You are on page 1of 2

A-INTRODUKSYON

Tungkulin ng mga kabataan ang mag-aral. Kapag ang kabataan ay napagod na sa kanilang pag-

aaral, sa pagrerebyu halimbawa sa kanilang pagsusulit, dalawa ang maaaringgawin nila. Una ay ang

magpahinga o matulog para may lakas sila upang ipagpatuloy angkanilang pag-aaral. Sa kabilang banda,

maaari silang magpatuloy sa paggawa sa tulong ng kanilang “kaibigan” at “kaagapay” sa lahat ng

posibleng oras at pagkakataon, at ito ay ang teknolohiya. Sa tanang kasaysayan ng edukasyon ay malaki

na ang naiambag ng teknolohiya. Sa katunayan, ang teknolohiya ang isa sa mga pangunahing paraan kung

bakit ang pag-aaral ay nagging madali, mabilis, at mabisa. Kung kaya nama’t napakaraming mag-aaral

ang sumasangguni sa teknolohiya para sa kanilang pag-aaral.

Ang teknolohiya rin ay nagbibigay hindi lamang ng kaalaman sa mga mag-aaral kundi pati na rin

ang kalibangan at kaligayahan. Buko d sa telebisyon at radyo, nandyan rin ang mga home at handheld

consoles (hal. PlayStation), mp3 players, ang cellphone, at syempre ang personal computers at ang dala

nitong digital miracle - ang Internet.

Tunay nga’t nabago ng teknolohiya ang pamamaraan ng buhay ng mga mag-aaral, o maging ng

kabataan sa kabuuan. Masasabi natin na napakarami ng naitulong ang teknolohiya sa ating buhay.Lahat

ng sektor sa ating komunidad ay madarama ang kahalagahan ng makabagong teknolohiyasa pang araw-

araw na pamumuhay. Ang mga imposible dati ay kaya nang gawin ngayon. Ngunit mayroon nga bang

disiplina ang bawat mag-aaral upang magamit sa ayos ang mga dala nitong dulot?

Lahat ng bagay ay sumasama kapag napapasobra, at isa sa mga bagay na ito ay ang teknolohiya.
Ang papel na ito ay isinagawa ng mga mananaliksik upang mapatunayan at maipakita sa madla

ang negatibong epekto ng facebook sa mga 1st year students sa University of Southeastern Philippines.

Naisagawa ang nasabing papel sa kadahilanan ng pagiging popularidad at mga mabuting naidulot ng

Facebok sa pagunlad ng teknolohiya sa komunikasyon, pananaliksik at aliw.

Ang facebook ay ang numero unong social network ngayon sa buong mundo. Ito rin ang numero

uno sa most visited sites na dati ay hawak ng google.com. Dati-rati, ang Friendster ang nangungunang

social network sa Pinas kasama ang multiply pero muli itong sinungkit ng Facebook. Mula sa Fortune

Magazine, sa ikaanim na taon ng Facebook noong 2010, ito na ang isa sa mga pinakamahalang internet

companies ngayon. At ang kasalukuyan nitong paglaki sa growth rate, linampasan na nito ang Yahoo at

naging third largest site on the net.

Dahil dito mabilis ang pag-unlad nga mga users ng facebook at nakakaenganyo pa ito sa iba na

gumawa rin ng kanilang sariling account. Ang mga features at ang pagiging user-friendly ng facebook ay

siyang dahilan kung bakit pati mga matatanda o maging mga musmus pa ang edad ay maaring gumamit

ng facebook. Masasaklaw na marami sa mga mag-aaral ay nabitag rin sa pag-open at pagpapalevel ng

mga appz nila sa facebook.

Isinagawa ang nasabing papel sa mga 1st year student dahil bilang mga baguhan sa isang State

University, hindi medaling makapag-adjust ang mga studyante dulot ng facebook sa mga pananahong

pag-open nito sa kanilang mga wi-fi ready notebooks, laptop o maging desktop computers sa mga internet

café.

You might also like