You are on page 1of 1

Lumikha

Hindi ko maipaliwanag
itong nadarama
Mistulang namamanhid
dahil sa itinurok sa akin na pormula
dulot ng napanuod na dulang
may pinamagatang “Huling Pahina”.

Tama, naaalala ko na
Pamagat nga nito’y Huling Pahina
kung saan makikita
sina Pilosopong Tasyo na intilehente
at kapitan Tiyago na mayaman at matipuno.

Napasam rin sa Huling Pahina


Sina Donya Consolacion na animo’y amasona
dahil sa ugali’t
taglay nitong pagkamldita.
at si Donya Victorina
na mayaman na ay ambisyosa pa
nais pa atang angkinin
lahat ng matipuhan at naisin niya.

Tunay ngang napakahusay ng may likha


Nagawang niyang pagsama-samahin
mga karakter na may iba’t ibang
personalidad at pag-uugali.
Kaya naman sa Huling Pahina
iisa lamang ang katanungan
“anong ginagawa mo rito sa Huling Pahina?”

Marahil,
kahit mismong ang lumikha
ay hindi alam
kung bakit naroroon sila....
Pilosopong Tasyo, Kapitan Tiyago,
Donya Consolacion at Donya Victorina.

Tunay ngang Napakahusay......


Tunay, tunay, tunay
nang may lumikha.

You might also like