You are on page 1of 3

4Ps: Ang Pagkakamaling Hindi Na Dapat Ulitin

Dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga mahirap at mga walang trabaho sa bansa, ipinapagpatuloy
ng administrasyon ni Noynoy Aquino ang “Pantawid Pamilyang Pilipino Program” o 4Ps na sinimulan ng
dating Pangulong si Arroyo upang lutasin ang suliraning ng kahirapan. Nagbibigay ito sa mga pamilyang nasa
ilalim ng poverty line ng hanggang P1,400 bawat buwan1. Maaaring magbigay ng pansamantalang ginhawa ang
mga pantulong-pinansyal o subsidies na ito sa kalagayan ng mga Pilipino, ngunit kapag isinaalang-ala ang lahat
ng mga salik at bunga ng programang ito, kapaki-pakinabang nga ba ang 4Ps, lalo na sa pangmatagalang
panahon? Mayroong nagsasabi na ang pansamantalang solusyon ay mas mabuti na kaysa sa wala. Ngunit diyan
sila nagkakamali sapagkat ano ang halaga ng pansamantalang solusyon kapag sa huli ay mabibigo lamang ang
taumbayan sapagkat pinaasa lamang sila sa wala at hindi na ito kayang sustentuhan ng pamahalaan? Noon pa
lamang, hindi na dapat namahagi ng subsidies ang gobyerno at ngayon, hindi na dapat ulitin pa ni Aquino ang
pagkakamali ni Arroyo sa pamamagitan ng pagpapatuloy ng 4Ps sapagkat ang mga kahihinatnan nito ay
makasasama lamang sa mga Pilipino.
Noong nakaraang taon, naglaan ng limang bilyong piso ang administrasyon ni Arroyo upang tustusan
ang 4Ps nang sa gayon ay makapagpamahagi sila ng pinansyal na tulong sa mga Pilipino. Ayon sa pamahalaan,
pitong porsiyento lamang ng bilang ng mga mahihirap na pamilya sa bansa ang makatatanggap ng tulong na
ito3. At kahit alam na ng gobyerno na ganito lamang kaunti ang kanilang matutulungan at kahit na umabot na ng
humigit-kumilang sa tatlong trilyong piso ang utang ng bansa, humiram pa rin ng dalawampu’t limang bilyong
piso ang pamahalaan sa World Bank upang maisakatuparan nang maayos ang programang ito. Sa pagkalipas ng
panahon, naubos din ang perang inilaan at hiniram. Ano na ang gagawin ng pamahalaan? Hihiram na ba lamang
ulit at dadagdagan pa ang napakalaking nang utang sa World Bank? Kapag ipinagpagpatuloy pa ito ng
administrasyon ni Aquino, siguradong lalaki pa lalo ang utang ng bansa at mapasasama lamang lalo ang pang-
ekonomiyang kalagayan ng mga Pilipino.
Bukod pa rito, sa pamamagitan ng pamimigay ng mga subsidies, tinuturuan ng gobyerno ang mga
Pilipino na umasa na lamang sa pamahalaan para sa kanilang pang-araw-araw na gastusin. Kung gayon, anong
klaseng ugali ang tinatanim nila sa mga Pilipino? Katamaran! Kahit na may mga Pilipinong sisikap pa rin upang
umunlad sa buhay, dahil sa mga nananaig na masamang kaugalian sa mga Pilipino katulad ng “Bahala Na” at
“Pwede Na ‘Yan,” marahil na karamihan ng sambayanan ay magiging kuntento na sa perang pinapamahagi ng
pamahalaan. Ano ang mangyayari kapag naubos na ito o kapag tumaas na ang presyo ng mga bilihin at hindi na
sapat na pambili ang tulong-pinansyal ng pamahalaan? Saan na ngayon pupulot ang mga Pilipino ng panggastos
para sa kanilang mga pangunahing pangangailangan? Dadami nanaman ba ang mga nagugutom sa bansa?
Tataas nanaman ba ang bilang ng mga nalulunod sa kahirapan?
29 bilyong piso ang inilaan ng administrasyon ni Aquino para sa 4Ps4. Napakalaki ng puhunan ng
gobyerno para sa programang hindi naman tunay na makabubuti sa mga Pilipino. Kailangan isaalang-ala ng
pamahalaan ang lahat ng magiging bunga ng kanilang desisyon. Hindi maaaring isipin ng gobyerno ang epekto
ng pamimigay ng subsidies sa kasalukuyan lamang sapagkat maiimpluwensiyahan nito ang buong bansa, pati na
rin sa hinaharap. Ang pamimigay ng subsidies ay magtatanim lamang ng masamang ugali sa mga Pilipino at
magdaragdag pa sa pinansyal na pasan ng bansa. Hindi nito nilulutasan ang ugat ng kahirapan; sa halip ay
tinatakpan lamang nito ang suliranin nang parang “band-aid.” Hindi ito kayang sustentuhan ng pamahalaan
nang matagalan kaya hindi na dapat pang pag-aksayahan ng pera at panahon ang tinataguriang lunas na sa
ktunayan ay mas nakasasama pa kaysa sa sakit. May mga mas mabuting bagay na dapat gastusan ng bilyun-
bilyong piso. Sa halip na bawasan ang badyet ng ibang mga kagawaran upang tustusan ang 4Ps, dapat gugulin
ng gobyerno ang pera sa mga serbisyong panlipunan katulad ng edukasyon, paglikha ng mga trabaho, at
transportasyon, nang sa gayon ay umunlad ang bansa at mabili ng mga Pilipino hindi lamang ang kanlang mga
pangungunahing pangangailangan, pati na rin ang kanilang mga ninanais.
Mga kababayan ko, imulat ninyo ang mata ninyo! Walang mabuting patutunguhan ang pagpapatuloy ng
4Ps sapagkat paghihirap lamang ang idudulot nito para sa ating lahat. Huwag nating tahasan ang ating paningin
sa kasalukuyan lamang. Kailangan nating palawakin ang ating pananaw, tingnan ang kabuuang epekto nito
hindi lamang sa atin ngayon, pati na rin sa imahe ng bansa sapagkat maiimpluwensiyahan nito ang magiging
buhay ng mga susunod na henerasyon. Huwag na tayo magpaloko muli. Huwag na tayong pumayag na paasahin
na lamang sa wala. Huwag na tayo magpadala sa mga politikong pilit na pinapalabas na nakatutulong ang talaga
namang nakasasama. Huwag tayong basta-bastang na lamang maniwala. Oras na para mag-isip-isip nang
mabuti. Sapagkat kayang wasakin ng isang maling hakbang ang kinabukasan nating lahat.

Arroyo increased the number of beneficiaries of the program last year, it was at the height of the ‘Le Cirque’

scandal where she and some of her cronies were caught spending millions of pesos in meals during a U.S trip.

“Could it be that the 4P is serving the same purpose under Noynoy?”


________________________
4
http://www.kilusangmayouno.org/news/2010/09/comparing-aquino%E2%80%99s-budget-gloria%E2%80%99s-same-policy-further-misery huling binisita noong
Marso 5, 2011
Tala-sanggunian

Labog, Elmer “Bong.” “Comparing Aquino’s budget to Gloria’s: same policy, further misery.” Setyembre 2010.

5 Marso 2011. <http://www.kilusangmayouno.org/news/2010/09/comparing-aquino%E2%80%99s-budget-

gloria%E2%80%99s-same-policy-further-misery>

Ortiz, Margaux. “P5-B subsidy to make poor families dependent--Caritas Manila.” 27 Abril 2008. 5 Marso

2011. < http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/nation/view/20080427-133037/P5-

B_subsidy_to_make_poor_families_dependent--Caritas_Manila>
_____________________

1
http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/nation/view/20080427-133037/P5-B_subsidy_to_make_poor_families_dependent--Caritas_Manila huling binisita noong Marso 5, 2011
2
Ibid.
3
Ibid.

You might also like