You are on page 1of 12

“Ang kasawian sa pag-ibig”

Isinulat ni:

Cathy Lee

Montemayor

Noong unang panahon may dalawang nagmamahalan sina Luz Montenegro

at Manuel Cruz sila ay masayang namamasyal sa harden pinag-usapan nila kung

sila ba talaga at kung anu ang gagawin nila kapag magkaroon na sila ng anak

habang namamasyal sila sa harden hindi nila namalayan na kulimlim na ang mga

ulap at nadatnan sila ng ulan.Takbo sila ng takbo hanggang nakakita sila ng

isang bahay at agad naman silang pumonta doon. Kinatok nila ang pintuan pero

walang nagbukas sa kanila. Gumawa ng paraan si Manuel para makapasok sila

kaya sinira niya ang door knob at nakapasok sila.


Habang patuloy ang pagbuhos ng ulan sila ay nakahiga lamang sa isang

kama niyakap ni Manuel ang kasintahan kase nanginginig sa lamig si Luz at

kabadong-kabado. Gutom na gutom na sila kase wala naming makakain don at

wala silang dalang pagkain buti nalang may candy si Manuel at ibinigay niya ito

sa kasintahan dahil awang-awa siya nito.habang lumalalim na ang gabi hindi nila

mapigilan ang kanilang damdamin sa isa’t-isa kaya gumawa sila ng milagro

hanggang sa pagsapit sa umaga namalayan nalang nila na wala na palang silang

damit at agad-agad naman silang nagbihis.

Dali-dali silang umuwi kase alam nila na nag-alala na ang kanilang mga

magulang. Hindi nila alam na nag-aabang nap ala ang kanilang mga magulan sa

bahay at gulat na gulat sila.Pumunta kase ang magulang ni Manuel sa bahay ni

Luz kaya sa kanilang pagdating agad silang tinanong kung saan sila

nanggaling.Sinabi naman ni Manuel na galing sila namasyal sa harden at hindi

nila namalayan na kulimlim na pala at nadatnan sila ng ulan kaya habang

naghahanap sila ng masisiloungan may nakita silang isang bakanteng bahay at

nagpasya sila na doon muna magpahiya habang malaks pa ang buhos ng ulan.

naman ng kanilang mga magulang na buti nalang walang masamang nangyari sa

inyo. At agad naman umuwi si Manuel at ang kanyang magulang.Pagdating sa

bahay ni Manuel agad naman siyang tumawag sa kasintahan at kinukumusta niya

ito.

At pinag-usapan nila ang nang-yari sa kanila doon sa bahay at sinabi

naman ni Manuel na pananagutan niya ito kung anuman ang maging resulta nito

at kahihinatnan nabuhayan naman ng loob ang I kasintahan. Paglabay ng ilang


araw nagtaka si Luz na bakit suka siya ng suka kaya nagpacheck-up siya sa

doctor at sinabi sa kanya na buntis siya. Agad niya naman itong ipinaalam kay

Manuel at nagulat naman ito. Kaya nagdesisyon sila na sabihin ito sa kanilang

mga magulang.Pero sa paglabay ng araw may nabalitaan si Manuel na mayroon

daw ibang kasintahan si Luz at hindi naman siya kaagad naniwala nito dahil alam

niya na mahal na mahal siya nito.

At ng dumating na ang araw na sasabihin na nila ang kalagayan ni Luz

nakita niya ang kasintahan na may kasamang ibang lalaki at hawak-hawak pa ang

kanyang kamay at nagulat siya sa nakita niya.at doon nasabi niya sa sarili niya na

tama ang kanyang mga kaibigan .Pero nilapitan niya ang kasintahan at nagulat

naman ito tinanong ito kung sino ang kasama niya at sinagot naman siya na

kaibigan lang at agad naman umalis ang kanyang kaibigan dahil sa nakita niya

hiniwalayan niya ito at hindi rin nagdalawang isip ang kanyang kasintahan na

sumagot na ok at doon na prove ni Manuel na may iba talagang kasintahan si

Luz.

At doon naghirap si Luz dahil iniwan siya nito at pagdaan ng ilang buwan

isinilang niya ang batang sanngol na babae na pinangalanan niya na Elizabeth

Montenegro. At doon nagsimula ang buhay ni Elizabeth.Siya ay isang magandang

bata kayumanggi ang kulay nito at may mahabang buhok.Siya ay mapagmahal sa

kapwa lalo na sa kanyang lola at lolo.Siya ay lumaki sa kanyang lola at lolo dahil

iniwan siya ng kanyang ina sa kanyang lola dahil gusto ng kanyang ina na

magtrabaho sa malayong lugar sa dahilan na mapalayo siya sa ama ng kanyang

anak. Hindi kase alam ni Manuel na nanganak na si Luz at iniwan siya nito dahil
nahuli niya si Luz na may ibang lalaking kasintahan. At ng nalaman niya ito

iniwan siya kaagad ni Manuel.

Sobrang galit na galit ang ina ni Luz kung bakit siya iniwan nito dahil hindi

naman alam ng kanyang ina ang dahilan at hindi naman siya sinabihan ng

kanyang anak.Elena Montenegro ang pangalan ng kanyang lola at Ervin

Montenegro naman ang pangalan ng kanyang lolo.Kaya nagpasya siya na

lumuwas sa maynila at bibigyan lang niya ang kanyang ina ng pera buwan-

buwan. Kaya pumayag ang kanyang ina na lumuwas siya sa maynila.Walang

kamuang-muang si Elizabeth na iniwan siya ng kanyang ina pero sinabi sa

kanyang lola na ang pangalan ng kanyang ina ay si Luz Montenegro at ang

kanyang ama ay si Manuel Cruz. Pero nalaman parin niya ang dahilan kung bakit

siya iniwan nito at iyak siya ng iyak hanggang nakatulog siya. Ang kanyang lola

ang nagpalaki sa kanya at naging katuwang niya sa buhay hanggang siya ay

nag-aral sa elementarya. Pero nagkasakit ang kanyang lola dahil hindi niya na

kayanan ang hirap sa bukid at namatay rin ang kanyang lolo at sila nalang dalawa

ng kanyang lola at noong nagkasakit ito pumasya siya na dito nalang tumira sa

cebu sa kapatid ng kanyang ina na si Elsa Balmores na may tatlong anak na puro

lalaki.

Ang panganay na anak ay si Moses Balmores at ang ikalawa ay si Louie at

ang bunso nilang kapatid ay si Ken Balmores.Siya ay nag-aral sa Tabunoc

Central School kasama ang tatlong anak ng kanyang tita. Noong grade 1 siya ang

kanyang lola ang palaging naghahatid sa kanya at palaging tinatanong ng

kanyang lola ang guro niya kung hindi siya pasaway na bata. Grade 2 naman siya
ay naging honor student at ang kanyang tita ay binigyan siya ng reward. Grade 3

siya pinangaralan ng best in leadership dahil siya ay magaling at mabuti ang

kanyang performance.

Grade 4 siya ay nasali sa most outstanding student sa kanilang klase at

habang naglalaro siya hindi niya alam na nagdadalaga na siya. Noong umuwi na

siya nagpunta siya sa banyo at nakita niya ang kanyang underware na may dugo

na at hindi niya ito pinaalam sa kanyang tita dahil natatakot siya na pagalitan nito.

Nilabhan niya ito at hindi natanggal ang dugo nito kaya nagpasya siya na sabihin

ang nangyari sa kanyang tita. At pagkatapos niya itong sabihin sinabihan siya ng

kanyang tita na lumukso sa ikatlong palapag sa kanilang hagdanan at ginawa

niya ito. Hindi siya mapakali dahil hindi siya sanay na may suot na napkin. Pero

habang tumatagal nasanay narin siya.

Grade 5 siya ay nagkaroon ng crush at palagi niya itong tinitingnan at hindi

siya mapakali kung anong gagawin niya kapag nakita niya ito. Kinikilig siya kapag

tinitingnan siya nito kase talagang napakagwapo nito at mabait pa. Kaya noong

grade 6 na siya ay pinakilala ng kanyang kaibigan si Lance dela cruz. At

maligayang-maligaya siya dahil sa wakas nakilala na niya ang matagal niyang

crush. Habang tumatagal naging matalik silang kaibigan at hindi naglaon

nagpahayag ng kanyang damdamin si lance at kinikilig naman si Elizabeth hindi

siya mapakali at hindi niya masabi-sabi na mahal niya rin ito kaya hinawakan ang

kanyang kamay at tinanong kung mahal rin ba siya nito at natulala si Elizabeth

pero maya-maya sinabi rin niya ang totoo na mahal rin ito kaya pagkatapos ng

kanilang pag-uusap nagging sila na at ipinangako nila sa kanilang sarili na


magmahalan sila habang buhay at iyon ang pinakamaligayang araw ni Elizabeth

pero hindi nagtagal sila ay naghiwalay dahil si lance ay napaka seloso at iyon

ang hindi gusto ni Elizabeth.

Talagang nalungkot si Elizabeth at umiyak siya ng umiyak. Habang

tumatagal malapit na rin ang kanilang graduation day at araw-araw sila ay nag-

eensayo ng kanilang mga kanta subalit hindi siya nasiyahan nito dahil hindi sila

nagpapansinan ni lance at habang pumaparating ang araw hindi parin sila

nagpapansinan kaya gumawa nalang si Elizabeth ng makapagsasaya sa kanya.

Pumupunta sila sa kanyang mga kaibigan sa lugar na gusto nilang puntahan at

nag-enjoy narin si Elizabeth. At dumating narin ang araw ng kanilang graduation

Masaya silang lahat at sa kahulihulihan hindi parin sila nagpapansinan ni lance.

Kaya ng dumating ang summer nagsasaliksik siya sa ibat-ibang paaralan para sa

highschool at una niyang pinuntahan ay Divino Amore Academy sa lower mohon

talisay city cebu.

Kinunsulta niya kung ano ang mga requirements at agad naman niya itong

kinumpleto. Nagtake siya ng entrance exam duon at pumasa naman siya. Malaki

ang resulta ng kanyang marka sa exam at hindi siya nag-expect na makapasa

siya sa exam. Kaya ng nakapag-aral na siya doon ginalingan niya ito at hanggang

naging scholar siya. Sumali rin siya sa paligsahan sa choir contest at nakapasa

rin siya doon at nagkaroon siya ng maraming kaibigan. Naging scholar siya sa

kanilang paaralan hannga’t siya ay nakatapos ng kanyang pag-aaral.


Noong 1rst yr.hschool siya ay nakasali sa choir dahil natanggap naman

siya bilang member nito at nakapasa siya ng nag-audition siya at iyon ang unang

pinakamasayang araw niya sa kanilang paaralan.Marami rin siyang mga kaibigan

doon at hindi nagtagal nagkaroon siya ng kaaway kase iyong schoolmate niya at

kasamahan pa niya sa choir ay naiinggit sa kanya kaya ng nabalitaan ito ng

kanilang Sister.Joan agad naman silang ipinatawag nito. Sinabihan na sana

huwag na itong maulit pa dahil kapag naulit pa ito may parusang naghihintay sa

inyo.

2nd yr siya ay natanggal sa choir at si Frietzy silang dalawa ay natanggal

dahil hindi parin sila magkakasundo kaya napilitan ang kanilang sister na

ipatanggal silang dalawa.Pero masaya naman ang naging karanasan ni Elizabeth

doon kahit natanggal na siya masaya pa rin siya kahit masakit sa kanyang

kalooban pero wala na silang magagawa.Si Frietzy kase ay isang maldita na bata

sumusuway siya sa kanyang mga magulang at hindi siya sumusunod nito at

parang hindi niya ni rerespeto ang kanyang mga magulang at spoiled bratt pa

kaya marami siyang kaaway sa paaralan.Pero hindi naman siya pinapansin ni

Elizabeth kase wala naming kahihinatnan kapag pinansin pa niya ito at hindi rin

siya tatantanan nito kaya minabuti niya na baliwalain nalang ito.

3rd yr.siya ay nagkaroon ng mabuting kaibigan at naging malapit sila sa

isa’t-isa at kahit saan sila magpunta masaya silang lahat kase masaya rin kasama

ang kanyang mga bagong kaibigan.Si Elizabeth ay mahilig sumayaw kaya kung

may show sila sa paaralan nila palagi siyang kasali nito.at pinagkakatiwalaan

naman siya ng kanyang mga kaibigan at guro.Silang lahat sa barkada niya


marunong talaga silang sumayaw kaya hindi rin sila nahihirapan kapag may show

sila sa kanilang paaralan.Hilig kase nila ang pagsasayaw kaya kung may event sa

kanilang paaralan sila ay inatasan na sumayaw at kung may gustong sumali sila

na ang bahala sa patuturo nito.

Ang ibang kasamahan niya sa barkada ay selosa nagseselos sila kapag

may ibang kasama si Elizabeth o sino mang kabarkada niya na may kasamang

iba.Sabi kase nila na iba daw ang pagtratrato nila kaysa sa ibang kaibigan nito

kaya para wala ng gulo nag-usap sila.Doon rin nagsimulang umibig si Elizabeth

sa isang lalaki na at cousin ni Tsar kaklase niya.Romeo ang pangalan sa

nagustohan ni Elizabeth nagkakilala sila dahil sa isang banda. Family day kase

nila sa Sunday at nagpasya sila na mag-iinsayo sa kaklase nila at doon sinama ni

tsar si Romeo at ng nakita niya ito agad niyang nagustohan ito kase

matangkad,maputi,gwapo at macho pa.

Sabay silang lahat pumunta sa bahay ng kanilang kaklase at kinikilig siya

nito dahil magkatabi sila sa sasakyan.Habang sila ay naglalakad papunta sa

bahay ng kanilang kaklase ng-uusap sila at ipinakilala rin siya sa ibang

kasamahan niya ng dumating na sila sa bahay ng kanilang kaklase sila ay nag-

usap na masinsinan at tuwang-tuwa pa silang dalawa hindi nila namalayan na

gabing-gabi na pala kaya nagpasya ang lahat na umuwi na.Pero hindi niya alam

na nagkagusto narin sa kanya si romeo kaya hindi siya makatulog dahil sa kaiisip

ni romeo.Pagdating ng umaga hindi alam kung bakit tinutukso siya ng mga

kaibigan at kaklase niya at pagtingin niya sa pisara nakasulat doon ang pangalan

ni Romeo na may I love you pa.


Pumupula ang mukha ni Elizabeth dahil nahihiya siya kaya binura niya ang

nakasulat sa pisara.At sabi ni tsar na humihinga si Romeo ng number niya pero

wala namang phone number si Elizabeth kase wala naman siyang cell phone.

Kaya sa paglipas ng araw si Elizabeth ay niligawan ni Romeo at naging sila

narin.Iyon din ang pangalawang araw na masaya siya.

4th yr.siya ay naging abala sa kanilang mga proyekto dahil siya ay

graduating na at marami silang mga proyekto na dapat tapusin.Kaya nawalan

narin siya ng oras kay Romeo pero sinabihan rin niya si Romeo tungkol doon at

naiintindihan siya nito.Kaya every Saturday nalang sila magkikita.At ng malaman

ng tita ni Elizabeth pinagalitan siya nito dahil ayaw pa nila na magkaroon siya ng

kasintahan.Iyak siya ng iyak dahil pinagalitan siya at hindi nila nagustuhan ang

kasintahan ni Elizabeth kaya pinagbawalan siya makipagkita pa ni Romeo pero

hindi talaga maiwasan at nahihirapan siya na gawin iyon kaya kahit bawal tuloy

parin ang pakikipagkita niya sa kasintahan.Kahit alam niya na mapapagalitan lang

siya ng kanyang tita at masasaktan lang siya nito.

Ipinaglalaban nila ang kanilang pagmamahalan.Noong araw ng kanilang

graduation day hindi nila namalayan na may dumating at hinay-hinay itong

umakyat sa hagdanan at kumatok ito.Kaya ng buksan ito ng lola ni Elizabeth

nagulat ito na hindi makapaniwala na ang babaeng nasa harap niya ay ina ni

Elizabeth at nagulat din silang lahat sa nakita.Pati narin si Elizabeth gulat na gulat

dahil ang babaeng nakita niya ay kamukha sa kanyang ina.Agad naman pumasok

ang mga anak nito at asawa ipinakilala niya ito sa lahat.


Jonel Yu ang pangalan ng kanyang asawa at ang panganay na anak ay si

Rex Yu ang pangalawa ay si Bebs Yu at ang bunso naman ay si Jonella Yu

pagkatapos ipinasok nila ang kanilang mga bagahi.Ipinakilala ng kanyang lola si

Elizabeth ni luz at nagulat ito dahil malaki na kase ito at napakaganda pang

bata.Pero hindi masyadong nag-uusap sila kase nagmamadali sila dahil malapit

na ang simula sa kanilang graduatuion at sumunod narin silang lahat pati na ang

bagong pamilya ng kanyang ina.Pero hindi alam ng bagong asawa ni Luz na may

anak siyang iniwan nito ng matapos na ang graduation ni Elizabeth agad silang

umuwi at pagdating nila sa bahay may kunting handaan at kasiyahan doon.

Masaya narin si Elizabeth kahit paano may handa parin sila at dumating pa

ang kanyang ina.Lumapit ang kanyang ina sa kanya at may ibinigay siya nito pero

hindi ito tinanggap ni Elizabeth kase baka daw magalit ang anak niya at

naiintindihan naman iyon ng kanyang ina.Na-usap sila at ipinagtapat ng kanyang

ina kung bakit nag-asawa siya muli at pinakinggan naman siya nito.Sinabi ni

Elizabeth na ok lang inay kung saan ka masaya wala akung magagawa kase ikaw

ang ina ko at alam ko naman na malaki na ang pinagbago mo alam muna ang

gagawin mo kase matanda kana.

Nagpasalamat naman ang kanyang ina sa kanya pero hindi parin maiwasan

ni Elizabeth na magtampo sa kanya dahil mas mahal niya ang pangalawang

pamilya niya at hindi niya maramdaman na mahal siya ng kanyang ina.Kaya

nagsikap siya na makatapos at makapag-aral sa collegio ng matapos na ang

kanilang graduation nagsikap siya ng husto na makapag-aral siya sa collegio


kaya gumawa siya ng paraan na makapag-aral siya at pumunta siya sa iba’t ibang

paaralan para magkuha ng requirements para sa scholarship.

At sa awa ng diyos nakakuha siya at agad naman niya itong kinumpleto

para makakuha siya ng pasulit sa Collegio De Santo Thomas tinulungan rin siya

ng kanyang lola na makumpleto ang mga kinakailangan niya kaya ng makumpleto

niya ito agad siyang kumuha ng pasulit at sa di niya inaasahan nakapasa siya sa

pagsusulit at tuwang-tuwa siya ng malaman niya iyon at agad siyang pumunta sa

simbahan para makapasalamat sa diyos.At sa pag-uwi niya tinanong ng step-

father niya na kung sino ang kanyang ama pero hindi siya makasagot dahil wala

siyang balita tungkol sa ama niya pero sinabi niya na ang kanyang ina ay si Luz

Montenegro at nagulat naman ang step-father niya kaya galit na galit si Jonel sa

nalaman niya kung bakit nagsinungaling si Luz na pwede naman niya itong

ipagtapat sa kanya.

At sa pagdating ng kanyang asawa nilapitan niya ito at dinala sa labas ng

bahay nag-usap sila tungkol sa buhay niya nuon at tinanong siya na may anak ba

siya nuon pero hindi siya nagsalita kaya tinanong siya na anak ba niya si

Elizabeth bigla siyang natahimik at sinabi na Oo anak ko siya sa dating

kasintahan ko nuon.Umiyak ang kanyang asawa at sinabi na sana ipinagtapat mo

sa akin kase hindi naman ako magagalit naaawa aku sa anak mo kase napakabuti

nitong bata at hindi mo ito binibigyan ng pansin.Sinabi naman ni Luz na patawad

mahal ko sasabihin ko naman talaga ito sa iyo naghahanap lang ako ng tiyempo

at ngayon alam muna sana tanggapin mo siya bilang tunay na anak mo.
Niyakap ni Jonel ang asawa at sinabi na Oo tratratohin ko siya bilang tunay

na anak ko at mamahalin ko siya ng higit pa sa pagmamahal na kanyang lola sa

kanya.Pinuntahan nila si Elizabeth at sinabi na doon nalang tumira sa kanilang

bahay at masayang-masaya si Elizabeth sa kanyang nabalitaan niyakap siya ng

kanyang ina at ng step-father at ipinakilala ito sa kanilang mga anak.Maluwag

naman siyang tinanggap ng kanyang bagong kapatid at niyakap nila ang isa’t isa

at sabay sabi na salamat at tinanggap niyo aku bilang ate ninyo.Pagkatapos

nilang mag-usap sabay silang kumain sa hapagkainan at masayang-masaya sila

habang kumakain.Kaya kahit marami kang pagsubok sa buhay lagi mong tandaan

na nandiyan lang palagi ang diyos.

You might also like