ay ang binanggit ni Yahshu‟a ay HINDI ‘Ako’ KUNDI ‘Anak ng Tao’ ay maitaas na. Bakit nalito ang mga Translators ? Si Yahshu’a Messiah ay Anak Ni Yahweh na Buhay: Mateo 16:13-17 “Nang dumating si Yahshu‟a sa lupain ng Caesaria ng Filipos, tinanong niya ang kanyang mga Alagad. Sino raw ang Anak ng Tao ayon sa mga tao? At sumagot sila na sabi po ng ilan ay si YahYah (Juan Bautista), sabi naman ng iba ay si EliYah, at may nagsabi pang si YeremiYah o isa sa mga Propeta”. Kayo naman ano ang sabi ninyo ? sino ako ? tanong niya sa kanila. Sumagot si Simon Pedro, “Kayo po ang Messiah, ang Anak Ni Yahweh na Buhay”. Sinabi sa kanya ni Yahshu‟a “mapalad ka Simon na Anak ni Yonas sapagkat ang KATOTOHANANG ITO’Y HINDI INIHAYAG sa iyo ng laman at ng dugo (ng sinumang tao) kundi nang aking Ama (Amang Yahweh) na nasa langit”. Tanging si Simon Pedro na anak ni Yonas ang pinahayagan ni Amang Yahweh ng KATOTOHANAN na si Yahshu’a ay ANAK NI YAHWEH NA BUHAY. Ang mga Translators ay nalito dahil hindi sila pinahayagan ni Amang Yahweh ng katotohanang ito kaya inakala nila na si Yahshu‟a ay Anak ng Tao kagaya ng ayon sa mga Tao. Ano ang Inihaya

12 / 10 / 2008

hayao

This is definitely a great treasure, you can also have this file at this link: http://www.angdatingdaan.org/The-Blog...

11 / 18 / 2007