You are on page 1of 9

Edukas

yon at
Lipuna
n
Ipinasa kay:
Gng. Sanggalang
Ipinasa ni:
Mary Grace De Jesus
BSRT-I

PAKSA:

Ang Edukasyon at ang Papel nito sa Paghubog ng Lipunan

INTRO:

Tuntungan ng pagkahubog at pag-unlad ng lipunan ng isang bansa ang edukasyon. Ito


ang mabisang sandata upang palayain ang sambayanan mula sa pagkaalipin sa larangan
ng kultura, ekonomiya at pulitka. Ayon kay Renato Constantino: “Philippine education,
therefore must produce Filipinos who are aware of their country’s problems, who
understand the basic solution to these problems, and who care enough and have
courage enough to work and sacrifice for their country’s salvation.”
Subalit sa kasalukuyang kalagayan ng ating lipunan, masasalamin kung gaano-kawatak-
watak ang mga Pilipino at kung paanong ang edukasyon ay tumutugon hindi sa interes ng
sambayanan kundi sa interes ng dayuhang kapital.

LAYUNIN:

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay ang maipaliwanag ang edukasyon at ang papel nito o
halaga sa paghubog ng lipunan. Makapag-bigay ng ideya kung paano mareresolba ang
problemang kinahaharap ng maraming Pilipino at ang epekto/ naidudulot nito sa bawat
isa sa atin.

METODOLOHIYA:

Ang pag-aaral na ginawa ko ay aking binase sa mga artkulo na nabasa ko na may


kaugnayan dito kasama na rin ang araw- araw na obserbasyon ko bilang isang estudyante.
REBYU O PAG-AARAL

Ayon sa isang artikulo na pumukaw ng pansin ko ay ang artikulo ni Ciade sa kanyang


Ciade’s site sa isang blog. Ipinaliwang niya ditto ang Kakulangan sa Pondo at Problema
sa Wika: Dalawang malalaking Tagiyawat sa Mukha ng Edukasyon at Lipunan sa
Pilipinas. Hindi na nakakagulat sa atin kung meron tayong nakakasalamuhang mga hindi
nakapag-aral. Bakit pa tayo magugulat kung laganap naman ito sa ating bansa? Ayon pa
kay Senador Manny Villar, “Dumarami na nga ang mga drop-outs at out-of-school-
youths taun-taon, mukhang lalo pang madadagdagan.” Sa taas ng matrikula, marami sa
mga nagtapos ng high ang hindi na nagpapatuloy sa kolehiyo at nagtatrabaho na lamang.

Kasabay ng pagdami ng mga out-of-school-youths ay marami ring nagrereklamo


tungkol sa mababang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas. Mababa ang performance ng
mga estudyanteng Pinoy sa mga pagsasanay na sumusukat sa kanilang kakayahan o
“proficiency” sa Math, Science at iba pang subjects (Villar). Ayon DepEd Undersecretary
na si Juan Miguel Luz, sa loob ng 25 taon ay patuloy ang pagbulusok ng kalidad ng
edukasyon sa Pilipinas. Kasabay na rin dito ang pagpo-produce natin ng medyo
incompetent na mga graduates. Ang ating mga iskuwelahan ay nabigong linangin ang
isang average citizen para siya ay maging responsable, produktibo at self-fullfilling.
Nagpapatapos tayo ng mga estudyante “who are learning less and less.” ( Luz, 2003). Sa
madaling salita, dahil sa problema sa kalidad ng edukasyon sa bansa, unti-unting
“pumupurol” ang utak ng ating mag-aaral at dahil doon, guma-graduate sila na may
kakulangan sa kaalaman sa kurso kung saan sila nagse-“specialize”. Nagkakaroon nga
tayo ng malalaking problema tungkol sa edukasyon ngunit bakit ba ito nangyayari sa
ating bansa? Kakulangan sa badyet (Villegas, 2004) at problema sa wika (Filipinas
Institute of Translation) ang itinuturong dahilan kung bakit lugmok tayo sa larangan ng
edukasyon.

Mahal ang “quality education”, kung gusto mo ito ay dapat handa ka sa kung
magkano mang babayaran (Delena, 2006). Hindi mura ang kalidad na edukasyon
sapagkat kakarampot lang ang badyet ng gobyerno sa edukasyon kung ikukumpara sa
ibang departamento. Inuuna kasi ang pagbabayad ng ating utang panlabas. Noong taong
2004, sa P861 bilyon na kinita natin sa buong taon, P271.5 bilyon o 31.4% ang inireserba
para sa pagbabayad ng utang panlabas. Lamang din ang banyet ng mlitar (P45 bilyon)
kaysa sa badyet para sa lahat ng state colleges at universities (P15.68 bilyon) (Villegas,
2004). Sa ginagawang ito ng gobyerno, naaapektuhan ang mga proyekto para sa
pagpapaunlad ng kalidad ng edukasyon sa Pilipinas. Dahil dito sumusulpot na ang mga
suliranin. Una, nawawalan o kung meron man ay nakukulangan tayo sa badyet sa
paggawa at pagpapaayos ng mga silid-aralan at iba pang kagamitang may relasyon sa
pag-aaral. Batay mismo sa estadistika ng gobyerno, may kakulangan ng 49,000 na
klasrom at may 2,381,943 na mga desks/armchairs sa ating paaralan. Ang ratio ng bilang
ng libro sa mga estudyante ay 0.33 (isang libro para sa tatlong bata) sa mga
pampublikong paaralang pang-elementarya at 0.6 (humigit-kumulang sa dalawang libro
para sa tatlong estudyante) sa hayskul (Villegas, 2004). Sa mga statistics na ito, hindi
kataka-taka na hindi maganda ang performance natin sa Math, Science ate iba pang
subjects kung ikukumpara sa ibang bansa. Ikalawa ay ang kakulangan sa sahod ng mga
guro. Humigit-kumulang 500,000 guro sa elementary at sekundaryang paaralang
pampubliko mula P4,000 hanggang P6,000 bawat buwan (sa karaniwan) na take-home
pay pagkatapos ng mga deductions at bayad sa utang. Kaya hindi kataka-takang libu-
libong guro ang nabibiktima ng pautangang 5-6 at nagsasaydline bilang mga tinder ng
mga kendi, siopao, at iba pa sa kanilang mga paaralan (Villegas, 2004). Kung napupunta
sa ibang mga bagay (gaya ng pag-iisip sa pera, pagtitinda ng kung anu-ano etc.) ang
atensyon ng guro, hindi magiging epektibo ang pagtuturo niya sa kanyang mga
estudyante. Paano matututo ang isang mag-aaral kung ang kanilang guro mismo ay “pre-
occupied” o wala sa pokus?

Ayon sa 1987 Konstitusyon, ang dapat na may pinakamalaking alokasyon sa


pondo ay ang edukasyon. Kinikilala kasi nito na ang edukasyon ay isang “karapatan”,
hindi pribilehiyo (Filipinas Institute of Translation). Nasaan na ang probisyong ito? Tila
inilibing na lang ang probisyong ito ng gobyerno. Kaya hindi matanggal ang isang
malaking tagiyawat dahil initsapwera na ang “instruction” kung paano ito tanggalin o
lulunasan.

Ang ating sistema ay itinulad sa sistema ng edukasyon sa Estados Unidos


(Wikipedia). Bakit ito naging problema? Kung itutulad natin ang ating sistema natin sa
sistema ng Estados Unidos (na base sa pangangailangan ng banyagang amerikano) ay
maaring mahirapan tayo sa pag-adjust dahil hindi naman iyon base sa ating
pangangailangan kundi base sa kanila. Hindi naman maaaring magkapareho ang paraan
ng pagtuturo sa dalawang magkaibang nasyonalidad dahil magkaiba sila ng
pangangailangan laung-lao na sa pangangailangan natin sa wastong midyum ng
pagtuturo. Sa Millenium Curriculum (2002) ng DepEd (na may impluwensya ang
imperyalismong Amerikano), pinapahaba ang oras ng pagtuturo ng English at Math at
ginawa muli ang Ingles bilang midyum ng pagtuturo (Villegas, 2004). Kung ipipilit ng
gobyerno ang pagtuturo sa Ingles, maaaring wala o limitado lang ang maiintindihan ng
mga estudyante. Ayon sa Samahan ng Demokratikong Bayan (SDK), kailangang gamitin
ang Filipino bilang wikang panturo dahil sa wikang ito pinakamabisang matututo ang
ating mga estudyante.

Masasabi nga na marami sa mga estudyante ang nakakaintindi at kahit papaano ay


naisasapuso ang wikang Ingles ngunit maliit na parte lamang sila ng kabuuang numero ng
mga mag-aaral sa Pilipinas. Tungkol sa pag-abot natin sa maayos na pagtuturo, sinabi ni
Virgilio Almario (2004) na “alam ng kahit sinong disenteng edukador na hindi ito
matutupad sa pamamagitan ng Ingles. Sa halip, kailangan ang wikang katutubo o ang
wikang higit na mabilis maunawaan ng batang Filipino upang higit na mabisang matupad
ang pagtuturo ng batayang kaalaman at kasanayan sa unang mga taon ng pag-aaral. Ang
kapakanan ng 90% paslit ang dapat ingatan, hindi ang pangarap ng 10% na malimit ay
anak pa ng mayaman at makapangyarihan sa ating lipunan”. Hindi naman sa
babalewalain natin ang wikang Ingles, hindi ito mababalewala dahil mayroong mga
scientific o technical terms sa siyensa at matematika na hindi matutumbasan ng Filipino.
Ang atin lamang ay hanggang sa kaya ng guro ay kung puwede sana ay maipaliwanag
nila sa Filipino o sa katutubong wika ang mga leksyon sa paaralan upang hindi lang
maintindihan kundi maisapuso rin ng mag-aaral ang itinuturo ng guro sa kanila.
Sa nakikita natin, meron na naman palang nakahandang panuto para lunasan ang
mga tagiyawat sa mukha ng edukasyon sa Pilipinas. Binabalewala lang ito ng gobyerno
dahil patuloy silang nagiging sunud-sunuran sa imperyalistang Estados Unidos.

Magandang kinabukasan at hanapbuhay, tanging kayamanan at katuparan ng mga


pangarap ay ilan lamang sa mga dahilan ng mga Pilipino upang iahon ang kanilang pag-
aaral (Delena, 2006). Karaniwan nating naririnig sa ating mga magulang na edukasyon
lamang ang maipapamana nila sa atin na hindi mananakaw. Hindi na natin dapat
kuwestiyonin ang importansya ng edukasyon. Ang tanong dito ay kung paano natin
bubunuin ang maraming taon sa pag-aaral kung ang badyet at sistema ng edukasyon ay
problemado?

Ang edukasyon ang makakapagpabago sa ating lipunan (Delena, 2006). Ayon kay
Meinardus (2003), ang pag-unlad ng ekonomiya ay may relasyon sa kalidad ng
edukasyon ng isang bansa. Sa medaling salita, kapag mas marami at mas magaling ang
mga edukadong tao sa isang bansa, mas malaki ang tsansa ng pag-unlad ng ekonomiya.
Kung nais ng gobyerno na magkaroon ng marami at “competitive” na indibidwal sa
bansa, kailangan nilang gumawa ng malaking pagbabago. Una na doon ay ang pagkawala
nila sa mga utos ng Estados Unidos. Dapat din silang makinig sa mga daing ng mga guro
at estudyante sa kung paano sila magkakaroon ng kompromiso para magkaroon ng
kalidad na edukasyon. Dapat din nilang tingnan ang kanilang nakalap na estadistika sa
performance ng mga estudyante (reaksyon iyon ng mga estudyante sa mga
probisyon/panukala/proyekto na ginagawa nila para sa edukasyon). Kung hindi nila
magagawa iyon ay patuloy pa rin tayong masasadlak sa kumunoy ng kahirapan at
kakulangan sa kaalaman.

DELIMITASYON

Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay lamang sa mga bagay na nag-uugnay ng edukasyon


sa ating lipunan. Gayundin pati ang mga suliraning kinahaharap ng ating bansa kaugnay
ng mga bagay na sumasaklaw sa ating edukasyon. Patutunayan ng pag-aaral na ito ang
mga konseptong kaloob ng edukasyo at ang papel nito sa ating lipunan.

KATAWAN:

PAGLALAGOM:ANG LISYANG SISTEMA NG EDUKASYON SA PILIPINAS,


ANG UGAT AT ANG BUNGA

Kung dahas at relihiyon ang ginamit ng mga Kastila upang sakupin ang Pilipinas,
dahas at edukasyon naman ang ginamit ng Amerika upang bihagin ang kaluluwa ng
sambayanang Filipino. Ang edukasyong ipinagkait ng mga Kastila sa ating
mga kababayan ay siya namang ginamit na policy attraction ng Amerika upang payapain
ang kalooban ng mga nag-aalasang mamamayan. Noong Ika-1 ng Hulyo, 1901 ay
dumating ang 600 gurong Amerikano sakay ng S.S. Thomas . Agad na itinatag
ang Department of Public Instructionna pinamamahalaan ng Vice-Governor ng
Pamahalaang Amerika sa Pilipinas. Noong 1921, sa 614 na Amerikanong nasa
pamahalaan, 400 sa mga ito ay guro habang 66 ay empleyado ng Department of
Education. Makikita rito kung gaano pinapahalagahan ng mga Amerikano ang paglalatag
ng pundasyon ng edukasyon sa bansa..Naging simula ito ng komprehensibong pagtuturo
ng English bilang midyum sa lahat ng paaralan. Magmula noonhanggang 1935 ay
hinubog ang henerasyon sa bawat henerasyon bilang mga brown Americans. Ayon kay
Constantino, dumating ang yugto na a new generation of “Filipino Americans” had
already been produced. There was no longer any need for American overseers in this
field (education) because a captive generation had already come of age, thinking and
acting like little Americans. Kung kaya hindi kataka-taka na ang mga sumunod na lider
ng pamahalaan na nahubog sa edukasyon ng mga Amerikano magmula kay Quezon
hanggang kay GMA ay lantad at di lantarang naging tuta ni Uncle Sam.

Subalit ano ba talaga ang nakapaloob sa sistema ng edukasyong ipinatupad


ngAmerika sa Pilipinas?

1. Paggamit ng English

Bilang midyum na panturo, ipinakilala sa mga Pilipino ang


kultura at kasaysayan ng Amerika. Nakilala ng mga Pilipino ang mga
Amerikanong bayani, awitin at panitikan habang pilit na winasak ang konsepto
ng nasyonalismo. Pinalitaw na tulisan ang mga kagaya ni Macario
Sakay, Simeon Ola, Felipe Salvador, Cornelio Felizardo at marami pang
ibang rebolusyunaryong lider habang ikinintal sa isip ng mga mag-aaral
ang konsepto ni Santa Claus at ang magandang pamumuhay sa Amerika.
Kung kaya’t tumingkad ang kaisipang kolonyal sa mga mag-aaral na
pumabor naman sa pagtataguyod ng interes ng mga Amerikano sa Pilipinas.

2. Makadayuhang Konseptong ng Ekonomiya

Kinatigan ng sistema ng edukasyon ang konsepto ng free


trade. Pinalitaw ang pananaw na ang Amerika ay nagtungo sa Pilipinas
upang sagipin tayo mula sa Espanya. Idinagdag pa ni Constantino na: from the
first school days under the soldier-teachers to the present, Philippine history
books have portrayedAmerica as a benevolent nation who came here only to
save us from Spainand to spread amongst us the boons of liberty and
democracy. The almost complete lack of understanding at present of those
economic motivations and the presence of American interests in
the Philippines are the most eloquent testimony of the success of education for
colonials which we have undergone.

Dagdag pa ang pagapapanatili sa imahe ng Pilipinas bilang


isangagrikultural na bansa lamang na hindi kailan man dapat
magtangkang magkaroon ng sariling industriya. Bukod pa dito, binanggit din
ni Constantino na: Our consumption habits were molded by the influx of cheap
American goods that came in duty-free. The agricultural economy was extolled
because this conformed with the colonial economy that wasbeing fostered. Our
books pictured Western nations as peopled by superior beings because they
were capable of manufacturing things that we never thought we were capable
of producing. Sinuportahan ng sistema ng edukasyon ang konsepto ng ating
ekonomiya bilang import-dependent at export oriented.

3. Mababang Pagpapahalaga sa Nasyonalismo

Ang nasyonalismo ay itunuro sa paaralan sa aspeto ng


pagpapahalaga sa watawat at sa magagandang tanawin ng bansa subalit hindi sa
aspeto ng pagpapahalaga sa mga bayaning nagbuwis ng buhay laban sa
pananakop ng Amerika. Ang pokus ng pagtalakay sa kasaysayan ay ang
magagandang naipagkaloob ng Espanya at Amerika sa Pilipinas at hindi ang
mga kalupitang naranasan ng mga mamamayan. Nurtured with this kind of
education, the Filipino mind has come to regard colonial status as a grace from
aboverather than as scourge. It is wondering that having regained
our independence we have forgotten how to defend it., dagdag pa ni Constantino.

Subalit hindi naman itinatatwa ni Constantino na ang


edukasyon sa ilalimng mga Amerikano ay nakatulong din sa mamamayan sa aspeto
ng dami ng natutongmagbasa at magsulat. Datapuwat ang kabutihang ito ay hindi naman
mapapantayan ng pinsalang naidulot na ang bunga ay nararanasan nating mga
mamamayan sa kasalukuyang panahon. Tama bang sabihing ang paghihirap nating mga
Pilipino ngayon ay bunga ng ating maling edukasyon?

4. Imperyalismo sa Kultura

Ang kultura ay ang kalinangan ng isang lipunan. Sinasalamin nito


ang mga ideya, pananaw, kaugalian, kakayahan at tradisyong umunlad ng isang
lipunan.Bahagi rin nito ang institusyong tagapaghubog ng kamalayan ng
mamamayantulad ng paaralan (edukasyon), pahayagan, midya, relihiyon, at
mgaestablisimentong pansining. Malaki ang papel ng kultura sa uri ng lipunang
naislikhain ng mamamayang namumuhay dito. Dalawang uri ng sining at
panitikanang ang isinusulong ng U.S sa Pilipinas (Kurso sa Pambansang
Demokrasya- KMU 1989):

a. Elitista- ito ang kulturang eksklusibo sa mga nagahaharing


uri gaya ng ballet,opera at paninikang nasusulat sa English. Pumapaksa ang mga
ito sa daigdig ng kanilang limitadong sirkulo at nagtatampok sa kabutihang loob
at superyoridad ng mga nagahahari sa lipunan. Pinopondohan ng U.S. ang
anumang likhang nagtataguyod sa ganitong tunguhin sa pamamagitan, halimbawa
ng kompanyang Ford, Rockefeller at Toyota Foundation.

b. Eskapista- kultutang popular (pop/mass culture) na pinapalaganap


sa radyo, telebisyon at pelikula. Pinapaksa rito ang ang buhay karaniwang tao subalit
ipinagdidiinan na walang magagawa ang karaniwang mamamayan upang lutasin ang
duhaging kalagayan. Pinapaksa rin nito ang buhay ng alta-sosyedad upang
salamangka ang manonood at kumbinsihing maaabot din nila ang gayong katayuan sa
pamamagitan ng tiyaga, pananalig sa Diyos, at pag- asam ng mabuting kapalaran. Gayun
din, tinatalakay din nito ang mga bunga ng guni-guni o pantasya upang libangin ang
manoood at makalimutan kahit sandali ang kanilang kahirapan. Alinman sa paksain ay
hiwalay sa reyalidad ng masang manonood,

Binigyang diin ni Renato Constantino na: While basic defects in the


educational system have been responsible for lack of nationalist ideals, mass
media and cultural facilities negate whatever gains are made in some sectors of
educational field The almost unilateral source of news, films and other cultural
materials tends to distort our perspective. American films and comics,
American press services, fellowships in America, have all contributed to the
almost total Americanization of our attitudes. A distinct Filipino culture cannot
prevail if an avalanche of western cultural materials suffocates our relatively
puny efforts in this direction.

ANG IMF-WB at ang SISTEMA NG EDUKASYON sa PILIPINAS

Noong 1972, ang programang Educational Development Projects


ImplementingTask Force (EDFITAF) ni pangulong Marcos ay naglatag ng
sampung taong programa para sa pagpapaunlad ng edukasyon sa bansa. Dahil
kulang ang pondo, inaprubahan ni Marcos pag-aamyenda sa RA6142 na kilala rin
bilang Foreign Borrowing Act sa layuning to allow a more extensive
financing of educational projects from foreign and external sources.(Constantino,
Letizia)

Kung kaya ang Pilipinas ay agad na tinulungan ng World Bank na


nagtantiyangaabutin ng $767 milyon ang aabuting gastos ng sampung taong
programa. Noong 1984, nagkaroon ng Textbook Development Program mula
grade 1 hanggang 4thyear hayskul na tinatayang nakapamahagi ng 85 hanggang 95
milyong kopya ng bagong aklat. Subalit ang mga aklat na nalikha batay sa
kagustuhan ng World Bank ay nakadisenyo upang tugunan ang pangangailangn
ng mga multinasyonal na kompanyang pag-aari ng U.S sa Pilipinas. Ipinahayag
ni Letizia Constantino sa kanyang sanaysay na WORLD BANK TEXTBOOKS:
SCENARIO FOR DECEPTION na ang mga tagapagpondo ng mga aklat para sa
Pilipinas ay hindi magtataguyod ng mga kaisipang naglalaman ng nasyonalismo
sa politika at ekonomiya sa dahilang ito ay babangga sa kanilang
interes.Malabnaw at malabo ang pagtalakay sa kasaysayan lalo pa sa mga paksa
ng pang-aaalipin at pagsasamantala ng mga Amerikano sa Pilipinas.

Sa kasalukuyan, maging ang pagbabago sa kurikulum ng edukasyon


ayinaakusahan ng Association of Concerned Teachers bilang dikta ng IMF-WB
upang tugunin ang dikta ng globalisasyon. Ang MAKABAYAN ay kabaligtaran
ng hangarin nitong lalo pang payabungin sa mga mag-aaral sa kasaluluyan ang
pag-ibig sa bansa.Ang gobyerno ng Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay
naghahamong lalo pang patibayin ang pundasyon ng English bilang midyum ng
pagtuturo sa paaralan upang tiyaking magiging globally competitive tayo bilang
mga OFW at caregiver.Utak-alipin pa rin ang sistema ng ating edukasyon na
magbubunga ng higit na miserableng kalagayan ng lipunan habang nilalamon ng
mga imperyalista ang ating kabuhayan at nagsisilbing tuta ng pagpapaalila ang
ating gobyerno.

KONKLUSYON/ REKOMENDASYON

Higit na dapat patatagin ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa


edukasyon. Sa kabila ng pagtutol ng ibang sektor, ito lamang ang tanging paraan upang
ang edukasyon ay maging instrumento sa paghubog sa mga kabataang magtataguyod ng
kapakanan ng bansa. Kailangan din tiyakin ng gobyerno ang edukasyon para sa lahat na
pumapanday sa pagpapatatag ng ating kultura . Ang English bilang pansamantalang
unibersal na wika ay dapat pa ring pag-aralan subalit hindi siyang dapat na maging sentro
ng edukasyon. Ang agham at matematika industriya. Dapat ding bigyan ng magandang
insentibo ang mga guro sa halip na ang mga militar. Lahat ng mga makadayuhang
patakaran sa edukasyon ay kailangang wasakin at buuin ang isang programa ng
edukasyong nakasentro sa pagpapaunlad ng kabuhayang hindi nakabatay sa dayong
kapital. Maaring ang lahat nang ito ay panaginip at imposible para sa mga di naniniwala
ngunit ang kaunahang kabiguan ay ang hindi pagtatangka.

You might also like