You are on page 1of 11

Si Mang Erning At Ang Mahiwagang

Kabibi
By: Leona Ann Canonigo

Sa baybayin ng Palawan , may nakatirang mag-asawa na sina Mang

Erning at Ginang Paulina. Matanda-tanda narin ang kanilang mga edad nag

ikinasal sila, at ngayon ay masiglang nagbubuntis si Ginang Paulina at

kapanganakan na nya ngayong buwan ng Marso. Malaya silang namumuhay na

tanging pinagkukunan nila nang hanapbuhay ay ang pangingisda ni Mang

Erning. Maliwalas ang kapaligiran , masimoy ang hangin lalong-lalot na’t malapit

lang sila sa baybayin nakatira. Pangingisda lang ang trabaho ni Mang Erning at

pansamantalang nasa bahay lang si Ginang Paulina dahil sa kanyang

pagbubuntis.

Isang gabi na ipinanganak na ang kanilang panaganay na anak ,

“ Napakagandang batang babae ang inyong anak, manang-mana talaga sa

magulang ooohh…..” wika ni Aling Tonya na siyang nagpaanak kay Aling


Paulina.

Erlina ang ipinangalan nila sa kanilang panganay na anak na isinunod sa

pangalang Erning at Paulina. “Ooh..nga noh.., napakaganda nga ng anak natin

Erning, papalakihin natin itong mabuti , ibibigay natin ang lahat sa kanya, ang

lahat lahat para lang siya ay lumigaya ng mabuti” wika ni Ginang Paulina.
Araw gabing nagsikap si Mang Erning para lang may mabili siyang gatas

para sa kanyang kasisilang lang na sanggol at nangsaganon din ay may

maipakain siya sa kanyang mag-ina. Hindi inisip ni Mang Erning ang hirap at

pagod ng kanyang trabaho, minabuti hindi siya papalpak sa panghuhuli ng isda.

Kaya nang pauwi na siya sa bahay ay napakaraming isda ang kanyang nahuli.

Kaya pag-uwi nya sa bahay ay sinalubong agad siya ni Ginang Paulina na karga-

karga ang kanilang panganay na anak. “Tila yata, napakadami mong nahuli isda

ngayon ha..Erning!! Magandang balita yan para nangsaganon ay may maibinta

tayo para makabili ng gatas ni Erlina at may makakain din tayo ngayong

haponan” wika ni Ginang Paulina sa kanyang maybahay.”Oo,dapat nga natin

itong ibinta itong mga isdang nahuli ko para naman may magamit pa tayong pera

sa mga pangangailangan natin.” Wika ni Mang Erning. Napakamahal nila ang

kanilang panganay na anak na si Erlin. At hanggang sa mag tatlong gulang na ito

ay hinubog nila lalo ng pagmamahal ang bata. Pinag sikapan talaga ni Mang

Erning ang kanyang mga katungkulan bilang isang haligi ng tahanan.

“Ooh..Erning an gaga mo yatang manghuli ng isda ahh… ang sipag mo

talaga!”wika ni Mang Pedro na kasamahan ni Mang Erning sa pangingisda “ Oo

nga ehh..kailangan ko talagang magsikap ng mabuta para sa mag-ina ko. Sige

ha?..mauna na ako sayo” wika ni Mang Erning sa kanyang kaibigan na si Mang

Pedro.”Anak, pagating ni Papa bili agad tayo ng maraming laruan ha?..wika ni

Ginang Paulina sa kanyang munting angel. Matapos ang maghapong

pangingisda sa karagatan ni Mang Erning, kahit isang isad ay wala siyang nahuli

“Bakit kaya wala akong nakuhang isda kahit isa man lang??” tanong ni Mang
Erning sa kanyang sarili kung kaya’t naisipan nalng itong bumalik sa bahay.

Nang sinalubong siya ng kanyang mag-ina, ay hindi naiwasan ni Mang Erning

amg makasimangot. “Erning?bakit nakasimangot ka?wala ka bang nahuling mga

isda?tanong ni Ginang Paulina sa asawa. “Oo,wala nga akong nakuha kahit isa

man lang na isda. Pasensya kana talaga Paulina ha?,hindi ko nga alam kong

bakit ehh..Yung mga kasamahan ko,mabuti sila at nakahuli sila ng isda.ehh ako

kahit maghap[on ehh..wala talaga” wika ni Mang Erning kay Ginag Paulina.

“Papaanoi na yan?buong maghapon kaming naghintay sayo ng anak mo sa

bahay…ehh.. wala isdang nahuli. “Pasensya kana talaga” wika ni Mang Erning

sa kaniyang asawa na karga karga ang kanilang anak na iyak ng iyak.

Isang araw nang si Mang Erning ay papunta na sa dagat para magisda ay

bigla siyang sinalubong ng isang matandang lalaki “ Palagi ka bang walang

mahuling isda? Tanong ng matanda. “Opo tatang, nahihirapan na nga yong mag

–ina ko ehh..” sagot ni Erning. At nang bigla siyang binigyan ng matanda ng

isang napakagandang kabibi “ Ano po ba ito?”tanong ni Mang Erning.” Isa yang

mahiwagang kabibi,pag hinipo mo yan ng tatlong beses ay malaya kang

makahihiling ng mga isda dyan sa kabibi, pero sa isang kondisyon lang ha..dapat

mong gamitin yan sa tamang paraan at bawat araw isang kahilingan. Ibig

sabihin ay tatlong hipo sa isang araw. “ sabi ng matandang lalaki.” Sige

po.,salamat po talaga” wika ni Mang Erning na nagmamadaling malis para

manghuli na naman ng isda “ Bakit kaya wala parin akong mahuling mga isda?”

tanong ni Mang Erning sa kanyang sarili. At nang maisipan ni Mang Erning na


gamitin ang mahiwagang kabibi na ibinigay sa kanya ng matanda. “Alam ko

na!baki t hindi ko kaya gamitin yong ibinigay sa akin ng matanda,titingnan ko

kung totoo ba talaga yon, sige nga” At nagmamadali si Mang Erning na kunin

ang mahiwagang kabibi na nasa kanyang bulsa. At hinipo nya ito ng tatlong

beses , nang biglang may lumabas na isang napakagandang serena na

nakalutang sa hangin. “ Sino ka!? Bakit ikaw ang lumabas!?” tanong ni Mang

Erning na takot na takot sa nakitang serenang nakalutang sa hangin. “huwag

kang matakot, ano ang iyong kahilingan?” tanong ng napakagandang serena.

“Gusto ko o sanang makahuli ng maraming mga isda.” Sagot ni Mang Erning na

takot na takot sa kanyang nakita. “Matutupad ang iyong kahilingan” wika ng

serena. At biglang nawala ang serena ng biglalang lumalabas ang mga isda

malapit sa bangka ni Mang Erning. MAbilis na hinuli ni Mang Erning an gang

mga isdang nakita niya gamit ang kanyang lambat sa panghuhuli ng isda.

Napakalaking gulat ni Mang Erning nang bigla niyang nakita ang mga isdang

nahuli ng kanyang lambat. “Grabe!ang dami!salamat talaga ni tatang sa binigay

niyang munting kabibi na ito at do’n din sa napakandang serena!, sawakas

mapapakain ko na rin ang aking mag-ina ng masasarap na pagkain sa muli, at

maibili ko ng magagandang laruan ang aking munting angel.” Wika ni Mang

Erning na sayang –saya sa kanyang nakita. Hindi mahulugang karayonm ang

kasiyahan ni Mang Erning sa paghuli niya ng napakaraming isda.

Nang papauwi na si Mang Erning sa kanyang mag-ina ay bigla

siyang sinalubong nito. Laking gulat ni Ginang Paulina sa kanyang nakita.

“Erning!bakit ang dami mong nahuli ngayon!? Anong ginawa mo!? Gumamit ka
ba nang pampasabog?o dinamita?” tanong ni GInang Paulina sa asawa. “Wala

Paulina, lambat ang iginamit ko sa panghuli ng isda!” sagot ni Mang Erning.

“Pero, papaanong………” tanong nsana ni GInang pansya kay MAng Erning.

“Huwag kanang magatanong pa. Dapat na natin itong ibinta nang sag anon may

magamit tayong pera pambili ng mga pagkain at nang makabili din tayo ng mga

pangangailangan ng anak natin. Masayang kumain sina Mang Erning at GInang

Paulina kasama ang kanilang nag-iisang anak na si Erlin. Punong-puno ng mga

masasarap na pagkain ang hapagkainan. Ito ang pinakaunang beses na

nakakain sila ng ganun kasarap. At ang anak naman nila ay sayang-saya sa

pagkain ng prutas na tabi-tabi nya ang mga laruang binili ng kanyang ama.

Matapos ang kanilang mabusog na salo-salo ay maagang namahinga si Mang

Erning at ang kanyang mag-ina.

KInaumagahan, maagang nagisda si MAng Erning sa karagatan . Gaya

nang ginawa niya kahapon ay ginamit niya ang mahiwagang kabibi na

nagbibigay sa kanyang pamilya ng matinding kasiyahan. “Ang dami nito!mas

madami pa to sa nahuli ko kahapon!” wika ni Mang Erning sa kanyang sarili.

Nang paui na si Mang Erning sa kanilang munting tahanan ay sinalubong na

namn siay ng kanyang mag-ina gaya kahapon. Ibininta ni Mang Erning ang mga

isda at binili nila ng masasarap na pagkain at iba-iba pa nilang pangangailangan.

Sa hapagkainan,hindi naiwasa ni Ginang Paulina ang magtanong kay Mang

Erning.” Erning?bakit ba niton mga nakaraang araw ay napakadami yatang

nahuli mong mga isda?Ano ba talaga ang ginawa mo? Tanong ni Ginang Paulina

na sabik na sabik sa sagot ni Mang Erning. At hindi rin napigilan ni sabihin


nalang ni Mang Erning ang natatagong sekreto tungkol sa munting kabibi.

Biglang tumayo si Mang Erning mula sa hapagkainan at kinuha ang munting

kabibi malapit sa cabinet na inilagay sa iasang maliit din na kahon. “Dahil ditto

Paulina, dahil ditto sa munting kabibi na ibinigay ng nakasalubong kong

matandang lalaki noong isang araw.”wika ni Mang Erning ni Ginang Paulina.

“Ibig mo bang sabihin na kayang ibigay nyan ang mga isda na hihilingin

mo?”tanong ni Ginang Paulina. “Aba’y! Oo!,pero kailangan natin iton gamitin sa

malinis na paraan.”wika ni Mang Erning. Matapos silang kumain,kasabay nang

kanilang pag-uusap ay namahinga kaagad sila. Pero si Ginang Paulina ay

nagpahuli dahil hindi pa siya inaantok. Kung kaya’t lumabas muna siya sa bahay

at nagpahangin, sa sarap nang simoy ng hangin na galling pa sa karagatn.

Biglang naisip ni Ginang Paulina ang tungkol sa kabibi. Pumasok siya sa bahay

at kinuha ang munting kabibi na inilagay ni Mang Erning sa ibabaw ng kabinet.

Lumabas si GInang Paulina at doon n nya hinipo ang munting kabibi ng ikatlong

beses.At may biglang may lumabas na magandang serena na nakalutang sa

hangin.”Sino ka!?” tanong ni Ginang Paulina na takot na takot.” Ano ang iyong

kahilingan?”tanong ng serena. “ahm,gusto ko sanang magkaroon ng maraming

mga isda!para maibinta ko ito bukas”sagot ni Ginang Paulina. “Matutupad ang

iyong kahilingan” wika ng serena.At nang mapawi na sa paningin ang ni Ginang

Paulina ang magandang serena ay biglang niyang nakita ang mga napakaraming

isda sa likuran niya. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita. Ang hindi alam

ni Ginang Paulina na isang kahilingan lang sa isang araw. Hindi kasi ito

nabanggit ni Mang Erning kanina sa hapagkainan. Kinabukasan nang magising


na ang mag-ama any nabigla sila sa kanilang nakita.”Paulina!? bakit ang daming

isda dito sa kusina!? Ginamit mo ba ang mahiwagang kabibi!?Kalian ka

humiling?” Tanong ni Mang Erning na takot na takot sa kasagotan ni Ginang

Paulina.” Kagabi ko ito ginamit” sagot ni Ginang Paulina. “Ano!? Bakit ka

humiling nang gaito kadaming mga isda? “ tanong ni Mang Erning na takot na

takot sa posibleng parusa sa kanila dahil sa paglabag ng payo ng matanda.”

Bakit ba Erning?masama ba?” tanong ni Ginang Paulina. “Oo! Napakasama!

Hindi ko kasi nasabi sayo na isang kahilingan lang sa isang araw, hindi ko rin

kasi naitanong sa matanda kung ano ang posibleng mangyari pag sinuway ko

siya kasi nga nagmamadali ako nang araw na iyon.”sagot ni Mang Erning na

natataranta na. “ Sana nga ay walang magyari sa atin na masama”. Wika ni

Mang Erning. “Patawad Erning.” malungkot na wika ni Giang Paulina.

Pagsapit nang gabi, ay biglang nilagnat ang kanilang anak na si Erlin.

Agad agad nilang binigyan nang gamut ang bata , kasabay ang pagdating ng

matandang nagbigay ni Mang Erning na munting kabibi na iyon. “ Hindi ka

tumupad sa ating usapan Erning, hindi ko alam kong ano ang parusa sa inyo

nang karagatan.Baka yan ay hudyat na nang karagatan ang pagkaroon ng lagnat


nagyai

ng inyong anak.” banta ng matanda kay Erning. “ Patawad po talaga, ano po ba

ang dapat naming gawin?” tanong ni Mang Erning sa matanda nang bigla lang

itong nawala sa kanyang kinatatayuan. Hindi na alam ni Mang Erning kung ano

ang dapat niyang gawin. Hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili pag may

mangyaring masama sa kanyang pinakamamahal na anak. Hindi rin nagpahuli


ang kanyang asawa na si Ginang Paulina. Bigla din itong tinamaan ng

napakataas na lagnat.” Ano ba itong nangyari sa amin hindi ko na alam kuna ano

ang dapat kong gawin,” wika ni Mang Erning sa kanyang sarili. Naisipan ni Mang

Ernesto na hipoin ang munting kabibi para makahingi ng tawad. Ngunit hindi

lumabas ang magandang serene sa paghipo nya. Kahit ilang beses nya ito

hinipo ayaw parin nitong lumabas. Sa kasamaang palad, hindi man lang naisip

ng asawa ni Mang Ernesto na kung hindi dahil sa kanya ay hindi sana

mangyayari sa kanila ang ganitong trahedya sa buhay nila.Kabaliktaran ang

nangyari sa kanila ngayon sa kanilang pamilya nang dumating ang munting

kabibi sa kanilang buhay. Wala na silang makain dahil saw ala na silang

makukuhang isda na syang pinagkukuhan nila ng hanapbuhay,lalong-lao na

wala na silang maibiling gamut sa dalawang may sakit. Nang araw din na iyon ay

naisip ni Mang Erning na hanapin ang matandang lalaki na nagbigay sa kanya

ng kabibi. Para naman makapagtanong siya king ano ang dapat nyang gawin

para mapatawad ang kaniyang asawa sa mga nilalang sa karagatan.

Isang araw, nagmadali si Mang Erning na pumunta sa karagatan. Pero

hindi para manguha ng isda kundi para magmakaawa sa karagatan. Nang nasa

gitna na siya ng laot ay kinuha niya ang munting kabibi at hinipo nya ito ng

tatlong beses. Biglang lumabas ang napakagandang serena. “ Pakiusap,, huwag

mo sanang pabayaan nalang ang aking mag – ina” pakiusap ni Mang Erning sa

serena. “Erning, hindi namn ikaw ang maysala, ang iyong asawa ang gusto kong

makausp.Siya naman talaga ang may kasalanan sa lahat. Kung hindi dahil sa
kanya, ay hindi sana mangyayari sa inyo itong trahedya.” Sagot nag magandang

serena. Napakabait mong tao Erning, ginawa mo ang lahat para lang mabuhay

ang iyong pamilya. Hindi mo inintindi ang kahirapan , ang pagod ng mga
gawain,

kinaya mo lahat lahat para lang sila mabuhay. Kaya nga binigyan kita nang

pabuya sa iyong kabutihan sa pamamagitan ng isang munting kabibi. Hindi ka

tulad sa ibang mangingisda na na gumagamit ng dinamita para lang makakuha

ng maraming isda. Kinaya mo ang lahat ng gutom, kahirapan para basta hindi

ka lang makasisira sa karagatan. Pero Erning ipagpatawad mo sana, hindi ko

mapapatawad ang mo sana kung hindi ko sila mapapatawad kong ikaw mismo

ang manghingi sa akin ng patawad. Gusto ko sana ang iyong asawa mismo ang

lumapit sa akin para gawin yang ginawa mo na dapat sana ay sa kanya. “ wika

ng magandang serena. “Oo,sige!gagwin ko ang lahat ng mga iniutos mo sa

akin,huwag mo lang sasaktan ang pamilya ko. Maawa ka” wika ni Mang Erning

na nagmakaawa sa napakagandang serena. “Ipinangako ko sayo yan Erning”


sagot ng serena.

Nang si Mang Erning ay papauwi na sa kanilang bahay ay pinuntahan nya

kaagad ang kanyang mag ina.” Paulina, may sasabihin sana ako sayo.” Wika ni

Mang Erning sa asawa. “ Ano yon Erning” sagot ng asawa na nilalagnat ng

napakalalim. “Nakiusap ako sa serena na papagalingin kayon pero ayaw nya.

Kasi gusto niyang ikaw ang manghingi sa kanya ng patawad.Makakaya mo ba

yon Paulina”tanong ni MAng Erning sa kanyang asawa. “Erning, bakit ko naman

hindi ko gagwin yon. Ako nga dapat ang manghingi sa kanya ng patawad dahil

ako ang may sala. Kung hindi dahil sa akin ay hindi sana mangyayari sa atin ito.”
Wika ni Ginang Paulina

Walang kasama si Ginang Paulina papunta sa karagatan gamit ang bangka nila

kahit napakataas na nang lagnat nito.Ayaw nyang magpasama kay Mang Erning

dahil wala daw magbabantay sa kanilang bunsong anak na may lagnat din. Nang

hinipo na ni Ginang Paulina ang munting kabibi ay lumabas na naman ang

magandang serena. “Patawad sa nagawa kong kasalanan mahal na serena.

Ipagpatawad niyo po sana ang aking nagawang kamalian. Naging marahas ako

sa paghingi ng mga isda na hindi naman kinakailangan pa nang araw na iyon.

Naging makasarili ako. Patawad po talaga,sana huwag niyo pong idamay an

gaming nag-iisang ank. Ako nalang po ang parusahan ninyo. “wika ni Ginang

Paulina na nag mamakaawa. “Pinapatawad na kita Paulina. Pero mangako ka

sakin na huwag mo na yon uulitin muli. Dahil masa ang ginawa mo. Mawawalan

na ng mga isda ang karagatan kung patuloy ang manghuhuli ng maraming isda

araw araw. Pinarusahan ko kayon dahil nag kamali kayo.Sana magsilbi itong aral

sa inyo ang mga nangyari ngayon. At dahil narin sa iyong pagmamakaawa sa

akin, ay pinapatawad na kita. “wika ng serena. “Maraming- maraming salamat sa

iyo mahal na serena. Pangako, hindi na po ito mauulit. “wika ni Ginang Paulina

sa serena.

Nang papauwi na sa bahay si Ginang Paulina ay sinalubong agad siya ng

kanyang mag ama, na napakasiglang anak nila. At doon narin niya namalayan

na nawala nap ala ang lagnat niya. “Maraming salamat” wika ni Mang Erning.
-WAKAS-

You might also like