You are on page 1of 8

Paninigarilyo

Ang paninigarilyo ay isang kasanayan kung saan sinusunog ang isang sangkap, pinakakaraniwan ang
tabako na nakapaloob sa bilot ng sigarilyo, at nilalanghap at nilalasahan ang usok. Pangunahing
ginagawa ito bilang isang anyo ng paggamit ng droga bilang isang libangan dahil sa may nicotine na
nailalabas ito at ginagawang madaling masipsip ng mga baga. Maaaring ginagamit ito bilang bahagi ng
ritwal, upang hikayatin ang kawalan ng ulirat at ispirituwal na kaliwangan. Ang sigarilyo ang
pinakakaraniwang kaparaanan ng paninigarilyo sa ngayon, at pangunahing ginagawa ng mga pagawaan
ngunit maaaring din gawin mula sa hiwa-hiwalay na tabakong nirolyo sa papel sa pamamagitan ng
kamay.

Mga sangkap ng sigarilyo?


Acetaldehyde - pangunahing metabolic produkto ng ethanol sa proseso ng conversion sa suka acid. Ito
ay isa sa mga ahente na responsable para sa hangover.

Acetone - nasusunog nakatutunaw.

Hydrocyanic acid - lubhang nakapipinsala syanuro (hinaharangan ang pagtanggap ng oxygen sa dugo).

Acrolein - Component na nagiging sanhi ng masamang hininga sa iyong bibig. Alkitran - nakakalason at
carcinogenic substansiya na tumutulong sa pagbuo ng addiction. Siya hinaharangan ang Airways.

Ammonia - ginagamit sa kimiko mapanganib na mga produkto para sa paglilinis.

Arsenic - Component mataas na damaging - purong lason.

Benzopyrene - carcinogenic substansiya na tumutulong sa proseso ng combustion - ay gumagawa ng


sigarilyo ay hindi malinaw.

Butane - kulay, amoy ngunit mataas na nasusunog.


DDT - Pesticides. Dietilnitrosamina - sanhi ng pinsala sa atay.

Penol - karboliko acid na irritates at erodes aming mauhog membranes. Kung swallowed o inhaled ay
nakamamatay! Bilang karagdagan sa pagiging unti-unti din ang nakakaapekto ang aming central
kinakabahan sistema.

Formol - pormaldehayd.

Malakas na metal - lead at kadmyum. Isa ng sigarilyo ay naglalaman ng 1 hanggang 2 MG, sa gayon ay
ang average na buhay ng mga sangkap ay 10 sa 30 taon, binabawasan ang kapasidad ng baga. Bukod sa
iba pang mga problema rin maging sanhi ng: dyspnea, baga fibrosis, sakit sa baga, hypertension, baga
kanser, prosteyt, bato at tiyan.

Methanol - metil ng alak ginamit bilang fuel para sa mga rockets at kotse.

Karbon monoksid - Gas nasusunog at balisang radioactive.

Naptalina - puting mala-kristal na substansiya, pabagu-bago ng isip, na may amoy antitraça. Nikotina -
isang alkaloyde na ito ay ginagamit din bilang insekto. Kahit na amoy ay ang aktibong sahog sa tabako,
mga sangkap na nagiging sanhi ng addiction at kanser sa baga.

Nikelado - Warehousing sa atay at bato, puso, baga, buto at ngipin - nagreresulta sa kanggrenahin ng
paa, magdulot ng pinsala sa myocardium atbp ..

Pyrene - Carcinogenic haydrokarbon - Ginamit bilang pampalasa.

Ploniumo - Labis na radioactive.


Epekto ng sigarilyo sa katawan?
Maaari kang magkaroon ng paninikip ng dibdib, pagbagal ng paghinga o shortness of breath.\ at
pagkatuyo ng balat at worst kanser sa baga.

Interview
epekto ng sigarilyo
naaawa ako sa lolo ko. matanda na sya. sigarilyo na lang libangan nya. pero since may sakit siya
pinagbabawal sa kanya yun paninigarilyo. hmmm ok lang naman kaso hindi pwede yung lagi. pero diba
matanda na sya. masama man sabihin konti na lang ang oras nya dito sa mundo. kailangan ng ibigay sa
kanya ung mga hilig nya. dun na nga lang sya sumasaya eh. sa tuwing makikita ko sya, lagi sigarilyo
hinahanap nya one time nga nakita ko sya naghahanap ng sigarilyo sa basurahan eh. naawa talaga ako
gusto ko syang ibili ng sigarilyo. kaso baka ako pagalitan eh. hehe. ganun pala yun sobrang nakakaasik
ang sigarilyo. hay never akong mag sigarilyo. diba tama naman ako? kailangan ng pagbigyan ung ganun?
matanda na kasi eh.

INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK

A. PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Sa Pilipinas, ang mga kabataan ay nagsisimulang magsigarilyo sa edad na pitong (7) taon.
Nagiging regular na ang paninigarilyo sa edad na 13 hanggang 15 taong gulang.

Isang tao kada 13 segundo, o isang milyong katao taun-taon, ang namamatay dahil sa
paninigarilyo.

Ang paninigarilyo ang pinakaunang sanhi ng kamatayan sa buong mundo. Ayon sa Department
of Health, isang tao kada 13 segundo, o isang milyong katao taun- taon, ang namamatay dahil
sa paninigarilyo. Ang paninigarilyo ay sanhi rin ng mga sakit sa puso, baga, kanser, diabetes,
osteoporosis at marami pang iba. Ito din ay madalas na sanhi ng pag- atake ng hika.

B. PAG- AARAL

Nalagadaan na ni Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo ang Tobacco Regulation Act of 2003 (RA
9211) na naglalayong protektahan ang mga mamamayan laban sa masamang epekto ng
paninigarilyo.

Sa ilalim ng batas na ito, bawal na ang paninigarilyo sa lahat ng pampublikong lugar gaya ng
mga paaralan, ospital, mga terminal, restawran, at iba. Bawal na rin ang pagbebenta ng yosi
sa mga tindahan na malapit sa mga paaralan, at di na pagbebetahan nito ang mga menor de
edad. Required din ang mga kumpanyang gumagawa ng sigarilyo na ilagay ang health warning
sa harapan ng kaha ng yosi. Iba-ban na rin simula 2007 ang mga ads ng mga sigarilyo sa iba’t
ibang media.Ayon sa Malakanyang, ang Pilipinas ang kauna-unahang bansa sa mundo na
pinakaunang tumupad sa sa panawagan ng World Health Organization na i-regulate ng mga
bansa ang paggamit ng mga produktong may nikotina.

Mahigpit ang penalty sa mga lalabag sa anti-smoking bill na ito: mula P500 hanggang P400,000
at pagkakulong ng mula 30 araw hanggang tatlong taon, at administrative sanctions.
Inaatasan din ng batas ang Kagawaran ng Edukasyon an magsawaga ng info campaign at isama
sa school curricula ang masasamang epekto ng pagyoyosi.

Sa isang panayam sa radyo, natutuwang sinabi ni Senador Juan Flavier, isang doktor at siyang
pangunahing lumikha ng bersyon ng batas sa Senado, na isang magandang regalo daw sa kanya
ng Pangulo ang pagkakalagda sa batas na ito.

Nagsagawa na rin ng kampanyang kontra-paninigarilyo ang Kagawaran ng Kalusugan ng Maynila


sa Justo Albert Awditoryum noong ika-2 at 4 ng Oktubre.

Kaalinsabay ng temang “Manila: Smoke-Free City”, nagdaos ng isang forum ang kagawaran
kung saan nagsama-sama ang mga opisyal ng barangay, mga kagawad, at mga kinatawan ng
anim na distrito ng Maynila.

Ang dalawang araw na pagpupulong ay may layong ipakilala sa mga nagsipagdalo ang “Ang
Anti-Tobacco Law” o ang Batas Republika 9211 na nagbabawal ng paninigarilyo sa mga
pampublikong lugar partikular na sa nasabing lungsod. Ito ay upang bigyang-diin at paigtingin
ang pagpapatupad nito na magsisimula sa bawat baranggay.

Kasama rin sa programa ang pamimigay ng mga leaflets at posters na nagpapakita ng mga
masasamang epekto ng paninigarilyo sa kalusugan ng mga mamamayan, sa kanyang kapwa at
sa kanyang lungsod.

C. LAYUNIN

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang pag- aralan at alamin ang mga sanhi ng
paninigarilyo ng mga kabataan. Makakatulong din ito sa mga hindi nanninigarilyo upang huwag
na nila subukan ang masamang bisyo na ito.

Sinuri ng mga mananaliksik ang mga hakbang na itinataguyod ng gobyerno upang unti- unting
mabawasan ang paninigarilyo sa bansang Pilipinas at ang masamang epekto ng paninigarilyo.

D. HALAGA

Ang halaga ng pananaliksik na ito ay upang pamulatin ang pagiisip ng mga kabataang sa
murang edad pa lamang ay nalululong na sa bisyo ng paninigarilyo. Hindi lamang sa kabataan
makakatulong ito kung hindi na rin sa mga taong hindi na mapigilan ang paninigarilyo.
Makakatulong din ito sa mga hindi nanninigarilyo upang huwag na nila subukan ang masamang
bisyo na ito.
Ayon sa mga mananaliksik, ang higit na kahalagahan ng pag-aaral ay ang makakapaghahatid ng
balita sa mga mambabasa tungkol sa paninigarilyo at mapag bigay alam sa publiko ang
kanilang maitutulong upang mabawasan ang paninigarilyo ng kabataan.

E. KONSEPTWAL NA BALANGKAS

F. METODOLOHIYA

Gumamit ang mga mananaliksik ng mga kasanayan sa pananaliksik sa pagsulat ng terminong


papel hango sa pagsisiyasat ang epekto ng paninigarilyo.

Kumuha ang mananaliksik ng impormasyon sa paksa base sa kanilang kaalaman at sa mga


opinion ng mga tao sa kanilang paligid. Nakatulong din ang “internet” balita at dyaryo upang
makumpleto ang kanilang pagsasaliksik.

G. SAKLAW/ DELIMITASYON

Ang pananaliksik tungkol sa “Epekto ng Paninigarilyo” ay sumasakop lamang sa epekto ng


paninigarilyo sa katawan ng mga tao sa bansang Pilipinas. Maaaring masama sa pananaliksik
na ito ang mga sanhi ng paninigarilyo ngunit ang paksang naibigay ay iikot lamang sa epekto
ng paninigarilyo.

H. DALOY NG PAG- AARAL

Negatibo lahat ang epekto ng paninigarilyo na nabanggit ng mananaliksik dahil ang


paninigarilyo ayon sa mga natanungan ay masarap sa pakiramdam ngunit mali talaga. An
paninigarilyo ay mapanganib sapagkat ang usok nito ay nakakapinsala hindi lamang sa taong
gumagawa nito kung hindi na rin sa taong naka paligid sa naninigarilyo mismo.

Ayon sa mga suliraning nabanggit, nais ng mga mananaliksik na tugunan at ipaalam sa mga
mambabasa ang malaking epekto ng paninigarilyo sa mga Pilipino. Layunin din ng pananaliksik
na ito ang makatulong sa pamamahagi ng mga impormasyon tungkol sa masamang epekto
nito.

Gumawa ang mga mananaliksik ng mga paraan upang matagumpay na maipamahagi ng


pananaliksik na ito ang impormasyon tungkol sa mga epekto ng paninigarilyo sa mga
gumagawa nito. Gumamit ng mga kasanayan sa pagsulat ng akademikong papel at naghanap
ng mga taong makakapanayam upang kunin ang sariling pananaw ng bawat isa bilang
representasyon ng publiko tungkol sa ppaninigarilyo at nangalap din ng karagdagang
impormasyon sa mga internet sites bilang pang-suporta sa pananaliksik na ito.

II. INTRODUKSYON SA PAKSA

ANG SIGARILYO
· Naglalaman ito ng 14 na kemikal na nakaka-kanser.
· Ang usok nito ay naglalaman ng mahigit sa 4,000 kemikal na pumipinsala sa kalusugan at
kapaligiran.
· Ang nikotinang laman ng sigarilyo ay sanhi ng pagka-adik dito.
· Ang usok ng sigarilyo ay mayroong carbon monoxide na siya ring ibinubuga ng mg tambutso
ng sasakyan.
· Ang tar ay nagpapadilaw ng ngipin at mga daliri.

Ayon sa World Health Organization, mahigit kalahati sa kabuuang bilang ng kabataang


Pilipino, particular na iyong nasa edad 7 hanggang 15, ang gunom na sa bisyo ng paninigarilyo.
Bahagi sila ng tinatayang 40,000 hanggang 50,000 Asian teenagers na maagang natutong
manigarilyo bunga ng kakulangan sa batas laban sa tobacco at walang humpay na promosyon
nito sa bansang Pilipinas. Sa katunayan, isa sa bawat tatlong lalaki na nasa middle age ang
namamatay dahil ditto. Inaasahang tataas pa ang bilang na ito sa mga darating na buwan dahil
sa mabilis na paglaganap ng bisyo sa mga kabataan, lalo na sa Pilipinas.

III. KATAWAN

Ayon sa mga pag-aaral ang paninigarilyo ay maaaring magdulot ng pagtaas ng blood pressure,
paglapot ng dugo, kanser sa baga, bibig, lalamunan, matris at pantog, katarata, pagkabulag
at low birth weight at birth defects ng mga sanggol sa sinapupunan. Isa sa apat na taong
naninigarilyo ay namamatay sa mga sakit na dulot nito. Ang iba naman ay naghihirap ng
maraming taon sa kanilang kalusugan.

Ang tar at Carbon Monoxide na nasa usok ng sigarilyo ay nakakirita at sumisira sa mga baga
tuwing humihinga ang taong naninigarilyo. Ang pangangati ng lalamunan ay kalaunang
magiging ubo. Kapag nagtagal ay magdudulot ito ng paparaming plema. Ang mga ito ay paraan
n gating mga katawan ng pagprotekta sa usok.

Kapag itinuloy pa rin ang paninigarilyo, maaaring magkaroon ng sipon at trangkaso, pati na rin
bronchitis, pneumonia at iba pang malalang sakit sa puso. Sa kalaunan ay maaari pang
magkaroon ng emphysema ang isang taong naninigarilyo, kung saan nasisira ang ibang bahagi
o kabuuan ng mga baga. Habang lumalala ang sakit, ay mahihirapan na ito sa paghinga at
maging sa paglakad. Ang paninigarilyo ay isa sa mga dahilan ng emphysema.

Ang paninigarilyo ay pangunahing sanhi ng sakit sa puso. Ang Nicotine na nasa usok ng
sigarilyo ay nagpapataas ng blood pressure. Dahil ditto, nagiging mas mabilis ang pagtibk ng
puso, at mangangailangan ng mas maraming Oxygen, ngunit dahil sa Carbon Dioxode, ang
kemikal na nasa usok ng sigarilyo, nababawasan ng 15% ang Oxygen na nakakaating sa puso.
Ang Nicotine ay sanhi ng mga build up ng taba sa mga ugat, na nakapagpapababa ng blood
pressure. Ang iba naming mga kemikal ay pumapasok sa agos ng dugo at humahadlang sa
normal na sirkulasyon ng katawan. Dahil sa nababarahan ang mga ugat ay nagkakaroon ng mga
sakit at atake sa puso. Maaari ring magkaroon ng pananakit ng paa, at pamamaga ng hita.

Kapag ang mga ugat sa utak naman ang inatake nito, maari ring magkaroon ng problema sa
paningin tulad ng pagkabulag.
Ano ang relasyon ng paninigarilyo sa Kanser?

Ang paninigarilyo ay nagpapataas ng posibilidad ng pagkamatay sa Lung Cancer ng hanggang


20 bese, ayon sa Lung Center of the Philippines. 9 sa 10 taong namamatay sa lung cancer ay
naninigarilyo. Ang paninigarilyo rin ay maaaring maging sanhi ng pagkakaroon ng kanser sa
bibig, lalamunan at esophagus ng 2 hanggang 20 beses. Ang pagkakaroon ng kanser ay
tumataas rin maging sa mga bahaging hindi diretkang apektado ng usok ng sigarilyo tulad ng
pancreas, kidneys, urinary bladder at cervix.

Ano pa ang maaring maidulot ng Paninigarilyo?

Ang mga naninigarily ay humihina ang katawan, nahihirapang huminga, lagging bumabahin at
umuubo, sumasakit ang ulo at nagbabago ang pang- amoy at panlasa. Ang paninigarilyo ay
maaari ring makapagpapangit dahil sa pagkulubot ng balat, makapagpadilaw ng ngipin at mga
kuko sa daliri, at makapagdulot ng mabahong hininga.

Nakaaapekto ba ang usok nito sa mga taong hindi naman naninigarilyo?

Kung ang taong naninigarilyo ay nakakakuha ng mainstream effects, ang taong nakakalanghap
naman ng usok ng sigarilyo ang nakakakuha ng sidestream effects. Ito ay tinatawag na Passive
Smoking. Kahit hindi ka naninigarilyo ay parang naninigarilyo ka na rin dahil sa mga kemikal
na nakukuha mo sa usok ng sigarilyo ng taong katabi o malapit sa naninigarilyo. Mas marami
pa ang konsentrasyon ng mga masamang kemikal ang nakukuha ng mga passive smokers (mga
taong hindi naman naninigarilyo pero nakatira kasama ang taong naninigarilyo) kumpara sa
mga taong talagang naninigarilyo. ANg mga ito ay makakaramdam ng pagsakit ng ulo, at
pagtutubig ng mata. Ang mga passive smokers ay may mas mataas ng 35% posibilidad na
magkaroon ng kanser.

Ang mga bata/ anak naman ng mga naninigarilyo ay may mas malaking posibilidad na
magkaroon ng bronchitis, pneumonia at mga sakit sa puso lalo na sa unang taon.

Nakalulungkot sa tao ang laging paninigarilyo

Ang paninigarilyo ay hindi nakapagpapasaya - ito ang lumabas na resulta ng pag-aaral na


isinagawa ng Peninsula Medical School sa United Kingdom sa pangunguna ni Dr. Lain Lang
hinggil sa kaugnayan ng paninigarilyo sa Psychological well-being ng tao.

Sa kanilang pagsisiyasat, napag-alaman na ang mga naninigarilyo ay nakararanas ng mababang


antas ng kasiyahan at life satisfaction kumpara sa mga hindi naninigarilyo.

Ayon pa rin sa kanilang pag-aaral, ang pleasure na nararanasan ng mga Smokers ay dahil
lamang

sa adiksyon sa patuloy na paghithit ng sigarilyo. Ipinapayo rin ng mga dalubhasa na kung nais
ng
isang tao na makaranas ng kasiyahan, mabuting pangangatawan at satisfaction sa buhay ay
mas maiging tigilan na ang paninigarilyo.

IV. KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

KONKLUSYON

Ang paninigarilyo ay isang masamang bisyo. Ito ay masama para sa ating kalusugan. Bukod sa
magastos ang paninigarilyo, ay nakakapagdulot pa ito ng maraming uri ng sakit tulad ng sakit
sa puso, bronchitis at kanser. Nakakapagpahina din ito ng resistensya n gating katawan. Ito rin
ay nakamamatay.

Ang usok ng sigarilyo ay nakakasama rin maging sa ating mga kaibigan at kasambahay.

Ang paninigarilyo rin ay masama para sa ating kapaligiran dahil nakadaragdag lang ito sa
polusyon.

REKOMENDASYON

Ito ang maaaring gawin sa pagtigil sa paninigarilyo: Una ay lumayo sa ibang mga naninigarilyo.
Alisin ang lahat ng sigarilyo at ang bawat bakas ng tabako na taglay ninyo. Humingi ng tulong
at suporta sa pamilya sa desisyon nang paghinti. Ito ang mag- iiwas sa inyo sa tukso at
magpapalakas sa inyong kapasiyahan na tumigil na. Kapag nakadarama ng pagkagustong
manigarilyo ay maghanap ng ibang pagkakaabalahan. Mag- ehersisyo araw-araw. Makalilinis
ito sa baga at makapagbubuti sa kalusugan at kaligayahan. Huwag magpapalipas ng gutom.
Kumain ng regular at huwag tatangkain magpababa ng timbang habang sinisikap alisin ang
ugalung paninigarilyo. Kumain ng masusustansiyang pagkain. Ang mga ito ay siyang magaling
na lunas laban sa lason ng tabako. Kung hindi tuluyang maihinto ang paninigarilyo, komunsulta
sa Smoking Cessation Clinics.

Dapat din ay dagdagan pa ng gobyerno ang mga proyekto laban sa paninigarilyo ng


mamamayang Pilipino.

You might also like