You are on page 1of 10

“Dulot at Impluwensya nang Lumalawak na mundo ng Siyensya sa ating Wika

Partikular sa mga Kabataan mula sa DMMMSU-MLUC”

Isang pamanahong papel na iniharap sa Kolehiyo ng Information Technology


Don Mariano Marcos Memorial State University

Bilang pagtupad sa pangangailangan ng asignaturang


Pilipino102 (Pagbasa at Pag-sulat Tungo sa Pananaliksik)

Marso 2011
Dahon ng Pagpapatibay

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino2


Pagbasa Pag-sulat tungo sa Pananaliksik ang pamanahong papel na ito ay
pinamagatang Dulot at Impluwensya ng Lumalawak na Mundo ng Siyensya sa ating
Wika Partikular sa mga Kabataan mula sa Don Mariano Marcos Memorial State
University Mid La Union Campos ay inihanda at ihinarap ng pangkat ng mga
mananaliksik mula sa I-E na binuo nina

Aura Dominique Dumaguin Gelli Cabutotan


Christine Mendoza Aprille Dulay
Shiela Marie Malano Michelle Ancheta

Tinanggap sa ngalan ng Kagawaran ng Filipino ng Information Technology


Don Mariano Marcos Memorial State University Mid La Union Campus bilang isa sa
mga pangangailangan sa asignaturang Filipino 2 Pagbasa at Pagsulat tungo sa
Pananaliksik

Propesor at Pang Departamento


Mary Ann Corpuz
Kabanata I
Intoduksyon

Pamilyar ang lahat sa nagaganap na paglawak ng mundo  ng siyensa sa


ating lipunan. Nabibigyan din tayo ng prebilehiyo na mas mapabilis at mapaayos an
gating mga gawain dahil sa mga nauusong makabagong kagamitan na dulot ng
siyensya. Lumalawak din ang pangangailangan ng tao kaya patuloy itong
naghahanap ng mga makabagong imbensyon para mas maging moderno ang ating
pamumuhay. At dahil dito maraming mga makabagong terminolohiya na
nakadadagdag sa ating bokabularyo na madalas ay sa ingles lamang ang meron ng
mga ganitong mga salita. Bawat lipunan ay may kanya-kanyang wika na humuhubog
at nagbibigay ng impluwensya sa kaisipan ng mga kabataan. Sa pagusbong ng mga
makabagong terminolohiyang ito, nagkakaroon ang mga tao ng dagdag kaalaman
ngunit sa paano pang paraan nakakaapekto ito? Ano ang mga iba’t ibang dulot at
impluwensiya nito sa lipunan? Sa wika? At lalong lalo na sa kabataan?

Layunin

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa para matukoy ang mga dulot at


impluwensya ng lumalawak na mundo ng siyensya sa ating wika partikular sa mga
kabataan mula sa DMMMSU-MLUC at sa anong mga paraan hindi makakaapekto ng
masama ang mga hindi magagandang dulot nito.

1. Ano ang mga dulot at impluwensya ng Siyensya sa wika?


2. Ano ang mga dulot at impluwensya ng Siyensya sa kabataan?
Paradim

INPUT PROSESO AWTPUT

Profile ng Sarbey
Respondente
Dulot at
Kasarian Impluwensya ng
Siyensya sa wika
Edad particular sa mga
Dulot impluwensya kabataan
Analisis
ng Siyensya

-wika

-kabataan

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay magtutuwid ng mga hindi magandang


impluwensya ng lumalawak na mundo ng siyensya sa wika lalo na sa kabataan. Ito
ay makakakatulong upang hindi sumobra ang paggamit nila ng mga ito lalo na sa
kasamaan.

Saklaw at Limitasyon:

Ang pananaliksik na ito ay ginawa para sa mga mag-aaral sa unang taon ng


CIT (College of Information Technology), na umiikot sa mga nauusong iba’t-ibang
wika na siyang sumasakop sa isipan ng mga kabataan dulot narin ng lumalawak na
mundo ngsiyensya.

Definisyon ng Terminolohiya

Kompyuter- upang mapadali ang paghahanap.


Wika- ito ay ang ginagamit sa pakikipag-usap.
Kabanata 2
Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa para matukoy ang mga bagay bagay na
nakakaapekto sa ating wika na dulot ng lumalawak na mundo ng siyensha. Sa
pamamagitan nito, naitatanong sa mga respondent ang kanilang kaalaman at kung
gano sila naaapektohan ng sinabing pag-aaral. Ito rin ang magbibigay ng mga
katanungan na sasagutin para maihayag ang mga impormasyon na kailangang
malaman ng mambabasa.
Napili naming ang internet upang magsilbing katulong sa pananaliksik,
maaring makukuha kami ng mga iba’t-ibang impormasyon na makatulong sa amin
para mapatunayan ang ilang bagay sa aming pananaliksik. Kabilang na ang
“Kabataan Ngayon” na nasa www.oppapers.com at  “Epekto Ng Makabagong
Teknolohiya Partikular Na Ang Kompyuter Sa Mga Mag-Aaral” sa parehong site.

Lumipas ang maraming dekada at tuluyan nang binago ng panahon ang


mundo pati na rin ang saloobin ng kaluluwa ng tao. Sadyang tayo ay walang
kapagurang galugarin ang bawa’t posibilidad upang maabot ang pinakamataas na
antas ng pamumuhay. Isinilang ang teknolohiya ayon sa pagkahayok natin sa
pagbabago. Bagong panahon, bagong pangangailangan. Bagong lipunan, bagong
pagnanasa. Masusukat natin kung gaano na kalayo ang ating nilakbay kung halos
limot na ang mga bagay na   kinagiliwan nating gawin sa mga nakalipas na panahon.
Tulad halimbawa ng paglalalaro ng bahay-bahayan kung saan minsan ka nang
gumanap bilang ama o ina o anak sa larong ito. Madaling humulas ang mga alaalang
ito sa ating isipan sapagka’t wala nang kabataan ngayon ang naglalaro nito. Wala na
ring naglalaro ng baril-barilan na mga gawa sa puno ng saging, kotse-kotsehang may
gulong na gamit ay bunga ng tabog-tabog o kaya naman ay paglalaro ng siyato na
gamit ay sanga ng yakan at kawayan.   Parang kailan lang ang mga ganitong tagpo.
Maaaring nangingiti ka sa pagbalik-tanaw sa mga alaalang ito.
Sa isa pang kahulugan na ginagamit ng ekonomiya, nakikita ang teknolohiya bilang
ang kasalukuyang kalagayan ng ating kaalaman kung papaano pagsamasamahin ang mga
kakayahan upang magbunga ng ninanasang produkto (at kung anumang maibubunga ng
ating kaalaman). Sa gayon, nakikita natin ang pagbabago sa teknolohiya kung
nadadagdagan ang ating kaalaman dito. Nakakagawa, nakakalikha din ito ng mga termino
na hindi natin naiintindihan sa ating wika, kahit sa wikang ingles ito ay bago. Nagkakaroon
ng kaguluhan sa isip ng mga mambabasa at mga taong gagamit ng mga ganitong termino. --
How Science and Technology Influence Language
Kaugnay naman sa ating wika, nariyan nangunguna ang salitang “Jejemon”.
Ito ay isang bagong salita na ginagamit ng kabataan ngayon. Ito ay nagumpisa sa
mga syortkat na texto sa cellphone, at dahil na rin sa mga facebook at cellphone eh
nag-ebolb ito ng nag-ebolb. Napahaba at naiba ang mga ispelling ng salita ng mga
kabataan na pati sa kanilang tunay na pananalita ay nagiging ugali na nila ito.
Nakakabahala dahil ang ilan sa gumagamit neto ay nakakalimot na sa ating wika.
Patuloy tayong napapakilala sa mga makabagong termino na maaring gumugulo o
nakakatulog saating wika.

Kabanata 3
Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

Disenyo ng Pananaliksik:

Ang kabanatang ito ay ang pagaaral na isinasagawa sa disenyo nga


pamaraang descriptive-analitik na pananliksik ayon sa pagaaral tungkol sa
lumalawak na mundo ng siyensa sa ating wika dito ay mapapagaralan nating kung
anu nga ba yung mga mabuti at masamang idudulot ng mga ito lalong lalo na sa mga
estudyante.

Respondente:

Ang mga napiling responde sa pagaaral sa una at ikalawang taon ng kolehiyo


ng information technology sa DMMMSU-MLUC ng San Fernando, La Union sa
ikalawang semester ng taong akademiko 2010-2011. May dalawang pangkat ng mga
estudyante sa nasabing kolehiyo, limang grupo ang nasa unang pangkat at apat na
grupo sa ikalawang pangkat.

TALAHANAYAN 1

“Distribusyon ng mga responde sa una at ikalawang taon”

Seksyon Unang Ikalawang Kabuuang


Taon Taon Dami
A 10 10 20
B 10 10 20
C 10 10 20
D 10 10 20
E 10 10
Kabuuang dami 50 40 90

Pinili ng mga mananaliksik ang mga responde sa una at ikalawang semester


sapagkat sila ang pinakamadaling makatutugon sa mga pangangailangan sa
pamanahong papel na ito.
Instrumento ng Pananaliksik

Ang pag-aaral sa mga makabagong siyensa ay isinasagawa sa pamamagitan


ng pagkalap ng mga impormasyon. Ang mga mananaliksik ay nagahanda ng isang
kwestyoneyr ito ay ginagamit upang makakalap ng mga datos upang makunan ang
damdamin pananaw at kaalaman patungkol sa ibat ibang siyensa. Ang iba din
naman ay nangangalap lang ng impormasyon gamit ang internet.

Tritment ng mga datos

Sapagkat ang pamanahong papel na ito ay isang panimulang pag-aaral


lamang, walang ginagawang pagtatangka upang masuri o matukoy ang mga sagot sa
pag-aaral na ito. Na sa bilang o dami ng mga pumili sa bawat aytem sa kwestyonyr
ang inalam ng mga mananaliksik.

Mahal naming Respondente,

Maalab na pagbati!
Kami ay mag-aaral ng Filipino 2 na kasalukuyang nagsusulat ng isang
pamanahong papel hinggil sa damdamin, pananaw at kaalaman ng mga Estudyante
sa Unibersidad ng DMMMSU na kumukuha ng kursong IT tungkol sa Dulot at
Impluwensya ng lumalawak na mundo ng siyensya sa ating wika particular sa mga
kabataan mula sa nasabing eskwelahan.

Kaugnay nito, inihanda naming ang kwestiyoner na ito upang kumalap ng mga
datos na kailangan naming sa aming pananaliksik.

Kung gayon, mangyaring sagutan nang buong katapatan ang mga sumusunod
na aytem. Tinitiyak po naming magiging konpidensyal na impormasyon ang inyong
kasagutan.

Marami pong Salamat !

-- Mga Mananaliksik

Unang Bahagi : Pagkakakilanlan ng Respondente


Direksyon: Punan ng angkop na inpormasyon

Pangalan (opsyonal): ________________________

Kasarian : ___________
Edad: __________
Taon : ________

Ikalawang Bahagi: Dulot ng Lumalawak na mundo ng siyensya

Direksyon : Sa ibaba ang mga iba’t-ibang katanungan na makakatulong sa


aming pananaliksik na “Dulot at Impluwensya nang Lumalawak na mundo ng
Siyensya sa ating Wika Partikular sa mga Kabataan mula sa DMMMSU-MLUC”.
Hinihiling namin ang inyong kooperasyon at katapatan na sagutin ang mga ito.
Lagyan lamang ng tsek ang puwang na nasa tabi ng inyong napiling sagot.
5 – matinding sumasang-ayon
4 – sumasang-ayon
3 – hindi sumasang-ayon
2 – matinding hindi sumasang-ayon
1 – walang pakialam

A. Dulot at Impluwensya sa Wika 5 4 3 2 1


1. Nagkakaroon ng mga makabagong terminolohiya
2. Lumalawak na kaalaman sa siyensya
3. Nakakatulong sa pag-aaral
4. Lumalawak na bokabularyo
5. Mas napapadali sa pananaliksik
6. Nakakalitong mga salita at terminolohiya
7. Madaling gamitin
8. Nakakatulong sa komunikasyon
B. Dulot at Impluwensya sa Kabataan
9. Maraming natututunan
10. Nagagamit sa pag-aaral
11. Lumalawak na kaalaman hindi lang sa wika pati sa
ibang asignatura
12. Mas gumagaan na pag-tratrabaho
13. Nagagamit sa araw-araw na pamumuhay
14. Nakakalito sa mga trabahong papel
15. Nangangailangan ng internet para maintindihan
16. Madaling gamitin
Sanggunian:

http://www.npr.org/2010/12/24/132311754/How-Science-and-Technology-
Influence-Language
www.oppapers.com
http://www.scribd.com/doc/28650146/pamanahong-papel
http://www.oppapers.com/essays/Ang-Epekto-Ng-Teknolohiya-Sa-Pag-
Uugali/597523
http://www.oppapers.com/essays/Epekto-Ng-Makabagong-Teknolohiya-
Partikular-Na/545340

You might also like